Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fear 4 : Days Gone By

Dedicated to : Deputycrazy , yeti maraming salamat sa pagtuturo sa akin ng photoshop. Pasensya na kung slow ako. hahaha . Pero maraming salamat sa pagiging tutor mo. Sinayang mo talaga yung oras mo sa akin. HAHAHA Mwaah :**




- - - - - -  -

LUCIFER'S POV

pagkauwi ko ng bahay ay dali-dali kong pinaandar ang tv.

gaya ng inaasahan ko , Nasa news na ang nangyari. Hindi ko maiwasang mapangiti. Umaayon ang lahat sa plano namin.


madaming nadamay pero ganyan ang buhay...

malas lang nila dahil pumasok sila sa eskwelahang pinasukan namin.




♫ Wonder Pets! Wonder Pets! Ano ang kailangan?....Magtulungan!♫

Paxton Calling..

Narinig kong tumutunog yung cellphone kayat kaagad ko itong sinagot... 


"Hey!" bati ko

"Good mood ka ngayon ah?. Nga pala I have a favor to ask" King


napangiti ako

"Naman king! Nagsisimula na eh! malakas ka sa akin king! ano ba yun?"

kahit na anong gusto niya gagawin ko dahil napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. 

"Good. I want you to abort the mission" seryosong sabi ni king

otomatikong napakunot ang noo ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Wag mong sabihing lumalambot na si King? paano na yung --------

"Hoy wag OA , what I mean is postpone muna" king

nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya pero postpone? Bwisit naman eh! excited na ako!



"King bakit naman? excited na akong gamitin si Lucy eh!" 


Narinig kong tumawa si King sa kabilang linya.


"Bishops not here yet...If he's here then were on the go. Pasensya na kung biglaan" king


Napabuntong hininga nalang ako "Okay...basta king sabihan mo ako agad ha! "


"No worries , all we need is bishop" king

 Napangiti ako.. postponed atleast hindi cancelled :)

- - - -- - - - - --- - - -

MACKENZIE'S POV

FOUR MONTHS LATER

"Mack ikaw ng titira" Eroll

tumayo na ako at kinuha ang cue stick na nasa tabi ko. Isinandal ko ang katawan ko sa pool table at saglit na pumikit upang mag-concentrate. Nang maging kalma na ako ay kagad ko nang itinira ang cue stick sa bola.

Narinig ko ang tunog ng pagtama ng mga bola sa isa't-isa kayat napangiti ako. Isa lang ang tumama pero atleast hindi scratch. "Mack bwisit ka bakit ang galing mong mag-billiard?!" napasinghal sina Topher kayat napangiti nalang ako.

"Wag niyo na kasing hamunin yan! Magaling yan eh! di pa kayo nasanay" Peyton

Ngumiti nalang ako at kaagad na hinanap si Chippy. Hanggang ngayon alam kong nagluluksa parin siya sa mga nangyari lalong-lalo na sa pagkawala ng daddy niya.

Nakita kong nag-iisa lang siyang nakaupo sa sulok kayat kaagad ko siyang tinabihan. 

"Uy bawal tayong uminom!" sabi ko at pabiro siyang siniko .

Ngumiti lang ito ngunit alam kong napipilitan lang siya. Iniangat niya ang basong iniinom niya. Akala ko beer yun pala gatas.



"ayaw ni daddy na uminom ako kayat gatas nalang" chippy. Nakaramdam ako ng awa nang makitang namumuo na ang butil ng luha sa kanyang mga mata. 

hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

puro mura lang at kalokohan ang lumalabas sa bibig ko kayat tumahimik nalang ako.

"Kenzie thanks" mahinang bulong nito kayat kaagad akong napalingon sa kanya. "Nag-effort ka pa talagang lapitan ako at kamustahin. Yan tuloy dinadaya ka na ng mga gago" sabi nito at kaagad na tinuro ang pool table.

Kaagad nakunot ang noo ko ng makitang ginagalaw nila topher at eroll yung bola gamit ang kanilang mga kamay habang tumatawa. "Gago! bwisit andaya ng mga kutong lupa!" napasigaw nalang ako.


narinig kong tumawa si Chippy kayat agad humupa ang inis ko. Sa loob ng apat na buwan ay minsan ko nalang siyang nakikitang tumawa. Sa aming lahat si Chippy ang pinakanahihirapan. Nawalan na nga siya ng ibang mga kaibigan , nawalan din siya ng ama. Sana magising na si Finn para naman gumaan-gaan ang loob niya.

"i'll be okay I....I just need some time... Time heals everything right? Di niyo din naman ako iiwan kagaya nila diba?" Chippy

Ngumiti ako at kaagad na isinandal ang ulo ko sa kanya."Yup you can count on us Collins and dont worry magigising din yung si finn" paninigurado ko sa kanya.

"Sheeesh! Mackenzie naman! Wag mo nga akong tawagin niyan!! " Pagmamaktol ng bunso namin.


"O sige fine! Chippy ! ang arte mo! pasagasaan kita ng pison diyan! " biro ko sa kanya at kaagad na ginulo ang buhok niya.

Its been four months. Madami ang mga namatay na mga estudyante at mga guro. Napakadami. apektado kaming lahat at kasali na dun ang pag-aaral namin. Nasira ang takbo ng school kayat napilitan kaming lahat na tumigil. On the bright side apat na buwan kaming hindi stressed out dahil walang pasok. On the dark side , Magsisimula na ang make-up classes namin bukas. Summer na kami mag-aaral.

Walang lumipat dahil napakahirap para sa aming mga graduating students na magsimula ulit lalong lalo nat nasa second semester na.

napatingin ako sa relo ko. 

Hala malapit na pala ang curfew ko tapos pupunta pa ako sa dog pound para kunin ang aso ko.

"Chip mauna na nga pala ako, patay ako kay baboy ramo"

tumawa si Chippy at kaagad na tumango kayat dali-dali akong tumakbo para magpaalam sa iba.

"Petonya! Topacio! Erolling in the deep! Una na ako babyeeee!" malakas kong sigaw kayat agad nila akong sinamaan ng tingin. 

"Hoy madam korni hindi ka magpapahatid?" Peyton

umiling nalang ako at agad na umalis.

- - - -- - - - --

*AW AW AW*

"Oo na di ako bingi! naririnig kita!" Sigaw ko dun sa mga asong atat na atat ng kumain. Sa apat na buwan ay pinapili ako ni daddy na magiging hobby ko. Nagalit siya nang malamang sa bilyaran ako tumatambay kayat pina-volunteer niya ako dito sa dogpound. 

Hindi naman ako umangal dahil gusto ko naman ang mga aso. Pareho kasi kami , Hindi mangangagat kung hindi mo guguluhin. Pero kung trip ko , ako mismo ang manggugulo. Isa pa nagsawa nadin ako dun sa taekwando at kung ano-anong self defense class na naiisipan ni daddy na pasukan ko. Why not volunteer for a change. Kahit na mataas tong sungay ko matino parin naman ako.

"Mack almost 10pm na uwi ka na" paalala niya sa akin kayat ngumiti nalang ako.

"Okay pero Kuya Kessler!  yung aso nga pala na aampunin ko?" tanong ko sa kanya at kaagad na ngumiti. excited na akong magkaroon ng aso dahil sabi ni kuya kessler masaya daw dahil magkakaroon ka ng instant bestfriend at guardian. 

"Oo nga pala inihanda ko na siya. May ipapangalan ka na ba?" tanong niya

Ngumiti ako at kaagad na inabot sa kanya ang dog collar na pina-customize ko pa para special , may pangalan niya. "HAPPY!" sigaw ko

bigla siyang tumawa. Anong masama kung happy ang ipapangalan ko sa aso ko? "Hoy kuya kessler gusto mo ng tadyak?" banta ko sa kanya.

Kaagad siyang tumahimik at tinapik ang ulo ko. "Happy it is. Pero bakit happy?" tanong niya.

"Trip ko eh! Pake mo?!" Sigaw ko. Tumango siya at kaagad na nagtungo sa opisina niya. Kukunin na yata niya ang aso ko.

ilang minuto ang lumipas at kaagad siyang lumabas na may dala-dalang isang Askal na brown, hindi ito malaki hindi din ito maliit. Parang tutang nagsisimulang lumaki pa lang. Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko. Akala ko bulldog o pug , mas gusto ko yung ganung breed eh.

"Ooops! Bago umangal , hear me out " Sabi ni Kuya kessler at kaagad akong pinaupo.

Hinimas-himas niya ang ulo ng aso. Yung aso naman nagugustuhan yata ang ginagawa sa kanya ni Kuya kayat todo wagayway ang buntot niya. "Mack alam mo kawawa tong mga askal, iilan lang ang may gusto sa kanila dahil marami ang nagsasabing galisin sila at walang kwenta. Kawawa sila Mack dahil parati lang silang inaabuso at Ginagawang puluntan ng mga tao dito sa pilipinas." saglit siyang tumahimik at paglaruan ang tenga ng aso "Pero mack wala yun sa breed. Nasa pag-aalaga mo yun. Once a dog treats you as its master , it will forever be your guardian , it will be your protector. Yung mga galis nawawala yan kapag aalagaan mo sila ng maayos pero may mga aso talagang may sakit sa balat kayat mack wag mo sanang susukuan tong asong to. Alam kong mabait ka mack , this dog deserves an owner like you." dagdag niya at kaagad na ngumiti ng malapad.

may point din naman si Kuya Kessler. Ngumiti nalang ako at kaagad na inilahad sa kanila ang mga kamay ko "kuya naman eh! Binobola mo na naman ako niyan eh! Pero sige akin na ang aso ko!" sigaw ko.

ngumiti naman si Kuya at kaagad akong tinulungan sa pagsu-suot ng colar kay Happy.

"Nga pala mag-ingat ka pala sa mga ipinapakain mo sa kanila. May mga kemikal kasi na nakakapag-wild sa kanila. Kung maaari siguraduhin mong ikaw mismo ang magpapakain sa kanila para safe. " saad nito.

"Sino naman ang gagong magpapakain sa kanila ng kemikal?! hahahaa" biro ko sa kanya. Shunga din pala tong si Kuya , napaka-praning.

"Arkin" mahina niyang bulong niya.

"Ha? sinong arkin?" tanong ko

"Wala" sabi niya sabay ngiti habang umiiling. anong meron?



"Nga pala mack saan mo balak mag-college?"  kessler

"I dont know yet pero gusto ni daddy nursing" sagot ko

"Mack maganda sa U.S dun ka nalang" kessler

ngumiti ako "Yun nga din ang gusto ko , Kaso ayokong iwan ang mga kaibigan ko"

biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Kessler.

Natatae siguro..



"Mack wag mo silang isipin. Isipin mo ang sarili mo. Mas makabubuti sayo kung umalis ka na" seryoso niyang sabi


is it just me or nagiging weird na din si Kuya?


"I'll think about it. Sige kuya uuwi na ako , kailangan ko na din kasing ihanda ang sarili ko para sa pagsisimula ng summer class namin. Alam mo na , wala kaming pasok ng apat na buwan kayat babawi muna kami sa grades. Bye!" akmang lalabas na ako nang biglang nagsalita si Kuya.

"Mack be safe okay? You can always trust me. If you need help alam mo namang matatakbuhan mo ako." Sabi niya at agad ginulo ang buhok ko. "Hatid na kita?" tanong niya

umiling nalang ako "di na magta-taxi lang ako, may gagawin ka pa dito."sabi ko kayat tumango nalang siya.

"Tara na happy uwi na tayooooo!" bulong ko sa bago kong aso. 

- - - - - --- - 

Pagdating ko sa bahay lock ang gate , wala ding bukas na ilaw.

ibig sabihin umalis si Daddy. Siguro may duty pa si daddy , mabuti naman dahil hindi na niya ako pagagalitan dahil ginabi ako. bwahahhaha

Napatingin ako sa kutong lupang karga-karga ko. Ang cute , mahimbing ang tulog niya. Kaso di ko makuha ang susi kapag karga ko parin siya.

dahan-dahan ko siyang ibinaba sa semento para makuha ko ang susi sa bag ko. Nagulat ako nang mapansing wala ang keychain ko sa bag ko. 

SHIT! NAIWAN KO SA KWARTO KANINA ANG SUSI KO T_T

Napatingin ako sa pader at gate namin. Mataas yung pader na nakapalibot pero yung gate Hindi masyadong mataas. Asus kaya ko naman tong akyatin ang gate. Chicken lang!


ibinaba ko ang lahat ng mga gamit ko sa tabi ni happy. Sinuot ko muna ang hoodie ng jacket ko dahil baka sumabit ang buhok ko. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumalon-talon hanggang sa maabot ko ang isang parte ng grills ng gate namin. Humawak ako ng mabuti at dahan-dahang iniangat ang katawan ko.

Shit mukha siguro akong unggoy sa ginagawa ko , sana walang makakita sa akin!

*AW AW AW*

 biglang nagising si Happy at tinahulan ako

"shit tumahimik ka muna haps!". Gago di na niya ako nakilala. Malamang , madilim na din naman kasi ang paligid.

Malapit ko na sanang maiangat ang buong katawan ko sa gate nang bigla akong makarinig ng may sumigaw.

"AKYAAAAT BAHAAAAAY!!!!"

kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Shit may akyat bahay! malas! baka nakawin ang aso ko , gawin pang pulutan!

Nagulat ako nang bigla kong naramdaman na may humawak sa bewang ko.

"AKYAT BAHAY HUMANDA KA SA AKIN!" gulat na gulat ako dahil sumisigaw ng ganun ang lalaki habang pilit niya akong hinahatak palayo sa gate na inaakyatan ko.

Pilit akong hinahatak ng lalaki pababa ng pader kayat sigaw lang ako ng sigaw. Ayokong bumitaw sa pader dahil baka gahasain ako ng mamang to. "WAAAAA! BITAWAN MO AKO! TULONG! TULONG! MAY BALIW MAY BALIW! TULONG! " sigaw lang din ako ng sigaw.

"AKYAT BAHAY KA! BITAW! HUMANDA KA SA AKIN! " sigaw parin ng sigaw ang lalaki. Laking gulat ko nang biglang umakyat ang hawak ng lalake sa hinaharap ko. Hawak niya yung hinaharap ko habang pilit niya akong hinahatak pababa ng pader 

SHIT! MANYAKIS! 

kaagad akong napatili ng napakalakas "SHIT MANYAK! TULONG! TULONG RAPE! RAPE!" sigaw lang ako ng sigaw samantalang si Happy naman ay tahol din ng tahol.

"Hala babae ka?!" sigaw niya

"OBVIOUS BA?! Get your hands off my chest!" napasigaw ako at kaagad siyang sinipa sa mukha napangiti ako dahil napahiga siya sa lakas ng sipa ko. Ngunit nang dahil din dun ay nawalan ako ng balanse at tuluyan akong nalaglag at napahiga sa tabi niya.

*PRRTTT*

nakahinga ako ng maluwag ng makarinig ako ng pagpito. Sa wakas nandito na yung guards dito sa subdivision!

Napakasakit ng likod ko dahil sa pagkakalaglag ngunit pinilit kong gumapang palayo sa manyakis nayun. "TULUNGAN NIYO AKO! MANYAKIS! RAPI------"

natigil ako sa pagsigaw nang biglang hinila nung lalake ang paa ko. "AKYAT BAHAY TO! WAG KAYONG MANIWALA! " sigaw ng lalaki.

"AH PAKYU GAGO KA MANYAK!" sigaw ko ulit at pinagsisipa siya. "GUAAAARD! TULONG!"

"HAPPY ATTACK!" sigaw ko kay happy ngunit nakatingin lang siya sa akin na parang natutuwa sa sitwasyon ko , Shit! akala ko ba poprotektahan mo ako?!



kaagad tumakbo ang mga guards sa amin at ipinaglayo kami sa isat-isa. Nakahinga ako ng maluwag. Shit kinabahan talaga ako dun! muntik na yun.



"Guard dakpin niyo nga yan! ipakain niyo sa buwaya! manyakis! bwisit!" sigaw ako ng sigaw habang pinipilit ang sarili kong kumalma. Hinahawakan naman ako ng guards sa braso ko.

 "AKYAT BAHAY!" sigaw niya

"MANYAKIS!"

"AKYAT BAHAY!" sigaw ulit niya

"MANYAKIS!"



"Hala guard! wag kayong maniwala diyan! Kababaeng tao akyat bahay! balak nakawan yung bahay!" Sigaw niya at kaagad na tinuro ang bahay KO

napasinghal nalang ako sa narinig. Yung ibang guards naman nagtawanan. 

Tinanggal ko ang hood sa ulo ko at tinaasan ng kilay ang manyakis.

"Akyat bahay oo pero bahay ko yan eh! Naiwan ang susi ko gago! " Napasigaw ako

nanlaki ang mga mata ng lalaki. 

Pahiya men! Tsk.tsk.

"Uhm sir pasensya na po pero taga dito po talaga tong batang to." Sabi ng guard nginitian ang manyakis.

"Ma'am Makinsi bago lang po kasi yan dito pagpasensyahan mo nalang" sabi nung isang guard.

"Guard hinipuan ako ng gagong yan eh! " sumigaw ako at kaagad ko siyang tinuro.

napasinghal yung manyak "Asa ka pa! Malay ko bang babae ka! At saka wag kang asumming Flat-chested ka wala akong mahihipo sayo! ma di-disappoint lang ang mangma-manyak sayo!" sigaw niya at kaagad akong nginitian ng nakakaloko

Naikuyom ko nalang ang kamao ko. Sus kung wala lang CCTV dito sa subdivision namin , napatay ko na tong lalaking to!

"Anong flat-chested?! Gago ka?!" napasigaw ako at kaagad siyang sinugod ngunit nahawakan ng mga guards ang braso ka?

"Sige nga! pakita mo?!" sigaw niya pabalik habang nandun parin yung ngiti niyang nakakaloko

Napapikit nalang ako at huminga ng malalim. Shit! First time yata tong napikon ako. Gustong-gusto kong apak-apakan ang lecheng mukha ng lalaking to. Shit makakapatay na ako! Lord patawarin mo ako sa magagawa ko sa gagong to...

"Mam makinsi kalma lang po, lagot po kayo sa daddy niyo pag lumala to" paalala sa akin ng isang guard kayat napatili nalang ako sa inis.

biglang napailing-iling yung manyakis at lumapit sa akin.

yabang kung hindi lang ako natatakot kay daddy pinatay ko nato.



"Okay to make things easy. Im sorry if I accidentally groped your chest. It was an honest  mistake. But hey you have to apologize too. Muntik mo ng madamage ang mukha ko." manyakis

Napasinghal nalang ako.

Ngumiti nalang ako.

"Yeah... And im sorry too....sorry dahil tinangka kong sirain ang matagal mo ng sirang mukha! Pakyu gago! " kaagad akong napasigaw.

[ PLAY THE SONG ON THE MULTIMEDIA BOX ]

kaagad nawala ang ngiti sa mukha nung lalaki.

Yeah boy! nakaganti sa wakas. bwahahaha

Biglang napasinghal yung lalaki. Tumalikod na siya at kaagad na naglakad palayo sa amin. Ngunit bago pa siya nakalayo ay kaagad na akong nagsalita.



"Teka anong pangalan mo?" tanong ko.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin.

"why wanna date me?" tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko

sarkastiko din akong ngumiti.

"Nope! Gusto ko lang malaman ang pangalan mo para next time bubugbugin na kita kung magkikita tayo" mahinahon kong sabi.

Napasinghal siya at muling ngumiti.

 inilagay nito ang kanyang mga kamay sa bulsa.

"PETER" .... tipid na sagot nito at muling naglakad papalayo 

END OF CHAPTER FOUR

And yes SUPERMANYAK  is back. theme song niya yung kanta sa multimedia box XD

It wouldnt be a sequel without them :))

Bago niyo ako tadtarin ng reklamo, Ang sabi ko sa nakaraang FAQS.  POSIBILIDAD LANG. kahit gaano pa yan kalaki , posibilidad parin yun. maaring mangyari o hindi mangyari :)

Hindi ko masisigurado ang life span ng manyak na yun dahil mawawala ang thrill ng story. Ang masasabi ko lang Kapit lang *wink* alam niyo namang troll ako. hahahaha XDD

Si Kessler mylabs ang nasa multimedia box. Asawa ko yan <333 walang aangal !

THANKS FOR READING :)

VOTE and COMMENT  :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro