CHAPTER 5
Chapter Five
Type
"Uy, si Sky!"
Malayo pa lang ako ay narinig ko na ang mga bulungan ng mga taga-kantong simula kanina pag-alis ko papunta sa eskwela ay nag-iinuman na.
"Si Sky!" hiyaw pa ng isang lalaking purong alak na ang dumadaloy na likido sa katawan.
Nauna na si Valerie sa Las Deux kaya naman mag-isa kong hinaharap ngayon ang mga lalaking ito. Itinaas ko ang kamay ko at madaling ibinaba ang mga daliri maliban sa pinakagitna.
Nagtawanan sila.
"Sungit ng muse natin!"
"Mayro'n siguro!"
Umirap ako sa mga nagsalita.
Kung siguro'y hindi ako nakatira rito ay baka tumakbo na ako dahil sa posibilidad na ma-rape, o di kaya naman ay mapatay ng mga mukhang demonyong mga lasinggerong burdado.
Muli silang naghalakhakan sa tinuran ko. Walong lalaking puro nakahubad ang nakita kong naroon. Some of them are really thin. Iyong 'pag nakita mong sumakay sa jeep ay mapapatago ka talaga ng cellphone kahit na hindi naman intensiyon ang mang-holdup.
Ang iba naman ay puno ng tattoo sa katawan at mayroong malalaking tiyan. Lungs full of nicotine, maybe drugs. Rotten liver. Intestines full of dog meat and shit. Pero mayroon pa rin namang maayos at may malalaking katawan, gaya ni Kuya Andoy at Billy.
Taas-noo akong naglakad sa kinaroroonan nila at nagawa pang huminto nang matapat sa kanilang pwesto.
"Ang ganda naman talaga ni Sky!" anang isa na tumayo na para abangan ang pagdating ko.
Kuya Billy stands up and offers his seat.
Doon ko lang napansin ang pansiyam na lalaking nasa pinakadulong pwesto ng kanilang session.
Nagmamadali niyang kinuha ang damit na nasa tabi at agad iyong isinuot. Si Cleveland. The people here call him Lando, ang anak ng aming barangay captain na noon pa man ay alam na ng lahat na gusto ako. Kaya nga walang mga lalaking taga-rito ang nakakaporma sa akin dahil sa kanya.
I smile at him.
Narinig ko ang pagpito ni Charles dahilan para kumulo nang kaunti ang dugo ko.
"Papito-pito ka pang ugok ka bakit naligo ka na ba?" inis kong hiyaw sa kanya na ikinatuwa ng mga lalaking kainuman niya.
"Walang patubig, Sky! Tsaka isa pa, sanay naman na hindi naliligo ang isang 'yan kaya hayaan mo na!" tumatawang singit ni Kuya Andoy.
Umiiling akong ngumiti sa kanya. Bumalik naman sa upuan si Kuya Billy nang tanggihan ko ang upuang inoffer niya.
"Pa-club ka ba? Gusto mong ihatid ka na namin?" Nilingon ko ang nagsalitang si Kuya Karyo, ang pinakamatanda sa kanilang lahat. Pinakalasenggo at pinakamaraming beses nang naglabas masok sa kulungan.
Sinalinan niya ang baso bago ibigay kay Lando.
"Hindi na, kuya. Magje-jeep naman ako. Sa kabila ako dadaan para hindi na ako mag-tricycle," nguso ko sa shortcut na ang labas ay kabilang baryo na at sakayan.
"Ihahatid ka na namin Sky! Baka mamaya e pagtripan ka na naman ng mga taga-kabila e!" Si Kuya Tanding na inaabot na ang damit na nakasabit sa bintana ng kanilang bahay.
Inayos ko bag kong dala at muling umiling bilang pagtanggi.
"Hindi na, kuya." Nagsimula na akong maglakad palayo. "Kayang-kaya ko naman sila!" natatawa ko pang sabi bago sila kawayan bilang pamamaalam, pero bago pa ako tuluyang makatalikod ay nakita ko na ang pagtayo ni Lando at pagtapik sa mga katabing lalaki.
"Ihahatid ko muna," aniya.
"Lando, hindi na!"
Dumighay siya at inayos ang sarili. Muling umugong ang hiyawan ng mga nang-aasar na lalaki sa kanyang likuran.
Parang gusto ko na lang siyang hilahin pabalik sa upuang iniwan nang makita ko ang pag-gewang ng kanyang lakad. "Ops!"
"Tangina, ang hina mo talaga Lando. Dalawang oras ka pa lang nandito e! Lasing ka na!" Humalakhak si Kuya Tanding sa dagdag pang-aasar niya rito.
Imbes na mainis ay binalewala niya na lang ang mga kantiyawan.
"Lando hindi na, ayos naman na ako."
"I'm not drunk, Sky. Ihahatid na kita kahit hanggang sa sakayan lang."
Hindi ako nakaiwas nang kunin niya ang bag ko pagkatapos ay agad akong nilagpasan patungo sa daan ng shortcut.
Binilisan ko ang mga hakbang ko nang maisip na hindi na ako makatatanggi pa sa kanya.
Cleveland and I spent great time together during our childhood. Siya iyong palagi naming kalaro noon ng basketball at ilang mga pambabaeng laro dahil siya lang naman ang game na game sa lahat, hindi gaya ng iba na ang gusto ay puro panlalaki lang.
Wala sa sariling sinipat ko ang kabuuan niya nang mapantay kami ng lakad. His tanned skin looks so good on him. Manang-mana kay Tiya Cusing na morena at mayroong maalong buhok.
Sanay naman na akong ihatid niya sa labasan pero simula noong nagkaroon siya ng girlfriend ay medyo nawalan kami ng komunikasyon dahil pinagseselosan ako n'ong babae.
From what I remember, patapos na sana siya ng college nang mag-break sila ng girlfriend at pagkatapos no'n ay bumalik na ulit sa pagbubulakbol kaya nahinto hanggang ngayon. He's two years older than me. Galing naman siya sa maayos na pamilya at mayroong dalawa pang kapatid na lahat ay may sarili nang pamilya.
"Ano? Hindi nga ako lasing," tamad niyang sambit na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Ipinilig ko ang ulo at itinuon ang mga mata sa daan. "Hindi naman 'yon. Wala lang, parang ang tagal nating hindi nag-usap e."
"Bakit? Na-miss mo ba ako?"
I chuckle a bit. "Oo naman! Wala na kayang nagbibigay ng itlog na pula sa bahay!" natatawa kong sabi.
Natawa na rin siya at sa pagkakataong 'yon ay binalingan na ako. "Sorry. Wala e, nagmahal. Nasaktan. Naubusan ng itlog."
Humagalpak ako ng tawa. There. Ang kaibigan kong parang nalayo sa akin ng ilang taon ay tila ngayon lang tuluyang bumalik. Sinapak ko ang braso niya nang hindi ko matigil ang pagtawa. "Baliw ka talaga!"
"Pero may natira pa naman. Brown nga lang!"
"Siraulo ka Lando! Kadiri!"
Napahawak na ako sa braso niya dahil sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa. I miss this. Tama siya, na-miss ko rin ang ganito. Siya kasi iyong tao na kahit may problema ay hindi mo mararamdaman. Natural siyang komedyante para sa lahat pero seryoso naman kung magmahal.
Siguro kung hindi dahil kay Valerie ay sinagot ko na ito noong unang beses niya akong niligawan. He courted me many times, but my mind already set high standards on loving someone.
Si Valerie ang nagbukas sa utak ko kung ano ang dapat at kung paano ang maging praktikal lalo na sa panahon ngayon. Sa sitwasyon namin. At tama siya, kailangang unahin ang utak.
"Dito na lang ako, Lando." Kinuha ko na ang bag ko sa kamay niya.
"Mag-ingat ka. Kapag gising pa ako mamaya pwede mo akong i-text para masundo kita. Gagamitin ko 'yong pickup."
"Hindi na. Kasabay ko naman si Valerie mamaya pag-uwi kaya ayos lang. Isa pa, baka nasa inuman pa rin naman sila Kuya Andoy."
"Right. Pero pwede mo ba akong i-text kapag pauwi na kayo?" kunot-noo niyang tanong, tila nagmamakaawa sa hiling.
Marahan akong tumango sa kanya. "Sige. Mauna na ako. Salamat." Tinapik ko ang braso niya at tuluyan nang sumakay sa jeep na nasa unahan ng pila.
Mabuti na lang at walang aberya sa daan at mabilis ang sinakyan ko kaya hindi ako nahuli sa duty.
"Nasa cabinet ni Pamela 'yong damit na gagamitin mo ngayon, Sky. Sa VIP one tayo," nagmamadaling sabi ni Louvre habang nakaharap na sa vanity mirror at inaayusan ng aming stylist.
"Sige. Salamat." Nagmadali na rin ako.
Ang sabi ni Valerie ay mayroon na namang bachelor party sa VIP kaya naman kailangan kami roon.
Suot ko ang itim na dress, maiksing wig na kulay abo at mataas na heels. Ilang beses kong inayos ang sarili ko sa harapan ng malaking salamin.
"You look so good, Sky! Nakakainggit talaga 'yang katawan mo. Alam kong hindi ka nagwo-work out pero grabe ang curves! Nagmumura sa ganda!" matinis ang boses na pamumuri sa akin ni Mikaela habang patungo na kami sa kasiyahan.
"Ikaw din naman, Mika. Ang ganda kaya ng katawan mo," nakangiti kong pahayag.
Ngumisi siya at kumapit sa braso ko. "Salamat! Ikaw ba, ayaw mo bang maging full time sa ganito? Alam ko aalis na si Grace, e. Baka gusto mong pumalit sa pwesto niya bago pa maghanap ng iba si Nixon?"
"H-ha? E bakit? Ayaw na ba niya ng ganitong trabaho?" Parang tumaas ang tuwa ko sa narinig.
Hinawi ng mga bouncer ang makapal at mataas na kurtinang kulay ginto para makapasok kaming lahat sa loob.
"Hindi! Ano ka ba, hindi mo alam? Maswerteng nakabingwit ng mayaman kaya mag-aasawa na! Grabe 'no? Ang swerte talaga n'ong babaeng 'yon! Idol!" humahagikhik niyang pagkukwento sa akin.
Tumango-tango na lang ako at pinakinggan pa ang ibang mga sinabi niya tungkol kay Grace at sa iba pang mga babae.
Hindi na nakagugulat ang ganito. Ilang babae na ba ang gaya ng sabi niyang sinuwerte matapos magustuhan ng isang mayaman?
Mayroon ngang isang linggo pa lang ay agad nang umalis nang makatagpo ng matandang mayaman na kaya siyang buhayin sa matiwasay na pamamaraan.
Being in this business, you need to have an open mind to deal with every situation. Ang iba ay nagte-take advantage sa ganito para lang umangat sa buhay pero mayroon din namang iba na trabaho lang ang gusto.
Halos lumabas na ang bagay sa aking dibdib nang matapat kami sa malalaking speaker na nasa ibaba ng DJ. Huminto sa pagsasalita si Mikaela dahil doon pero nang makalayo ay muli ng nagkwento.
Natigil lang siya ng tuluyan nang makapasok na kami sa pinakamalaking kwarto ng Las Deux. The room has its own international DJ to play for the groom and his friends.
I plaster a big smile on my face and start greeting the guests. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang medyo may mga edad na ang narito sa loob. I bet there's no chance of seeing the bachelors tonight.
Masaya akong hindi ako makikita o makikilala ni Eros ngayon gabi, pero may parte sa akin na nanghihinayang. Hindi ko alam. Siguro kasi ilang gabi ko na silang hinintay, pero ngayong linggo ay kahit isa sa magpipinsan ay wala akong nakita.
Am I intrigued? Yes. Am I scared? Definitely. Hindi ko alam kung anong label ng relasyon ang mayroon sila ni Jaxel kaya natatakot akong baka 'pag nakilala niya ako ay mabanggit niya ako rito.
Our night ended well.
Maliban sa nananakit na paa ay wala namang naging problema sa event. Everybody had fun, at sa nangyari ay sigurado akong mapapaisip ang groom kung tama ba ang naging desisyon niyang magpatali na sa iisang babae habang-buhay.
Nauna akong bumaba sa mga kasama ko dahil ayaw ko nang makisali pa sa usapan nila. I am done tonight. Hindi pa rin ako masyadong nakakabawi ng tulog dahil sa halos araw-araw na event na pinasukan ko.
"Done?" nakangising tanong sa akin ni Valerie nang makasalubong ako sa baba.
Tumango ako at sinundan siya pabalik sa bar area. Maury offers me a drink. Ito ang tila prize ko sa pagtatapos ng aking trabaho.
Naupo ako sa high chair matapos inumin ang alak at pagkatapos ay madaling tinanggal ang pumps na suot ko. I massage my feet despite the old guy sitting beside me. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil parang naubos na ang lakas ko sa pakikipagsosyalan sa itaas.
Lumakas ang hiyawan ng mga tao sa anunsiyo ng DJ na nakasalang para sa susunod na tutugtog.
Of course, save the best for last, right? Ibinalik ko ang suot na pumps nang marinig ang pagtawag ni Kristal sa akin.
""Sky, pwede? Saglit lang? Can you give this to table fifteen? Sige na, na-late na kasi 'to e!" malakas niyang sabi na pilit tinatapatan ang malakas at mabilis na saliw ng tugtugin sa kabuuan ng club.
"No problem!"
"Hulog ka talaga ng langit! Thank you!" Halos halikan pa niya ako sa tuwa dahil doon.
Natatawa kong inayos ang sarili bago kunin ang tray na naglalaman ng ilang cocktail. Huminga ako nang malalim dahil tila umikot ang paningin ko sa inuming binigay ni Maury kanina. Ikinumpas naman ni Valerie ang kamay na may relo para sabihing bilisan ko.
Malalaki ang mga naging sunod kong hakbang para lang matapos na ang trabaho. Ilang ilag ang ginawa ko sa mga nagkakasiyahang nilalang na malapit sa dance floor.
"Excuse me. Thank you!" I say the same words for a couple of minutes until I see the table I'm headed to.
Sumabay sa drop ng kanta ang tila paglagapak ng puso ko sa sahig dahil sa nakita. The Vergaras are here! Hindi lang isa, kung hindi silang tatlo!
Tumigil ang paghakbang ko nang makita si Louvre na nakababa na pala galing sa VIP at ngayon nga ay katabi pa si Eros! Hindi ko alam kung makahahakbang pa ba ako o ano. Mabuti na lang at nakita ako ni Valerie sa gano'ng posisyon.
"Sky! Bilisan..."
Hinawakan niya ang balikat ko para kunin ang buo kong atensyon. Madali ko namang ipinilig ang paningin ko sa kanya.
"Val..."
"O? Bakit?"
Hindi ko pa man nasasagot ang tanong niya ay agad ko nang kinuha ang kamay niya at ipinatong doon ang lahat ng hawak ko. I can't. I just can't face the bachelors! Kahit na isang porsiyento lang naman ang posibilidad na makilala ako ni Eros ay hindi ko iyon pwedeng isugal ngayon!
"Ikaw na lang, pwede? Nababanyo na pala ako!" pagsisinungaling ko bago siya tuluyang iwan doon.
Hindi ko na naintindihan ang sinasabi niya dahil humalo na ako kaagad sa mga taong nasa dance floor. I dance with them for a bit hanggang sa marating ko ang daan patungo sa locker.
Doon ko na rin hinintay si Valerie, at habang ginagawa iyon ay ilang sentences na ang sinaulo ko para sa pagpapaliwanag sa kanya. I know her so well and vice versa. Alam kong magtatanong 'yon at handa ko namang sagutin ang lahat.
Natutulala kong pinahid ang makapal na makeup sa mukha ko. I gently wipe it all off. Maging ang false eyelashes ay maingat ko ring tinanggal sa pagkakadikit sa aking talukap.
Nang makita ko na ang normal kong mukha sa ilalim ng makapal na makeup ay tinanggal ko naman ang aking wig na suot. Ibinuhaghag ko roon ang mahaba kong buhok na naging kulot na dahil sa pagkakatali.
Pakiramdam ko'y naririnig ko na naman ang mga pagalit sa akin ni Nana Mauricia nang maramdaman kong medyo basa pa iyon.
"Sky?!" Napapitlag ako nang pumasok si Valerie sa kwartong kinaroroonan ko.
Agad naman akong nagbaba ng tingin nang makita ang kuryosidad sa mga mata niya.
"Tell me, anong nangyari? Kilala mo ba yung mga nasa table fifteen?" dire-diretso niyang tanong sa akin.
Marahan naman akong tumango. "Not exactly...but I met one of them."
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at ang bahagyang pag-awang ng kanyang mapupulang labi. "Dito sa club? Nakausap mo? May atraso sa 'yo?!"
Maagap ang naging pag-iling ko. "It's not what you think, Val. Pero ang isa roon...he's one of Jaxel's friends."
This time, her jaw drops. "Talaga? Sino roon?"
"Hmm, Eros?"
"Eros?"
Huminga ako nang malalim bago alalahanin ang mukha ng lalaking tipo ni Louvre.
"The one with loose pompadour hair. Soulful and gentle eyes...royal blue top, black pants? Handsome. Very handsome..." natutulala kong sambit habang inaalala ang lahat ng pagkakataong natitigan ko ang maamo't gwapong mukhang 'yon.
Valerie snaps her fingers in front of me. Napakurap-kurap ako sa ginawa niya. Damn it. Am I dreaming? Seryoso? Natulala na ako habang inaalala ang bawat detalye n'on?
"Shit. Type mo!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa naging konklusiyon niya. "What?! No!" Tinalikuran ko siya at ipinagpatuloy ang pag-aayos.
"Tangina. Type mo nga!" parang kinikiliting bulateng bulalas niya ulit.
Tinitigan ko siya gamit ang salaming nasa aking harapan.
No way! She has to be kidding me. Type? Type ko ang isa sa mga pinagkakaguluhang lalaki ng karamihan?
Wala sa sariling bumalik ang mga mata ko sa aking repleksiyon habang dahan-dahang hinahawi ang mga buhok na nakaharang sa aking pisngi.
Magugustuhan ba ng isang kagaya niya ang isang gaya ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro