Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fear 14 : Color of the Grass

MACKENZIE'S POV

Hingal na hingal ako nang magising. Kinakabahan ako dahil napanaginipan ko na naman sila.

Dali-dali kong kinuha ang sketchpad ko at igibuhit ang mukha ng parating napapanaginipan ko. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko gusto ang mga nangyayari sa panaginip ko kayat sana naman ay kathang-isip lang yun.

Pagbaba ko ay agad kong naabutan si Daddy na Abalang-abala sa pagluluto. 

"Morning Dad!" Bati ko

"Morning dali kain na! Madami akong inihanda" Sabi ni Daddy na may napakalaking ngiti. Nagulat ako nang makitang napakarami ngang pagkain sa mesa. Sayang di ko to makakayanan. Di pa nakakaget-over yung tiyan ko sa nakita ko eh.


"Anong meron naglilihi ka na naman ba?!" biro ko.


"Tumahimik ka nalang nga at kumain!" Biro din pabalik ng baboy ramo.

"Nga pala nak aayusin ko na pala yung papers natin mamaya. Babalik na tayo sa amerika as soon as possible" Daddy

Nagulat ako sa narinig at otomatiko kong naikunot ang noo ko. Hindi pwede


"I know its hard for you to leave your friends pero Anak kailangan na. Pinagbigyan kitang tumira tayo dito ng kahit na isang taon lang. And one year is up...We have to go back" Seryosong saad nito.

"Dad tungkol ba to doon sa pagkamatay ni Jiro? Dad madaming possibility! Maaaring may nakaaway lang si Jiro tapos ginantihan siya. If youre thinking were gonna end up like those Jeongsin Students. We wont!" Paninigurado ko sa kanya

"Mackenzie bakit mo ba talaga gustong tumira dito? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Tanong ni Daddy na nakakunot na ang noo.

Pakiramdam koy nanuyo ang lalamunan ko. Alam kong masasaktan lang siya kung malalaman niya ang totoo.



*DING DONG*

Agad akong nakahinga ng maluwag. Saved my the bell.


Dali-dali akong tumayo at lumabas.


"Sino po sila?" Tanong ko

"Delivery for Lee comma Mackenzie" Sabi nung delivery guy na may napakatamis na ngiti. Nakakahawa ang mood niya kayat napangiti nadin ako. Familiar siya ah...

"Im Lee Comma Mackenzie!" sigaw ko sabay kuha ng box. Ano kayang laman nito?

Nagulat ako nang bigla siyang naglakad paalis. Ganun lang? walang pipirmahan?

"Kuya wala po bang pipirmahan?" tanong ko

Ngumiti ulit ito. "Wala. We are not your usual delivery team Faith... Enjoy your day!" sigaw ulit nito sabay kaway.

Whoa sosyal si Kuyang delivery guy!

- - - - - - - -- - 

"O ano yan?" tanong agad ni Daddy nang makita niya ang box.

"Malay ko." dali-dali kong binuksan ang box at laking gulat ko nang makakita ako ng Isang Cake... Isang birthday cake.

"Shunga yung delivery guy. Namali niya ng pagbigay wala namang may birthday dito. Oh well!" Dali-dali kong kinuha ang kutsara nang bigla nalang sumigaw si Daddy.

"Mackenzie dont eat that!" Malakas na sigaw nito na parang galit na galit. Isusubo ko na sana yung cake kayat nakanganga nalang ako.

"Ibaba mo yan! Ilang ulit ba kitang sasabihan na wag basta-bastang tatanggap ng mga bagay o makikipagkilala sa kahit na sino?!" Sigaw ulit nito.

Wala akong ibang nagawa kundi ibaba nalang yung kutsara. Sayang ang cake T_T

"Eeee! di ko naman kasalanan na shunga yung delivery guy eh" Palusot ko sabay ngiti ngunit si Daddy seryosong-seryoso padin. Ganun ba talaga kabig-deal yun para sa kanya?

Nagulat ako nang bigla nalang niyang kinuha ang box at itinapon sa basurahan. Napaupo nalang ako sa sahig at nangisay sa inis.

"Dad bakit mo ginawa yun?! Sayang!" Napasigaw agad ako.

"Go to your room!" sigaw niya sa akin.

"I'll go to school may pasok ako!" Sigaw ko at dali-daling kinuha ang mga gamit ko upang umalis.

Sheeesh. Nakakabwisit.



- - - - -- - - -- - - - - 


PETER'S POV

"WHOOOOO!" Sigaw ni Caleb at Chippy habang pumapalakak.

Mga ulol din tong mga lalakeng to eh. Tumambay ba naman sa pasilyo at Palakpakan ang bawat taong dumadaan!

"Punyeta nababahing ako" Chippy.

"PIKA PIKA!" sigaw ako

"*Achooooo*" Malakas na bahing ni Chippy

nagkatinginan kaming tatlo.

"Pikachu! hahahahaha!" Caleb

"Teka wala ba kayong balak umalis dito matapos yung nangyari kay Jiro?" pag-iiba ko ng usapan.

Biglang sumeryoso ang mga mukha nila. Parang natatakot.

"I have no choice. Ayokong umulit ng Fourth year" Caleb

"Ako naman ayokong madisappoint ang daddy ko kung uulit ako At isa pa nandito pa ang mga kaibigan ko eh" Chippy 

Tumango nalang ako.

Nagsisimula na nga talaga ang laro.


"Teka tanong ko lang sino ba si Julie? Si Mack kasi kahapon parang takot na takot sabi niya nakita niya si Julie. Ganun ba kapangit yun?" Tanong ko. Siyempre alam kong patay na yung Julie. Ayoko lang ipahalata na may alam ako.


Biglang napaiwas ng tingin si Caleb. Para siyang kinakabahan at parang hindi komportable sa pinag-uusapan namin. Samantalang si Chippy naman napayuko lang at parang natatakot.

"P..patay na si Julie" Mahinang bulong ni Chippy

Kahit alam kong patay na yung Julie ay kinilabutan parin ako nang marinig ko yun. Langya hindi naman sa duwag ako pero takot lang talaga ako sa multo.

Saglit kaming nabalot nang katahimikan. Nawala lamang ito nang magsalita ulit si Caleb.

"Kung sakaling nangyayari sa atin ang nangyari noon sa inyo. Hindi ako natatakot. Maaaring mabuhay ako" pagmamayabang ni Caleb

Agad na nakunot ang noo ko.

"Yabang dre! Paano mo nasabi?" tanong ko

Bigla niya akong inakbayan. "Bro ikaw ang proweba! Ang masamang damo matagal mamatay!" Sigaw nito na parang proud pa.

*POK*

Agad ko siyang binatukan

"Gago Hindi masama ang maging berde!" Sigaw ko

"Aray! Okay hindi na! Pero ano ba ang kulay ng Damo?! BERDE DIBA! BERDE! Counted parin yan! Counted tayo sa kasabihan!" Sigaw ni Caleb habang pumapalakpak.


Oo nga no! Kaya siguro binuhay ako ni JC! 


"May damo ding Yellow! Pero bro tama kaaaa! Galing mo bro!" Sigaw ko



"Kung ganun mamamatay ako dahil hindi ako Berde?!" Sigaw ni Chippy na alalang-alala.

"Bro madali lang yan! Tuturuan ka namin" Sabi ni Caleb habang tumatawa na parang demonyo. Gago talaga.


"Ayoko! Unlimited bugbog ang matatanggap ko kay Kenzie pag naging berde ako!" Chippy



"Dont worry may isa pang paraan para mabuhay!" Caleb

Agad nakunot ang noo ko. "Ano naman?" Kung makapagsalita ang gagong to parang nasali talaga sa massacre. 

"Two words... SIR ROBBIE"  mahinang bulong nito.

sinasabi ko na nga ba. Fanboy nga talaga siya ni Master.



- - - - - - - - - - - 


JILL'S POV

Pagpasok ko sa classroom ay agad kong nakita ang kumpulan ng mga estudyante.

"Finn nandito na si Jill!" Sigaw nung ibang kaklase namin sabay turo sa kanya na naka-wheel chair.

"UYYYYYY!" Panay ang sigawan ng mga kaklase namin. Sila kinikilig ako nandidiri.

Bigla akong nginitian ni Finn. Gaya ng dati ngumiti lamang ako pabalik at dali-daling lumabas ng classroom. Hindi ko na kayang makipag-plastikan. Bahala na silang lahat kung magalit sila sa akin.

Hindi ko namalayan sinundan pala ako ni Finn.

"Jill may problema ba?" tanong niya sa akin.

Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Umeepekto narin ang pagbabait-baitan ni Finn sa akin. Bwisit


"Nothing...As long as you stay away from me, I have no problem" mahinang bulong ko habang pinipilit ang sarili kong ngumiti.

Agad nakunot ang noo ni Finn. "Jill tungkol saan ba to? Akala ko ba okay na tayo?" Finn

Huminga ako ng malalim. "Finn , I know i have told you this a thousand times. But seriously im sorry. I dont like you that way. Lets end this please. Pagod na ako eh. Hindi ko na talaga kaya. Finn madaming babae sa mundo please stop making my life miserable." Sabi ko habang pinipigilan ang luha ko.

Tumango lang si Finn at Ngumiti.

"I wont give up on us Jill. Darating din ang araw na mamahalin mo ako gaya ng pagmamahal mo kay Eroll." 

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Bahagya namang tumawa si Finn. "Alam ko ang tungkol sa inyo ni Eroll. Kaso nagparaya na siya diba?" bigla niya akong nginitian na para bang masaya talaga siya. "Alam kong mamahalin mo rin ako Jill. Wag kang mag-alala hindi ako mawawala sayo" Sabi niya at agad na umalis gamit ang wheel chair niya.

Parang nanlambot ang tuhod ko sa narinig. Natatakot na ako sa kanya. Kailangan na talaga siyang mawala...



- - - - - -- - - - - - - - --


ROBBIE'S POV 

"Dude whatever you do dont be yourself" Tip sa akin ni Red.

Agad nakunot ang noo ko.

"Ha? Pinagt-tripan mo naman ako eh!" Sigaw ko sabay ayos ng buhok ko.

"Believe me. Girls tell us to be ourselves because they dont know how crazy we actually are!" sabi nito na parang siguradong-sigurado na sa pinagsasabi niya. Aish! Bakit ba kasi si Red ang pinagtanungan ko! Nyeta

"Sige kawalan mo yan kung ayaw mong maniwala" panunukso ni Red at muling binuklat ang laptop niya upang mag-hack na naman.

Napabuntong hininga nalang ako at muling sumulyap sa salamin bago lumabas. Wag kang mahihiya Robbie..Wala kang hiya bulong ko sa sarili ko.

- - - - - -- - - - 

Habang naglalakad-lakad ako ay napadungaw ako sa bintana.

Ayos! Nandun si Sidney ko sa oval. Kaya ko to!

Naglalakad ako papunta doon nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Labas kung ayaw niyong ihulog ko kayo sa hagdan!" sigaw ko.

"Labas daw"

"Wag mawawala yung mystery vibes natin sayang"

"Gago Alam niya!"


Nakarinig ako ng mga bulungan kayat napabuntong hininga nalang ako. Mga engot..


Isa-isang lumabas mula sa gilid ng pasilyo ang tatlong itlog. Sina Chipy, Caleb at Peter. Ano na naman kayang kabalbalan to?


bigla akong narinig na may pumalakpak.

"Whooo! Sir Robbie ang galing mo talaga! Ang lakas ng radar mo!" Sigaw ni Caleb. Seryoso, Naalog na ba talaga ang utak ng lalaking to?

"Bakit niyo ako sinusundan?" Tanong ko sa kanila.

"Si caleb eh!" Peter

"Ayoko pang mamatay!" Sigaw ni Chippy

"Ano?! teka anong ibig niyong sabihin?" tanong ko. Nyeta naguguluhan na ako sa pinagsasabi ng gagong to.



"May namatay na eh! Natatakot kaming magaya sa Jeongsin And Dude You are Robbie fvcking Chen! Ikaw ang pinagpala ni Lord. Nakasurvive ka sa tatlong massacre. kayat sa ayaw o gusto mo susunod at susunod kami sayo. Baka ito lang yung paraan para mabuhay kami!" Caleb.

Teka kung tutuusin may ganitong rule din ako noon..

Ang dumikit sa mga may potential na maging final girl...



- - - - - -- - - - -- - - 


EROLL'S POV




Nakakainis hindi ako pwedeng pumunta sa music room. Langya din kasi bakit dun pa nila napagtripang magpatayan. Di tuloy ako makatugtog. Makatambay na nga lang sa rooftop.

"Pssst....Pssst"

Agad akong napatigil sa paglalakad nang bigla akong makarinig ng pagsutsot.

"Chippy di na yan uubra sa akin" napangiti na lamang ako. Isip bata talaga..

"Pssst..Psst" muli ko na namang narinig ang sutsot. pero ngayon ay mas malakas na ito.

Leche di ba siya nasasayangan sa laway niya?

"PSSST..PSSST! " Sumotsot din ako pabalik. "GAGO!" sigaw ko habang tumatawa.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad habang nakatanaw sa bintana.

Bigla akong kinilabutan nang makita kong nasa Oval sina Chippy sina Caleb. 

Hindi...walang multo...maaaring sina Mack lang to pinagt-tripan ako.

"Psssst.. Pssst"

"MACK LUMABAS NGA KAYO DIYAN!" sigaw ko habang dahan-dahan naglakad pabalik sa pinanggalingan ko. Tangina di nalang ako pupunta sa rooftop.

 - - - - - - - - - - - -- 

MACK'S POV

Kinuha ko na ang kahon ko at dahan-dahang inilagay doon ang laman ng locker ko. Kailangan ko ng linisin to dahil alam kong ano mang oras babalik na kami sa amerika. Sana lang wag magtampo sa akin ang barkada lalong lalo na sina Chippy at Peyton. Naiimagine ko na ang magiging reaksyon nila.

Kilala ko ang daddy ko. Biglaan talaga yun kung magdesisyon kayat ngayon pa lang kailangan ko ng ihanda ang sarili ko.



"A...aalis ka?" bigla akong nakarinig ng malungkot na boses sa likuran ko kayat agad akong napalingon.


Si Travis lang pala..



Ngumiti ako at tumango. "Mababawasan na ang mga taong iirapan mo" Biro ko sa kanya.

Nagulat ako nang may bigla siyang nilagay sa kahon at dali-dali siyang umalis. Agad akong napatingin kung ano ito... Isang kwintas.. 


"Hoy travis anong gagawin ko dito? Hoyyy!" Agad akong napasigaw.

"Sayo talaga yan!" Sigaw niya pabalik nang hindi lumilingon.

Ah siguro apology niya to sa parating pambi-bwisit sa akin. Oh well! Apology accepted. bwahahaha. Bibigyan din kaya ako ni Hailey ? ASA! HAHAHA

- - - - - - - - - - - -- 


PETER'S POV

"Nyeta sa wakas nakawala narin ako sa mga gagong yun!" Sigaw ni Master sabay higa sa sofa na para bang pagod na pagod."Tangina ultimo banyo sinasamahan ako! Seryoso ba talaga sila?!" Sigaw ni Master na inis na inis parin sa amin nila Caleb kayat natawa nalang ako.

"Hoy Peter wag mo akong tatawanan diyan! Sabihan mo yung mga kampon mo na layuan ako! You dont do that to me!" Sigaw ulit ni Master

"Master Chill. Wag kang mag-alala magagamit mo naman kami kapag dumamoves ka dun sa sidney mo" ako

"Hayy...Ang saklap niyo naman kayo ang lumalapit samantalang ako, Tsss...Ako ang nilalapitan!" pagmamayabang ni Red.

"HALA KA! ISUSUMBONG KITA SA KANYAAAAA! " pananakot ko sa kanya sabay kuha ng cellphone ko. hahaha. Lagot siya kay Bruhilda

*POK*

Bigla akong binato ni Red ng isang rolyo ng lubid.

"SUMBONG MO AT AKO MISMO ANG MAGPUPULUPOT NG LUBID NA YAN SAYO!" Sigaw ni Red.

"Teka Peter wag mong sabihing nahuhulog ka na nga kay Mackenzie?!" Gulat na tanong ni Robbie.

Pakiramdam ko tumaas ang dugo sa ulo ko. "HINDI AH! OY RED HINDI! SINUSUNOD KO LANG YUNG SINABI NINYO NA MATYAGAN SIYA!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Nga pala maghanda na tayo sa maaaring mangyari bukas." Master

agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Red at tumango ito. Oo nga naman madami ang maaaring mangyari bukas...



END OF CHAPTER 14

Thanks for Reading.

Vote and Comment :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro