Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fight #34: School Festival (Part 2)

Sizzi's Punch

"Hi Ms. Morales, what can I do for you?" Tanong no'ng pamintang make-up artist pagkapasok pa lang namin ni Rica sa salon nito.
(A/N: Paminta = gay)

"Hi Tita Beauty." Bati ni Rica pagkayakap dito. "Gusto kong pagandahin mo ng bongga si Ate Sizzi ha? 'Yong basta hindi makapal. 'Yong simple lang pero siya 'yong stand-out sa lahat."

Agad naman akong tiningnan ni Tita Beauty. Nakakatakot ang tingin niya. Parang X-ray. Tagos.

"Anong oras ba ng party?" Baling ulit ni Tita Beauty kay Rica.

"8 PM pa Tita."

Pumalakpak ng dalawang beses si Tita Beauty. "Great! Hindi naman ako magtatagal sa pag-aayos sa kanya. Natural na talaga ang beauty niya." Ngumiti ito sa akin. "Sa'yo bagay ang pangalang beauty eh."

Medyo napayuko naman ako. "Ah, salamat po."

"Huwag mo akong i-po, tumatanda ako." Natatawa nitong sabi sa akin. "Maupo ka na do'n nang makapagsimula na ang aking magic sa pagpapaganda sa'yo! Sige, upo na. Go!"

Natawa naman ako saka umupo.

So, anong meron ngayon? May party kasi kapag last day na ng School Fest. At formal 'yon.

Ayaw ko sanang um-attend kaya lang pinilit ako ni Rica eh.

Siya na nga rin ang pumili ng isusuot ko. In short, siya lahat ang gumastos.

Eh ayaw ko nga kasing gumastos, saka, hello? Ano namang gagawin ko do'n? Eh paniguradong boring naman do'n.

"Sige na kasi Ate Sizzi, um-attend ka na. Please?" Pamimilit ni Rica sa akin.

"Tinatamad ako Rica. Boring pati do'n." Sabi ko habang nagbabasa ng librong City of Bones. Book 1 ng Mortal Instruments. Pinahiram kasi ni Rica.

"Sige ka Ate Sizzi. Kapag hindi ka um-attend ay sasabihin ko kay Kuya 'yong tungkol sa balakang mo." Banta niya.

Napabuntong-hininga ako at isinara ko 'yong libro. "Sige na nga!"

Pumalakpak naman ng maraming beses si Rica at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Yey! Payag ka na ha? Don't worry Ate Sizzi. Ako na ang bahala sa'yo."

At sino ba naman ang makakapalag sa isang Rica Morales?

Siyempre kahit nakipagtalo ako sa kanya na dapat pera ko ang gagastusin ay hindi siya pumayag. Talaga naman.

Kung hinahanap n'yo si hinayupak, ang sabi ni Rica ay pinatawag ng Mommy at Daddy nila. Okay? Huwag na nga kayong magtanong. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako hanapan ng nawawalang hinayupak?

Anyway, first time ko nga palang a-attend nitong School Fest Ball. Eh kasi naman, wala naman akong gagawin do'n. Boring kaya.

Saka, sabi-sabi na kung sino ang mapiling Mr. and Ms. School Fest ay sila 'yong magkakatuluyan.

Sus, kalokohan. Mga shunga lang ata ang naniniwala do'n.

Matapos ng ilang minuto o oras yata ay natapos din akong akong ayusan.

Gulat akong napatingin sa salamin. Wow. Nagmukha akong tao!

"See? You're beautiful. Kahit nga ata wala kang make-up na pumunta do'n ay ikaw ang pinakamaganda!" Puri ni Tita Beauty sa akin.

Napangiti naman ako. "Salamat Tita Beauty."

"Siya, ikaw ay magpalit na ng damit. Gora!" Sabi nito habang tinutulak-tulak pa ako.

Napatawa naman ako at nakangiting iniabot ni Rica sa akin ang damit at 'yong heels na sa tantiya ko ay six inches ata.

May balak ata akong patayin ni Rica.

Sinuot ko na 'yong damit. Hindi ako magaling mag-describe since hindi naman ako mahilig sa fashion.

Basta puti siya, para nga lang 'tong tube dress na white na fit na above the knee tapos nilagyan lang ng mahabang kulambong kulay puti na may design sa may likod para magmukhang gown.

Pasensya naman kung hindi ako magaling mag-describe ng damit. Hindi naman ako mahilig magdamit ng maganda.

Isinuot ko na rin 'yong heels. Tae, sobrang taas! Baka matapilok ako nito!

Lumabas na ako sa dressing room. Nanlaki ang mata ni Rica at Tita Beauty, pati na rin 'yong mga kasamahan ni Tita Beauty sa salon niya.

Pagkatapos ay patiling lumapit sa akin si Rica. "Oh my gosh Ate Sizzi! Sobrang ganda mo!"

"Mukha kang living doll!" Dagdag ni Tita Beauty.

Napangiti ako at napatingin sa orasan. Hala! 8:40 PM na!

"Late na ako!" Sabi ko bigla.

"Sus, hindi pa Ate Sizzi. Alam mo na, Filipino time. And isa pa, grand entrance ka dahil mapapatingin sa'yo ang lahat!" Tuwang-tuwang sabi ni Rica.

Eh ayaw ko nga ng grand entrance!




Therence's Punch

Ano bang ginagawa ko rito?

Napailing na lang ako. Pagkagaling ko kasi sa bahay ay tinawagan ako ni bunso na dito ako sa School Fest Ball dumiretso dahil kung hindi ay magtatampo siya.

Hindi ko pa kaya nakikita si Sizzi ngayong araw!

Alam ko naman na hindi a-attend si Sizzi dito eh. Bakit kaya ako pina-attend ni bunso?

First time kong um-attend dito.

Pati nga sina Clark ay um-attend din dahil nalaman nalaman nilang a-attend ako. Pambihira.

"Therence!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Mariann. "Bakit?"

"Nasaan si Sizzi?"

Nagkibit-balikat ako.

"Akala ko pa naman, magkasama kayo. Sige, salamat." Sabi ni Mariann at umalis na.

Tahimik lang na nakaupo ako habang umiinom ng juice. Napatingin ako sa orasan. 9 PM na.

Nagsimula na naman kanina ang ball eh, mga 8:30. Kaso bawal pang magsayaw ng slow dance hangga't hindi pa napipili ang Mr. and Ms. School Fest.

Damn. Maniniwala lang ako sa sabi-sabi kung si Sizzi ang magiging partner ko.

"Hi Therence."

Napabuntong-hininga ako. Ano na naman ang kailangan nitong si Celestine? "What?"

"Hey, are you not happy to see me?"

Sino ba naman ang matutuwang makita ka?

Nanahimik na lang ako at hindi siya pinansin.

"Don't try to fight it Therence. I know you're attracted to me."

Aba, ang kapal naman ng mukha ng babaeng ito.

Suntukin ko na kaya?

On the second thought, huwag na pala. Kawawa naman kung dito ko pa siya bibigyan ng pasa sa mukha.

Bigla akong napatayo no'ng makita ko ang isang babaeng mala-dyosa.

Nawala 'yong pagkabadtrip ko kay Celestine dahil sa kanya.

Medyo nakatungo si Sizzi habang naglalakad. I chuckled. Pinagtitinginan kasi siya ng lahat.

Parang may sariling isip naman ang mga paa ko at awtomatikong naglakad ako palapit sa kanya.

Sigurado akong pinilit din siya ni bunso na um-attend dito.

Nilahad ko naman agad ang isang kamay ko. "Hi."

"Nakakahiya." Nakatungong sabi pa rin niya.

"Don't be sweetheart." Sabi ko at kinuha ko ang kamay niya upang iangkla ito sa braso ko. "Beautiful is an understatement. You're gorgeous, sweetheart."

Sinuntok naman nito ang braso ko kaya napatawa ako.

"Hi!" Salubong ni Mariann sa amin. "Wow Sizzi! Sobrang ganda mo!"

"Salamat." Nahihiya pa ring sabi ni Sizzi.

"Pi-picture-an ko kayo ha?" Sabi ni Mariann at inilabas ang SLR niya.

Photojournalist nga pala ang isang ito.

"Smile!" Sabi nito at nag-flash ang camera. "Thank you! Sana kayo ang maging Mr. and Ms. School Fest!"

Umalis ulit si Mariann para makisama ulit sa iba.

Ipinaghila ko naman ng upuan si Sizzi. "What do you want to eat, sweetie?"

"Salad?"

"Have you eaten dinner?"

"Tinatamad ako."

Napabuntong-hininga ako. "I'll get you carbonara, okay? 'Yon muna, bago salad."

"Fine."

Bago pa ako makaalis sa table ay lumapit na si Clark at Jayzee para batiin si Sizzi. Good. May magbabantay sa kanya.

Huwag n'yo nang tanungin kung nasaan si Celestine dahil hindi ako interesadong malaman kung nasaan siya.

Bumalik na ako sa table pagkakuha ko ng pagkain namin ni Sizzi.

Kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan siya ng mga lalaki.

Hindi ko naman sila masisisi dahil sobrang ganda ni Sizzi, with or without make up.

Nakaupo lang kami at nagkukwentuhan.

"Good evening everyone!" Bati no'ng MC.

Pagkatingin ko sa relo ay 10 PM na. Mukhang ia-announce na ang Mr. and Ms. School Fest.

"This is what you are waiting for! The announcement of who will be Mr. and Ms. School Fest this year!" Dagdag pa nito.

Marami naman ang nagsigawan. Ano bang ka-excite-excite dito?

"Alright! For Mr. School Fest is..." Pabitin na sabi nung MC. "Mr. Therence Lloyd Morales from Class 3-A!"

The f*ck. Kaya ayaw kong um-attend eh!

Ang daming babaeng nagtilian. Tang*na, papatayin ko ang judges nito kapag hindi si Sizzi ang nakapartner ko.

"Grabe ang sigawan ng mga babae! Sino kaya ang matatanghal na Ms. School Fest?" Sabi no'ng MC.

Nagsigawan naman ng 'Ako!' at 'Me!' ang karamihan ng babae. Pero si Sizzi ay tahimik lang.

"Wait Mr. Therence. Sabay kayong pumunta rito ng Ms. School Fest." Sabi ng MC. "Our Ms. School Fest is..!"

Sh*t. Kinakabahan ako. P*ta.

"Ms. Sizzily Faye Delos Reyes from Class 3-A!"

Napahinga ako ng maluwag. Buti na lang!

Paglingon ko kay Sizzi ay nanlalaki ang mata niya. Para bang hindi siya makapaniwala.

I chuckled then I stand and offer my hand to her. "Shall we?"




Sizzi's Punch

Tama ba ang pagkakarinig ko?

Ako? Ako talaga?

P*tang*na!

"Shall we?" Nahimasmasan ako no'ng marinig ko ang boses ni hinayupak.

Nakatayo na ito at nakaalok ang isang kamay sa akin.

Parang wala pa ako sa huwisyo. Tunay ba talaga 'yong narinig ko?

Napatawa ng mahina si hinayupak. "You're not dreaming sweetheart." Hinawakan nito ang dalawang kamay ko at hinila ako patayo. Inihawak nito ng kamay ko sa braso niya.

Biglang nagpalakpakan ang karamihan. Ngunit may ilan na may panghihinayang at inggit sa mga mukha nila.

P*cha, kami nga ni hinayupak ang Mr. and Ms. School Fest!

"Ang RenZzi couple ang itinanghal na Mr. and Ms. School Fest! Nagdidiwang ba kayong RenZzinations?" Sabi ng MC pagkaakyat namin sa stage.

Marami ang nagsigawan. Aba? Buhay pa pala 'yong RenZzi?

Pinutungan kami ni hinayupak ng korona. Binigyan pa ako ng bulaklak. May sash pa nga eh.

"At dahil mayroon na tayong Mr. and Ms. Scho---"

"Duet! Duet! Duet!" Sigaw ng karamihan kaya naputol ang sinasabi ng MC.

Napatingin sa amin ang MC. "Nagre-request sila ng duet. Pagbibigyan n'yo ba?"

Nagkatinginan kami ni hinayupak. Binigyan niya ako ng tingin na nagsasabi na 'Okay lang ba sa'yo?'

Ngumiti na lang ako ng tipid.

Ngumiti rin si hinayupak at kumuha ng dalawang mic.

"Take my hand, take a breath.
Pull me close and take one step."

Biglang hinawakan ni hinayupak ang isang kamay ko at nilagay sa balikat niya. Hinawakan naman niya ako sa beywang gamit ang isang kamay niya.

Slow dance.

Magkatitigan lang kami ni hinayupak habang kumakanta at nag-i-slow dance.

Wait. Kami ni hinayupak ang Mr. and Ms. School Fest.

Eh 'di ibig sabihin ay kami ang magkakatuluyan?

=====

Semi-edited.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro