Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TANGING PAMANA


Paghusayan mo aking anak,

Ito ang aking tanging busilak na maibibigay.

'Di ko alintana aking pawis na papatak,

Basta akin lamang sa iyo'y maialay.


Ito ngang kariktang higit pa sa ginto,

Yakapin mo anak, isapuso't isip mo.

Apuhapin mo ang halaga, nitong munting buto,

Pagyamanin itong aral na isusulat sa'yong noo.


Kagubatan ma'y iyong marating,

Mayroon kang baun na sandata.

Karimlam ma'y masumpungan,

Ikaw mismo'y isang kumikinang na tala.


Kaya, aklatin mo ang bawat pahina,

Nitong libro ng edukasyon.

Salat man tayo sa yaman anak,

'Di ito hadlang upang matupad ating ambisyon.


Sabay nating ilakad anak,

Ating masikap na paa.

Sa kabila nitong bundok,

Naroon ang natatangi kong pamana.


June 8, 2017

Mysterious_aries

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro