Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata Dalawa [3]

***

"HINDI MO NA BA talaga ako kakausapin Eurie?" tanong ng lalake sa kasagsagan ng kanilang paglalakad sa loob ng tahimik at malawak naa na gubat.

Sa gabay ng mga markang iniwan ni Lucas sa mga kahoy nang ihanda at ikabit nila ang mga surveillance cameras ay nagpatuloy lamang sa paglalakad si Eurie at binabalewala ang lalakeng nakasunod sa kaniya animo'y mag-isa lang siya. Nagbibingi-bingihan lang siya sa mga pahayag nito at pinilit ang sarili na huwag sagutin ang mga tanong nitong nambubuwisit sa kaniya, hangga't makakaya ay tatratuhin niya itong parang multo lang na umaaligid at hindi niya naririnig. Sa puntong ito na kasama talaga niya ang lalake ay walang ibang nakatatak sa kaniyang isipan kung hindi ang planong makakuha kaagad ng mga ebidensya o impormasyon nang sa gayon ay makauwi na rin siya at lulubayan na ng lalake.

"Eurie, iniwan ko na siya, nagkamali ako at inaamin ko yun." Wika ng lalake na ikinatigil na niya sa galit, "Heto na ako, bumabalik sa 'yo kasi mas mahal kita." Dagdag pa nito na mas lalong tumusta sa kaniyang pasensya.

At hindi na nga siya nakatiis pa at nanggigigil na nilingon ang lalake, "Alam mo?! Wala ka pa ring pinagkaiba no'ng araw na nahuli ko kayong magkasama, hanggang ngayon ay nakakasuka ka pa rin at hindi kapani-paniwala. Puwede ba Wreen tama na sa rason na nadala ka lang sa tukso? Tantanan mo na ako. Alam kong kahit ano pang sabihin mo ay hindi natin mababago na isa ka pa ring manloloko, nasa genes mo na 'yan. Nagawa mo na! Tapos na!" Asik niya rito upang tantanan na siya, "Oo Wreen, may karapatan ka na bigyan ng pangalawang pagkakataon...pero sadyang natatakot na ako, hanggang ngayon ay binabangungot pa rin ako sa 'king nakita kahit na gising na gising ang diwa ko. Karapatan kong mahanap ang taong mas higit pa kaysa sa 'yo, karapatan mo ring bitawan ako." Huling bagsak niya at tuluyan nang tinalikuran ang lalake.

Matapos ang usapan nilang dalawa ay hindi na ito nasundan pa, nanaig ang katahimikan sa paligid at tanging ang natural na huni ng kalikasan ang nangibabaw sa dalawa. Natuon ulit si Eurie sa trabaho samantalang tinanggap naman ni Wreen ang katotohanang isa lamang siyang anino ng babae at nagsisimula na itong kalimutan ang kaniyang presensya. Dahil wala na siyang magawa pa upang baguhin ang isipan ng babae ay umaktong propesyonal na lang siya at isinuko ang pag-asang magsasama pa sila gaya no'ng nakaraang. Tanging ang trabahong mayroon siya ang nag-iisa niyang dahilan na kakapitan upang masilayan lang ang babae sa araw-araw, ngayon ay naisip niyang mas maiging hindi sila nagkikibuan basta magkasama lang, kaysa sa nag-uusap pero purong pasakit naman ang kaniyang naririnig, kakayanin niya ito sa takot na baka tuluyan na siyang iiwanan at lulubayan nito.

Sa kabilang dako naman ay literal na uminit ang ulo ni Eurie at damang-dama niya ito na bumalot sa sariling buong mukha, inis na inis siya at ang galit niya ay hindi pa rin humuhupa dahil para sa kaniya ay hindi pa talaga niya nailalabas ang lahat at marami pa siyang gustong ibulyaw sa mukha ng lalake, sadyang wala pa siyang lakas at tapang upang sabihin ito. Upang dumistansya kay Wreen ay mas nilakihan pa niya ang hakbang habang tinatahak ang medyo malambot o maputik na lupa sa ilalim ng kakahuyan na tinatakpan ng mga tuyong dahon dahon. Sa bilis ng kaniyang lakad ay balewala ang kumakapit na putik at dahon dito, hanggang sa kalaunan ay namalayan na lang niyang nakarating na pala siya sa pinapakay na bahagi ng gubat. Nang makita niya ang camera na nakapako sa katawan ng kahoy ay agad siyang napatigil at nakiramdam sa paligid, mistulang tinangay naman ng malakas na hangin ang kaniyang galit at ngayon ay purong pangamba na ang kaniyang nadarama sa katotohanang dito nila huling namataan ang misteryosong lalake na maaaring ang salarin sa lahat ng krimeng kanilang gustong lutasin.

Habang inoobserbahan ang paligid ay napansin naman kaagad niya ang naiwang bakas ng kinaladkad na babae kanina, dali-dali niya itong nilapitan at saka maiging sinuri. Sa tsansang mayroon ay wala na siyang inaksaya pang oras at dali-dali hinugot mula sa bulsa ang sariling smartphone at kinunan ng larawan ang lahat ng anggulo ng bakas: magmula sa kinaladkad na katawan, at mga marka ng sapatos na bumaon sa medyo maputik na lupa. Balak pa sana niyang sundan ang bakas kung saan nagmumula at hanggang saan ito patungo pero alam niyang napakadelikado na nito, kung kaya't mas pinili na lang niyang manatili sa sakop ng surveillance cameras nang sa gayon ay makikita ni Lucas ang kaniyang ginagawa at mababalaan siya kung sakaling may 'di aasahang pangyayari.

Sa iilang minutong pag-oobserba niya sa bakas ay napansin kaagad niya na parang ang tahimik ng paligid, sa labis na pagtataka ay agad siyang napalingon upang tignan ito. At hindi nga siya nagkamali ng inisip, laking-dismaya niya nang malamang wala na si Wreen sa kaniyang likod o sa paligid, hindi na ito nakasunod pa sa kaniya at tuluyan na siyang iniwan. Pinairal na naman nito ang asal-hayop na umalis kaagad kapag nasasaktan o nadidismaya, daig pa ang babae kung umasta at wala tlagang pa-aatubiling iniwan siya. Pero gaya ng kaniyang sinabi ay wala na siyang pakialam pa rito, sa ginawa rin naman ng lalake ay nararapat lang na mahiya ito at magising sa katotohanan, kung kaya't ayos lang sa kaniya na mag-isa ngayon, basta't huwag na huwag nang magpapakita si Wreen sa kaniya dahil paniguradong makakatikim talaga ito.

Hinayaan na lang niya ito at saka muling ibinalik ang sariling atensyon sa mga bakas, nagpatuloy lamang siya sa pagkuha ng larawan nito at maiging pinagmasdan ang bawat anggulo at baka may maisip siyang bagay na makakatulong sa kaso. Kalaunan ay palipat-lipat na ang kaniyang tingin sa magkabilang direksyon ng drag marks, alam niyang delikado pero ang dinidikta ng kaniyang isipan ay sundan ang isa sa mga ito nang sa gayon ay mas marami pa ang kaniyang maiambag sa grupo. Nararapat sana na sila ni Wreen ang sabay na susunod sa bakas, ngunit ngayong iniwanan siya ng lalake ay mukhang mag-isa niyang tutuklasin ito.

At nakapagdesisyon na nga siya, pero nang akmang aalis na sana siya at susundan ang bakas ay biglang tumunog ang kaniyang smartphone, dali-dali niya itong tinignan at laking-pagtataka niya nang mabasa ang pangalan ng kanilang pinuno, kung kaya't agad niya itong sinagot at saka humarap sa surveillance camera.

"Bakit Lucas?" tanong niya rito.

"Nasaan si Wreen at bakit mag-isa ka lang diyan?"

"Umalis na, iniwanan niya na ako."

"Ano bang nangyari?"

"Nagalit ako sa kaniya at nagawa ko siyang bulyawan. At hindi ko na namalayan pa nang umalis siya at hindi na nagpapaalam sa 'kin."

"Eurie napakadelikado ngayon at mag-isa ka na lang."

"Pauwi na siguro riyan si Wreen, tignan mo na lang sa surveillance cameras at saka tawagan mo na pabalikin dito." Aniya sa lalake, "Nandito man siya o wala, aalis ako ngayon para tignan ito Lucas, nag-aabang sa kabilang dulo nito ang sagot."

"Hindi ka puwedeng umalis na walang kasama Eurie, patakran natin 'yan na dapat may kasama palagi."

"Sige na Lucas, balitaan mo na lang ako kung babalik ba siya rito." Huling pahayag niya at diretsong pinutol ang tawag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro