Chapter 24
Peace
Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Looks like there is something wrong talaga ng marinig niya ang sinabi ko. Parang mayroon siyang naalala na hindi dapat.
"May problem?" tanong ko.
Mariin siyang napapikit at tipid na umiling. Hindi ko din alam kung paano ko nagagawang kausapin siya while magkayakap pa din kami. Ramdam ko ang init ng katawan ni Eroz. I like it here, kung pwede lang na yakapin siya kahit wala akong sakit ay yayakapin ko siya. Hindi naman pwede na palagi akong sick. Baka mamatay ako nun.
"Sorry kung I call you epal. Hindi na mauulit...tsaka bakit ka nga pala nakayakap ka sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanya. I didn't mean anything, curious lang talaga ako.
Gulat din siya dahil duon kaya naman kaagad siyang gumalaw at inalis ang pagkakayakap sa akin. Napanguso tuloy ako, nag ask lang naman ako. Hindi ko naman sinasabing alisin niya ang yakap sa akin.
"Ginaw na ginaw ka kagabi, hindi ko alam ang gagawin kaya..." hindi niya na tinuloy pa ang sasabihin dahil pareho na din naman kaming naghanda para bumangon. It was so sayang talaga. Gertie kasi eh!
"Uhm...anyways, thank you pa rin for taking care of me Eroz" marahang sabi ko sa kanya. Taking care of someone who is sick ay hindi biro.
Hindi siya nagsalita pero kita ko naman ang tipid niyang pagtango. Imbes na tumayo kagaad kagaya ni Eroz ay nanatili akong nakaupo sa may kama at marahang sinuklay ang aking buhok. Ano kayang itsura ko kagabi? Baka nakanganga akong magsleep? Nakakahiya naman kay Eroz.
"Magluluto lang ako ng almusal" magtigas na paalam niya sa akin. Matapos pasadahan ng daliri ang kanyang buhok ay lumabas na din ito ng kwarto.
Napanguso ako. Ang gwapo pa din niya kahit medyo magulo ang hair. Kahit ano atang gawing hairstyle ni Eroz ay super attractive pa din siya.
Saktong pagkalabas ko ng kwarto ay tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong sinagot iyon ng makita kong si Yaya Esme ang tumatawag. Napahawak ako sa aking ulo, masyado akong naexcite kaya naman medyo nahilo ako.
"Good morning, Yaya Esme" pilitin ko mang siglahan ang boses ko ay halata pa din ang pagiging paayos nito.
"Alalang alala ako sayo. Ano, puntahan na kita diyan? Hindi bababa nag lagnat mo pag wala ako. Puntahan na kita..." si Yaya. Iyan ang totoong nagpapanic.
Napangisi ako at napaupo sa may kahoy naming sofa. Napabaling ako sa mah kusina, kita ko ang hubad na likod ni Eroz. Busy na siya para iprepare ang breakfast namin.
"Yaya Esme. I'm fine na po. At anong hindi bababa ang lagnat? Konting lagnat na nga lang ito" paninigurado ko sa kanya. I really love Yaya Esme, sa lahat ng lagnat na napagdaanan ko ngayon ko lang siya hindi nakasama. She knows me very well.
"Sinong nagalaga sayo? Inalagaan ka bang mabuti ni Senyorito Eroz? Nagaalala talaga ako sayong bata ka..." pagpapatuloy pa din niya.
Napapangiti na lang ako. Mahirap din kasing pakalmahin si Yaya. Tama nga talaga ang ibang house helper namin, Yaya's mouth is like armalite with built in megaphone. Too loud.
"He hugged me all night. And take note...he is shirtless. I thought nga mag heater here" kwento ko kay Yaya. Super mahina ang boses ko at ilang beses pa akong napatingin sa kitchen sa takot na baka marinig ako ni Eroz.
Napapikit ako at sandaling nailayo ang cellphone sa aking tenga when Yaya Esme screams. High pitch pa ata ang megaphone ni Yaya. I can't na talaga.
"Naiimagine ko!" she said in a high pitch. Napapanganga na lang ako sa mga sinasabi niya. Kung saan saan na siya nakarating na story hanggang sa hindi ko na kinaya.
"Yaya, you're making me sick again. Please stop that...you are so malisyosa. Sumbong kita kay Papa" birong pananakot ko sa kaya pero rinig na rinig ko ang pag tse niya sa akin sa kabilang linya.
"Sama na kasi ako diyan. Kahit walang sahod!" pamimilit niya sa akin kaya naman tinawanan ko na lamang si Yaya.
Matagal tagal pa kaming nagusap hanggang sa mapunta nanaman kami sa mga pamahiin niya and sa mga half half lady. Nalaman kong maraming variety ng aswang, And some of them daw ay mukha pang totoong people.
Napahawak ako sa aking labi. "The lines in the upper lips? Meron ako!" laban ko at medyo natakot din. Pag daw kasi walang ganuon ay aswang.
"Yaya, you're scaring me. Ayaw na muna kitang kausap" sita ko sa kanya. I miss her so much, pero it's early in the morning pa tapos yun kaagad ang paguusapan namin?
After ng tawag ni Yaya ay nakareceive ako ng message kay Papa. Kinamusta niya ako and he asked me kung what time niya akong pwedeng tawagan. Ganuon din si Tita Elaine. Nagreply na lang ako na after breakfast na lang.
"Wow, fave ko din ang tocino. Is that young pork?" tanong ko kay Eroz ng bahagya akong tumabi sa kanya and dinungaw yung niluluto niya.
Nanatili ang tingin niya sa ginagawa. Madami pa siyang niluluto. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi ako nakakain ng maayos kagabi dahil sa sakit ko. Babawi ako ngayon. I want to ask sana kung may pancake pero wag na lang at baka masira ko pa ang mood niya.
Nawala ang atensyon ko sa ginagawa niya ng mapaiktad ako ng marinig ko ang sigaw sa labas.
"I want taho!" sabi ko kay Eroz.
Sa pagkataranta ko ay halos takbuhin ko na ang labas. "Taho, I'll buy! Manong!" sigaw ko para marinig niya ako.
"Gertrude!" matigas na tawag ni Eroz sa akin. Galit nanaman yun for sure!
Eh bakit ba? I want taho. Bibili naman ako and I have pambayad. Akala mo naman palagi magpapalibre ako sa kanya.
"Can I buy po the biggest taho...the cup I mean" nakangiting sabi ko kay Manong. Sakto at sa harapan ng gate namin siya huminto.
Napakamot siya sa kanyang batok habang nakatingin sa akin. Napanguso ako, everytime someone looks at me like that. I know that they are judging me na. But I don't want to judge manong.
"Manong ben, bente po" seryosong sabi ni Eroz mula sa aking likuran. Sumunod pala talaga siya. At may dala na siyang cup.
"Whoa, ang nice! Ang environment friendly naman pala ng mga taho vendor here" sabi ko ulit. I was really amazed. Sa manila and other city ay pinapractice na ang hindi paggamit ng plastick straws and everything. Nakakatuwa na maging dito ay ganuon din.
"Nobya mo Eroz?" tanong ni Manong habang nagscoop siya ng taho sa cup na bigay ni Eroz.
"Hindi po" sagot ni Eroz. Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Medyo nahurt ako duon. Then I realized, hindi ko pa pala naranasang maging girlfriend niya. Marriage kasi kaagad ang pupuntahan namin.
Tumango si Manong, pero maya maya ay ngumisi. "Hindi mo nobya? Baka asawa mo na?" pangaasar pa niya.
Unti unting uminit ang aking magkabilang pisngi. Pero slight lang, itinanggi na nga niya ako bilang nobya. For sure he'll make tanggi din for the wife thingy question.
"Hindi pa po" sagot na ni Eroz dito. Napaawang ang labi ko, kagaya ni Manong ay napatingin din ako sa kanya.
Iba din talaga. He always surprise me about what he says. Tipid siya magsalita pero when he speaks naman straight to the point.
"Edi magiging asawa mo nga" si Manong pa din na para bang he will not take no as an answer.
Nahigit ko ang aking paghinga ng marahang tumango si Eroz bilang sagot dito. He simply nod pero parang sigaw iyon sa akin. He is really looking forward na we'll marry soon. Akala ko talaga ako lang ang may gusto nitong arrangement namin.
Hindi ako tinapunan ng tingin ni Eroz matapos niyang tumango. Abala siya sa pagbinbilang ng barya para ipangbayad. Hindi naman na ako nakapagpresinta pa na ako na ang mag bayad dahil bigla kong naalala yung ikinwento ni Yaya Esme sa akin about sa line sa upper lips. Manong doesn't have any line on his upper lips.
Natakot ako dahil sa naisip kaya naman kaagad akong lumapit kay Eroz. Hindi ko na napigilan ang sarili kong kumapit sa kanyang braso. Medyo nainis pa nga siya because nagulo ko ang pagbibilang niya ng coins niya.
"Salamat po, Mang ben" sabi nito.
Hindi nawala ang tingin ko sa taho vendor. Tipid siyang ngumiti sa akin para magpaalam. And because I don't want to be rude, nagsmile back ako kahit pinagiisipan kong aswang siya based na din sa pagkakadescribe ni Yaya Esme.
Si Eroz ang kumuha ng taho. "Anong nangyari sayo?" seryosong tanong niya sa akin.
"Eroz, is manong ben aswang?" tanong ko. Medyo mahina lang iyon. Sabi din kasi ni Yaya Esme, malakas ang pandinig ng mga aswang. Kahit malayo ay naririnig nila.
Nagpoker face siya at inirapan ako. "Kumain na tayo Gertrude at iinom ka pa ng gamot" seryosong sabi niya sa akin at nauna pang naglakad pabalik sa loob.
Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa. Umagang umaga ay tinatakot ako ng mga naiimagine ko. Si Yaya Esme talaga!
"What about chanaks? Meron ba here...sabi babies daw yun ah" patuloy na pagsasalita ko pero panay lang siya tikhim.
"Mabibinat ka niyan kakadaldal mo" puna niya sa akin medyo iritado na.
Napanguso na lang ako at tumigil na talaga. Umupo ako sa lamesa at inunang ininom ang taho ko. Pero super curious talaga ako.
"Then should I speak...mahina? Because maririnig nila tayo?" halos pabulong na tanong ko sa kanya. Baka ito ang plano, wag marinig ng mga aswang ang pinaguusapan namin.
Tamad niya akong tiningnan bago umigting ang kanyang panga. I know galit na siya, pero I have a lot of questions pa kasi. Hindi ako mapapakali kung hindi ko iyon matatanong at hindi ako makakakuha ng sagot.
"Do you think,the aswang and squad can understand english?" tanong ko pa din.
Kumunot ang noo ni Eroz. "Aswang at ano? Gertrude"
Sumimsim muna ako ng taho. Anong hindi malinaw sa tanong ko? Aswang and his squad. The squad is consist of the chanaks, the tiktiks, the kapre, and many more.
Hindi na lang ako sumagot. I know, Am I asking nonsense again? But kasi nga to be able to learn. You should ask kaya, the more you ask the more you learn.
"Sunday tomorrow. Magsimba tayo Eroz" yaya ko sa kanya.
Matagal na din ng huli akong nakapagsimba sa malaking simbahan ng sta. maria. Lumaki ang ngiti ko ng tumango sa akin si Eroz.
Saturday ngayon at hindi siya papasok sa factory. Hindi din bukas dahil sarado pag sunday. Meaning, kaming dalawa lang talaga ang magkasama sa dalawang buong araw. Unless may puntahan siya at iwan akong magisa dito sa bahay with our baby...dog.
Inabala ko ang sarili ko sa pagaalaga kay Chin chin. Pero hindi ko siya masyadong nilapitan dahil kagagaling ko lang sa sakit. Nang maghapon ay nakatulog ako, paggising ko ay may mirienda na sa may lamesa. Eroz is caring din naman pala talaga.
"Hello..." I asked the familiar unknown number.
"Magaling ka na?" tanong niya kaagad. Masyadong marahan ang boses niya. Hindi ako sanay.
"Hobbes, I know it's you"
"Kilala mo na ang boses ko. Baka kiligin ako niyan" biro niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"Why ka naman kikiligin? It's not nakakakilig naman ah" sita ko sa kanya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Kailan mo kaya malalaman?"
"Ang ano?" tanong ko sa kanya. Isa pa itong epal, mambibitin din ata.
"Kung sasabihin ko sayo, hindi ka maniniwala sa akin. I'm sure of that, balik ka dito...so I can make you feel it" seryosong sabi niya sa akin. I feel sincerity in his voice. This is not Hobbes na playful, what happend to him?
"Make me feel what? Hobbes" tanong ko. Nabigla ako ng makita ko si Eroz sa may hamba ng front door. Nakasandal siya duon, nakahalukipkip ang braso at nakatingin sa akin, matalim ang tingin.
Wala sa sarili tuloy akong nagpaalam kay Hobbes. Hindi ko nga alam kung nakapagpaalam ba talaga ako ng maayos. Ang talim kasi ng tingin ni Eroz sa akin, nakahalukipkip pa. Ang awra niya ay nagsusumigaw na tigilan ko kung ano man ang ginagawa ko.
"Hindi busy si Hobbes ngayon kaya siya tumawag. And kinamusta lang niya ako..." sabi ko kaagad sa kanya pagkababa ko ng tawag.
Inirapan niya ako at tsaka siya nagiwas ng tingin. "I'm not asking about it, Gertrude" masungit na sabi niya.
Ako pa ngayon ang napahiya. Nagkibit balikat na lamang ako. Ok fine. "Basta, hindi ka nagseselos ha. Baka mamaya..."
Suplado niyang ibinalik ang tingin sa akin. "Sinong nagsabi sayo?"
Mas lalong kumunot ang noo ko. Ayan nanaman eh. "Na ano nanaman?" giit ko. Inis na ako eh, kanina pa siya ganyan.
Kita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha. I'm super irritated na kasi talaga. Palagi na lang nambibitin, hindi pa naman ako mapakali pag ganuon.
Bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Na nagseselos ako" he cleared his throat before saying that. Tunog galit nanaman.
"Edi no. Sabi ko lang naman baka..." laban ko sa kanya. I just want na magkaroon kami ng clear communication lang naman.
"Tss" sambit niya and umirap nanaman like as usual! Anong bago?
"Anyways, in the end of the day naman...gabi na" sabi ko pa sa kanya.
Naubo siya dahil sa sinabi ko. Anong problema? Totoo naman ah?
Dahil magaling na ako, bumalik na si Eroz sa pwesto niya. Magisa na lang ulit akong natulog sa kama at siya naman ay sa banig sa sahig.
Maaga akong gumising kinabukasan para maghanda, magsisimba kami kagaya ng ipinangako niya sa akin. After ng breakfast ay naligo at nagbihis kaagad ako. Brown loose vneck na may black polka dots ang suot kong top. Naka faded highwaist maong pants ako and flats. Dahil medyo basa pa ang buhok ko ay naka loose ponytail lang siya with a maroon ribbon.
Nagselfie selfie pa ako while waiting kay Eroz. Madaling madali akong magbihis pero siya ay chill lang. Isinend ko kay Yaya Esme ang mga pictures ko para proof na din na magsisimba ako ngayong sunday.
Napaayos ako ng upo ng makita ko ang paglabas niya sa kwarto. Wearing his usual white tshirt, maong pants and brown boots. Medyo magulo din ang hair niya at medyo basa pa. Dalawang beses niya lamang iyong pinasadahan ng kamay niya and we are good to go.
"Hindi natin gagamitin ang pick up. Puno ang parking ngayon duon" sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong napatango.
We waited sa may kanto ng dadaang tricycle. Panay ang tikhim ni Eroz sa tuwing may dadaan at titingin sa amin. Ngayon lang ba makakakita ang mga tao dito ng magsisimba?
"Simbahan ng bayan, Manong" sabi ni Eroz sa tricycle driver.
Pinauna niya akong pasok. Naramdaman ko pa ang kamay niya sa ulo ko para hindi ako mauntog, pero huli na dahil nauntog na ako. Narinig ko ang mahina niyang pagmura dahil sa nangyari.
"Nahilo ako duon ah" sambit ko habang nakahawak sa ulo kong nauntog.
Galit kaagad si Eroz. Nakatingin siya sa ulo kong sapo sapo ko. "Nagmamadali ka kasi masyado" pinagalitan pa talaga ako.
"Kasi, I'm excited to ride the tricycle with you" pagamin ko sa kanya pero umigting lang ang kanyang panga.
Halos madikit ako sa pinaka loob ng tricycle because of Eroz frame. He is so macho in a nice way. Hindi maiiwasang magdikit ang aming mga braso.
Nagulat siya ng ipasok ko ang kamay ko sa braso niya. Nakayakap na ako ngayon sa braso niya.
"Lubak ang daan. Baka mahulog ka" sabi ko pa. Inirapan niya ako pero hindi naman niya ako sinuway.
Lumaki ang ngiti ko, ang bango bango talaga ni Eroz. "I like your perfume" puri ko sa kanya.
"Wala akong perfume" masungit na sabi niya, nanatili ang kanyang tingin sa labas.
"I don't believe you, ano ito? Sabon? Downy?" tanong ko sa kanya. Narinig ko na iyon kay Yaya Esme. Ang ginagamit niya ngang downy sa mga clothes ko yun pang baby.
Hindi siya sumagot kaya naman hindi na din ako nagsalita. Dapat nga pala behave kasi we'll attend the mass.
Maraming tao, puno nga talaga ang parking lot and nagtraffic pa dahil maraming car ang gusto pumasok pero wala ng space.
Abala ako sa pagtingin sa paligid kaya naman hindi ko na nasundan pa si Eroz. Huli na ng marealize kong ang layo na naming dalawa. Pero imbes na tumakbo para sumunod ay natigilan pa ako sa pwesto ko ng makita ko kung paano niya ako binalikan. Ang lalaki ng hakbang, para bang nagmamadali siyang makabalik sa akin.
"Bakit hindi namana ng paa mo ang bilis ng bibig mo?" masungit na tanong niya sa akin at walang pagdadalawang isip na hinawakan ang kamay ko. Nakaholding hands na tuloy kami while walking.
"Eh kasi...hindi sila relatives" sagot ko na lang.
Nainis nanaman siya kasi sumagot nanaman ako. Eh nagtatanong kaya siya. Mas bastos kaya pag hindi sinagot ang tanong ng mga elders.
Nakaupo kami sa loob ng simbahan. Nung una may space pa sa pagitan namin, pero ng dumami ang tao ay mas nasiksik ako kay Eroz. Umayos siya ng upo, lalo at lalaki ang katabi ko sa kabila.
Nawala ang atensyon ko sa kanya ng may umupong babaeng may kargang baby sa unahan naming upuan. Panay ang ngiti ko sa baby habang nakatalikod pa ang Mommy niya. Ang laki ng cheeks and rosy pa.
"Tingnan mo, nakatingin yung baby sa akin" sabi ko kay Eroz. Achievement kaya pag tinititigan ka ng baby. Meaning nagagandahan siya sayo.
"Maganda ka daw kasi" si Eroz.
Nagulat ako, nagulat din siya.
"Sabi ng baby...ang baby ang nagsabi" palusot niya. Naku! Nagamit ko ba yunh palusot ba yon eh. So gaya gaya si Eroz.
Nagfocus kaming dalawa sa mass nang nagstart na. Si Eroz ang tagapaypay, buti na lang at may dala akong pamaypay. Yun kasi ang bilin ni Yaya Esme palagi, lalo na at palagi siyang nahihilo sa loob ng simbaha dahil sa dami ng tao and medyo mainit.
Tumayo ang lahat para sa ama namin na song. Walang pagdadalawang isip kong hinawakan ang kamay ni Eroz. Ganuon din naman siya sa akin pero kita ko ang tingin niya sa lalaking katabi ko. It's ok lang naman for me. Parang mas affected pa siya ah.
"Peace be with you" sabi ko sa katabi ko, sa kaharap and sa may likuran.
Nakita ko ang ilan sa likod na humahalik sa pisngi, ang iba ay nagmamano pa. Kaya naman ng hinarap ko si Eroz ay tumingkayad ako para humalik sa pisngi niya.
"Peace be with you, Eroz" nakangiting sabi ko.
Nang makabawi siya ay umigting ang kanyang panga. "Peace be with you" balik niya. Tumango na lamang ako, akala ko hanggang duon lang.
Hanggang sa magulat ako ng maramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hinalikan niya ako sa ulo. Nanginig ang tuhod ko. Matapos iyon ay naramdaman ko pa ang kamay niya sa bewang ko, bahagya akong hinila palapit sa kanya.
Lutang tuloy ako after nuon. Siguro kung may matandang nakakita sa amin. Nagalit na.
Mahigpit ang hawak ni Eroz sa aking kamay habang palabas kami ng simbahan. Medyo traffic dahil sabay sabay ang labas ng tao. Kumapit na din ako sa braso niya para hindi na siya mahirapan pa at hindi ulit ako maiwan.
"Eroz, can we eat fishball?" tanong ko sa kanya ng may madaanan kami.
Wala siyang nagawa kundi ang huminto sa may tapat ng mga nakahilerang street food. Kumuha kami ng stick and we make tusok tusok. Nagbigay si Manong ng plastick cup sa amin.
"I want to try the kwik kwik" sabi ko kay Eroz sabay turo ng orange coated itlog ng pugo.
Natawa si Manong. Naubo si Eroz, nahirinan ata. Umit ang pisngi ko, mali nanaman ba?
"Naku Ma'm. Ang bilis niyan ah, baka hindi natin mahabol" sita ni Manong sa akin kaya naman I feel so embarassed.
"Why? So it's...Kwik kwek?" tanong ko pa. Mas lalong natawa si Manong, maging yung ibang tumutusok tusok ng fish ball and many more.
Napangisi si Eroz. Siya na ang kumuha nung orange egg at naglagay sa plastick cup ko.
"Kwek kwek, Gertrude" pagtatama niya sa akin.
Natahimik ako habang kumakain. Eroz is eating like a pro. Para bang sanay na siyang kumain sa ganito. I want to make sanay din.
"Eroz!" tawag ng ilang mga kalalakihan.
Napahinto ako sa pagkain. Si Eroz ang tinawag nila pero sa akin sila nakatingin. Nanliit ang aking mga mata ng makita kong pamilyar sila. Ang mga basketball player na friend ni Tathi.
"May laro kaming mamayang hapon. Ano? Sali ka" tanong ng mga ito.
"Hindi na muna, maraming kailangang asikasuhin" matigas na sagot ni Eroz sa mga ito.
"Sayang naman..." sabi pa ng isa.
"Hi, Gertrude. Naalala mo pa ako?" tanong ng isa. Siniko siya ng mga kasama pero hindi siya nagpapigil.
"I'm sorry, hindi eh" pagamin ko.
Napakamot siya sa kanyang batok. "Duncan nga pala...ako yung dati, hindi natuloy ang pagpapakilala ko kasi laro na" sabi pa niya sa akin.
Napatango ako. "Your name means dark warrior. I like your name" puri ko pa sa kanya kaya naman inasar siya ng mga kaibigan niya.
Natigilan ang lahat ng tumikhim si Eroz. "Wala bang nakakakita sa akin dito?" masungit na tanong niya sa mga ito. Baka kasi ako?
"Girlfriend mo pala talaga, akala namin chismis lang eh" natatawang sabi ng iba.
"Hindi ko girlfriend. Pero magiging asawa...Oo" seryosong sabi niya sa mga ito. Kasama naman ng iba ay nabigla din ako. He surprise me with his words, everytime.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro