Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fear 30 : Devil's Advocate (Part 2)

THIRD PERSON'S POV

Napaupo si Paxton sa harapan ni Detective Lee at dahan-dahang inilabas ang isang kutsilyo mulsa sa bulsa ng jacket na suot nito.

Ngumiti si Paxton at tiningnan sa mga mata ang taong umaruga sa kanyang bunsong kapatid.

"Gusto ko lang po talagang magpasalamat sa inyo." Mahinang bulong ni Paxton at bahagyang napayuko. "Sa kabila ng lahat ng gulo, maraming salamat sa pagmamahal at pag-aalalagang binigay mo kay Faith. Malaki ang utang na loob ko sayo.......Kaso di yun sapat para buhayin kita. Alam kong wala akong karapatang sabihin to pero patawarin mo ako sa maaring magawa ko sayo" 

Nanlaki ang mga mata ni Det. Lee hindi nito alam kung ano ang sasabihin dahil sa kabila ng galit na nadarama niya ay bahagya rin siyang nakakaramdam ng awa dahil nakikita niya ang sinseredad sa mukha ni Paxton.

“Our Biological family is rich. I can provide all the things that my sister would need. May mga kaibigan siyang parating aalalay sa kanya. Wala kang dapat ipag-alala. Aaalagaan namin siya.” Paninigurado ni Paxton.

“B..bakit? bakit niyo ginagawa sa amin to?” detective lee

“Hindi magiging queen sa laro si Faith kung nandiyan kayo na parating nagpapaalalang siya si Mackenzie.” Paxton

If you kill me, maipapangako mo ba sa aking hindi mo sasaktan ang anak ko? Na aalagaan mo siya at mamahalin gaya ng ginawa ko sa loob ng sampung taon?” mahinang bulong ng detective lee na nakatingin sa kawalan.

Dahan-dahang tumango si Paxton kayat dahan-dahan ring napapikit si Detective Lee na mistulang tinatanggap na ang hatol na kamatayan.

Nanginginig ang mga kamay ni Paxton nang bahagya niyang itinutok ang kutsilyo sa dibdib ng walang kalaban-labang detective.

 

“Kuya!”

Kasabay ng sigaw na narinig ni Paxton ay ang tunog isang baril na ikinasa. Dahan-dahan siyang napalingon at bahagya siyang nagulat nang makita si Travis sa likuran niya. Maluha-luha itong itinututok ang isang baril sa kanya.

“Troy” mahinang bulong ni Paxton at ngumiti na lamang

“Layuan mo siya kung ayaw mong barilin kita!” Sigaw ni Travis na nanginginig ang mga kamay habang nakahawak sa baril. Sa kaloon-looban ni Travis ay mahal parin niya ang kapatid kayat labis itong nahihirapan sa kanyang ginagawa.

Dahan-dahang tumango si Paxton kayat bahagyang nakunot ang noo ni Travis nang dahil sa pagtataka.

*Blag*

Agad bumulagta sa sahig si Travis at nawalan ng malay.

“Sorry travis” mahinang bulong ni Chippy matapos niyang hampasin ang ulo nito gamit ang isang normal na baseball bat.

----------------------

KESSLER’S POV

Mabilis at mabigat ang naging hakbang ko papunta sa kinaroroonan niya. Hindi kami magkasundo ni Light, Pero may kung anong nag-uudyok sa akin na puntahan siya.

Nang makarating ako sa mismong kwarto ay agad kong nakita ng malapitan ang kalunos-lunos na paghihirap niya. Napatakip na lamang ako ng aking bibig gamit ang nakakuyom kong kamay.

Dahan-dahan akong lumapit sa mahabang table kung saan nakahiga si Hailey. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa bawat gilid ng kanyang kinahihigaan. Gising ito at umiiyak.

“L…light” Hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan niya sa kabila ng masama niyang ugali.

“K…ke..kessler” mahinang bulong niya habang hinahabol ang hininga niya. Namimilipit siya sa sakit. Kitang-kita ko ang lubos na hirap na kanyang nararamdaman kayat unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

Mistulang binalatan ang dalawang braso ni Hailey. Kitang-kita ko ang duguang laman at halos lumabas narin ang buto niya. Tinanggalan narin siya ng kuko sa lahat ng daliri niya kayat panay ang pagtulo ng dugo mula rito. Napakarami ding hiwa ng kanyang hita at paa at mistula na itong mapuputol. Nilalangaw na ang kanyang mga sugat kayat mas lalong dumaragdag ang hapdi dito.

Napatingala ako at nakita ko ang malaking salaming nakakabit sa kisame na nakaharap kay Hailey. Alam kong sinadya nilang lagyan ito ng salamin upang makita ni Hailey ang kalunos-lunos na sinapit ni Hailey. Sinadya nilang wag munang patayin si Hailey upang mas lalo itong mahirapan sa kanyang mga sugat.

Muli akong humakbang papalapit kay Hailey.

Gustong-gusto ko siyang tulungan kahit alam ko ang rason kung bakit siya nandito. Alam ko ang rason kung bakit siya pinahihirapan ni King.

“H..help me” mahinang bulong ni Hailey habang lumuluha.

Agad akong umiwas ng tingin at bahagyang nakayuko.

“K…kessler please help me…please” pagmamakaawa niya ulit.

Muli akong humakbang papalapit sa kanya at dahan-dahan kong kinuha ang kutsilyong nakatago sa gilid ng paa ko. Alam kong ito lang ang paraan para mailigtas siya. Kamatayan na lamang ang magtatapos sa lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad ko na siyang sinaksak sa kanyang dibdib.

“Sorry “ mahinang bulong ko.

Unti-unting bumagal ang paghinga ni Hailey. Lumugwak ang napakaraming dugo mula sa dibdib niya. Unti-unting kumurba ang munting ngiti sa labi niya hanggang sa tuluyang na siyang tumigil sa paghinga samantalang ang mga niyay dilat na dilat pa.

“You. Son. Of A. Bitch…” sarkastikong saad ni Chippy habang pumapalakpak ng mabagal. “Ive always known that you’d betray us. Ang tanga mo lang kuya kessler dahil binuhay mo paako” dagdag pa niya.

“Chippy pagod na ako! Pagod na pagod na ako sa ginagawa natin! Tigilan na natin to!” Sigaw ko habang unti-unting tumutulo ang luha sa mga mata ko.

“Tigilan?! Nakalimutan mo na ba yung ginawa ng payasong yun sa atin?! Hindi siya pwedeng manalo sa laro niya! Kailangan tayong makagawa ng perpektong krimen! Sa loob ng sampung taon ito yung ginusto nating mangyari! Nakahanda pa nga tayong magbayad ng malaking halaga ng pera para lang maraming sumali! Kessler sinasayang mo ang lahat ng pinaghirapan natin!” Chippy

Nakakainis lang kung iisipin ng mabuti. Isinali kami ng payasong yun sa laro niya. Sa kagustuhan ng mga kaibigan kong manalo sila sa larong yun, gumawa rin sila ng sarili nilang laro ng kamatayan. Nandamay sila ng mga kabataang gumawa ng maling desisyon sa buhay, Naging pawn ang mga kabataang yun sa laro, at ang mga kaibigan ko ang nagsilbing kalaban.

“Cant you see it Chippy?! Sa ginagawa nating to mas lalo lang nanalo ang payasong yun! Simula’t-sapul ito yung gusto niya diba? Ang manakit at maghasik ng kasamaan! Ipinagpapatuloy natin ang ginagawa niya! Binilog lang niya yung ulo natin para gawin yung gusto niya! Instead of a chess game Were becoming puppets!” Giit ko.

Pero pakiramdam ko may hindi tamang nangyayari….

 

Pakiramdam ko may mali…

 

May mali sa laro ng payaso…..

Dahan-dahan akong napalingon sa walang buhay na katawan ni Hailey.

“What the hell have you done to her?” ako

Pinandilatan niya ako ng mga mata. “What the hell have I done? Ako dapat ang magtanong sayo niyan! Bakit mo siya pinatay?! Dapat siyang maghirap! Dapat niyang pagbayaran ang ginawa niya kay Kenzie at Happy!”

Bahagya akong tumawa. “Ang ginawa niya kay Kenzie at Happy? Wow lang chippy! Ang galing mo ding umacting na walang kasalanan no!” Sarkastiko kong sigaw

Agad nakunot ang noo ni Chippy. Mistula siyang natakot sa sinabi ko.

Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanya.

“Alam kong alam mong ikaw ang may kasalanan kung bakit muntikan siyang mapahamak.” Ako

Dali-daling napailing-iling si Chippy at bahagyang napayuko sabay takip ng tenga niya. Mistula na siyang naluluha. He’s starting to crack. Alam kong ito ang kahinaan niya. Alam kong ito lang ang paraan para matalo ko siya.

 

“Chippy kahit na anong gawin mong pagtanggi, alam mo sa sarili mong ikaw ang may kasalanan kung bakit muntikan ng mapahamak si Mackenzie!” Muli kong sigaw

“Hindi” mahinang bulong ni Chippy at tuluyan na siyang napahagulgol habang patuloy paring tinatakpan ang tenga niya. “Hi..hindi ko yun sinasadya! Hindi ko alam na maririnig siya ni Hailey! Hindi ko yun kasalanan! Si zeke yung dapat mapagbibintangan. Hindi…hindi ko yun kasalanan! Hindi ko ginustong mangyari yun!” Sigaw ulit ni Chippy habang umiiyak.

 

Kahit papaanoy ituring ko na ring parang kapatid si Chippy kayat nakakaramdam ako ng awa para sa kanya.

Huminga ako ng malalim.

 

“ Chip Nasaan si Red?...Anong ginawa mo sa kanya?”

 

Dahan-dahang iniangat ni Chippy ang mukha niya at napatingin sa kawalan.

“Chippy anong ginawan mo kay Red?!” Sigaw ko

Unti-unting kumurba ang isang ngiti sa mukha ni Chippy kasabay ang pagtulo ng luha sa mata niya. “I killed him…He got what he deserved for killing Keith, I mean Lexi”

Tuluyan akong nanlamig sa narinig.

“B…bakit?” mahinang bulong ko.

 

“Bakit?! Dahil pinatay niya si Lexi! Wala siyang karapatang gawin yun kay ate Lexi ko!” Sigaw ni Chippy na lumuluha parin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nang dahil sa galit ay agad akong lumapit kay Chippy sabay higit ng kwelyo niya gamit ang dalawa kong kamay “Wala kang alam sa mga nangyari noon chippy! Kung mahal mo si Lexi, Mas higit pa dun si Red! Hindi mo alam ang nangyari! Napagod si Lexi! Gaya ko napagod siya sa mga ginagawa natin! Mas ginusto niyang mamatay kaysa mabuhay bilang mamatay tao!!”

Hindi sumasagot si Chippy, nakayuko lamang siya at hindi halos makatingin ng deretso.

“Bakit kayo nang-iiwan?..Kayo ni Mack at Keith…Paano niyo nagagawang mang-iwan? ” Tanong ni Chippy na mistulang nanghihina.

“Dahil wala tong patutunguhan. Lahat tayo nagkakasakitan! Walang saysay ang buhay kung parati tayong nananakit! May oras pa tayo para magbagong buhay! Hindi pa huli ang lahat!” ako

“Tinalikuran niyo kami” mahinang bulong ni Chippy.

“Hindi na kami masaya! Ikaw masaya ka bang nakikita si Mack na umiiyak? Masaya ka bang nakikitang nasasaktan siya dahil sa mga kasinungalingan natin? ” ako

Bigla akong nakaramdam ng bahagyang kirot sa sikmura ko kayat dahan-dahan akong napayuko. Nanginig ng bahagya ang labi ko nang makita kong nakatusok pa sa akin ang kutsilyong hawak ni Chippy. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin pero kahit ganun ay naririnig kong umiiyak siya.

“Start a new life chippy… p-please change” mahinang bulong ko habang unti-unti na akong tinatakasan ng kamalayan.

------------------------

 

 

PETER’S POV

Iyak parin ng iyak si Mack.

Alam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil napagdaanan ko na ito noon. Tinakpan ko na lamang ang mga mata niya upang hindi na niya makita ang bangkay ni Peyton.

Hinawakan ko ang earphone ko upang makausap sina Kessler ngunit laking pagtataka ko dahil hindi ko na naririnig ang mga boses nila.

“Kessler, Travis, Caleb hoy sumagot kayo! Hoy!” bulyaw ko ngunit walang sumasagot mula sa kabilang linya.

Biglang kumawala sa yakap Mack.

“N..nandito ang kuya ko?” tanong niya kayat dahan-dahan akong tumango. “S…si daddy” mahinang bulong niya.

Bigla siyang tumayo at tumakbo kayat dali-dali ko siyang hinabol hanggang sa matigil kami malapit sa pintuan ng rooftop.

“Mack sandali teka kalma lang! Nandun na yung kuya mo. Ililigtas niya ang daddy mo!” sigaw ko

Imbes na sumagot ay bigla niya akong tiningnan sa mga mata. Kakaiba ang tingin niya, Mistulang nalulungkot. Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa labi.

“I love you peter…” mahinang bulong niya.

Napakasaya ko sa mga katagang yun ngunit bigla na lamang akong nakaramdam ng bahagyang kaba.

“At dahil mahal kita, hindi ko na hahayaang madamay ka pa sa gulo ng pamilya ko” Mack

“Ha? A-ano?” Nagtaka ako sa sinabi niya.

Laking gulat ko nang bigla na lamang niya akong itinulak ng napakalakas kayat nadapa ako sa sahig. Bigla niyang isinara ang pintuan kayat dali-dali akong tumayo.

 

“Mack! Buksan mo to! Mack!” Sigaw ako ng sigaw habang pilit na binubuksan ang pintuan ngunit balewala. Ini-lock na niya ito.

END OF CHAPTER 30

- - - - - - - - - - - - - 

Hingang malalim. whahaahahahhaha XD wala lang gusto ko lang tumawa. hahahaahahahhahahaha XD *sindi katol* hahahahaha.

HETO NA MALAPIT NA TALAGANG MATAPOS. DI KO SURE KELAN PERO I THINK LAST WEEK NA ITO NG FEAR THY PACT SO SA LAHAT NG NAGBASA FROM THE VERY BEGINNING,

Thank you so much for reading!

I love you guys!

God Bless!

VOTE and COMMENT ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro