Fear 25 : Rest In Sh!t
PETER'S POV
Awang-awa ako para kay Mack. Alam ko ang pinagdadaanan niya ngayon dahil ganito din ang naging sitwasyon ko noon. Pero alam kong mas masakit ang sitwasyon niya dahil mismong mga kaibigan niya ang gumawa nito sa kanila.
"Teka nasaan si Travis at yung daddy ni Mack? Kailangan sila ngayon ni Mack" Tanong ko
"Nasa eskwelahan pa ang daddy ni Mack. Pinaghahanap pa nila yung iba." Red
"Sabi ni Caleb madami daw sila pero bakit iilang bangkay lang ang natagpuan dun?" Master
"Ang mga knights" mahinang bulong ko.
Biglang tumunog ang cellphone ni Master kayat agad siyang nagpaalam na lalabas muna. Paglabas niya ay siya namang pagpasok ni Travis sa kwarto.
Napaka-awkward ng sitwasyon namin.
Hindi namin alam kung ano ang sasabihin.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Travis. "M...mack!" sigaw niya kayat agad kaming napalingon kay Mack.
Nagulat kami nang makitang nakatayo na si Mack at pilit na tinatanggal ang dexrose sa kamay niya. Lalapitan ko sana siya kaso naunahan ako ni Travis.
"Wag ka munang tumayo di mo pa kaya!" Alalang sigaw ni Travis at agad siyang inalalayan upang mapabalik sa kama.
"Let go of me. I have to see chippy" Sabi ni Mack na may napakalamig na boses. Wala akong ibang emosyong nakikita sa mukha niya pero nakikita kong patuloy sa pagbuhos ang luha niya.
Teka kanina pa ba siya gising? Baka narinig niya yung sinabi ko? O_O
"Wag matigas ang ulo. Magpahinga ka muna hindi mo pa kaya" travis
"Let Go! Chippy needs me! Siya nalang ang natitirang kaibigan ko kayat pwede ba bitawan mo ako!" Sigaw ulit ni Mack ni mack at agad na umalis kahit halatang nahihirapan pa ito.
Napatingin ako kay Travis at bahagya akong nakaramdam ng awa para sa kanya.
Magkapatid sila pero bakit hanggang ngayon ayaw niyang aminin ito kay Mack?. May malaking posibilidad na mamamatay rin siya pero pakiramdam ko mabuting tao siya.
- - - - - -- - - - -- -- -
"Chippy!" Sigaw ni Mack habang humahagulgol at dali-daling niyakap si Chippy na kakagising lang. Nakakabwisit. Bakit si Chippy niyakap niya samantalang ako hindi? T_T
Bugbog sarado si Chippy pero nagagawa parin niyang ngumiti. Buti nalang talaga at yan lang ang inabot niya. Pero pag yan sumobra sa yakap ako mismo ang bubugbog ulit sa kanya.
Nasa pintuan lang kami nila Travis at Red habang nakatanaw sa kanilang dalawa at rinig na rinig ang pag-uusap nila.
Saglit na bumitaw si Mack kay Chippy at agad na hinawakan ang mga kamay nito. Huminga siya ng malalim at mistulang pinipigilan ang kanyang sarili sa paghagulgol. “O..okay ka na ba? Salamat sa diyos at buhay ka. Akala ko talaga mawawala ka rin sa akin” Mahinang bulong ni Mack at tuluyan ng napahagulgol.
Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ni Chippy “M…mack anong ibig mong sabihin?! Mack anong nangyari?!” Tanging iyak lang ang naging sagot ni Mack kayatNapalingon sa amin si Chippy, Alam kong andami niyang tanong pero yumuko na lamang kami at umiwas ng tingin sa kanya. Muli siyang humarap kay Mack. “Mack nasaan sila?! S…sina Peyton?! Nasaan sila?!” Sigaw ni Chippy at muling napaiyak.
Napahagulgol na lamang si Mack at agad na napailing-iling.
“Hindi….” Mahinang bulong ni Chippy kayat agad siyang niyakap ni Mack. Pawang humahagulgol silang dalawa. Ramdam namin ang sakit na kanilang nararamdaman. “Hindi!” Sigaw ni Chippy at muling umiyak na parang isang bata.
"Chip ikaw nalang ang natitirang kaibigan ko please wag mo akong iwan.. Please" mahinang bulong ni Mack.
"Peter yung uhog mo" mahinang bulong ni Red sa akin.
Tangina hindi ko na malayan naiyak na pala ako. bwisit.
"Gago ka red" mahinang bulong ko at agad na ipinahid sa kanya ang luha ko.
"Tsss" red
Napatingin ako kay Travis. tahimik lang siyang nakatingin kay Mack at Chippy.
"Ngayon ka niya kailangan. Siguradong Matutuwa siya kapag nalaman niyang may kapatid pa pala siya" mahinang bulong ko kay Travis.
Agad siyang napailing-iling. "Not yet....Please wag niyo munang sabihin" Sabi niya at agad na umalis.
- - - -- - - - - - -- - -
ROBBIE'S POV
Napatingin ako sa cellphone ko.
BuKo Calling
hihihihihihi. tinatawagan ako ni sidney mylabs. hihihihi
"Hey.. sup?" pa-cool kong sagot.
"Robs anong nangyari sa school? sabi nila may mga pulis daw!" Alalang tanong ni Sidney kayat agad ko siyang pinakalma.
Agad akong napabalikwas "Whatever you do dont go to the school. Masyadong magulo doon! Nasaan ka?” Tanong ko at agad na lumabas ng hospital.
“Ha? Bakit?! Nandito ako ngayon sa park, Bumili ako ng midnight snack kaso I got stuck dahil sa napakalakas na ulan. Robbie sabihin mo nga, anong nangyari?!” Alala niyang tanong.
“Diyan ka lang. Pupuntahan kita” sabi ko at agad siyang binabaan.
----------------
Pagdating ko sa park ay napakalakas parin ng ulan kayat patakbo-takbo akong habang hinahanap si Sidney ko.
"Robs dito!" Bigla akong nakarinig ng sigaw kayat agad akong napalingon-lingon sa paligid.
Asan ba siya? bakit di ko makita.
"Robbie! hoy dito!" Sigaw niya ulit.
Muli akong napalingon sa kaliwang bahagi ko. Napingiti na lamang ako nang makita ko si Sidney na kumakaway sa akin. Nasa isang waiting shed lamang siya kayat dali-dali akong tumakbo papunta doon.
"Woohoooo lakas ng ulan! hahaha!" Sigaw ko nang makarating ako sa waiting shed. Nyeta basang-basa pa ako.
"Loko! bakit di ka nagdala ng payong! Baka sipunin ka niyan!" Sigaw niya at agad na pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya.
Pakiramdam ko mawawasak na ang bibig ko dahil sa lapad ng ngiti ko ngayon. Ang sweet ni Sidney ko! Lord salamat po talaga! Ang saya ko parin sa kabila ng mga kagaguhang nangyayari sa buhay ko.
"Bakit nakangiti ka? May nakakatawa ba?" taka niyang tanong at agad na nag-pout.
Utang na loob! wag kang mag-pout sa harapan ko at baka mahalikan kita ng wala sa oras!
"Wala masaya lang ako" mahinang bulong ko.
"Baliw hindi ka magiging masaya kung lalagnatin ka" sidney
Napa buntong hininga na lamang ako. Mayabang ako pero bakit hanggang ngayon di ko parin nasasabi ang nararamdaman ko sa kanya. Lintek na confidence level to.
"Nga pala anong nangyari sa school?! Nakatanggap ako ng mga message mula sa ibang teachers. T..totoo bang may pinatay" Takang tanong niya at mistula na itong naiiyak. "Robbie anong nangyari?!" dagdag pa nito
Walang saysay kung magsisinungaling pa ako kayat dahan-dahan akong tumango. "They were murdered" Sagot ko at agad na napayuko.
"Oh my god" mahinang bulong niya at agad na napaupo habang hawak-hawak ang kanyang bibig. "H...how could this happen? Theyre good people. No.. no" Mahinang bulong nito at agad na napaiyak kayat dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Hey shhh.. stop crying okay? Wag kang mag-alala mapaparusahan din ang mga demonyong may gawa nun" mahinang bulong ko at agad siyang niyakap. Hinimas-himas ko ang likod ng ulo niya upang tumigil siya sa pag-iyak. "Dont be scared okay? Nandito ako" dagdag ko pa.
"T..talaga?" Mahinang bulong niya malapit sa tenga ko.
"Oo naman. Di kita iiwan. Hanggat kasama mo ako, hindi ko hahayaang may mangyayaring masama sayo. I......I love you" mahinang bulong ko. Bahagya akong napangiti. Sa wakas nasabi ko na rin ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya.
Dahan-dahan siyang bumitaw pagkakayakap ko at tiningnan niya ako sa mga mata. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin kayat ganun din ang ginawa ko hanggang sa tuluyan nang dumampi ang labi namin sa isat-isa.
Kung wala lang talagang nangyaring patayan sa araw nato. Maituturing kong ito na talaga ang pinaka-masayang araw ng buhay ko. After 20 years of existance, Ngayon lang ako naging ganito kasaya.
Bahagyang napangiti si Sidney kayat maging ako ay napangiti nadin.
"I hate you." Mahinang bulong niya.
Teka anong pick-up line to?
Nagulat ako nang biglang nawala ang ngiti sa labi niya. Tanging galit lang ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Matinding galit ito......galit sa akin.
Nagugulahan ako sa nangyayari kayat agad na nakunot ang noo. Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita ngunit laking gulat ko nang imbes na boses ko ang lumabas ay dugo na....Napakaraming dugo.
Nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa tiyan ko kayat dahan-dahan akong napayuko at Laking gulat ko ng makitang duguan na ako at hawak pa niya ang kutsilyong nakatusok parin sa akin.
Dahan-dahan akong napanganga. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko kaya dahil sa sakit. Hindi pisikal ngunit emosyonal na sakit. Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko. Mahal kita sidney...B..bakit? Humarap ako sa kanya. Punong-puno parin ng galit ang mga mata niya.
"B..bakit?"Mahinang bulong ko habang pilit na iniinda ang hapdi ng sugat ko.
Bigla siyang napa-smirk at mas diniinan pa ang kutsilyo kayat napaungol na lamang ako sa sakit. Hindi ko na nagawang makakilos pa nang bigla niyang hinila ng marahas ang buhok ko at tinulak ako sa sahig.
[Play The Song On The Multimedia Box]
Unti-unti na akong nanghihina dala ng sugat ko. Napakarami ng dugo ang nawala sa akin kayat bahagya ng nanlalabo ang paningin ko. Napaksakit, Ramdam na ramdam ko ang pagkahiwa ng balat at laman ko.
"You said it yourself Robbie Chen...Mapaparusahan ang mga demonyo." bigla niyang inapakan ang pribadong parte ko at agad na hinugot ang kutsilyong nakasaksak pa sa tiyan ko.
"NYETAAAAA!" napasigaw na lamang ako ng napakalakas dahil sa sobrang sakit.
"Natuto kang lumandi, Magtiis ka sa hapdi. Any last words Angel of Death?" Mahinang bulong niya habang nakasmirk.
Naikuyom ko na lamang ang kamao ko at agad na huminga ng malalim para humugot ng lakas upang makapagsalita. "I...Ioved you..." Dahan-dahan akong napangiti. "I loved you, you bitch" dagdag ko pa.
"Tsk.Tsk." mahinang bulong niya at agad na napailing-iling. "Malas mo kasi eh! Nagpadala ka sa kagandahan ko! hahaha" Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. "How does it feel robbie chen? How does it feel to be heartbroken?" mahinang bulong niya habang nakataas ang isang kilay.
Napakagat na lamang ako sa aking labi upang makayanan ang sakit sa aking tiyan. "It hurts...It really hurts Sidney. A..alam mo ba sa unang beses na magkita tayo.....Minahal na kita." Mahinang bulong ko habang hinahabol ang hininga ko. Hindi tumitigil ang pag-tulo ng luha ko, Parang may sarili itong isip.
"Well good...Now You know how I felt!" Bigla niyang sigaw at muli akong sinaksak kayat napatingala na lamang ako at napanganga dahil sa sakit. Shit!
Nyetang buhay...Nahulog na ako sa hagdan ng maraming beses, Nabaril na ako, Nahabol ng sandamakmak na aso, Nabangga sa kotse, Nakulong na ako sa banyong puno ng dumi. Pero ang babaeng pinakamamahal ko lang pala ang papatay sa akin. Punyetang buhay.
"You know what Robbie Chen?...Yung unang pagkikita natin? Di yun gawa ng tadhana. Sadyang inutusan lang ako ni King na bantayan ka. See im a Rook. Im known as Spike. Hindi ako player sa past game but Special ka daw sabi ni King eh kayat parati kang pinababantayan sa akin." Paliwanag nito. Napangiti na lamang ako. Punyetang tadhana. "I dont love you Robbie Chen...I never have..I never will. Do you wanna know why?" Muli siyang humakbang at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "You killed the most important person in my life...You killed the person I loved the most....You killed Drake!"
Napapikit nalamang ako dahil sa nalaman ko.
Gusto kong kumilos pero sadyang hinang-hina na ako.
"You killed drake. He was the only good thing in my life but you took him away from me!" sigaw niya
Napngiti na lamang ako. "I...I didnt kill him. W..well I wanted to" mahinang bulong ko. Natigil ako sa pagsasalita dahil napasuka ako ng dugo. "King killed him not us" dagdag ko pa.
"Lying will get you nowhere robbie chen. Diba ikaw din naman ang nagpalapa sa kanya sa aso? You left him for dead! You..You son of a bitch!" Bigla niyang sigaw at agad na napaiyak. "Bakit mo siya pinatay?!" Sigaw pa niya at agad na napahagulgol.
Kung masakit mahulog sa hagdan...Mas masakit pala ang matraydor ng taong minahal mo.
Siguro nga wala talagang taong magmamahal sa akin...
Tumayo si Sidney "Dont worry robbie chen..Im also doing you a favor here...Diba gusto mong mawala ang Anonymosities. Guess what? By killing you..Im also killing the Bishop." Mahinang bulong nito at kinindatan ako.
Nanlaki ang mga mata ko. Gulat na gulat ako sa narinig.
Ibig sabihin, hindi sila natakot sa mop ko kanina?
Ibig sabihin naging kasangkapan din ako sa tanginang laro nila?
"Pinadalhan ka ng kutsilyong may naka engrave na letter right?. That was the sign that youre the new bishop. But you know what? Wala akong pake kung Bishop ka! Wala akong pake kung takot sayo ang mga knights! Wala akong pake sa rules. See I want you to die...I want you to die in the most painful way" Sidney
"Tangina kayo" mahinang bulong ko.
"Likewise Robs..." Mahinang bulong niya at muling lumuhod upang maging magkapantay ang mukha namin. "Your survival streak ends here. Hindi ka isang pusang maraming buhay Robbie Chen...Isa ka lang ipis na matagal mamatay" Napasmirk ito habang nakatingin sa mga mata ko. "Wala ka na bang sasabihin?" tanong niya.
Napasinghap ako at pinilit na huminga sa kabila ng sakit na nararamdaman ko dahil sa mga saksak ko. "GO TO HELL" Mahinang bulong ko.
"Well mauna ka na Robbie Chen. Say hi to satan for me" Muli siyang tumayo. "Goodbye Robbie Chen. May you Rest in Shit" Dagdag pa nito
Unti-unti nang bumibigat ang mga mata ko. Umabot na sa sukdulan ang sakit na nararamdaman ko at alam kong hindi na ito kakayanin ng katawan ko. Katapusan ko na to.
Rain magkikita na ulit tayo....
Siguradong magkaka-reunion kami ng mga kaklase ko sa langit.
Napangiti na lamang ako. Ipinanganak ako sa mundong to na umiiyak kayat ayokong umalis sa mundong to na umiiyak parin.
Napasinghap ako at dahan-dahang napatingin sa mga mata ni Sidney sa huling pagkakataon. Kitang-kita ko parin ang galit sa mga mata niya pero wala akong magagawa, Mahal ko siya eh. Nagpatuloy na lamang ako sa pagngiti hanggang sa tuluyan ng dumilim ang lahat....
- - - - - - - - - - -- - - - -
Author's Note :
Yung reason kung bakit tinatakbuhan si Robbie ng mga killers sa previous chapter ay dahil siya ang Bishop. Bawal masaktan ang bishop eh. Kaso may galit lang talaga si Sidney sa kanya kaya trayduran. hohohohoho .
Pinakamahirap na sinulat ko </3
Sorry. Im sorry for this chapter guys. Maging ako, I feel bad about this. But hey Robbie Chen had a good life. At least pogi parin siya. T_T
Rest In Shit Robbie Chen ♥
Thanks for Reading.
Vote and Comment ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro