Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15 - Party


Love and Lust

~

“KUMUSTA ang naging usapan niyo? Is he rude and disrespectful? Sabihin mo lang Fia. Ayaw kong naiipit ka sa ganitong sitwasyon. Hell! Ni ayaw kong maikasal ka sa isang Heluxus!”

Nilapitan ni Fia ang Tiyohin niya. Alam niyang alalang alala ito sa kanya kaya ito nagkakaganito. Pero kailangan niyang siguradohin dito na ayos lang siya. Tutal ay mukhang disente at mabait naman si George Azil, ayos na rin iyon.

Isa pa, gaya nga ng sinabi niya, ito na lang ang natitirang paraan para maisalba ang Ai's na taon na ring pinaghirapan ng Tito niya. Hindi naman siguro masama kung isasakripisyo niya ang sarili niya para naman ito sa taong nag alaga at nagpalaki sa kanya.

Hinarap niya ang tito niya. “Ayos naman po, Uncle. Isasama niya po ako bukas sa Anniversary party ng parents niya. Sasabay na ho ba kayo sa amin?” paninigurado niya.

Nag iwas ito ng tingin. “H-hindi ako a-attend.”

“Bakit naman ho?” takhang tanong niya. “Mas maganda po na nandon kayo Tito. Isa pa, minamadali na ni Mrs. Heluxus iyong kasal namin ni Azil, ang gusto nila ganapin na 'yon next month.” aniya habang inaayos ang mga libro niya.

“Wala ka bang boyfriend, anak?”

Natigilan siya bigla sa narinig. Binitawan niya ang hawak na libro at saka ngumiti ng mapait pero hindi niya iyon pinahalata sa tiyuhin niya.

Ngumiti siya rito. “Hindi naman po iyon mahalaga Tito, maisalba ko lang ang Ai's okay na po ako.”

“Pero Fia—”

“Wala po akong boyfriend.” sansala niya sa sasabihin nito. Inabala na niyang muli ang sarili. “Okay lang po ako kung ako ang inaalala niyo, Tito. Isa pa, sinabi ko naman ho na malay natin magkagustohan kami ni Azil.”

Napabuntong hininga na lang ito. “Para kasing binebenta kita, anak. Hindi naman dapat ikaw ang namo-mroblema nito Fia, dapat ako ang gumagawa ng paraan hindi iyong ganito.” napaluha ito.

Tila hinaplos naman ang puso ni Fia. Nilapitan niya ang tiyuhin at niyakap niya ito ng mahigpit.

“Okay lang po ako,” bumitiw siya sa pagkakayakap rito. “Kayo ho? Bakit hindi po kayo a-attend sa party nina Mr. and Mrs. Heluxus?”

Namutla ito sa tanong niya, bigla namang nagtaka si Fia. May iniiwasan bang makuta ang tiyohin niya kaya ito nagkakaganito ngayon or talagang ayaw lang nitong nakikita siyang nasa ganitong sitwasyon.

Hinaplos niya ito sa balikat. “Okay lang ho Tito kung gusto niyong magpahinga. Ako nalang po ang pupunta.” aniya.

Hindi na umimik ang Tito niya at lumabas na ito ng kanyang silid. Pabagsak na naupo siya sa kama. Oh, God! Kaya pa ni Fia. Kinakaya niya pa ang mga nangyayari sa kanya.

Dumapo ang kanyang palad sa sinapupunan niya. Yes, nagdadalang tao siya at si C.A ang ama. Noong isang araw niya lang din nalaman dahil delayed na siya ng ilang araw. Doon na siya kinabahan kaya gumamit na siya ng pregnancy test kit. Kahit na kabadong kabado siya, umasa siyang negative ang magiging resulta niyon. Kaya lang hindi e! Bakit ba kasi kinalimutan niyang uminom ng pills nung nasa Ilocos sila ni C.A, hayan tuloy, nadale siya. 

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Goodness! Hindi niya pa nasasabi ang tungkol dito kay Azil. Sana lang talaga ay maintindihan ito ng binata.

Bandang alas tres ng hapon ng mapagdesisyonan ni Fia na pumunta sa isang beauty parlor. Nakakahiya naman kasing humarap sa mga mayayamang Heluxus gayong napaka-simple niya. Kailangan niyang umayon sa mga nakagisnan nito at maging sopistikada. Pisikal na anyo lang naman niya ang babaguhin niya. 

Sinalubong siya noong magandang babae sa loob ng parlor.

“Hello ma'am, how may I help you?!” tanong nito.

Ngumiti siya rito. “Hair cut.”

I like your long hair, babe.

Iwinaksi niya iyon sa isipin. Stop thinking of him Fia! Hindi na ito nakakabuti sayo. God!

Inalalayan na siya ng mga beautician. Gusto pa sana niyang magpakulay ng buhok kaso naalala niyang bawal iyon dahil nagdadalang tao siya. Baka mapano pa iyong bata sa sinapupunan niya. 

Wala naman siyang balak na ipaako ang batang dinadala niya kay Azil, kung sakaling umurong ito sa kasal dahil sa magiging anak nila ni C.A, ayos lang pero makikiusap pa rin siyang tulongan ng mga ito ang Tito niya para makabangon ang Ai's. 

Alam niyang mahirap itong pinasukan niya pero kailangan. Hindi naman pwedeng parati nalang siyang umaasa sa pagmamahal niya kay C.A.

Siguro nga ay tapos na ang mga pahina para sa kanila ni C.A. Siguro nga ay isa lamang siya sa mga balakid sa perpektong pagmamahalan nina Hyana Samonte at ni C.A.

Siguro nga hanggang dito na lang.

She's not sure what's worse, missing him or the fact that there's nothing she can do about it.

“Ayan ma'am, okay na ho.” sabi noong hairstylist.

Tinitigan niya ang sarili niya sa salamin. Wala na ang mahabang buhok niya. Hanggang balikat na lamang iyon at bumagay sa bilogan niyang mukha. Wala na iyong mahabang buhok niya.

She smiled. This is the new her.




“SHORT hair suit you huh.” Kumento ni Azil sa kanya nang sundoin siya nito para sa wedding anniversary ng mga magulang nito sa Heluxus Hotel.

Ngumiti siya rito. “Thank you.”

Bumaba ang tingin niya sa suot nitong tie, terno ito sa suot niyang kulay maroon na dress. Angat na angat tuloy ang maputi niyang balat dahil sa dark color ng dress niya. 

“Shall we?” he asked as he places her arm around his.

Hindi na sila nakapag paalam pa sa Tito niya dahil hindi naman ito nasagot habang nasa silid. Mukhang hindi pa rin yata nito matanggap ang desisyon niya. Naiintindihan naman niya iyon dahil ito na halos ang nagpalaki sa kanya.

She just sighed. Tahimik lang siya sa buong byahe kahit na ang totoo ay nagwawala na ang puso niya sa kaba. Hindi niya alam kung bakit, idagdag mo pa na parang nahihilo siya. Alam niyang parte iyon ng pabubuntis niya.

Nilingon niya si Azil. Seryoso itong nagmamaneho ngayon. “Ahm,” Go Fia and tell him. “Azil you need to know something.”

“That you're pregnant?” tanong nito habang nakatuon pa rin ang atensyon sa daan. 

Nanlaki ang mga mata niya kasabay niyon ang malakas niyang pag singhap. Paano nito nalaman ang tungkol sa pagbubuntis niya.

“I guess your silence answered my question.” sabi pa nito. “What a sharp shooter bastard.” he then tsked. “This is gonna be exciting.”

“Iaatras mo ba ang kasal?” biglang tanong niya.

Buntis siya at si C.A ang ama. Aanhin naman ng isang successful businessman ang isang babaeng disgrasyada kahit pa sabihin nitong pamangkin naman nito ang dinadala niya, wala siyang balak na ipaako dito ang responsibilidad.

“One word is enough, Miss Fia. I'll marry you like what I said, with or without that child inside your womb. I told you, it doesn't matter 'cause we don't love each other anyway.”

She felt relief. Hindi niya alam kung bakit ito ginagawa ni Azil but somehow, nagpapasalamat na rin siya dahil nakakuha siya ng bagong kaibigan sa kataohan ng lalaking ito. 

Ilang minuto pa ang lumipas bago sila nakarating sa Heluxus Hotel. Napakagarbo ng venue at puro bigating mga tao ang mga dumalo doon. Napapakapit tuloy siya ng mahigpit sa braso ni Azil. 

“Are you okay?!” nag aalalang tanong nito.

She just give him a little smile. “A little bit dizzy but I'm fine.”

“Pregnancy thing,” anito. “Come, sa table na tayo nila Mom.”

Tumango lang siya dito. Nahihilo kasi talaga siya.

Dinala siya ni Azil sa table ng pamilya nito. Pinakilala siya nito sa nakatatandang kapatid nitong si Sapphire, mukha namang mabait pero hindi palangiti. And Dad naman nito, si Mr. Xavier Heluxus ay pormal na pormal lang. All in all mukhang maayos naman lalo na si Georgina Heluxus na hindi naman maitatagging sobrang bait. Nakikita niya nga kung gaano ka-sweet ang mga magulang ni Azil, na kahit na taon na ang lumipas, mapapansin mo pa din sa mga mata nito ang totoong pagmamahalan.

Nakakainggit lang dahil hindi niya iyon mararanasan. Ipagkakait niya iyon sa sarili niya dahil hindi naman siya itinadhana para sa lalaking pinili niyang mahalin.

“Zil,” pukaw ni Georgina sa kanila. “Why don't you dance your fiance? Ipapakilala natin siya mamaya.” nakangiting anito.

Nagkatinginan lang sila ni Azil. Halata sa mukha ng binata na hindi ito makatanggi sa ina. She just smiled and held his hand.

“Fine.” pagsuko nito.

Nauna itong tumayo sa kanya bago siya inalalayan sa dance floor. Azil place her arm around his neck as they dance in a slow piece.

“Paano pala natin sasabihin sa Mom mo ang tungkol sa pinagbubuntis ko?” tanong niya.

Totoo naman kasi, paano nila iyon sasabihin na buntis siya gayong kakakilala pa lang nila ni Azil kahapon at next month pa ang kasal nila.

“Leave it to me, Sof.” anito. “Trust me.” he even winked at her.

Napailing nalang siya. Mabait si Azil at mukhang playful pero tulad niya, nakikita niya sa kulay asul nitong mga mata na hindi ito masaya. Lungkot ang nakikita niya rito. 

“Azil, bakit hindi kayo pwede ng babaeng mahal mo?” puno ng kuryosidad na tanong niya.

Nag tiim bagang naman ito. Bigla tuloy nagsisi si Fia kung bakit niya pa iyon tinanong.

Nag iwas siya ng tingin. “Huwag mo na lang sagotin.”

“My mother don't like her, her father don't like me 'cause she's high mighty and precious. She's a Queen and I am no King.” mapait na anito.

Sa totoo lang, nalulungkot siya para sa binata dahil halatang halata naman ang nag uumapaw na pagmamahal nito sa babaeng tinutukoy nito.

“Pagod na 'ko, maupo na tayo.” sabi nalang niya.

Tumango si Azil. Inakbayan siya nito pabalik sa mesa nila pero nagtaka siya ng biglang tumigil ang binata. Napatingin tuloy siya rito, madilim ang mukha nitong nakatitig sa kung saan kaya napalingon siya roon.

She saw a very classy woman, wearing a thick and furry coath. Looking so elegant in her long black gown.

“Helen..” dinig niyang bulong ng katabi niya.

“Throwing a diamond and picking up a dirty rock. What a shame.” sopistikadang anito.

Mapanghusga siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa. Napalunok si Fia, hindi niya malaman pero bigla siyang kinabahan. Sobrang kabado siya.

“Clevin Aiton's bitch huh?” ngumisi ito sa kanya.

Oh my God! Kilala nito si C.A? Alam rin nito ang namagitan sa kanila ng binata. Bigla tuloy siyang nanliit. Gusto niya na lang na kainin na siya ng lupa ngayon.

“Stop Hellen.” suway ni Azil rito.

Walang buhay ang kulay abo nitong mga mata na tumitig kay Azil.

“I will.” nakangising anito. “I regret chasing you Azil, if I can fucking replaced you.” anito bago sila lagpasan. 

God! Doon lang siya nakahinga ng maluwag.

“Did she take your breath away?”

Napalingon siya kay Azil sa tanong nito. Tumango siya. Totoo iyon! Kinapos talaga siya ng hininga kanina.

“She can do that to everyone. That's my Queen.” malungkot na anito.

Aayanin niya na sana itong bumalik na sa mesa nila dahil gusto na talaga niyang maupo. Goodness! Itong party na 'to, parang hindi na niya kayang taposin.

She was about to say something when she heard this familiar voice of a man.

“What the hell is this, Sofia?”

Oh, God! This party is no good.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro