Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6


to fervorkiss,

author ng story na ito tuwing naghihintay mag-7PM:

*****
iMessage
Mom

Mom:
Cal?

Iscaleon:
Yes?

Mom:
Something's bothering you?

Iscaleon:
Wala naman po.

Mom:
You know that not everyone can tell your emotions right? I just have the privilege of giving birth to you that's why I can tell. . .

You don't always have to keep it to yourself :) dito lang kami sayo, alright?

Iscaleon:
Yes. Thank you po.

*****

Chapter 6

Salot talaga ang mga lalaki sa lipunan eh. Lalo na yung mga poging icha-chat ka sa dump account nila sa Facebook sabay iiwasan ka in real life? May paglalagyan talaga yung mga yun eh.

I don't know where the hatred stems from. Di ko alam kung dahil ba sa first time ko ang ma-ghost? Dahil akala ko may progress na kami? Dahil nag-assume ako na baka naman may boyfriend na ako bago pa man mag-graduation?

Kailan ako makaka-graduate sa pagiging NBSB?

"Di na talaga nagparamdam?" tanong ni Micah sa akin nang maabutan ang busangot sa mukha ko.

Agad kong tinago sa aking bag ang cellphone ko. Pumalumbaba ako sa lamesa habang naghihintay kami kay Diana dahil siya na lang ang may klase sa amin.

"Di ko na tinitingnan," sabi ko.

"Sus, parang kating-kati ka na nga i-chat eh," umupo sa tabi ko si Micah sabay naglabas ng kan'yang phone. She was busy fiddling on her phone when her neck stretched over to look what's in front of us.

May mga varsity players galing sa mismong university namin ang kumakaway sa kan'ya, mukhang galing pa ito sa mga practice dahil galing sila sa coliseum mismo. Iba talaga ang network ng isang ito eh. P'wede na sumali ng SK tapos ang plataporma ay libreng therapy para sa lahat ng sawi. She was good at giving advices so I would definitely vouch for her.

"Dami mo palang kilalang pogi tapos di mo pinapakilala sa akin," I teased her as I nudged her from the side.

She shrugged off, "Swapang ako eh. Anyway, mga babaero ang iba roon. Idagdag ka lang sa mga babae nila. Okay naman yung nerd na nakausap mo ah?"

"He's not a nerd," depensa ko. "Consistent President's lister nga siya at madalas sa mga org pero di naman siya nerd."

"Nagkwento siya sa 'yo?"

"Hindi. . ." I gulped down the bile on my throat. "Alam ko lang."

Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Micah sa akin, obviously not buying my excuse.

Okay fine. I stalked him for a bit. Sa isang account n'ya ay sobrang tino nga n'ya tingnan. Kadalasan pa sa mga profile picture n'ya ay may dp blast mula sa iba't ibang org o di kaya sa mismong department nila. Kita ko rin na marami siyang pictures ng family n'ya sa Facebook. Sa kabilang account naman n'ya ay puro meme sharing o di kaya mga random thoughts na sinasakyan naman ng iilang tao na nandoon sa account na yun. As much as I want to join in, I feel uninvited because of how he ignored me the last time. Hindi ko nga magawang bumuo ng bagong message para sa kan'ya eh.

"Hayaan mo na yun," Micah consoled me. "Nandito naman kami eh. Di mo na kailangan yun, saka reregaluhan ka na lang namin ng vibra—"

"Bwisit ka talaga," I cut her off. "Pusa na lang ang i-regalo mo para ready na akong magalaga na lang kapag wala pa talaga akong naging boyfriend!"

"Literal na kaya mo naman pasayahin ang sarili mo, 'te," she chuckled then rested her head on my shoulders. "Nandito lang naman kami eh. Di ka naman namin hahayaan tumandang mag-isa."

Pinilit ko ang isang ngiti sa aking labi. Agad na napuno ng agam-agam ang puso ko.

It was easy for her to say those words but I knew at the same time that it couldn't be possible for them to prioritize me as much as I always put them first. Kapag nagkaroon na sila ng sarili nilang mga pamilya, the less time that they will allocate for their friends. I'm one of those friends. . .and I fear that our bond wouldn't be that strong to withstand time and constant communication.

*****

Ilang araw tahimik ang mundo ko. OJT, school, at bahay ang pag-ikot ng aking oras. I would seldom see my friends as well because we had different courses. Mas marami nga yata silang ginagawa dahil tahimik ang group chat naming tatlo. My heart felt that something was wrong with that silence. Hindi ko alam kung epekto lang ba ito ng pag-o-overthink kung may nagawa ba ako or ano.

Celest:
Ganap?

I was waiting patiently for their replies. Gusto ko sana makita sila para naman may magawa ako habang weekends pa, it was my only rest from all the exhaustion of being a graduating student. Hindi ko nga ma-imagine na halos mag-midterms pa lang ng first semester pero ang pagod ko ay daig pa yung tatlong taon ko sa kolehiyo. It was beyond exhausting.

Diana:
Wala naman.

Micah:
Why, Cel?

Celest:
Bored lang. Hangout? BGC tayo? Mall shopping? Tingin-tingin lang.

Micah:
Busy, Cel eh.

Diana:
Medyo dami gawain.

Oh.

I didn't let the disappointed tangle with my words. I simply replied out of courtesy for them to know that it was okay. I mean, totoo naman eh. Busy talaga kaming tatlo. Magbibigay naman sila ng oras kung hindi. This is probably one of the disadvantages of being single; you're not the priority. Hindi p'wede pagbigyan ka dahil sino ka naman 'di ba? Kaibigan ka lang nila.

Kaya naman imbis na magpakain ako sa lungkot, I did some stretching over mat on our living room. I cleanse my mind by watching my favorite TV series. When boredom ruled over me, nagluto naman ako ng pancit canton na calamansi flavor para naman sa brunch ko. Wala kasi si Mama dahil kahit weekends ay may pasok siya, wala lang minsan tuwing sunday dahil rest day nila o kaya day off.

I drained the noodles from the boiling water. Nilagay ko siya sa bowl kung nasaan ang toyo, oil, at seasoning na kasama na mismo sa paketa n'ya. I swirl the noodles until I am satisfied. Agad ko itong kinain nang makitang nakahalo na siya sa mismong sauce n'ya.

I scrolled through the My Days of my friends. Nakita ko roon ang ilan sa mga ganap nila. May ilan na nasa mall kasama ang jowa, ang ilan ay nasa outing kasama ang jowa, at ang ilan ay kumakain with family kasama pa rin ang jowa. Edi sila na talaga, magsama-sama silang may mga jowa.

Nangunot ang noo ko dahil nakita ko ang high school bully ko na si Laarnie na nilalamutak ang pisngi ng isang lalaki sa isang post na may mahabang caption. Apparently, it was their fucking 1st anniversary. Hindi ko alam bakit di ko pa siya ina-unfriend kahit sobra pa sa sobra ang pangv-verbal abuse n'ya sa akin noong high school kami. Siguro dahil takot ako noon sa kan'ya, I was just glad it was all over when she transferred schools during senior high.

Tingnan mo! Kahit pangit ugali nito ay nagka-jowa pa siya? Eh paano naman akong uno nga sa Ethics pero di pa nakakatikim ng etits? Unfair talaga ang mundo sa mga magaganda eh.

I decided to unfriend her already. I mean, what's the use? Maiinggit lang ako sa kan'ya, it's definitely detrimental to envy someone who's as awful as her. Hindi baleng pagkalat n'ya ang pag-unfriend ko sa kan'ya kaysa naman mapilitan akong makita ang mga posts n'yang nakakasuka.

Lumipat ako sa Instagram dahil naubos ko na yata ang mga My Day ng mga FB friends ko. When I went there, I saw a green circle around Micah's profile. Oh? May update siya? Ano kaya mayroon sa kan'ya?

Nakita ko na mukhang nasa road trip siya kanina. There was a canopy of pine trees as she roamed around the area. Nakita ko na kasama n'ya si Diana at dalawa pang lalaki. All of them were wearing thick clothing while posing for the camera. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. It wasn't a throwback picture because Jericho had the same haircut when I last saw him and that was just last week.

Tangina?

Did they just go out without me? Akala ko ba busy? Alam ko naman na may kan'ya-kan'ya kaming mga gawain pero bakit naman biglang ganito?

Hindi pa natapos doon ang post ni Micah. There was another one wherein they were swimming and based on the weather condition, mukhang nasa Baguio pa rin sila. Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagpapapansin kaya naman nag-heart react ako sa mga posts nila. In one minute, nawala na yung mga posts na parang bula. Pero s'yempre, hindi ko hinayaan na wala akong screenshot ng mga posts na yun. Aba, you can never go wrong with evidence.

I asked my other friends (who were also their Facebook mutuals and Instagram mutuals) if there were posts about a Baguio trip on Micah and Diana's account. Nagsipag-send sila sa akin ng mga screenshots na mayroon nga. They went to Baguio without me. Di naman ako lamigin. Wala rin akong sakit. They could have at least invited me out, right? Alam naman nila ang schedule ko eh.

Cel:
Saya siguro sa Baguio :)

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtipa ng mga salita na yun. I was mad; beyond disappointed with my own friends. Okay lang naman sa akin ang hindi sumama pero bakit kailangan itago sa akin? Tipong sa iba pa ako nakikibalita dahil yung mga mismong kaibigan ko ay naka-hide sa akin yung mga My Day nila? They confirmed that Diana and Micah were posting pictures and videos but it was all hidden to me. My heart was slither with pricks as the realization dawned on me.

Jana:
Naka-delete na yung kay Micah eh. Pero kanina may mga posts siya. Bakit, Cel? Magka-away ba kayo?

Celest:
Di ko rin talaga alam, Jana.

My tears betrayed me as they slowly streamed down my face. Nakakainis. Ang iyakin ko pagdating sa mga kaibigan. Alam naman nilang sila lang yung mga kaibigan ko talaga. The rest are just friends when I'm needed.

Micah:
Sorry, Cel.

My eyes went livid as soon as I saw that message. Okay, nag-sorry. Okay, remorseful. Okay, at least alam n'yang nasaktan ako. Pero mapapawi ba no'n yung nararamdaman ko ngayon?

Hindi pa ako nakakapag-reply nang mag-message rin si Diana.

Diana:
Bawi na lang kami next time, Cel.

Celest:
Kahit wag na.

Diana:
Edi wag hahaha.

Diana:
Liit na bagay, pinapalaki mo eh.
Ano ba yan, Cel. Parang bata. Di naman to planado eh. Biglaan lang nagkayayaan.

Celest:
Oh ganun? Nagkayayaan kayo nang wala ako? Edi thank you kasi nag-effort kayo mag-hide sa akin ng mga my day nyo haha.

Diana:
You're welcome. Ganyan kami palagi sayo eh. Inuuna namin palagi yung feelings mo.

Kapag inuna namin yung amin, suddenly parang ang sama naman naming tao?

Celest:
Bakit sinabi ko bang unahin nyo ako? Kung inuuna nyo ako edi sana sinabi nyo man lang may lakad kayo na wala ako. Di naman ako tanga. Kung ayaw nyo ako kasama, maiintindihan ko naman.

Diana:
Oh edi anong pinuputok ng butchi mo dyan kung naiintindihan mo naman pala?

Micah:
Tama na, guys.

Diana:
Kaya nga namin tinago mga my day namin kasi ayaw naming masaktan ka kung sakali.

Celest:
Ay hala??? Thank you???
Di ba mas madali na sabihin na lang sa akin kaysa magtago pa kayo ng mga my day nyo? Effort pa nga ni Micah mag-delete eh.

Micah:
Usap na lang tayo sa Monday, Celest. Sorry talaga.

Celest:
Oh bakit monday pa? Eh sunday tomorrow ah. Saturday pa lang ngayon eh. Ah ah kasi two days ba kayo dyan? Galing naman.

Diana:
Tangina, Cel. Jowa ka ba namin para magpaalam pa kami sayo? Get a life. May mga buhay kami labas sa friendship nating tatlo.

Micah:
Diana, tama na nga ano ba! 🥹😅🥲😠🙁🙏

All of the words that Diana typed have effortlessly made me bawl my eyes out. Sa loob ng kwarto kong walang ilaw na nakasindi at tanging screen lang mula sa phone ko ang nagsisilbing liwanag, I rested my head on side of my bed. C'Mon! In the back of my head, I knew my brain was nagging me that I was being petty for something so trivial.

Totoo naman sinabi ni Diana eh. We were just friends, they didn't have to update me to their whereabouts and I shouldn't have hard feelings for this one. Yet my emotions reign over me. Hindi ko inakala na gagawin ko ang mga meme na nakikita ko.

I cleared my nickname in the group. I changed the theme of our chat to the default one. I left the group chat without thinking twice.

At di nila ako binalik. Nakakaasar.

Di man lang sinakyan ang pagi-inarte ko! Natulog ako nang may dalang sama ng loob. Ni hindi ko mabati si Mama ng good morning at hinayaan na lang siyang pumasok nang walang naririnig sa akin. Nag-text naman kami sa isa't isa and I assured her that things were just fine.  . .nahihiya akong umamin sa kalagayan ko ngayon. It feels petty, just like how Diana made me seem to be like.

Buong araw ng Linggo ako nakatunganga. Magsisimba ako mamayang hapon para naman kahit paano ay malinawan ako sa nararamdaman ko. I can still feel my emotions seeping through my body. Isang tapik lang sa akin ngayon ay baka bumuhos ang luha ko. I couldn't rant on my social media accounts because I didn't want to put out our dirty laundry in the public hamper for everyone else to see. That's plainly sabotaging our friendship more.

I decided to put all of my thoughts to silence by ranting to someone I know who wouldn't respond anymore. Hinanap ko agad ang account n'ya saka nagsimulang magtipa ng mensahe.

Celest:
Alam ko ang weird at sudden nito.

Pero ayoko na maging NBSB.

Ayoko na maging independent woman. Gusto ko na magpa-baby.

Magkaaway kami ng
mga kaibigan ko ngayon.

Naiinis kasi ako?
Bakit kailangan pa
itago sa akin yung sa trip nila?
And why wasn't I invited?
Dahil ba kailangan may jowa?
At wala ako no'n?

It feels shitty that I'm always treated like a plus one. I never was the priority pero sila naman ginagawa kong priority.

I just want my own person too.
When will I be enough. . .

Parang gago eh.

Nakaka-frustrate na para bang kasalanan na maging single ngayon.

I don't know when the tears started to stream down my cheeks but I could feel it staining my shirt. Akala ko  tapos na ang pag-iyak ko eh pero halos wala pa pala akong nailalabas sa sobrang inis ko sa sarili ko. Why won't anyone date me? Is it because I look like I'm hard to love? That I'm unworthy? Ano ba. . .tangina. . .ano ba?

Three dots appeared immediately near Iscaleon's profile. It means he had seen my chat, nahiya ako bigla pero bago pa man ma-unsend ang mga chat ko sa kan'ya ay nakapag-reply na siya.

Calbo Natix:
Magkita ba tayo?
Para makapag-usap?

My eyes widened a fraction as I repeated his response to me. What?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro