I'm Married ♡: Chapter 59
Chapter 59
Ivan’s POV
“Mahal mo ba sya?” Di ko alam pero kaagad na lumabas ang salitang yun sa bibig ko.
Napatungo sya, akmang magsasalita na sana sya pero nagsalita na ako, “Ano ba naman yung tinatanong ko. Hehe. Wag mo ng sagutin. Kalimutan mo na rin. Hehe. Halika na. magikot-ikot muna tayo. Maaga pa.” Pag-aaya ko sa kanya.
Hindi pa ko handang marinig ang maaaring isagot nya.
Oo man o hindi.
Dahil kung hindi naman nya mahal si Austin, at hindi na nya rin ako mahal.
Parehas lang din ng sakit.
At kung mahal na nya si Austin, mas doble naman ang sakit.
“Ba’t tayo andito?” Tanong naman nya ng pumasok kami sa isang boutique, “Eh pang-couples thingy dito eh.” Sabi pa nito.
Sana may bumalik na kahit papaanong alaala.
“Umm. May titingnan lang sana ako.” Pagpapalusot ko naman.
“May gf ka na noh?” Tanong naman nya.
“Oo. Sa totoo nga, matagal na kami eh. Mga ilang years na siguro.” Sabi ko naman.
Di ba hindi pa tayo nagbebreak?
Kahit nalaman mo yung totoo, hindi ka pa rin nakipaghiwalay sa akin noon.
“E-Eh? A-Ah.” Mukhang naging malungkot naman ang mukha nya.
Alisa’s POV
“May gf ka na noh?” Tanong ko.
Sana wala.
Waa! Ano ba tong mga pinagsasabi ko sa utak ko? ><
“Oo. Sa totoo nga, matagal na kami eh. Mga ilang years na siguro.” Sabi naman nya.
A-Ah. May girlfriend pala sya. T_T
“E-Eh? A-Ah.” Medyo malumanay kong sagot.
Kasi naman eh.. May girlfriend pala sya.. Eh bakit ako ang kasama nya? Saka.. May girlfriend sya tas hinahalikan nya ako. Hinawakan nya rin ang mga kamay ko. Niyayakap nya rin ako. Saka.. Sinabihan nya rin ako ng “I love you”. Uwaaaa! Ivan naman eh! Niloloko mo gf mo?! BAD! Hmf. =_=
“Ano bang balak mong bilin sa gf mo?” Tanong ko naman. Ewan ko ba pero parang may weird akong nararamdaman. Pakiramdam ko, nangyari na to. Same name of the place and same things. Pakiramdam ko din na si Ivan rin ang kasama ko. Dug dug.
“Couple ring.” Sabi nito habang natingin-tingin sa mga couple rings dun.
“Ah. Anong klase naman ng couple ring? Yung heart ba?” Tanong ko sa kanya habang natingin-tingin rin ng couple ring na pwede nyang ibigay sa gf nya.
Dug dug.
Di ko alam pero eto na naman ang weird na pakiramdam. Nagkadikit kasi ang mga braso namin. Hindi lang basta pagbilis ng tibok ng puso ko. Kundi isang kuryente rin na bumalot sa buong katawan ko. Waaa. Lagi nalang ako nagkakaganto pagdating kay Ivan.
“Mickey and Minnie mouse ring yung hinahanap ko.” Napatigil ako sa narinig ko.
Nangyari na talaga to. I fuckin swear.
Nagkatitigan kaming dalawa sa mata, “Ivan… Sino ka ba talaga? Ano ba kita dati?” Mga salitang lumabas sa bibig ko.
Hinawakan nya ang kamay ko, “Alisa.. Si Ivan.. Ang boyf-----“
“BESTFRIEND!!!!”
Kyla’s POV
~Weee are never ever getting back together
You go talk to your friends, talk to my friends, talk to me
But weeeee are never ever ever ever getting back toge-----
“Ughhhh! WHAT DO YOU WANT NOW?!!” Galit kong sabi kay Luke ng tanggalin nya ang earphones ko. Nagpapatugtog yung tao eh. Bastusan lang?
Imbis na magsalita, umupo sya sa tabi ko at sinabing, “I’m bored.”
Bored? Oh, anong gagawin ko pag bored sya? =_=
“So?” Taas kilay kong sabi.
“Tour me.” This time, humarap na sya sa akin.
“Tour you?!!”
“Yeah. Let’s go shopping!”
Oh sh*t. Wag kang ngumiti.
“S-Shopping? No way.” Tanggi ko. Alam ko may binabalak to.
“I don’t take ‘No’ for an answer. Come with me.” Sabay higit nya sa akin. Ilang beses ko syang hinampas pero malakas sya. Kaya in the end, napilit pa rin nya akong isakay sa sasakyan nya. Ughhhh! Pero.. Himala yata at hindi ako inaaway nito ngayon ah?
“Aren’t you comfortable?” Tanong nya. Comfortable?!! Walang comfortable sa taong kasama ka. =_=
Di ko sya sinagot. Ni-hindi ko din sya nilingon. Wala ako sa mood. As in walang wala. Hindi na rin naman sya nagsalita non. Salamat naman. Dahil kada maririnig ko ang boses nya, sarap ibangga ng sasakyan. Syempre, joke yun. Pag naaksidente kami eh di masusugatan ako. Sayang kagandahan ko. Mahirap pa naman pagalingin yun. BWHAHAHAHAHAHHAH!!! Waaa. Nababaliw na naman ako. ^o^
“San tayo?” Tanong naman nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Di bagay sa kanya ang magsalita ng tagalog. Hahahhaha. Mukha syang trying hard!!!
HAHAHHAHAHAHAHAHHA! Ewan ko ba pero napatawa talaga ako ng malakas. Opsssy.
“Ba’t ka natawa?” Tanong nya ulit sa akin dahilanan para mas mapatawa ako ng malakas.
BWHAHAHAHHAHAH!!! Ang pangit nyang magsalita ng tagalog!!! BWAHAHHAHAHAHAHHA!!! Mas gugustuhin ko pang mag-english nalang sya!! Hahahahhaa! Nakakatawa talaga! Wala eh. Hindi nya pinapahalagahan ang sariling wika natin. CHOS!
“Are you crazy?!” Galit na nyang tanong sa akin dahilanan para mapatigil ako sa pagtawa.
“Of course not. I ---- HAHAHAHAHHAHAHHAHHA!!!” Napatawa na naman ako. Bwhahahhaha!! Nakakatawa kasi ekspresyon ng mukha nya!
“Ayy. Nababaliw na yata si Ate?”
“Ang pogi pa naman ng kasama nya.”
“Tawag nga kayo sa mental hospital.”
“Para kunin na nila si Ate tas para masolo na natin si Kuyang pogi. ^^”
BALIW?!!!! ><
Inayos ko naman angs arili ko at hindi na muling tumawa, “You’re done now?” Tanong naman nya.
Hindi ko sya pinansin kundi tumalikod nalang ako at nauna ng maglakad, “Baliw?! Eh mas maganda pa nga ako sa kanila eh. Baka sila ang mga baliw. Mukha pa lang nila pang-mental na eh. Tss.” Sabi ko naman habang naglalakad ako.
“You’re not pretty. You’re gorgeous.” Napalingon ako sa likod ko na nagsalita.
“Ano?!” Tanong ko sa kanya.
“What now?!!” Galit rin naman nyang tanong sa akin.
Eh kung tadyakan ko kaya to!!! Ughh.
“Nevermind.” Sabi ko nalang at nauna ng maglakad.
“Hey!!” Tawag nya sa akin. Lalalalala. Wala akong naririnig.
“Kyla!” Lalalalalalala.
“Bitawan mo nga ako!! Urgh! Bitaw sabi eh!!” Pilit kong tinatanggal yung kamay nya sa kamay ko. Aba’y hinawakan ang kamay ko! =_= Waaaa. Holding hands while walking? NOOOOOOOOOO.
“C-Couple things?! Eh kung ibalik kita sa tyan ng nanay mo?! Couple?! Eh couple ba tayo?! Ba’t tayo andito?!! Tayo ba ha?! Tayo ba?! Bitawan mo nga a--- Teka… si bestfriend ba yun?”
“Huh? Alisa?” Parehas kaming napalingon kina bestfriend.. at I-Ivan.
Hindi pwede to.
Magkakatitigan ang dalawa nilang mata. Agad kong tinanggal ang pagkakakapit ni Luke sa kamay ko at unti-unting naglalakad papalapit sa kinaroroonan nila bestfriend.
“Ivan… Sino ka ba talaga? Ano ba kita dati?” Tanong ni bestfriend kay Ivan. Oh noes.
Hinawakan nya ang kamay ni bestfriend, “Alisa.. Si Ivan.. Ang boyf-----“
Ivan! Ugh!
“BESTFRIEND!!!!” Sigaw ko dahilanan para mapatingin silang dalawa sa akin.
“Ba’t kayo andito? Ba’t di mo kasama si Austin?” Dire-diretso kong tanong kay bestfriend.
Tinanggal rin naman nito ang pagkakapit sa kamay nya ni Ivan, “A-Ah. Nasa shooting sya ng new movie nya.” Sabi nito.
“Ah! Ganun ba? Halika na. Uuwi na tayo! ^^” Pag-aaya ko sa kanya.
“Wait! Going home? We just arrived!” Sabi naman ni Luke.
“I’m tired already.” Pagdadahilan ko.
“No you’re not.” Sabi nito.
Duh! Katawan ko to kaya alam ko! >< Is he thinking? God.
“I’am.” Pagmamatigas kong sagot sa kanya.
“You’re not.”
“I’am.”
“You’re not. It’s pretty obvious.”
“I’a-------“
“Cut it out. Nasakit ulo ko sa inyo.” Sabi sa amin ni bestfriend at lumabas na ng boutique.
“Alisa!” Tawag sa kanya ni Ivan. Akmang tatakbo na ito papunta kay bestfriend pero pinigilan ko sya.
“Ano bang gusto mong mangyari? Ang bumalik lahat ng alaala nya? Para san pa Ivan? Hindi ka pa ba nakuntento na nasaktan mo na sya noon? Ivan.. Wala ring saysay kung babalik lahat ng alaala nya. Bakit? Lahat ng pagmamahal ng isang tao, may hangganan. Hindi lahat ng taong nagmamahal ng sobra sobra madadaan mo sa sorry at pagpapakitang tao Ivan. Kung hindi nangyari yung aksidente, mamahalin mo ba sya? Hindi naman di ba? Kasi Ivan… Lahat ng sinasabi mong pagmamahal na nararamdaman mo ngayon kay bestfriend... Ay kapalit lang ng pagmamahal nya sayo noon. Hayaan mo nalang na si Austin ang gumawa ng mga bagay na hindi mo nagawa sa kanya. Hayaan mo na silang dalawa. Wag ka ng humarang pa sa maaaring maging daan ni Austin papunta sa puso ni bestfriend.” Di ko alam kung san ko hinugot ang mga salitang yun. Sa bawat mga salitang nabanggit ko, kasabay nito ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro