Fear 16 : Willful Ignorance
PETER'S POV
"Shhhh. Say one word and I will cut your tongue" mahinang bulong niya sa tenga ko gamit ang nakakatakot niyang boses. Sa takot ko ay tumango na lamang ako dahil pakiramdam ko seryoso siya.
"Mm Mmm" impit na bulong ko dahil tinatakpan parin niya ang bibig ko.
"PFFFTTTTT......" Nagulat ako nang bigla itong tumawa na para bang pilit na pinipigilan ang sarili niya "Joke lang. pero seriously wag kang maingay kung ayaw mong bugbugin kita....eww laway" bulong ulit nito at agad na binitawan ang bibig ko sabay pahid sa akin ng kamay niya.
Ngunit mas ikinagulat ko nang mapalingon ako sa kanya.
Naaninag ko ang mukha niya nang dahil sa maliit na siwang sa basurahan na napapasukan ng maliit na liwanag mula sa buwan.
"Mack?" mahinang bulong ko.
Teka bakit siya nandito?
Bigla niya akong sinuntok sa braso kayat napapikit nalang ako sa sakit.
"Sabi ng wag maingay eh" mahinang bulong ni Mack na parang naiinis na.
"Eh yang ginagawa mo nag-iingay ka rin!" Pabulong na sigaw ko sa kanya at agad siyang tiningnan ng masama.
"Shhhh! Tumahimik ka!" Pabulong ding sigaw ni Mack sa akin.
"Ikaw din! Tumahimik ka!" ako
"Gago alam ko!" Mack
"Eh bakit nag-iingay ka diyan?!" ako
Sasagot pa sana si Mack nang bigla kaming makaranig ng mga yapak. May dadaan na sa amin. Dali-dali naming tinakpan ang bibig ng isa't-isa nang dahil sa kaba na mag-iingay ang isa sa amin.
"Pre nasaan kaya yung babaeng yun?! Ambilis!" Reklamo ng lalaking hinihingal.
Teka, Hindi ako ang hinahanap ng mga lalaking makakasalubong ko sana? Ibig sabihin, Si Mack ang hinahabol nila? Bakit naman nila hahabulin sa mack?
Napapikit ako upang mapakinggan ng mabuti ang mga yapak ng paa. Base sa mga naririnig ko wala ang mga knights. Hindi sila dumadaan malapit sa amin. Sumuko na kaya sila sa paghabol sa akin?
"Dun tayo sa kabila!" Narinig naming sigaw ng isa at agad silang tumakbo upang hanapin ulit si Mack.
Nang maramdaman naming wala ng tao sa labas ay dahan-dahan naming iniangat ang takip ng basurahan. Nauna akong makaalis dun kayat agad kong inilahad ang kamay ko upang tulungan siyang makaaalis doon.
"Shit Ambaho...Amoy na amoy ko yung patay na daga" Mahinang bulong ni Mack na parang iiyak na.
"Baka bibig mo lang yun" mahinang bulong ko sabay ngiti sa kanya ng nakakaloko habang ginagabayan siya sa dadaanan niya.
Muntik akong mapasigaw nang bigla akong tapunan ni Mack ng isang supot ng mga basurang napakabaho. Lesson learned, Wag asarin si Mack kung malapit siya sa basurahan.
"Bakit ka nila hinahabol? Sino yung humahabol sayo?" tanong ko sa kanya ng makaalis na kami sa basurahan ngunit tiningnan lang niya ako.
"Pete yung ulo mo dumudugo" Sabi niya at agad na ibinigay sa akin ang panyong kinuha niya mula sa jacket niya.
Hala oo nga pala, Nabangga nga pala ako kanina.
"S..salamat" mahinang bulong ko at pinunasan ang dugo tumutulo sa noo ko.
"AYUN SIYA!" Nakarinig kami ng malakas na sigaw mula sa likuran namin. Bigla na naman akong kinabahan. Nakaalis na yung humahabol kay Mack kayat sigurado akong Knights na tong nakakita sa amin.
Saglit kaming nagkatinginan ni Mack.
"Run like hell?" mahinang bulong ko.
"Ya think?!" sarkastikong saad ni Mack at agad na isinuot ang hood ng jacket niya.
"TAKBOOOOOOOO!" sabay naming sigaw at dali-daling tumakbo at hayun na nga, muli na naman kaming naghabulan ng mga punyetang adik sa chess.
- - - - - -- - ---
Takbo lang kami ng takbo sa bawat eskinitang maaari naming daanan. Pasikip na ito ng pasikip kayat meydo nahihirapan na kami.
Saglit akong napalingon sa mga humahabol sa amin at nakita kong malapit na nila kaming maabutan kayat mas binilisan ko na ang pagtakbo. Ganun din si Mack.
Napaliko kami sa isa pang eskinita at Laking gulat namin ng makitang dead end na ito dahil May isang Napakalaking chained Fence.
"Pusangkiree!" napasigaw nalang ako sa inis at agad na nasapo ang ulo ko.
"Akyat!" Sigaw ni Mack at dali-dali itong inakyat na hindi man lang nagdadalawang isip.
"Ha?" agad na nakunot ang noo ko nang dahil sa gulat.
"Aakyat ka o Ako mismo ang kakaladkad sayo paakyat dito?!" Malakas na sigaw ni Mack habang umaakyat sa fence at napakasama na ng tingin sa akin.
Hindi na din ako umangal pa at dali-dali ko na din yung inakyat hanggang sa makaabot kami sa kabilang dulo ng eskinita. Nang makababa na kaming dalawa ay tumakbo ulit kami ng napakabilis. Hingal na hingal na ako pero hindi ako tumitigil.
Biglang tumigil si Mack sa pagtakbo. "Teka" hingal na hingal ito habang hinahabol ang kanyang hininga. Bigla siyang tumawa habang hawak ang kanyang tuhod. "Tumigil na nga tayo sa pagtakbo. Ang tanda na nung mga pulis na yun. Di na nila tayo hahabulin. Pagod na yun. hahahaha" Sabi nito at bigla na lamang umupo sa kalsada nang dahil sa pagod.
P..PULIS?...anong ibig niyang sabihin?
"Mack papatayin nila tayo! Tumayo ka na diyan!" Sigaw ko at agad siyang nilapitan upang patayuin mula sa pagkakaupo.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Mack na para bang nagulat sa sinabi ko.
"Gago! Mga pulis yun! Hindi nila tayo papatayin. Ikukulong oo! Kaya nga ako tumatakbo at nagtatago dahil ayokong makulong!" Bigla itong natahimik na para bang may iniisip. "T..teka akala ko ba pulis yung humahabol sayo?...H..hindi pulis ang humahabol sayo?" tanong niya na parang naguguluhan.
Hala! Hindi knights ang humahabol kay Mack kundi mga pulis? Tangina litong-lito na ako!
Bigla kong narinig na may mga tumatakbo na papalapit sa amin...Lagot na! Paparating na sila!
"Mackenzie! Tumakbo na tayo! Aabutan na nila tayo!" Sigaw ko at dali-dali siyang hinila ngunit napabuntong hininga lang siya at lumingon upang tingnan ang humahabol sa amin.
"tangina hindi nga talaga sila pulis!" Sigaw ni Mack sa akin na inis na inis na. Bigla niyang iwinaksi ang kamay ko at tumayo. Bigla siyang humarap dun sa mga knights na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin at parang wala siyang balak na tumakbo.
Nang dahil sa pagkabigla ay halos hindi ako makagalaw...Ano ba tong nangyayari kay Mack?
Bigla niyang tinanggal ang hood ng Jacket sa ulo niya. Nakita kong naikuyom niya ang kanyang kamao at biglang napailing-iling na para bang nanggagalaiti na sa galit.
"HOY KAYONG MGA TANGINANG BWISIT! HINDI PALA KAYO PULIS?! TARA SUNTUKAN NA NGA LANG TAYO! BWISIT NA BWISIT NA BWISIT NA AKO SA TANGINANG HABULAN NATIN! ANO?! DALI LUMAPIT KAYO SA AKIN! MAGSUNTUKAN TAYO?! ITIGIL NA NATIN TONG TANGINANG HABULAN?!" Napakalakas na sigaw ni Mack na galit na galit habang dinuduro ang mga knights at bigla nalang tinanggal ang jacket na suot niya at buong lakas itong itinapon sa sahig. napatingin ako sa jacket dahil parang may malaking envelope doon sa loob.
Gulat na gulat ako sa inaasal ni Mack. Hindi siya natatakot.. Sa halip ay siya ang nakakatakot. Galit na galit na talaga siya sa mga humahabol sa amin.
Ako na sana mismo ang hihila sa kanya upang tumakbo ngunit muli siyang naghuramentado "PAGOD NA PAGOD NA AKO SA KAKATAKBO! NAKAAMOY AKO NG TANGINANG PATAY NA DAGA! PUMASOK AKO SA BASURAHANG NAPAKABAHO! UMAKYAT PA AKO SA ISANG LECHENG FENCE TAPOS MALALAMAN KONG HINDI PALA KAYO PULIS?! WHAT THE FVCKING HELL?! HOY MGA PIPI-CHUGING GANGSTER WANNABE! DALI LAPIT! LUMAPIT KAYO SA AKIN KUNG GUSTO NIYO TALAGA NG AWAY?!" Sigaw niya at biglang naglakad papalapit sa mga knights na nasa hindi kalayuan.
*Gulp*
Maging ako ay natatakot na sa inaasal ni Mack. Galit na galit na talaga siya...
Gulat na gulat ako nang biglang umatras ng dahan-dahan ang dalawa sa mga knights na humahabol sa amin habang yung isang knight naman ay parang hindi natitinag kay mack at parang gusto pang lumapit sa kanya.
Biglang hinila ng isa sa mga knights yung kasama nila at maalinlangan silang umatras at tumakbo palayo sa amin.
"HOY WALANG ATRASAN!" Sigaw ni Mack habang nambabato ngunit hindi siya pinapakinggan ng mga knights. Takbo lang sila ng takbo na para bang natatakot kay Mack.
Narinig kong napasinghal si Mack at nakapamewang. "Aatras din pala" mahinang bulong niya at agad na pinulot ang jacket niya. Nagtaka ako nang mapansin kong hinahawakan ni Mack ang mukha niya at para bang may pinupunasan.
"Mack?" mahinang bulong ko.
"Ano?" mahinang bulong ni Mack at biglang napasinghot. umiiyak siya?
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
agad siyang napailing-iling. "Ayoko ng daga." Bigla siyang napasinghot at pinunasan ang luha sa mata niya "Ambaho ng patay na daga" mahinang bulong niya habang umiiyak na parang isang bata.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko siyang umiiyak kayat agad ko siyang niyakap. Bahala na kung bubugbugin niya ako pagkatapos.
"Ayoko ng daga" bulong niya ulit habang umiiyak.
"Wala ng daga dito. wag ka ng umiyak" paninigurado ko sa kanya.
Bigla siyang kumawala sa yakap at agad na naglakad habang pinupunasan ang luha niya. Agad ko nalang siyang sinundan.
- - -- - - - -- - -
Tahimik lang kaming dalawa sa kotse. Mabuti nalang talagat nag-iwan kami nila Red ng spare kotse dito malapit sa kinaroroonan namin.
Biglang kinuha ni Mack yung envelope na nasa loob ng jacket niya.
"Ano yan?" tanong ko habang sumusulyap habang nagd-drive ako.
"Kodigo para sa math exam. bwahahaha" pagbibiro nito. Ang bilis pala niyang mahimasmasan. Umiiral na naman kasi ang kabaliwan.
"Seriously ano yan?" tanong ko habang tumatawa.
"Papel!" sigaw niya na parang iniinis talaga ako. "Pull over. Bababa na ako dito. Thanks!" Sigaw niya na may malaking ngiti.
"Teka gabing-gabi na ah? May pupuntahan ka pa? Ihahatid nalang kita" ako
"Okay! Madali akong kausap. haha. Ikaw yung personal driver ko ngayon" sabi niya at agad na binigay sa akin ang address ng pupuntahan niya. Langya ginawa nga akong personal driver -_-
- - - -- - - - - -- -
"Mack bakit ka hinahabol ng mga pulis kanina?" tanong ko
Ngumiti lang siya. "Ikaw bakit ka hinahabol nung mga nakaitim?" tanong niya pabalik. Mautak talaga tong babaeng to.
"Ah...ah eh aksidente ko kasing nabangga yung motor nila. Salamat nga pala sa pagsagip sa akin kanina" pagpapalusot ko sa kanya.
"Ah tanga ka talaga. Wala yun...Hey promise you wont tell anyone?" Mack
Tumango ako. "Promise" mahinang bulong ko
Bigla siyang napabuntong hininga. "i stole this from their archives" sabi niya at iniangat ang envelope na hawak niya.
Agad nakunot ang noo ko. Nagnakaw siya ng impormasyon mula sa police station? Kaya pala.. Teka Hindi kaya alam na niyang ampon siya?
"Pull over" sabi niya at agad na tiningnan ang bahay na nasa harapan namin. Nandito na pala kami sa gusto niyang puntahan pero bakit ganun, Parang abandunado ang malaking bahay?..
- - - - -- - - - - - -
Nakatayo lang kami sa harapan ng abandunadong bahay. Naghihintay ako sa susunod na gagawin ni Mack ngunit parang nakatulala lang siya habang nakatingin doon.
"Mack?" mahinang bulong ko.
"Pete you promised not to tell anyone right?" Mahinang bulong ni Mack.
"You have my word. I swear" paninigurado ko sa kanya. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko dahil naguguluhan na talaga ako.
Dahan-dahang tumulo ang luha ni Mack. "I guess this Was my house...Home... my real home where i truely came from?" mahinang bulong niya.
Agad kong kinuha ang envelope na hawak niya. Hindi siya umangal kayat binasa ko na agad yung nasa loob nun.
Nagtaka ako sa binasa ko. Isa itong napakalumang papeles. Isang adoption paper to be exact. Naroroon ang buong pangalan ni Mack. Pangalan ng mga totoong magulang niya at address nila. Marami pa ding mga nakasulat doon kaso naka-cross out. Para bang sinadyang burahin? Ano kaya to? Pero ngayon ay bahagyang nasagot ang ibang katanungan sa isip ko.
"Mack...wala na yatang nakatira diyan?" Nag-aalinlangan kong sabi. Baka magalit kasi at masapak pa ako.
Lumingon siya sa akin at nginitian ako. Hindi yung sarkastik at mala-impaktang ngiti kundi yung totoong ngiti talaga. "I know...My real parents died 10 years ago based sa nakalagay diyan..." bigla siyang napayuko. "Gusto ko lang malaman kung saan ako nanggaling. Kung ano yung dating buhay ko. I want closure...Ayoko kasing mabuhay na marami akong tanong" Sabi niya at muli akong nginitian.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa doorknob. samantalang ako ay naiwan lamang sa tabi ng kotse.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Mack alam ba to ng daddy mo?" tanong ko
"Hindi..ilang araw nga akong tumatakas sa bahay para hindi malaman ni Daddy na hinahanap ko ang dati kong bahay" sabi ni mack na bahagyang ngumingiti.
"What if hindi closure ang matagpuan mo sa pagpasok mo sa bahay na yan? What if mas lalo kang masaktan? Minsan closure ang gusto nating makuha kaso hindi natin namamalayang mas lalo lang tayong naa-attach at nasasaktan. Minsan mas mabuti ang willful ignorance..." ako
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang bagay na yun...Pero malakas din kasi ang paniniwala kong hindi kasali si Mack sa anonymosities. Biktima lang siya....May kung anong nag-uudyok sa akin na pagkatiwalaan ko siya. May teyorya nadin akong nabubuo sa isipan ko....
Bigla niyang binitawan ang doorknob at napalingon sa akin.
"You think so?" mahinang bulong niya na naguguluhan.
Ngumiti na lamang ako. "Its all up to you..."
muli siyang humarap sa pintuan ng bahay at isinandal doon ang ulo niya. Ilang sandali lang ay umatras siya at dahan-dahang naglakad pabalik sa kotse.
"Willful Ignorance" sabi niya at ngumiti sa akin
Tumango din ako. "Willful ignorance"
- - - - - - - - - - - - -
THIRD PERSON'S POV
Hindi alam ni Mack na may isang taong nakamasid sa kanila sa hindi kalayuan.
"Its good to see you home again just for a few seconds" Mahinang bulong ni Travis habang maluha-luhang pinagmamasdan ang pag-alis ng kapatid sa bahay nila habang nakadungaw mula sa kanyang bintana.
Kinuha niya ang Family picture nila at pinagmasdan ang masasayang mukha nila noong kumpleto pa sila. "Ma, Pa nakauwi na po si Faith" Napangiti si Travis ngunit hindi padin tumitigil ang pagtulo ng kanyang luha "Pero di ko na po matutupad yung pangako kong magkakasama kami...Ayoko po siyang mapahamak" Muli nitong sabi habang pinagmamasdan ang litrato.
Ilang taon ang lumipas matapos ang pangyayaring sumira sa sa kanilang pamilya ay pinili ni Travis na tumira sa bahay na katabi ng dating bahay nila.
Gustuhin man niyang lumayo mula sa mapapait na ala-alang nangyari sa bahay nila ay hindi niya magawa sa pag-asang babalik pa ang kanyang kapatid. Hinihintay niyang umuwi ang bunsong kapatid sa bahay nila sa loob ng napakaraming taon.
Ngayon ay nangyari na ang pinakaaasam niya....Ang makitang makauwi ang kapatid ngunit hindi niya magawang magpakilala man lamang dito sa takot na mas mapahamak ang kapatid.
- - - -- - - - -- - --
PETER'S POV
"Nga pala Belated happy Birthday!" bati ko kay Mack habang papababa siya ng sasakyan.
Biglang nanlaki ang mga mata niya na para bang gulat na gulat siya.
"A..anong birthday?" tanong niya na takang-taka.
Natawa nalang ako. "Di ka ba nagbabasa. Nakalagay kaya diyan na kahapon yung birthday mo. Basa-basa din" Panunukso ko sa kanya.
Ngunit parang gulat na gulat parin siya. "Hoy anyare sayo?" tanong ko pero nakatingin lang siya sa kawalan na para bang napakalalim ng iniisip.
"They found me..." mahinang bulong nito at dali-daling pumasok sa bahay nila.
Anyare dun?
- - - - -- - - -- - - - --
"Wala na si Drake?!" Napasigaw nalang ako sa sinabi nila Red at Robbie nang dahil sa inis. Lahat ng yun nauwi sa wala.
"Pete napacheck mo na ba sa hospital yang mga sugat mo?" Tanong ni Master na may cast sa kaliwang kamay at may benda sa kanyang noo. Malas na-injured pa si master, paano na kaya to. tsk tsk
Umiling lang ako "Just some scratches nothing bad though" sagot ko
"Si Mack nalang ang natitira nating Lead...Ano na ang progress?" Tanong naman ni Red na mukha ng isang mummy dahil bendang nakapulupot sa ulo niya.
"Mali tayo kay Mack. She's not one of them" deretsahan kong sabi.
Biglang nakunot ang noo ng dalawa.
"Pete i know you like mack but please buhay ang nakataya dito!" Red
Agad na nakunot ang noo ko at napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis. "Aish! Totoo tong sinasabi ko okay?! Mack might be one of those kids who were kidnapped but she's not a psycho. Oo sira-ulo siya pero hindi siya masamang tao" ako
"Psychopaths are deceiving Pete you know that" seryosong saad ni master.
Agad akong napatayo. "Look I couldve died today if it wasnt for Mack. She saved my life..." Mistulang nabigla silang dalawa sa sinabi ko ngunit hindi parin sila lubusang naniniwala. "Okay Dont trust mack...But trust me on this! Mack is no psychopath" dagdag ko pa.
Tiningnan ako ni Master.
"Give us a proof that she's innocent and we'll believe you" seryosong saad nito at tinapik ang likuran ko.
END OF CHAPTER 16
Willful Ignorance - Choosing not to accept or understand knowledge because you don't like what it means...or the ramifications.
Maraming-maraming salamat po talaga sa inyong lahat na patuloy paring nagbabasa ng story nato. God bless po ♥
VOTE and COMMENT :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro