Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XI

11.

Napaglapat ko nalang ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. What am I doing here? Kung hindi siya umaakto ng gan'yan, hindi ako pupunta rito. Isa pa, hindi ko rin naman maaatim na magpatuloy ang ganitong set-up namin. Siguro nga ay big deal sa kan'ya ang nagawa ko.

"You’re fine? How do you expect to get better if all you eat is stuff like these?" I said nonchalantly.

Hindi niya ako pinansin. I sighed. I reached out and felt his forehead, sobrang init niya. Tapos mukhang wala lang siyang pakialam. Nagagawa niya pang mag-computer at kumain ng junkfoods.

"Did you take your medicine, Eren?"

He groaned and turned his back on me. Hindi ko tuloy mapigilang mapakunot noo. "Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin?" Tanong ko na lamang ulit.

"I’ll be fine. I’ll just sleep it off," Mahinang sagot niya sa 'kin.

"Eren..."

Naiintindihan ko naman na tungkol 'to sa pesto chicken na ginawa niya para sa 'kin, pero ang hindi ko lang talaga makuha, ay 'yung ganitong akto niya. I already said sorry, una palang. And I know I have already explain my side too.

Pero dahil kailangan na naming magkaayos, tumabi nalang ako sa kan'ya at napasandal sa headboard ng kama.

"Bati na tayo, Eren... please?" mahinang sambit ko.

Hindi siya kumibo o kahit gumalaw man lang.

"If it’s because of the pesto... I’m sorry again. Hindi ko naman sinasadyang makalimutan noong P.E., saka kinabukasan, ‘di ba may nangyari sa akin? I got passed out, good thing Sage helped me." Paliwanag ko na sana ay intindihin na niya.

Sa totoo lang, ayoko nang ganito kami ni Eren. Hindi rin kasi ako sanay na nag-aaway kami. Pero bukod do'n, lamang ng dahilan ko ay si Sage.

I wanna give him my whole attention-- that for sure, I haven't done way back then.

"You made him a dessert?"

Napalingon ako sa kan'ya nang marinig ko siyang magtanong. About the oatmeal chocolate?

"I baked that oatmeal chocolate bar as a token of gratitude. Remember he helped me? He even took me home, he finished the assignment without my help. Sa tingin ko naman hindi masama ‘yung ginawa ko..."

After a moment of silence, he forced himself to sit. Kaagad ko siyang inalalayan. Tila nakakapaso pa nga ang mainit niyang balat. Sumandal ito sa headboard gaya ko.

Eren rested his one hand at the top of his head. He looked dazed and vulnerable. A drop of sweat trailed down his flushed cheek.

"I guess I just didn’t like the scene..." he whispered.

"Huh?"

'I guess' lang 'yong narinig ko pero hindi ko na naintindihan 'yung iba. Ang hina kasi ng boses niya dala ng sakit.

Umiling siya, "What was that taste like? We’ve been bestfriends for how many years but still, I had only tastes one of your desserts, it’s pudding, remember?" Then he turned, fixing his eyes on me.

My lips parted. Naaalala ko 'yung tinutukoy niya, nangyari 'yun after graduation ng senior high. Gumawa ako no'n dahil 'yun ang unang beses kong ma-achieve ang maganda at masarap na pudding-- gusto kong sila ni Dash ang unang makatikim.

Bahagya tuloy akong nahiya kay Eren. All he does was to made a healthy food just for me, madalas pa, nilulutuan niya kami ni Dash ng ibang putahe. Pero ako... isang beses ko lang siyang nabigyan ng gawa ko.

I'm a horrible person...

"Pero si Sage nagawan mo agad ng oatmeal chocolate bar... are we at the same level?" kumunot ang noo niya sa sariling tanong.

Tinatanong niya kung same level sila? Of course... not.

Dala ng mga sinabi niya ay napaharap agad ako sa kan'ya. I gave him a pleading look. "S-Sorry! Hindi ko alam na gan‘yan ka-lalim ng mga iniisip mo..."

"You don’t know because you’re into him?"

Natigil ako at napatitig sa kan'ya. What does he mean by that...?

"You guys just met. Don’t tell me you like him? Is it because he helped you? Or because of your dream?" then he went on, "Alam ko naman na hindi ka nagpahatid kay Dash kahapon. You declined that idea, right?"

I was caught off guard. I didn't know how to answer. Pero pinilit ko.

"Sinabi ni Dash...?"

"No. I saw you."

Dahil do'n, pakiramdam ko tuloy ang dami kong kasalanan sa kan'ya-- na ang iniisip lang naman niya ay ang kapakanan ko.

I didn't eat his pesto, I came home late-- making him feel worried, to think na masama pala ang pakiramdam niya that time, and now... 'yung pagtanggi ko kay Dash para lang sumama kay Sage.

I sighed resignedly. I really felt guilty, but I have a valid reason.

"I’m sorry... hindi ko alam kung maiintindihan mo pero totoo ‘yung sinabi ko sa ‘yo noong nakaraang araw. Sage and I have deep connections. Before he even appeared, I saw him already in my mind. ‘Di ba nakaramdam ako ng lungkot dahil sa panaginip na ‘yun? Because we’ve met a long time ago, na parang bumalik ang oras mula sa future papuntang past and now here I am, having my second chance, and met him again, alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng hayaan na mamatay siya ulit. Dahil gusto ko siyang makasama sa future, Eren." Buong pusong paliwanag ko.

Natulala lang siya habang nakalapat ang seryosong mata niya sa akin, tila hindi mahanap ang salitang bibigkasin.

Gusto ko sanang banggitin sa kan'ya ang tungkol sa natanggap kong letter, pero naisip ko rin, baka sobra-sobra na ang pumapasok sa isip niya. Mas mabuti siguro kung ilihim ko nalang 'yun.

Also, I know him, he is highly skeptical, even if that letter shows as proof.

"Until now you’re still telling me that crap, Sakura?" Malalim pero malumanay niyang tanong.

See? Hindi siya naniniwala sa gano'n. Kapag nakita niya 'yung letter, iisipin niya lang na may nanti-trip sa akin. He wouldn't believe such things.

"Baka nga nagkita na kayo dati, pero sa nakaraang buhay pa ‘yon. Sometimes, things like that can happen, Sakura. But we are not living in a fantasy world. So please?"

And he still insist that idea...

Umiwas ako ng tingin at dismayang napabuga sa hangin. No point on telling him that anymore. Bakit ko pa kasi nasabi-sabi na naman? Tsk.

"Whatever you say, Eren." Saka ko sinalubong ulit ang mata niya, "But I can assure you one thing."

"What? That you like---"

"That’s it, I love him. At siguro nga hindi kapani-paniwala ‘yung sinabi ko, pero wala e, gusto ko ‘yun panindigan. I want to save him, because I want to be with him." I pleaded, ending the conversation between us.

Tumayo ako at tumalikod sa kan'ya. I heaved a long and heavy sigh before walking to his drawer and get him some clean shirt.

Atleast... naging totoo ako kay Eren.

Pagkakuha ko ng malinis na shirt ay lumapit agad ako sa kan'ya at inabot 'yun para naman makapagpalit na siya. But I can see, he looks astound, staring at his blanket, there was an odd melancholy stirring his mood.

I hope he's not mad again... baka iniisip niya, na-inlove ako agad kay Sage dahil sa panaginip ko at sa tulong nito mismo.

"Eren..."

That snapped out of his deep reverie. His gaze shifted on me and sighed. Pilit itong ngumiti.

"R-Right. If that’s what you really feel. I... I’ll support you." Saka niya kinuha ang shirt sa kamay ko at basta nalang naghubad ng pang-itaas sa harapan ko.

Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang hinubad niyang shirt sa kamay nito, tinulungan ko na siyang punasan ang likuran niyang basang-basa ng pawis. Eren has such a nice body, hindi gano'n ka-laki ang katawan niya, pero hindi rin naman siya payat na payat.

"I’m sorry kung nabigla kita, Eren..." Sabi ko sa gitna ng katahimikan.

Akala ko ay hindi siya magsasalita, pero narinig ko siyang napangisi. "Wala ka na bang alam sabihin kundi sorry?"

I got a little abash by his words, "S-Sorry,"

He groaned, "Sorry na naman..."

Sinuot na niya ang damit at bumalik sa pagkakasandal sa headboard. "Are you really sorry?" tanong nito.

"Syempre! Ang dami kong nilabag sa ‘yo. Saka... nabigla kita sa sinabi ko kani---"

Pinutol niya agad 'yon. "Yeah, yeah, I know that already." He crossed his arms, "You know if you’re really apoligetic, there are many ways to prove it-- for you to not say sorry all the time."

Sandali pa akong napatitig sa kan'ya, iniisip kung anong ibig niyang sabihin. Pero biglang pumasok sa utak ko si Sage.

Right, I need Eren's support this coming weekend. Hope he's available.

"Alright. Magpagaling ka, tapos labas tayo bukas." I stated.

That made him snicker.

~ × ~

Buong gabi ko inasikaso si Eren sa bahay nila hanggang sa dumating ang parents nito. Pinakain ko siya ng masustansyang pagkain at gulay, pinainom ko rin ng gamot kasi hindi pa pala umiinom ng gamot 'yon simula nilagnat. Hindi kasi siya umiinom talaga ng gamot tuwing nagkakasakit, napilitan lang siya kagabi dahil sa sinabi kong lalabas kami.

As usual, sinundo pa rin ako ni Dash sa bahay kagaya ng gusto ni Eren. Samantalang absent ito kaninang umaga dahil umattend ng photoshoot para sa isang brand ng damit.

Imbes na magpahinga siya, nagtrabaho agad siya.

Nag-aalala rin ako ngayon. Hindi pumasok si Sage sa mga naunang subject kagaya ni Eren. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip.

Sumasagi sa isip ko 'yung mga lalaki no'ng nakaraan. Siguro 'yun ang dahilan kung bakit nitong mga nakaraang araw, nala-late at uma-absent siya. Pero sana ngayon ay pumasok siya, nag-aalala 'ko.

"Salamat, Sakura! Ikaw talaga ang best girl friend in the whole wide world!" Dash beamed as he took a bite on his salted caramel pudding that I gave him. "Ahhh... ang dami ko nang natikmang matatamis pero iba talaga paggawa mo."

Napatitig nalang ako sa dalawang lalagyan pa na nasa harapan ko. Isa para sa nagtampong si Eren, isa naman para sa wala pang si Sage.

Bawat pumapasok na tao sa classroom, sinusulyapan ko. Umaasang si Sage na 'yon. I really should've get his mobile number.

"Ibig sabihin bati na kayo ni Eren? O hindi pa kaya mo siya bibigyan ng pudding?" Biglang salita na naman ng kasama ko.

"Okay na kami, Dash."

"Ayun! Buti naman ‘no! Punta ako sa kanila sa sabado, punta ka tapos paluto ka naman ng sinigang na hipon do’n. Syempre, we need to celebrate our friendship, lalo na’t magkasundo na ulit kayo." Saka niya pa ako kinindatan. Napailing nalang ako sa mga sinasabi niya.

May pumasok na grupo ng mga lalaki sa classroom, 'yun 'yong mga nakakasama ni Sage lalo tuwing P.E., akala ko kasunod siyang papasok sa mga ito pero wala.

Napabuntong hininga ako nalang ako sa pag-aalala.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa pintuan. E ‘di ba papasok naman si Eren sabi mo? Kaya lang nakasalubong ko si Jeff kanina, may training daw sila mamayang 4pm."

Napatingin agad ako sa kan'ya. May training? Kakagaling lang niya sa lagnat ah?

"Hindi nabanggit sa ‘kin ni Eren kahapon pero... alam ba ng mga teammates niya na galing siya sa lagnat?" Tanong ko.

Hindi niya 'ko pinansin, parang batang sinimot-simot niya ang pinaglagyan ng pudding.

"Dash!"

"Sakura!"

Tinignan ko siya ng masama. Daldal ng daldal kanina tapos kapag tinanong mananahimik.

Sumandal siya sa upuan at hinimas pa ang tiyan, tila nabusog sa kinain. "Haayy, ang sarap. Ah, ‘yung tanong mo pala, ano nga ‘yon?"

Pinanliitan ko 'to ng mata.

He sheepishly laughed, "Oo masarap ‘yung pudding mo."

That's not even my question...

Bago pa 'ko makapagreact sa sinabi niya ay tumingin na siya sa pintuan at may tinuro. Ngumiti si Dash at agad binati ang nakita. "Idol Slade! Magandang tanghali kaibigan!"

My eyes fixed at Sage who's walking with a straight face. Nakapasok ang isang kamay niya sa bulsa ng pants at ang isa ay bitbit ang itim na body bag. Nang magtama ang paningin namin, doon lumabas ang ngiti ko.

I feel relieved to see him okay...

Pero 'yung mga ngiting 'yun ay kusa rin naglaho nang umupo na siya sa upuan niya. Doon ko lang napansin ng malapitan... mayro'n siyang sugat sa gilid ng kan'yang labi, halos magmukha itong sariwa dahil na rin sa kulay ng pasa nito.

"Sage, what happened to---" I spoke absentmindedly and dropped the words when he turned to me and cocked a smile, as if to say, 'I’m fine, dummy.'

What happened to him? Did those guys caught him? Ano ba talagang kasalanan ni Sage sa kanila?

Naikuyom ko ang kamao ko. Why do you have to be so private, Sage...?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro