Chapter 11 - With him
Love and Lust
~
HINDI talaga pinalampas ni Sofia ang mga pagkakataon nila sa private resort ng binata. She really enjoyed every seconds of it, ayaw niyang may masayang kahit na isang segundo pa yan. Gusto niyang pahalagahan ang lahat, gusto niyang maiparamdam kay C.A kung gaano niya ito kamahal na hanggang sa huli, ito lang ang lalaking mamahalin niya.
Ang galing nga e, siguro siya na ang Reyna ng Kamartyran pero kung tutouosin, marami pang mga babae dyan na mas nagpapakamartyr pa kesa sa ginagawa niya ngayon. Alam naman niyang hindi lang siya ang nasa ganitong posisyon ngayon, iyong iba nga mas worst pa.
But she doesn't want to compare. She just want to live life with her beloved C.A but how could that possible if C.A is not into her. Her C.A is obviously head over heels with the woman named, Hyana Samonte.
Meaing, he only wants her body not her love. At alam niyang pagkatapos siyang pagsawaan ng binata ay itatapon na lang siya nito na para bang walang nangyari. Alam iyon ni Fia pero sumige pa rin siya. Ganoon naman talaga siguro pagnagmamahal ka, go lang ng go.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Fia bago niya inayos ang kanyang buhok. Sabi kasi ni C.A ay pupuntahan nila ang Farm ng pamilya ng binata dito sa Ilocos para makapasyal sila. Ayos naman iyon kay Fia dahil medyo nakapagpahinga na siya although after nilang kumain kagabi ay hindi na tinigilan ni C.A ang katawan niya. Good God! He's so irresistible last night. Kundi niya pa nga sinabing masakit na ang pagkababae niya, hindi pa rin siguro siya titigilan ni C.A.
Matapos niyang ayosin ang sarili niya ay bumaba na rin siya, kanina pa rin kasi siya hinihintay ni C.A baka naiinip na ito.
Habang naglalakad si Fia papunta sa garahe kung saan naghihintay si C.A, hindi niya alam kung bakit bigla nalanh siyang napalingon sa kusina at ganoon nalang ang panlalaki ng mata niya ng makita niya ang kahalayan ng bunsong kapatid ni C.A na si Clyde, kasama iyong babaeng sobrang taray na taohan ni C.A.
Kaagad siyang nagbawi ng tingin at naglakad palayo. God! What's with them?! Kailangan ba talagang doon iyon gawin? I mean, muntik na rin nilang gawin iyon ni C.A sa pool area kahapon but that two! Hindi ba naisip ng mga ito na baka may makakita. Jeez!
Nakarating siya sa garahe na iyon ang laman ng isip niya.
“Hey, babe. You look pale, are you okay? If you're not we can postpone our trip today.” nag aalalang anito sa kanya.
She immediately shook her head. “I-i'm fine. M-may nakita lang ako.”
“What?!”
She flushed. Deym! Bakit niya pa kasi nakita iyon?! Hindi naman sa nagpapa-virgin siya pero hindi naman siya sanay na nakakakita ng dalawang taong naggaganon. Dipende nalang kung silang dalawa ni C.A iyon.
“Is it Clyde?!” tanong pa nito ng hindi siya sumagot sa una nitong tanong. “You saw them, too?”
Kinagat niya ang labi bago marahang tumango. Shit naman kasi!
“Ah! That punk! I told him to do it in the bedroom. Remind me to punch him later.” inakbayan siya nito. “Don't mind them, mas magaling tayo sa kanila. Let's go?”
“C.A!” asik nito sa kanya. “Stop it!”
Bahagya itong natawa sa reaksyon niya. “What?! Hindi ka pa rin sanay?!” tanong nito. “Dapat masanay kana 'cause I won't let you go, Sofia.”
She swear to all angels from heaven her heart skipped a bit upon hearing those. God! Aasa na ba siya?! No! Hindi na pwede dahil isang linggong nakaw na pagkakataon lamang ito. Alam niyang pagkatapos nito ay magkakaayos na sina C.A at Hyana at magiging hamak na ‘bestfriend’ lang ang papel niya sa buhay ni C.A.
TAHIMIK LANG si Fia sa buong byahe nila papunta sa farm ng pamilya ng binata. Hindi naman ito ganoon kalayo sa resort ng binata pero aabotin ka pa rin ng isang oras sa byahe, hindi rin kasi maganda ang daan dahil lubak lubak pa iyon. Hindi naman siya kumikibo o nagrereklamo man lang, wala naman kasi iyon sa kanya at okupado ang utak niya ng mga bagay bagay,
Gaya nang sinabi ni C.A kanina. He won't let her go, but it is true? Parang nakakatakot paniwalaan dahil pakiramdam niya mas lalo lang siyang mahihirapan.
NAKARATING na sila sa Farm, sobrang lawak niyon gaya ng inaasahan niya and since narito na rin sila, pipitas na lang siya ng mga sariwang bunga sa puno gaya ng mangga, suha at santol. Masarap kasi talaga ang mga iyon lalo na kapag bagong pitas, iyon din ang na-miss niya rito sa Ilocos, kung buhay pa siguro ang lola niya, malamang ay ginawan na siya nito ng minatamis na mangga.
Habang abala pa si C.A na kumausap sa mga taohan nito sa Farm, siya naman ay inabala niya ang sarili niya sa pagliliwaliw ang pagkukuha ng litrato. Kahit na hindi niya iyon mai-a-upload sa social media account dahil baka mahuli siya ng Tito Patrick niya, atleast may remembrance siya sa lugar na 'to.
Again, by thinking of her Tito Patrick made her feel so guilty. Guilty of everything pero matatapos naman na ito, after this hindi na niya kailangang ma-guilty dahil wala na siyang tinatago. Tapos na sila ni C.A.
Nag angat siya ng tingin sa binata. Seryoso pa rin itong nakikipag usap sa tatlong farmers doon. Wala sa sariling inangat ni Fia ang cellphone niya at kinuhanan ng litrato ang binata. C.A looks so dashingly handsome. Napakaguwapo nito kahit na ano pa ang ginagawa niyo. Too bad, hindi niya ito pag aari.
Bigla nalang lumingon sa kanya ang binata kaya kaagad siyang ngumiti at kumaway. C.A smiled back, nagpaalam yata ito sa mga kausap ito dahil humakbang na rin ito papalapit sa kanya.
“What do you wanna do?” tanong nito ng makalapit sa kanya.
“Gusto kong mamitas ng bunga ng suha at santol. Nakakamiss iyon, hindi ba't ganoon ang ginagawa natin noong bata pa tayo?!”
Malapad na ngumiti sa kanya si C.A. “Yeah, I remember. Hindi ka pa nga marunong bumaba sa puno, alam mo lang ang umakyat.” He chuckled a bit.
Namula ang mukha ni Fia, “S-siyempre bata pa tayo 'non. Ngayon marunong na 'ko!” Giit niya pa.
“Really?” C.A raised a brow. “Do you want to climb, then?”
Tumango tango siya. “Yes.”
Pinulupot naman ni C.A ang braso nito sa bewang niya. “Fine then, let's go.”
Magkaagapay sila ng binata na nagtungo sa manggahan. Halos lahat yata ng mga taohan nitong nakakakita sa kanila ay napapalingon. Curious tuloy siya kung dinala na ba ni C.A si Hyana rito. Kung totoo man iyon, malamang ay mapanghusga na ang mga tingin ng mga tao sa kanya ngayon.
Napaiping nalang siya. She doesn't want to spoil this day. She told you, she wants to enjoy every moments that they steal.
Tumakbo si Sofia papalapit sa puno ng manggang hitik na hitik sa bunga, grabe! Nakakamiss talaga iyong ganito. Kahit na mataas ang sikat ng araw, wala pa ring makakapigil sa kanya na umakyat sa puno. Nakakatuwa lang isipin na ganitong ganito sila ni C.A noon. Doon pa iyon sa maliit nilang farm dito sa Ilocos. Ang Tita Tasha at ang asawa na kasi nito ang nagpapatakbo niyon.
“After this, we should pick some veggies too. You should eat healthy foods, babe.” C.A said.
Hindi naman niya iyon halos pinakinggan dahil sinampa na niya kaagad ang isang paa niya sa mababang sanga ng puno para maiangat niya ang sarili. God! This is enjoyable.
“Hey! Careful babe.”
Bago pa man makalapit sa kanya si C.A para alalayan sana siya ay nakaakyat na siya sa puno. Tuwang tuwang napatingin siya kay C.A.
“See? Ang galing ko ng umakyat!” Tuwang tuwang aniya.
Napailing naman si C.A. “Yeah, but you don't know how to go down.”
Naglakad ito papalapit sa puno. Mukhang aakyat na rin ang binata kaya sumampa pa siya sa ilang mga sanga hanggang sa marating niya iyong parte ng puno na kumpol kumpol ang bunga. Biglang nanubig ang bangang ni Fia habang tinitingnan niya ang mga bunga. Matagal tagal na rin kasi noong huli siyang nakakain nito.
Pumitas siya ng isa doon, inamoy amoy pa ni Fia iyon. At mas lalo siyang natakam dahil sariwang sariwa ang mangga.
Bigla siyang tumingin kay C.A, nag ring kasi ang cellphone nito. Nag angat na rin ito ng tingin sa kanya.
“Babe, I just take this call. This is urgent.” anito habang hawak hawak ang cellphone. “Huwag kang masyadong umakyat sa mataas. You might fall.” anito bago tumalikod.
Sinundan niya lang ng tingin ang papalayong bulto ni C.A. Hindi naman ito masyadong lumayo dahil nasa silong lang din ito ng kabilang puno ng mangga. Napailing nalang siya bago nilabas ang mini knife niya na nasa keychain niya. Kakain nalang siya.
MAGANANG kumakain si Sofia ng mangga habang si C.A naman ay abalang abala pa rin sa kausap nito sa cellphone. Base on his expressions, mukhang seryosong bagay ang pinaguusapan nito sa kausap nito sa kabilang linya. Nagkibit balikat na lamang siya at nilantakan ang manggang kinakain niya.
Ilang saglit pa ay nangawit na sisa sa kinauupoan niyang sanga. Masakit na ang pang upo niya kaya bababa na lang siya, ang kaso, natatakot talaga siyang bumaba dahil takot siyang mahulog. She must admit, magaling siyang umakyat pero takot siyang mahulog kahit pa damuhan ang sasalo sa kanya.
“You can do it, Fia. Come on.” pampakalma niya sa sarili.
Nanginginig ang katawan niyang bumaba sa puno pero bago pa man siya tuloyang makababa ay nadulas siya dahilan para mahulog siya pero bago pa man nangyari iyon, may matipunong mga braso na ang sumalo sa kanya.
“You fall, I catch you. That's mean, your mine?!” The mischievous youngest brother of C.A was wearing his annoying dorky smile again.
“S-salamat.” sabi nalang niya. Wala siyang modo kung hindi niya ito pasasalamatan. Muntik na siya roon. “P-pwede mo na akong ibaba.”
Sa halip na sundin nito ang sinabi niya ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kanya.
“Uh-oh.” iiling iling na anito. “You can stay in my arms forever. I am better than my brother.” he winked at her.
Bago pa man siya makapagsagot ay nakarinig na siya ng kaluskos at ang sumunod doon ay ang pamilyar na boses ni C.A.
“Get your filthy hands off her! Fuck you Clyde! I told you to step back, she's mine!” galit na galit ang boses nito.
Si Fia na mismo ang gumawa ng paraan para makawala sa binata. Kaagad niyang tinakbo ang pagitan nila ni C.A.
Kahit na madilim pa ang mukha nitong nakatitig kay Clyde. Niyakap na niya ang binata,
With him, in his arms, she felt safer.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro