Home Invasion
Author's Note:
Guys! Ang special na ito ay Panaginip/flashback lang ni Mack habang wala siyang malay. Baka maguluhan kayo pero ganito naman talaga ang panaginip, nakakalito. bwahahah XD
- - - - -- - -
MACKENZIE'S POV
Agad akong nagising nang marinig ko ang napakalakas na pagkulog at pagkidlat. Natatakot ako sa tunog na iyon kayat napayakap nalang ako sa teady bear ko. Ilang sandali pa ay tumayo ako at dahan-dahang dumungaw sa bintana. Gabing-gabi na, napakadilim at talagang napakalakas ng ulan sa labas. Teka nasa school ako kanina diba? Anyare? Nasaan ako?
Nagulat ako nang mapansin ko ang repleksyon ko sa salamin. Teka bakit ako bumata? Shit naman, ang cute ko talaga!
Muling kumidlat kayat napatili ako at agad na yumuko sa sahig. Hindi ko alam pero basta-basta nalang na tumutulo ang luha sa mga mata ko at nanginginig na ang kamay ko. Parang wala akong kontrol sa sariling katawan ko. "Mama..Papa" mahinang bulong ko. Pati sarili kong bibig wala din akong kontrol. Ganito nga naman talaga siguro ang panaginip. Nothing makes sense.
Bigla akong nakarinig ng sigawan. Parang may nag-aaway?. "Nag-aaway na naman siguro sina Mama at Papa" mahinang bulong ko. Napatingin ako sa paligid, Malaki ang kwartong kinaroroonan ko pero mag-isa lang ako.
Nagulat ako nang biglang may kumagat at humila sa teady bear na hawak ko. Pagtingin ko isa palang malaking aso. Agad akong napayakap sa kanya, Napangiti ako dahil ang bango ng balahibo niya at para siyang isang unan. "Happy lets sleep na please" bulong ko.
Biglang tumakbo ang asong tinawag kong Happy kayat agad ko siyang sinundan. Napakadalim ng paligid kayat nagdadalawang isip ako sa bawat dinadaanan ko. Kasabay ng tunog ng pagbagsak ng ulan ay ang mas malalakas na sigawan ng mga nasa bahay. Palakas nang palakas ang mga boses nila kayat kahit papaanoy naririnig ko na ang mga sinasabi nila.
"MMMMMM!" impit akong napasigaw nang bigla nalamang may humila sa akin papasok ng isang madilim na kwarto. Hindi magkamayaw ang pagdagundong ng puso ko dahil sa kaba. Takot na takot ako.
"Shhh! Faith ako to si kuya! Shhhhh!" mahinang bulong niya kayat tumango ako kayat dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya. Agad niya akong niyakap at tinakpan ang tenga ko. "Dont listen to anything okay?" mahinang bulong niya at bigla siyang napasinghot na para bang umiiyak "Faith Just listen to my voice okay?" bulong niya ulit kayat tumango nalang ako. Naririnig ko parin yung mga malalakas na sigawan kayat yumakap nalang ako sa kanya.
*Blag blag blag*
bigla kaming nakarinig ng mga malalakas na yapak. Nagkatinginan kami ni Kuya nang maramdamang papunta ito sa kwartong kinaroroonan namin.
"Faith listen, Were gonna play hide and seek okay? Hide and dont come out until I say so. Kung makikita ka niya, magiging taya ka Forever. Ayaw mo namang maging taya diba?" mahinang bulong niya sa akin "When I say run, you run as fast as you can and dont stop okay?" dagdag niya pa kayat muli akong tumango.
Ipinatago ako ni Kuya sa loob ng aparador at sinabihan akong wag na wag mag-iingay. Mula sa siwang ng aparador ay nakita kong nagtago naman si Kuya sa ilalim ng kama niya.
Nanginginig parin ako sa takot at kaba. Napakadilim ng pinagtataguan ko at napakainit ng hanging nalalanghap ko. Naramdaman kong tumulo ang luha ko nang bahagyang bumukas ang pintuan.
Kitang-kita kong may isang taong pumasok. Kahit na madilim ay naaninag kong may dala siyang isang kutsilyo dahil kumikislap-kislap ito. Biglang Kumidlat kayat pansamantalang lumiwanag ang kwarto at Kitang-kita kong may dugong tumutulo mula sa kutsilyo. Ngunit ang mas kinatakot ko ay nang mapagtanto kong nakasuot ng costume na clown ang taong pumasok. May suot siyang kulay red na wig at napakakapal ng make-up sa mukha niya. Gustong-gusto kong sumigaw ngunit tinatakpan ko lang ang bibig ko.
"Mga bata! Nasaan na kayo? hehehe" Sigaw niya na para bang tuwang-tuwang nakikipagtaguan sa amin.
"Alam kong nandito kaaaaaa! BULAGA!" masigla niyang sabi at bigla na lamang dumapa sa sahig at humarap sa kinaroroonan ni Kuya.
"AAAAAAAAAAAAHHH!" rinig na rinig kong napasigaw si Kuya sa takot samantalang tumawa lang yung lalake. Kitang-kita kong Kinaladkad niya ang kuya ko paalis sa ilalim ng kama. Gustong-gusto kong sumigaw at tulungan siya kaso para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"TULONG! TULONG!" Sigaw ng sigaw si Kuya nang bigla na lamang kaming makarinig ng napakalakas na ungol ni happy. Nakalabas ang mga pangil nito at agad na inatake ang clown. Ngunit tanging kamay lang ng clown ang nasakmal ni Happy at agad siya nitong nasaksak.
"Happy" mahinang bulong ko nang marinig kong umiyak ang aso ko nang dahil sa sakit at agad siyang natumba sa sahig.
"HAPPY!" Sigaw ni Kuya habang umiiyak. Napangiwi naman ang Clown at agad na hinawakan ang kanyang kamay na nagdurugo parin dahil sa kagat ni Happy. "Ang sama mo! Pinatay mo si Happy!" sigaw ni Kuya at dali-daling sinipa ang pribadong parte ng clown. Agad siyang napasigaw at napahiga sa sahig.
"FAITH TAKBO!" Malakas na sigaw ni Kuya kayat dali-dali akong lumabas sa cabinet at Hawak-kamay kaming tumakbo ni Kuya palabas ng kwarto habang umiiyak.
"MAMA! PAPA! TULONG!" sigaw kami ng sigaw ni Kuya.
Bumaba kami sa mataas na hagdanan at dali-daling nagtungo sa front door. Naabot ni Kuya ng doorknob at agad niya itong pinihit. Ngunit hindi niya ito tuluyang mabuksan dahil may lock pa pala sa itaas na bahagi ng pintuan at hindi namin ito maabot. Pilit kaming tumatalon ni Kuya upang abutin ang lock ngunit di namin kaya. Masyado itong mataas.
Hindi ko maiwasang mapahagulgol habang tumatalon dahil takot na takot parin ako.
"AAAAHH! KUYA! AHHHH!" Napasigaw ako nang bigla nalang may humila sa leeg ko.
"FAITH!" sigaw ng sigaw si Kuya habang takot na takot. Lalapit sana si Kuya nang bigla nalang akong tinutukan ng kutsilyo sa ulo ko.
"Lumapit ka bata kung gusto mong katayin ko na parang baboy tong kapatid mo!" masigla niyang sigaw habang tumatawa kayat tili lang ako ng tili at halos maihi na ako sa takot.
"Please wag mo siyang sasaktan! Gagawin ko ang gusto mo! Please wag mo siyang sasaktan parang awa mo na!" Pagmamakaawa ni Kuya habang humahagulgol.
"Madali akong kausap bata. Ngayon buksan mo ang ilaw" clown
Agad sinunod ni Kuya ang sinabi ng clown at agad niyang binuksan ang lamparang nasa gilid niya. At lubos kaming natakot nang maaninag namin ang sala.
"MAMA! PAPA!" Sigaw namin ni Kuya nang makita namin sila sa sahig. Nakatali ang paa't kamay nilang dalawa at duguan sila. Hindi gumagalaw si Papa samantalang si Mama naman ay nagpupumiglas sa tali niya at gusto niyang sumigaw pero may masking tape ang bibig niya.
"MAMA!" hagulgol ni Kuya. Lalapitan niya sana si Mama ngunit bigla siyang hinarang ng clown.
"OOOPS! Alalahanin, nasa akin ang kapatid mo!" paalala nito at muling itinutok sa akin ang kutsilyo.
"NAPAKASAMA MO! DEMONYO KA! DEMONYO KA!" sigaw ng sigaw si Kuya ngunit tumawa lang ang clown habang hawak parin ang leeg ko.
"Ngayon maging mabait na bata kayo at magpaalam na sa mga magulang ninyo" mahinang bulong ng clown.
- - - - - - - - - -- - - - -
Hindi ko alam ang nangyayari pero parang nagpapatay sindi ang paningin ko. Nagpapabago-bago ang kinaroroonan ko.
Bigla akong nagising na nasa isa akong napakadilim na lugar.
"Kuya" mahinang bulong ko at agad na sinubukang tumayo. Amoy na amoy ko ang masangsang na amoy ng patay na daga kayat agad kong tinakpan ang bibig ko. "Kuya" mahinang bulong ko ulit at agad na naglakad.
Umabot ako sa isang rehas at dun ko napagtanto na para akong nasa isang maliit na kulungang gawa ng alambre. Pilit ko itong kinakalampag habang humahagulgol. Ayoko dito, Napakadilim at Napakabaho. Takot na takot ako. Gusto ko ng umuwi. Mama, Papa nasaan na kayo?
"Gusto ko ng umuwi! Mama! Papa!" Iyak ko
"Shhh! Bata wag kang maingay!" Pabulong na sigaw ng batang babaeng kasama ko rin sa loob ng kulungan. Gaya ko ay napakadungis na niya. Ngayon ko lang napansin na hindi pala ako nag-iisa sa kulungang to, madami pala kami.
"N..nasaan ang kuya ko?" mahinang bulong ko habang tumutulo parin ang luha ko.
Nginitian lamang ako ng bata at inabot sa akin ang kamay niya. "Babalik ang kuya mo dali yakap ka din sa amin para hindi ka na matakot" mahinang bulong niya. Hindi ko alam pero umupo din ako sa tabi ng bata at yumakap sa kanya.
"Alam niyo ba sabi ng kuya unggoy ko nakakawala daw ng takot ang yakap" mahinang bulong ulit ng batang babae ngunit halatang-halata paring umiiyak na siya at nanginginig din sa takot gaya ko.
END OF SPECIAL CHAPTER.
- - - - - -- - - -
Author's Note:
Short update lang muna, ito lang kasi ang kinaya. BWAHAHAHAHA XD
Nga pala, May Aso po sina Mack na happy din ang pangalan noong bata pa sila. Parang naging dejavu yun kay Mack kayat pinangalanan din niyang happy yung asong bigay sa kanya ni Kessler.
THANKS FOR READING.
VOTE and COMMENT ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro