Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fear 17 : Confessions

ROBBIE'S POV

Langya kailangan pang isemento ng nyeta kong braso. bwisit yung king na yun. Humanda siya sa akin pag magkikita kami ulit.

"Idol yung totoo ano pong nangyari sa kamay niyo?" patuloy paring pangungulit ni Caleb sa akin ngunit di ko nalang pinapansin. baka masapak ko lang, Ayokong mapahiya kay Sidney.

"Waaaaaa! Kanina ka pa nakatingin kay Coach Sidney ah! Yung totoo sir may gusto ka sa kanya nooo?" Tanong ni Caleb habang sinusundot ako. Espirito ng pasensya, sapian mo ako!

Umagang-umaga ay naisipan kong tumambay dito sa Oval nagbabakasakali akong nandito si Sidney kaso ang masaklap bumuntot agad sa akin tong alagad ni Peter. Mabuti nalang at mag-isa lang siya, di niya kasama yung matangkad na isip bata kundi mamamatay na talaga ako sa pikon.

Mapakinabangan nga tong si Caleb..

"Caleb yung kaklase niyong si Julie anyare dun?" tanong ko sa kanya sabay tingin sa kanya ng deretso.

Bigla siyang napalunok na para bang kinakabahan at agad na natahimik. para siyang hindi mapakali? natatae ba siya?

"Sa horror movies may motive ang multo kapag nagpaparamdam ito. Usually hindi niya iyon ginagawa bilang trip. In horror movies, its either a curse, revenge or the worst case, malas lang talaga ang character" deretsahang sabi ko sa kanya sa pag-asang may masasabi siyang sikreto.

Nagulat ako nang bigla siyang napasigaw na para bang takot na takot. "KYAAA! OO NA! OO NA!" sigaw niya gamit ang nanginginig na boses. "Nagplano kami ng birthday party para kay topher four months ago tapos nagkaroon kami ng prank para sa mga transferee gamit ang spirit of the fvcking glass i dressed up as a fvcking amazing ghost everyone got scared everyone ran everyone was having a crazy good time pero biglang bumulagta si julie hindi namin kung ano yung nangyari pero hindi na siya humihinga natakot kaming lahat dahil baka mapagbintangan kami kayat isinikreto namin yun we made a pact to keep it a secret kaya ngayon nagmumulto na si julie! the guilt is eating me aliveeeee!" Bumigay nga! Napakabilis at walang preno niyang sabi habang inaalog ako kayat hindi na ako nakapagpigil pa at agad ko siyang nabatukan.

"NYETA HINDI TO FLIPTOP! HUMINGA KA! HINGA!" sigaw ko habang pilit siyang pinapakalma.

"Idol please mangako kang wala kang pagsasabihan!" pagmamakaawa ni Caleb kayat tumango na lamang ako. 

Pero tama ba yung narinig ko? Nagkaroon sila ng pact? Hindi kaya ito ang naging dahilan sa pagpili ng manlalaro?

"Who else knows?" tanong ko

"Lahat kaming natira sa section namin?" mahinang bulong niya

 - - - - - - - ---- -- -

ZEKE'S POV

Masyado akong maagang nakarating sa walang kwentang eskwelahan nato kayat naglakad-lakad muna ako upang maghanap ng mapapagtambayan. Tsss....Kung hindi lang nangyari yung aksidente sana madami akong babaeng pagpipilian ko na magpapasaya sa akin ngayong nababagot ako.

Hindi ko alam pero umabot ako sa pangatlong palapag kung saan pinatay ang bungangerong si Jiro. Masyadong malaki ang eskwelahang to pero ewan ko ba, gustong-gusto kong maglagi dito.

Saglit akong napadungaw sa bintana at nakita ko ang iilang mga estudyanteng kararating lang sa eskwelahan. Nakakatawa lang isipin, Highschool life daw ang pinakamasaya? Oo masaya nga pero hindi para sa mga estudyanteng naririto...


bigla kong naramdamang may parang dumaan sa likuran ko ngunit paglingon ko ay wala namang tao. Biglang tumindig ang balahibo ko.

Bahagya akong napabuntong hininga. 

Napangiti na lamang ako. Noon natakot ako pero ngayon hindi...Hindi na natatakot sa kanya.

"Julie I know youre here...Dont worry Im not scared...You were weak when youre alive, Ano pa kaya ngayong aparisyon ka nalang?" Napasinghal na lamang ako at agad na napailing-iling habang tumatawa. Kawawang babae.

 - - - - -- - - -  -- - -- - 

MACKENZIE'S POV

"Oy topher bat ang tahimik mo?" tanong ko kay Topher habang nakatambay kami sa hagdanan. Hindi pa kasi dumarating ang apat kayat kami muna ang magkasama.

"Inaantok ako eh. Mack naka-study ka na ba sa quiz mamaya sa trigonometry?" tanong niya sa akin.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang napalingon sa kanya. "M..may quiz sa trigonometry?" Oh god, Have mercy...ayoko pong matunawan ng brain cells.

tumawa lang si Topher at tinapik ang balikat ko. "Good luck mack" panunukso niya sa akin.

"KYAAAAAAAAAA! topher maawa ka hindi ako nakapag-study. huhuhu. ikaw yung natitirang pag-asa ko" sabi ko sabay kapit sa braso niya.

Tumawa lamang siya "Oo na oo na! Mamaya iaabot ko nalang sayo yung scratch paper ko!" Sabi niya habang tumatawa.

"KYAAAAA! SALAMAAAAAT!" sigaw ko sabay hablot ng eyeglasses niya at agad itong sinuot. hindi na niya nagawang makapalag! bwahahahah!

"Oy nanlalabo ang paningin ko! tangina ibalik mo nga!" pabirong sigaw ni Topher ngunit tinawanan ko lang siya.

"Eeee! sinusubukan ko lang naman kung tatalino ba ako pagsinuot ko to! Sabi kasi ni chippy genius daw yung mga nagsusuot ng eyeglasses!" ako

"Aish! Cliche yan! Sino ang nagpasimuno niyan papatayin ko!" pabirong sigaw ni Topher kayat tumawa nalang ako. 

"Nga pala tulungan mo naman ako sa iba oh. Anytime kasi babalik na ako sa U.S , ayokong magtampo sila lalong-lalo na si Chippy at Peyton. Alam mo naman yung dalawang yun. Magma-marathon na naman ang kadramahan nun" ako

Agad nakunot ang noo ni Topher. "Anak ng baboy ramo oh! Aalis ka? ambilis naman yata! Ah sigurado akong di ka makakaalis." bigla itong ngumiti.

"bakit mo naman nasabi? Totohanan na kaya to. My dad's freaking out. Ayoko pa nga sana kaso pinipilit na niya ako eh" ako

bigla niya akong inakbayan. "Di mo kami matitiis eh! Tara na nga sa classroom, baka maabutan pa tayo ng bell" sabi niya at agad na tumayo.

- - - - - -- - - - - - - - -

RED'S POV

Sobrang sakit pa ng katawan ko kayat naisipan kong umabsent muna. Langya buti nalang di ako na dedo kundi papatayin talaga niya ako.

Napatingin ako sa salamin at muli kong nakita ang pogi kong mukha.

Pakshet ampogi ko talaga...

Saglit akong napadungaw sa bintana at napansin kong nasa loob pa ng bahay nila mack ang daddy niya kayat dali-dali akong pumunta doon.

- - - - -- - - - - 

Pagbukas pa lang ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang nakangiting si Mr. Lee. Hindi sila magkamukha ni Mack pero parang magkaugali naman sila..

"O iho anong sadya mo?" tanong niya sa akin at agad akong pinapasok sa loob ng bahay nila. 

"Sir a...ako po si Red Adriano." sabi ko habang dahan-dahang tiningnan siya sa mata.

Agad na nawala ang ngiti sa mukha niya. Kitang-kita ko ang kaba sa mata niya. "From j..jeongsin academy right? Condolence nga pala. Sorry for what happened to your classmates.  A...anong maitutulong ko sayo?" sabi nito na parang nauutal. para sa isang taong malaki ang posisyon sa gobyerno,  hindi dapat siya ganitong umakto. 

Ngumiti na lamanga ako. "Sir im not here to talk about what happened months ago......Im here to ask you about what happened 10 years ago. Siguro hindi mo na ako naaalala, pero ako naaalala kita. Parati kang nandun sa bahay para balitaan kami sa imbestigasyon" sabi ko sa kanya gamit ang kalmado kong boses. Nakakapakshet din naman kasi kung magpapaka-siga ako, pulis tong kaharap ko baka makulong pa ako.

Tumango-tango siya. "I know...I remember you. Ang laki mo na pala and your hair is very different now." Bigla siyang ngumiti. Halatang awkward na. "Im sorry about what happened to your cousin" dagdag pa nito. 

"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan ko pong malaman kung nasaan na yung mga batang kasama ni Keith noon." ako

Agad na nanlaki ang mata niya. "Why?" 

"Because if I wont, more people will die." deretsahan kong sabi. Mistulang nagulat siya sa sinabi ko at mistulang hindi naniniwala. "Yung nangyari sa amin sa Jeongsin, Maaaring sila ang may gawa nun. Ayaw mo naman sigurong magaya dun sila Mackenzie diba?" dagdag ko pa.

Agad na nakunot ang noo niya na para bang hindi naniniwala at tinitingnan ako na para bang high ako"Iho wala kang basehan sa mga sinasabi mo at isa pa it was 10 years ago. Maaaring may nakaampon na sa mga batang yun." sabi ng daddy ni Mack na para bang hindi mapakali.

 

"I NEED NAMES" ako

"I cant remember the names! God that was ten years ago. Chances are, they already changed their names.  All I know is that when they were rescued, ibinalik na sila sa mga pamilya nila at yung mga naulila ay pansamantalang pinatuloy sa orphanage! Hindi na namin nalaman pa ang mga pangalan ng mga batang yun dahil ulila na sila at maging sila ay halos hindi rin magsalita!" sigaw pa nito sabay angat ng mga kamay niya. "Ang iba sa mga bata ay pansamantalang inaruga ng partner kong detective for a few months kaso may naka-adopt naman agad sa kanila" Dagdag pa nito na mistulang galit na.

Partner? Ibig sabihin si Detective Sanderson?..

"So thats how you got Mack right?" tanong ko

"You stay the hell away from my daughter!" sigaw nito sa akin na galit na galit.

"Kasali din si Mack sa mga batang nakidnap noon diba? Si Mack lang ba ang inampon mo?"sunod-sunod kong tanong ko at hindi ko pinapakitang natatakot ako sa kanya.

Biglang nagbago ang expresyon sa mukha niya. Ang kaninang galit ay napalitan ng lungkot at takot. Mistulang nabagagabag siya sa sinabi ko.

"Please look the other way" sabi nito na para bang kinakabahan.

Base sa mga kinikilos niya, totoo nga ang hinala namin. Napabuntong hininga na lamang ako "May contact pa ba si Mack sa mga batang yun? May nalalaman ba siya?" tanong ko ulit.

Agad siyang napailing-iling. "No! My daughter doesnt know anything! Please im begging you. My Daughter is all I have. Wag mong sasabihin sa kanya ang tungkol dito! Andami na niyang pinagdaanang paghihirap noon, dont let her go through that nightmare again. Please look the other way!" pagmamakaawa nito sa akin habang hawak ang noo nito.

"but She deserves to know the truth!" napasigaw ako.

"You son of a bitch! Hindi mo alam yang mga pinagsasabi mo!" Sigaw niya "Hindi mo alam ang pinagdaanan ng Anak ko. Hindi mo alam kung gaano siyang nasaktan! Wala kang karapatang mangialam!" Sigaw nito.

pakiramdam ko wala ng patutunguhan ang pakikipag-usap ko kayat agad na lamang akong umalis doon. Kung tutuusin naaawa ako sa daddy ni Mack. Kitang-kita ko sa mga kinikilos niya na mahal niya talaga ang anak-anakan niya. Sana nga lang at hindi masamang tao si Mack.

- - - -- - - - - - - -- --

JILL'S POV

Pagdating ko palang sa tapat ng eskwelahan ay agad ng bumigat ang pakiramdam ko. Papasok na naman ako sa impyerno.

 bigla kong nakasalubong si Ms. Lacey.

"Jill gusto lang sana kitang kausapin tungkol kay Finn kung maaari lang" sabi niya sa akin habang nakangiti na naman na parang isang napakaamong tupa. 

"Bakit na naman?" tanong ko gamit ang malamig na boses. Siguradong Tungkol na naman sa paborito niyang si Finn.

"Please wag mong pairalin ang pagiging selfish mo ngayon. Finn really needs you and he told me na magiging okay lang siya kapag nagkabati kayo. Alam mo naman siguro kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ni finn diba?" Ms. Lacey

Nice, nabilog na talaga ni Finn ang ulo niya. *sarcasm*

Ngumiti na lamang ako at pilit na pinipigilan ang sarili kong magwala sa galit dito. "edi ikaw ang pumatol sa kanya. problema ba yun?" sabi ko at agad na umalis.

Parati nalang si Finn ang inaalala nila...Ang galing din naman kasi niyang magpaawa eh.

Pagdating ko sa loob ay Napakatahimik ng paligid. iilan lang nga talaga ang mga estudyanteng pumapasok dito matapos ng mga nangyari.

Pagdating ko sa hilera ng mga lockers ay naaninag ko si Finn na nakaupo sa kanyang wheelchair malapit sa locker ko. Hinihintay na naman niya ako.

Napatingin-tingin ako sa paligid upang masiguradong walang makakakita sa gagawin ko. Agad akong Napayuko at dahan-dahang inilabas ang kutsilyong kanina ko pa tinatago.

Bigla na lamang tumunog ang bell kayat dali-dali kong itinago pabalik ang kutsilyo. Napailing-iling na lamang ako. Hindi pa ito ang tamang panahon. Masyado pang maaga.

- - - - - - -- - - -

MACKENZIE'S POV

kinahapunan ay meron na naman kaming PE class kayat agad na naman kaming nagtipon-tipon sa gym. Nagtaka kaming lahat nang makitang may Cast pa sa kanyang kamay si Sir Robbie. Ano kayang nangyari sa kanya?

As usual Kung ano-ano lang ang pinapalaro niya sa amin. Kakaiba din tong trip ni Sir eh.Minsan nga napapaisip ako, Guro ba talaga to? Ambata pa kasi niya tapos hindi pa nagle-lesson.

 Nasa isang tabi lang kami ni Peyton at nagkekwentuhan nang biglang tumabi sa amin si Chippy.

“Kenzie! Kenzie! Amuyin mo ang sapatos ko ang bango!” Sigaw ni Chippy sabay lapit sa akin ng sapatos niya kayat agad akong tumakbo.

Natutu na ako sa kalokohan niya ngayon kayat habang maagay umiiwas na ako sa sapatos niya.“Tangina ang baho. Get away from me you idiot! Dun ka kay Peyton" pabirong sigaw ko habang naghahabulan kami.

"Mamaya na si Peyton! Amuyin mo muna!" sigaw niya habang tumatawa.

"KYAAAAAAAAA! AYOKO!" Nasa malapit lang si Finn kayat agad akong tumayo sa likuran ng wheel chair niya at siya ang ginawa kong human shield mula sa sapatos ni Chippy. "Si Finn muna ang paamuyin mo!" sigaw ko habang tinutulak ang wheel chair ni finn papunta kay Chippy.

"HOY! HOY! MACK-MACK WAG NIYO AKONG IDAMAY! BAKA MACOMATOSE NA NAMAN AKOOO!" kinakabahang sigaw ni Finn habang pilit na tinatakpan ang mukha niya kayat tawa kami ng tawa. Unfair kay Finn kayat tumakbo nalang ulit ako.

Agad akong tumigil sa pakikipaghabulan kay Chippy nang bigla akong hinarang ni Travis. Tiningnan lang niya ako ng masama at biglang lumuhod sa harapan ko. Nagtaka ako nang bigla niyang itinali ang sintas ng sapatos ko.

"Wag kang tatanga-tanga. Madadapa ka kung hindi mo tinatali ang sintas ng sapatos mo" ma-otoridad niyang sabi sa akin at agad na tumayo. "Ang tanda-tanda mo na nakikipaghabulan ka pa rin" dagdag pa niya at bigla ulit akong inisnaban.

Natawa nalang ako. "Noon para kang isang matandang nagme-menopause ngayon para ka namang tatay!" sigaw ko sa kanya ngunit napasinghal lang siya. "Hindi ka na si manang menopause ikaw na si Daddy Short legs. Di ka kasi matangkad eh! hahaha" panunukso ko sa kanya.

"Hanap" mahinang bulong ni Travis na para bang ipinapahiwatig na Napaka-korni ko. Oo na oo na! ako na ang korni! langya gusto ko tuloy sapakin tong lalaking to.


"Nga pala kailan ka aalis?" biglang tanong niya.

"Hindi mo talaga mahintay na mawala ako dito no? haha" pagbibiro ko ngunit sinamaan lang niya ako ng tingin. "Nga pala kulang yung kwintas na binigay mo bilang apology sa isang taong pagtataray mo sa akin. Kailangan mo akong ilibre!" biro ko ulit.

Tumango lang siya at biglang ginulo ang buhok ko. "Tara sa canteen ili-libre kita tutal aalis ka na" sabi ni Travis habang ginugulo pa rin ang bangs ko. Dali-dali kong iwinakli ang kamay niya "Langya! not my bangs!" sigaw ko ngunit tinawanan lang ako ng gago. Pero sineryoso niya ang biro ko? What the hell, libre nato aba nalang ang tumanggi!

Mabuti nalang at di masyadong strikto tong si Sir Robbie at pinayagan kaming pumunta sa cafeteria.

Papalabas na kami nang bigla kong naramdaman na para bang may nakatingin sa akin. Paglingon ko nakita ko si Peter at bigla akong inisnaban.

Yung totoo nagkapalit ba ng kaluluwa tong si Travis at Peter gaya nung sa napapanood kong korean drama?



- - - - - - - - - -


Nasa Canteen lang kaming dalawa habang kumakain ng Cheesecake. Ewan ko ba hindi ako nakaramdam ng katiting man lang na awkward, para ngang naging masaya ako nang makasama ko siya. Para din kasing pamilyar...De javu..


"Hoy masama ang tumititig sa isang tao kapag kumakain" Sabi niya sa akin kayat dali-dali akong umiwas ng tingin. 

Agad akong napakamot sa ulo ko. "Eeeeee. Familiar kasi eh" mahinang bulong ko.

"Ha?" sabi niya at agad na tumigil sa pagkain ng cheesecake.

"Bingi! sumobra na ang earwax mo!" panunukso ko.

 - - - - - - - - - - -

PEYTON'S POV

"Saan pupunta yung dalawang yun?" di ko maiwasang mapatanong. Sanay kasi akong nagtatarayan yung dalawa eh.

"Hala lumalablayp na si Mack-mack! hahaha" Eroll.

 Hala lovelife? Kyaaaa! hindi pwede! kailangan muna niyang dumaan sa akin! 

"Sila na ba?" nagulat kami nang biglang sumulpot si Peter.

Sabay-sabay kaming lahat na napaangat sa mga siko namin, tanda na wala kaming alam.



"Bakit selos ka no? hahaha" Panunukso ko ngunit sinamaan lang niya kami ng tingin at muling bumalik sa laro.

Pag magkasama may relasyon na agad? di ba pwedeng nakikipagkaibigan muna? tsss.



- - - - - -- - - - - 



Nang mag-bell hudyat na uwian na ay agad na kaming nagsipuntahan sa shower areas. Pawis na pawis kaming lahat dahil sa paglalaro. 

Hinanap ng paningin ko si Mack kaso wala siya, hindi pa ba siya nakakabalik? di bale na nga lang.



"Pey kita-kita tayo sa Gate para diretso tayo sa Bilyaran" Finn



Agad akong tumango at ngumiti. "Hanapin niyo din si Mack" Paalala ko sa kanila. Sa wakas kumpleto na ulit kaming anim. 

Pagdating ko doon sa shower room ng girls ay puno na ang mga cubicle. Nakakainip maghintay kayat naisipan kong pumunta nalang sa shower room na nasa kabilang dako ng building. Pagdating ko doon ay walang katao-tao. Bakanteng-bakante ang shower room. Bahagya akong nakaramdam ng kaba kaso desperado na ako. Excited na akong tumambay kasama ang barkada ko. Bibilisan ko nalang ang pagsha-shower. Kaya ko to..


Napakatahimik at tanging lagaslas lang ng tubig mula sa shower ang naririnig ko. Pagod ako sa kakalaro kayat dahan-dahan akong napapapikit habang naliligo.

Bigla kong narinig na sumara ang pintuan sa mismong banyo kayat bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil may kasama pala ako. Masyadong malaki ang buong banyo at mayroon itong sampung shower cubicle na magkakahiwa-hiwalay kayat hindi ko makita kung sino yung dumating.

"Mack ikaw ba yan?" tanong ko ngunit walang sumagot.

bigla akong nakaramdam ng kaba. ''Peyton chillax tinatakot mo lang ang sarili mo'' bulong ko sa isip ko.

Nagpatuloy nalang ulit ako sa pagsha-shower ko nang bigla akong nakarinig na parang may umiiyak. Tuluyan na akong nabalot ng takot kayat dali-dali kong isinuot ang bath robe at twalya ko.

"M..may tao ba diyan?!" mautal-utal kong tanong.

Bigla kong napansing kumukurap-kurap ang ilaw kayat bigla akong nakaramdam ng kaba.

peyton calm down...Sira lang siguro ang ilaw. Pagpapakalma ko sa sarili ko ngunit hindi ko parin talaga maiwasang matakot.

"I said May tao ba diyan?!" Sigaw ko ulit ngunit wala paring sumasagot.

Tuluyan na akong binalot ng takot kayat agad na akong lumabas sa cubicle. Napagdesisyunan kong babalik nalang ako dun sa shower areang madaming tao. Wala akong pake kung may makakita sa aking ganito lang ang suot ko. Ang importante ay makaalis ako dito dahil pakiramdam ko mamamatay ako sa takot.

Patuloy parin ang pagkukurap ng ilaw habang naglalakad ako sa malaking banyo.

"WHAT THE FVCK!" Agad akong napasigaw nang tuluyang namatay ang ilaw. Shit bakit ngayon pa nawalan ng ilaw dito? Ang dilim! Hindi pa ako nakakalabas ng banyo!



"♫I dont know about you but im feeling twenty twooooo♫" Pilit akong kumakanta upang mawala ang takot na nararamdaman ko habang kinakapa ang dingding na dinadaanan ko. Napakadilim kayat hindi ko maaninag ang dinadaanan ko pero sigurado akong nasa loob pa ako ng banyo. Masyadong malaki kasi ang banyong to.

Dahan-dahan akong naglakad ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang akong natisod sa linalakaran ko. "Ay Shit!" Agad akong napamura nang natumba sa sahig Ngunit nagtaka ako dahil parang may nahawakan akong malambot na bagay tapos napakalamig nito.

Kinapa-kapa ko ito nang biglang bumalik ang ilaw.

Napangiti ako dahil sa wakas ay lumiwanag na. Ngunit agad itong nawala nang mapatingin ako sa kung ano ang nahawakan ko. 


Pakiramdam koy tinakasan ako ng katinuan nang mapagtantong ang hawak ko ay braso pala ng isang babaeng katabi ko sa sahig. Nakahiga lamang siya at duguan habang Napakatalim ng tingin niya sa akin. Nanlilisik ang kanyang mga mata at may ngiting nakakatakot. Ngiting demonyo. Mas lalo akong natakot nang mapagtantong itoy si Julie. 

"AAAAAAAAHHHH!" agad akong napasigaw ng napakalakas at otomatikong napabitaw kay Julie. Tili ako ng tili habang nanginginig ako sa takot at pilit na gumagapang palayo sa kanya.

Biglang namatay ang ilaw kayat mas lalo akong napasigaw. Gusto kong tumakbo kaso hindi ko kaya takot na takot ako. Napakadilim.

Bigla kong naramdamang may malamig na kamay ang dumampi sa paa ko ngunit wala na akong ibang nagawa kundi umiyak nalang at magpatuloy sa pagsigaw.

- - - -- - - - - - -- -

THIRD PERSON'S POV

Medyo nabagot ang lima sa paghihintay kay Peyton kayat naisipan nilang hanapin ito.

"Narinig niyo yun?" Sabi ni Mack sa mga kaibigan niya habang hinahanap nila si Peyton nang bigla itong makarinig na parang may sumisigaw.

"Ang alin?" Eroll

"Utot ko lang yun. hahaha" Chippy

"Shhh!" sita ni Topher at gaya ni Mack ay agad nilang pinakinggan ang paligid.

"Dun sa kabilang shower area!" Sigaw ni Finn at dali-dali silang nagtungo doon.

Rinig na rinig nila ang napakalakas na pagsigaw at pag-iyak ni Peyton dali-dali na silang pumasok sa banyo.

Gulat na gulat silang lahat nang maabutan nila si Peyton na patuloy paring sumisigaw at humahagulgol ng dahil sa takot. Nasa gilid ito ng banyo at mistulang takot na takot parin.

"Peyton! Boy dont look!" Dali-daling napasigaw si Mack at niyakap ang kaibigan upang matakpan ito dahil halos mahubaran na ito sa kanyang suot. "Anong nangyari?" alalang tanong nilang lahat ngunit nanginginig lamang si Peyton habang patuloy parinG naghy-hysterical.

"J...julie! she's here! s..she's here!" sigaw ng sigaw si Peyton sa pamamagitan ng mga hikbi niya.

"Wag kang matakot nandito kami!" Sigaw nila Mack upang pakalmahin si Peyton ngunit hindi parin ito kumakalma ng dahil sa takot.

- - - - - -- - - - - - 

"Bakit mo ba kasi siya iniwan!" Galit na sigaw ni Chippy kay Mack habang sinasabunutan ang sarili.


Napasinghal na lamang si Mack at agad na nakapamewang. "So ako ang may kasalanan nito?! Ganun ba chippy?!" Galit na bulyaw ni Mack.

"Kayong dalawa pwede ba tumahimik nga kayo! Kita niyo yung lagay ni Peyton tapos naga-away pa kayo!" sigaw ni Finn na agad na pumagitna sa dalawa kahit itoy naka-wheel chair lang.

"Tama si Finn! Walang ibang dapat sisihin dito kundi mga sarili natin mismo!" Sigaw ni Eroll. 

"Ano?! Teka hindi natin kasalanan yun! Hindi natin pinatay si Julie! Walang may kasalanan!" Sigaw din ni Topher.

Ang sagutan ay agad na nauwi si Pagtatalo nilang lima. Panay ang sigawan nila sa isa't isa habang nasa parking lot. Si Peyton naman na nasa loob ng kotse ay hindi na maatim na makita ang kanyang mga kaibigang nagtatalo kayat agad siyang lumabas.

"Pwede ba tumahimik kayo? Kung magtatalo lang kayo dito, pwede bang ako nalang mag-isa ang umuwi?" Kalmadong sabi ni Peyton na namumugto parin ang mga mata. Agad siyang bumalik sa loob ng kotse upang magisip-isip.

Agad nagkatinginan ang lahat at agad na napabuntong hininga.

"Lets stop this okay?" sabi ulit ni Finn upang mawala ang tensyon sa kanilang lahat.

agad silang nagtanguan at nagbigay ng tinging nagpapakumbaba sa isat-isa.

"Mags-sleep over nalang ako sa bahay nila Peyton para may kasama siya dahil wala daw ang mommy niya dun" sabi ni Mack at agad na kinuha ang cellphone niya upang magpaalam sa daddy niya.

- - - - - - - - -- - - 


MACKENZIE'S POV

Pagdating namin sa bahay nila Peyton ay dumiretso agad ako sa kusina nila. Gutom ako eh!


"Guys kung nagugutom kayo may pagkain dito sa kusina!" aya ko sa kanila.

"Ayos! Kung makapag-aya parang bahay mo talaga to eh no?" Sabi ni Eroll at naghanap din ng pagkain sa kusina.

Napansin kong tahimik lang si Chippy sa isang tabi kayat medyo nagtaka ako. "Chip bat antahimik mo?" tanong ko ngunit nginitian lang niya ako. may problema yata si boy tangkad.

Pagbalik namin sa sala nagulat kami nang makitang may nakalatag na dun na mga sleeping bags at comforter. "Anong meron?" tanong ko.

"Sleepover! hindi pwedeng kayo-kayo lang ni Peyton ang mags-sleepover!"sabi ni Finn habang dahan-dahan siyang tinutulungan ni Eroll na umalis sa wheelchair.

"Guys seriously you dont have to do this. Okay na ako" Peyton

"No way! matagal tayong di nakakapag-sleepover no!" Sabi ni Topher habang patuloy paring inaayos ang mga hihigaan namin.

Kitang-kita kong masaya silang lahat lalong-lalo na si Peyton kayat biglang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko yata kayang iwan tong mga kaibigan kong to. 

- - - -- - - - - - -

"Dad seriously im fine. Nandito ng barkada kayat okay ako!" Pagpapaliwanag ko kay Daddy na mistulang alalang-alala.

"Okay but you have to promise me barkada mo lang ang makakasama mo" Daddy

"Yup. bye!" sabi ko at agad na tinapos ang pag-uusap namin.

Bumalik ulit ako sa sala at naabutan kong nagkukulitan at nag-aasaran parin silang lahat. Agad akong pumwesto sa gitna ni Peyton at Chippy.

"Guys sige na! Tulungan niyo ako kay Jill! Ang sakit na kasi ng ginagawa niya sa akin" sabi ni Finn. Shunga din tong si Finn eh, Halatang di siya gusto ni Jill kaso di parin gumi-give up. Mas sinasaktan lang niya ang sarili niya.

"Finn di kaya oras na para sukuan mo si Jill? Baka kasi mas lalo tuloy siyang lumayo sayo dahil diyan sa ginagawa mo " Topher

"Nope, giving-up isnt in my vocabulary. Sinasabi niyang di niya ako mahal kaso alam kong mahal niya ako eh" Finn

Agad nakunot ang noo ko. Shit lang, Freaky naman pakinggan ni Finn. Kung di ko to kaibigan, pinasabugan ko na to ng pla-pla. Napatingin ako kay Eroll at tipid lamang siyang ngumingiti. Sa totoo lang naaawa ako kay Eroll. Halata naman kasi sa kilos nilang dalawa ni Jill na sila yung nagmamahalan...

"Teka maiba tayo ng usapan! What's the score Sino ba talaga ang gusto mo Mack? Si Travis o Si Peter?" tanong ni Peyton

Agad na kunot ang noo ko. "Uy bakit napunta sa akin ang usapan?! tahimik lang ako dito!" sigaw ko.

"Halata namin Mack wag ka ng magkaila! hahahaha" Eroll

 ano daw?! Langya sarap sapakin ng mga gagong to!

"WAAAAAAAAAAAA! Kenzie sabi mo ako lang ang magiging boyfriend mo?!" Pagmamaktol ni Chippy kayat natawa nalang ako.

"Wala akong sinabing ganyan ha! HAHAHAHA! Awww! Si Chipipoy ko nagtatampo!" pabirong sigaw ko at pilit na niyayakap si Chippy kaso nage-emote ang gago. Lumalayo sa akin.

"Gago! Ikaw nga ang nagpasimula ng Petzie eh!" sigaw ni Topher sabay hagis ng unan kay Chippy.

"PETZIE! PETZIE! PETZIE!" sabay na cheer ni Eroll, Finn at Peyton habang pumapalakpak kayat agad ko silang sinamaan ng tingin.

"Hala kenzie oh! Si Topher binabato ako!" Chippy.

Natawa nalang ako at pabiro ulit siyang niyakap. "Luuuuuh! Si baby chippy ko kawawa! ajujujuju!" Biro ko kayat agad din niya ako ng tiningnan ng masama.

Bigla kong naalala ang camera ko kayat dali-dali ko yung kinuha at inilagay sa harapan naming lahat.

"Ano yan magpi-picture tayo?" Chippy

"Hindi chippy! Magta-time travel tayo!" sarkastiko kong saad.

Alam kong hindi magtatagal ay magiging kulang na kami kayat ngayon pa lang gusto kong may remembrance kami. Mahal na mahal ko tong mga kaibigan ko kayat masakit sa aking mahiwalay sa kanila.

- - - - - - -- - - - - - -

Kinabukasan ay sabay-sabay kaming dumating sa eskwelahan ngunit napapansin ko paring medyo problemado si Chippy. 

Nang makita kong nakatambay siya mag-isa sa terrace ay agad ko na siyang nilapitan.

"Hey chip!" bati ko sa kanya ngunit nginitian lang niya ako.

"Chip you know you can tell me anything right?" Sabi ko at agad siyang inakbayan.

Humarap siya sa akin ngunit nakayuko lang siya.

ilang sandali siyang natahimik na para bang natatakot na magsalita. "Mack this is all my fault" mahinang bulong niya. 

Agad nakunot ang noo ko "What do you mean?" tanong ko.

Napailing-iling lang si Chippy at muling napatingin sa paligid.

"Chippy what do you mean?" tanong ko.

"K..kasalanan ko kung bakit nagmumulto si Julie" mahinang bulong niya na para bang natatakot na may ibang makarinig sa amin.

"Chippy you can tell me anything. Wag kang matakot" paninigurado ko sa kanya. Parang kapatid nadin ang turing ko sa kanya kayat masakit sa aking makita siyang nagkakaganito.

"I...i know who killed her" sabi nito at agad akong tiningnan sa mga mata. "Sa tingin ko kaya siya nagmumulto dahil naghahanap siya ng hustisya sa pagkamatay niya" Dagdag pa nito.

*FLASHBACK*

(THIRD PERSON'S POV)

 

 

Abala si chippy sa paghahanda ng mga electricfan na gagawin nilang panakot para sa mga kasamahan. Napatingin si Chippy sa kinaroroonan ni Zeke at nagtaka siya nang makitang may inilagay itong likido sa isang baso.

 

Patuloy lang niya itong minamatyagan kayat kitang-kita niya nang ibinigay ito ni Zeke kay Julie at agad naman niya itong ininom.

 

*END OF FLASHBACK*

Gulat na gulat ako sa narinig kayat matagal bago ulit ako nakapagsalita.

"I couldve done something! Kung sana binalaan ko si Julie di niya maiinom yun!" Sigaw ni Chippy. "Sana ngayon buhay pa si Julie at walang nananakot sa atin." Dagdag pa nito.

Agad kong niyakap si Chippy.

"Look this is not your fault okay? Chip listen to me, dont blame yourself. Im gonna make sure zeke's gonna pay for what he's done" paninigurado ko sa kanya.

 - - -- - - - - -- - - -


THIRD PERSON'S POV

Nang mapansin ni Mack na mag-isa lamang siya ay agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang daddy niya.

"Dad i..i have something to tell you" maalinlangang sabi ni Mack "Remember my classmate who died Months ago?...Julie? i...I know who killed her" dagdag pa nito.

"Okay magkita tayo mamaya sa Restaurant after class niyo. May sasabihin din ako" Sabi ng daddy ni Mack na medyo malungkot.

- - - - - - -- - 

Hindi alam ni Mackenzie na may nakarinig pala sa pakikipag-usap niya sa kanyang ama.

 Agad naikuyom ng knight ang kanyang kamao.

"Tss..Pakialamera..Guess i have to get rid of you" Galit na saad nito habang napakasama ng tingin kay Mack.

END OF CHAPTER 17



Author's Note : Guys SINO SA TINGIN NIYO ANG KILLERS? Feel free na manghula. Youre not spoiling anything naman since deductions niyo lang yan. hahaha. Wag kayong mahiya dahil Wala din akong hiya. bwahahahha XD

Nga pala, Madami po akong kailangang asikasuhin for the next few days kayat the next update would be NEXT WEEK. Inuulit ko po, NEXT WEEK PA ANG UPDATE *U* . Sana po wag niyo akong kulitin na mag-update dahil as youve noticed, Mag-isa nalang ako dito sa account nato. Madami akong kailangang i-revise at i-edit kayat guys please bear with me *U*

And guys Open po ako sa constructive criticisms as long as HINDI RUDE o HINDI NAKAKABWISIT. hahaha XD ayoko yung harsh dahil ayokong may makasamaan ng loob. Sabihin niyo ng makitid ang isip ko pero Senstitive ako eh! hahahaha XD PERO still, Open ako sa constructive criticisms. Kung may napansin kayong kailangan ng imrovement sa story nato or doon sa OSP. kindly PM me. Alam ko po kasi na andaming pagkakamali sa stories ko and I honestly want to improve. *U* THANK YOU ♥

THANKS FOR READING

VOTE and COMMENT :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro