•MMP 11•
Dumaan ang linggo at araw ay naging maayos na ang kalagayan ni Nanay. Pinayagan na din sya ng doktor na makalabas. Wala kaming binayaran ni isang kusing dahil si Apollo ang nagbayad ng lahat ng gastusin. Ang alam ni nanay ay ginamit ko ang kaunting naipon namin at humingi ako ng tulong mula sa PCSO. Wala syang alam tungkol sa ginawang pagbayad ni Apollo sa operasyon nya. Ang tanging alam nya lang ay ang paghire ni Apollo ng nurse na magbabantay sa kanya.
Tinago ko naman mabuti ang kontratang binigay sa akin ni Apollo. Mahirap na at baka makita iyon ni Nanay. Baka tuluyan syang atakhin kapag nalaman nya ang totoong relasyon namin ni Apollo sa isa't isa. Ang alam nya lang ay magnobyo kami. Pinanindigan na namin ni Apollo ang ganoong relasyon sa harap ni Nanay.
Naging abala naman ako sa pag-aaral ko. I quit my part time jobs para matutukan ang pag-aaral ko at pag-aalaga kay Nanay. Kapag walang pasok ay paminsan-minsan ay pumupunta ako sa bahay nila Sir Apollo upang dalawin si Red. Hindi man ako professional therapist, at least matulungan ko man lang ito. Parang may kung anong bumubulong sa akin na tulungan ito. Hindi dahil naaawa ako kay Sir Apollo, kundi nakikita ko ang sarili ko kay Red.
Patuloy pa din ang pagpuna sa akin ni Majho kung bakit daw parang bumait na sa akin si Sir Apollo. Hindi na kasi ako nito sinisigawan kapag nagkakamali ako o di kaya hindi nakakasagot. Sa halip ay tinuturuan pa ako nito. Sinasabi ko na lang na baka nagbago ang ihip ng hangin. Kinakain tuloy ako ng konsensya ko dahil dalawang tao na ang pinagsisinungalingan ko. Ang Nanay at bestfriend ko.
"Alam mo Nazli, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na hindi ka na binubulyawan ni Sir Apollo. Ang weird."
Wika ni Majho sa akin habang kumakain kami ng kwek kwek sa cafeteria. Breaktime kasi noon at nakaugalian na naming kumain ng kwek kwek kapag walang klase o di kaya kapag tumatakas kami. Matagal na din naming hindi iyon nagagawa dahil nga busy na kami. Sa susunod na buwan ay magmamartsa na kami.
"Baka nahipan ng mabuting hangin?"
Pagsasakay ko sa kanya. Habang kumakain kami ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningan ko iyon. Apollo texted me.
"Sino yan?"
Bago pa makita ni Majho ang screen ng cellphone ko ay nailayo ko na iyon.
"Aba aba. Nagtatago ka na Nazli ah. Sino yan?"
Pag-uusisa ni Majho.
"Wala."
"Anong wala. Patingin ako."
Tumayo si Majho upang kunin ang cellphone ko. Naalarma naman ako. Kinuha ko ang gamit ko at tumakbo palayo kay Majho.
"Mamaya na lang Majho! Tatawagan kita!"
"Hoy Nazli! Saan ka pupunta?!"
"Basta! See yah!"
Tuluyan na ako nakalayo kay Majho. Tumigil ako sa pagtakbo. Hinihingal akong napaupo. Feeling ko sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Buti na lang hindi nakuha ni Majho ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at binuksan ang text ni Sir Apollo.
*Come to my office now. I have something important to talk to you.*
"Ano naman kaya iyon?"
Tanong ko sa sarili ko. Pinasok ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko at pumunta sa opisina ni Sir Apollo.
Katulad ng nakasanayan ay kumatok muna ako bago ako pumasok. I heard him saying 'come in'. Pinihit ko ang doorknob at pumasok. He was standing against the table.
"Lock the door."
Utos nya, sinunod ko naman iyon. Lumapit ako sa kanya.
"Anong problema?"
"Do you have passport?"
Tanong ni Sir Apollo sa akin.
"Ha? Bakit mo tinatanong?"
"We need to fly to Vegas next week."
"Eh? Bakit? Para saan?"
"To get married."
Seryosong wika sa akin ni Sir Apollo. Napakunot noo ako sa sinabi nya.
"Agad agad?"
"I'm sorry to say this Nazli but I don't have much time."
"Hindi ko pwedeng iwanan si Nanay ng mag-isa. Ngayon pang nagpapagaling sya."
"She can stay in my house with her nurse. Mas maalagaan sya doon at may makakasama sya."
"Seryoso ka ba?"
"I'm serious Nazli."
Namayani sa aming dalawa ang mahabang katahimikan. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong iwanan si Nanay dahil baka kung anong mangyari sa kanya habang wala ako.
"Pag-iisipan ko."
"Okay, I understand. Just please consider it. I badly need your help Nazli. Ayokong makuha nila si Red sa akin."
Batid ko ang pagmamakaawa ni Sir Apollo sa akin. Aminado akong naawa ako sa sitwasyon nya ngayon. Pero kailangan ko ding isipin ang kalagayan ni Nanay.
Pagkauwi ko ng bahay ay saktong nag-luluto si nanay ng hapunan namin. Wala na sa bahay nurse ni nanay. Malamang ay umuwi na din ito. Niyakap ko si nanay mula sa likod.
"Nay naman. Diba sabi ng doktor wag kayong magpapagod?"
"Hindi naman ako nagpapagod. Tsala ayoko lang ng wala akong ginagawa. Pakiramdam ko ay baldado ako. Teka nga pala. Kumusta na si Apollo? Hindi pa sya nabibisita dito sa atin."
"Marami lang hong trabaho si Apollo, Nay. Pero wag kayong mag-alala, papupuntahin ko sya dito sa atin."
"Gusto ko lang magpasalamat sa kanya. Nakakahiya at ikinuha pa nya ako ng nurse para lang may makasama ako dito sa bahay. Kaya ko naman eh."
Wika ni nanay at napahinto sa pagluluto. Tumikhim ako.
"Nay, may sasabihin po ako."
"Ano iyon anak?"
"Huwag sana kayong mabibigla."
"Ano iyon Nazli. Ako'y pinapakaba mo naman."
Magpapakasal na po kami ni Apollo.
"Gagraduate na po ako!"
"Ha?! Talaga?!"
Bulalas ni Nanay. Nagtatatalon si Nanay sa narinig mula sa akin. Niyakap naman nya ako sa sobrang tuwa.
"Nay, di na ako makahinga."
"Nako anak, proud na proud ako sayo. Hindi ko aakalain na makakagraduate ka."
"Nay naman, parang sinabi mo namang hindi ko kayang makagraduate."
Ngumuso ako. Well totoo naman eh, kung hindi ako pumayag sa alok ni Sir Apollo ay hindi ako makakagraduate.
"Eto naman. Hindi mabiro. Alam kong ayaw mo sa kurso mo anak, pero mas pinili mo pa din ito dahil ito ang gusto ng tatay mo."
Nangingilid ang mga luha ni Nanay. Kaagad ko iyong pinunasan.
"Nako, tama na ang drama nay. Di bagay sa atin."
"Oo nga. Ano ba yan."
Muli akong niyakap ni nanay. Para akong dinudurog ng konsensya ko habang niyayakap nya ako. Sorry nay. Sorry talaga.
Nang gabing iyon ay pinag-isipan kong mabuti kung papayag sa gusto ni Sir Apollo na magpakasal na kami alang-alang kay Red. Malaki na ang utang na loob ko kay Sir Apollo. Kung ito na ang panahon ng paniningil nya sa utang ko ay dapat siguro ay pumayag na ako. Gusto ko sanang humingi ng payo kay Majho pero hindi nga pala nya alam ang tungkol sa amin ni Sir Apollo.
Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi na ako nakatulog. Kaya naman para akong walking zombie kinaumagahan. Napuna naman iyon ni Nanay. Sabi ko na lang ay may pinanood akong kdrama. Parang buhay ko. Parang pang kdrama.
Bago pumasok ay sinaluhan ko muna si Nanay sa pagkain ng agahan. Maaga naman dumating ang nurse ni Nanay at ipinabilin ko na sya dito. Paglabas ko ng bahay ay isang pamilyar na sasakyan ang nakapark sa harap namin. Kung hindi ako nagkakamali ay sasakyan iyon ni Sir Apollo.
Tama nga ang hinala ko nang bumaba sya ng kotse. Nagsibulungan naman ang mga kapitbahay naming tsismosa. Kaagad ko syang nilapitan.
"Sir Apollo. Napunta kayo dito?"
"I need your answer now Nazli. Anytime ay pwede nilang kunin sa akin ang pamangkin ko. I desperately need you."
"Teka ano kasi. Si Nanay."
"I told you she can stay on my house."
"Pero--"
"Nazli sino iyang kausap mo?"
Bago pa ako makasagot ay lumabas na si nanay ng bahay.
"Apollo? Ikaw pala yan iho. Anong meron at naparine ka?"
"Tita pwede ko po ba kayong makausap?"
Napalingon ako kay Apollo. Teka anong plano neto?
"Aba syempre naman. Halika at pumasok ka."
Wika ni Nanay. Hinawakan ko sa braso si Sir Apollo.
"Anong sasabihin mo kay Nanay?"
"Don't worry Nazli, I will not tell her the real score between the two of us."
A/N: Hallooooo! Sorry kung natagalan ang update ko. Huhu! Nawalan kasi ako ng drive na magsulat. Huhu. Nakakaasar sobra. Pasensya na din kung paisa isa ung update ko. Tsuri na pu. Anyway, maraming salamat po sa mga nagbabasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Mataba na nga ako eh. Hahaha char. Labyu all!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro