Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

GULAT ang unang rumihistro sa mukha ni Laura nang magising siya. Napabalikwas siya ng bangon para lang mapangiwi sa naramdamang sakit sa buo niyang katawan. Kumawala ang mahinang ungol mula sa kanyang bibig. Maka-ilang beses niyang naikurap-kurap ang mga mata hanggang sa naging malinaw ang buong paligid sa kanya.

Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Mula sa walang kulay na pader sa apat na sulok na silid na 'yon hanggang sa kulay itim na sofa, mesa sa tabi ng kanyang kama, at maliit na ref na nandoon. Ngayon din lamang niya napansin ang nakatusok na swero sa likod ng kanyang kanang kamay.

Bigla ay naalala niya ang Tiya Esme niya. Dios ko! Ano na kaya ang nangyari sa tiyahin niya? Sana ay nasa maayos ang kanyang tiyang. Sana ay hindi ito pagdudahan ng asawa nitong hapon na tumulong sa kanya para makatakas.

"You're awake."

Mabilis na naibaling niya ang tingin sa direksyon ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang pamilyar na lalaking pumasok sa silid. Sir Rave?! May bitbit itong isang malaking itim na paper bag na inilapag nito sa maliit na mesa sa tabi ng kama niya. Hindi niya alam kung bakit lumakas bigla ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam ang gagawin?

"Are you feeling okay now Laura?" kalmado nitong tanong sa kanya.

Nalilito pa siya. Hindi niya magawang ma-i-proseso ang lahat sa utak. Na saan siya? Bakit nandito si Rave? Hindi malinaw sa kanya ang mga nangyari. Ang naalala lang niya ay tumakas siya at hinabol siya ng mga tao ng tiyo niya.

"Muntik na kitang masagasaan noong isang gabi nang bigla kang tumawid sa daan. You suddenly fainted, must be because of shock and exhaustion," dagdag nito. Tila ba nabasa nito ang tanong sa isip niya. Noong isang gabi? Teka, isang araw ba ang lumipas bago siya nagising? "I'm not going to ask more questions 'cause I know you're still feeling lightheaded and tired. For now, let your body and mind get enough rest. Saka na kita kakausapin kapag okay ka na." May inilabas itong lunch box mula sa paper bag nito. "Kumain ka muna. Pinahanda ko 'to kay Manang Linda."

"S-Sir Rave," tawag niya rito sa paos na boses.

Hindi niya napigilan ang sarili na maging emosyonal. Nanikip ang dibdib niya nang maalala ang kapatid. Tila ulan na bumuhos ang mga luha niya mula sa mga mata. Kakapalan na niya ang mukha.

"Tulungan n'yo po..." iyak niya. "Tulungan n'yo po akong maka-uwi sa Cebu. K-Kailangan ho ako ng kapatid ko. H-Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya roon. Mag-isa lang siya at may malubhang sakit sa puso. K-Kailangan ko hong maka-uwi." Inabot niya ang isang kamay nito. "G-Gagawin ko ho ang lahat... magta-trabaho ho ako bilang katulong n'yo... k-kahit ano po... tulungan n'yo lang po akong maka-uwi sa Cebu."

Gagawin niya ang lahat maka uwi lamang ng Cebu. Importante na makabalik siya. Hindi niya naman tatakbuhan si Rave. Pagtatrabahuan niya ang impambabayad niya rito.


KEVIN handed Rave the 4 pages stapled bond papers.

"Peter sent me those files." Inisa-isa niya ang content ng bawat page while listening to Kevin's summarized information Peter had relayed to him. "Laura's ten-year-old brother has valvular heart disease and he's currently admitted to a public hospital in Cebu. Nailipat ang kapatid niya sa isang public hospital, who is supposed to have his heart operation scheduled this month sa isa sa mga heart center sa Cebu, pero itinakbo ng tatay ni Laura ang lahat ng perang pinadala niya para sana sa kapatid niya."

Natigilan siya. Was it her main reason why Laura accepted the job? Kung bakit napunta ito sa Maynila at ibinenta ang sarili sa isang estranghero? Was it all because of her sick brother?

"It turns out, na kasama pala sa watch list ang tiyuhing Hapon ni Laura sa minamanmanan ng kakilala ni Peter sa FBI. Anyway, maisingit ko lang, nag-resign na pala siya, so he's just helping us out." Tumango lamang siya. "Her uncle and aunt are both allegedly involved in illegal drugs, human trafficking, and prostitution."

"Can you check which hospital Laura's brother is admitted right now?"

"That, I still have to check. Why?"

"Find Laura's brother and have him transferred to this hospital. Please, get him the best heart surgeon. I will shoulder all the expenses of his operation 'till his full recovery."

"I knew you'll say that." Kevin smiled. "Rave will always be Rave."

Kunot-noong ibinaling niya ang tingin sa kaibigan.

"What?"

"Nothing." Kevin shook his head in response, not tearing the smile on his face. "Guess, I need to ask for another favor to that guy. I'll let you know, once everything is okay."

"Thanks Kevin."


MAKAILANG ulit na sinubukan ni Laura na contact-in ang numero ni Inay Maring, ang ninang at isa rin sa malapit na kaibigan ng nanay niya noong nabubuhay pa. Si Inay Maring ang huling nakausap at nagsabi sa kanya na itinakbo ni tatay ang perang pinadala niya.

Nanghiram lamang siya ng cell phone sa babaeng nurse na kasalukuyang tinitignan ang likido ng dextrose na naka tusok sa kamay niya.

Ang Inay Maring lamang niya ang naging katulong niya sa pag-aalaga sa kapatid. Matagal nang patay ang asawa nito at mag-isa na lamang dahil 'di ito biniyayaan ng anak. Naging takbuhan niya ang Inay Maring niya sa mga oras na walang-wala na siya at wala siyang makuhang tulong mula sa kinilalang ama.

Hindi niya alam na nakabalik na pala ito sa kanila dahil umuwi ito ng Negros. Halos buong araw niyang 'di ma contact ang numero nito. Please inay, sagutin mo na ang tawag.

"Hello?"

Nabuhayan siya nang marinig ang pamilyar na boses ng Inay Maring niya. "'Nang, salamat sa Ginoo og ni tubag na ka," sagot niya sa bisaya. Naiyak siya bigla. "Kumusta na kayo riyan? Si Lawrence?" garalgal ang boses na pangungumusta niya rito at sa kapatid. "'Nang, uuwi ako riyan. Sabihin mo sa kanya na uuwi na ang Ate Laura niya." Uuwi siya kahit ano man ang mangyari.

"Okay lang kami, anak. Pasensiya na at hindi ako nakasagot agad kasi nasira ang selpon ko. Nakiusap na lamang ako rito sa isang nurse na ipasok muna 'tong sim card ko at baka ko tumawag ka. Nak, may maganda akong balita sa'yo. May mabuting taong sasagot sa operasyon ni Dong Lawrence. Kaibigan mo raw. Ililipat daw ang kapatid mo sa isang heart center diyan sa Maynila. Hintayin muna na lamang kami riyan, anak."

Kaibigan? Isa lang ang naisip niyang pwedeng tumulong sa kanya. Si Rave.


"S-SALAMAT," basag ni Laura.

Inilabas siya ni Rave mula sa kanyang silid para makalanghap siya ng sariwang hangin sa garden ng ospital na iyon. Nakasakay siya sa wheelchair. Nasa likod niya si Rave, marahan nitong tinutulak ang wheelchair para sa kanya.

"For what?" kaswal na balik tanong nito sa kanya.

"Alam ko na ikaw ang taong tinutukoy ni Nay Maring na tutulong sa kapatid ko. Wala na akong ibang ma-isip na maaring tumulong sa akin. Maliban sa Tiyang Esme ko ay wala na akong kakilalang kamag-anak dito sa Maynila."

"You don't need to worry about that Laura –"

"Babayaran ko ang lahat ng mga naitulong mo sa akin Sir Rave. Kahit buong buhay pa akong magtrabaho sa pamilya ninyo ay gagawin ko. Tatanawin kong utang na loob ang pagsagip n'yo sa buhay ng kapatid ko."

"Hindi na kailangan –"

"Hayaan n'yo po ako, Sir Rave. Hindi ho ako matatahimik hanggat hindi ko maibabalik ng pa unti-unti ang nagawang tulong n'yo sa akin."

"O sige, dahil mapilit ka. Kapag magaling ka na, pag-usapan natin 'yan ulit."

"Naasiwa ka ba sa akin Sir Rave?" pag-iiba niya.

Naisip niya na baka hindi komportable si Sir Rave na gawin siyang maid dahil sa may namagitan sa kanila noon. Marahil ay awa ang namutawi sa puso nito kaya tinulungan siya nito. Pero kahit ganoon paman, hindi pa rin siya matatahimik kapag 'di niya nagawang bayaran ang kabutihan nito sa kanya.

"Bakit mo naman naisip 'yon?"

"Alam ko na..." Nakagat niya ang ibabang labi. "Hindi naging maganda ang una nating pagkakakilala. Pero pwede po bang, kalimutan na lang ho natin 'yon. Isipin na lang ho natin na ngayon lang tayo nagkakilala. Kung okay lang po sa inyo?"

"It's fine, Laura. You don't need to worry about me. We'll talk about that again kapag magaling ka na. Anyway," pag-iiba ni Rave. "Naasikaso na ni Kevin ang lahat ng mga papers para mailipat dito ang kapatid mo. They'll conduct some tests first and observe him before they scheduled him for an operation. Rest assured that Kevin will get the best heart surgeon for your brother."

Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya. Nanikip bigla ang dibdib niya pero hindi dahil sa lungkot at pag-aalala kundi dahil sa saya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Tila nabunutan siya nang malaking tinik sa dibdib. Mapapagaling na ang kapatid niya. Wala na siyang iisipin na bayarin sa ngayon dahil sinagot na 'yon ni Rave.

Ang kailangan na lamang niyang gawin ay hintayin ang kapatid at magpagaling. Oras na maging okay na siya, pipilitin niya ulit si Rave na kunin siyang katulong sa bahay nito.

"Salamat."

"Kaya magpagaling ka na bago pa dumating ang kapatid mo."

Hindi niya napigilan ang matawa sa kabila ng mga ilang luhang umalpas mula sa kanyang mga mata.

"Don't make your brother worry, Laura. Get enough rest and don't think anything for now. 'Yan ang pa unang bayad mo sa akin."


"LAURA'S AUNT was killed by her husband."

Dumilim ang mukha ni Rave nang marinig ang sinabi ni Peter sa kanya. That bastard! Nagawa pa rin nitong makatakas. Two days ago, ni-raid ng mga pulis ang nasabing restorbar. Nagkaroon ng shootout dahil nanlaban ang grupo ng Hapon. Marami ang nasaktan at nadamay, pero sadyang may pagka-pusa ang tiyuhing Hapon ni Laura dahil nagawa pa rin nitong makatakas. At natitiyak niyang babalikan nito si Laura at gagantihan ang pamilya nito.

"Inaagnas na ang katawan ng babae kaya natitiyak nilang ilang araw nang patay ito bago paman mangyari ang raid," Peter added. "Sigurado akong pinatay siya ng Hapon na asawa nito. Maaring nalaman ng Hapon ang ginawa nitong pagtulong kay Laura na makatakas. Katulong ng tiyuhin ni Laura si Satoshi, isa rin sa mga pinaghahanap ng FBI, ito ang utak ng pedophile at cyber sex dito sa Pilipinas."

"Fuck," Mykael cursed. "I can't believe this. I almost got ourselves killed."

"Kung saan-saan mo kasi dinadala ang libido mo Mykael," ni Kevin. "For once, think before you act. Mabuti na lamang at hindi nahuli ang lahat."

"Tinitignan din nila ang anggulo kung bakit pinaghahanap ng grupo ni Sato si Laura. Maaring may nalaman si Laura tungkol sa tiyuhin niya na naging dahilan nang pambubugbog ng mga ito sa kanya."

"Poor Laura," ni Kevin.

"For now, may ilang sebilyang pulis na nakabantay sa kapatid at sa nanay-nanayan ni Laura sa Cebu. We'll have to make sure Laura's brother will get here safe. I'll try to look for Laura's father as well dahil sigurado akong hahanapin ni Sato ang ama nito. I'll talk with the head of the security of this hospital for Laura and his brother's safety. Importante pa rin ang kaligtasan ni Laura sa ngayon. She's not safe yet hanggat hindi pa nahuhuli ang dalawang Hapon na 'yon."

"Sa ngayon," salita niya. "Huwag na muna nating ipaalam ang masamang balita na ito kay Laura. Ako na ang bahala na magsabi sa kanya."

Tumango ang tatlo sa kanya.

"Wala pa naman silang napapansin na kakaiba. Hindi pa muna kikilos ang mga 'yon dahil mainit pa ang mga mata ng mga kapulisan sa kanila. They'll let us know, once may update na. For now, we have to hide Laura's identity for her safety."

"Akala ko ba nag-resign ka na? Bakit ang dali para sa'yong makakuha ng impormasyon?" tanong bigla ni Kevin. "Isn't that confidential?"

"I'm still working in the same field. Hindi ko lang pwedeng sabihin kung saan."

"Why?" insist pa rin ni Kevin.

Something is off with these two. Mukhang napansin rin 'yon ni Mykael, halata sa kunot-noo nito sa mukha.

"It's none of your business."


PAGKATAPOS ng isang linggo ay nailipat na rin sa St. John's hospital si Lawrence at pumasailalim sa ilang test. Nalaman niyang, isa ang St. John sa may pinakamuhasay na heart center sa Pilipinas. Idagdag pa na ang kinuhang doctor ni Doc. Kevin ay ang pinakamahusay na heart surgeon sa Pilipinas na si Doc. Leopold Gomez.

Dasal siya nang dasal na sana ay maging okay ang lahat ng test results ni Lawrence para ma-i-schedule na ang operasyon nito. Sabi naman ng doktor, normal naman daw lahat ng mga test results ni Rence at maari na raw ma-ipa-schedule ang operation ng kapatid dalawang linggo mula ngayon.

Kailangan lamang na maibalik ang dating lusog ni Rence dahil masyado itong nangayayat. Kapag nagpatuloy ang magandang kondisyon ng kapatid ay wala na silang gaanong alalahanin pa. Pagkatapos ng operasyon nito ay isang buwan raw na hindi muna ito magigising. Hindi niya maintindihan 'yong term na sinabi nito sa kanya, tinawag nito 'yong induced coma, para raw maging tuloy-tuloy ang pagpapagaling nito.

Kung ano pa 'yon. Naniniwala siya sa doctor. Susundin niya lahat ng mga sinabi nito dahil mas alam nito ang makabubuti sa kapatid.

Mahimbig na natutulog si Lawrence. Napangiti siya, unti-unti na ring bumabalik ang kulay sa mukha nito.

Ilang araw na lang ang hihintayin natin Rence at gagaling ka na. Makakahinga ka na nang maayos at magiging normal na bata. Kapag magaling ka na ay sisikapin ni ate na mapag-aral ka. Makakahabol ka pa naman. Kaya, lumaban ka.

"'Nak, may naghahanap sa'yo sa labas." Naramdaman niya ang paghawak ni 'Nay Maring sa magkabilang balikat niya. Naibaling niya ang mukha sa matanda. Marahan itong ngumiti. "Si Sir Rave mo."

"Si Sir Rave po?" Nagtaka siya.

Ngayon lang ulit nadalaw si Rave simula nang mailipat ang kapatid sa ospital. Laging si Doc. Kevin ang nakaka-usap niya. Lumagpas ang tingin niya sa orasan na nakasabit sa pader ng silid ni Rence. Alas diez na ng gabi. Bakit ito napadalaw nang ganitong oras?

Hindi niya sinabi rito ang totoong nangyari sa kanya. Bagama't alam nito ang trabaho niya sa poder ng tiyahin niya ay pinili niyang itago ang katotohanan na sinaktan at binugbog siya ng asawa ng Tiyang Esme niya. Sinabi niya lamang na aksidente siyang nadulas sa bahay ng amo niyang si Sir Rave. Ang alam ng Inay Maring niya ay umalis siya sa poder ng tiyahin niya at namasukang katulong sa pamilya nila Rave.

'Yon na rin ang hinabi niyang kwento para kay Lawrence. Gustong-gusto nito ang amo niya dahil ang bait-bait daw nito sa kanya at tinutulungan pa siya sa operasyon nito.

Hindi na kailangang malaman ni Lawrence ang lahat. Sapat na ang ngiti at sigla nito para makayanan niya ang lahat. Saka na niya iisipin ang mga ibang bagay kapag tuluyan nang magaling ang kapatid.

Inabot niya ang saklay niya sa tabi. Hindi na gaanong namamaga at masakit ang kaliwang paa niya. Nalalakad na rin niya 'yon kahit walang saklay pero mas mainam na may nakaalalay pa rin hanggang sa maging maayos na ang paglalakad niya.

Paglabas niya ng silid ay bumati sa kanya ang walang ka emo-emosyong mukha ni Rave. Ngumiti siya. Tila nagulat ito sa pagngiti niya. Hindi niya alam kung bakit, pero sa tuwing nakikita niya ang blankong mukha ni Rave ay may munting tinig sa puso niya na gustong-gustong lagyan ng emosyon ang mukha nito.

Alam niyang gwapo na ito kahit walang emosyon ang mukha nito pero mas lalo itong gumagwapo kapag natuto ulit itong ngumiti. Naalala niya ang ngiti nito noong gabing 'yon. Tandang-tanda pa rin niya ang lahat ng mga pinag-usapan nila. Kung paanong naalala siya nito, ay 'di na niya masyadong iisipan pa. Ibibigay niya rito ang katahimikan na gusto nito. Kahit 'di sabihin nito, alam na niya na hindi nito gustong pag-usapan ang gabing 'yon.

At gaya nang sabi niya rito, kakalimutan niya ang kung ano man ang namagitan sa kanila ng gabing 'yon.

"Good evening Sir Rave," may ngiti pa ring bati niya.

"Good evening Laura. Do you have time?"

Tumango siya. "Oo naman po."

Pumunta sila sa garden ng ospital at naupo sa isa sa mga bench sa tabi ng isang lamp post. Ilang segundong namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Laura," basag nito. "I have something to tell you."

"Hmm?"

"It's about your Aunt Esme."

Bigla siyang kinutuban. Hindi niya alam kung bakit iniisip niyang may masamang balita si Sir Rave sa kanya. Kung kanina ay blanko ang ekpresyon ng mukha nito. Ngayon, tila dumilim nang bahagya ang mukha nito sa sobrang seryoso nito.

"Anong nangyari sa tiyang ko?"

"They found her dead body." Kusang lumaglag ang mga balikat niya sa pagkagulat. Ang Tiyang Esme niya. Paanong? Bumalik sa isipin niya ang mga huling salita na sinabi nito sa kanya. Alam ng tiyang niya na mapapahamak ito pero pinili pa rin nitong tulungan siya. "P-Paano? B-Bakit siya namatay." Sakabila ng gulat sa mukha ay hindi pa rin niya napigilan ang mga luha.

"They're not sure yet, pero malaki ang suspitya ng mga pulis na ang asawa niya ang pumatay sa tiyahin mo. Ni-raid ng mga pulis ang restobar na 'yon at nagkaroon ng shootout kaya lamang nakatakas pa rin ang tiyo mo."

"Dios ko!" Natutop niya ang bibig.

"Now, I need to ask you something." Hinuli nito ang tingin niya. "May alam ka ba sa illegal na gawain ng tiyo at tiya mo? Is it also one of the reasons kung bakit sinaktan ka nila?"

Umiling siya.

"H-Hindi ko alam... w-walang sinabi si tiyang sa akin. Ang dahilan kung bakit nabugbog ako ay dahil gusto akong ikama ng isa sa mga VIP ni tiyong sa isang hapon pero nanlaban ako. Tinulungan ako ng tiyang ko na makatakas."

"I see." Napabuntonghininga si Rave. "Who's the VIP? Was it Satoshi?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Paano mo nalaman?"

"Sinabi sa akin ni Peter. He's a former FBI Agent, siya ang tumutulong sa atin ngayon. Dahil may kaugnayan ka kay Akihiro Sato ay may pupunta ritong taga FBI para kausapin ka."

"A-Anong gagawin nila sa akin?" Kinabahan siya.

"You don't need to worry, wala naman silang gagawin sa'yo, may mga tanong lang sila na kailangan mong sagutin. Nandito naman ako bukas."

Mas mapapanatag siya kung nandito si Rave bukas. Pero baka, maging malaking abala na siya rito?

"Hindi ba malaking abala 'yon sa'yo?"

"No, mas gusto kong nandito ako bukas. I have to make sure you'll be fine."

Na touched siya sa sinabi nito. Kahit papaano ay nawala ang kaba niya.

"And also," dagdag pa nito. "We have to keep your real identity hidden for now Laura."

"Anong ibig n'yong sabihin Sir Rave?"

"Starting today, you're now Laura Sanjercas."

"Laura Sanjercas?"

"Yes, you are now my wife."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro