Nang Bumalik Ka
#100words
Dumating ka, bitbit ang dalawang maleta sa mga kamay mo. Nagtanong ang mga mata ko. Ngunit yumuko ka lang at 'di sumagot.
'Di nga ba't kagabi lang nag-away tayo. Nag-away tayo dahil pinapamili kita. Ako na sinabi mong mahal mo o si Hector na nakatakda mong pakasalan ayon sa mga magulang mo.
Hindi mo 'ko sinagot kagabi. Umiyak ka lang nang sobra bago mo ko iniwanan.
"Dala ko na ang mga gamit ko," maluha-luhang paliwanag mo. "Ayoko nang magkunwari pa, Jaime. Dahil mula ngayon hanggang sa mga susunod pang bukas, ikaw at tanging ikaw lang ang paulit-ulit na pipiliin ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro