Real Epilogue
EPILOGUE :
5 years later.
Mackenzie’s POV
“Mommy Mommy!” Sigaw niya sa akin habang umiiyak.
Mula sa bench na kinauupuan ko ay agad akong tumayo at pinuntahan silang mga batang naglalaro sa playground. Nag-alala ako kayat agad ko silang nilapitan.
Lumuhod ako upang maging magkapatantay kami ng batang babae at agad na pinunasan ang luha niya. Sa totoo lang imbis na maawa ay natatawa ako sa batang to. Yung uhog niya kasi parang naglalandslide na dahil sa sobra niyang pag-iyak.
"Mommy Macky..huhuhuhuhu" iyak niya
“Pey-pey what’s wrong?” Tanong ko sa kanya habang nilalambing siya. Hinimas ko ang blonde niyang buhok at pinagmasdan ang asul niyang mga mata. Ang cute talaga ng batang to.
Kinusot-kusot niya ang mga mata niya. “Mommy! he’s a pervert!” Sigaw niya sabay turo sa batang lalake na tumatawa sa isang tabi.
Pervert…
.Muli akong napangiti nang marinig ko ang salitang yun. Biglang bumalik ang ala-ala ng nakaraan. Kamusta na kaya yung pervert na yun?
Iniisip parin kaya niya ako?
Kasi ako araw-araw ko parin siyang iniisip.
Mahal parin kaya niya ako?
“Mommy! Why are you smiling?! Huhuhuhuhu” Iyak ulit ni Pey-pey. Napabungisngis na lamang ako at tinapik ang ulo niya.
“Shh.. don’t cry baby, you look ugly when you cry.” Biro ko sa kanya upang tumigil siya sa pag-iyak ngunit hinampas lang niya ako dahil mas lalo siyang nainis. Tumawa na lamang ako.
“HAHAHAHAHA! Ugly! Pey-pey ugly name! ugly face! Hahaha” Sigaw nung batang manyakis na nakikinig pala sa usapan namin.
“Mommy!” sigaw ulit ni Pey-pey at mas lalong umiyak.
Napakamot na lamang ako ng ulo ko. Shet lang paano ba to patatahanin? Masyadong iyakin. huhuhu
“Hoy kahit kailan di ka talaga marunong mag-alaga ng bata!” Bigla akong narinig ng sigaw mula sa isang lalaki kayat agad akong napalingon.
Napangiti ako ng napakalapad nang makita ko siya.
“Daddy! Daddy!” Sigaw ng mga batang sabik na sabik at agad na sinugod upang yakapin si Kuya Travis. May dala rin kasi siyang mga pasalubong para sa mga bata.
Abala ang lahat ng bata sa pagsalubong kay Kuya Travis pero yung batang manyakis ay nakatayo parin sa isang tabi na mistulang napakalalim ng iniisip.
Lumapit ako sa kanya. Inayos ko ang pagkakausot niya ng baseball cap. “Hey What are you thinking kiddo?” tanong ko habang ngumingiti.
“Its weird mom… We call you mom and we call him dad. But he’s your brother! You cant have sex with your brother!” Asik niya
Nanlaki ang mga mata ko.
Tangina bata ba talaga to? Masyadong berde!
“Hey don’t be so green minded okay?” ako
“Ayaw mo nun? Eh yung si Peter mo nga napakaberde!” Singit ni Kuya at agad akong tinulungang tumayo.
“Theyre speaking alien language again! I hate ya’ll!” Sigaw nung batang manyakis at agad na tumakbo. Tumawa nalang kami ni Kuya. Oo nga pala, mga americans tong mga batang to, di nila naiintindihan ang tagalog.
Inakbayan ako ni Kuya habang pinagmamasdan namin ang mga batang kumakain ng dala ni Kuyang mga pagkain. Mistulang napakasaya nila. Wala kang makikitang kalungkutan sa mga mukha nila kahit lahat silay iniwan na ng kanilang mga magulang dito sa bahay-ampunang ipinatayo ko.
Napangiti ako, kung sana naging ganito kami kasaya noon ng mga kaibigan ko…Sana walang nagkasakitan…walang nagpatayan.
"Its been five years...How are you feeling?" tanong ni Kuya sa akin at hinalikan ang ulo ko.
Napaisip ako. Limang taon na rin ang lumipas matapos akong magpakalayo-layo. Limang taon na ang lumipas matapos ang mga nangyari.
"Better...Better i think?" mahinang bulong ko.
Isa na akong ganap na teacher ngayon. I chose to be a preschool teacher. Gusto kong matulungan ang mga bata lalong-lalo na yung mga walang pamilya. Nagpatayo ako ng isang bahay ampunan. Pakiramdam ko kasi kapag nakatulong ako ng mga bata, para ko na ring natulungan ang mga kaibigan ko. Ayokong magaya sa mga kaibigan ko ang batang to.
Pakiramdam ko nang dahil din dito, unti-unting nawawala ang sakit ng nakaraan.
yung mga mapapait na ala-ala ng nakaraan.
Itinuturing ko nalang silang panaginip...isang bangungot.
Nahanap ko yung sarili ko.
I chose to stay being Mackenzie...
Faith died... she died Along with those bad memories.
"These kids... I hope they wouldnt end up like us" mahinang saad ko.
"They wont. They never will." Paninigurado ni Kuya sa akin at ngumiti ng napakatamis. "Kaya mo ba pinangalanan ng pey-pey yung anak-anakan mo?" Kuya
Dahan-dahan akong tumango.
"I want to help peyton...i wasnt able to so now i just want to help another peyton" mahinang bulong ko. "Im crazy right?" dagdag ko pa at bahagyang napangiti.
"Matagal ko ng alam yan. How about Peter? kamusta na kayo?" Tanong ni Kuya na parang nanunukso.
Nakaramdam ako ng bahagyang lungkot.
Limang taon na ang lumipas...Ni minsan hindi ko siya nakita o nakausap man lang.
"Alam mo ba five years ago tinawag niya akong karibal. hahaha! Ang tangang manyak" Kuya
natawa ako. langya talaga si Peter.
"Tara na nga baka hinihintay na tayo ni Daddy" Sabi ni Kuya at agad akong hinila papunta sa sasakyan. Nakakatuwa, naging isa ulit kaming pamilya ni Kuya Travis. Wala man yung totoong mga magulang namin at si Kuya Paxton, Kahit papaanoy nagiging masaya parin kami.
Magkasundong-magkasundo si Kuya Travis at Daddy.
Parang totoong anak na nga ang turing ni Daddy sa kanya. May kakampi na rin si Daddy sa pangt-trip sa akin.
Nagda-drive si Kuya samantalang akoy nakatanaw lamang sa bintana.
Dinadama ko ang malamig na ihip ng hangin dito sa states.
"M...masaya kaya si Kuya?" i asked out of the blue.
Napatingin si kuya sa akin at nginitian ako. "He's happy because were happy." tipid niyang sagot. "Dont worry, he's in peace now" mahinang bulong niya.
Napapikit na lamang ako.
Mahal na mahal kita kuya Paxton....
Ilang minuto ang lumipas ay laking gulat ko nang matanaw na wala kami sa bahay. Nasa airport kami. Hala.
Napatingin ako kay Kuya. "A..anong meron?"
Nginitian niya ako ng nakakaloko. "Akala mo di ko alam?" bigla niyang kinuha ang isang envelope mula sa bulsa ng coat niya. Nanlaki ang mga mata ko, shit inimbitahan din ba siya ni Pula?! "Its time to go back mack. Were going on a trip" dagdag pa niya.
Halos kaladkarin ako ni Kuya papasok ng airport dahil sa totoo lang kinakabahan akong bumalik ulit sa pilipinas. Siguradong marami na ang nag-iba dun.
Turns out, handa na pala ang lahat. Loko-loko tong kapatid ko. Pinlano na pala ni Daddy ang pagbabalik ko sa pilipinas.
- - - - - - - - - - - - - - --
Biglang nagsalita ang stewardess hudyat na nasa pilipinas na ulit kami.
Limang taon na rin ang lumipas.
Mahal parin kaya niya ako gaya ng dati?
Magiging mabait parin kaya sila sa akin sa kabila ng ginawa ng kapatid ko sa kanila?
Sa totoo lang wala akong mukhang maihaharap sa kanila nang dahil sa mga nangyari noon.
"Hoy nag-land na. bumaba na tayo" saad ni Kuya.
Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahang hinawakan ang maleta ko.
"Kuya wag nalang kaya?" mahinang bulong ko.
"Adik mo mack nandito na tayo. Kailan ka pa naging duwag?" saad ni Kuya na para bang nanunukso.
Napabuntong hininga na lamang ako. "Duwag ako since birth, magaling lang ako sa salita" mahinang bulong ko.
- - - - - - - - - - - -
Nanlalamig ang mga kamay ko. Panay ang pagtanaw ko sa buong lugar mula sa bintana ng kotse.
"Kuya andaming nagbago dito" mahinang bulong ko.
"Oo but this place got better because were here" Taas noong pagmamayabang ni kuya Travis. Asus kung hindi lang siya nagd-drive baka nasapak ko na siya.
"Nga pala mack daan muna tayo sa mental" biglang saad ni Kuya kayat kaagad na tumaas ang kilay ko.
"Hoy anong mental?! ipapaadmit mo na ba ako dun?!" gulat kong tanong ngunit tinawanan lang niya ako.
Aish! siya yata kailangan kong ipa-admit dun eh.
Ilang oras ang nakalipas ay tumigil kami sa isang mental asylum. Napakalinis at napakalaki ng buong lugar. Napaka-aliwalas nito. Malayong-malayo ito sa inakala kong itsura ng isang mental hospital.
Pagpasok namin sa mismong building ay agad kaming nakakita ng mga taong natakasan na ng katinuan. Yung iba sa kanila nag-iiyakan at nagtatawanan kahit nag-iisa at may mga kasa-kasama silang mga nurse na nagmimitulang bantay sa kanila.
Dahan-dahan akong napahawak sa kamay ni Kuya.
"Kuya di mo naman talaga ako ipapa-admit dito diba?" tanong ko ngunit tumawa lang ulit si Kuya at biglang may itinuro kayat kaagad ko din naman itong sinundan ng tingin.
Unti-unting tumulo ang luha ko nang muli ko siyang nakita.
"Hoy baliw isang stick lang ng yum-yum ang kunin mo!" Bulyaw niya sa mga kasama niya dahil nanghihingi ito ng pagkain niya.
Nakakatuwa silang tingnan dahil nakaupo lamang sila sa isang mahabang sofa habang nanonood ng tv.
"Yung anak ko? nasaan ang anak ko?" biglang saad ng isa pang baliw na katabi niya sa sofa.
"Shhhh! Adik nito tumahimik ka nanonood pa ako ng tv! maghanap ka ng katol dun" bulyaw niya ulit kayat unti-unting kumurba ang ngiti sa mukha ko.
"HOY CHIPPY!" Sigaw ni Kuya Travis kayat agad siyang napatingin sa amin.
Napangiti si Chippy nang makita si Travis ngunit nawala ang ngiting yun nang magtama ang tingin namin sa isa't-isa. Gaya ko ay unti-unti ring namuo ang luha sa mata niya.
- - - - - - - - - - - - - - - - -
Hindi kami nagkikibuan. Magkatapat kaming nakaupo sa isang lamesa. Kami lang ang nandirito sa visiting area.
Nakatitig lamang ako sa kanya. Hindi ko inakalang masisilayan ko pa ang mukha niya, Yun kasi ang sinasabi sa akin ni Kuya Travis noon, Na wala na siya.
Pinagmamasdan ko ng maigi ang mukha niya. Mas lalo siyang tumangkad. Itim na itim na ang buhok niya, wala na itong highlights gaya nung highschool pa kami. Sa limang taon na lumipas, baby face parin ang bunso ng barkada.
"Mack..." maluha-luhang saad niya at dahan-dahang hinawakan ang kamay ko.
Agad kong inilayo ang kamay ko sa kanya kayat napayuko na lamang siya. Nakita kong pumatak ang butil ng luha niya sa mesa.
Hindi ko alam pero hindi parin ako komportable sa kanya, Matapos ng mga nangyari noon isang demonyo narin ang tingin ko sa kanya. Biglang bumalik sa akin ang sakit ng nakaraan. Kung paano nila ako niloko.
Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha niya at tiningnan ako sa mga mata. Ngumiti siya ngunit gaya ko ay patuloy rin ang paglabas ng luha mula sa kanyang mga mata.
"Its been five years. Mas lalo kang gumanda. hehe" chippy
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Bahagya akong napayuko upang umiwas ng tingin.
"Thanks chip." mautal-utal kong saad.
"Langya tong si Travis sabi ko sa kanya wag niya munang sabihing buhay ako gusto ko kasi munang ayusin yung buhay ko bago tayo magkita ulit " Chippy
Napalunok ako. Mas lalong nanlalamig ang kamay ko. "K..kamusta ka na chip?"
"Sa totoo lang, i feel better mack" Sabi niya at bahagyang tumawa. "They made me choose where to go since im still a minor. I chose to be here dahil masaya kasama ang mga baliw. Alam mo ba kenzie, ang saya-saya dito. Kahapon nga nakipaghabulan ako sa mga pilay! hahahaha" Kwento niya habang tumatawa't-lumuluha.
Napatingin ako sa kanya.
"Mack mapapatawad mo pa ba ako kung sakaling magbago ako? Gusto kong magbago...Gusto kong gumaya sa inyo ni Lexi" Mahinang bulong niya.
Kitang-kita ko ang sinseredad sa mukha niya kayat dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya.
"Pinili kong sumuko sa mga pulis five years ago. Ikaw nalang yung natitira kong kaibigan. Kenzie magiging magkaibigan ba ulit tayo pag tuluyan kong maayos tong buhay ko?" tanong niya
Dahan-dahan akong tumango.
Hindi ko na mapigilan ang kusang pag-tulo ng luha ko. "Please...Please change....." mahinang bulong ko.
"Mack sa totoo lang, wala akong nararamdamang pagsisisi sa mga pinatay ko. Gusto kong magsisi pero wala talaga akong maramdaman kundi saya. Siguro nga demonyo talaga ako. Pero ang tanging pagsisisi ko lang ay yung hinayaan kong masira yung pagkakaibigan natin..."
Hinawakan ko ang isa pa niyang kamay.
"Pag dumating yung araw na tuluyan ka ng nagbago, nandito ako para maging kaibigan mo. Susubukan nating ibalik yung dati okay?" paninigurado ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang tumango.
"Pagkatapos bibisitahin natin ang puntod ni Keith?.." Chippy.
Tumango rin ako at agad siyang niyakap.
- - - - - - - - - - - - -
THIRD PERSON'S POV
Nang makaalis sina Mack at Travis ay biglang may dumating na isa pang bisita para kay Chippy.
"Kuya Kessler!" Bati ni Chippy dito sabay kaway
"Oh bakit parang ang saya mo yata?" tanong ni Kessler at agad na inilatag sa mesa ang mga pagkaing binili bilang regalo kay Chippy sa kanyang pagbisita.
"Binisita ako ni Kenzie. Nagkita ulit kami matapos ng limang taon. hehehe" Masiglang pagk-kwento ni Chippy
"Talaga? Aish, ayokong magpakita sa magkapatid na yun baka sigawan na naman ako. Masakit sa heart!" Pagmamaktol ni Kessler
"Arte mo kuya. Eh ako nga eh sinaksak kita noon pero heto ka ngayon, Nagsisilbing pamilya sa akin." Chippy
"Sinaksak mo nga ako pero atleast ikaw naman yung tumawag sa mga pulis noon. Nang dahil sayo naisugod agad ako sa hospital at natapos ang gulong yun. Tangina chip wag kang mag-drama kumain ka na nga para tumaba ka naman!" Bulyaw ni Kessler
Tumawa na lamang si Chippy at agad na kumain ng cherry tomatoes na dala ni Kessler.
"Kuya si Finn nga pala? Nahanap mo na ba siya?" Tanong ni Chippy na mistulang naga-alala.
Napailing-iling si Kessler. "Wag kang mag-alala, Finn wont hurt mack or anyone from the game...I know him. Malamang may iba yung pinagtutuunan ng pansin. Alam mo naman yun. Wag kang mag-alala hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya. O siya kain lang diyan!" Paninigurado ni kessler kayat nagtawanan na lamang ang dalawa.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Masayang nagk-kwentuhan ang dalawang babae sa isang coffee shop.
Bigla silang nilapitan ng waiter.
"Miss pinabibigay po sa inyo nung isa pong customer. Secret admirer niyo daw po" Sabi ng waiter at agad na iniabot ang isang envelope.
Agad nawala ang ngiti ng babae nang makita niya ito. Agad siyang napalingon sa paligid na mistualang natatakot. Dahan-dahan niyang pinagmasdan ang loob ng envelope.
Agad niyang nabitawan ang mga ito nang makitang ang nasa loob nito ay kanyang mga litrato. Mga stolen photos niya ito sa ibat-ibang araw. Takot na takot ang babae.
Nakangiti si Finn habang pinagmamasdan ang reaksyon ng babae mula sa di kalayuang mesa. Napabuntong hininga ito. "Hayy..ang saya talaga magkaroon ng lovelife" mahinang bulong nito sa sarili.
- - - - - - - - - - - - - -
MACKENZIE'S POV
"Mackenzie sa wakas nandito ka na. Magbihis ka na. haha" Bati sa akin ni Lizzy at agad na inabot sa akin ang dress.
"Naman lizzy eh! Kailangan ba talaga akong sumali sa entourage?" Reklamo ko.
"Hoy babae kailangan kang sumali. Weve talked about this months ago. Bridesmaid kita kayat magbihis ka na!" Utos naman sa akin ni Natalie habang tumatawa.
Nga pala, Sa loob ng limang taon naging kaibigan ko ang dalawang to, sila yung mga parati kong nakakausap. Ang bait rin nila eh at pare-pareho kaming may topak.
"Congrats pala Nate... You and Red are meant for each other" Pagbati ko.
"Thanks! alam niyo ba last week muntikan pa kaming mag-away ni Red." Kwento ni Natalie habang nilalagyan siya ng make-up.
"Bakit naman?" tanong ni Lizzy
"Nagtatalo kasi kami kung ano ang ipapangalan sa magiging anak namin. Gusto ko kasi Clark ang magiging pangalan siya naman gusto niya damon. Ayoko ng damon parang demonyo. Siya naman ayaw ng clark dahil pangalan daw yan ng character ni Superman. Tsss" Kwento ni Nate kayat agad kaming nagtawanan.
"Guys... Uhm...A-attend din ba si ano?.. si..." mautal-utal kong saad. Kanina ko pa to gustong itanong. nagtaka kasi ako dahil wala yung pangalan niya sa invitation card.
"Si Peter?!" Sabay naman na pagtatapos ni Lizzy at Nate sa sinabi ko na mistulang nanunukso.
Napabuntong hininga na lamang ako. Wala ng urungan to... Bahala na si Batman.
"Mack peter is still peter..." makahulugang saad ni Natalie at bahagyang tinapik ang likod ko.
- - - -- - - - - -
Nang makarating na kami sa simbahan ay agad na kaming pumwesto sa pintuan ng simbahan kung saan magsisimula ang entourage.
Napaka-awkward dahil wala akong ibang kilala dito pero mabuti nalang at nandito si Lizzy kahit papaanoy may kakwentuhan ako. Si Nate naman nagpapaka-fashionably late dahil siya ang bride.
Bigla kong naalala si Kuya kayat agad ko siyang hinanap sa aking paningin. Pa-extend extend pa ako ng leeg ko dahil di ko makita ang nasa unahan.
"Mackenzie Faith Lee you are under arrest for stealing my heart and Hiding away for Five years."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na yun. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"You are hereby sentenced to life imprisonment….with me” dagdag pa niya
Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko tapos yung kamay ko naman ay nanlalamig na. Mackenzie kalma lang. inhale...exhale.....
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang humarap sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumiti nang makita ko siya.
“Alam mo bang ang korni korni korni korni korni mo?” Pang-aasar ko sa kanya.
Alam mo bang miss na miss na miss na miss na miss na miss na kita infinity squared?" Tanong naman niya pabalik na may napakalapad na ngiti" Hoy impakta Miss mo ako no? Kiss naman diyan!"
"Sha..Shabu pa!" Bulyaw ko kayat agad na nawala ang ngiti sa mukha niya at naningkit ang mga mata niya.
"Its been five years" Peter
"Five years..." mahinang bulong ko at bahagyang tumango. pinipilit kong pigilan ang luha ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin para sabihing miss na miss ko siya.
bahagyang nakunot ang noo ko at binigyan
"Limang taon kang hindi nagpakita at nagparamdam at ang masaklap si Nate at Lizzy lang yung kinakausap mo?!" Bulyaw niya na parang isang batang nagta-tantrums.
"Pati ako kinausap rin niya. mehehehehehehe!" Biglang singit naman ni Robbie sa usapan namin.
Oo nga pala, 1 month lang after pag-alis namin papuntang states ay nagising na daw si Sir Robbie. Base sa mga nababalitaan ko, Isa na daw siyang isang ganap na detective. Yun nga lang, Medyo nagiging maloko narin sa mga babae. Siguro, nang dahil narin sa sakit na dulot sa kanya ng ginawa sa kanya ni Sidney ay nawalan na siya ng tiwala sa pag-ibig kaya ngayon kung sino-sino nalang daw yung nilalandi niya. Sayang.
"Tumahimik ka tanda!" Sigaw naman ni Peter na inis na inis
"Coach Robbie!" Bati ko sa kanya.
"Hey! Just call me robbie…Wag mo na akong tawaging coach" Bati naman ni Robbie sabay saludo at wink. Langya ang cute talaga ni Sir.
"Hoy Matandang malandi wag mong landiin si Mackenzie ko!" Sigaw naman ni Peter at agad na tumayo sa harapan ko sabay takip sa akin mula kay Robbie gamit ang mga braso niya.
“Anong matanda?! Hoy Peter Tristan P. Vincento. Gusto mo bang sabihin ko kay Mack kung ano ang ibig sabihin ng P sa middle initial mo?!” Bulyaw ni Sir Robbie na ngumingiti ng nakakaloko.
Kitang-kita kong napalunok si Peter at mistulang kinabahan sa sinabi ni Sir. Este detective Robbie.
Teka ano pala yung meaning ng middle initial niya?
"Master umalis ka nga dito! kita mong nagmo-moment kami dito ni Mackenzie ko eh!" Bulyaw ni Peter
Tumawa na lamang si Robbie at agad na isinilid sa kanyang bulsa ang dalawang kamay. "Perberto. mehehehehehe" Saad nito at dali-daling tumakbo kayat agad din siyang hinabol ni Peter na inis na inis.
Perberto? MALAPIT SA PERVERT! HAHAHAHAHAHAHAHA
"Humanda ka sa akin tanda!"muling sigaw ni Peter.
Naiwan akong nakatayo lang dito habang tawa ng tawa.
Laking gulat ko nang bigla kong maramdamang may umakbay sa akin "Aish...yung mga gagong yun, pati sa simbahan andami paring kalokohan."
Agad akong napangiti nang makita ko siya. "Red! Long time no see!" Bati ko sa kanya.
"Kami dapat ang magsabi sayo niyan. Kina Natalie nagagawa mong magpakita pero sa amin hindi? tsk tsk" pabirong saad ni Red na nagtatampu-tampuhan.
"N..nahihiya ako sa inyo Red...My brother ruined your lives you know that right?" seryosong saad ko.
"Your brother is also a victim mack... Were all victims here. Thats the truth. We all became puppets in that clown's fvcked up show" Red
Ewan ko ba pero bahagya akong nakahinga ng maluwag nang marinig ko yun.
"Thanks Red...." mahinang bulong ko.
"Its been five years. Ibaon na natin sa limot ang nakaraan. Pero kung may kakalimutan kaman, wag si manyakis. Dahil alam mo, yang ulol na yan hindi siya nawalan ng pag-asang babalik ka. Antagal kang hinintay niyan." Biglang saad ni Red at agad na itinuro si Peter na ngayoy tuluyang nang nahabol si Robbie at kasalukuyang nagwre-wrestling ng pabiro.
Biglang nawala ang lahat ng kaba at takot ko nang dahil sa sinabi ni Red. Bigla itong napalitan ng saya. Mahal parin pala niya ako......
Biglang bumalik sa kinatatayuan namin si Peter at Robbie na hingal na hingal.
"Hoy redentor na mukhang labrador wag mong akbayan si Mackenzie ko!" Pagmamaktol naman ni Peter kayat agad na itinaas ni Red ang kanyang mga kamay bilang tanda ng pagsuko habang tumatawa.
"Mauna na ako sa inyo. In 15 minutes magsisimula na ang ceremony" Saad ni Red na mistulang napakasaya.
"Yun oh! Congrats pre!" Bati ni Peter sabay palapak ngunit bigla siyang napatingin sa akin. "Wag kang malungkot mack! Tayo naman ang ikakasal next month!" Sabi ni Peter at agad akong inakbayan sabay wink.
Natawa na lamang ako. Punyemas kinikilig ako gagu.
"Tsss. Get a room" Cold na saad ni Robbie ng paisnab.
"BITTER!" sabay-sabay naming sigaw habang tumatawa.
"Matanong nga kayo, Anong mas magandang pangalan clark o damon? Noon pa kasi namin yan pinagtatalunan ni Natalie eh. Kung babae may plano na kami sa lalaki lang talaga kami nalilito." Problemadong saad ni Red.
Adik talaga tong lalaking to, di pa nga buntis si Nate pinoproblema na agad nila ang pangalan.
"Edi gumawa kayo ng dalawang bata! Pangalanan niyong Damon at Clark! Problem solved!" Robbie
"Ang cool nung pangalang damon dahil pag kami ni Mackenzie ko nagka-anak papangalanan namin siyang Yohan. Para pag makakatuluyan sila, DAMONYO. nyahahahahahaha!" Biglang saad ni Peter habang tumatawa kayat agad ko siyang binatukan.
"Baliw" mahinang bulong ko.
"Uyy kinikilig na yan! kinikilig na yan!" Panunukso ni Peter kayat hindi ko naiwasang matawa.
"Basta pag ako nagka-anak papangalanan ko siyang Chase" Robbie
"Chase? bakit chase?" Takang tanong ko
"Simple lang habulin ng mga babae! Pogi ang lahi eh!" Taas noong saad ni Robbie
-_-
"Pati psycho hinahabol ka" Red
"Tatawa na ba ako?" Robbie
"Yes tumawa kayo dahil kasal ko ngayon. pagbigyan niyo nalang ako" Red
Tumawa na lamang kami nang dahil sa kakornihan.
"Ay teka Robbie bakit ka nakapila dito sa groomsmen? dapat nasa likod ka" Seryosong saad ni Peter.
Agad nakunot ang noo ni Robbie. "Anong sa likod?" mahinang bulong ni nito.
"Dun ka sa mga ninong. Teka di mo ba nabasa yung invitation? Ninong ka sa kasal ko" Red
Nanlaki ang mga mata ni Robbie at saglit kaming nabalot ng di komportableng katahimikan.
"Ninong ako?...Bakit mo ako ginawang ninong?!" Sigaw ni Robbie na mistulang gorillang galit na galit.
"Lolo ang puso mo! ingatan ang puso! hahahahaha" Pang-aasar ni Peter.
"Fvck you guys.. i hate you" mahinang bulong ni Robbie at agad pumila sa linya ng mga matatandang ninong at ninang.
tawa lang kami ng tawa.
"Nga pala Peter, kayo ni Mack ang magkakabit sa amin nito mamaya. mehehehehehehe" Sabi ni Red at agad na inabot kay Peter ang isang lubid. para itong nang-aasar.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Peter.
"Mehehehehe Hi Peter! mehehehe" tumawa si Red na mistulang demonyo habang naglalakad palayo sa amin.
Bakit anong meron sa lubid?
"gago" mahinang bulong ni Peter.
- - - - - - - - - - - - - - - -- -
Nagsimula kaming maglakad sa gitna ng simbahan kasabay ng awit at tunog ng kampana. Lahat kami nakangiti.
Nakakatuwang tingnan na pagkatapos ng lahat, heto kami at masaya.
Sana nandito si Keith para makita niya ang isa sa pinaka-masasayang araw ng buhay ni Red. After what happened to them, Red deserves this. He deserves to be happy.
"Pangiti-ngiti ka diyan, Wag ka na kasing umalis ulit para tayo naman ang susunod na ikakasal" mahinang bulong ni Peter at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Napangiti ako at dahan-dahang napailing-iling. "Sorry for leaving five years ago.." tugon ko
"Dont worry... Ang hirap ng pinagdaanan mo noon. You needed the space. At least ngayon forever na kitang makakasama. hihihihi" Peter
Pakiramdam koy namumula na ang pisngi ko at lalong lumalapad ang ngiti ko. Langya tong si Peter, siya lang talaga ang nagpapasaya sa akin ng ganito.
"Hindi maganda yung una at huling pagkikita natin five years ago. Mind if we start over?" Pilyong saad niya kayat napangiti na lamang ako sabay iling ng ulo ko.
"Hi Im Peter Tristan Vincento and Im not a pervert" Mahinang bulong niya.
"Hey Im Mackenzie Faith Lee at hindi ako isang akyat-bahay" Tugon ko rin habang tumatawa.
"Mackenzie... Ikaw na kapatid ng killer. Lets get married" Seryosong saad niya.
Teka alam ko yung linyang yun ah!
Agad ko siyang binatukan. Wala akong pakialam kahit naglalakad man kami sa aisle ng simbahan.
"Aray! huhuhuhu. brutal mo talaga!" Bulyaw niya ngunit bigla siyang napangiti. "I missed that" mahinang bulong niya at muling hinawakan ang kamay ko.
- - - - - - - -- - - - - - -
ROBBIE'S POV
Langya talaga tong sina Mackenzie at Peter, kahit na nagsisimula na ang ceremony nagkukulitan parin. Nakakamiss ding makitang ganyan kasaya si Manyakis.
Hayyy.. Mabuti pa sila may matinong lovelife.
Panay ang pagkuha ng mga tao ng litrato sa mga kasali sa wedding entourage. Ang masaklap ginawa akong ninong ng mga nyeta! sa gwapo kong to ninong?! Oh heck no! I am the hottest bachelor in the philippines!
Nauna kaming umupo dahil nasa unahan kami ng prusisyon. Andami pang naglalakad sa gitna ng simbahan kayat napalingon mula ako sa paligid upang pagmasdana ng mukha ng mga tao.
Biglang nakuha ng atensyon ko ang isang babaeng naglalakad papunta sa kinauupuan namin. Ang hot niya tingnan lalong-lalo na sa suot niyang dress! Huwaaaaw! So hot!
"Hey" bigla niyang bati sa akin at nginitian ako ng napakatamis.
Tiningnan ko lamang siya habang naka-pokerface.
"uhh hi?" mahinang bulong ko.
"Can i sit beside you?" malambing niyang saad at agad na tiningnan.
Wow.. ganitong-ganito nagsisimula yung sa mga cheesy romance movies eh. Magkakilala si babae at si lalake. magkakaligawan, maglalandian. Darating ang pagsubok at sa huli magkakatuluyan parin. Di kaya ito na yung matagal ko ng hinihintay na lovelife?
Muli ko siyang tiningnan. Nginitian ko siya ng napakalapad.
"No" tipid kong saad at agad na umupo ng maayos.
Tsss... Lovelife? baka mapahamak na naman ako wag nalang! Nakatadhana na yata akong maging single. Pero kahit walang lovelife at least buhay ako at napaka napaka napaka napaka napaka gwapo ko.
"Tsss. yabang" narinig kong reklamo nung babae at dali-daling lumayo sa akin.
Napangiti na lamang ako.
Four massacres and im still alive....Alive and hotter than ever.
Noong bata pa ako labis akong natatakot sa multo.
Noong highschool ako nalaman kong mas dapat katakutan ang buhay kesa patay.
Ang tao ang higit na mas dapat katakutan.
Hindi kasi lahat ng nakikita natin ay totoo. May mga mapagpanggap at nagbabalat-kayo.
Ang mga masasamang tao nasa paligid lang yan..........
END OF FEAR THY PACT
(C) SERIALCHODING
ALL RIGHTS RESERVED 2013
- - - - - -- - - - - - - - - -
Author's Note : WALA na po sila sa book three. May hint po dito kung ano ang maaaring mangyari sa book three. But I just want to clarify that the story of book three will revolve around NEW CHARACTERS. of course may cameo appearance ang characters ng FTP at OSP pero yung characters iba na. New generation na kasi :)
Thank you so much sa lahat ng mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa.
Thanks dahil kahit andaming kapalpakan ay pinagtyagaan niyo parin.
God bless <3
VOTE AND COMMENT...follow nalang din. hahahaha XD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro