3rd Arrow
3rd Arrow
...🍃🍃🍃...
"Falling in love is like knotting
a rope around your neck.
The knot gets tighter everytime
you’re falling deeper.
Simply a suicide."
-Rumi dela Cuesta
...🍃🍃🍃...
Rumi
I pointed my bow toward the ground, tilting it slightly clockwise vertically placing the arrow shaft on the arrow rest as I loaded my bow. I lifted the bow and anchored, aligning my sight as I level my bow. I’m just using a traditional arrow meaning I couldn’t get a fixed anchor point and it would’t allow me to adjust aim to achieve accuracy. I’ve been practicing instinctive shooting for a while now. I shouldn’t rely on the accuracy the modern bows can give me. If I want to become the best, I should perfect doing the unconventional.
“RUMI!!!”
Kalidasa’s voice thundered around the quiet dojo but years of practice had refined my “mental program”. My relaxed stance remained solid as I aim and drew the arrow directly to the target piercing it creating a loud crisp sound. Music to my ears.
I darted an impassive look to my twin who was marching towards me wearing an expression like he was mad or constipated. I rarely see him wearing that tight expression and I’m sure that something was really wrong.
“When the hell did you try flirting with a woman?” He frantically seethed making my forehead furrow.
“What the hell, Kali!” I snapped incredulously. My moronic twin has just gone mad!
“Yeah, just what the hell, Rumi!” His voice hit the roof as he desperately ruffle his messy hair. He looks like hell, damn it! “A weird woman whom you’ve flirted with yesterday approached me and mistaken me as you in front of my girlfriend!”
My body stilled as I try to absorb what he said. Weird woman? Shit! That weird woman again? Pati ba naman ‘tong kakambal ko ay piniperwisyo ng babaeng ‘yon? Inis na binalingan ko ang kakambal ko. Naiisip ko pa lang ang pervert na babaeng ‘yon ay kumukulo na ang dugo ko.
“Damn you, Kali! You know that I never flirt.” Singhal ko rito.
“Then who’s that freakin' woman?” He desperately asked, like he would be sentenced to death if I wouldn’t answer him.
“Someone who just barged in my car and shamelessly asked me to drive her to Jollibee!” Napipikon ko na ring sagot.
“Damn it, Rumi!” Kali was still raising his voice and it was rare that he raises his voice to me or anyone. He’s a bully and easygoing. But compared to me, Kali takes everything in him coolly and lightly. “Cassidy walked out on me. Dalawang araw palang kami, two freakin’ days, Rumi! Makakasapak talaga ako kapag si Cassidy nakipag- break sa akin!” He was hissing distraughtly and I never had seen him like that. Knowing his narcissistic tendencies, he was always concerned with the way he looks but seeing him so diseriented like this, it’s as if he’s acting as a wild caveman prepared to attack the beast that intruded his territory. I can’t help but to smirk inwardly.
So my twin’s really got whipped, eh?
“Hey, dela Cuesta twins! Archery hall ‘to, hindi boxing ring.” Amused na tawag sa amin ng dumating na si Ceyx. Kalidasa growled at him and our friend raised his hand in surrender.
“Whoa! I’m not the enemy here, dude.” Natatawang ani Ceyx ng makalapit sa amin. “Ano bang nangyayari dito?”
“That damn woman keeps messing with me.” I murmured crossly and Ceyx smiled knowingly.
“Ah, the one who did a live show in your car?” He grinned teasingly.
“I’ll show that woman that she messed with the wrong person.” Kali noted in a dangerous tone and I suddenly felt the urge to tap his back. You’ll never want a mad Kalidasa dela Cuesta. Isa pa, maski wirdo ang babaeng iyon ay ‘babae’ pa rin ito.
“I’ll fix this so stop blowing your lid off, loverboy.” I said and he crossly shrugged off my hand on his shoulder. Tsk! That weird woman really did stir the demon in my twin.
“Hey! Easy, Kali!” Natatawang saway ni Ceyx rito.
“I’m sorry, okay?” Kali looked at me desperately and my expressions softened after seeing how hopelessly desperate he is. Kahit madalas kaming mag- away ay hindi ko naman gugustuhing masaktan ang kakambal kong minsan nagseryoso sa isang babae sa pinakaunang pagkakataon.
“I’m just worried,” Pagpapatuloy pa niya sa basag na tinig, “No, I’m afraid! Cassidy has trust issues and I’m afraid that she would hardly open up to me again.” He looked at Ceyx as if begging for his mercy, “Do you think I would just watch the woman I like so much slip away?”
Ceyx and I were really speechless. Anong pinakain ni Cassidy sa kakambal ko at mukhang hulog na hulog na siya dito? This is what I don’t like to experience that’s why I keep on preventing myself to be drawn to any woman except my mom and grandmothers. Falling in love is like knotting a rope around your neck. The knot gets tighter everytime you’re falling deeper. Simply a suicide. I tsked.
“I understand. I get it now, okay?” Pagsuko ko. Baka magpakamatay pa ang engot na kakambal ko kapag hiniwalayan siya ng girlfriend niya, “Para sa ikatatahimik mo ay kakausapin ko ang wirdong babaeng ‘yon.” Shit! Ano ba ‘tong papasukin ko?
Nagdududa tiningnan ako ng kakambal ko. His eyes were glinting some malice, “Don’t tell me you like that woman and you’re just using me as an excuse?”
“Damn that mouth, Kalidasa!” I snapped irritably and I got more irritated when Ceyx laughed his heart out in utter amusement. What the hell is wrong with my twin’s brain?
Maya- maya pa’y hindi na siya umimik at bigla na lang kaming tinalikuran para umalis.
“Hey! Saan ka pupunta?” Tanong ni Ceyx rito na halos hingal pa mula sa pagtawa. Asshole.
“Ipapasipa ko ‘tong gwapo kong mukha kay Cassi! Baka sakaling mapatawad na niya ako kahit wala akong kasalanan!” He called as he waved at us from the back. Frustrated na natampal ko ang noo.
“So, what’s the plan?” Ceyx smirked. Nasaan ba si Selene at ako ang ginugulo ng gagong ‘to?
Huminga ako ng malalim saka seryosong tiningnan ito, “I don’t know. I even don’t know that freakin’ woman’s name!” I irritably hissed and Ceyx was already used with my impatient character so he was just laughing my reaction off.
“That would be tough dude,” Napapailing na sagot nito bagaman halata namang bakas ang ngiti sa labi, “Good luck.” Paalis na ito ng mabilis kong pigilan ito sa balikat.
“Of course you’ll help me, asshole.” I said gravely.
Ceyx smiled in amusement, “And here I am thinking that my bestfriend would never ask me for help.”
I rolled my eyes at him, “Stop being cheesy, asshole. You’re giving me a freakin’ chill!”
He laughed merrily like he was so entertained with my reactions. How the hell did I end up being bestfriends with this lunatic? Madalas ako nitong gawing driver at taga- sundo nila ni Selene kapag hindi convenient dito ang mag- drive. He’s noisy like L, Kalidasa and Heaven but I always find myself doing fun and crazy stuffs with him. So yeah, maybe he’s really my best buddy among my seven lunatic friends including my twin Kalidasa.
“So ano, hahayaan mo na lang?” tanong ni Ceyx.
Tiningnan koi to ng masama, “Gusto mo bang mabaliw ng tuluyan ‘yong magaling na kakambal ko?”
“Tsk,”palatak nito,naiiling, “tama ng sina Heaven at Lourd lang ang baliw.”
Pinigilan ko paikutin ang mga mata. Paano ko ba talaga naging kaibigan ang mga baliw na ‘yon? At kay Ceyx pa talaga galing na baliw sina Heaven at Lourd? God, help me!
“I know someone from the registrar.” Ceyx said after a while and I sigh in relief. Sa wakas nagawa ring magtino.
“Great. Ask for her name and course.” Utos ko rito. He stared at me giving me the are- you- kidding- me look.
“I only said that I knew someone from the registrar. I never said that I’d be the one asking for her name. Loyal ako kay Selene noh!”
“Ano namang kinalaman no’n sa pagtatanong mo ng pangalan ng wirdong babaeng ‘yon?” I groaned in exasperation.
“That’s it. She’s still a girl. May girlfriend ako kaya hindi pwede,” Itinuro pa nito ang sarili saka itinuro naman ako, “Ikaw single and very available ka kaya ikaw ang magtanong.”
“Nababaliw ka na ba?!” Inis na bulalas ko. Pumalatak lang ang gago.
“Sa iisang tao lang ako nababaliw at siguradong hindi ikaw ‘yon,” Anito saka ako inakbayan, “C’mon bud, umpisahan mo ng hanapin kung anong pangalan ng Cinderella ng buhay mo.”
What the hell?!
...🏹🏹🏹...
Khami
“Khamila Cordova! May naghihintay sa’yo sa may harap ng gym!
Kumunot ang noo ko. Wala naman akong ka- close dito kaya sino naman kayang maghahanap sa akin? Unless si Rumi kong sinta ‘yon? Nakaramdam ako ng excitement pero sinabayan iyon ng kaba ng maalalang may atraso nga pala ako sa kakambal niya. Paano kung ‘yong Kalidasa pala ‘yon? Sobrang galit kasi tuluyan na itong hiniwalayan ng girlfriend matapos ng nangyari kahapon?
Nawala tuloy lahat ng excitement ko at napalitan na lang ng takot. Nambubugbog kayang babae ‘yon? Baka balatan niya ako ng buhay!
Lumapit ako sa kaklase kong pinagmulan ng balita at kinakabahang ngumiti, “Classmate, sino daw ‘yong nagtatawag sa akin?”
“Hindi ko kilala. Babae.” Anito at biglang nalaglag ang mga balikat ko. Grabe huh, umasa ako ng kaunti doon. Pero ‘di ba dapat matuwa ako kasi hindi ‘yong kakambal ni Rumi ang naghahanap sa akin? Ang gulo ng utak ko! Sino ba namang hindi mahihilo sa mga makabinat muscles at makabali ng buto na routines namin ngayon? Latin dance ang lesson namin at dahil maharot ang sayaw ang tinodo ko ng magharot kanina. Medyo sumasakit na ang mga binti at muscles ko.
“Sige, salamat.” Sabi ko sa kaklase ko at dahil tapos naman na ang klase ay binitbit ko na rin ang bag ko palabas matapos magpaalam sa baklang instructor namin na laging game sa harutan at biruan kaya bet na bet ko talaga ang klase ko rito.
Hindi na ako nag- ayos. Hinayaan ko na lang na magulo ang nakapusod kong buhok at pinunasan na lang ang pawis sa leeg at mukha. Mamaya na ako magpapalit pagkatapos kong harapin ‘yong naghahanap sa akin kahit mukha akong losyang sa suot na PE uniform.
Paglabas ko ng maluwang na gymnasium ay magkandahaba- haba ang leeg ko sa paglinga- linga ng babaeng naghihintay sa akin kasi wala naman akong kaide- ideya kung sino ito at kung ano ang itsura.
“Ay, butiking bungi!” Gulat na gulat kong bulalas ng biglang may tumapik sa balikat ko. Sapo ang dibdib na humarap ako sa pangahas na nanggulat. Sisinghalan ko na sana pero umurong ang dila ko nang makita ang kabuusan ng babae. Matangkad at sobrang laki ng katawa. Parang pang- sumo wrestler. nakasimangot ito at pwede ng sabitan ng hanger ang nguso.
Diyos ko. Ito po ba ang ipinadala ng kakambal ni Rumi para pahirapan ako? Promise po magbabago na ako huwag niyo lang hayaang lanunin ako ng buo ng babaeng ito na ipinaglihi yata sa polar bear!
“May naghihintay sa’yo sa likuran ng gym.” Sabi ng babae sa pinaliit na tinig. Napakurap ako. Hindi yata bagay ‘yong liit ng boses nito sa laki ng katawan? Hindi proportional, te! Muli akong napakurap. Ansabe? May naghihintay sa akin sa likuran ng gym? Ayoko nga! E kung i- salvage ako do’n?
“Kapag hindi ka daw nagpunta hindi mo daw magugustuhan ang mangyayari.” Sabi pa ng babae na akala mo’y naririnig ang iniisip ko. Higit pa akong natakot sa narinig.
Ginagap ko ang mga kamay ng babae, “Kapag may nangyaring masama sa akin tawagan moa gad ang 911 huh?”
Nalukot ang malaking mukha ng babae saka inagaw palayo ang mga kamay. Halos matumba ako do’n a?
“Sa gwapo nilang ‘yon, hindi ka nila gagawan ng masama panigurado.” Anito.
“Gwapo? Mga lalaki?!” Napasinghap na nayakap ako ang sarili. E paano kung i- rape ako ng mga ‘yon? Lalo pang nalukot ang mukha ng babae na malamang ay nabasa na naman ang naiisip ko.
“Asa ka pa, miss. Sigurado akong ‘di ka nila type. Tsaka may mga girlfriend na din ‘yong dalawa do’n. Punta ka na bago ka pa nila ipatapon palabas ng Helix U.” Tila pananakot pa nito sa akin.
Humaba ang nguso ko ng iwanan ako ng babae. Kesa naman ipatanggal ako dito, titiisin ko na lang ang torture na gagawin nila sa akin. Huwag lang silang magkamaling gawan ako ng kahalayan dahil ilalabas ko talaga ang mga pangil ko!
Napaplunok, pinagpapawisan ng malamig at nanginginig na nagtungo ako sa likuran ng gym. Mapuno sa bahaging iyon, kadugtong kasi ng maliit na forestry na sakop ng department ng Agriculture. Sa may bandang silangan no’n ay may man- made lagoon kung saan may iba’t- ibang breed ng isda. Kadugtong naman iyon ng Botanical garden. Kabisado ko na ang lugar kasi doon ako madalas tumambay. Presko kasi doon at maganda ang tanawin. Parang nasa probinsya lang ako. Pero ngayon ay parang malagim na ala-ala na lang yata ang magiging kakabit ng lugar na ito sa akin.
Mula sa ‘di kalayuan, sa silong ng isang yellow acacia kung saan may malaking tipak ng bato ay nanigas ako ng makita ang tatlong bulto ng naggagwapuhang kalalakihan. Si Ceyx ‘yong isa. Prente itong nakasandal sa malaking tipak ng bato habang abala sa cellphone. At parang tumalon- talon ng bonggang- bongga ang heart ko nang makita ko ang gwapong kambal. ‘Yong isa ‘di mapakali habang nagpaparoo’t parito sa paglalakad samantalang ‘yong isa ay nakatayo lang at tila naiinip na habang patingin- tingin sa wrist watch. Nang marahil ay nahihilo na sa ginagawa ng kakambal ay hinawakan nito ang balikat ng kakambal para patigilin sa ginagawa. Sigurado akong ‘yong masungit na ‘yon si Rumi.
Oh my gulay! Napahawak ako sa magulo kong buhok saka nasapo ng mga palad ang mukha. Hindi ako prepared! Hindi man lang ako nakapagpolbo!
Mabilis kong kinalkal ang bag ko at hinanap ang malaking Johnson’s baby powder doon na kabibili ko lang kahapon. Parang hinahabol ng kabayo na binudburan ko ang palad at nahinto ako sa pagpapahid no’n sa mukha ng makitang nasa akin na pala ang tingin ng tatlong Adonis. Grabe, nakakapaglaway talaga!
Kimi akong ngumiti. Lalo pang hindi maipinta ang mukha ni Rumi. Sigurado kong siya iyon kasi mukha na namang constipated. Mukhang nayayamot na ‘di mo malaman. Napaawang ang aking labi ng sumenyas siya na lumapit ako. Pasimple kong ikinalat ang polbo sa mukha saka pasimpelng inamoy ang t- shirt na suot. Buti na lang ay sinipag akong mag-fabcon no’ng naglaba ako. Hindi ako nangamoy pawis.
May kaba akong nararamdaman habang palapit sa kanila ngunit pinanatili ko ang matamis kong ngiti. Sabi ng lola ko ay ‘yon daw ang panlaban ko. Lagi daw akong ngingiti kasi nakakagaan daw ng pakiramdam ang ngiti ko. Malay mo magwork. Biglang mawala ang high blood niya sa akin.
“Please talk to my Cassidy that you just mistook me for Rumi.” Agad na pakiusap ng kakambal ni Rumi pagtigil na pagtigil ko pa lang sa harapan nila. Napanganga ako sa gulat. Akala ko pa naman ay dudukwangin na ako ng suntok.
“Tsk!” Yamot na palatak naman ni Rumi na hinawakan sa balikat ang kakambal para iayos ang pagkakatayo. Halos lumuhod na kasi ito sa harapan ko. Narinig ko ang pagtawa ng ex- crush kong s Ceyx sa likuran nila.
“My twin’s going crazy because of your folly mistake, woman.” Malamig na sabi sa akin ni Rumi at napangiwi ako. Grabe naman kung maka- English, hindi ako makahabol. Nang tingnan ko ang kakambal niya ay halos maiyak ito na ewan. Mukhang desperadong- desperado na. Na- guilty naman ako agad. Well, kahapon pa naman ako nilalamon ng kunsensya ko. Hindi ko naman talaga sinadyang gawin iyon. Akala ko lang talaga ay si Rumi ito kahapon.
“You fix this mess before I think of wringing your neck.” Rumi threatened icily, at nanlaki talaga ang mga mata ko sa narinig. Aba! Bayolente pa pala ang sungit na ‘to! Ang hot lang ‘te!
“Hey dude, relax, okay?” Natatawang sawad ni Ceyx, tila pinagagaan ang atmosphere doon.
“Look, miss. As you can see, we have similar faces but we’re not one person.” Pagpapaliwanag sa akin ng kakambal ni Rumi. Base sa expression ng mukha pati pananalita, mukhang malayong mas mabait ito kaysa sa demonyitong kakamabal na kanina pa ako tinitingnan ng masama. Grabe huh! Humanda sa akin ang isang ito.
“Kaya nga nakikiusap akong kausapin mo ang girlfriend ko para ipaliwanag sa kanyang nagkamali ka lang kahapon.” Pakiusap pa ng lalaki.
Hindi naman nito kailangang makiusap sa akin para gawin ko iyon. Aminado naman ako sa kasalanan ko at handa kong itama iyon. Pero nakakagigil kasi ‘tong demonyitong kakambal e. Maski naman crush ko siya e hindi ko mapapalampas ‘yang wala sa lugar na pagsusuplado niya.
“Why are you even begging for her to do that?” Nakataas ang kilay na tanong niya sa kakambal, “It’s her fault. It’s imperative that she’ll do something to clean the mess she caused.”
“Grabe ka naman! ‘Di ko naman sinasadya e.” Sagot ko sa kanya.
“Kaya nga puntahan mo na ngayon din si Cassidy para magpaliwanag sa kanya.” Madiing sabi pa niya. Kung makautos naman!
“Ayoko nga!” ‘Di papatalong sabi ko sa inis kay Rumi. Narinig ko ang mahinang pagmumura ng kakambal niya. Luh, sorry talaga kakambal ni Rumi pero need to do this.
“Ano bang gusto mo, miss? Pwede kong ibigay kahit na anong gusto mo magpaliwanag ka lang sa girlfriend ko.” Desperadong pakiusap ng kakamabal ni Rumi. Naaawa na ako pero kailangan kong manindigan. Bwisit ‘tong kakambal e.
Biglang nag- ting ang bumbilya sa ituktok ng ulo ko. Pinigilan kong mapahagikgik sa brillian idea na naisip ko. Pagkatapos nito, siguradong hindi ka makaka- hindi sa akin, Rumi.
Tumikhim ako at seryosong tumingin sa kakambal ni Rumi, “Sige. Magpapaliwanag ako sa girlfriend mo at sisiguruhin kong magbabati na kayo pero,” sinadya kong bitinin ang sasabihin para ilipat ang tingin kay Rumi na malamig pa sa yelo ang mga mata, “makikipag- date ka sa akin, Rumi kong sinta.” pinalambing ko pa ang tinig.
“What?! No way!” tila diring- diring bulalas niya na nagpasimangot sa akin. It hurts naman!
“Fine! Madali lang naman akong kausap.” Kunwari’y seryosong sabi ko saka tumalikod pero napigilan ng kakambal ni Rumi ang braso ko.
“Miss, please naman.” Pakiusap nito.
“Ayaw ng kakambal mo sa kundisyon ko e.”
Inis na bumaling ito sa kakambal matapos bitawan ang braso ko, “Dammit, Rumi! Ano na?” Yamot na anito.
“Are you out of your mind?” Yamot ding bulalas niya sa kakambal, “Parang sinabi mo na ring sakalin ko na lang ang sarili kong leeg!”
Luh! Ang harsh talaga ng demonyitong ito!
“Hey, dela Cuesta twins, chill lang kayo.” Pumagitna na si Ceyx sa kanila.
Tsk! Maldita ka talaga, Khamila! Pinagaway mo na nga ‘yong kakambal ni Rumi at girlfriend niya, ‘yong kambal naman ngayon ang pinagaaway mo!
“No good will happen if you keep on snapping with each other.” Pagpapatuloy pa ni Ceyx saka bumaling sa akin, “Miss, ‘yong date bang sinasabi mo ay isang beses lang?”
“Are you crazy, Ceyx?!” Galit na bulalas ulit ni Rumi sa kaibigan na napapapalatak na kinamot ng daliri ang tenga, “Ako pa ngayon ang gagawa ng pesteng kundisyon na ‘yan e ang baliw ngang ‘yan ang may atraso dito!”
Pumalatak muli si Ceyx, “Isipin mo ‘yang kakambal mo. Isang turnilyo na lang ang malalaglag at sa Mental na ang diretso niyan.”
“Damn you, Ceyx!” Pikon namang bulalas ng kakambal ni Rumi. “Gawin mo na ng matapos na ‘to, Rumi! Baka makipag- break na talaga sa akin ang dyosa ko!” Magkahalo ang pagsusumamo at inis sa tinig nito. Kinakabahan ako kasi nagkakagulo na sila pero paninindigan ko na ‘to. Nandyan na e. Baka ako naman ang singhalan nila kapag bigla kong sabihing joke lang ‘di ba?
Aburidong napabuntong- hininga si Rumi saka marahas na tumingin sa akin na medyo ikinagulat ko, “Fine! One date is enough.” Pinal na saad niya. Duh! Walng pinal- pinal sa akin noh. Puno ng kumpyansang tinitigan ko siya sa malalamig na mga mata.
“One week.” Madiin kong sabi.
“What the f*ck!”
“What the hell! Language, Rumi!” Saway ng kakambal nito na ikinatawa ni Ceyx.
“Who cares with language now, dammit! Pinagloloko ako ng babaeng ‘to!”
Napasimangot ako, “Hindi naman ako nanloloko e. Crush lang talaga kita.”
“Whoa! That’s an easy confession!” Namamanghang komento ni Ceyx.
“Hindi kita gusto! Why don’t you just leave my sight?” Galit niyang utos sa akin.
Imbes na matakot ay buong tapang kong sinalubong ang tingin niya, “Sa ayaw at sa gusto mo magdi- date tayo ng one week!”
Marahas siyang napabutong- hininga. “Okay. One day.”He bargained. Ano ako, palengle lang? Hinihingan ng tawad?
“One week!”Firm kong sagot.
“One day!”
“One week nga e!”
“Fine!” Sa huli’y sumusuko nang aniya, tila napapagod na sa pakikipagdiskusyon sa akin. Laglag ang panga ko sa gulat. “Ako ang magde- decide kung saan.”
“Ay, hindi pwede ‘yan.” Salungat ko, “Ako ang magde- decide kung saan.”
Muli siyang napamjra sa hangin. Grabe, ang galing- galing magmura pero tunog sosyal pa rin. Ang hot lang pakinggan.
“Fine! Basta siguruhin mong hinding- hindi ka na magpapakita sa akin pagkatapos ng isang linggo.”
Napangisi ako at confident na tumingin sa kanya, “Sure. Pero sa loob ng isang linggong iyon sisiguruhin kong mahuhulog ka sa akin.”
At siya naman ang nalaglag ang panga.
🍃
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro