Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fear 15 : Operation: Capture the Rook

PETER'S POV

Napatingin ako sa relo ko 7:25 pm na. ilang minuto nalang at lalabas na siya.

Ngayon na kasi siya makakalaya at ayaw naming maunahan kami ng kulto nilang adik sa chess. Nakakainis lang isipin na noon parati ko siyang nakakasalamuha sa school tapos ngayon heto kami nagiging magkalaban. 

Napabuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Ewan ko ba kung ano ang naisip ko at bigla kong tinawagan si Impakta. parang gusto kong magpaalam.

"O gago bakit ka tumawag?!" mahinang bulong ni mack na para bang may pinagtataguan. teka anong ginagawa niya?

"Ah..eh nasaan ka ngayon?" tanong ko

"Wala ako sa mood makipagchikahan bye!" bulong niya ulit at bigla akong binabaan. Anyare dun?



Bigla kong narinig na bumukas ang Malaking gate ng Detention Facility na tinutuluyan ni Drake. 

Dali-dali kong pinindot ang earpiece na suot ko bilang komunikasyon sa kanila.

"Lalabas na sila. Maghanda na kayo!" mahinang bulong ko at dali-daling tumakbo papunta sa sasakyan ko at sinuot ang bonet ko.

- - - - - - - - - - - -- 

LUCIFER'S POV




"Aish ang tagal! Kailangan ba talaga nating kunin si Drake?"
pagmamaktol ni Light habang isa-isa nilang isinusuot ang mga bonet nila.

"Pwede ba tumahimik ka" mahinang bulong ni Shadow

"Ayun na ang police car. Black sundan mo" Lucifer 

Dali-daling pinaandar ng napakatahimik na si Black ang kanyang kotse upang sundan ito.

"Alam niyo na ang plano" pagpapaalala ni Black sa mga kasamahan.

- - - - - - - -- - 

THIRD PERSON'S POV

Habang nasa loob ng sasakyan ay napangiti na lamang si Drake. Darating kaya sila? bulong nito sa sarili.

"Iho ngayong laya ka na sana naman ay umayos ka" Pangangaral ng isang police nagd-drive ng kotse.

"Kabataan nga naman ngayon. tsk tsk" sabi naman ng isa pang police.

Biglang tumunog ang static ng radyo ng mga police. May mensahe mula sa kapwa nila pulis kayat agad nila itong sinagot.

"Brad may aksidente daw sa rutang dadaanan natin mat-traffic tayo dun" Sabi ng isang pulis sa Driver kayat agad itong tumango.

"Dun nalang tayo sa kabila" Driver at lumihis nga ng tinatahak nadaan.

Napa-smirk na lamang si Drake.  

 - - - - -- 

*SCREEEECH*

Biglang pumreno ang sinasakyan nila kayat bahagya silang napasigaw sa naging impact nito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Drake na may napakalapad na ngiti.

"May lalaking nakahiga sa daan. Naaksidente yata!" Sigaw ng police at dali-daling lumabas ng sasakyan upang tulungan ito. Yung driver naman ay bahagyang lumabas sa police car upang makiusyoso.

 "Punyeta akala ko ba doon sa kabila ang aksidente?!" galit na sigaw ng driver.

Nagulat na lamang silang lahat nang may biglang naghagis sa kanila ng kung anong bagay. Ilang segundo lang ay bigla itong sumabog na naging dahilan ng pagkalat ng napakakapal na usok. 

Agad na nawalan ng malay ang dalawang police na nakalanghap ng usok samantalang si Drake ay nakangiti lang habang tinatakpan ang kanyang bibig.

Ang Lalaki namang nakahiga sa sahig na nakasuot ng helmet ay dahan-dahan namang tumayo at napapalakpak sa tuwa. Manghang-mangha ito dahil gumagana nga ang plano nila. Hindi na siya nagpatumpik-tupik pa. Gamit ang flashlight ay dali-dali nitong hinanap ang kinaroroonan ni Drake. Nang makita niya ito ay agad niya itong hinablot at isinakay sa kararating lang na closed Van.

Ubo ng ubo si Drake habang pinipilit ang sariling magsalita. Walang pagsidlan ang saya nito nang mapasok siya sa Van.

"King! Long time no see!" bati nito.

*BLAG*

Otomatikong sumara ang pintuan ng van at agad na umandar. Laking gulat ni Drake nang bigla na lamang siyang posasan ng lalaking nakahelmet at inundayan pa siya ng napakalakas na tadyak sa kanyang pagkalalake.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Drake nang mapatingin siya sa rearview mirror na nasa pinakaharapang gitna ng kotse.

Kitang-kita nito ang mala-demonyong ngiti ni Robbie sa salamin. "Yow! Miss me Rook?!" Sarkastikong sigaw ni Robbie.

Agad namang tinanggal ni Red ang Helmet na suot niya. "Long time no See Drake!" sigaw ni Red na may nakakaloko paring ngiti sa labi niya. Mistulang nagbalik ang dating Red. Muli nitong kinulayan ng pula ang buhok niya at bumalik ang pagiging mukhang barumbado nito.

Bigla itong napakagat sa labi niya at walang humpay na pinagtatadyakan si Drake hanggang sa magsuka ito ng dugo.

"Red hinay-hinay lang wag mo munang patayin" sabi ni Robbie habang tumatawa.

Ngumiti lang si Red. "Alam ko!  nakikipagkamustahan lang naman ako sa dati naming kaklase!" 



Mistulang naka-recover na si Drake sa pagkakagulat kayat napa-smirk na lamang ito at dinilaan ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Bumalik ang drake na mataas ang kompiyansa sa sarili.



"Redentor na Mukhang Labrador! Nakakatuwang makitang ganyan ulit ang buhok mo. Naalala ko tuloy ang highschool life natin." pamumuri ni Drake sa kanila habang tumatawa.


 Biglang kinuha ni Red ang kutsilyo na nasa bulsa niya at nginitian si Drake.

"Alam mo drake? Ilang buwan akong hindi makatulog ng maayos dahil hinihintay kong mangyari ang araw nato. Gustong-gusto kong makita kang naghihingalo. Gusto kong Ako mismo ang huli mong makikita bago ka malagutan ng hininga." Mahinang bulong ni Red at biglang Nilaslas ang braso ni Drake.

Agad na lumabas ang napakaraming dugo mula sa malaking sugat ni Drake na naging sanhi ng kanyang pagsigaw.

"You remember Casper right?... Yung bestfriend kong pinatay mo?!" Malakas na sigaw ni Red na nanggagalaiti parin sa galit. Lumabas ang emosyong itinago ni Red ng napakatagal. 

Tumawa na lamang si Drake..

"And You Remember Lexi Right?....Yung pinsan mong baliw na pinatay mo? hahaha" Sabi ni Drake habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Boom" mahinang bulong ni Robbie at agad na nawala ang ngiti sa mukha niya.

tumawa nalang si Red at agad na napailing-iling habang pilit na itinatago ang kanyang pagkapikon.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa kaibigan ko. Matanong lang si Sino ang king?" Mahinang bulong ni Red At agad na sinakal si Drake at dahan-dahang idiniin ang kutsilyo sa pisngi niya. Palalim ng palalim ang pagdiin ni Red hangang sa maglabasan ang maraming dugo dito.

Mistulang kinakapos na ng hininga si Drake kayat mistulang natauhan din si Red at agad siyang binitawan. Kahit na galit si Red ay may control parin ito sa kanyang sarili.

"Awww. Ba't di mo tinuloy? hahaha. Nga pala nasaan si Boy manyak? Na-miss ko yun ah." Sarkastikong saad ni Drake habang pilit na tinitiis ang sakit at hapdi ng kanyang mga malalalim na sugat.

Biglang nanlaki ang mata ni Red sa narinig. Agad itong nakaramdam ng pag-aalala para kay Peter.

Pinindot niya ang earpeace upang makausap si Peter. "Pete nasaan ka na? Anong nangyayari diyan?" Tanong ni Red. Pati si Robbie na nagd-drive ay mistulang kinakabahan nadin para sa kaibigan.

ilang minuto silang naghintay ngunit hindi ito sumagot.

"Pete nasaan ka?!" sigaw ni Red habang patuloy paring pinapahirapan si Drake.

"Dude w..wag kang sumigaw k...kinakabahan ako lalo sayo" mautal-utal na sabi ni Peter.

"Nasaan ka?" tanong ni Red na kinakabahan parin.

"Im still in a bad situation right now. Ang importante nakuha niyo si Drake. Please kung may mangyari man sa akin, Paki tadyak nalang ako para sa kanya" Peter

"Peter nasaan ka pupuntahan ka namin!" sigaw ni Red ngunit hindi na sumagot si Peter.

"SHIT! " nagulat na lamang si Red nang biglang sumigaw si Robbie ng malakas.

Hindi na naiwasan pa ni Robbie ang sasakyang biglang bumangga sa kanila kayat agad na nagpasirko-sirko ang kanilang sinasakyan.

- - - -- - - -- - - - ---

PETER'S POV

Patuloy lang ako sa pagd-drive ng Police Car. Napatingin ako sa sidemirror at nakita kong may sumusunod na sa aking isang kotse. Magkahalo ang naramdaman ko. Saya at Kaba.

Masaya ako dahil gumana ang plano. Gumana ang plano naming linlangin ang Anonymosities. 

Tinawagan ko kanina yung mga pulis na kasama ni Drake upang doon sila dumaan sa kalye kung saan naghihintay sila Master. Habang ako yung dadaan sa rutang dapat tinatahak nila drake.Sa madaling salita ako ang Decoy. Sabi nga ni Red ako daw ang master Bait. Gagong posporo


Ngayon kinakabahan na ako sa kung anong mangyayari sa akin kapag makita nilang wala dito si Drake. Kasalanan ko to eh, bakit ba ako nagpresinta tapos ngayon heto ako kinakabahan. I hate myself..

Palapit na ng palapit ang kotse nila sa akin. Alam kong kahit na anong oras ay haharangin na nila ako. Napagdesisyunan kong umikot nalang pabalik doon sa police station. Kung sakaling haharangin nila ako atleast malapit ako sa mga pulis.

Bigla akong nakarinig ng putok ng baril.  Langya binaril ang gulong.

ilang sandali lang ay bigla akong nawalan ng kontrol sa kotse at agad itong sumalpok sa center island ng kalsada.

Biglang naging blur and lahat. Nakasandal lang ang ulo ko sa manibela nang dahil sa impact. Sobrang sakit ng ulo ko at nararamdaman kong tumutulo ang dugo sa ulo ko. 



- - - - - - - -- - - ---


THIRD PERSON'S POV

Kahit na hilong-hilo pa si Peter ay pilit niyang tinatanggal ang seatbelt upang makaalis ngunit huli na siya.

Agad binuksan ni Shadow ang pintuan ng kotse. Hinila niya ang buhok ni Peter at pilit itong hinahatak palabas ng sasakyan.

"TANGINA!" Napasigaw nalang si Peter habang pilit na inaabot ang baril niya.

Ngunit Huli parin si Peter. Tuluyan siyang napahiga sa kalsada nang muli siyang hinatak nina Shadow. Hindi niya nakuha ang baril kayat wala siyang kalaban-laban.

Napasipa nalang si Lucifer sa kotse nang mapagtantong wala doon si Drake at nagkamali sila. Nanggagalaiti na ito.

Biglang ikinasa ni Lucifer ang baril at tinanggal ang bonet sa mukha ng nanloko sa kanila. Laking gulat nilang lahat nang makitang ito ay si Peter. Tanging tinginan lang ang magagawa ng mga knights. Alam nilang may posibilidad na makilala sila ni Peter oras na magsalita sila.

Tumawa nalang si Peter. Ni-isa sa kanila ay hindi niya nakikilala dahil nakasuot sila ng mga Coat at Bonet.

"Gulat kayo no?!" Pang-aasar ni Peter kahit duguan na ito at nahihirapan na. 

Sa inis ni Lucifer ay tinadyakan na lamang niya Peter.

"Lets just kill him. Di naman malalaman ni King" Mahinang bulong ni Light sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ni Peter sa narinig. Inihanda na lamang niya ang kanyang sarili sa kanyang katapusan nang bigla niyang maalala ang smoke bomb itinago niya sa bulsa niya.

Natawa na lamang siya sa pagiging makalimutin niya.

Muli siyang tinadyakan ni Lucifer "Mamamatay ka na tapos tatawa-tawa ka pa?!" Sigaw ni Lucifer na pilit na iniiba ang kanyang boses.

Napa-smirk na lamang si Peter at pasimpleng kinuha ang bilugang bagay sa kanyang bulsa. Agad niya itong itinapon kayat bigla itong sumabog. Agad na nabalot ang lugar ng makakapal na usok.

Agad tinakpan ni Peter ang kanyang bibig at pansamantalang hindi huminga. Dali-dali siyang tumakbo palayo sa mga knights.

"WAG NIYO SIYANG HAYAANG MAKATAKAS!" sigaw ni Lucifer

"COVER YOUR MOUTH!" sigaw ni Shadow

Hindi sila nakalanghap ng usok kayat hindi sila nawalan ng malay. Dali-dali silang tumakbo at hinabol si Peter. Mistula silang mga bulag na naghahabulan. Zero visibility dahil sa usok kayat tanging mga yapak na lamang ang sinusundan nila.

- - - - - --  - - - --  -- - - -

Samantalang ang Van na sinasakyan nila Robbie ay Nakabaliktad na. Nasa loob ang tatlo at pawang duguan matapos silang banggain ng isang kotse.

"Red" Mahinang bulong ni Robbie habang dahan-dahang hinahanap ito sa kanyang paningin.

Biglang nakarinig si Robbie na parang may kinakaladkad.

Napadungaw agad ito sa labas at Laking gulat nito nang makita niyang may isang lalake sa kalsada na kinakaladkad ang mistulang walang malay na si Drake. 

"R..red" mahinang bulong ulit ni Robbie habang hinahanap ang kasama.

Agad naman niya itong nakita na walang malay sa likuran niya.

"Red gising! Gising!" Sigaw ni Robbie kayat Dahan-dahang nagising si Red na mistulang hilong-hilo narin.

"AAAAH AAAHHH!" Laking gulat ni Robbie nang marinig si Drake na sumisigaw at para bang nagmamakaawa sa kanyang buhay. Lubos na ikinagulat ni Robbie ang kanilang nakita.

- - - --

Ang lalaking kumakaladkad kay Drake ay walang iba kundi ang kanilang King. Walang habas siyang pinagsasaksak ng king habang nakahiga sa kalsada. Nagmamakaawa si Drake ngunit mistulang hindi siya nito pinapakinggan. Nang dahil sa malalakas na pagsaksak ay halos masama na ang bituka nito sa kutsilyo. "Pasensya na Drake. You failed and Thats that" mahinang bulong ng king at sa huling pagkakataon ang sinaksak ang sentido ni Drake.

*BOOGSH BOOGSH*

Dali-daling nagtago ang King nang bigla siyang paulan ng bala ni Robbie. Napangiti na lamang ito at agad na sumakay sa kanyang kotseng yupi na siyang ginamit niya kanina upang banggain sina Robbie.

 "GAGO! BUMALIK KA DITO!" Galit na galit sigaw ni Robbie at paika-ikang Tumakbo upang habulin ang king sabay ang pagpapaputok ng kanyang baril. Hindi tumitigil si Robbie sa pagpapaputok sa pag-asang matatamaan niya ang king.

Maging si Red na nakakagalaw na ay dali-daling tumakbo para habulin ito ngunit huli na. Nakalayo na ang king.

"SHIT! SHIT! TANGINA!" Napamura nalang si Robbie nang makita ang walang buhay na si Drake. Galit ito dahil naunahan sila ng King at mawawalan na naman sila ng lead.

Maging si Red na nanggagalaiti ay ibinunton nalang ang sama ng loob sa pamamagitan ng pagtadyak sa walang buhay na katawan ni Drake.

Wala na silang magagawa pa kayat Sinunog nalang nila ang Van na kaninay ginamit nila upang hindi sila mapagbintangan.

"Wala na si Drake...Kailangan na nating gamitin si Mack" mahinang bulong ni Robbie at tumango na lamang si Red.

"Shit si Peter!" Sigaw ni Red nang maalala niya ito.

- - - - - -- - - - - - -


PETER'S POV 

"Pusangkireeeeeeee!" sigaw ko habang tumatakbo.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero kanina pa ako tumatakbo sa madilim at masikip na eskinitang to. Alam kong malapit na ako sa police station kayat mas binibilisan ko pa ang pagtakbo.

Alam kong papatayin nila ako kapag nakita nila ako.


Nakakarinig na ako ng iba pang mga yapak kayat mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Ayun siya!" Narinig kong may sumigaw at nang lumingon ako ay nakita kong may dalawa ng tumatakbo papunta sa akin. Nasundan nila ako! Malas!

 

Pakshet pero mabuti nalang to kaysa dun sa mga aso noon. Kinapa-kapa ko ang bulsa ko ngunit naubusan na talaga ako ng smoke bomb.

Takbo lang ulit ako nang takbo sa abot ng makakaya ko. Lumiko ulit ako sa isang eskinita Ngunit laking gulat ko nang makitang may mga tumatakbo din doon at patungo ito sa akin.

PAKSHET! AKALA KO BA TATLONG TAO LANG ANG HUMAHABOL SA AKIN?! 

Narinig kong papalapit na ang mga Knight sa kinaroroonan ko.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Na-corner na nila ako. May humahabol sa likuran ko at ngayon meron naman sa harapan ko. Bwisit na buhay to oh!. Napakadilim kayat hindi ko na alam kung saan pa ang maaaring daanan ko.

"Pakshet" mahinang bulong ko at agad na nanlumo...Katapusan ko na..

Laking Gulat ko nang bigla nalang may Humila sa akin papunta sa gilid ng eskinita at itinulak ako papasok sa isang napakalaking basurahan. Hindi na ako nakapanglaban dahil nanghihina na ako at parang malakas din ang humila sa akin.

Napakadilim at napakabaho sa loob ng basurahan kayat muntik akong mapasigaw nang Naramdaman kong may brasong pumulupot sa leeg ko At may kamay na tumakip sa bibig ko.

"Shhhh. Say one word and I will cut your tongue" mahinang bulong niya sa tenga ko gamit ang nakakatakot niyang boses. Sa takot ko ay tumango na lamang ako dahil pakiramdam ko seryoso siya.

END OF CHAPTER 15


Ehem..Ehem... "♫ I did my best, But I guess my best wasnt good enough ♫ " bwhahahahaha XD.

PATAWAD at hanggang dito lang ang kaya ng aking powers. 

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA.

VOTE and COMMENT :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro