Chapter 8
Read this story now Completed part 1 and part 2 on my Patreon creator page Rej Martinez and Patrons Facebook group. To join please message me on Facebook Rej Martinez. Thank you for your support!
Chapter 8
Nayon
Sa mahabang panahon ay nakuntento naman ako sa buhay na mayroon ang pamilya ko sa nayon. In fact, I loved the simplicity of my life. I never thought that one day I would wish for a different life... Because I fell in love with Zadkiel Graciano...
Pagkatapos ng lahat ng pag-iwas ko ay kinausap ko na rin si Kaizen. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ito maitatago kay Kiel... At na realize ko na gusto ko rin palang malaman ang nakaraan ni Kiel... O ang buhay na mayroon siya bago pa man siya napadpad dito sa San Carlos...
"He's the CEO of his family's company... Matagal na siyang nawawala and his company needs him... We were all worried of him..." marahang sinabi sa akin ni Kaizen.
Nagkatinginan kami. We had the chance to talk habang nagliligpit na sina tiyay ng mga paninda namin itong hapon at uuwi na kami sa nayon. Hindi na nga sana ako sasama pa sa pagtitinda rito ng mga gulay namin gaya ng sinabi ko noong nakaraan kay tiyay pero nagsabi si Kiel na siya naman daw ang sasama at tutulong sa kanila kaya sobrang kinabahan ako at hindi ko na tinuloy ang hindi pagsama.
"Bakit inisip mo na may alam ako tungkol...sa kaibigan mo..." Nagbuntong-hininga ako.
"Because of the way how you acted even when the first time I asked you about him... I knew you knew something..."
Muli kaming seryosong nagkatinginan sa isa't isa.
Umawang ang labi ko pero hindi agad ako nakapagsalita. Ano ba ang dapat kong sabihin...? Dapat ko na bang sabihin ang totoo... At paano kami ni Kiel? Ano ang mangyayari sa amin ni Dahlia...
Mas malaki ang takot ko kaysa pagsasabi ng totoo... Kaya hindi ko agad nasabi sa kay Kiel...
I wished that I could equal Kiel's life in the city... Parang hindi na nga rin ako nagulat na galing pala talaga siya sa isang mayamang pamilya at may malaking kompanya pa. Kahit nga sa simpleng pananamit lang niya ngayon sa amin sa nayon ay parang masasabi at makikita pa rin na iba siya sa amin ng mga ka nayon ko...
Kahit si Kaizen na kaibigan ni Kiel ay halatang galing din sa mayamang pamilya... I just realized that Kiel's real life was very different from mine...
Pero isang umaga na medyo nahuli na ako ng gising, gising na ako pero parang nasa mundo pa rin ako ng mga panaginip. At hindi magandang panaginip. Everything that followed and happened that day was like a nightmare to me...
Maaga pa nang pumunta si Kiel sa bayan at hindi ko na nalaman dahil ayaw na siguro niya akong gisingin sa mahimbing ko pang pagtulog... Sumama na siya kanila Tiyoy na magbaba at maghatid ng mga paninda naming gulay sa palengke sa bayan... And that's when he finally met Kaizen there...
Hindi agad nakauwi sa amin ni Dahlia si Kiel nang araw na iyon... At nang makabalik siya kinagabihan ay parang naging ibang tao na siya... Parang hindi ko na siya nakilala pa...
He confronted me right away when he got home to us... Galit si Kiel at noon ko pa lang yata siya nakitang magalit... At sa totoo lang ay natakot din ako sa kaniya nang mga panahong iyon na kinokompronta na niya ako sa nagawa ko...
Hindi ko alam kung naaalala na ba niya ang nakaraan niya dahil kay Kaizen... Pero pakiramdam ko ay parang may nag-iba na talaga sa kaniya...
"Kiel, hindi ko s-sinasadya... Natakot lang ako na baka iwan mo nga kami ni Dahlia at sumama ka na sa kaibigan mo—"
"And what do you want? For me to just stay here and remain ignorant of my past?" galit niyang balik sa akin.
Napapikit ako...
"Kiel... Kiel, saan ka pupunta gabing gabi na—"
"Don't touch me!" pag-aalis niya sa subok kong hawak sa kamay niya...
Umiiyak na ako habang pinipigilan siyang huwag umalis. Ayaw kong iwan niya kami ni Dahlia. "Kiel..." I begged.
"You lied to me! You made me a fool!" He shouted at me.
Umiiyak akong umiling at nagbaba ng tingin. "Hindi, Kiel... Patawarin mo ako—"
"Let go of me before I could raise a hand at you." He dangerously said.
Nabitiwan ko ang braso niya. For a moment I thought he wasn't Kiel anymore, my husband. I thought that he became a different person...
Muli niya akong tinalikuran at tuloy-tuloy lang siyang umalis...
"Kiel..." While I was left standing alone there in the dark crying after begging him to stay despite I lied to him...na hindi ko rin naman sinasadya...
Hindi ko sinasadyang magsinungaling sa kaniya o ang hindi pagsasabi ng totoo... Natakot lang naman ako... Takot na takot, at dumating na nga ang kinatatakutan ko... Iniwan na kami ni Dahlia ni Kiel...
And when he went back he only wanted to take Dahlia with him... He was still mad at me... At sa nakikita kong parang hindi niya pa ako mapapatawad na sa nagawa ko...
Years after what happened... I realized that what Kiel did to me was too much. At siguro nga ay hindi ko pa naman talaga siya totoong nakilala. He was different when we met... And then got married... Ibang-iba siya kumpara noong nalaman na niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya mula kay Kaizen... But I couldn't fully understand his anger... Ganoon ba talaga ang magiging reaksyon niya? At parang nakalimutan na lang din niya na sinabi niyang mahal niya ako kaya nga niya ako pinakasalan, at na hindi niya raw ako sasaktan...
Pero pagkatapos ng lahat ay siya lang din ang nakapanakit sa akin nang sobra...
San Carlos is one of the cities in the province of Negros Occidental. Marami na rin pala ang nagbago at improvements sa lugar na ito kumpara noong nandito pa ako at bago ako nakaalis... Pero sa mga bundok pa kami ng San Carlos nakatira kaya roon na ako agad nagtungo nang makarating sa San Carlos City.
Hindi ko pa alam ang dadatnan ko roon. Pwede rin naman akong manghingi ng tuloy kay Kaizen, pero ayaw ko na ring siyang abalahin pa lalo at uuwi siya sa pamilya niya sa Japan. I just want him to enjoy his time with his family, too.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa nayon sa mga nakalipas na taon... And I went home here alone. Kahit ilang taon na ay parang kabisado ko pa rin naman ang lugar namin. At nararamdaman ko pang malapit na akong makarating sa nayon na kinalakihan ko...
And I was surprised with what welcomed me... Umiyak na lang ako habang niyayakap ako ni Tiyay Carlota. I'm so glad that she's fine. That they're all okay after all these years. Maging si Tiyoy Carlos, he looked healthy up to this age. When I looked at both of them, I can say that they aged but aged well... Nakakatuwa na ganito ang nadatnan ko rito sa lugar namin... When I also kind of expected the worst...
Siguro ay dahil na rin sa pinagdaanan ko kaya palagi na lang akong nag-iisip ng masama, o hindi ko magawang mag-expect palagi ng mas magagandang bagay o pangyayari...
"Ano ba ang nangyari sa iyo, Ada? Sobra sobra ang pag-aalala namin sa iyo!" Tiyay Carlota kept on crying.
Umiiyak din ako habang humihingi rin ako ng tawad sa kanila ni tiyoy.
"Basta ang mahalaga ay nandito ka na ngayon! Hindi sumusuko si Kiel sa pagsusubok na mahanap ka! Kahit nahirapan din kami dahil wala na naman kaming alam na kakilala mo pa at kung saan ka hahanapin..."
"At si Dahlia! Ang laki na ng anak mo, Ada!"
Hindi ko na halos masundan ang mga sinasabi ni tiyay. Nagtagal pa sa isipan ko ang pagbanggit niya sa pangalan ni Kiel... Pero agad din rumihistro sa utak ko ang pagbanggit din sa anak ko kaya doon na natuon ang atensyon ko. "K-Kumusta po si Dahlia, tiyay? Ano na po ang nangyari sa anak ko? Ayos lang ba siya?" sunudsunod kong tanong kay tiyay tungkol sa anak ko.
May luha pa rin sa mga mata ni tiyay nang tumango siya sa akin. "Ayos lang si Dahlia. Sa Maynila pa rin siya nakatira kasama si Kiel..." Sinubukang ngumiti sa akin ni tiyay. "Ang gandang bata ng anak mo, Ada. At ang talino pa! Palagi nga raw matataas ang mga nakukuha niyang test scores sa eskwela!"
Sa kabila ng lahat ay napangiti pa rin ako sa sinabi ni tiyay dahil sa anak ko... I want to see my daughter now. I want to meet Dahlia right away. Sobrang tagal na naming hindi nagkita... Naaalala pa niya kaya ako... Sana ay hindi nagtampo sa akin ang anak ko... Dahil mahal na mahal ko siya. At walang araw na hindi ko iniiyakan ang pagkakawalay namin sa isa't isa...
That night I rested in our more comfortable and bigger home. Nakapag-asawa na rin pala si Tiyoy Carlos kahit medyo may edad na rin sila ng napangasawa niya. Nakilala niya raw pala noon sa bayan. Habang pinili rin ng mag-asawa na manatili pa rin dito sa bahay sa kanila si Tiyay Carlota na nakababata namang kapatid ni tiyoy. Hindi na rin sila nagkaanak pa kaya sina tiyay at ang asawa lang din ni tiyoy ang nagkakasundo rito sa bahay. And now I stayed here and slept beside Tiyay Carlota. Napagod pa rin ako sa biyahe kaya siguro hindi na rin muna ako tinanong pa nang tinanong ni tiyay at hinayaan na lang muna akong makpagpahinga ngayong gabi.
I noticed changes in our village. Kung noon ay wala kaming kuryente rito sa lugar namin ngayon ay mayroon na. Naging mas concrete na rin ang mga bahay dito... Kinabukasan ay nakita kong nagtatanim pa rin naman ang mga ka nayon ko rito sa amin. Mukhang iyon pa rin naman ang pinagkukuhanan nila ng pang-araw araw na pangangailangan ng mga pamilya nila... Pero napansin ko rin na may mga nagagamit na silang sasakyan dito o truck na nakita ko ngang pinaglalagyan na nina tiyoy ng mga bagong harvest na gulay at mukhang dadalhin na nila sa bayan...
"Ano po...pala ang nangyari rito, tiyay..."
Ngumiti naman sa akin si tiyay bago sumagot. "Gawa itong lahat ni Kiel." She said that made me shut my lips. "Dumating din kasi ang panahon noon na nahirapan din kami rito sa nayon... At pinapaalis pa kami ng nagpakilalang may-ari ng lupa... At sakto naman na bumalik dito noon si Kiel!" Tiyay smiled like she was really grateful to Kiel. I remained quiet. And just let her talk... "Si Kiel ang tumulong sa amin na mapasaatin na itong lupa, Ada. At ginawan din niya ng paraan sa mga nakalipas na taon ang iba pang mga bagay kagaya na lang nitong pagkakaroon na ngayon ng kuryente rito sa lugar natin." ngiti pa ni tiyay.
"At madalas niya rin dalhin dito si Dahlia para makita rin namin ang anak mo, Ada! Kapag wala lang naman pasok sa iskul si Dahlia ay sinasama niya rito sa San Carlos ang bata at binibisita rin kami nila rito."
"Ah..." Parang hindi ko alam ang sunod na sasabihin...
Nanatili ang tingin sa akin ni tiyay. Bago siya nagsimulang tanungin na nga ako. "Ano ba talaga ang nangyari sa 'yo, Ada?" She worriedly asked me. "Nag-alala kami sa 'yo nang husto..."
And before I could speak a single word, may narinig na kaming dumating na sasakyan... We were just in front of the house now as I try to help tiyay with her errands early in the morning, gaya ng pagwawalis rito sa bakuran. Alam ko pa rin naman ang mga gawain dito sa nayon at pamilyar pa rin ako.
The big car just parked outside our short gate... Hindi ko na naalis ang mata ko roon hanggang sa rumihistro sa akin kung sino ang lumabas ng sasakyan...
Pakiramdam ko ay bumigat ang ulo ko... At biglang naninikip na agad ang dibdib ko. Parang nanlalabo rin ang mga mata ko... Pero luminaw pa rin sa paningin ko na si Kiel ang dumating...
Para akong nanlamig. At pakiramdam ko ay nabibingi ako dahil hindi ko na halos marinig si tiyay kahit nasa tabi ko lang siya at mukhang kinakausap pa ako... Para akong matutumba ngayon dito sa kinatatayuan ko...
Until I blinked my eyes and my vision caught the next person who went out of the car... She's bigger now... But I knew that it was my daughter, Dahlia.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro