Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Chapter 38: Behind the Poison

Zein's Point of View

"Sige na, baka malate ka pa sa susunod mong subject."

"Pero Supremo, ang dami pa nitong tatapusin k-"

"Just go, Zein. Ako na ang bahala."

Nakatungong lumabas ako ng SSG Office. Hindi ko alam kung secretary pa ba ako o ano dahil kinukuha na rin ni Supremo ang trabaho ko kahit na tambak na sya.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko dahilan ng pagkasalampak ko sa lupa.

Halos mamanhid ang mukha ko pero nagawa ko pa ring iaangat ang aking paningin para makita kung sino ang sumampal sa akin.

"N-Nicky?" Nakakatakot sya. Nanlilisik ang itim at malalim nyang mata.

"Sinisira mo ang lahat!" Singhal nya sabay sampal sa isa ko pang pisngi.

Sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na nagawang iangat ang aking mukha. Halos hindi ko na maramdaman ang mukha ko sa sobrang manhid na nito gawa ng malakas na sampal sa magkabila kong pisngi.

Ano bang ginawa ko sa kanya? Bakit bigla-bigla na lang syang nananampal? Bakit nangangalaiti sya sa galit? Ginawa ko naman ang lahat para hindi na makagawa nang makakasama sa akin.

Isang sigaw ang kumawala sa labi ko nang hinila nya ang buhok ko at marahas na itinayo. Iniharap nya ang mukha ko sa mukha nya ngunit hindi nya pa rin binibitawan ang buhok ko at ramdam ko na ang halos pagkabunot ng anit ko.

"Ano bang ginawa ko sa'yo?!" Isang malakas na sigaw ko sa mukha.

Halos manlambot ako nang makitang hawak nya ang pako. Nanginginig ang kamay nya at alam kong kaya nyang isaksak sa akin 'yon kung gugustuhin nya.

"Wala kang ginawa, at wala kang gagawin kung hindi ang layuan si Supremo."

"Gago ka ba?! Sino ka para diktahan ako s-" Nanlamig ako nang maramdaman ang malamig na pako sa braso ko.

Kahit na itusok nya lang sa akin 'yon at ibaon ng konti ay kaya nito akong patayin ang buong katawan ko dahil sa pinagsamang lason at kamandag ng kung ano ang nasa pako na 'yon.

"Lalayuan mo si Supremo o mamamatay ka na?" Nakangising sambit nya. "Mamili ka Zein." Dugtong nya.

Mariin akong napailing nang maalala ang order sa akin ni Supremo na wala akong susundin kahit na sino maliban sa kanya at wala akong planong suwayin ang utos nya... kahit kamatayan na ang kapalit.

"Go. Kill me now." Naging panatag ang loob ko kahit na nakatutok na sa akin ang pako ng kamatayan.

Hindi ko alam pero unti-unti ko na namang nararamdaman ang kawalan ng kapakialaman sa buhay ko. I am not scared to death, for the nth time.

"Zein Shion. Ayokong masira ang lahat ng dahil lang sa katangahan mo, nyo ni Supremo. Sige lang, lumapit ka lang kay Supremo at damhin nyo ang sakit ng paglagapak."

Binitawan nya ako kaya napasalampak ako sa lupa at hinang-hinang napayuko. May naintindihan ako sa sinabi nya pero konti lang, halos lahat ay malabo pa rin sa akin. Ano bang sinasabi nilang masisira dahil sa akin? Ano ba ang sikreto pa na itinatago nila?

Pumunta muna ako sa clinic para manghingi ng yelo na magpapawala ng maga ng mukha ko galing sa sampal at galit ni Nicky. Nasa kama ako at ako lang ang gumagamot sa sarili ko habang nakatingin lang sa akin si Nurse Cha.

"Who did that?" Tanong nya.

Gusto kong mapaismid. Ano bang pakialam nya at kailan pa sya nagkapakialam? Kahit nga mamatay kami ay hindi nya kami gagamutin pero dahil lang sa isang sampal magkakaroon sya ng pakialam? Psh.

"Ano ba kayo ni Supremo?"

Sandali akong napatigil pero agad din akong nagpatuloy. Ano nga ba kami ni Supremo? Wala naman e. "Secretary." Tama. Secretary nya lang naman ako.

Mahina itong natawa na nagpaangat sa aking kilay.

"I know there is something between of you."

"And so?"

"Siguraduhin mo lang na hindi makikita ni Supremo ang nangyari sa mukha mo at ang taong may gawa nyan. Lilikha ka na naman ng gulo."

Naiiling na sambit nito.

"Ngayon ko lang kasi nakitang ganon si Supremo. 'Yon bang nauutusan sya ng isang mababa sa kanya."

Napaismid na ako ng tuluyan.

"I am here to have a peace of mind not to talk to you."

"Why so straight forward? Ganyan ba ang gusto ni Supremo? Ganyan ba ang nagustuhan nya sa'yo? Akala ko pihikan si Supremo."

Parang gusto kong matawa habang nakataas ang middle finger ko. Kailangan pa bang ipamukha sa akin na hindi ako ang in-e-expect nilang makakapukaw kay Supremo? Well sad to say, ako ang napili ni Supremo at wala akong pakialam sa opinion nyo. Psh.

Inis na binagsak ko yelo at aktong lalabas na nang magbitaw sya ng salitang nagpatigil sa akin.

"Maniwala ka man o sa hindi, I've conducted an investigation about the poison that was mixed to your drink last acquaintance party."

Bigla na namang nagflashback kung anong nangyari ilang buwan na rin ang nakalipas. Lumapit ako kay Nurse Cha.

"Tell me everything." Wala sa sariling sambit ko.

Sinenyasan nya akong maupo na sya namang ginawa ko. Sumeryoso na rin sya. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba si Nurse Cha pero may part sa akin na gusto talagang malaman kung ano ang nalaman nya.

"Hindi isang ipinagbabawal na droga ang nainom nyo... It is a poison."

"Poison?"

Lumapit si Nurse Cha sa isang drawer at may kinuha roon. Ipinakita nya sa akin ang isang likido na itim. Just by seeing this liquid, parang matapang talaga ito.

"That's a poison that could freeze your heart to death in 10 hours."

"10 hours?" Naguguluhang tanong ko. "Sinong tangang tao na gustong mamatay kami ang pipili ng isang lason na ikamamatay namin sa loob pa ng sampung oras? Hindi ba parang ang tagal no'n? They could even get a higher poison that could kill us in a minute." Naguguluhang sambit ko.

Bakit naman naisipan nilang 10 hours ang napili nilang itatagal namin. Alam kong may lason na kayang pumatay sa loob lang ng minuto o segundo, pero bakit pinatagal pa nila?

"Maliban na lang kung hindi nila talaga intensyon na patayin kayo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nurse Cha. Posible ngang ganon ang intensyon nila pero bakit?

"Bakit sa akin kumapit nang husto ang lason? Konti lang ang nainom ko samantalang si Dave ay nakarami na?" Sunod na tanong ko.

'Yon ang nakakapagtaka pa. Konti lang ang epekto kay Dave na mas nakarami kesa sa akin na nakailang tagay lang.

"Because the poison was not mixed on the liquor. It was on the ice." Ipinakita nya sa akin ang isang basong may laman na ice cube at hinalo ito. "Ininom mo ang alak na tunaw na ang yelo na kumalat na sa alak samantalang si Dave ay bawat tagay nya ay lagok agad." Pagpapaliwanag nya.

Bigla kong naalala na diretso nga ang lagok ko sa alak at binitawan ko 'yon nang walang laman, kahit na yelo.

"That's explained na kahit na konti lang ang nainom mo ay ikaw ang pinaka naapektuhan."

Napatango na lang ako. Alam kong walang halong kasinungalingan ang sinabi nya kaya hindi ko maiwasang mapangiti. "Bakit mo sinabi sa akin?" Tanong ko.

Napalunok ito at namutla pero bigla na lang itong lumuha na ikinakunot ng noo ko. "Pasensya na sa mga nagawa ko sa inyo. Nangako akong tutulungan ang sino mang mangangailangan ng tulong ko pero tinakot nila ako. Pasensya na." Humagulgol ito.

Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin ang mata ko sa kanya. Alam ko naman na hawak nila ang leeg ni Nurse Cha kaya nya ginagawa ito. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot kung ano na bang pagbabanta ang sinabi nila sa kanya para masunod ang gusto nila.

"Patawarin nyo ako. Pero ipapangako ko na tutulong na ako sa inyo. Sawang-sawa na rin akong maging sunud-sunuran. Alam kong sa huli..." Mapait itong napangiti bago pinunasan ang luha sa pisngi. "Mamamatay din ako." Dugtong nya.

"Paano kung dahil sa ginagawa mong pagsalungat sa kanila ay mapahamak ka?" Hindi ko maiwasang maitanong.

"I told you, papatayin din nila ako kapag nakumpleto na nila ang formula. Kung papatayin nila ako pwes, mamamatay ako at iiwanan sila ng marka ng paghihiganti ko." Kumuyom ang kamao nito. "Papatayin ko sila gaya ng pagpatay nila sa kapatid ko." May halong pait na dugtong nya.

"Oo nga pala bago ko makalimutan." Pagpapaalala nya. "May isang taong humingi sa akin ng lason na 'yan bago mangyari ang insidente." Aniya na tinutukoy ay ang lason na hinalo sa alak.

"S-Sino?"

"Hindi ko maalala e. Pero teka ah? Kunin ko lang 'yung logbook." Aniya kaya tumango ako. Pumunta syang muli sa drawer at nangalkal.

Sino? Sino ang taong gagawa sa amin ng ganon?

Napaigtad ako nang umupo sa tabi ko si Nurse Cha at pareho naming in-scan ang logbook by date.

"Ito 'yong date." Aniya kaya inisa-isa namin ang mga taong nakapirma sa logbook.

Tumigil ang daliri nya sa isang pangalan na sobrang familiar sa akin. Ramdam ko ang kalabog ng puso ko at mariin kong nakagat ang labi ko.

"Si-"

"Hindi!" Itinapon ko ang logbook sa ibang bahagi ng clinic sa hindi malamang dahilan. "Nagkakamali ka! Hindi sya!" Giit ko.

Ayokong tanggapin na sya ang makakagawa sa akin ng ganon. Hindi ko kailanman matatanggap na sya ang taong nasa likod ng panlalason sa amin.

"Pero siya ang kumuha ng lason na 'yon."

Inis na ibinato ko ang unan kay Nurse Cha na ininda lang 'yon. Nangangalaiti ako sa galit at hindi ko alam kung paano ba magsimulang ibuhos ang galit ko. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa napakaraming tanong sa isipan ko.

"B-Baka nagkakamali lang kayo. Hindi nya magagawa 'yon." Hinang-hina kong sambit bago pabagsak na umupo sa kama.

Out of all the people in this hell. Maraming magtatangka sa buhay namin pero hindi sya. Mas mabuti pang iba na lang tao ang nasa likod non baka matanggap ko pa pero kung siya? Hindi ko alam kung paano tatanggapin.

"Isa sya sa mga kaibigan mo hindi ba?"

"Shut up!"

Tumayo ako at nilisan ang lugar na 'yon. Mabilis ang bawat hakbang na ginagawa ko, wala akong pupuntahan pero wala akong balak huminto sa paglakad hanggang sa ang mabilis na hakbang ay humina nang humina.

"Hey!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nanggulat sa akin. Kahit na walang nakakangiti ay ngumiti ako sa kanya. Hindi ang isang 'to ang magtataksil sa amin. Hindi ang klaseng tao na ito ang magtatraydor sa amin at kung siya nga, sigurado akong may dahilan sya.

Dahilan? Lahat ng bagay may dahilan. At sawa na akong magpadalos-dalos, napagbintangan ko na si Matt nang hindi inaalam ang dahilan, hinding-hindi ko na uulitin ang kamalian na ginawa ko.

"Bakit nakatulala ka? Ayos ka lang?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Kinabahan naman ako. Sige."

Tahimik na tinahak namin ang daan patungo sa dorm at walang dinatnan don kahit na sino.

Umupo sya sa sofa at nag-indian sit. Just by seeing his smile, alam kong hindi nya magagawa 'yon at handa akong makinig sa rason nya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Diretso kong tanong kay Jerome.

Nawala ang matamis na ngiti nito at napalitan ng isang mapait na ngiti. "Alam mo na?" Tanong nya.

Umupo ako sa harapan nya at tinitigan sya sa mata. "Ikaw ang lumason sa amin ni Dave nung acquaintance. Bakit mo g-" Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig na may bumagsak.

Napalunok ako nang makita ang apat naming kaibigan na nakatayo sa pinto. Just by seeing their expressions, alam kong narinig nila ang sinabi ko. Mabuti na rin para sabay-sabay kaming malinawagan.

"I-Ikaw? Jerome?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mia.

Napasigaw ako nang biglang sinunggaban ni Matt ng suntok ang mukha ni Jerome dahilan ng pagkahiga nito sa sofa. Hindi pa nakuntento si Matt at pinagsusuntok nya pa ito habang si Jerome ay iniinda lang ang sakit.

"Tangina mo! Gago ka!"

"Matt!" Pigil ko pero hindi nagpatinag si Matt. Tumingin ako kay Dave na nakatulala pero natauhan sya kaya inawat nya si Matt.

"Bitawan mo nga ako Dave! Traydor ang hinayupak na 'yan!" Niyakap ni Dave ang likod ni Matt at niblock ang mga kamao nito para hindi na makawala.

Napatingin ako kay Vanessa na seryoso lang na nakatingin kay Jerome. Alam kong sya ang labis na naapektuhan dito and I can't do anything para pakalmahin sya.

Umayos ng upo si Jerome at pinunasan lang ang gilid ng labi nya na pumutok.

"Oo. Ako ang lumason sa inyo."

Isang malakas na sampal ang inabot nya kay Vanessa kaya mabilis na hinila ko si Vanessa palayo kay Jerome.

"Huminahon nga kayo!" Inis na sigaw ko.

"Huminahon?! Traydor 'yan e!" Sigaw ni Matt na hawak-hawak pa rin ni Dave.

"Magpaliwanag ka Jerome. Linisin mo ang pangalan mo sa amin." Walang buhay na sambit ni Vanessa.

Alam kong magkapareho lang kami ng iniisip ni Vanessa. Kilala na namin si Jerome, may pagkaplayboy, joker at mayabang pero alam naming totoo syang kaibigan sa amin. Kung tama ang ang hinala namin ni Nurse Cha na hindi talaga kami gustong patayin ay ano naman ang dahilan?

"Explain your side, siguraduhin mo lang katanggap-tanggap ang rason mo," May halong pagbabantang wika ni Matt kay Jerome.

Napansin ko rin na tahimik lang si Dave gaya nina Mia at Vanessa.

"Yes, ako ang lumason sa inyong dalawa," Pag-uumpisa nya habang nakatingin sa aming dalawa ni Dave.

Napansin ko ang pasimpleng pagkuyom ng kamao ni Matt kaya hinawakan ko ang braso nya. Alam kong hindi naman talaga sya galit, katulad namin, nabigla lang sya at nag-alala.

Kilala ko si Matt, kapag galit 'yan ay hindi ka nya papansinin, kahit na makasalubong mo sya ay magmumukha ka lang hangin pero sinuntok nya si Jerome, ibig sabihin lang no'n na nag-aalala lang din sya, may pakialam sya at alam kong alam 'yon ng mga kasama ko ngayon.

"I did it but on purpose," Lumunok ito at pasimpleng pinunasan ang dugo sa kanyang labi. "I did that to save us." Aniya pa.

Kumunot ang noo ko at sumabog na naman ang napakaraming tanong sa aking isipan ngunit mas pinili kong itikom ang bibig ko at intindihan ang sinasabi nyang purpose ng paglason sa amin.

"Alam kong alam mo na Zein ang klase ng lason na hiningi ko kay Nurse Cha."

Sa akin napunta ang kanilang mga atensyon and I guess ako na naman ang dapat magpaliwanag.

"Yes, it was not actually a prohibited drug, it was a kind of poison that's mixed on the ice," Pag-uumpisa ko. "It was on ice, That's explained kung bakit mas naging apektado ako kung ikukumpara kay Dave na mas maraming nainom sa akin. Tunaw na ang yelo na may lason nang ininom ko ito and definitely, nahalo na sa alak ang lason habang si Dave naman ay diretsong lagok ang ginawa na hindi pa natutunaw ang yelo." I explained.

Mukhang nasatisfy naman sila sa explanation ko. Kita ko sa mukha nila na nalinawagan sila.

"That poison could freeze your heart... sa loob ng sampong oras." Sambit ni Jerome.

"10 hours? You could have a poison that could kill them in just a minute or second... Was it stupidity or you planned something?" Tanong ni Matt na halatang iritado pa rin pero mejo kumalma na.

That's also my question and the purpose of this interogation with Jerome. Gusto kong malaman ang rason nya.

"Hindi. Sinadya namin 'yon," sagot ni Jerome na umayos pa ng upo.

"Bakit?" Malamig na tanong ni Vanessa na panandaliang ikinatigil ni Jerome.

"Narinig ko ang usapan nila Madame Violet at nung mama na hindi pa natin alam no'n na sya ang Vice President ng HU. Pinlano nilang lasunin tayong anim."

"Kaya ikaw na lang ang lumason para hindi na sila mahirapan, gano'n?" Sarkastikong tanong ni Matt.

"Hindi sa ganon pero parang ganon na rin," Sagot naman ni Jerome. "Sasabihin ko na sana sa inyo ang plano ni Madame Violet pero pinigilan ako ng isang babae." Dugtong nya.

"Babae? Sino?" Tanong ko.

"Hindi sya nagpakilala pero ipinaliwanag nya sa akin na kung malalaman nyo ang plano ni Madame Violet ay mas magiging komplikado ang lahat. Kaya gumawa kami ng hakbang."

"Nagtiwala ka sa isang hindi mo kilala?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vanessa.

"Wala akong pagpipilian at naintindihan ko ang gusto nyang gawin namin, pinalitan namin ang ice cubes na may lason na sa atin nakalaan."

"Paano mo nalaman na 'yon ang iseserve sa table natin?" Sunod na tanong ni Matt.

"Sinundan namin ang mga taong inutusan nina Madame Violet at Francisco, napansin namin ang isang ice cube container na nakahiwalay sa iba. May inilagay silang kung anong likido roon. Hindi namin alam kung anong klaseng lason 'yon pero alam kong kaya nitong pumatay sa loob lamang ng isang minuto."

Napalunok ako. Mga hayop talaga sila. Wala silang puso.

"Hinintay naming makaalis ang mga inutusan nila bago kami kumilos. Itinapon namin ang laman ng ice box at pinalitan ng bagong yelo. Ibinuhos namin ang lason na ibinigay sa amin ni Nurse Cha. Hindi katulad ng lason na inilagay nila, ang lason na inihalo namin ay matagal tumalab pero bago namin nilagay 'yon ay siniguro narin namin na may antidote na kami para ipanlaban sa lason na 'yon." Isa-isa nya kaming tinitigan na animo'y sinusuri kung naintindihan namin ang mga sinabi nya. "At doon nag-umpisa ang plano at ang babaeng tumulong sa atin nong gabing 'yon sa clinic ay ang babaeng kasabwat ko." Dugtong pa nito.

Hindi ko maiwasang mapangiti na tama ang ginawa kong pagtitiwala sa kanya. Alam kong hindi nya magagawang ipahamak kami. Utang namin sa kanya ang buhay namin.

"You did that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vanessa na nakangiti na ngayon.

Mahinang tumango si Jerome na ngayon ay nakahinga na ng maluwag.

"Ang babaeng tumulong din ba sa iyo ang naghagis ng gamot sa bintana?" Tanong ni Dave na nakangiti na rin.

Natatawang tumango si Jerome. Nagulat kami nang sinapak na naman ni Matt si Jerome. "Gago ka! Sabi ko na nga ba hindi mo magagawa 'yon e." Natatawang wika ni Matt.

Mabilis na lumapit naman sina Vanessa at Dave kay Jerome para tulungan ito at gamutin ang sugat na ginawa ni Matt.

"Bakit kailangan nyo pang palitawin na nagtagumpay ang plano nila Madame Violet?" Tanong ko.

"Kapag hindi ko ginawa 'yon at walang nangyaring masama sa ilan sa atin ay baka mas malala pa ang gawin nila sa atin sa gabing 'yon."

"Nakita ko ngang nakangiti sina Madame Violet habang nakikitang nagkakagulo tayo, akala nila nagtagumpay sila. Ang hindi nila alam ay may isang lalaking naglakas loob na gumawa ng paraan para mailigtas ang kanyang mga kaibigan sa tiyak na kapahamakan." Sambit ni Vanessa na ang tinutukoy ay si Jerome.

"Bakit hindi ka uminom?" Tanong ni Matt kahit na alam kong alam na nya ang sagot.

"Kung iinom ako ay sinong tutulong sa atin? Mamamatay tayo." Humahalakhak na sagot naman nya.

Nakahinga ako ng maluwag at inaamin kong mas dumoble ang tiwala ko sa aking mga kaibigan pero hindi pa rin maalis ang tinik sa aking lalamunan habang inaalala ang napakarami pang misteryo.

Lahat ng misteryo na nalalapit ng maihayag. Maging ang misteryo na tinutukoy ni Nicky.

Anong itinatago nila? Maging si Celine, paano sya namatay? BBG ba talaga ang gumawa sa kanya non? Pero bakit?

Ano ang hawak ni Celine nong mga panahong 'yon at bakit parang nanginginig sya sa takot?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro