Chapter 16 - Ninja Moves
Simula noon, dumadalaw na si CJ sa mansyon after work or kapag weekend para bisitahin si Rose at ang anak nito. Nang maikwento ni Yaya at Susan sa pamilya kung anong nangyari ng araw na nanganak si Rose, mas lalong naging malapit kay CJ ang mga ito. Tinanaw na isang utang na loob lalo na ni Tisoy ang ginawa ni Dennis at CJ. At dahil din doon si Dennis at CJ ang kinuhang pangunahing Ninong at Ninang ni Denise Ritchell ng binyagan ito apat na buwan ang nakalipas.
Sa panahong yon, walang binanggit si CJ kay Dennis tungkol sa pormal na pakikipaghiwalay niya kay Liam. Naisip niya, kung magiging sila talaga, it will happen in God's will. Naiisip niya, "Mabait na tao si Dennis, tulad ng sinabi nito, wala siyang balak guluhin ang relasyon nila. Gusto lang nitong ipakita sa kanya kung gaano siya kahalaga. Kaya naman wala din siyang balak na guluhin ang isip nito, dahil alam niya kung sila ang totoong nakatadhana sa isa't isa, mangyayari ang dapat mangyari."
Pero naniniwala din naman siyang dapat na ipakita niya kay Dennis kung gaanon ito kahalaga sa kanya. Kaya may mga araw na sumasabay itong pauwi kay Dennis katulad ng Biyernes ng hapon na yon. Nagbabaan ng lahat ng empleyado sa parking area pasado alas sinko para hintayin ang service. Nasa lobby na si Dennis at palabas na sana ng building ng marinig niyang tinatawag siya ni Bea habang tumatakbo itong palabas ng elevator.
Bea: Sir Dennis! Sir wait!
Huminto at nilingon ito ni Dennis.
Dennis: Oh, why?
Bea: Sir, kanina pa namin kayo hinahanap naka-off daw po ata ang phone ninyo.
Dinukot ni Dennis ang cellphone, nakita niya patay nga ito.
Dennis: Shoot! Nadrain battery ko. Bakit ninyo ako hinahanap?
Bea: Sir, makikisabay daw po sana si Ms. CJ papunta sa mansyon. Kailangan po kasi niyang makausap si Sir Denver, may papaaprubahan po sya para sa clients meeting niya bukas eh.
Dennis: Sheesh, oo nga nakalimutan kong dumaan sa kanya eh, pasensya na marami lang akong iniisip. Sige tell her ilalabas ko lang ang sasakyan from the basement daanan ko siya sa harap.
Bea: Thank you Sir, pababa na din naman po siya eh. Sige po sabihin ko.
Paglabas ng sasakyan ni Dennis nandon na si CJ, bumaba ito at pinagbuksan siya ng pinto. Nang makasakay tinukso siya ni CJ.
CJ: Chivalry is not dead when you are around.
Dennis: That's something that runs in the family still. Baka multuhin kami ng mga Lolo namin eh.
CJ: I see you are to busy this days? You couldn't even check your phone.
Dennis: Sorry, am just working on a presentation for a project medyo malaki ito eh. I don't want to fail.
CJ: And Tito Denver thought you didn't like to work here... yun pala naman you'd be workaholic like them.
Dennis: Another something that runs in the family I guess.
Nagtawanan sila. Dumeretso na sila sa mansyon. Pagdating nila doon, halos tapos ng maghain ng hapunan sila Yaya. Bumati sila Dennis at CJ kay Denver at Dei.
Dei: Mabuti naman napasyal ka Hija.
CJ: May kailangan ho kasi akong idiscuss kay Tito Denver para sa early morning meeting ko bukas with a client eh.
Denver: Oh, okay Hija dito tayo sa salas.
Dei: Mabuti pa nga, para pagkatapos ninyo sabay-sabay na tayong magdinner. And I will not take No for an answer Hija.
CJ: Sige po Tita, I'll join you, I won't pass a chance of eating something that you cooked. Lolo Sito is bragging about them.
Dei: Yang Lolo mo talaga. sige na, go discuss whatever you need to discuss. We'll set the food while you're at it.
Dennis: Ma, akyat muna ako...
Tumango si Dei at umakyat na si Dennis sa kwarto niya. Makalipas ang mahigit kalahating oras tinawag na sila ni Dei para maghapunan. Tapos na ding magusap at magpirmahan sila Denver at CJ kaya nagpunta na sila sa dining area.
Dei: Yaya, paki tawag na nga si Dennis.
Sumunod naman si Yaya pero ng magbalik ito...
Yaya: Mam, mamaya na daw ho siya, may tinatapos lang po.
Kumunot ang noo ni Dei, napatingin si CJ sa kanya, naalala niya na noong maliliit pa sila laging sinasabi ng Mama ni Dennis na masamang pinaghihintay ang pakain.
CJ: Tita, ako na po ang tatawag, baka akala niya hindi pa nakahain.
Tumayo si CJ at umakyat sa hagdan. Nang makalayo ito, bumulong si Denver.
Denver: Mabilis ang isip niyang batang yan, mukhang naalala pa ang lagi mong pangaral.
Dei: Mukha nga, that's why I like her. She keeps Dennis normal.
Denver: Ikaw talaga bakit may pagkaabnormal ba yung bunso natin?
Dei: You know what I mean, he's very different, sa palagay ko kung hindi sa paniniwala niya na destined sila ni CJ baka naging lalake ang karelasyon niyang anak mo sa sobrang iba ng paniniwala niya eh.
Natawa na lang si Denver. Samantala sa kwarto ni Dennis. Kumatok sa pinto si CJ bago ito pumasok.
CJ: Den, dinner time na, hinihintay na tayo ni Tito at Tita sa dining table.
Dennis: Oh, I told Yaya, later na ako eh.
CJ: Did you forget, your Mom's rules since we were younger?
Dennis: Hindi, but am sure Mama won't mind. Hindi na tayo bata no.
CJ: Right, then why are you so stubborn to follow her rule. Her forehead wrinkled out after she heard what Yaya said. That's why I volunteered to come get you. Besides, are you serious that you will let me eat alone with your parents?
Dennis: You are not anybody, you are family, you should be used to eating with them.
CJ: So, the next time you come have dinner at Lolo's place, you will eat with them alone as well? Let's go na kasi...
Malambing ang boses na pilit nito. Wala ng nagawa si Dennis kung hindi pagbigyan si CJ. Iniabot niya ang kamay sa kanina pang nagaabang na kamay nito at ngumiti.
Dennis: Fine, you win.
CJ: I know I would win!
Dennis: Ay ang yabang!
CJ: Hindi mo ako matitiis eh.
Sabay bumungisngis, kiniliti siya ni Dennis sa tagiliran. Masaya silang bumaba at sumalo sa hapunan.
Madalas din kapag may kausap siya sa same floor ng office ni Dennis, dinadaanan niya ito at dinadalhan ng kape. Tulad ng umagang yon.
CJ: Good morning, it's brunch already and you haven't had your much needed caffeine intake?
Dennis: Oo nga eh, dami kasing hinihingi ni Boss eh.
CJ: Good, I brought you some.
Nagulat si Dennis, napatingin sa papasok na si Bea. Ngumiti silang pareho. Natawa si Dennis.
Dennis: Thanks, I really needed this.
Kumindat at kumaway ng palayo si CJ. Napaisip si Dennis, "she's sweet."
Simula non sa utos ni CJ araw-araw ng dinadalhan ni Bea ng kapeng may granola chips si Dennis bandang alas diyes ng umaga.
Minsan naman na dumaan si Dennis sa Office niya.
Dennis: Mukhang ikaw naman ang busy ah, I was worried I didn't see you at lunch.
CJ: Yah I just had some sandwich I need to finish my reports eh. I doubt that you missed me.
Dennis: Of course I did, where did that come from?
CJ: Wala, was just joking, namiss lang kita.
Ngumiti ito at bumalik na sa ginagawa niya. Pinagmasdan ni Dennis si CJ, napapaisip... "Am I just dreaming or she did say she's missing me?"
Paglabas niya nasalubong niya si Bea. Tinanong niya ito.
Dennis: Bea, may problema ba ang Boss mo?
Bea: Kulang lang ho sa sugar at lambing yan Sir.
Dennis: Meaning?
Bea: Loveless...
Dennis: Papaanong naging loveless eh...
Hindi na naituloy ni Dennis ang sasabihin dahil nagring ang phone at kinailangan itong sagutin ni Bea. Wala na siyang nagawa kung hindi umalis na lang.
May oras na pagdating ng lunch, nasasalubong niya si Bea magisang papunta ng Cafeteria.
Dennis: Oh, bakit magisa ka lang? Yung boss mo hindi kakain?
Bea: Niyaya ko Sir, sabi lang go ahead.
Dennis: May problema ba siya?
Bea: Just like what I told you the last time Sir, kulang lang siguro sa sugar and spice.
Dennis: Loveless?
Bea: uhmmm... Sir, Lunch muna ako.
Pinuntahan ni Dennis si CJ sa opisina. Kumatok sa pinto bago pumasok.
CJ: Come in...
Nakita ni Dennis na nakapikit ito at bahagyang nakaslant ang swivel chair.
Dennis: Hey there! Is everything okay? Are you feeling fine?
Nagmulat ito at ngumiti sa kanya.
CJ: Hello! Yah, everythings fine.
Dennis: How about lunch?
CJ: No na lang, I had to much of the cafeteria food.
Dennis: Well, we can have lunch outside.
CJ: Really? You're not busy?
Dennis: Hindi naman, come let's have lunch out, what do you want to have ba?
CJ: Hainanese Chicken
Dennis: I liked that too, come, there's Wee Name Kee at the Ayala Triangle.
CJ: Yey!
Masaya na silang umalis para mananghalian.
Kapag may pagkakataon, nagdidinner out ci CJ kasama si Dennis sa paraang hindi nito inaasahan... pagdating ng Biyernes ng hapon. Tumawag si Richie sa cellphone ni Dennis.
Richie: Bro, saan ba yung Kyo-to Japanese Restaurant?
Dennis. Sa Legaspi Village, ahmm Palanca Jr. Street. Bakit?
Richie: Naginvite si CJ na doon magdinner tonight eh.
Dennis: Huh? Dinner with who?
Richie: I thought with both of you kasi invited sila Xavier at Reah eh. Hindi mo alam?
Dennis: Hindi pa kami nagkikita eh, baka nagtext na yon sa akin.
Richie: Ah, malamang nga. So see you later then.
Napaisip si Dennis... "she set up a dinner with the gang, eh bat hindi niya ako niyaya? Kasi alam naman niyang sasama ako, am I that predictable?"
Pagdating niya sa opisina, kakaupo pa lang niya ng kumatok si Bea bitbit ang isang tasa ng kape.
Dennis: Oh napaaga yata ang supply ko ng kape...
Bea: Pinahatid po ng maaga kasi may kasamang note.
Dennis: Thanks Bea!
Pagalis ni Bea, binasa niya ang note "Den, let's have Japanese Food for Dinner?"
Napangiti siya pero gusto niyang tignan kung anong magiging reaksyon nito kapag sinabi niyang hindi siya pwede. Tinawagan niya ito.
CJ: Hello Den!
Dennis: Hi, thanks for the coffee and the dinner invitation. You know I like Japanese Food kaso I'm really busy, may mga meetings ako this morning tapos ang dami ko pang tatapusin in the afternoon, I'm not sure I'll be done on time.
Natahimik sandali si CJ... huminga ng malalim tsaka sumagot. Pilit pinasasaya ang boses pero halata pa rin ni Dennis na lumungkot yon.
CJ: Ah, really? Too bad... I invited the gang, thought it might be fun since we've all been busy. Well if by any chance you would be able to come, just text me. I need to hang up now my staff are here.
Ramdam ni Dennis na hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Pero napapangiti pa rin siya. Pagdating ng hapon, dadaanan sana niya si CJ para sabay na silang pumunta sa dinner pero wala na ito sa opisina.
Bea: Sir, sana po tinext ninyo siya, sabi niya kasi hindi kayo pwede kaya nung may magalok na susunduin siya, pumayag ho siya.
Dennis: Sinong sumundo sa kanya?
Bea: Sir si Draco po.
Dennis: Saan sila pupunta?
Bea: Kanina pa ho yung mga 3pm magkakape po ata hindi ko lang ho alam kung isasama niya sa dinner.
Dennis: I doubt that she would, she invited my cousin and friends eh.
Bea: Ayan kasi ang pabebe mo kasi Sir eh, mabuti pa Sir tawagan mo na lang.
Dennis: Bea, please do me a favor alamin mo kung kasama niya yung mukhang kwago na yon.
Bea: Kwago talaga Sir? Selos ka lang eh
Dennis: BEA!
Bea: Ay opo, eto na Sir, tinatawagan na.
Mabilis naman itong nacontact ni Bea.
Bea: Hi, Miss CJ, nakarating ka na po ba sa dinner appointment mo with Richie and the gang? Worried lang po ako kasi alam niyo na kay Sir Den lang ako may tiwala.
CJ: Bea, you sounded like Lolo Sito. But yes, I'm already here, I asked Draco to drop me here after our afternoon snack he still has a meeting eh. Any news?
Bea: I saw him leave, I heard sabi niya kila Larry he's on his way to meet you for dinner. Tinukso pa nga siya ng mga boys eh.
CJ: Really? But he was not sure that he can make it?
Bea: Mam, baka gusto ka lang isurprise kaya act surprised na lang.
Natawa si CJ.
CJ: Okay, thanks for the heads up Bea.
Bea: No problem Mam, ayaw mo kasi maniwala sabi ko sa yo hindi ka kayang tiisin ni Sir Dennis eh.
CJ: Yah you're right. Thanks again and take care going home dear.
Bea: Kayo din po ingat.
Pinatay na ni Bea ang telepono tsaka humarap kay Dennis.
Bea: Ayan na Sir, coast is clear. Nagpahatid lang daw kay Draco doon.
Dennis: Okay, thanks sige puntahan ko na lang siya.
Bea: Ganon lang pupunta ka lang doon, wala man lang thrill?
Dennis: ano ba dapat?
Bea: Sir naman di ba sabi ko nga kulang sa sugar at spice yon dapat medyo romantic at sweet ang dating mo.
Dennis: Fine, I'll bring her flowers.
Bea: Flowers yung lambing eh pano yung sugar?
Dennis: Chocolate?
Bea: Sobrang old school...
Dennis: dessert like crepe or cakes?
Bea: Nakuha mo Sir!
Natawa si Dennis, bahagyang niyakap si Bea, nagpasalamat at nagpaalam na.
Eksaktong ipinapasok na ang appetizers nila ng dumating si Dennis. Malayo pa nakita na siya ni Richie. Tumayo ito at sinalubong siya ng malapit na siya.
Richie: Glad you made it.
Naghigh-five silang dalawa, ganon din si Xavier, nagbeso naman si Arbie at Rhea sa kanya. Lumapit siya sa nakaupong si CJ tumayo sa bandang likod nito at humalik sa pisngi.
CJ: Hi! Glad you were able to make time for us.
Dennis: Is that sarcasm I hear?
CJ: Maybe... imagine you dismissed my dinner invitation.
Richie: That explains why Draco was the one who brought her here. Sinuswerte ka pa rin Cous, kasi may meeting yon kung wala eh di your sit has been taken.
Dennis: Oo nga eh, ang bilis niyang gumanti at pinalitan ako agad eh.
Nagtawanan sila.
CJ: Serves you right!
Dennis: I know... sorry na po. Here oh I brought you flowers.
Nagulat si CJ pero hindi napigil ang bahagyang mapangiti.
Rhea: Yun oh may peace offering.
Arbie: Yun oh malambing ka naman pala Dennis eh.
Dennis: With the right woman, I am. Also brought crepes for dessert.
Xavier: Aaaawwwww nilalanggam kami sa kasweetan mo bro!
Dennis: Bwiset!
Nagtawanan silang lahat. Naupo si Dennis sa tabi ni CJ, pinagmamasdan nito ang mga bulaklak sa kandungan niya. Sumulyap kay Dennis eksaktong nakatingin ito sa kanya.
CJ: Thanks!
Hinawakan ni Dennis ang kamay niyang nasa ibabaw ng bulaklak at pinisil.
Dennis: You're very much welcome.
Masaya na silang kumain habang nagkukwentuhan ng mga nangyari sa kanilang araw.
Dennis: Kamusta ang business mga bro?
Richie: Doing good bro!
Xavier: okay naman.
Richie: Ikaw kamusta sa R&R?
Dennis: Doing a lot better. Nakakahawa ang pagkaworkaholic ni Kuya Dean and the rest of the staff. Pero I'm glad na nakakatulong ako para makauwi at makapagpahinga ng maaga yung magasawa. Sabi kasi ni Dean, they are trying to have a baby.
Richie: Mabuti naman kung ganon, si Kuya Dean pati pagpapamilya planado eh. Parang si Ate mo lang.
Arbie: Ganon naman talaga dapat di ba,may ilang taong gap para nabibigyan ng atensyon ang bawat bata.
CJ: So, when do you plan to get pregnant again?
Arbie: in two or three years time.
Richie: Oo at least that time, medyo malaki na si Archie.
Xavier: That's how it should be may plano, mahirap pumasok sa isang sitwasyon na hindi ka sigurado. Kailangan plantsado lahat para hindi na magkaproblema o magkagulo pa.
Dennis: That's true.
Tahimik na nakayukong nakikinig lang si Rhea, nagkatinginan ang iba.
CJ: How about you Rhea? How's your son doing? Is he old enough to have a sibling?
Rhea: He's okay, he's with his Dad in the US and he's in 3rd grade right now. Well he is old enough, but I already have a son out of wedlock, I wouldn't want the next one to be the same. Another mistake will not be able to erase the old mistake I made so I want it to be right the next time.
Dennis: Sounds reasonable enough. Yun naman pala Xave eh. Alam mo na.
Nagtawanan sila. Natapos na silang maghapunan at kinain nila ang dalang mango crepe ni Dennis at umorder ng tea ang mga girls at nagwine naman ang mga boys. Patuloy ang kanilang kwentuhan...
Richie: CJ... how about you? Are you okay? Are you happy here, working without your family?
CJ: I'm used to not having my family around anyway, believe me being here in Manila is the time that I feel that I am most alive and living a life that I wanted. I get to spend weekends with either my grandparents or Dennis's family. I also get to have fun with friends like right now.
Arbie: And how are you coping up with the break- up my Dear?
Napatingin silang lahat kay CJ. Pinagmasdan ni Dennis ang mukha nito.
Richie: You broke up? Since when?
Xavier: who broke up with who?
CJ: How did you know about that girl?
Arbie: I was online when he changed his Relationsip Status to In a Relationship with Lindsey Heldwick a few months ago. I was shocked actually. Did you know about her?
CJ: Richie, I broke up with Liam the day that Rose gave birth to her child. Being there while she was delivering the baby just makes me realized that I don't want to be in a relationship that doesn't grow at all. At my age, I should be learning the ropes of being in a serious relationship where you talk about the future and not just the parties you attend or the clothes you wear. I should be in a relationship where you are learning what his favorite food is and trying to learn to cook it for him or just basically eating it with him or knowing his scheduled appointments and giving him a wake up call or just making him coffee and knowing when he needs it. I cannot get those with Liam because he does not want to live here in Manila. Lastly, I think loving someone is being where she would be happy. So I called it quits.
Xavier: How did Liam take it?
CJ: He got mad, shouted at me and he even cursed me a couple of times. Complained about everything that he has done or given me and told me that I never really tried to make the relationship work. God knows I did, I even transferred to his apartment so we can be together all the time. I even quit my job and find something that is near his place. That's how I got the modelling job. I did it for him, I stayed just for him.
Richie: You knew about Lindsey?
CJ: She's his classmate way back in high school. Met here a couple of times, and I knew she's still into him. So, them being together now doesn't shock me at all.
Dennis: Kailan mo nakitang nagchange status si Liam Arbie?
Arbie: Palagay ko a month after they broke up.
Xavier: Gago yon ah, there's a 6 months rule!
Richie: Baka dito lang sa atin yon, sa kanila wala.
CJ: I think he was trying to hurt me back.
Richie: Why would he do that?
CJ: because of something in the past that I never really learned to do.
Inabot ni Richie ang kamay ni CJ na nasa ibabaw ng lamesa at pinisil.
Richie: Well, if you were not happy with him, what you did is the best thing that you can do for yourself. He does not deserve you.
Xavier: That's right, you are better off without him!
Rhea: Yah,I'm sure you will find someone better than him. Maybe, just maybe, you have already found him.
Ngumiti si CJ... pasimpleng sumulyap kay Dennis.
CJ: Maybe...
Dennis: They are all right.. you don't have to settle for anything less than what you truly deserve CJ. You are a wonderful person and you deserve a love that will make you happy, a love that completes what's lacking in you and a love that can give you more than what you ask for.
Richie: Cheers to that!
'Xavier: I second the motion!
Itinaas nila ang mga wine glass nila at itinaas naman ng mga girls ang kanilang tea cups for a toast.
All: Cheers!
Makalipas ang isang oras pa, nagkayayaan na silang maguwian. Naghiwa-hiwalay na sila sa parking area at nagkanya-kanyang sakay ng kotse.
CJ: Den, can we go to my Lolo's house? I promised Lolo that I would sleep there tonight and spend the weekend with them.
Dennis: Sure!
Tahimik na sa mansyon ng mga Yuviengco ng makarating sila. Pinagbuksan sila ni Margie ng gate.
CJ: Thanks for opening the gate for us Margie, you can go take a rest now.
Margie: Mam, baka po may kailangan po kayo, coffee or tea?
CJ: It's okay Margie, I'll take care of it. Thanks, goodnight!
Margie: Okay Mam, goodnight. Goodnight po Sir.
Dennis: Goodnight Margie, salamat.
CJ: Have a sit, I'll just make us some coffee.
Dennis: No, this time I'll make the coffee, you can fix us some granola chips and iced water.
Naglagay ng brewed coffee sa dalawang tasa, nilagyan pareho ng gatas. Inilagay nilang lahat sa isang tray at binitbit ni Dennis ang buong tray papunta sa ikalawang palapag ng mansyon at ipinatong sa coffee table na nasa veranda.
CJ: I'll just change... have a sit.
Naupo naman si Dennis, inalis ang necktie, binuksan ang tatlong butones ng polo shirt niya at itinupi ang sleeves nito.
Napaisip siya habang nakaupo at nakatanaw sa langit at isa-isang nagunahan sa isip niya ang mga katanungang....
"Bakit hindi sinabi sa akin ni CJ na nakipaghiwalay siya kay Liam?"
"Bakit hindi ito lumapit sa kanya matapos makipagbreak para kahit papano napasaya naman niya ito"
"Bakit hindi niya nabanggit man lang si Lindsey?"
"Bakit? and napakarami pang bakit?"
Masyado siyang napaisip ng malalim kaya halos kinse minutos ng nakatayo sa likod niya si CJ ay hindi pa rin niya nararamdaman ito. Hinawakan siya ni CJ sa balikat at bahagya siyang nagulat.
CJ: What were you thinking?
Hinawakan ni Dennis ang kamay ni CJ na nakapatong sa balikat niya at bahagya itong hinila para umupo sa katabing silya.
Dennis: Just some questions I wanted to ask you...
Naupo si CJ humigop ng kape at humarap kay Dennis.
CJ: Questons like?...
Dennis: Why didn't you tell me that you broke-up with Liam?
CJ: I didn't want you to think that I did it for you... don't want you to think that you are the reason why we broke up. Although Liam knew about what happened in the past with us. And he said I never learned to forget you.
Dennis: I may be the man in your past but I am also your friend, you should have come to me when you were feeling sad, I could have at least made you smile or bought you your comfort food. I can be just your friend when you need one, you know?
CJ: I know, but I really didn't want to mixed both our feelings up.
Dennis: You didn't even mention that your boyfriend has a love interest in the name of lindsey.
CJ: Well, because I wasn't really sure that she was a love interest until just this night. I met her a few time and she was a friend to both me and him.
Dennis: Now that you know, how are you feeling? Are you hurt? or jealous?
CJ: I'm feeling fine, it hurts a little knowing that it seems that their relationship has been going one for a while because it took him only a month after we broke up to go on with it. Although thinking about it, it might be that what they have is similar to what we have. But no, I am not jealous. Like what I told everybody tonight, being here in Manila is the times that I feel most alive and happy. Because all of you have been like a family to me. Which I never felt even being with my own family. There has always been a wall around my Dad or Mom and my siblings. But I'm used to it by now.
Dennis: So, now what?
CJ: what do you mean?
Dennis: I mean US...
CJ: I don't know... told you I don't want to impose on you. Although I have passed the 6 months rule but let's just let it takes its own course?
Dennis: I have no problem with that, I know what my heart's desire anyway.
Ngumiti si Dennis, napangiti na din si CJ. Matapos higupin ang huling lagok ng kanilang kape. Inihatid na ni Dennis si CJ sa kwarto nito,iniwang nakabukas ang pinto. Humiga na si CJ sa kama, naupo naman sa tabi nito si Dennis at sumandal sa head board. Binuksan ang TV...hinaplos ang buhok at braso ni CJ hanggang sa makatulog ito.
Makalipas ang apat na pu't limang minuto, mahimbing na si CJ. Hinalikan ito ni Dennis sa noo, yun ang nakita ni Lolo Sito ng mapadaan siya sa tapat ng kwarto ni CJ. Napangiti na lang ang matanda. Inayos ni Dennis ang kumot hanggang sa balikat at inilagay ang unan para mayakap nito. Saka lumabas ng pinto at isinara yon.
Nakita niya si Sito pagbaba niya, may hawak itong baso ng tubig.
Dennis: Good evening po Tito, pasensya na po, hinintay ko lang hong makatulog si CJ.
Tito Sito: Wala kang dapat ihingi ng pasensya Hijo. Nagpapasalamat nga ako sa yo dahil lagi mong inaalagaan ang apo ko. Kamusta naman siya? Nabalitaan mo na ba? Wala na daw sila ni Liam.
Dennis: Oo nga daw ho, okay naman ho siya. She's a strong woman, wala ho siyang hindi kakayanin dahil kilala niya ang sarili niya. Pinagagalitan ko nga ho, dahil ngayon ko lang nalaman eh walong buwan na pala silang wala. Hindi ko man lang siya napatawa nung panahong nalulungkot siya.
Tito Sito: Yan ang isa sa mga bagay na gusto ko sa yo Hijo, kayang kaya mo siyang pasayahin. Dennis, ikaw ng bahala sa apo ko ha.
Dennis: Opo Tito huwag ko kayong magalala hindi ko siya pababayaan.
Tito Sito: Dalangin ko na sana, maging masaya na kayong dalawa.
Dennis: Salamat po. Tutuloy na po ako.
Naglakad na itong papunta sa pinto.
Tito Sito: At sana sa pagbabalik mo... Lolo na din ang tawag mo sa akin.
Napangiti si Dennis... Nilingon ang matanda at sinabing... "Sana nga ho."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro