Chapter 12
Napatingin ako sa nakakalat kong mga artworks at materials sa sahig. It has been like, a week? Simula ng iwasan ko si Chase. And thankfully, he has not bothered me since then. Mukhang busy din siya sa trabaho.
So with all that, I’ve decided na ituon ang buong atensyon ko sa pagpipinta at lumalabas lang ako ng kwarto para kumain o pumunta sa banyo. Pinulot ko ang isang canvas na may mukha ni Rafael at kumuha ng tape saka idinikit sa pader.
Sinusubukan kong i-link ang mga koneksyon ng aking mga naguhit tungkol kay Leonor at nagbabakasaling makahanap ng clue sa kanyang sumpa. Nasa pinaka taas ay ang larawan ni Leonor at may sinulid naman na nakakonekta sa litrato niya sa isang litrato ni Rafael.
Muli kong inilabas ang sticky notes sa bulsa ko at nagsulat tungkol kay Rafael bago idinikit din ito sa tabi ng drawing ko kay Rafael na nasa pader.
Umatras ako para makita ang kabuohan ng self-made evidence board ko at pinag-aralan ng mabuti ang mga nakakabit sa pader.
Sa bahagi ni Rafael at litrato ni Chase ay larawan ni Josephine at Elena ang nakakonekta sa pulang sinulid pero sa bahagi naman ni Leonor ay isang malaking tandang pananong, hindi ko alam kung ano ang koneksyon niya sa matanda.
Sinubukan kong iguhit ang matandang babae sa panaginip ko na nagbigay ng kung ano mang bagay kay Leonor pero tuwing sinusubukan kong alalahanin ay sumasakit ang ulo ko at hindi ko maklaro ang kanyang mukha. Kailangan kong alamin kung ano ang ibinigay niya kay Leonor.
I’m literally stuck.
Hindi ko alam kung anong gagawin, natatakot din akong makita ang alaala ni Leonor dahil alam kong once I let my guard down, she'll take control. Nakakatakot na kalaban si Leonor, lumalakas na siya ngayon.
Hindi lang buhay ni Chase kung hindi pati buhay ko rin ang nakasalalay. Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang pagkulo ng tiyan ko, tiningnan ko ang oras sa digital clock ko na nakapatong sa study table ko; quarter to eight na. Sa oras na ’to ay nasa trabaho na dapat si Chase. Okay, time to go out.
“Why are you avoiding me, wife?”
Nanlaki ang mata ko nang si Chase ang bumungad sa pagbukas ko ng pinto at sa gulat ay wala sa sarili kong naisara ang pinto. Napasandal ako sa pinto at kinakabahang napasabunot sa buhok ko.
I seriously didn’t expect Chase to be standing outside my room. Narinig ko ang pagkatok ni Chase sa pinto na lalong nagpataranta sa akin. Anong gagawin ko?
“Come on now, wife. Do you really hate seeing me that you’d instantly shut the door right in my face the second you see me?” Bakas sa boses ni Chase ang inis.
“H-Hindi naman sa gano’n,” nauutal kong sagot. “Ano nga palang ginagawa mo dito? ’Di ba dapat nasa trabaho ka na ngayon?”
Hindi pa rin talaga ako handang makita ang pagmumukha mo Chase matapos ng mangyari at kahihiyang naranasan ko sa harap ng best friend mo. Parang-awa mo na umalis ka na.
“I already told you before, I can go to work whenever I want. So show me your face, hindi ako aalis hangga’t ’di tayo nag-uusap ng maayos,” sagot niya. “I miss you, wife. So, please...”
Ayan na naman tayo eh, nadadala na naman sa matatamis niyang salita. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko alam kung nagugustohan ko ba si Chase o naaapektohan lamang ako ng mga alaala ni Leonor.
“Kailangan ko ng pahinga mula sa iyo, hayaan mo akong hanapin ang lunas sa sumpa mag-isa,” pursigido kong sambit. I can’t keep getting distracted because of you.
“Don’t you think I have already given you a lot of space? One week Malia, one week. And here you are still hiding from me.”
Nanatili akong tahimik saka naglakad ako patungo sa pader at hinawakan ang iba’t ibang kulay na sticky notes na nakadikit sa pader. Sa ngayon, ito lamang ang lead na mayroon ako tungkol sa sumpa.
Naduduwag pa rin ako, pagkatapos ng huling pagpapakita ni Leonor ay parang umaatras lahat ng tapang ko. I think I’m okay not knowing the truth anymore. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. I know it’s unfair to Chase pero hindi ako handang isuko ang buhay ko.
“I have enough of this Malia.”
Napadako ang tingin ko sa kaliwang kamay niya na may hawak na susi. May spare key pala siya ng kwarto ko? So, sinadya niyang hindi ako gulohin nitong nagdaang araw?
“A-Anong ginagawa mo?”
Lumapit siya sa akin kaya naman agad akong napaatras hanggang sa napaupo na lamang sa upuan ko. Iniwas ko ang mata ko at nagpalinga linga... I’m trapped. Ipinatong niya ang magkabilang kamay niya sa armrest ng upuan ko.
“Now, we will talk,” mabagal pero puno ng diin na sambit ni Chase.
Agad kong iniwas ang mata ko at yumuko habang kinakalikot ang mga daliri ko, halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Hinawakan ni Chase ang baba ko at iniharap sa kanya.
“Stop avoiding me, Malia. Let‘s stop this game of tag, we need to talk and we will talk. I’m not giving you an option, we will talk as husband and wife.”
Napabuntong hininga na lamang ako, I really can't say no. And Chase is like Yana, parehas silang makulit. Hindi titigil hangga’t ’di nakukuha ang gusto niya.
“Oo na,” pagsuko ko na labag sa kalooban.
Isang tagumpay na ngiti ang gumuhit sa labi ni Chase. Hinawakan niya ang pulsohan ko saka hinila ako palabas ng kwarto ko.
“First, you need to eat your breakfast. Ayokong nagugutom ang asawa ko.”
Nasa hagdan palang kami ay amoy na amoy na ang masarap na luto ni Chase. Amoy palang ay nakakatakam na. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa eleganteng kusina ng bahay ni Chase.
The lemony yellow cozy bench is rested against an enormous window kaya kitang kita ang ganda ng labas and a couple of classic white and wood stools make for the perfect place to start the morning. Hapag-kainan pa lamang ’to, iba pa ang dating ng kusina mismo.
“Chase, isang buong pamilya ba nag papakainin mo nito? May bisita ka bang darating?”
Hindi makapaniwalang tinitigan ko ang laman ng lamesa. Literal na puno ng pagkain ang lamesa, may isang malaking bowl na puno ng strawberry at grapes, may tig-iisang plato na puno ng waffles, pancakes at French toast. Habang nakatulala akong nakatitig sa mga pagkain ay ’di ko namalayang nilagyan ni Chase ng kanin ang plato ko.
“Aside from Mom and Dad, ikaw lang naman ang tinuturing kong pamilya. And don’t worry since we’re going to make our own family soon,’’ makahulogang sagot ni Chase. “Anong gusto mong ulam? Scrambled egg o ako?”
Agad naman nag-init ang pisngi ko pero inirapan ko lang siya. Ang aga-aga kung ano-ano ang pinagsasabi.
Kumuha ako ng isang nuggets at nagsimulang kumain. Nararamdaman ko ang pangingilid ng luha sa aking mata, no one has ever been kind to me aside from my sister; Yana.
“Hindi ko mauubos ’to lahat Chase, sayang naman ang pagkain. Ang daming nagugutom na bata sa kalye tapos sasayangin lang natin ’to?”
Hindi niya ako sinagot at tahimik lamang na tinitigan akong kumain. Hindi ba siya kakain?
Sinubukan kong ituon ang aking atensyon sa pagkain pero halos 'di ko malunok ang pagkain dahil sa mga titig ni Chase, bumuntong hininga kong sinalubong ang nga mata ni Chase. Magsasalita na sana ako ng pangunahan niya ako.
“I’ve been really curious. Is Yana your step sister from that man? Why does she call him Papa and you call him Tito?”
Naitikom ko ang bibig ko sa biglang tanong niya. Si Tito Isme ba ang ibig niyang sabihin? Tumango na lamang ako bilang sagot. Mapakla akong napangiti saka ininom ang kape na nasa lamesa.
I always wanted to be part of the family pero sa hindi malamang dahilan ay simula palang kinamumuhian na ako ni Tito Isme. Naaalala ko pa kung paano niya ako sampalin ng tinawag ko siyang papa, kung hindi dahil kay mama ay kahit pagtawag ko sa kanya ng Tito ay pinangdidirian niya.
He always pretended to be nice when Mama was around. Minsan umaasta pa siyang pinipilit niya akong tawagin siyang papa pero ako lang ang umaayaw. Wala sa sarili akong napatingin sa kamay ko, it’s all this cursed ability’s fault. Isang nakakabinging mahabang katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa ni Chase.
Itinaas ko ang tingin ko at sinalubong ang mata ni Chase, ayan na naman ang nagpupungay na mga mata niya na tila binabasa ang aking buong pagkatao. Agad kong iniwas muli ang mata ko, I feel like I‘m going to drown into his ocean eyes.
Naramdaman ko ang paghawak ni Chase sa kanang kamay kong nakapatong sa lamesa. “You don’t have to fight this battle alone anymore, let me help you. I’m here for you, wife. We are in this together.”
Tipid akong ngumiti. “Salamat.”
Ano nga ba ang tamang sagot sa sinabi ni Chase? I appreciate his gestures pero tama ba ’tong naging desisyon namin? Tama bang nagpakasal kami? Tama bang mapalapit ako sa kanya?
Kasi habang tumatagal, sa mga pagbabago ng pangitain ko, sa isang hiling ni Leonor ay mas napag-isipan kong mas makabubuti na hiwalay kami.
Chase is a ticking bomb to me, maaari kong mahanap ang kasagutan sa kanya pero maaaring manaig si Leonor sa katawan ko. Maililigtas ko ba talaga si Chase? Kaya ko bang kalabanin si Leonor? Paano kung matulad ulit sa nangyari kay mama ang maging resulta ng pilit kong paglaban sa tadhana?
“Is that all you have to say? Hindi mo ba ipapakita sa akin ang secret not-so-secret investigation board mo? I know you’ve been busy because of that.”
“H-Ha? Hindi ko alam ang sinasabi mo,” pagmamaang-maangan ko.
Kailangan kong gawin ‘to mag-isa. Sapat na ang pag-aalala ni Chase, I can’t risk his life. Ako ang hahanap ng lunas sa sumpa at hindi ko hahayaang mapalapit si Leonor kay Chase. At higit sa lahat, hindi ako sanay na may gustong tumulong sa akin maliban kay Yana, mas komportable akong magtrabaho mag-isa.
This foreign feeling of attachment towards Chase is terrifying. Kung sa lengwahe ni Chase, ang relasyon namin ay purong business lamang. Hindi ako maaaring maattach sa kanya. I need to draw a line kung hindi ay ako lamang ang masasaktan.
“Nakita ko na kanina sa art room mo and didn’t we say we are in this together?”
Ikaw lang naman nagsabing we are in this together. Kung maaari ay mas maganda talaga kung less interaction tayo. Haays, wala na akong nagawa ng hilain niya ako pabalik sa art room ko at seryosong pinagmasdan ang mga impormasyon na nakalap ko sa aking mga pangitain.
“Leonor looks really different from you but is it possible that you could be her? And what you’re seeing is your past life?”
Umiling ako sa tanong ni Chase. I have a guess that Leonor is my ancestor considering she mentioned about my blood as a Rivera but I am not her reincarnation. Ang pinaka malaking proweba ay ang pagtangkang pagsakop niya sa katawan ko.
Walang katawan si Leonor sa mundong ’to at hula ko ay hindi rin siya makaalis sa dimensyon kung nasaan siya ngayon. It answers all those questions kung bakit naiba ang paraan ng aking kakayahan. It makes more sense with that theory.
“Ang hula ko ay hindi pa tuloyang patay ang kanyang kaluluwa pero hindi rin siya buhay dahil matagal ng wala ang katawan niya...” ani ko’t kinamot ang ulo ko. “She seems like frozen in time which makes it impossible for her to be reincarnated at sa tingin ko ay dahil sa sumpa ’yon.”
“So, she’s trying to make you the vessel of her soul. That explains what happened before, it wasn’t you but Leonor who wanted to marry me,” mahinang bulong ni Chase sa sarili niya.
Napakunot ang noo ko sa sinambit ni Chase, anong ibig niyang sabihin? Vessel? Magsasalita na sana ako ng tumunog ang phone niya at sinagot niya ito.
“You found her?” Bakas sa boses ni Chase ang pagkabigla “Okay, okay. Tell Yana about this, we’ll meet you there.”
Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Chase. Nanghina ang tuhod ko sa sumunod na lumabas sa bibig ni Chase.
“We found your Mom, Malia.”
***
This chapter is dedicated to fnjt123456 thank you so much for always motivating me with your kind words. Mas namomotivate tuloy ako magsulat parati. You're one of the kindest soul I met here in watty. You deserve all the happiness this world could offer. Thank you 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro