Chapter 34
#LGS1TwoBirdsOneStoned #LGS1chapter34 #LaGrilla1 #LaGrilla
***
"THANKS, Kuya Leo," ngiti sa kaniya ni Ava pagkatapos ng ikalawang linggo ng pagtu-tutor niya rito nang one-on-one. "Kain-kain din ha? Ang patpatin mo na."
He just smiled as he fondly watched her giggle while collecting her books and notebooks.
"Sige. Ililigpit ko lang 'tong mga gamit ko. Tuesday ngayon kaya alam kong wala kang pasok sa trabaho mo. Kaya huwag ka munang umalis, ha? Dito ka na mag-lunch."
Nahihiyang ngumiti siya rito. Nakayuko ang kaniyang ulo habang nakatingin sa dalagita. "Sige. Salamat."
Habang naghihintay na balikan siya ni Ava ay sumulpot mula sa grand stairs si Melissa, ang nanay nito. She was always well-dressed with full-on makeup that made her look intimidating even when she stretches out her wide smile at him. Pero himala dahil unang pagkikita pa lang nila ng ginang ay magiliw na ito sa kaniya.
Apparently, Melissa insisted for him to be Ava's Math tutor and to teach her at home for her daughter's security. Pumayag naman siya dahil malinis naman ang intensiyon niya at wala siyang sapat ikatakot sa setup na ito. Isa pa, babayaran siya ng dalawang libo ng ginang sa bawat tutoring session nila ni Ava. Apat na libo rin iyon sa isang linggo at malaking tulong na rin sa mga gamot at hospital bill ni Leopold.
When Melissa got to the bottom of the stairs, Leo immediately looked down. Kabisado na kasi niya ang ginang. Lalapitan siya nito agad at kukumustahin, bagay na hindi siya komportableng gawin.
Naiilang lang siya dahil masyadong mausisa ang ginang. Nakahihiya rin ang hitsura niya dahil oversized sa patpatin niyang katawan ang suot na T-shirt at straight jeans. Marumi pa ang nakatsinelas na mga paa niya dahil maalikabok ang nilakaran niya patungo sa sakayan bago marating ang subdivision na nilakad din niya hanggang sa marating ang mansiyon ng mga Milano.
"Hey . . ." Melissa sat on the sofa beside him. There was something subtly sing-song in her squeezed voice. "Kumusta, Leo?"
"Okay lang naman ako, ma'am," sagot niya, hindi makatingin dito. He was clutching on the worn-out backpack on his lap.
"Bakit mag-isa ka lang dito? Where's Ava?"
"Nagligpit lang po ng mga gamit. Babalikan din n'ya ako rito."
"Why don't you just join me in the dining room already, Leo? Doon na lang natin hintayin si Ava."
Nahihiyang nagnakaw siya ng sulyap sa babae. Hindi niya napigilan ang pagkawala ng ninenerbiyos na tawa. "Mamaya na lang ho, ma'am. Hihintayin ko muna si Ava rito."
Melissa slightly narrowed her eyes at him while smiling teasingly. "Hmm. Paano ka magiging magaling na tutor kung wala kang confidence? Sa akin pa lang, nai-intimidate ka na?"
"Hindi naman po sa gano'n, ma'am," he slightly fidgeted in his seat. "Ang bait n'yo nga po, e."
"Then, prove it. Come with me to the dining room." Tumayo na ito kaya lumebel sa mukha niya ang mga hita nito na nilantad ng mini shorts na suot nito. Naiilang na nag-iwas siya ng tingin dito. "Don't worry. I'm sure, dederetso rin doon si Ava kapag nakita n'yang wala ka rito sa sala."
Bago pa siya nakasagot ay narinig na niya ang palayong mga hakbang ng ginang. Leo swallowed his fears and slowly got up to head to the direction where he saw Melissa went.
Pagdating sa dining room ay wala roon ang ginang. Bukod doon ay pandalawahang tao lang ang naka-table arrangement na mga pinggan at kubyertos, nag-alinlangan tuloy siya kung uupo na ba sa hapag kaya nanatili siyang nakatayo sa doorway.
Melissa reappeared from the kitchen, carrying a tall glass of water.
"Oh, take a seat, Leo!" Inilapag nito ang baso sa parte ng mesa katapat ng isang upuan katabi ng kabisera. "Have some . . . juice," she smirked as she glanced at him. "I already told the maids na tuloy ang pagla-lunch mo rito, so just wait for your plate to be arranged here, okay?"
"Okay po," mahina niyang usal bago umupo sa hapag.
Mabilis na inokupa ni Melissa ang kabisera nito.
As Leo sat on the chair sheepishly, she propped her elbows on the table to cradle her chin with her palms. She cocked her head to the side as she eyed him interestedly. Nahiya tuloy si Leo na tumingin sa ginang. Lalo na nang may nagpahapyaw na misteryosong ngiti sa mga labi nito.
She must be already ridiculing his frail frame and old clothes. Gupit-bao pa ang buhok niya.
His unease made it hard for her to stifle her low chuckle. Napanakaw tuloy siya ng mabilis na sulyap dito bago ibinalik sa mesa ang tingin.
"Sorry for staring. Mukha ka lang kasing problemado. What's funny about it is that you're failing at hiding it."
"Lahat naman po siguro ng tao, may problemang kinahaharap."
Melissa scoffed through her nose, sat straight, and shrugged. "Well, you're right. I'm just hoping though na hindi parte ng problema mo ang halaga na ibinabayad ko sa 'yo."
Namimilog ang mga mata na napatingin siya rito. "Hindi po, ma'am! Sa totoo nga po, malaki na ang ibinabayad n'yo para lang sa dalawang araw na pagtu-tutor ko kay Ava!"
She smirked proudly and lightly shook her head once. "I don't think you're earning enough, though. Dahil hindi ka na mamomoroblema kung may pera ka naman."
"Hindi lang naman po pera ang pinoproblema ng isang tao," yuko niya.
"Then what is it, Leo?"
His lips remained tight and sealed. But the question reminded him of Leopold's condition, making him start to crumble bit by bit, deep inside.
"Bakit hindi mo subukang ik'wento sa 'kin? Baka makatulong ako."
"Ma'am . . ."
He wanted to say that he was growing uncomfortable with her questions. Dalawang linggo pa lang kasi niya ito nakikilala kaya sino ang ginang para pagsabihan niya ng mga personal niyang pinagdadaanan?
Subalit, binabayaran siya nito para i-tutor si Ava . . . Sa totoo lang, ang pinakamalaking kinikita niya ay nagmumula rito kaya ayaw naman niyang ma-offend ito.
"Try me. I might be able to offer an advice. I'm a grown up. I can definitely guide you."
Nahihiyang tumingin siya rito habang nakayuko pa rin ang ulo. "Nasa ospital ang kapatid ko. May pulmonya. Nag-aalala ako sa kan'ya pero, ginagawan na naman namin ng paraan kaya-" He lowered his eyes to the table again, "-wala na po kayong kailangang i-advice o gawin para makatulong."
"Really? Are you managing his bills?"
"Ma'am-" Aawatin na sana niya ito pero natahimik siya sa pagdating ni Ava.
"Nandito ka na pala, kuya!" She sighed, as if relieved to find him in the dining room. Then, she glanced at her mother. "Mom!"
"Have a seat. Hinihintay na lang namin ni Leo i-serve ang lunch."
Ava pulled a seat for herself, right across where he sat. "Eat a lot, ha, Kuya Leo."
"You definitely have to eat a lot, Leo," Melissa smiled at him. "Para magkaroon ka man lang ng energy!" Then she chuckled and smiled at him before smiling at her daughter.
Tumango na lang si Leo at nahihiyang ngumiti.
Pagkatapos magtanghalian ay lumabas na ng mansiyon si Leo. Si Ava pa ang naghatid sa kaniya sa pinto bago niya nilakad ang gate na may kalayuan mula sa mismong bahay.
Pagdating sa gate ay hindi siya pinalabas ng guwardiya.
"Dito ka muna, hijo. Tumawag kanina si Ma'am Melissa at pinaghihintay ka rito," paliwanag ng unipormadong guwardiya sa guard house na katabi ng gate.
Nagtatakang nagsalubong ang kaniyang mga kilay pero hindi na kinuwestiyon pa ito.
In a matter of minutes, Melissa arrived. She stuffed a pretty hefty envelope between his hands.
"Ma'am," he hesitated. Gusto niyang bitiwan ang envelope pero hindi niya magawa.
"I insist. Para sa gamot at hospital bills ng kapatid mo."
Napailing siya. Hindi pa niya sinisilip ang laman ng envelope pero sa kapal nito sa kaniyang nga palad ay alam na niyang malaki ang halagang laman nito.
"Ma'am, hindi ko po ito mababayaran."
Melissa smiled at him reassuringly. "You can pay it back, Leo. I don't mind how long. Kung gusto mo, bayaran mo kalag graduate at may permanenteng trabaho ka na. It came from my own account anyway. Hindi na 'yan hahanapin ng daddy ni Ava. And besides, I just want to help."
"Hijo, tanggapin mo na lang 'yan. Ganyan talaga si Ma'am Melissa," nakangiting segunda ng guwardiya na tila hindi na nakatiis.
Napatingin si Leo sa envelope. Nagdalawang-isip pa siya saglit bago sumusukong napatango sa dalawa.
"S-Salamat po."
"Go and send that to your family, okay? I am giving that money right away dahil importante na maagapan 'yong klase ng sakit ng kapatid mo."
Naluluhang napatango siya habang nakatingin sa mga mata ni Melissa. His lips quivered, struggling whether to smile or frown. "O-Opo!"
Pagkauwi sa bedspace na tinutuluyan ay nagmamadaling nagbaon ng kaunting gamit si Leo. Iyong mga importante na hindi pag-iinteresan ng mga malilikot ang kamay sa mga kahati niya sa kuwarto.
Pagkatapos ay dumaan muna siya sa isang sari-sari store para makitawag sa payphone.
Tumawag siya sa ospital dahil tiyak na naroon ang isa sa kaniyang mga magulang. Ilang minuto rin siyang naghintay bago narinig sa kabilang-linya ang boses ng kaniyang tatay.
"Nardo-" seryoso at mabigat nitong saad.
He interrupted out of excitement. "'Tay! Wala akong pasok sa resto ngayon kaya luluwas ako r'yan para mabilis kong maiabot d'yan 'tong pera para kay Pol. Siguradong gagaling s'ya agad-"
"Nardo, Nardo, Nardo," ilang ulit na awat sa kaniya ng tatay niya bago niya narinig ang boses nito at napatigil sa pagsasalita.
"'Tay?"
He heard his father's sharp inhale. It was as if he was trying to be strong, to hold himself together before speaking gravely. "Nardo. Kahapon pa namin hinihintay ang tawag mo dahil patay na si Pol."
He wildly shook his head. Hindi puwede. Ayaw niyang maniwalang patay na si Pol!
"K-Kung patay na siya . . . b-bakit nasa ospital pa kayo?"
"Dahil hindi pa mailalabas sa morgue si Pol hangga't hindi pa bayad ang lahat ng bayarin."
At doon na tuluyang nawala ang katiting na pag-asa na baka nagbibiro lang ang tatay niya, na baka buhay pa si Leopold.
Hindi na siya nakaimik. Natulala na lang siya habang unti-unting nangingilid ang kaniyang mga luha.
"Anak, kami na ng nanay mo ang bahala rito. Ang mabuti pa ay itabi mo na lang 'yang pera para sa pag-aaral mo-"
Napalunok siya. Tumapang ang mukha kahit luhaan ang mga mata. "Hindi. Pupunta na 'ko r'yan."
***
Warning: 🚫
Alcohol use, crime,
manipulation, abuse
ISANG linggo ring absent si Leo sa kaniyang mga klase at sa trabaho para manatili sa Batangas.
Leo helped his parents settle the hospital bills. Nang kapusin sila sa panggastos para sa pagpapalibing ay saka lang siya napilitang bumalik sa Maynila para magtrabaho.
Pero pagkabalik na pagkabalik ay dumeretso muna siya sa bahay ng mga Milano, kay Melissa.
"Ma'am," nanlulumong bungad niya rito nang puntahan nito sa sala. Marahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa bilang paggalang dito.
As usual, Melissa still had her black wavy hair tied in a messy bun. She wore a tight, black tank top and a pair of short denim shorts. "Oh! You're early! Nasa school pa si Ava. And what happened? Hindi ka nagpakita last week. Pinagbantay ka ba sa kapatid mo?"
When Melissa sat on the one-seater, Leo returned to the end of the three-seater sofa, right close to where she was.
Melissa narrowed her eyes at him, studying him. "Hmm, you don't look good, and you obviously didn't come here for Ava. Kinulang ba 'yong ipinadala ko sa 'yo?"
Nagpipigil ng iyak siyang umiling.
She gasped. "He's dead?"
Leo nodded slowly. Nanatili siyang nakayuko habang dinig naman niya ang marahas na pagbuntonghininga ni Melissa.
"Malaki rin po ang kaltas sa susuwelduhin ko sa resto dahil sa mga absent ko," patuloy ni Leo, nahihiyang tumingin sa ginang, "kaya kung p'wede po sana, i-a-advance ko sana ang kikitain ko sa pagtu-tutor kay Ava simula ngayong linggo."
"How much do you need?"
"M-Mga ten thousand po. Para lang sa pagpapalibing sa kapatid ko."
"Ten thousand. With that amount of money, I guess, you're planning to have him buried in an apartment style kind of grave, no?"
Napalunok siya at tumango-tango.
"Hindi pa kasama ro'n ang kabaong, ang funeral service."
"Okay na po 'yon, ma'am. Sina Tatay na ang bahala. Tinutulungan naman po kami ng mga ka-village n'ya sa hacienda at ng mga amo nila."
"So, para sa libingan na lang itong ten thousand?"
He nodded again with his eyes still on the ground.
Melissa sighed. "No problem. That's equal to five days of tutoring Ava anyway."
"Salamat po," walang-buhay niyang saad, hindi pa rin makatingin dito.
"I didn't bring any money with me. Follow me," anito at hindi na hinintay ang kaniyang sagot. Tumayo na ang ginang at pumanhik sa hagdan.
Kahit pinabigat ng panlulumo ang kaniyang mga paa ay walang pagdadalawang-isip na sumunod si Leo sa ginang.
She guided him inside a room that has a dim lighting and a mini bar in it.
"I can't take you to my bedroom, so stay here," bukas nito ng pinto para sa kaniya.
Leo quietly entered the small room and sat on the bar stool. Iginala niya ang tingin sa paligid habang naghihintay.
Hindi nagtagal at bumalik si Melissa. She gave him an envelope and encouraged him to count the bills before stuffing it inside his backpack.
Nang matapos sa pagbibilang, akmang tatayo na siya nang unahan ni Melissa.
"Are you in a hurry? Babalik ka na agad sa Batangas?"
He nodded his head. "Opo. Kailangan, e."
"But you don't look good. It seems to me that you've been lacking sleep and rest for days."
"Okay lang po ako, ma'am." Nilisan niya ang upuan at nagulat nang mahablot agad ni Melissa sa braso.
"Leo. Hindi lang ikaw ang may problema rito."
Nagtatakang napatingin ang matamlay niyang mga mata sa ginang. He met her irritated gaze.
"I just did you a favor, so the least you can do, is accompany me for a drink or two."
"Bakit, ma'am? Ano'ng nangyari?"
She released his arm hastily. "Go back to your seat."
Napipilitang bumalik siya sa upuan. Melissa positioned behind the bar counter and prepared their drinks.
"My husband." She released a heavy sigh. "Pakiramdam ko, maaga akong tatanda sa kan'ya. And Ava is just a child, she won't understand my dilemma. Kaya baka sumabog na 'ko kapag hindi ko nailabas lahat ng nararamdaman ko. I'm so glad that you're here now."
Leo pretended to be interested, para lang matapos na itong pagdamay niya kay Melissa at makaalis na. "Ano po ang problema ninyo kay Sir? Hindi ba, mas maganda kung si Sir mismo ang kausapin ninyo tungkol sa problema n'yo sa kan'ya?"
Melissa paused from what she was doing and glared at him. "That's the worst idea I have ever heard! Kakausapin ko s'ya, and then what? Mauuwi lang sa away? Malayo na ang loob ni John sa 'kin, ayokong lumayo pa 'yon lalo kapag nag-away na naman kami!" Ipinagpatuloy nito ang pagsasalin ng alak sa isang low ball glass. "But damn, I really can't help it!" Nanggigigil na nagngitngit ito. "Feeling ko talaga, may iba na siyang babae!"
Melissa put the glass in front of him. "Drink for me, Leo."
Napailing siya. "H-Hindi po ako umiinom."
Gigil na inulit nito ang utos. "Drink."
Napipilitang dinampot ni Leo ang baso. Sa unang simsim ay napalayo siya sa baso at napangiwi. Pagkatapos ay bumuwelo siya at nilaklak ang alak para lang matapos na.
"See? You're thirsty!" kuha nito sa baso. "Let me give you another one!"
Hindi pa rin maipinta ang mukha niya. "Hindi ka ba iinom muna?"
"Later, kapag tapos na akong magk'wento."
"Baka malasing ako. Hindi ako makauuwi. Isa pa, sixteen lang ako . . ."
"You're with me. An adult. Wala kang dapat ipag-alala kasi may kasama ka namang matanda habang umiinom." She paused again from making drinks. Itinukod nito sa bar counter ang mga kamay. "Alam mo, Leo, sa edad mo na 'yan, dapat sinusubukan mo na ang uminom. Para hindi ka mangmang pagdating sa mga alak at para alam mo na rin kung hanggang ilang baso o bote ang kaya ng katawan mo."
Leo stared at the bar counter blankly. Mga manginginom din naman ang tatay niya at ang mga katrabaho nito sa niyugan, pero hindi ganito ang pangangatuwiran nila tungkol sa pag-iinom. His father may be a coconut harvester but he loved reading the newspaper. And he shared to him the things he read about Philippines law and politics throughout his childhood, which soon inspired him to pursue a law course. Dahil sa kaniyang ama kaya alam niyang hindi siya puwedeng masayaran ng alak sa mga labi't lalamunan hangga't hindi pa siya eighteen.
But unfortunately, Melissa didn't seem to acknowledge the legal drinking age.
"Come on. This will make you feel better. I know, because I drink when I'm feeling like shit." Then she continued preparing another drink for him.
Melissa served him one drink after another. Leo knew that he shouldn't be getting drunk at his minor age, but he took them down in fear of upsetting the person he owed a lot of money from.
Deep inside, he was hoping that the previous glass would be the last shot. Kasi hindi ba dapat ay gano'n ang kalakaran? Kapag ginawa mo na ang gustong ipagawa ng isang tao ay hindi na ito hihirit na ulitin mo ang bagay na iyon?
Pero hindi. Pinainom siya nang pinainom ng babae habang panay ang reklamo nito tungkol kay John.
Si John na palaging wala sa bahay.
Si John na baka kinakalantari na ang sekretarya nito.
Si John na hindi na ito 'dinidiligan.'
It was as if she was trying to get his sympathy, and too bad, he could not feel anything for her. Halos hindi na rin kasi siya nakapagpokus sa inilabas na mga sama ng loob ni Melissa dahil unti-unti na siyang nalalasing.
Hanggang sa sinasabayan na niya ang paglabas ni Melissa ng mga hinanakit sa buhay.
"Tama ba na ipinagpilitan ko pa 'tong pag-aabogasya ko? Bakit hindi na lang ako nagtrabaho agad? Bakit inuna ko pa ang magastos na putang-inang pag-aaral na 'to kaysa sa kumita ng pera?"
"Stupid!" Melissa chuckled while gripping the bottle neck tightly. This time, she was sitting on the bar stool beside him and drinking with him. They were facing each other. "Nasa pag-aabogasya ang pera mo! Naghihintay sa 'yo! Pursue it!"
For a moment, he felt safe with Melissa. For a moment, he trusted her because she said something true-that drinking would make him feel better!
Aside from giving him money and encouraging him to study, she gave him alcohol that reintroduced him to this feeling of ease, the kind that made him feel like he was floating. Inugoy siya ng kalasingan, then he suddenly felt light, so light . . . He felt the kind of light-headedness and ease that he only felt way back in his childhood.
It was nostalgic and comforting.
Nakaka-miss pala ang mga panahon na bata pa siya at walang mabibigat na mga pasanin sa buhay.
At dahil sa gaan na nararamdaman ay lumakas ang boses niya. "Paanong nasa pag-aabogasya ang pera? Baka bago pa 'ko maging abogado, baon na kami sa utang!"
Melissa smirked. "I think, both of us can solve our problem. Hitting two birds with one stone, as they say!"
Naningkit ang mga mata niya. Medyo nanlalabo na kasi ang paningin niya. "Paano, ma'am?"
"Gusto kong gantihan si John. Gusto mo naman ng pera, na makatapos ng law. So what if, I pay you?"
"Binabayaran mo na 'ko, ma'am. Sa pagtuturo ng Math kay Ava."
Melissa threw her head back and laughed. Leo blinked many times, yet he still could not see clearly if she was light-headed out of drunkenness or because she was mocking him.
Then, her sharp eyes returned to him.
"No. I'll pay you to make sex videos with me."
He snorted. "Anak ng- Ma'am. Lasing ka na yata, e-"
Melissa shook her head and smirked devilishly as she leaned close to him. "Come on, Leo. I just need to show John what he's missing out on."
Her hand landed on his thigh, her fingers pressed as she clutched him.
"Bakit ako? Ma'am, ayoko n'yang ideya n'yo!" lasing niyang bulalas.
"I already prepared myself in case you'll say that," makahulugan nitong ngisi.
He squint in confusion. "Ano?"
"Just leave," she smirked, leaning away from him.
Leo scratched his nape. Naguguluhan kasi siya kung paano aalis sa lugar na ito.
Of course, he could simply get down from the bar stool and walk away, but at his state, his thoughts became loud voices that overlapped each other and drowned his awareness of his surroundings. The alcohol made the room foggy as it rotated slowly, forward then in reverse.
Wala sa sarili na tumayo si Leo at lumakad hanggang sa malagpasan si Melissa. A twinge of pain shot in his head, making his eyes widen before he confusedly spun around to face Melissa.
He blinked.
And blinked.
But his vision only got more blurry with every blink.
Sa huli niyang pagkurap ay hindi na niya naidilat ang mga mata.
***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro