Fear 30 : Devil's Advocate (Part 1)
THIRD PERSON'S POV
"Three guards sa entrance. "
Pasimple at mahinang bulong ni Peter sa malaking trash bin na kanilang tinutulak ni Caleb.
"Fvck you guys" mahinang bulong ni Kessler na Pawis na pawis na at mistulang mahihimatay na dahil sa sikip at masang-sang na amoy sa loob ng basurahan."I hate you all” mahinang bulong nito habang tinatakpan ang bibig niya.
Pasimple naman agad na hinampas ni Caleb ang basurahan. “Shhhh…tumahimik ka lang diyan”
Saglit na napatingala si Peter upang pagmasdan ang building na sinasabing hideout ng anonymosities.
Mistula itong isang malaking abandonadong gusali dahil sa mga plywood na nakabarikada sa bawat bintana at ang ilan pa dito ay nakapadlock mula sa labas. Kung tutuusin mistula itong isang building na kaka-bankrupt lang dahil hindi pa ganung kumukupas ang pintura ng buong gusali. Kapansin-pansin rin ang pagiging malayo nito mula sa kalsada at iba pang mga gusali.
Habang tinutulak ang basurahan ay agad nilang nilapitan ang mga taong nakasuot ng Security Guard na uniform na nagbabantay sa labas ng hideout ng anonymosities.
Suot ang simple ngunit maruruming damit ay nagmukha talagang silang mga tagapaglinis. “Magandang gabi po sa inyo! Hehehe” Bati ni Peter sa tatlong guardya.
Agad binatukan ni Caleb si Peter. “Anong gabi? Hoy malapit ng sumikat ang araw umaga na ngayon!”
“Sorry lang ha?!” sarkastikong bulyaw naman ni Peter kay Caleb.
Agad silang sinamaan ng tingin ng mga gwardya na mistula silang tinatakot. “Anong kailangan niyo? Madaling araw na pero naglilinis ka parin sa daang to?” asik ng isa sa mga gwardya.
Napangiti si Peter sa kanila. “Ah oo! Kailangan kasing kumayod. Alam niyo na, sa hirap ng buhay ngayon” palusot ni Peter.
“Pwes nagkakamali kayo ng pinuntahan. Dun kayo sa kabilang kanto, mas marumi dun. Kakalinis lang dito ng janitor namin kanina.” Saad ng isang guard.
Dahan-dahang tumango si Peter ngunit pasimple niyang hinanap ang CCTV camera na malapit sa kinaroroonan nila. Bahagyang napangiti si Peter nang makitang hindi nakaharap sa kanila ang CCTV camera.
“Good…” mahinang bulong ni Peter sabay smirk.
“Ano?” tanong ng isang gwardya.
“Goodnight! Tulog na bitches!” Biglang sigaw ni Caleb at agad na hinugot ang isang baril mula sa kanyang bulsa sabay putok sa isa sa mga guard. Maging si Peter naman ay dali-dali ring kumilos at binaril ang dalawa pang guard.
Di gaya ng isang normal na baril, Hindi balang nakakamatay ang lumalabas mula rito kundi Tranquilizer. Hindi ito naglalabas ng malakas na tunog kayat parang wala lang nangyari.
Agad na bumagsak sa sahig ang tatlong guard at nakatulog ng napakahimbing.
-----------------------------
Suot-suot ang uniporme ng mga security guard ay malayang nakapasok sa loob ng building sina Caleb at Peter habang nagtutulak ng basurahan na ngayoy pinagtataguan parin ni Kessler.
Maingat sila sa kanilang bawat galaw dahil sa mga CCTV cameras na nagkalat sa buong lugar. Pilit nilang ikinukubli ang kanilang mga mukha sa pamamagitan ng pagyuko.
Kasing bilis ng pagbayo sa tambol ang tibok ng kanilang mga puso. Nanginginig at napakabigat ng hakbang na ginagawa nila. Kinakabahan silang baka mahuli silang nagpapanggap lamang.
“Pre u..umatras nalang kaya tayo” mahinang bulong ni Caleb na pinagpapawisan na ng kaba.
“Shut the fvck up cale.” Peter
“Pero pre” caleb
Biglang nakarinig si Peter ng bakas ng mga paa kayat dali-dali niyang siniko si Caleb. “Shhhh” mahinang bulong ni Peter at agad na huminga ng malalim sabay tayo ng maayos at umaktong normal.
“Fvck” mahinang bulong ni Caleb at ginaya na lamang si Peter at nagpanggap na lamang na hindi kinakabahan.
Maya-maya pa ay bigla silang may nakasalubong na dalawang lalaking nakasuot ng itim ngunit kitang-kita nilang duguan ang mga kamay nilang dalawa.
“Grabe bro kadiri yung ginawa ko kanina! Biruin mo yun, yung atay ng taong sinaksak ko sumabit pa sa kutsilyo. Wala akong choice kundi hawakan yung atay para lang matanggal dun sa kutsilyo. Tangina pre! Parang baboy na iniihaw lang!” Kwento nung lalaki sa isa pa niyang kasama.
Nanlaki ang mga mata ni Peter sa narinig ngunit napapikit na lamang siya upang mapigilan ang kanyang sarili sa pag-react.
“Wala yan bro! Naalala mo yung kwento ni King noon tungkol kay Lucifer! Baseball bat daw na may balbedwire yung signature weapon niya! Pre ang cool nun! Gusto ko ding magkaroon ng ganun!” Kwento rin nung isa pang lalaki.
Bahagyang nakahinga nang maluwag si Peter, Caleb at Kessler dahil tuluyan na silang nagkasalubong nung dalawang baguhang knight at hindi sila nito napansin dahil abala sila sa pagke-kwentuhan.
Liliko na sana sa isang pasilyo sina Peter nang muling magsalita ang mga baguhang knight.
“Yung queen nakita mo na ba?” lalake
“Oo! Ang ganda nung Mackenzie pre! Oras na maging isang opisyal na siyang queen liligawan ko talaga yun!” tugon nito.
Agad natigil sa paglalakad si Peter. Naikuyom nito ang kanyang kamaong nakahawak pa sa handle ng trash bin.
Nanlaki ang mga mata ni Caleb. “Pete pre kalma lang….Inhell, exhell…mamaya mo na sila ipadala sa hell” mahinang bulong ni Caleb na pilit na pinapakalma si Peter.
“Kung ako sayo wag mo ng gawin yan pre! Dadaan ka pa sa mga kaibigan at kapatid nun. Naririnig ko yung usapan nila sa taas kanina, Nag-iiyakan yata sila ni king!”kwento ulit nung lalaking knight.
Napabuntong hininga na lamang si Peter at nagpatuloy sa paglalakad. Maging si Caleb ay napabuntong hininga na rin at bahagyang nakahinga ng maluwag nang tuluyan na silang makalayo sa mga knight.
Nagtuloy-tuloy sila sa paglalakad hanggang sa umabot sila sa isang kwartong may pulang pinto.
"ito na siguro yun..." mahinang bulong ni Caleb.
- - - - - - - - - - - - - - - - -
Pagpasok sa loob ay agad na tumambad kay Peter at Caleb ang dalawang knight nakamasid sa napakaraming monitors mula sa kuha ng mga cctv camera.
"Anong ginagawa-----" Hindi na natapos pa ng knight ang kanyang sasabihin nang bigla siyang binaril ni Peter.
Tumumba sa sahig ang dalawang knight kayat dali-daling isinara ni Caleb ang pintuan upang walang makakita sa kanila.
Lumabas mula sa basurahan ang pawis na pawis nang si Kessler.
"Hayy salamat!" Sigaw nito na inis na inis.
"Shhhh!" Sita sa kanya ni Peter kayat agad itong natahimik.
Nagulat ang dalawa nang bigla na lamang nasuka si Caleb sa sahig. Habang nakatayo at nanlalaki ang mga mata ay bigla nitong itinuro ang mga monitors.
Napatingin si Peter dito at gaya ni Caleb ay gulat na gulat din ito sa nakita.
Isang lalake ang nakatali sa isang malaking lamesang mistulang isang operating table. Nakawakwak ang tiyan nito at mistulang pinaglalaruan pa ng ilang kabataan ang mga lamang loob nito.
Sa isa ding monitor ay makikita ang isang babaeng nakatali habang nakahiga sa sahig. Rinig na rinig ang kanyang pagsigaw at pagluha habang pinagpipyestahan siya ng napakaraming malalaking daga. Napakaraming sugat ng babae sa kanyang buong katawan kayat mistulang umaakit ito sa mga daga.
"Mga...mga demonyo kayo" mahinang bulong ni Peter na nanginginig dahil sa kanyang mga nakikita.
Binaliwala na lamang ito ni Kessler at umupo siya sa harapan ng mga monitors.
"Welcome to hell" mahinang bulong ni kessler sa isang sarkastikong tono.
Biglang napako ang atensyon ni Peter sa isang monitor at dahan-dahan niya itong nilapitan.
"Mack..." mahinang bulong niya nang makita si mack mula sa isa sa mga monitors. Kasalukuyang naglalakad si Mack sa isang pasilyo habang nakasunod sa kanya sina Eroll, Finn, Chippy at Peyton.
"T..teka buhay si peyton?" mahinang bulong ni Caleb na gulat na gulat.
Hinawakan ni Kessler ang earphone na nasa kanyang tenga at agad na binigyan ng mensahe si Travis na naghihintay lamang sa labas ng building at hindi pa pumapasok. "Nakapasok na kami. May kontrol na ako sa cctv nila. Kailangan mong magmadali kasama ng kuya mo ang tatay ni Mack"
"Ako ang bahala kay Mack" saad ni Peter at dali-daling tumakbo ngunit agad siyang pinigilan ni Kessler.
"Peter do lets do this silently. Oras na malaman nilang nandito tayo, mas malalagay tayong lahat sa panganib" muling paalala ni Kessler
"I know.." saad ni Peter at agad na umalis habang hawak-hawak ang kanyang bow at arrow.
"Teka hintay!" Sigaw naman ni Caleb
- - - - - - - - - - - -
KESSLER'S POV
Kitang-kita ko lahat ng mga nangyayari mula sa CCTV camera feeds.
Tumatakbo paakyat ng hagdan si Travis at kasunod niya sina Peter at Caleb.
tiningnan ko ang ibang monitor at bigla akong kinabahan nang makitang may makakasalubong silang ilang mga knights na mistulang inaatok. Wala silang kamalay-malay na nandito na kami.
"Humanda kayo may makakasalubong kayo" Banta ko sa kanila sa pamamagitan ng maliit naming radyo.
Dali-daling hinugot ni Peter ang isang matulis na pana habang naglalakad. Hindi siya tumitigil sa paglalakad hanggang sa tuluyan na silang magsalubong ng mga knights.
Tumama ang pana sa leeg ng isa sa mga knights kayat agad itong tumumba sa sahig habang nangingisay at duguan. Gulat na gulat ang mga knights sa nangyari. Agad nilang sinugod ang grupo nila Peter kayat nagpambuno ang dalawang grupo.
Kinuha ng isang knight ang isang kutsilyo mula sa kanyang bulsa at agad niyang sinugod si Travis. Agad nakailag ang huli ngunit bahagyang nadaplisan ang braso nito. Napapikit na lamang si Travis at agad na kinuha ang isang palasong napakatalim. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad na niyang isinaksak ito sa dibdib ng isa sa mga knight. Agad nawakwak ang dibdib nito at umagos ang napakaraming dugo kasabay ng paglupaypay ng walang buhay nitong katawan sa sahig.
Ilang sandali pa ay agad lumupaypay sa sahig ang duguang katawan ng mga knight.
Saglit akong napatingin sa monitor at laking gulat ko nang makitang nasa rooftop na sina Peyton at Mackenzie. Bigla akong kinabahan. Alam ko kung ano ang kayang gawin ni Peyton para kay king....
"Guys hurry up! Dinala ni Peyton si Mackenzie sa rooftop!" aligaga kong sigaw.
"Ako ang bahala kay Mack!" Sigaw ni Peter at dali-daling tumakbo kayat hindi na nagawang maka-alma pa ni Travis.
"Travis listen to me, King has mack's dad. Go to them. Hindi papabayaan ni Peter ang kapatid mo" paalala ko sa kanya kayat dali-dali siyang tumakbo.
"Oy teka paano ako?!" bulyaw ni Caleb na mistulang nanginginig parin sa kaba.
"Balik ka nalang dito! Baka mapahamak ka pa dahil diyan sa kaduwagan mo!" Bulyaw ko.
Muli akong napatingala at isa-isang tiningnan ang mga monitor. Napako ang tingin ko sa isang hilera ng mga monitors kung saan naroroon ang torture floor.
Bigla akong nakakita ng isang pamilyar na mukha kayat dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko.
Tiningnan kong mabuti ang mukha ng babaeng nasa monitor.
"Hailey?" mahinang bulong ko.
- - - - - - - - - - - -- - - - -
THIRD PERSON’S POV
Pagkapasok ni Finn sa kwarto ay agad siyang napangiti nang makita si Jilliane.
Nakaupo lamang ang kawawang dalaga sa sahig habang nakasandal ang kanyang likuran sa pader. Umiiyak ito habang nakatingin sa kawalan.
“Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin babe?” Masiglang tanong ni Finn. Hindi sumagot si Jill sa kanya kayat dahan-dahan siyang humakbang papalapit dito. “Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” Akmang hihimasin si Finn ang noo ni Jilliane upang damhin kung may lagnat ba ito ngunit iwinakli lang ni Jill ang kanyang kamay.
“Don’t touch me you son of a bitch!” Sigaw ni Jilliane ng napakalakas.
Bahagyang napayuko si Finn at dahan-dahang tumango. Tiningnan niya sa mga mata si Jill “Okay” mahinang bulong nito at ngumiti ng napakatamis sa kabila ng trato sa kanya nito.
“Pakawalan mo ako dito! Demonyo ka!” Jill
“Magulo ang sitwasyon ngayon pero sinusigurado ko sayo jill, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo pangako” Malumanay na saad ni Finn upang mapakalma si Jill ngunit baliwala.
“Demonyo ka! Nakita ko ang ginawa mo kay Zeke! Mas masahol ka pa sa hayop! Hindi na ako magtataka kung gagawin mo rin yun sa akin!” Sigaw lang ng sigaw si Jill habang humahagulgol.
|FLASHBACK|
Tahimik lang ang apat na sina Zeke, Jill, Nina at Caleb habang tinatahak ang napakadilim na pasilyo ng Crestview high.
“Zeke, Jill una na muna kami sa inyo may gagawin kukunin muna kami sa faculty office. Mauna nalang kayong bumaba sa hagdan. Hehehe” Palusot ni Caleb na bahagyang napakamot sa kanyang ulo.
“Ha? E paano iisa lang tong flashlight natin?” Jill
“Okay lang jill hehe. Maghahanap nalang kami dun baka meron ding flashlight dun.” Nina
“At isa pa sa laki ng mata ni nina siguradong di kami maliligaw” Asar naman ni Caleb at agad na inakbayan si Nina.
“Tss.. Magpapasarap lang kayo” mahinang bulong ni Zeke sabay agaw ng flashlight mula sa kamay ni Nina at nagsimulang maglakad pala.
“Oy teka! Hintay” Sigaw ni Jill at agad na hinabol si Zeke.
Magkasabay ang dalawang bumaba sa hagdan. Tahimik lang ang dalawa habang nakikiramdam sa nakabibinging katahimikan. Tanging hakbang lamang nila ang naririnig nilang tunog kayat lalong bumibigat ang kanilang pakiramdam.
“Sana di magpakita si Julie……” mahinang bulong ni Jill
“Tss.. walang multo!” Bulyaw ni Zeke at padabog ang mga paang inihakbang pababa ng hagdan.
*BLAG*
laking gulat ni Jill nang bigla na lamang bumagsak sa sahig si Zeke.
"Pero di multo ang dapat niyong katakutan" biglang may nagsalita kayat dali-daling pinulot ni Jill ang flashlight at itinutok ito kung saan nanggagaling ang boses. Nanlaki ang mga mata ni Jill nang makita niya si Coach Sidney habang hawak-hawak ang isang kahoy. Hindi na nagawang makailag pa ni Jill nang bigla siya nitong pinalo sa ulo.
- - - - - -
Dahan-dahang idinilat ni Jill ang kanyang mga mata sa kabila ng hilong nararamdaman niya. Napakasakit parin ng ulo niya ngunit pinipilit niya ang kanyang sariling dumilat.
Napakalabo ng lahat ngunit naaninag ni Jill ang mukha ni Mack. Nakahiga ito malapit sa kanya ngunit wala itong malay. Nasa sahig din si Topher na gaya ni mack ay wala ring malay.
"Ma...mack" mahinang bulong ni Jill. Dahan-dahan niyang inilibot ang paningin at laking gulat niya ng makitang gumapang si Zeke sa sahig hindi kalayuan sa kanya. Halos matuklap na ang balat sa pisngi nito. Napakarami ng sugat sa kanyang mukha't balat.
halata sa mukha ni Zeke ang sakit. May lumalabas na dugo mula sa kanyang bibig.
Napasinghap si Jill at mas ibinuka pa ang kanyang mga mata sa kabila ng hilong nangingibabaw parin sa kanyang pakiramdam.
Labis ang naramdaman niyang gulat at takot nang makitang nakatayo si Finn sa harapan ni Zeke. May hawak itong baseball bat. Isang baseballbat na puno at tinik at balot ng napakaraming dugo at laman.
Kitang-kita ni Jill habang patuloy na pinagpapalo ni Finn ang walang kalaban-labang si Zeke hanggang sa tuluyan itong tumigil sa paggalaw.
Hindi halos makagalaw si Jill kayat wala siyang ibang magawa kundi maluha habang nakikita ang walang awang pagpatay kay Zeke.
"Uy teka nagising pala tong isa! " Biglang sigaw ni Peyton at agad na nilapitan si Jill sabay takip ng panyo sa bibig nito gamit ang isang panyong may chloroform kayat muli itong nawalan ng malay.
|END OF FLASHBACK|
"Pasensya ka na kung nakita mo yun. Sabi ko kasi kay coach sidney na chloroform nalang yung gamitin sayo kaso pinukpok ka pa parin niya sa ulo. Pasensya na ha? babawi ako sayo promise" saad ni finn habang nakangiti.
"Nababaliw ka na! Walang hiya ka!" Muling sigaw ni Jill hanggang sa mapatili na ito ng dahil sa galit. "Papatayin kita!" muling sigaw ni Jill.
Bahagyang napangiti si Finn.
"Cute...You already tried that but you failed." Mahinang bulong ni Finn at dahan-dahang humakbang papalapit kay Jill at lumebel sa pagkakaupo nito upang magkalapit lalo ang tingin nila sa isa't-isa.
Nanlaki ang mga mata ni Jill. "A.....alam mo?" mahinang bulong ni Jill na gulat na gulat.
Dahan-dahang tumango si Finn at muling ngumiti ng napakatamis. "Chippy saw you....Nakita ka niya habang sinisira mo ang preno ng kotse ko. At dahil mahal kita i gave you what you want....My doom. " Dahan-dahang hinawi ni finn ang buhok na nasa pisngi ni Jill at inipit ito sa tenga ng dalaga. "Fake doom perhaps. Masakit para sa aking tanggapin pero atleast naging masaya ka sa loob ng mga buwang inakala mong comatose nga talaga ako."
tumayo si Finn at dahan-dahang binuksan ang malaking bintana upang makapasok ang malamig na hangin sa kwarto. Nasa ika-pitong palapag sila ng building kayat napakalamig ng hanging pumapasok sa kinaroroonan nila.
"My accident was not part of our plan. See our pact's design was only about Julie's death. Kaso sadyang ganun lang kita ka-mahal upang mapagbigyan ka sa gusto mong aksidente ko kuno." Muling saad ni Finn at ngumiti.
Biglang bumukas ang pintuan kayat sabay na napatingin dito sina Jill at Finn.
Walang ano-anoy agad na pumasok si Eroll sa kinaroroonan nila na walang kahit na anong ekspresyon sa kanyang mukha.
"Finn....We have no time for this. I know its hard for you but she's a pawn. She needs to die." Paalala ni Eroll sa napaka-cold na boses.
Agad na bumuhos ang luha ni Jill nang marinig niya iyon. "E..eroll...Eroll dont do this to me" mahinang bulong ni Jill sa nanginginig na boses at dahan-dahang napatakip sa kanyang bibig dahil hindi parin siya makapaniwala.
Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Finn at bakas ang inis nito kay Eroll.
"Dude pwede ba wag kang umepal. Labas!" bulyaw ni Finn na nanlilisik ang mga mata.
Napabuntong hininga na lamang si Eroll. "Dude stop being crazy! Just kill her already!" Sigaw naman ni Eroll na hindi makatingin kay Jill.
"Pwede ba wag kang makialam dito! In the first place di ka naman talaga kasali sa larong to eh! Tumutulong ka lang pero hindi ka pwedeng magdesisyon dahil di ka knight sa larong to eroll!" Muling sigaw ni Finn na sa puntong itoy galit na galit na.
Napasinghal na lamang si Eroll. "Finn magkaibigan tayo kayat sinasabi ko to sayo. Man up and kill her already!" Muling sigaw ni Eroll.
Bahagyang tumawa ng sarkastiko si Finn. "Bakit para ni-isa sa atin ay hindi mapunta sa kanya? Well goodluck with that eroll, Jilliane's mine"
Dahan-dahang tumayo si Jill at agad na lumapit kay Eroll sabay hawak dito habang nanginginig ang kanyang mga kamay. "Eroll...eroll tulungan mo ako. Ilayo mo ako dito. Please eroll wag mong gawin sa akin to" pagmamakaawa ni Jill habang umiiyak.
Unti-untik namuo ang luha sa mga mata ni Eroll ngunit umiiwas lang siya ng tingin kay Jill. "Eroll mahal na mahal kita. Diba mahal mo rin ako? please eroll ilayo mo ako dito" muling pagmamakaawa ni Jill.
Napapikit na lamang si Eroll upang pigilan ang kanyang nararamdamang awa at pagmamahal para kay Jill.
"Eroll please help me" mahinang bulong ulit ni Jill.
"LUMAYO KA SA KANYA!" Sigaw ni Finn na nanggagalaiti na sa galit at agad na hinatak si Jill palayo kay Eroll.
Napayuko na lamang si Eroll at muling napayuko upang maitago ang kanyang nararamdaman at upang maitago ang luhang pumapatak na.
Dahan-dahang gumuhit ang isang ngiti sa mukha ni Finn.
"Alam ko na ngayon kung bakit hindi mo talaga ako magawang mahalin" mahinang bulong ni Finn.
Walang ano-anoy bigla na lamang may inilabas si Finn na patalim mula sa kanyang bulsa at isinaksak ito sa sikmura ng walang kamalay-malay na si Eroll.
Nanlaki ang mga mata ni Eroll sa gulat.
Hindi nito inaasahang gagawin ito sa kanya ng kaibigan.
"F..finn?" mahinang bulong ni Eroll na mistulang hindi makapaniwala sa ginawa ng kaibigan habang unti-unting tumulo ang dugo mula sa bibig niya.
"Nooo! Nooo! Eroll!" Sigaw ng sigaw si Jill ng dahil sa gulat.
"Betrayal's a trend these days eroll. I guess now that youre out of the picture, Jill will finally like me. Am I right jill?" tanong ni Finn at muling napangiti na parang walang nangyari
Humahagulgol parin si Jill habang nakatitig sa nakahandusay na si Eroll.
"Jill! He's gone! im here! Look at me! You have no choice but to love me!" Muling sigaw ni Finn habang nakangiti.
Dahan-dahang napaatras si Jill hanggang sa mapasandal siya sa bintana. Dahan-dahan siyang napalingon nito at bahagya siyang napasinghap nang damhin ang hangin mula sa labas.
"I dont love you finn..." mahinang bulong ni Jill. "I never have, I never will."
"Never's not in my vocabulary" Finn
Bahagyang napangiti si Jill.
"You know what I hated myself because no matter what i do, i just couldnt love you...Now I know why and its because I knew what kind of monster you are the moment I laid eyes on you" Jilliane.
Magsasalita na sana si Finn ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang inilaglag ni Jilliane ang kanyang sarili mula sa bintana.
"JILLIANNE!!!!" gulat na gulat si finn sa nakita dali-dali siyang tumakbo ngunit huli na. Tuluyan nang nalaglag si Jilliane hanggang sa kanyang kamatayan.
END OF PART 1 OF CHAPTER 30
- - - - - -- - - - -
Di ko na nakayanan ang antok kayat tatapusin ko muna dito.
Theme song for this chapter, Baby dont cry? wahahahahahha XDD
Thanks for reading!
Vote and Comment <333
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro