Real Finale [Alternate]
Author's note : Before anything else i would like to formally announce that Pact Series would become a Trilogy. Yes, that means there will be a book 3.
Sorry kung nakakalito man tong biglaan kong announcements pero maging ako nalilito narin. hahaha. Simula't-sapul pa lang kasi ay hindi pumasok sa isip ko ang Book 3. Akala ko kasi wala ng may gusto ng book 3 kayat di ko inaasahan na madami palang magre-request. I never planned a book 3. I started thinking about it after i've posted the Epilogue last Tuesday.
And since may book three, ibig sabihin There will be changes. Changes sa Finale at Epilogue. Isipin niyo nalang na Fake Finale at Epilogue yung nabasa niyo last week. hahahaha. Mianhe. Sorry. Patawad *singhot floorwax*
Sana basahin at suportahan niyo parin yung book three :)
So this is the REAL ENDING.....
- - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - -
MACKENZIE’S POV
Takbo lang ako ng takbo.
Kasimbilis ng pagtakbo ko ang pagpintig ng puso ko dala ng kabang kanina ko pa nararamdaman. Tinitiis ko ang sakit at hapdi ng sugat ko sa ulo ko. Hilong-hilo parin ako pero hindi ako pwedeng maging mahina, Kailangan ako ng kapatid ko at ng daddy ko.
May mga nakakasalubong akong mga taong hindi ko kilala ngunit panay lang ang ngiti nila sa akin. May ibang binabati pa ako. Napaka-weird ng buong lugar.
Nakarating ako sa kwarto kung saan ko huling nakita sina kuya at ang daddy ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahan kong pinipihit ang siradura ng pintuan.
Habang dahan-dahan ko itong binubuksan ay bahagya akong nakarinig ng sigaw. Sigaw na parang nasasaktan.
Dahan-dahan akong sumilip mula sa siwang ng pintuan at nakita ko si Kuya Paxton na nakatalikod mula sa akin. Nakatayo siya samantalang nasa paanan niya si Kuya Travis. Nakadapa ito at mistulang duguan.
Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ang duguang baseballbat na hawak-hawak ni Kuya. Tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makitang hinampas ni Kuya Paxton ng napakalakas si Travis gamit nito.
Gusto kong magsalita ngunit walang boses ang lumalabas sa bibig ko.
Mahal ko sila pareho
at napakasakit makitang sinasaktan ni Kuya ang sarili naming kapatid.
Muling pinaghahampas ni Kuya Paxton si Travis ng maraming beses. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin pero pinagmasdan ko lang sila habang tumutulo ang luha mula sa mga mata ko.
Napapahiyaw si Kuya Travis nang dahil sa sakit habang patuloy ang pag-labas ng dugo mula sa noo niya.
Biglang napatingin sa direksyon ko si Kuya Travis habang nakahiga siya sa sahig. Kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman niya mula sa kanyang mga mata. Nagtama ang tingin namin. Dahan-dahan siyang napailing-iling. Mistula niyang sinasabi sa akin na tumakas na ako.
Walang tunog ang lumalabas sa mga bibig namin.
“Run” Travis mouthed those words
“Im sorry Travis but you have to die!” Sigaw ni kuya Paxton at dahan-dahang iniangat ang baseball bat na nasa mga kamay niya. Hindi alam ni Kuya Paxton na nandito ako sa likuran niya.
Muling pinaghahampas ni Kuya Paxton si Travis gamit ang baseball bat.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil tuluyan akong binalot ng takot. Dahan-dahan akong napapikit.
Biglang bumalik sa akin ang alala-alala ng nakaraan. Ang mga ala-alang nalimutan ko, Masaya kami noon noong mga bata pa kami. Parati kaming inaalagaan ni kuya Paxton dahil siya ang higit na mas nakakatanda sa amin ni Travis pero ngayon. Anong nangyayari ngayon… Hindi na siya yung kapatid namin.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.
Napatingin ako sa sahig at bigla akong nakakita ng isang kutsilyo hindi kalayuan sa akin.
Pumasok ako kwartong kinaroroonan nila. Walang kaalam-alam si kuya Paxton na nasa likuran niya ako dahil abala siya sa pagpapahirap sa sarili naming kapatid.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang iniangat ang kutsilyo.
Mistulang narinig ako ni Kuya Paxton kayat bigla siyang humarap sa akin. Napapikit na lamang ako at kaagad siyang sinugod ng saksak sa kanyang sikmura.
*Tshkkk*
Narinig ko ang dahan-dahang garagal ng kanyang bibig dahil sa pagluwa niya ng dugo.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.
Magkaharap kami ni Kuya Paxton. Nakatusok parin sa kanyang simura ang kutsilyong hawak-hawak ko pa. Dahan-dahan siyang ngumiti sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman.
“K…kuya Paxton sorry” mahinang bulong ko habang humahagulgol.
Dahan-dahan kong binitawan ang kutsilyo kayat agad siyang bumagsak sa sahig.
Tuluyang nanlambot ang mga tuhod ko kayat pabagsak din akong napaupo sa sahig habang humahagulgol. Dahan-dahan kong tinakpan ang bibig ko gamit ang aking palad at nagpalabas ng sunod-sunod na hagulgol at hikbi habang pinagmamasdan ang Kuya kong namimilipit sa sakit.
“F…faith…” narinig kong mahinang bulong ni Travis. Gumapang siya papalapit sa akin at niyakap ako. Nanginginig parin si Travis at tuloy ang pagdurugo ng mga sugat niya ngunit gaya ko ay panay rin ang iyak niya.
Magkayakap kaming dalawa ni Travis habang nakaharap kay Kuya Paxton na ngayoy mistulang naghihingalo. Umiiyak kami sa bisig ng isat-isa. Alam kong gaya ko ay hindi rin matanggap ni Travis na ito ang kinahantungan ng pamilya namin.
Bigla kong naramdamang may humawak sa kanang kamay ko kayat dahan-dahan akong napatingin dito.
Mas lalo akong naiyak nang makitang pilit na hinahawakan ni Kuya ang mga palad ko kahit na hirap na hirap na siya sa paghinga.
Kumawala ako sa yakap ko kay Travis at dahan-dahang humarap kay kuya paxton. Ganun na rin si Travis.
“F..faith,” mahinang bulong ni Kuya Paxton habang mas dumadami pa ang lumalabas na dugo mula sa sugat niya. “F..Faith… I love you….Kuya loves you…Kuya loves both of you,” sabi nito at dahan-dahang napatingin kay Travis. “I did…,” bigla itong umiyak. “I did what I had to do to give justice to our parents….I never wanted to hurt you”
Mas lalo akong naiyak ng marinig ko yun.
Kung tutuusin, simula’t sapul yun naman talaga ang gusto ni Kuya, ang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa pamilya namin at sa iba pa kaso mali lang yung paraan niya. Mali yung paraan nila.
Masyado silang nabulag ng laro….
“Faith…Faith alam mo ba wala talaga akong balak na isali ka sa larong to.” Biglang umubo si kuya Paxton at muling lumabas ang napakaraming dugo sa bibig niya ngunit ngumiti lamang siya at binaliwala ito. “Alam mo ba…Noon pa lang hinanap na kita. Noon palang binabantayan na kita. Sa mga mahahalagang araw ng buhay mo, nandun ako. Tahimik lang kitang pinagmamasdan. Natutuwa ako dahil nakikita kong masaya ka sa buhay mo. Natutuwa ako dahil nakakalimutan mo ang nakaraan, Nakalimutan ko yung sakit. Kuntento na ako noon na makita kang masaya kayat hindi na ako nagpakilala. Naalala ko pa, Graduation day mo noon sa elementary. Imbes na matuwa ay umiyak ka sa araw na yun dahil ayaw mong magsuot ng dress.“
Gulat na gulat ako sa narinig.
N..noon pa lang? Noon palang binabantayan na pala niya ako?
“Masaya ako dahil normal yung buhay mo. Kaso mapagbiro ang tadhana. Binigyan niya ako ng deadline…Faith, hindi pwedeng manalo yung payaso. Hindi ko ginustong masali ka dito pero kailangan yun faith para sa mga magulang natin. Sa maniwala ka o hindi, hindi ko gustong madamay ka dito pero may mga bagay na kailangan talaga nating gawin” mahinang bulong niya kayat napahagulgol na lamang ako habang hinahagkan siya.
“K..kuya! K..kuya sorry!“ sigaw lang ako ng sigaw.
Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa dahil alam kong magkapatid kami. Alam kong mabait siya sa kabila ng mga nagawa niya.
“T…troy sorry…A…alagaan mo ang bu..bunso natin ha?” mahinang bulong ni Kuya habang nanginginig ang boses at unti-unting napapikit.
"Kuya" mahinang bulong ni Travis habang umiiyak at hinawakan na rin ang kamay nito. Nag-iiyakan kaming dalawa sa harapan ng kuya namin. Ni minsan hindi ko inakalang mangyayari to sa amin.
Niyakap ako ni Travis. "Its over.... its over now" mahinang bulong niya na para bang pinapakalma ako.
I never thought that in order to defeat the monster…I must become a monster first.
My brother was the monster all along.
I killed my own brother.
He loved me but I killed him.
That makes me a monster.
I have become a monster just like them….
- - - - - - - - - - - - - - - - -
"You'll be okay Travis...okay?" Mahinang bulong ko habang isinasakay siya sa ambulansya.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Baliw kuya na dapat na itawag mo sa akin. Di kita iiwan, magiging pamilya na ulit tayo okay?"
Dahan-dahan akong tumango sa kabila ng luha sa mga mata ko.
"Puntahan mo muna ang daddy mo. Kita nalang tayo sa hospital" mahinang bulong niya.
Napalingon ako sa paligid at agad na hinanap ang daddy ko. Nakita kong isinasakay nadin siya sa stretcher kayat dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya.
"Im sorry dad..im sorry" Paulit-ulit kong sinasabi sa daddy ko habang inilalabas siya mula sa building ng mga paramedics lulan ng isang stretcher.
"Its not your fault. None of this is your fault. Dont worry about me, Galos at bugbog lang tinamo ni daddy" sabi ni Daddy na para bang pinapakalma ako.
ngumiti na lamang ako ng pilit.
Hinalikan ko ang noo niya.
"Dad after this...After this lets leave" mahinang bulong ko.
"If thats what you want" daddy.
Tulong-tulong na iniangat ng mga paramedics ang stretcher ni Daddy papasok sa ambulansya. Sasakay narin sana ako ngunit pinigilan nila ako dahil bawal pa daw.
Aawayin sana ni Daddy yung mga paramedics upang makasakay ako ngunit tumango na lamang ako bilang tanda ng pagsunod.
“Susunod nalang po ako” sabi ko habang pinipilit ulit ang sarili kong ngumiti.
Tuluyang nakaalis ang mga ambulansyang lulan nila Kuya Travis at Daddy.
Ganun na din ang mga police cars na lulan ng iba pang mga mamamatay taong kasali sa grupo nila kuya. Mabuti nalang at mabilis na nakarating rito ang mga police kayat kahit papaanoy nahuli pa yung ibang mga knights na nirecruit nila kuya.
“So youre leaving?” narinig ko ang boses ni Peter kayat agad akong napalingon sa kanya.
“Hey im sorry for locking you in the rooftop” pag-iiba ko ng usapan.
Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin.
“How’s your head? Kailangang ma-check na yan ng doctor. You almost died there” saad ni Peter habang hinahawakan ang ulo ko.
Ngumiti ako ngunit kasabay nun ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Nagkatinginan kami ni Peter.
“You shouldn’t be concerned anymore pete” mahinang bulong ko.
“Anong shouldn’t be concerned? Eh kung naalog pala yang utak mo at nabaliw ka lalo. Tara na nga sa hospital” Saad niya at hinawakan ang kamay ko ngunit iwinakli ko na lamang ito.
Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya nang dahil sa ginawa ko.
“Hoy tigas ng ulo nito-----“ hindi siya natapos sa sinasabi niya dahil agad na rin akong nagsalita.
“You don’t deserve me Pete…” mahinang bulong ko.
[PLEASE PLAY THE SONG ON THE MULTIMEDIA BOX]
Nakita kong nakunot ang noo niya.
“Ano?“ tanong niya
Dahan-dahan akong napailing-iling.
“I think we shouldn’t see each other anymore” mahinang bulong ko.
“Epekto lang yan ng pagkakabagok mo. Ha-ha-ha” sabi ni Peter na tumatawa ngunit alam kong pagpapanggap lamang ito. Alam kong alam niyang seryoso ako sa sinasabi ko.
Bahagya akong napayuko.
“You know what I mean pete…..My brother and my friends ruined your lives. They made your lives a living hell…..Because of them, your friends are dead!”
“What does that have to do with us Mack?! You are not like them! So what if he’s your brother? So what if they were your friends? That doesn’t make you a murderer like them!” Peter
Iniangat ko ang mukha ko at tiningnan siya. “Sana nga ganun lang kadali yun Pete….Kaso hindi eh. Ang kasalanan nila ay kasalanan ko na rin. Hindi kakayanin ng konsensya ko pete, Hindi ko kakayaning maging masaya kasama mo knowing na ang pamilya ko ang mismong sumira ng buhay mo” Tumalikod ako mula sa kanya. Huminga ako ng malalim sa pagitan ng mga hikbi ko. Naglakad ako palayo sa kanya ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ako.
“Paano na tayo? Wag mo namang gawin sa akin to oh! Wala akong pakialam kahit anak ka pa ng demonyo. Mahal kita at yun na yun!” Bigla niyang sigaw.
humarap ulit ako sa kanya. “manyakis, mahal kita kaso kailangan kong gawin to. Para sayo at para sa sarili ko. I have to wake up from this nightmare.” maluha-luha kong saad.
“Alam ko ang selfish nitong sasabihin ko pero alam mo ba nang dahil sa kagaguhang ginawa ng kapatid mo sa amin ay may natutunan ako? Natutunan ko ang halaga ng buhay mack. Masama mang sabihin pero pakiramdam ko blessing in a very crazy disguise yung nangyari. Kung sakaling hindi yun nangyari baka gago parin ako hanggang ngayon!”
Lumapit na lamang ako sa kanya at dahan-dahang inabot ang mukha niya at hinalikan siya sa pisngi.
“Don’t go….Mack don’t go” Peter
“Sorry Peter…I love you but I just cant…” mahinang bulong ko.
“So this …this is goodbye huh? Nothing can change your mind” tanong ni Peter.
Mas lalo akong naluha nang makita kong may luha naring tumutulo mula sa mga mata ni Peter.
Iwinakli ko ang kamay ko mula sa kanya. “Ituring mo nalang sana akong isang panaginip. I hope that you'll find the right girl for you. Goodbye Peter” mahinang bulong ko at dali-daling naglakad palayo sa kanya.
Habang naglalakad ako ay nakita kong nakasilid na sa mga body bags ang mga bangkay nila kuya at ng iba pa. Napaiyak na lamang ako. Mackenzie tama tong gagawin mo. Kailangan mong makalimutan ang lahat…Kailangan mong lumayo. Kailangan mong makalimutan ang lahat ng sakit.
- - - - - - - - - - - - - - -
CALEB'S POV
Napabuntong hininga ako at dahan-dahang isinilid ang mga kamay ko sa aking bulsa.
Napangiti ako at dahan-dahang napailing-iling habang pinagmamasdan ko ang walang malay niyang katawan.
"Thanks for the show dad" mahinang bulong ko sa sarili ko at bahagyang napatingala. Seven years old ako nang pangakuan niya ako ng regalo kaso ngayon ko lang ito nakuha. Its worth the wait because seeing them destroy each other including themselves is priceless. You finally did something right as a clown dad...You made me happy. You gave me the best show...
Dahan-dahan akong naglakad papalapit kay Robbie.
Andami paring tubo ang nakakabit sa kanya. Makina nalang ang bumubuhay sa kanya pero kahit ganun buhay parin ang gago.
"Ang tanga niyong lahat...Walang laro. Ni minsan walang laro. Ginamit lang kayo sa palabas na inihanda niya para sa akin." Napabuntong hininga ako matapos akong bumungisngis. "tadhana nga naman...Buhay sina Mack at Peter sa kabila ng laro. Ibig sabihin kailangan mo nang mamatay dahil ako ang papalit sa pwesto mo."
Muli akong napangiti at nilapitan ang makina.
"Ako na ang bagong angel of death"
Pipindutin ko sana ito nang bigla na lamang akong makarinig ng pamilyar na boses.
"Pakyu Caleb Shin madami ka pang massacre na pagdadaanan para mangyari yan!"
Nanlaki ang mga mata ako.
Yung boses na yun... Buhay siya? a..akala ko ba...
Lumingon ako sa kinaroroonan niya ngunit bigla akong nakaramdam na may matulis na bagay ang tumama sa leeg ko.
"R...red" mahinang bulong ko ngunit kasabay nun ay ang paglabas ng napakaraming dugo sa leeg ko. Napaluhod ako nang dahil sa sakit. Tanging luha ang lumalabas mula sa mga mata ko. Pilit kong hinahawakan ang leeg ko upang pigilan ang pagdurugo ngunit balewala, Nahahawakan ko na ang dugo't laman ng bahagi ng leeg ko. Napakaraming dugo ang sumisirit mula dito. Hinahabol ko ang hininga ko ngunit alam kong balewala ito dahil unti-unti ng lumalabo ang paningin ko.
"You son of a fvcking psycho.....Magkita na kayo ng putangina mong tatay sa impyerno" Sabi sa akin ni Red na nanlilisik ang mga mata. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya. Dahan-dahan akong napa-smirk at agad na tumumba sa sahig.
- - - - - - - -- - - - - - - - --
THIRD PERSON'S POV
Habang nakasuot pa ng damit na pam-pasyente at hawak-hawak ang pole na may nakalagay na dextrose ay dahan-dahang humakbang si Red papalapit sa kinahihigaan ni Robbie. Hinang-hina parin nito dahil kakagamot pa lang ng saksak niya.
"Seryoso ilan bang tao ang gustong pumatay sayo?! Kahit comatose ka na andami paring nagtatangkang pumatay sayo! Tangina Robbie dapat may gwardiya ka dito sa kwarto mo! Pasalamat kat nandito ako gagu! Gumising ka na nga diyan! Tapos na ang lahat pero tulog ka parin! " Bulyaw ni Red na namumutla parin. "Langya Robs, bubuka tahi ko nang dahil sayo eh" mahinang bulong ni Red at hinawakan ang sugat na dulot ng pagsaksak sa kanya ni Chippy.
|Flashback|
Napangiti si Chippy nang tuluyan nang mawalan ng malay si Red.
Sinigurado ni Chippy na mababaw lamang ang pagkakasaksak niya kay Red upang wag muna itong mamatay dahil gusto pa niyang mas higit pa itong pahirapan. Matapos niya itong saksakin ay napagplanuhan niyang dalhin si Red papunta sa hideout ng anonymosities upang doon ito pahirapan at iparanas sa kanya ang impyerno.
Kinuha muna ni Chippy ang cellphone ni Red mula sa bulsa nito upang walang paraan si Red na makahingi ng tulong ngunit nang kunin niya yun ay biglang nalaglag sa sahig ang wallet ni Red.
Napatingin si Chippy sa nakabukas na wallet na nasa sahig at lubos itong nanghina nang makita ang litrato ni Lexi dito.
"K..keith" mahinang bulong ni Chippy at dahan-dahang pinulot ang wallet upang pagmasdan ang mukha ng matalik na kaibigan.
Pinunasan ni Chippy ang tumulong luha sa mga mata niya at saglit na napatingin kay Red. "Akin natong litratong to." mahinang bulong nito.
Kinuha niya ang litrato mula sa wallet ngunit bigla rin siyang nakakita dito ng isang kakaibang papel. Mistulang wala sa sariling binasa ito ni chippy.
"Kuya kailangan ko ang tulong mo. You have to end my suffering..You have to set me free... The only way to do that is to kill me...ayoko ng makasakit ng tao , pakiusap tulungan mo ako. Hindi ako magagalit sayo...Red kill me.. please kill me.."
I dont wanna hurt anyone...please kill me.. I love you kuya..."
Patuloy ang pag-agos nang luha ni Chippy nang mabasa niya ang sulat na ito. Mistulang nanlambot ang kanyang tuhod at paupo itong bumagsak sa sahig habang nakatingin sa kawalan.
"K...keith..." mahinang bulong ni Chippy na hindi matanggap ang kapalarang ginusto ng kaibigan. Napahagulgol ito habang hawak-hawak ang papel at inilapit ito sa kanyang dibdib.
dahan-dahan itong napatingin sa walang malay na si Red.
"You loved her...." mahinang bulong ni Chippy na mistulang nalilito.
Dahan-dahan itong tumayo at lumabas ng hospital kayat naiwan lamang si Red doon na walang malay habang duguan.
|END OF FLASHBACK|
Dahan-dahang napatingin si Red sa walang buhay na katawan ni Caleb. Mistula itong nakahinga ng maluwag.
"You and your dad. Youre the real monster who ruined our lives...." Mahinang bulong ni Red.
END OF REAL FINALE .
~~~~~~~~
Thank you so much for reading!
Yeah i had to change the finale to make way for the book 3.
Kayo na ang bahala kung saang ending ang gusto niyo. hahahaha.
Bagong characters na ang book 3. It will be some sort of Spin-off from the series. New Generation.
God Bless
Vote and Comment ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro