Fear 29 : Predators
MACKENZIE’S POV
Nakangiti lamang ako habang tinitingnan ang mga mata ni Kuya.
“Tinatanggap mo na bang maging queen sa larong to?” Tanong ni Kuya na may ngiti sa kanyang labi.
dahan-dahan tumango habang tumutulo ang butil ng luha sa mga mata ko.
“Fvck you” mahinang bulong ko at bigla siyang nasampal. Inilabas ko sa pamamagitan ng sampal na yun ang lahat ng sama ng loob ko.
Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Kuya nang dahil sa ginawa ko. Mahal ko siya pero hindi ko na kayang i-tolerate pa yung ginagawa niya. Mamamatay tao siya, mamamatay tao sila. Hindi bukas sa kanila ang pagbabagong buhay.
“Simula ngayon kalimutan mo nang magkapatid tayo. Wala akong pakialam kung papatayin mo man ako ngayon,” Bahagya akong tumawa at tumingala sabay punas ng luha sa mga mata ko. “The hell patayin mo nalang nga ako nang sa ganun matapos na tong paghihirap ko. Tangina lang eh, kapatid kita pero ginagago mo lang ako. Ginago niyo lang ako” mahinang bulong ko at unti-unti na namang tumulo ang luha ko.
“Faith don’t do this to us! Kami ang totoong nagmamahal sayo! For God’s sake Faith! He killed our parents! Hindi siya maaaring manalo! We have to commit the perfect murder to beat him in his own game! We have to be a better murderer than him!” Sigaw ni Kuya na halatang galit na galit na sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako. “Faith ako to si Paxton yung kapatid mo. buhay ako! Kuya ganun lang naman kadali yun eh! Ang daling magpakilala pero ano tong ginawa mo?!” napahagulgol ako habang kinakagat ang labi ko upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko. “Kuya isinali mo ako sa isang punyetang kulto. Ginawa mo akong isang puppet. You just ruined my life! You know that right? At isa pa nananakit kayo ng mga tao nang dahil sa isang walang kwentang rason! Wala kang kwentang kapatid! Sinasabi niyong mahal niyo ako pero pinipilit niyo akong gumawa ng masama! Salamat ha? nang dahil sa inyo nalaman kong si Daddy ko lang talaga ang totoong nagmamahal sa akin!”sigaw ko
“What about your friends?” Tanong Kuya na may napakaseryosong expresyon sa kanyang mukha at agad na itinuro ang mga itinuring kong kaibigan.
Napasinghal na lamang ako at tinaasan siya ng kilay. “Friends? At first I thought what we had was friendship” Napatingin ako kay Peyton at sa iba pang mga kaibigan ko kuno “Now I know it was only an illusion…”
“P..paano na ako? Paano na ang pamilya natin?” Mahinang bulong ni Kuya habang nakatingin sa kawalan.
“Magkadugo tayo. Magkapatid tayo. Mahal kita…Pero pamilya? “ Napailing-iling na lamang ako at bahagyang napayuko dahil mas lalo lang akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko ang mukha nila.
“You leave me with no choice faith” Mahinang bulong ni Kuya at biglang tumayo.
“Dalhin niyo nga siya dito” utos ni Kuya sa kanila gamit ang napakalamig na boses. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan dahil sa tono ng pananalita ni Kuya. He sounds so pissed.
Biglang lumabas si Finn at Eroll at maya-maya pay bumalik silang may kasama.
Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumagal ang pagtibok ang puso ko nang makita kung sino ang kasama nila.
Kitang-kita ko ang daddy ko na duguan. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa. Bigla siyang tinulak nila Finn at Eroll kayat napahiga agad siya sa sahig.
“Daddy!” Sigaw ko habang humahagulgol at dali-daling tumakbo papalapit sa kanya ngunit bigla akong hinarang ni Kuya sa pamamagitan ng pagyakap. “Daddy! Daddy!” Sigaw lang ako ng sigaw. Ang takot na nararamdaman ko ngayon ay higit pa sa takot na naramdaman ko nang mga nakaraang araw. “Parang-awa mo na kuya! Wag ang daddy ko!” Pagmamakaawa ko sa kanila. Napatingin ako kay Daddy kayat nagtama ang tingin namin. Napailing-iling si Daddy bilang tanda na wag akong manglalaban kayat napaupo na lamang ako sa sahig dahil tuluyan na akong nanghina.
Lubos akong nanghihina nang dahil sa takot. Hindi dahil para sa sarili ko kundi para sa daddy ko. Ayokong mapahamak ang daddy ko nang dahil sa akin. Wala siyang kinalaman dito. Kasalanan ko to, kung sana hindi ako bumalik dito sa pilipinas, hindi kami malalagay sa sitwasyong to.
Dali-dali akong lumuhod sa harapan ni Kuya at napahagulgol. “Kuya please! Please wag mo siyang sasaktan! Gagawin ko na ang lahat ng gusto mo! Bastat wag mo lang siyang sasaktan! Kuya utang na loob wala siyang kasalanan. Im sorry! Please don’t hurt him! Please!” Napalunok ako ng hikbi. Muli akong napatingin kay Peyton ngunit umiwas lang siya ng tingin.
“Handa mong gawin ang lahat para sa taong yan pero sa amin hindi?!” Sigaw ni Kuya at nakita kong may unti-unti nang namumuong luha sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nanginginig na ako sa takot kayat napailing-iling na lamang ako. “Kuya please wag! Nagmamakaawa ako sayo. Wag mo siyang sasaktan!” Pakiramdam koy tuluyan nang nanuyo ang lalamunan ko kayat napahagulgol na lamang ako habang pilit na lumalapit kay Daddy.
Dahan-dahang humakbang si Chippy papalapit sa amin. “King wag nalang kaya natin siyang idamay dito?” mahinang bulong nito na mistulang nagdadalawang isip dahil natatakot.
Dali-dali akong tumango at muling hinawakan ang kamay ni Kuya ngunit iwinakli niya lang ito.
“Chippy this is between the both of us. Wag kang makialam pwede?” sarkastikong saad ni Kuya kayat napayuko na lamang si Chippy.
“Look faith…I don’t want to do this. Pero may mga bagay na kailangan nating gawin.” Dahan-dahang hinawakan ni kuya ang magkabilang pisngi ko. “Go to him” mahinang bulong niya kayat dali-dali akong napatakbo kay Daddy habang humahagulgol.
Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahan kong tinatanggal ang masking tape sa bibig niya. Iyak ako ng iyak. Awang-awa ako sa daddy ko nang makita kong duguan ang kanyang noo kayat dali-dali akong napayakap sa kanya. “Daddy I love you. Im sorry. kasalanan ko ang lahat ng to. Sana hindi nalang ako nakiusap sayong bumalik dito. Sana..sana..” aligaga kong saad sa pagitan ng mga hikbi ko.
“Shhh..wala kang kasalanan. Magpakatatag ka. Pinalaki kitang matapang lagi mo yang tatandaan ha?” mahinang bulong ni Daddy. Bakas sa boses niyang umiiyak sa siya kayat mas lalo akong napahagulgol. Buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak. “Mackenzie Daddy loves you. Whatever happens daddy loves you okay? Don’t you ever forget that” Dagdag niya pa
Bigla kong naramdamang hinawakan nila Eroll at Finn ang braso ko. Sapilitan nila akong hinila papalayo sa Daddy ko kayat sigaw ako ng sigaw. Akmang manlalaban na ako sa kanila nang bigla ko na lamang nakitang tumayo si Peyton sa likuran ni Daddy. “Subukan mong manglaban kung ayaw mong mapaaga ang pagpunta sa langit ng matandang to” Banta ni Peyton at bigla na lamang inilabas ang kutsilyong nasa jacket niya at itinutok ito sa leeg ni Daddy.
Dali-dali akong napasigaw. “Wag! Peyton wag mong gagawin yan! Layuan mo ang daddy ko!" Sigaw ako ng sigaw hanggang sa mapatili na lamang ako sa galit.
“So wag kang manlaban! As easy as that and your daddy dearest just might live” sabi niya at biglang napa-smirk.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ni sa bangungot ay hindi ko inaasahang mangyayari to. Ang peyton na nakikita ko ngayon ay hindi na yung Peyton na minahal ko...Hindi na siya yung kaibigang halos ituring ko ng kapatid. Ang nakikita ko ngayon ay isang demonyo..
“Shadow easy lang.....” Kuya
Muli akong napatingin sa direksyon niya. Halos lumuhod na ako para magmakaawa. "Kuya parang-awa mo na wag mong idadamay ang daddy ko dito! I'll be the queen of your fvcking game! "
"Mackenzie no! Dont be like him!" Sigaw ni Daddy na halos nanginginig na ang boses.
"Dad.." mahinang bulong ko.
Muli kaming nagkatinginan ni Daddy at pakiramdam koy muling dinudurog ang puso ko. Hindi ko kakakayanin kung pati si Daddy ay mawawala narin sa akin.
"Ilabas niyo muna siya dito..may pag-uusapan kami ni Detective Lee" Seryosong saad ni Kuya.
Gustuhin ko mang manglaban ay hindi ko magawa. Natatakot akong tuluyang mapahamak si daddy nang dahil sa akin.
Lumapit si Kuya sa akin at biglang hinalikan ang noo ko. "Forgive me faith" mahinang bulong niya.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Hurt him and I will end you...." mahinang bulong ko.
"Seriously Mack! Nahihibang ka na ba?! Mas pipiliin mo tong baboy ramong to kaysa sa kapatid mo?!" Sigaw ni Peyton
"Hurt him or i'll kill all of you with my bare hands!!" Sigaw ko ng napakalakas.
Natahimik ang buong kwarto nang dahil sa sigaw na yun. Ngunit sigurado akong alam nilang seryoso ako sa sinasabi ko.
- - - - - - - - -- - - - --
Walang buhay akong naglalakad sa malapad na corridor habang nakatingin sa kawalan. Hawak-hawak nila Finn at Eroll ang mga braso ko at nasa likuran ko namay nakasunod din sina Peyton at Chippy.
"♫Ano ang kailangan magtulungan♫"
Bigla akong napakanta at bahagyang napangiti. Naramdaman kong napatingin silang apat sa akin ngunit akoy nakatingin parin sa kawalan.
"Baliw ka talaga mack nakakakanta ka pa sa lagay nato." Biro ni Eroll sabay gulo sa buhok ko na mitulang nanglalambing gaya ng dati.
Napasinghal na lamang ako. "Putangina niyo may pare-pareho pa tayong ringtone. How Ironic seeing how things are what they are right now. Instead of helping were now hurting each other" mahinang bulong ko.
"Kenzie" mahinang bulong ni Chippy at dahan-dahang inabot ang kamay ko ngunit muli ko lamang itong iwinakli.
"Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot para kay Topher. Natutuwa ako dahil atleast naging totoo ko siyang kaibigan. Tangina siya lang yata ang naging totoo kong kaibigan eh. Kaso nakakalungkot dahil wala na siya" Muli na namang tumulo ang luha ko. "Masaya ka ba ngayon Finn?" sarkastiko kong saad. Natigil silang lahat sa paglalakad dahil sa huling sinabi ko.
"Mackenzie shut up" cold na saad ni Peyton.
Pinilit ko ang sarili kong ngumiti ng napakalapad at agad na lumingon sa kanya. "Youre not my boss bitch.." mahinang bulong ko.
Sa totoo lang gustong-gusto kong umupo nalang sa sahig at umiyak na lamang dahil habang tumatagal ay mas lalo lang akong nasasaktan sa mga nangyayari pero gaya ng sinabi ni Daddy ay kailangan kong maging matatag. Hindi ko kayang maging matatag pero magaling akong magpanggap na matatag sa kabila ng mga nangyayari.
"Iwan niyo muna kami. Ako na muna ang bahala sa kanya" Utos ni Peyton.
"Ay oo nga pala. Kailangan ko pang puntahan si Jill." Saad ni Finn at agad na tumakbo na parang isang excited na bata.
Nanlaki ang mga mata ko. Si Jill...Nandito si Jill...Yung iba nasaan sila? kasali rin ba sila dito?
"Finn binabalaan kita" Peyton
"Alam ko!" Sigaw ni Finn habang tumatakbo.
Nang makalayo na si Finn ay bahagyang humarap si Peyton kay Eroll. "Sundan mo siya" utos nito.
Agad napakamot sa kanyang ulo si Eroll. "Aish.. na naman" mahinang bulong nito na mistulang wala sa mood.
Bigla kong naramdaman ang mga kamay ni Chippy na yumakap sa akin mula sa likuran ko. Ibinaon niya ang mukha niya likuran ko kayat napapikit na lamang ako at bahagyang napayuko. "Kenzie sorry" mahinang bulong niya.
Ramdam na ramdam ko ang sinseredad sa boses ni Chippy. Napatingin ako sa kamay niya. Ewan ko ba pero bigla na lamang akong napahawak sa kanya.
“Eroll sige na. You know how vulnerable finn is to julie..” Pangungumbinsi Peyton kay Eroll.
“Oo na! Oo na! sheesh” Pasinghal na saad ni Eroll at kahit na napipilitan ay sinundan na lamang niya si Finn.
Humarap agad si Peyton sa amin.
"Chippy iwanan mo muna kami" Cold na saad ni Peyton kayat dahan-dahang kumawala sa pagyakap sa akin si Chippy.
"Ayokong iwan si Kenzie.." mahinang bulong ni Chippy at bahagyang napayuko.
"Ano Natatakot kang mawala si Mack gaya ng pagkawala nung Keith?" sarkastikong saad ni Peyton habang nakapamewang.
Dahan-dahang tumango si Chippy.
Tumayo si Peyton sa harapan ni Chippy at agad itong sinamaan ng tingin. "Chippy kanina pa kita napapansin. Anong nangyayari sayo?! Please this is not the right time for your tantrums. Get a grip of yourself!" Bulyaw ni Peyton. "Parang hindi na ikaw yung Lucifer na kilala ko" dagdag pa ni Peyton at agad na hinawakan ang braso ko sabay hila sa akin palayo.
Naiwan na lamang doon si Chippy na na nakapako sa kanyang kinauupuan habang nakayuko.
- - - - - - - - - -
Sumunod lamang ako sa kung saan man akong direksyon hihilahin ni Peyton sa takot na mapahamak ang daddy ko kung sakaling manlalaban man ako.
Hindi ko na alam kung nasaan kami pero bigla na lamang may binuksan si Peyton na isang pintuan kayat agad na sumalubong sa amin ang napakalamig na ihip ng hangin. Itinulak ako ni Peyton papunta roon at laking pagtataka ko nang mapansing nasa isang rooftop na kami.
Napakalamig ng hangin samantalang ang kalangitan naman ay may bahagya ng liwanag tanda na malapit nang mag-umaga.
Humarap ako kay Peyton at laking gulat ko nang makitang may hawak na siyang baril at nakatutok ito sa akin.
Tiningnan ko siya sa mga mata. "A..ano papatayin mo ako? Yan ba ang dahilan kung bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko habang pinipilit ang sarili kong ngumiti.
"Precisely...See magkakaiba kami ng pananaw and for me, I think youre better of dead" Cold na saad ni Peyton na naka-poker face.
"So what now?" sarkastiko kong saad upang inisin siya.
"Lakad!" sigaw niya.
Ngumiti na lamang ako upang maitago ang nararamdaman kong takot at dahan-dahang naglakad papunta sa dulo ng rooftop. Napatingin ako sa baba at agad akong napapikit dahil sa nakakalulang tanawin. Isang maling hakbang at siguradong malalaglag ako sa kamatayan ko.
Dahan-dahan akong humarap kay Peyton at nakita kong nakatutok parin ang baril niya sa akin.
"My memory is like shit, But you know what....I dont remember you as a child. Tell me, kabilang ka ba sa mga batang nakidnap?" Tanong ko sa kanya sa kabila ng kabang namumuo sa dibdib ko.
"No! But I wish i was there! Alam mo ba mack? 7 years ago, nakatira ako sa isang bahay kasama ang nanay ko at ang walang-kwenta kong tiyuhin. Impyerno ang buhay ko noon. Halos Araw-araw akong binubugbog! Halos Araw-araw akong binababoy! Walang pakialam ang nanay ko sa kahayupang ginagawa sa akin ng tiyuhin ko kayat ginusto kong mamatay! Pero alam mo ba? Kung hindi dahil kay Paxton, Siguro wala na ako." Bahagyang napangiti si Peyton. "Your brother saved my life...I owe him everything. Nang dahil sa kanya nagkaroon ako ng bagong Pamilya sa katauhan nila."
Bahagya akong nakaramdam ng awa para sa kanya. Kahit na pagbali-baliktarin ko man ang mundo, The truth is I still care for her.
"Wanna know a secret mack? I love Paxton...I love King. Whoever he may be, I will still love him."
Napangiti ako. Kaya pala ni minsan ay hindi ko nakitang nabaliw si Peyton sa isang lalake. May mahal na pala siya at ang Kuya ko lang pala. tss.
"At dahil mahal ko siya kayat ayaw ko siyang mahirapan o masaktan. Alam kong simula't-sapul sasaktan mo lang ang kuya mo. Alam kong hindi ka kagaya nila...kagaya namin. Alam kong hindi ka sasali sa laro dahil kahit hindi ka ganun kabait, ay mabuti ka parin namang tao. Sa huli mapipilitan lang ang kuya mong patayin ka. I want to spare him that pain. Mahal ka ng kuya mo. Saksi ako diyan mack. Kayat mas gugustuhin kong ako nalang ang pumatay sayo ngayon kaysa si Paxton" Peyton
Pakiramdam koy nanlambot ang tuhod ko sa narinig kayat dahan-dahan akong napaupo.
"Tumalon ka" mahinang bulong niya.
Bahagyang bumagal ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o dahil ba sa sakit na buhat ng katotohanang gusto akong patayin ng taong importante sa buhay ko.
Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko habang ang labi ko ay may katiting parin na ngiti.
"TUMALON KA!" sigaw ni Peyton.
Bigla kong naisip ang mga taong importante sa buhay ko. Si daddy, si kuya travis...at si Peter. Truth is I want to die but I dont want to be away from them.
Dahan-dahan akong napailing-iling.
"I wont kill myself Peyton...Im not a coward. Mas gugustuhin ko pang ikaw mismo ang pumatay sa akin... Kill me. Shoot me. I want to see you do that." tuluyang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan kayat dali-dali ko itong pinunasan gamit ang kamay ko. "I want to see you kill me"
Saglit kaming nagkatinginan ni Peyton.
Napakatalim na ng tingin niya sa akin ngunit laking gulat ko nang makitang may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.
"P..peyton" mahinang bulong ko nang makitang nanginginig na ang kanyang mga kamay na nakahawak sa baril.
Bigla niyang itinapon ang baril at bigla na lamang niya akong sinugod.
Napakabilis ng pangyayari. Namalayan ko na lamang na nakahiga na ako sa sahig habang si Peyton ay sapilitan akong sinasakal habang nakaluhod sa harapan ko..
"You dont deserve Paxton! You dont deserve us!" Sigaw siya ng sigaw habang humahagulgol.
Bigla niyang hinawakan ng marahas ang kwelyo ng suot ko gamit ang dalawa niyang kamay. buong pwersa niyang iniuntog ang ulo ko sa sementong sahig.
Napakasakit ng ulo ko at nararamdaman kong dumudugo na ito ngunit kahit ganun ay bigla akong tumawa nang bigla akong maalala. Naalala ko ang mukha ng taong pumatay kay Happy.
Agad nakunot ang noo ni Peyton nang dahil sa pagtawa ko at bahagya siyang natigil sa sa pag-untog sa akin sa semento.
"Tuluyan ka na bang nabaliw mack?!" sarkastiko niyang tanong.
Muli akong tumawa sabaw hawak ng tiyan ko. "I just remembered Hailey...hailey's one of you right? So ibig sabihin all this time acting lang yun lahat? Acting lang din yung sabunutan at bangayan niyo? Hahahahahahahahahaha! Putanginangshit nga naman oh! Nagmukha talaga akong tanga! Hahahahahahaha! Ang hard niyo umacting! hahahahahahahaha!" Tawa lamang ako ng tawa.
"To be honest, I hate Hailey so much. For her its only acting but for me thats abit true. See she's A bitch and she's so damn annoying...I hate bitches like her." Peyton.
Bahagya akong tumawa sabay iling-iling.
"Stop laughing. Its time for you to die Mack" Sabi niya gamit ang napakalamig niyang boses kasabay nang pagtulo ng kakaunting butil ng luha mula sa mga mata niya.
Napasinghal na lamang ako at agad na nawala ang ngiti sa mukha ko. "Im already dead. You killed me...You all killed me with your lies." mahinang bulong ko.
"God knows how much i cared and loved you... Ikaw, Si Chippy, Finn at Eroll. Napakasakit lang dahil tinraydor niyo ako. Halos ituring ko kayong kapatid. Sayang yung pagkakaibigan natin." dagdag ko pa. "But you know what, ang pinagsisisihan ko lang ay ang pagsasayang ko ng luha sa inyo. Tangina ilang balde ang iniyak ko sa inyo pero wala kayong kwenta!" sigaw ko
"Tumahimik ka!!!" Sigaw ni Peyton at muling hinawakan ng marahas ang kwelyo ko at muling inihampas ng napakaraming beses ang ulo ko sa sahig.
Mas malakas na ito kumpara sa kanina kayat halos mawalan na ako ng malay dahil sa pagkakahilo. Naririnig ko na ang tunog ng likidong tumutulo. Alam kong sa puntong toy dumudugo na ang ulo ko kayat napapikit na lamang ako upang tiisin ang sakit.
Pakiramdam koy unti-unti na akong mauubusan ng hininga. Unti-unti nang nabibingi ang tenga ko sa tunog ng paligid at pawang kadiliman lamang ang nakikita ko.
Siguro nga magkikita na kami ngayon ng totoo kong mga magulang.
Ayoko mang iwan ang mga taong natitirang totoong nagmamahal sa akin ay wala akong magawa.
Siguro nga katapusan ko na to.
Bigla kong naramdamang tumigil na ang sakit na nararamdaman ko sa likuran ng ulo ko. Dahan-dahan kong idinilat kong idinilat ang mga mata ko at laking gulat ko nang makitang bigla na lamang nahiga sa sahig si Peyton habang may tumutulong dugo sa bibig niya.
"Mack! asdfghjkl asdfghjkl asdfghjkl" Nakarinig ako ng pamilyar na boses ngunit hindi ko marinig ng maayos ang boses niya.
"P..peter?" mahinang bulong ko nang bigla niya akong niyakap.
Napakasakit parin ng ulo ko pero tuluyan ng umaayos ang paningin ko.
Dali-dali akong napayakap sa kanya ng pabalik. Nang dahil sa takot na kanina ko pa nararamdaman ay tuluyan na akong napahagulgol. Nanginginig parin ako dahil sa sakit at takot.
"Shh.. Youre safe. Im here. They'll never hurt you again. I would never let them hurt you again" Bigla niyang hinalikan ang noo ko at matapos nooy hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Ayos ka lang ba?! Anong masakit sayo?! Im sorry I doubted you. I love you. I love you...Langya tinakot mo ako" Aligaga at napakabilis ng kanyang pagsasalita. "From now on i will never let go of your hand. I love you" Peter
Hindi ko magawang magsalita dahil pawang hikbi at hagulgol lamang ang lumalabas sa bibig ko.
Bigla akong nakarinig ng isang impit na pag-ubo. Bakas sa boses niya ang sakit kayat dahan-dahan akong napatingin sa dereksyon ni Peyton.
Nakita kong nakahiga siya sa sahig. May kutsilyo pang nakabaon sa likuran niya. Panay ang pag-ubo niya at kasabay nuy paglabas ng dugo mula sa bibig niya.
Agad akong napahawak sa bibig ko. Labis akong nasasaktan sa nakikita ko.
Gumapang ako papalapit sa kanya at agad na hinawakan ang kamay niya.
Nagkatitigan ang mga mata naming lumuluha. Muli kong nakita sa mga mata niya ang matalik kong kaibigang si Peyton.
Bakas sa mukha niya ang sakit na kanyang nararamdaman. Biglang kumurba ang isang ngiti sa mukha niya at kasabay nun ay ang paghawak niya ng pabalik sa kamay ko.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at agad itong inilapit sa mukha ko sabay halik dito.
"A..akala ko ba hi..hindi mo na ako iiyakan" mahina at mautal-utal sa sabi ni Peyton habang hinahabol ang hininga niya.
Iyak lamang ang naging tugon ko sa kanya.
Huminga ako ng malalim at agad na nilunok ang hikbi ko. "Ni minsan ba...Ni minsan ba itinuring mo rin ba akong kaibigan? kasi ako hanggang ngayon ikaw parin si Ton-ton ko" iyak ko.
Muli siyang ngumiti. "Alam mo na ang sagot diyan mack-mack" mahinang bulong niya at dahan-dahang hinaplos ang pisngi ko.
Maya-maya pa ay tuluyan na siyang tumigil sa paggalaw.
Nakadilat parin siya pero alam kong wala na siya.
Muli akong napahagulgol at umiyak. Inilabas ko ang lahat ng sakit sa dibdib ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Niyakap ako ni Peter kayat yumakap din ako sa kanya pabalik.
Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap kay Peter.
END OF CHAPTER 30.
- - - - - - - -- - - - -
Author's Note : Nanginginig ko ang mga kamay ko habang nagta-type. Konting push nalang talaga. to hahaha. Pagpasensyahan niyo sna ang napakatagal kong updates. Mahirap kasi pag-college. hehehe. Balik impyerno. haha.
I love you guys!
God bless.
Thank you so much for reading.
VOTE and COMMENT <3
more importantly comment, kailangan ko ng feedback para naman makapag-improve. hahaha. Nakakahiya kasi kung parating sabaw tong sinusulat ko. hahahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro