V
“Pssst.Erika!!” lumingon ako sa taong sumisitsit.
“Joshu-ahm I mean Yanna!” lumapit ako at niyakap ito.
“Bruha,alam mo bang kanina pa kita hinihintay!”
“Huh? Bakit?”
May kinuha ito sa bag.
“Ano to?”
“Alangan cellphone.Wala ba nyan sa bundok?”
Hinampas ko ito.
”Alam kong cellphone.Pero ba't mo ko binibigyan nito?”
“Magpapa-tulong kasi sana ako sayo.”
“Anong tulong?”
Luminga ito sa paligid.
“Darating kasi si Papa bukas.Pwede ba kitang gawing alam mo na,nakakadiri mang sabihin pero hinahanapan niya na kasi ako ng dyowa.So ano pwede ka ba?”
Inirapan ko ito.
“So panuhol to.Ganun?”
Ngumiti siya ng alanganin.
“Parang ganun na nga pero kapag may kailangan ka pa,wag kang mahiyang mag sabi.Erika please ikaw lang ang naiisip ko na makaka intindi saken.”
Dios ko.Nagpa-cute pa talaga tong baklang to.
“Oo na.Pumapayag na ako pero halikan mo ako sa harap ng parents mo ha,kasama yun sa pag kukunwari bilang couple.”
Umakto ito na nasusuka.
“Yuck Erika.Hindi ko magagawa yun,nakaka diri.Eww!”
Hinampas ko ito ng hawak kong phone.
“Bakla ka nga.Bwiset ka.Mauuna na ako ha tsaka salamat sa suhol mong cellphone.”
Niyakap ako nito.
“Salamat Erika.Mabuti nalang at nakilala kita.”
“Hoy magpaka lalaki ka.Papalapit ang mga fans mo.”
Nag kumpulan naman ang mga tangang babaeng ito sa harapan ni Joshua.
“Aaahh Hello Joshi.” tili ng mga ito.
“Hey ladies.”
Muntik na akong matawa dahil sa laki ng boses nito,parang kanina lang ipit na ipit ang boses nito pero ngayon,akala mo isa ng bouncer.
“Yann- ahm Joshua una na ako ha.”
Tumango ito at kinindatan ako.
Hahaha.Mga galawang 'pa men.
Napaatras ako bigla nang maka-salubong ko sa daan sina Crusita.
“Hoy Ekang.Hindi ka ba talaga nadadala ha? Diba pinag sabihan kana namin na wag kang didikit kay Joshua? May pa yakap-yakap ka pang nalalaman ha.” saad nito sabay tulak sa balikat ko.
“Tumigil na nga kayo crusita.Kung gusto nyo sa inyo na si Joshua.Hindi ko naman siya inaagaw eh.”
Umirap ito.“Bigla atang nag iba ang ihip ng hangin.Parang noon lang,kakasabi mo lang na masaya ka na kinulong ka namin dahil naka-sama mo siya.Bakit parang binibigay mo na siya sa amin ngayon?”
“Wala naman kasing dahilan para pag awayan natin siya.Kaibigan lang ang turing ko sa kanya.Kaya tigilan niyo na ako.”
Tinaasan ako ng kilay ni Crusita.
“Paano kung ayaw ka naming tigilan?” saad nito sabay tulak sa balikat ko.
“Dela Cruz,may binubully nanaman kayo?”
Napatingin kaming lahat kay Ms.Panganiban.
Hoo thank you Lord! You saved me again.
Umiling ang mga ito at biglang nag transform sa pagiging anghel.
“Wala po Mrs.Panganiban.May tinatanong lang po kami kay Erika.Right Erika?” tanong nito at pinandilatan ako ng mata.
“O-opo Mrs.Panganiban.”
“Ganun ba.Sige na pumasok na kayo sa room.”
Palihim akong nagpa salamat.Minsan nakaka takot na sina Crusita,akala mo isang bagay si Joshua na pwede nilang pag agawan.Tsk! Kung alam lang nila na pusong babae si Joshua...........pero kailangan kong ilihim yun dahil pinagka tiwala nito ang sikreto saken.
***
“Erika ano? Matagal kapa ba dyan?” tanong ni Joshua habang kumakatok sa pinto ng banyo.
“Wait lang,hindi ko makabit yung strap ng bra ko.”
“Tulungan na kaya kita.”
“Wag na.Eto na naikabit ko na.” saad ko saka lumabas sa banyo.
“Okay lang ba tong suot ko?” tanong ko.
Medyo maiksi kasi ito pero hindi naman kalaswaan.
“Girl okay na yan.Tara na at pauwi na raw si Papa.”
Hinila nito ang kamay ko.
“Joshua,kinakabahan ako.Pano kapag nabuking nila tayo?”
“Bruha ka wag mo nga akong pakakabahin.Kaya natin to.”
Inirapan ko ito.
“Kung hindi lang talaga kita minahal.Nyemas.” pabulong kong saad.
Medyo may kalakihan ang bahay nila Joshua.Mayaman naman pala sila pero bakit sa public school ito nag-aaral.
“Joshua anak,siya ba si Erika? Naku iha,ang ganda-ganda mo nga talaga.” saad ng babaeng I think nasa mid 30.
“Erika,this is my mom.Mom si erika pala.Gi-” siniko ko ito.“Girlfriend ko.” saad nito pero narinig kong nag mura ito pagkatapos.
“Nice meeting you iha.Tara na duon sa sala,josh samahan mo muna si erika dun.”
“Girl,it's super hirap ha.” bulong nito.
Natawa ako at kinurot ang tagiliran nito.
“Kayanin mo kahit dalawang oras.Mag sisinungaling ako na masama ang pakiramdam ko para maka-uwi agad ako.”
Hinawakan nito ang kamay ko.
“Sobrang thank you talaga ekang.Mamaya makikita mo ang boyfriend ko.”
“Ano may boy-” natakpan nito bigla ang bibig ko.
“Yes.2 months palang kami.Ang alam nila Mama,kaibigan ko siya dahil lagi siyang nandito.Oh my God kinikilig ako.” tili nito.
“Ang landi mo.” bulong ko pero tumawa lang ito.
“Anak tara na salubungin natin ang papa mo.”
Hinawakan ko ang kamay ni Joshua at pinag tiklop ito.
“Good afternoon sir.”bati ko.
Ngumiti ito at niyakap kami pareho ni Joshua.
"I'm glad that I finally meet you.Akala ko talaga malambot itong si Joshua pero tingnan mo nga naman,ang ganda nyong tingnan.” saad nito habang tinatapik ang likod ni Josh.
Natatawa ako sa itsura nito ngayon.Alam ko kasing pinapatigas lang nito ang katawan.
“Duon na tayo sa loob mag kwentuhan.Baka lumamig ang pagkain.” akay ng mama ni Josh.
“Hi Tita.Tito.” bati ng bagong dating na babae.
Nagka tinginan kami nito.Siya yung ex ni Ate Jasmine.
“Diba ikaw si Erika?” tanong nito.
”Opo.”
“You know each other?” tanong ng Papa ni Josh.
“Yes tito.Erika is my ex girlfriend's cousin.”
“Ah talaga.Ang liit talaga ng mundo.Girlfriend siya ni Josh.”
Nagulat ito.
“Really? Ahm hi.Welcome to the family.”
Nginitian ko ito.
“Salamat po.”
Hindi ko maiawasang wag sulyapan ang magandang babaeng kaharap ko.Ano kayang nagustuhan nito kay Ate Jasmine.
“Ahm Tita,Tito.Pasensya na po pero kailangan ko na pong umuwi.Bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko.”
“Pwede ka namang mag pahinga sa kwarto ni Josh.” saad ng mama nito.
“Hindi na po tita.Baka po kasi hinahanap na rin ako ni Tyang.”
“Oh sige.Pero lagi kang pupunta dito ha.Josh,ihatid mo na si Erika.” suhestyon ng Papa nito.
“Sa akin ka nalang sumabay.Pupuntahan ko din naman kasi si Jasmine.” saad ng ex ni Ate jasmine.
“Sure ka Ate Reeze?” tanong ni Josh na abot tenga ang ngiti.
Kumindat ito sa kanya.
“Oo.So pano una na kami guys.”
Niyakap ako ni Josh.
“Bakla,salamat sa tulong ha.Aalis din kami ni Rick later.” bulong nito.
“Wala yun basta ilibre mo 'ko sa shakeys bukas ha.”
“Yeah sure.Bye.Ate Reeze ikaw na ang bahala sa GIRLFRIEND ko ha.”
Hinampas ko ito sa balikat.
“Oo.Ako na ang bahala sa GIRLFRIEND mo.Bye!”
“So tell me,ba't ka pumayag na maging girlfriend ng bakla kong pinsan?” tanong ni Ate Reeze habang nag mamaneho.
“Huh? Pano mo nalaman?”
Tumawa ito.
“Alam kong bakla si Josh so pano siya magkaka girlfriend.”
“Huh.Akala ko,ako lang ang nakaka-alam na bakla siya?”
“Siguro yun ang alam niya,pero lesbian ako kaya sa mga kilos nito,alam kong bakla siya.”
Nakamot ko nalang ang ulo ko.
“Wag niyo pong sasabihin sa magulang niya na nag kukunwari lang kami ha.Nakaka-awa si Josh,takot kasi yun sa papa niya.”
Ngumiti ito.
“I know.And thank you kasi napagka tiwalaan ka ng pinsan ko.Gusto mo bang mag kwentuhan muna saglit? Alam kong stress ka sa bahay nila Jasmine.”
Tiningnan ko ito.
“Pano nyo po nalaman na stress ako dun?”
“Kilala ko sila.Lalo na si tita felly,wala ngang tumatagal na katulong sa kanila because of her attitude.”
“Tama ka dyan ate.Mabuti nga at sobrang bait ni Ate Stephanie,malayong malayo sila ni Ate Jasmine.”
Ito naman ang natawa.
“I agree.So you're only sixteen right?”
Umiling ako.
“Kaka seventeen ko lang po.”
“Ganun,mukha ka parin kasing sixteen.”
Hmm.Bolera!
“Ikaw po ilang taon na?”
“Twenty one.”
“Talaga? Akala ko twenty ka lang.”
“You know what...I like you.Ang gaan mong kausap.”
“Talaga po?Salamat po kung ganun.”
Pinarada nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
“Dito nalang kita ibaba ah.Baka kasi makita ni Jasmine tong sasakyan.Magtatanong yun kung bakit tayo magkasama.”
“Sige po.Salamat po sa paghatid Ate Reeze.”
Kinindatan ako nito bago bumaba.
----------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro