Fear 27 : Good Friends
AUTHOR'S NOTE :
Nagkaroon po ng Side Story si Red entitled DYING TO LIVE AGAIN. Kaka-end lang po nito. Sorry kung sabaw. hehehe.
- - - -- - -- - - - - - -- - - -
PETER'S POV
"Tangina di ako makapag-isip ng maayos" mahinang bulong ko sa sarili ko habang nakatambay ako sa kusina.
Winiwisik-wisikan ko ng malamig na tubig ang mukha ko para naman makapag-isip ako ng maayos kaso walang epekto.
Langya hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Mahal ko si Mack pero hindi parin mawala yung pagdududa ko sa kanya. Tangina ayoko ng ganito.
Muling tumunog ang cellphone ko at dali-dali ko itong sinagot nang makitang itoy si Red.
"Red asa----" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Red.
"Peter! Si Robbie" Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa panginginig ng boses ni Red. Mistula itong hindi mapakali.
"A...anong nangyari kay master?!" Aligaga kong tanong
Tuluyan kong nalaglag ang cellphone ko nang marinig ko ang nangyari kay Master. Hindi maaari. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.
Bigla kong naalala si Mack kayat dali-dali akong umakyat sa kwarto niya.
Laking gulat ko nang makitang wala na si Mack sa kama niya. "Mackenzie nasaan ka?" sigaw ako ng sigaw ngunit walang sumasagot. Hinanap ko siya sa buong kwarto ngunit wala siya. Bigla kong naramdaman ang napakalakas na ihip ng hangin kayat napatingin ako sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang bukas ito. Muli akong binalot ng kaba.
Nagbakasakali akong nasa loob lang siya ng bahay ngunit wala talaga siya.
Lumabas ako upang tanungin ang mga pulis na nagbabantay sa labas ngunit laking gulat ko dahil maging sila ay wala nadin doon. Mga pulis nga ba talaga sila?. "Putangina" mahinang bulong ko nang bigla kong maalala ang mga nangyari noon sa retreat house.
Putangina. Ang tanga ko!
- - - - - - - - - - - - --
THIRD PERSON’S POV
“Kessler he took her! That son of a bitch took my sister!” Sigaw ni Travis na sinasabunutan ang sarili niya habang pabalik-balik sa paglalakad. Alalang-alala at takot na takot na ito sa maaaring nangyari sa kanilang bunsong kapatid.
“Travis you have to calm down! King loves Faith okay? Hindi niya sasaktan ang kapatid niyo” Sabi ni Kessler na pilit na pinapakalma si Travis ngunit maging siya mismo ay takang-taka na rin kung bakit kinuha ni Paxton si Faith.
“You said it yourself! Hindi na siya si Kuya Paxton na kapatid namin ni Faith! Siya na si King at ang importante lamang sa kanya ay ang tanginang larong to!” Nasapo na lamang ni Travis ang kanyang ulo dahil sa bigat na kanyang nararamdaman.
Biglang natulala si Kessler na parang may malalim na iniisip.
“Malapit nang ma-checkmate ang king” mahinang bulong ni Kessler na mistulang nagulat sa kanyang napagtanto. Humarap siya kay Travis. “He took her for a reason.” Dagdag pa ni Kessler.
Agad na nakunot ang noo ni Travis. “Anong ibig mong sabihin?” Bakas ang pagtataka sa mukha nito.
“He chose faith to be the queen. At sa palagay ko ay may dalawang posibleng mangyari ngayon, Magtatapos na ang laro o ang masaklap, Magsisimula ang panibagong laro.” Seryosong saad ni Kessler. “Don’t worry, King would not hurt her. Siguro sa hideout siya dinala ni King” dagdag pa ni Kessler.
Biglang nabuhayan ng loob si Travis sa sinabi ni Kessler. “Ano pang hinihintay natin?! Kunin na natin si Faith!” Sigaw naman ni Travis.
Agad napailing-iling si Kessler. “Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos! Siguradong papatayin ka nila oras na makialam ka. Wala pake si King kahit na magkapatid kayo, Papatayin ka niya kung magiging hadlang ka sa laro” Saglit na natahimik si Kessler at nag-isip. "Kailangan may plano tayo" mahinang bulong nito.
"Teka yung mga knights! Kilala mo kung sino-sino sila diba?! Sabihin mo sa akin si yung iba!" Muling sigaw ni Travis kayat napabuntong-hininga na lamang si Kessler.
- - - - - - - - - - - - -- -
RED’S POV
Nang makaalis ako sa morgue ay dali-dali akong pumunta sa banyo at agad na nanghilamos. Napakaraming tanong ang namumuo sa isip ko ngayon. Nasapo ko na lamang ulo ko dahil sa galit at agad na napaharap sa salamin. Akala ko magiging handa na ako kung sakaling may mangyari na namang ganito ngunit hindi. Nararamdaman ko na naman ang kabang kagaya ng naramdaman ko noong nasa retreat house kami.
Kung sana sinamahan ko lang si Master kanina…Sana…Sana hindi to nangyari sa kanya.
Unti-unting mamuo ang luha sa mga mata ko. Wala pa akong tulog kayat mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Bigla kong naalala si Natalie kayat dahan-dahan kong kinuha ang cellphone mula sa bulsa ko.
Maga-alas kwatro na ng umaga, sigurado akong tulog pa siya. Alam kong di ko siya dapat abalahin pero gustong-gusto ko lang talagang marinig ang boses niya. Pakiramdam ko gagaan ang pakiramdam ko kung makakausap ko siya.
“H..hello? langyahh natutulog pa yung tao. Sino to?” Reklamo niya nang sagutin niya ang tawag ko. Halatang-halata pa mula sa boses niya na antok na antok pa ito.
“Good morning sleepy head. Its Red sorry kung naabala kita” I said in a soft voice.
Narinig ko mula sa kabilang linya na napabalikwas siya nang marinig ang boses ko kayat kahit papaanoy napangiti ako. “Red ikaw pala! napatawag ka? Ang aga pa miss mo ako no?” biglang naging masigla ang boses niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. “I…I just want to hear your voice” mahinang bulong ko.
“Red…Red whats going on?” Tanong ni Nate sa seryosong boses.
Napailing-iling ako at mas hinigpitan ang paghawak sa cellphone ko. Ayokong sabihin sa kanya ang mga nangyayari dahil ayokong mag-alala siya. Ayokong malaman niya ang sinapit ni Robbie.
“Red tell me. Is there something wrong?” Alalang tanong niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. “Nothing. I….Id rather not talk about it” Napatingala ako upang pigilan ang pagtulo ng luha ko ngunit balewala. “Natalie…Natalie I love you. Makakahintay ka pa naman diba?” mahinang bulong ko.
“Red naman. Of course I’ll wait for you. Just be safe okay? Pag-ikaw….” Biglang natahimik si Nate at narinig kong napasinghot siya. Umiiyak siya. “Pag-ikaw bumalik dito na may bali ang buto dadagdagan ko yan!” sigaw niya habang nanginginig ang boses kayat napapikit na lamang ako. “Its been four months and I can still wait just promise me that you’ll be okay” dagdag pa niya.
Nasapo ko na lamang ang ulo ko at dahan-dahang tumango. “I promise. Don’t worry about me and please don’t cry. Ayokong umiiyak ka nang dahil sa akin. Ngiti na. Ngumiti ka, may chansa kang gumanda kung ngumiti ka. “
“Gago! Mang-asar ba” Reklamo ni Nate at bahagyang tumawa kayat gumaan an pakiramdam ko.
“Sige ibababa ko na. Kailangan mo ng bumalik sa pagtulog, baka maging mukha kang panda kung di ka makakatulog ng maayos. Bye. I love you” Paalam ko sa kanya.
“Teka sandali! Ano…uhm…. Yung tanong mo sa akin four months ago……. Yes red. Yes I love you.” Sa wakas ay narinig ko na ang mga salitang to mula sa kanya. “I love you so please mag-ingat ka, ayokong mawalan ng boyfriend na unggoy” Dagdag pa niya at agad akong binabaan.
Sa kabila nang pagsagot sa akin ni Natalie ay hindi ko parin magawang maging masaya.
Walang emosyon akong lumabas sa banyo. Babalik na sana ako sa kwarto nang bigla kong makita mula sa di kalayuan ang aligagang si Coach Sidney na umiiyak at mistulang may hinahanap na kwarto. Siguro alam na niya ang nangyari kay Robbie.
Nagtama ang mga tingin namin kayat dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin.
“M..magkaibigan kayo ni Robbie diba?! Nasaan siya?! Sabihin mo sa akin nasaan siya?!” Sigaw niya sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Dahan-dahan akong napayuko.
“Nasaan si Robbie?! Tinatanong kita!” saglit siyang tumigil sa pagsigaw at agad na napahagulgol. Pilit niyang tinatakpan ang bibig niya upang mapigilan ang hikbi niya kayat mas lalo akong naawa sa kanya. “Sinong hayop ang gumawa sa kanya nun?!” Muli niyang sigaw habang humahagulgol.“H..hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko siya. Ang tanga-tanga ko. Kung sana…kung sana sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko…” Mahinang bulong niya sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
Agad kong naingat ang ulo ko. “Coach Sidney….Alam kong malaki ang posibilidad na hindi makayanan ni Robbie ang operasyon pero Wag po tayong mawalan ng pag-asa. Ginagawa ng mga doktor ang lahat ng makakaya nila upang mailigtas ang buhay niya.” Seryosong saad ko upang kumalma siya.
Agad nanlaki ang kanyang mga mata at bigla siyang tumigil sa pag-iyak. “A..anong ibig mong sabihin? Buhay siya?” seryosong tanong niya sa akin na mistulang gulat na gulat at nakataas pa ang kilay.
Teka akala ba niya patay na si Robbie?
Dahan-dahan akong tumango. “Theres a bit chance that he would survive. Sabi nilang lahat isang milagro daw ang nangyari. May nakakita daw sa kanya habang duguan sa park. Isasakay na sana siya sa ambulansya ngunit bigla daw nilang napansin na huminga pa siya. Robbie’s a fighter. Ipagdasal nalang natin na sana…sana makaligtas siya” paliwanag ko sa kanya. Alam kong napakaliit parin ng chansa na mabubuhay siya pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.
Napatingin ako kay Coach Sidney at nakatingin lang siya sa kawalan.
“Coach Sidney okay ka lang?” tanong ko sa kanya at dahan-dahan siyang tumango.
"N..nasaan siya? K..kailangan ko siyang makita" mangiyak-ngiyak niyang tugon.
Sana lang mabuhay pa si Master.
Magkakalovelife na siya eh. Nangyayari na yung gusto niya, ang magka-lovelife.
- - - - - - - - - - - - - -
Pagdating namin sa operating room ay agad naming naabutan ang doktor na kalalabas lang mula doon kayat dali-dali namin siyang nilapitan. Duguan ang kanyang kamay kayat bahagya akong kinabahan.
"D..doc kamusta na ho ang pasyente? Patay na ho ba?" Tanong ni Sidney kayat bahagya akong nagulat.
Anong klaseng tanong yun. Ah, baka nadala lang sa bugso ng damdamin.
Dahan-dahang umiling ang doktor at agad natinanggal ang mask sa bibig niya. "Sa awa ng diyos ay naging matagumpay ang operasyon. That guy is indeed lucky. Mabuti nalang at mabilis siyang naisugod dito kayat naagapan pa namin ang pagdurugo ng internal organ niyang tinamaan. He's already at his room. Hindi namin masasabi kung kailan siya magigising kaso may posibilidad parin ng organ failure. Ipagdasal nalang natin na kayanin parin ng katawan niya." Paliwanag ng doktor
Mabuti nalang talagat may nakakita kay Master na duguan doon sa park.
Kahit papaanoy nakahinga ako ng maluwag.
Okay narin to atleast humihinga pa ang gago.
- - - - - - -- - - - - -
"Langya ka ang swerte mo talaga" Bati ko kay Robbie nang makapasok kami sa kwarto niya.
Napakaraming tubo ang nakakabit sa kanya at wala parin itong malay. Naaawa ako sa kanya pero sanay na naman siguro si Robbie sa ganyan.Sana nga lang magising na ang gunggong nato para magtulungan ulit kami sa mawala na yung kultong adik sa chess.
Narinig kong ini-lock ni Sidney ang pintuan kayat agad akong napalingon. Teka gagahasain ba niya ako tapos sa harapan pa ni Robbie? Nako mapapatay siya ni Natalie ko. Agad akong napailing-iling. Tangina Red wag mo munang pairalin ang kabaliwan mo!
Umiiyak si Coach Sidney habang tinatakpan ang bibig niya. Dahan-dahan siyang lumapit kay Robbie at hinawakan ang kamay nito.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Kailangan nila ng privacy... Ano ba ang pwede kong ipalusot para makaalis dito? Ah tama! Di pa pala alam ng pamilya ni Robbie ang nangyari sa kanya. Tatawagan ko nalang sila.
"Ah eh coach sidney maiwan na muna kita dito. Tatawagan ko muna ang pamilya ni Robbie para malaman nila ang lagay nito." Paalam ko sa kanya. Nginitian lang niya ako at dahan-dahang tumango.
- - - -- - - - - - - -
Isinilid ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko habang naglalakad ako sa corridors ng hospital. Gusto ko sanang bumalik sa morgue para magtanong ulit pero mas mabuti sigurong tawagan ko muna ang pamilya ni Robbie.
Ang weird mas una pang nakaalam ang nililigawan ni Master sa nangyari sa kanya kaysa sa pamilya niya.
Saglit akong natigil sa paglalakad.
Teka paano nalaman ni Coach Sidney na isinugod dito sa hospital si Robbie? Eh ako lang naman ang tinawagan ng mga paramedics tungkol sa nangyari kay Robbie dahil nakita nilang ako yung tumatawag sa cellphone ni Robbie nang matagpuan nila ito sa park.
Ah baka sinabihan lang ni Peter..
- - - - - - - - - -
Third Person’s POV
Nang makaalis si Red sa kwarto ni Robbie ay agad na kumurba ang isang ngiti sa mukha ni Sidney. Napabuntong hininga siya at dali-daling pinunasan ang luha sa mga mata niya.
“What the fvck is wrong with you Robbie Chen? Nabuhay ka na naman?” Mahinang bulong nito na inis na inis.
Napasinghal na lamang si Sidney nang maalala ang nangyari matapos niyang pagsasaksakin si Robbie.
Hindi niya napulsuhan ito dahil bigla na lamang siyang nakakita ng sasakyang mistulang dadaan sa gilid nila. Sa takot ni Sidney na baka may makakita sa kanya ay dali-dali na lamang siyang umalis sa park.
“Grabe talaga ng swerte mo, bilib na talaga ako sayo.”
Dahan-dahang naglakad si Sidney papalapit sa makinang nagbibigay buhay kay Robbie. “Sayang gusto sana kitang marinig na magmakaawa para sa buhay mo kaso kung hihintayin ko pa yun baka swertehin ka na naman. Putahamnida robs” Dagdag pa nito at agad na hinawakan ang switch ng makina.
“Are you sure youre gonna do that?”
Nanlaki ang mga mata ni Sidney nang bigla siyang makarinig ng bulong mula sa kanyang likuran.
Akmang pipindutin niya na sana ang switch ngunit dahil sa gulat ay dali-dali siyang napalingon upang tingnan kung sino ang nasa likuran niya.
Hindi na nagawang makapanglaban ni Sidney nang bigla na lamang ipinulupot ni Red ang kanyang braso sa leeg nito. “W..what the hell Red! Let go! Let go of me!” Sigaw ng sigaw ni Sidney na nasasakal na at dali-daling itinaas ang kanyang dalawang kamay na para bang nagpapaka-inosente.
“Ano sa tingin mong ginagawa mo? Huh?” Tanong ni Red habang naka-smirk at mas hinihigpitan pa ang pagkakasakal kay Sidney sabay tutok ng kutsilyo sa sikmura nito. “One Move and I swear to God I’ll stab you like theres no tomorrow.” Banta muli nito kay Sidney kayat bahagya itong natakot na magpumiglas.
Napalunok na lamang si Sidney dahil halos di na siya makahinga ngunit ipinagpatuloy lang niya ang pagmamaang-maangan. “Please don’t hurt me! Sinisigurado ko lang kung maayos ba ito! Red youre scaring me! HELP! HELP SOMEBODY!” Maluha-luhang sigaw nito.
Napangiti na lamang si Red at dahan-dahang idiniin ang kutsilyo sa balat ni Sidney.
“Tss. Im not that dumb sidney…Tanong ko lang anong role mo sa laro? Knight? Queen? Pero base sa ginawa mo kay Robbie Its either youre a stupid rook or bishop” Sabi ulit ni Red gamit ang napakalamig nitong boses na mistulang nakahanda ng pumatay.
Gulat na gulat si Sidney sa narinig ngunit ilang sandali pay tumawa na lamang ito. “Wow you did your research keith’s brother. Im impressed! And youre also good at sneaking up on people! Ang galing mo di ko napansin na pumasok ka na pala ulit sa kwartong to. Yung totoo may lahi kang ninja?”Sarkastikong tanong ni Sidney na nakataas parin ang dalawang kamay sa ere.
“Hindi, tanga ka lang talaga dahil di mo napansing bumalik ako. Ay hindi! Hindi pala tanga…Manhid. Manhid kang babae ka. Yang ugok na si Robbie? Sa maniwala ka’t sa hindi minahal ka niyan. Sinayang mo lang.”Saad pa ni Red at muling napa-smirk.
“Hey piece of advice patayin mo na ako kesa maunahan pa kita” Tugon din ni Sidney kahit nahihirapan na itong huminga habang nakangiti rin at ayaw ipakitang nanghihina na ito.
*Blag*
Sabay na napalingon sina Sidney at Red sa pintuan nang marinig nilang bigla itong bumukas. Agad tumambad sa kanila si Chippy na nakasaklay pa.
“Red?! Coach Sidney?! Anong nangyayari dito?!” Biglang sigaw ni Chippy na gulat na gulat at nanlalaki ang mga mata.
“Chippy tumawag ka ng police! Papatayin niya si Robbie!” Sigaw ni Red na mas hinihigpitan parin ang pagkakasakal kay Sidney sa takot na makawala ito.
“Chippy tulungan mo ako! Nababaliw na siya! Papatayin niya ako tulungan mo ako!” Iyak din ni Sidney na muling nagpapaka-inosente.
Mistulang nanigas si Chippy sa kanyang kinatatayuan. Mistula itong litong-lito kung sino ang paniniwlaan.
Dahan-dahan siyang humakbang papasok ng kwarto na para bang natatakot. Bigla niyang padabog na isinara ang pintuang nasa likuran niya. Unti-unting kumurba ang isang kakaibang ngiti sa mukha ni Chippy. Isang mala-demonyong ngiti….
“Shhh! Wag nga kayong magsigawan baka marinig tayo ng mga hospital staffs!” Sita ni Chippy sa kanila.
Agad na nakunot ang noo ni Red at dahan-dahan itong napalunok. “You have got to be kidding me”mahinang bulong ni Red ngunit kahit ganun ay hindi parin niya hinahayaang makapumiglas si Sidney palayo.
“You should let go now red” Mahinang bulong ni Sidney habang tumatawa. “Chippy sabihan mo nga tong unggoy nato na pakawalan ako” sigaw naman ni Sidney
“Now fvcking way” Mahinang bulong ni Red at mas diniinan pa ang kutsilyo hanggang sa dumugo na ito kayat napasigaw na lamang si Sidney sa sakit. “Isa pang hakbang papalapit at sasaksakin ko na talaga tong kakulto mo chippy” Banta ni Red na ipinapakita paring hindi siya natitinag.
Tumawa lamang si Chippy kayat agad na napataas ang kilay ni Sidney.
“Chippy what the fvck help me here!” Sarkastikong sigaw ni Sidney at agad na pinandilatan ito ng mata ngunit nagpatuloy parin sa pagtawa si Sidney.
“Tangina mga baliw kayo” mahinang bulong naman ni Red.
Bahagyang tumigil si Chippy sa pagtawa. Bigla na lamang naging seryoso ang mukha nito at tiningnan sa mga mata si Red. “Wala akong pake patayin mo nalang yan Red” seryosong saad ni Chippy kayat nanlaki na lamang ang mga mata ni Red.
Nang walang ano-anoy bigla na lamang may inilabas si Chippy na scalpel mula sa kanyang bulsa at inihagis ito sa ulo ni Sidney. Tumama ang mismong talim nito sa mata ni Sidney kayat otomatikong bumuhos ang napakaraming dugo.
Sa gulat ni Red ay nabitawan niya si Sidney at agad na bumulagta ang walang buhay nitong katawan sa sahig. Nanlaki ang mga mata ni Red at mistula itong nanigas sa kinatatayuan.
"Thats what I call bullseye bitch" mahinang bulong ni Chippy at dali-daling sinugod si Red.
Agad natumba sa duguang sahig ang dalawa. Pilit na umiilag si Red sa bawat suntok na binibitawan sa kanya ni Chippy. Gigil na gigil at mistulang nanggagalaiti si Chippy dahil kahit bugbog sarado ang kanyang katawan ay pilit parin siyang gumagawa ng paraan upang saktan si Red.
Nagpambuno ang dalawa hanggang sa tuluyang mahawakan ni Chippy ang leeg ni Red. "Kung alam mo lang gaano kita katagal gustong patayin!" sigaw ni Chippy at agad na inilabas ang isang syringe mula sa kanyang bulsa at agad na ininject ito kay Red.
"Putangina!" Sigaw ni Red at muling nagpumiglas hanggang sa tuluyan niyang maitulak si Chippy palayo.
Tumigil sa pag-atake si Chippy at napangiti na lamang ito habang nakaupo sa sahig. "Sorry red. Malakas ang drogang yan ilang segundo nalang mawawalan ka na ng malay. Pagkatapos ko nun pwede ko ng gawin sa iyo ang lahat ng pagpapahirap na matagal ko nang gustong maranasan mo" seryosong saad ni chippy at agad na napasmirk.
"Hayop ka chippy!" Sigaw ni Red at dali-daling sinakal ni Chippy.
"Its lucifer" mahinang bulong ni Chippy at agad na tiningnan sa mga mata si Red na puno ng galit.
Unti-unti nang nahihilo si Red kaya naman unti-unting lumuluwag ang pagkakasakal niya kay Chippy. "W..why?"mahinang bulong ni Red.
"Why?! You killed my friend! You killed Keith! Ikaw yung kuya pulang unggoy niya! Mahal na mahal ka niya at hangang-hanga siya sayo noong mga bata pa kami pero ano Red?! Pinatay mo lang si Keith! Pinatay mo ang matalik kong kaibigan!" Sigaw ni Chippy na umiiyak na. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanya!" dagdag pa nito.
Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Red hanggang sa mapangiti ito.
dahan-dahan itong napabitaw sa leeg ni Chippy na parang nanlulumo at hilong-hilo na.
"Th...thanks for being a good friend to her" mahinang bulong ni Red hanggang sa tuluyan itong mawalan ng malay.
Dali-daling pinunasan ni Chippy ang luha sa mga mata niya at tumayo kahit na iika-ika. "Time to pay red" mahinang bulong nito at agad na kinuha ang kutsilyong nakatusok pa sa mata ni Sidney.
Nang matanggal ni Chippy ang kutsilyo sa mga mata ni Sidney ay agad na lumabas ang mas marami pang dugo at maging mga laman mula sa sugat nito. "Btw, ate sid sorry traydor ka eh." mahinang bulong nito.
"Sayang wala si Lucy..Langyang Eroll saan niya kaya dinala yun?" tanong ni Chippy sa sarili at agad na lumapit kay sa walang malay na si Red.
Napangiti si Chippy at Napabuntong hininga agad niyang sinaksak ng napakalakas ang likod ni Red.
END OF CHAPTER 27
- - - - - - - - - - -- - - - - -
So yeah buhay si Master Robbie :)) Hihihihi. sorry for trolling :)))))
Si Nate, basta siya yung sa DTLA. hohohoho.
Hanggang dito nalang author's note ko. Wala na akong masabi. hahaha.
Maraming-maraming salamat sa pagbabasa kahit sobrang sabaw na.
THANKS FOR READING
VOTE AND COMMENT ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro