Love, By
Hi! I published this last February 27, on my birthday, pero in-unpublish ko and here it is again! In-edit ko lang onti, ehe ehe.
❤ ❤ ❤
'Yung ballpen ko nawawala.
Tatlong beses ko nang hinalungkat ang bag ko pero wala. Kinapkap ko na rin ang ilalim ng desk ko pero waley rin.
"Ano ba naman 'yan," kamot ulo kong nilabas ang mga gamit sa bag. Again. Ako na lang natira sa classroom.
"May plano ka pa bang umuwi?" Tanong ni France na binalikan ako.
"At nasaang palapag kana noong nalaman mong hindi mo pala kasama best friend mo?" Tuloy lang ako sa paghahanap ng ballpen ko.
"3rd floor. Hanap mo?"
"Yung ano ko.. nawawala."
"Ah. Utak?"
I stopped rummaging my bag and looked at him blankly. He chortled.
Tinigil ko na lang ang paghahanap at niligpit ang mga gamit ko. Alam kong hindi ako titigilan ng isang 'to. Parang may curfew sa pag-uwi. Daig pa akong babae.
"Ang alam ko nilagay ko lang 'yon sa table natin."
France rolled his eyes. Issue ko pa rin kasi ang ballpen ko. Nakalabas na kami ng paaralan at naglalakad palabas sa may kalsada.
"For goodness sake, LJ. Ballpen lang 'yun. Kung problemahin mo parang cellphone mo ang nawawala."
I pouted. Maganda kasi talagang panulat 'yon eh. Tapos 11 pesos lang. Sana pala dinamihan ko ng bili.
"Sa Espressions ko lang nakikita 'yon eh. Ang pinakamalapit na Espressions dito is 30 minutes bus ride pa."
Napabuntong-hininga na lang si France sa'kin. "Bumili kana lang muna ng ibang brand."
"Ayoko."
"Then, I'll lend you mine for the mean time."
"Ayoko rin," his forehead creased with my reply. "Eh ang mahal mahal ng mga ballpen mo!"
"So?"
"Nakakakonsensya gamitin."
"And?"
"Ewan ko sa'yo."
"It's not like it's yours."
"Nyanyanya--" bigla niya akong binatukan. "Aray, besh!"
"Bukas mo lang naman gagamitin. Malapit na ang Saturday. Makakabili kana sa Espressions."
Nakarating kami sa labas ng kalsada. Sinamahan ko muna siyang maghintay ng bus niya pauwi. My house is only a walk away from school. Habang ang kay France ay 15 minutes bus ride pa.
"Samahan mo 'ko?"
Nanatili siyang nakatingin sa kalsada.
"Please?" Pinagsalikop ko ang mga palad at pinakita sa kanya ang nakakaawa kong mukha.
He glanced at me. Once again, napabuntong-hininga best friend ko.
"11 sharp."
"Yes!" I fisted in the air. Timing namang may humintong bus.
Kumaway kami sa isa't isa saka hinayaan ko siyang umakyat.
"Don't worry, Besh! I'm sure maraming gwapo dun!"
Nilingon niya ako at nabasa ko ang bigkas ng bibig niya: 'gaga'.
Tumawid na ako para makauwi ng natatawa.
❤ ❤ ❤
We exited the store empty-handed.
Out of stock 'yung ballpen.
France glanced at my face. Inaabangan ata ang reaksyon ko. Tiningala ko siya dahil sa tangkad niya at tinanaw ang food court. Bigla kong hinatak ang sleeve ng damit niya.
"Tara, kain. Gutom na ako."
Hinintay muna naming matapos ang mag-inang kumakain sa 2-seater at saka umupo doon. Usually siya ang umoorder ng pagkain kaya nagtaka ako ng umupo rin siya sa harapan ko.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
"Hindi. Gutom na ako."
"No, I meant the pen," he rolled his eyes.
"Yeah?" I shrugged na nagpataas ng kilay niya. "Eh sabi mo nga 'diba, ballpen lang 'yon."
"Pero nung isang araw--ugh. Ewan," I chuckled. He seemed frustrated. "You know what? I can never understand you."
"Yeah, yeah. Umorder kana nga."
He then went straight to the counter and came back later with 2 chicken and rice meals, both sided with extra large fries, a burger and a soup.
Yhup. Hindi kami gutom.
Inayos na namin sa lamesa ang mga pagkain. Nilagay niya ang soup sa gilid ko. I narrowed my eyes and grinned at him.
"You know what, I think you do understand me. How come you knew I was craving for macaroni soup?"
He grinned back at nagsimula na kaming kumain.
When something, or someone rather, caught my attention, I kicked his shoes under the table. Nakakunot ang noo niyang tumingin sa'kin. Nginuso ko ang direksyon ng lalaking nasa counter.
"Blue shirt," sinundan niya ang tingin ko. Then he looked back at me. I wiggled my eyebrows. "Gwapo."
Pinatirik niya ang mata at kumagat sa burger niya.
"Mas gwapo 'yung naka-black."
"Asan?" Hinanap ko sa counter ang gwapong naka-black daw.
"Besh, andaming naka-black!"
Tumawa siya kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. Then I realized the color of his shirt.
"Really, Bes?" He's wearing a black shirt with a lion printed at the center.
"Ikaw at ang mga gwapo mo. Ayon sa likod mo may gwapo."
This time, hindi ko na siya pinaniwalaan at nagpatuloy sa pagkain.
"Ooh. Someone decided to be straight for once."
Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Nasundan 'yon ng mga tawanan.
"Oh wait. This is more like a girly get-together."
Tumingin ako kay France. Tuloy lang siya sa pagkain at parang walang narinig. Nanatili siyang nakayuko.
"Hey, LJ," tumigil siya sandali sa harap ng table namin at ngumisi. Sa likod niya nakasunod ang barkada niya siguro.
I faked a smile.
Dating barkada 'to ni France at dahilan kung bakit siya lumipat sa school ko last year. Kilala ko na siya dahil everytime makikita niya si France ay abot langit ang kutya nito sa best friend ko. Gwapo nga, oo. Saksakan naman sa pangit ang ugali.
When the jerk was about to shoot another insult at my beloved best friend, inunahan ko na siyang magsalita.
"By, tapos na ako. Hatid mo na ako pauwi?"
Halatang natigilan sila sa sinabi ko. Kahit si France. I rose from my seat and gave the jerk a smile before dragging France away.
"Did you just..."
"Save your ass? Yes."
Unti-unti siyang napangiti. They might think I just called him Baby. Pero tinawag ko lang naman siya sa pangalan niya. France Jabie. 'By' for short.
"The best ka talaga, gurl!"
❤ ❤ ❤
"Pwedeng umabsent na lang bukas?"
Nakahiga si France sa tatlong pinagdugtong na upuan habang nagpapatulong ako sa kanyang gumawa ng assignment. Konti lang kami ngayon sa room dahil ang iba ay nagpa-practice ng intermission number ng section namin para bukas. Today is Thursday, 13th of February. May program dito sa school bukas dahil Valentine's Day.
"Technically, wala naman talagang pasok. But may checking of attendance," he groaned dahil sa sinabi ko.
Ever since he transferred here, naging suki na siya ng mga pakulo kada Heart's Day ng school. Love arrest, blind date, you name it. And he always, as in always, declined those girls with his diring-diri face habang nagtatago sa likod ko. Wala eh. Ang gwapong bakla.
"Done!" Nilagay ko sa mukha niya ang papel ko. He read it for a while before shoving it back to me.
"Dugtungan mo pa."
"Ha? Okay na 'yan!"
"Kulang. Grade 12 na tayo pero pang Grade 7 pa rin kaikli gawa mo. 'Wag kang magtipid ng tinta."
"Eh. Ang mahal kasi ng ballpen mo eh."
He let out an exasperated sigh. "Seriously. What am I to do with you, Love Jane."
I cringe when he called my name.
"LJ would suffice," I murmured. Nagpatuloy na lang ako sa pagsulat kaso nagkamali ako. "Waaaah! France Jabie!"
Sinamaan niya ako ng tingin ng tinawag ko rin siya sa pangalan niya. I grinned at him.
"Nagkamali ako. Sayang ang 74 pesos mong ballpen," ngumuso ako. "Kaya ayokong gamitin 'to eh. Nakakakonsensya. Asan ba 'yung ballpen ko kapag kelangan. Waaaaaaah."
Labag sa loob siyang bumangon at hinanap ang kanyang eraser tape sa bulsa ng bag niya.
"Siguro ipapa-lost and found ko na lang 'no? Tapos kung sino makakita ide-date ko bukas sa Heart Dance."
Natigilan si France sa paghahanap ng eraser tape at tinaasan ako ng kilay. Unti-unti niyang hinugot ang kanyang kamay sa bag.
At 'yon ang dahilan kung bakit siya ang date ko ngayon sa Heart Dance.
Narinig ng mga kaklase namin ang sinabi ko at saksi rin sila sa pagkakahanap ni France ng ballpen ko. Saan niya nahanap? Sa loob ng bag niya.
"Nawala ang ballpen kong nilagay ko lang sa desk natin. Katabi kita. Kaya malamang ikaw talaga ang kumuha."
"I told you. Hindi ko sadya," he defended for the nth time.
On-going ang program at nagsisimula na ang mga pakulo ng school ngayong Valentine's Day.
"But this is great actually. Walang nagtatangkang lumapit sa'kin ngayong alam nilang ikaw ang date ko," tuwang-tuwa ang bakla.
May dadakip sana sa'kin kanina para sa love arrest. Go with the flow lang naman ako eh. Kaso biglang umepal si France.
"Love, saan ka pupunta?" 'Di ko alam pero mas lumalim ang boses niya noong sinabi niya 'yon.
Natigilan ako at ang mga dadakip sana sa'kin. Parang naulit ang scene noon sa food court.
Ayon, humingi na lang sila ng patawad at umalis. Akala ata jowa ko 'tong baklang 'to eh tinawag lang naman niya ako sa pangalan ko.
The news spread like wildfire thanks to that at sa mga kaklase na rin naming nandoon sa room kahapon. Kesyo mag-on na daw ang man-hater at ang bakla nila.
Oh edi wow mga sissy.
Tumingin ako kay France habang busy siya sa panonood ng mga intermission numbers sa stage.
Ang gwapong bakla. Kung hindi lang sana bakla 'to--
Nagulat ako ng tumingin siya sa gawi ko, catching my stares.
He smiled at me. "Sayaw tayo?"
Inalalayan niya ako papuntang gitna. Nagsimulang tumugtog ang banda sa stage ng Heaven Knows. Nilagay niya ang mga kamay ko sa kanyang balikat saka niya ako hinawakan sa baywang.
"Hijo, ikaw ba'y lalaki ngayon?" I arched my eyebrow and grinned.
Nginitian niya ako at umiwas ng tingin. Ilang sandali pa'y nagsalita siya.
"LJ, hindi ako bakla."
"Hm?" Ngumiti ako sa kanya at nilapit ang tenga dahil baka namali lang ako ng pagkakarinig. Pero nanatiling seryoso ang mukha niya.
Nawala ang ngiti ko. Padilim na dahil quarter to six na rin naman. Rinig rin sa buong campus and tugtog ng banda. But I can literally see his ears turning red and hear my heart racing.
"Ha?" Nabibingi ba ako? Mali pa pagkakarinig ko?
"I never confirmed it to you, afraid you'll stop hanging out with me kasi nga daw sabi ng mga kaklase natin, man-hater ka."
To be honest, sinabi ko lang 'yon para tigilan ako ng mga lalaki noong junior high school. Sineryoso naman nila.
"Uh, yes you did. 'Yung kwento mo tungkol sa barkada mo sa dati mong school. He was bullying you, right? Dahil ganyan ka, kaya ka nga lumipat dito."
He sighed. "Feminine. But I never said I'm gay."
Oh. We continued swaying slowly to the music.
"You were the first person who talked to me when I moved here. You never judged me or forced me to spill my deal. Hinintay mong ako mismo ang magkwento sa'yo ng kusa. Kaya pinanindigan ko na ang pagbabakla-baklaan... p-para mapalapit sa'yo."
May mga times naman talagang napapansin ko ang gawing lalaki niya. He dressed like a guy and acted like a guy. But I thought he was only putting an act para hindi siya paghinalaang bakla.
"So, this is basically your confession. Na..gusto mo ako."
He rolled his eyes. "Gusto talagang idiin eh 'no?"
Ngumiti ako. Pero agad siyang hinampas.
"Ow! Wha--"
"Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
"Like I said, I was afraid you'll stop hanging--"
"Aba, ano 'to? Wala kang tiwala sa'kin? Ano pang best friend mo ako?!"
"Chill, Love."
"Chill? Anong chill? Anong 'Love'? Hoy porket crush rin kita tatawagin mo na akong Love?"
France pursed his lips to stop his smile. Then I realized that I just confessed my feelings too and that my voice was too loud that everyone's looking at us now.
"Shit," I murmured and buried my face on his chest.
Humalakhak siya at niyakap ako. We're still slowly swaying to the music.
"By?" I called him.
"Love?" He called back.
We both cringe at sabay napatawa.
"So ano 'to? Tayo na?" Tanong ko sa kanya.
"Ligawan mo muna ako."
"Hoy! Ako 'yong babae dito!"
"Edi ako ang manliligaw."
Napangiti ako. "Totoo?"
Tinitigan niya ako sa mata bago tumango.
I encircled my arms around his neck. Nakayakap na rin ang mga braso niya sa baywang ko.
"France?" Napa-hmm siya sa'kin. "Walang magbabago?"
Humigpit ang yakap niya sa'kin.
"Wala."
❤ ❤ ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro