Fear 13 : Weapon of Opportunity
MACKENZIE'S POV
Matapos kong maitago ang laptop ko ay dali-dali akong napatakbo papunta sa Cafeteria upang hindi na sila magtaka pa. Pagkatapos ng morning period kanina ay dali-dali na kasi akong umalis.
Nakapwesto na silang lahat ng kumakain ng kani-kanilang mga lunch.
"Mackoy kumain ka na nga dito!" Sigaw nila Eroll kayat tumango nalang ako. Loko talaga tong mga kaibigan ko kung makasigaw parang kami lang ang nandito.
Nanginginig pa ang kamay ko nang kumuha ako ng tray at pumila upang kumuha ng pagkain.
Pumipili ako ng pagkain nang bigla nalang may naglagay ng cheesecake sa tray ko. Nagtaka ako nang makita kong si Travis pala at kagaya ko ay pumipili din siya ng pagkain.
"Hoy bakit mo nilagay?" tanong ko
"Wag ka ng magtanong" Sagot nito gamit ang malamig at walang emosyon niyang boses at gaya ng inaasahan inirapan na naman ako.
"Pag-ako napuno sayo dudukutin ko na talaga yang mata mo" mahinang bulong ko nang dahil sa inis.
Bigla ko siyang narinig na tumawa. Anong nakakatawa?
"Baliw ka dre?" tanong ko sa kanya
Tiningnan niya lang ako at biglang inisnaban. "Whatever faith" mahinang bulong niya na para bang iniinis ako.
"Faith pa talaga? If I know crush mo lang talaga ako Travis" mahinang bulong ko sabay flip ng buhok ko.
Bigla ulit siyang tumawa. Baliw na nga talaga -_-
"EXCUSE" nagulat nalang ako nang bigla nalang sumingit sa gitna namin si Peter sabay bangga pa sa siko niya. Bwisit ang bastos naman, di man lang nag-sorry.
hindi ko nalang sila pinansin at umorder nalang ulit ako. Napansin kong lumipat si Travis ng kinatatayuan at muling pumwesto sa kabilang side ko. Hindi ko nalang pinansin dahil baka kukuha lang yan ng cheesecake.
"Mack" bigla na namang nilagyan ni Travis ng pagkain ang tray ko.
"Uy wag na" Agad akong napailing-iling.
"Lampayatot kailangan mo yan" Travis
"Ako lampa? Gusto mo suntukan?!" ako
"Ang ingay mo" mahinang bulong nito at bigla akong inisnaban.
"Mack o!" Nagulat ako nang biglang nilagyan ni Peter ng Coke ang tray ko.
Anong trip ng mga kumag nato?
"Masarap ang burger nila ngayon" Sabi ni Travis at nilagay sa tray ko ang kinuha niyang burger.
"Tubig" Peter at binigay din sa akin ang isang mineral bottle.
SERIOUSLY?! MUKHA BA AKONG WALANG KINAKAIN?! LANGYA AMBIGAT NA NITONG TRAY KOOOOO! -_-
Umalis nalang agad ako at dali-daling nagbayad dahil baka makagulpi ko ang mga gagong to.
- - - - - - - --
"O saan ka galing? Bigla kang nawala after last period ah?" Peyton
Ngumiti nalang ako at pasimpleng itinuro ang CR. Mabuti nalang talaga at naniwala sila.
"Nga pala kailan daw makakalabas si Finn?" pag-iiba ko ng usapan.
"Bukaaas!" magiliw na sigaw ni Chippy at agad na itinaas ang chopstick niya.
"Kaso naka-wheel chair parin siya. Guys sana tulungan natin si Finn dahil maliit nalang kasi ang chance na makalakad siya." Malungkot na sabi ni Topher.
natahimik kaming lahat.
Naaawa kami kay Finn...
"Guys kilala niyo si Finn kaya niya yun. Wag nalang nating ipakita na nalulungkot tayo. Sasama lang ang pakiramdam nun" Eroll
"Tama si Eroll" mahinang bulong ko.
♫WONDER PETS! WONDER PETS! ANO ANG KAILANGAN?! MAGTULUNGAN!♫
Nagkatinginan kaming lahat nang biglang may tumunog na cellphone
"O kanino yan?" tanong ko. Ayokong tingnan ang cellphone ko. Nakakatamad eh.
"Pakiramdaman ang pag Vibrate!" Chippy
Bigla nalang dumaan sa harapan namin si Caleb.
"Hala anong vibrator?!" Caleb
*POK*
Agad kong binato ng cheesecake si Caleb.
"Gago Alis!" sigaw ko.
"Akin yata?" Topher at agad na kinapa ang bulsa niya.
"Akin nga" mahinang bulong ulit ni Topher at agad na lumabas upang sagutin ito.
- - - - - - - --- - -
Malayo pang mag 1pm kayat kanya-kanya muna kami ng trip pampalipas oras.
Naisipan kong pumunta nalang sa Mini Garden para doon magpahangin. Di ko pa kasi feel makipag-daldalan sa mga kaibigan ko.
Naglalakad ako nang bigla kong makita Si Zeke na kinikwelyohan si Caleb.
"Zeke naman kalma lang!" Caleb
Napasmirk lang si Zeke at biglang napailing-iling.
Nagulat ako nang bigla na lamang sinikmuraan ni Zeke si Caleb at agad itong napahiga sa sahig. Hindi sana ako makikialam pa pero parang wala kasing kalaban-laban si Caleb.
lalapitan ko na sana sila nang bigla nalang may humila sa braso ko.
"Ako na." mahinang bulong ni Travis at agad na inawat ang dalawa.
Magkaibigan din kahit papaano sina Travis at Zeke kayat alam kong maaawat niya yan. Makaalis na nga lang...
- - - - - - -- - - - - -
THIRD PERSON'S POV
Abala sa pagkain ng Spaghetti si Jiro habang naglalakad-lakad sa loob ng eskwelahan. iilan lang silang mga estudyante dito kayat iilan lang din ang nakakasalubong niya.
Bigla siyang nakarinig ng tunog ng piano kayat agad niya itong sinundan.
Kain lang ito ng kain hanggang sa makaabot siya sa Music room na nasa third floor lamang.
Hindi na nag-abalang kumatok si Jiro agad na siyang pumasok sabay lamon.
"Mmm! Uy ang galing mo pala!" Sigaw ni Jiro at agad na nilulok ang spaghetti. "Anong kanta yun?" Dagdag pang tanong ni Jiro at agad na pumwesto sa tabi ng kaklaseng tumutugtog ng Piano.
Padabog na tinapos ni Shadow ang pagtugtog ng piano. "Pwede ba Jiro tumahimik ka!" inis na sigaw nito at muling ibinaling ang paningin sa sheet music.
"No cant do. Walang volume off ang bibig ko. Teka kailan ka pa natutong mag-piano? Turuan mo ako!" Sigaw ni Jiro habang ngumunguya kayat mas lalong nainis si Shadow.
"Shut up" mahinang bulong ulit nito at agad na napasinghal habang tumutugtog.
Ngumiti nalang si Jiro at muling Ipinasok ang Tinidor na may napakaraming spaghetti sa kanyang bibig. "Pwede ka ng itapat kay Yiruma! Kaso medyo nawawala ka sa tyempo. Try mo yung ibang arrangement" Panay lang ang pagdaldal ni Jiro.
Napapikit na lamang si Shadow upang mag-focus sa kanyang tinutugtog. Ayaw niyang magpadistorbo ngunit sadyang napakaingay ni Jiro.
"Alam mo ba May mga nawawala daw tayong kaklase. Nasaan kaya sila? Siguro nag tanan na yun at kasalukuyang inaabot ang langit! hahahaha!" biglang tumahimik si Jiro at pinakinggan ng mabuti ang tinutugtog ni Shadow. "Hoy sintunado ka!" Malakas na sigaw nito kay Shadow.
Napabuntong hininga na lamang si Shadow at agad na tumigil sa pagtugtog.
Bigla itong napangiti at humarap kay Jiro.
"Pahingi naman ng spaghetti" sabi ni Shadow at dali-daling inagaw mula kay Jiro ang tinidor.
"Wag mong ubusin!" Sigaw ni Jiro.
"Dont worry...I wont" Shadow
Ngumiti na lamang si Shadow At walang ano-anoy biglang isinaksak ng malakas ang tinidor sa leeg ni Jiro.
Sa lakas ng pagkakasaksak ni Shadow ay bumaon ang buong ulo ng tinidor sa leeg ni Jiro at agad na nagtalsikan ang napakaraming dugo sa mukha nito. Malakas ang naging pag-agos ng napakaraming dugo mula sa kanyang leeg at pati narin sa kanyang bibig.
Agad natumba sa sahig si Jiro. Gusto nitong sumigaw ngunit hindi niya kaya dahil sa mismong lalamunan ito tinamaan.
"B...ba...kit?" mahinang bulong ni Jiro habang namimilipit sa sakit at nanginginig na hinawakan ang tinidor upang tanggalin ito mula sa kanyang leeg.
"Because you wont Shut up!" Galit na sigaw ni Shadow at Agad na inapakan ng malakas ang tinidor na nakatayo pa sa leeg ni Jiro. Agad bumulwak ang napakaraming dugo nang mas bumaon ang tinidor sa leeg ni Jiro.
Napatingin si Shadow sa salamin at napangiwi siya nang makitang natalsikan ng dugo ang kanyang mukha.
"Langya natalsikan pa ako! " Galit na sigaw nito at agad paulit-ulit na tinadyakan ang tinidor upang mas pumasok ito sa leeg ni Jiro.
Kinuha ni Shadow ang Gitara na katabi lang nila at walang habas na pinagpapalo nito si Jiro hanggang sa masira ang gitara.
Naliligo na sa sariling dugo si Jiro ngunit naghihingalo pa ito.
Walang nararamdamang awa sa kanya si Shadow kayat naatim pa nitong kunin ang drumstick na nasa malapit lang nila.
"Ako Sintonado?!!!" Galit na sigaw ni Shadow at buong lakas na isinaksak ang Drum stick sa kaliwang mata ni Jiro. Iaangat na sana ni Shadow ang drum stick upang isaksak ito ulit nang mapagtanto niyang na stuck pala ang stick sa mismong mata ni Jiro.
"Shit miming" mahinang bulong ni Shadow at buong lakas na hinugot ang stick.
Sumobra ang inilabas na pwersa ni Shadow sa paghugot kayat hindi sinasadyang Tumilapon ang Stick kung saan nakatusok pa ang eyeball ni Jiro at naglanding sa plato ng Spaghetti.
Nang dahil sa gulat ay napasigaw si Shadow. Lubos itong nandiri nang mapansing puno narin pala ng dugo ang spaghetti at may Mata na ito sa tuktok. Napangiwi nalang si Shadow. "Shit ayoko na talagang kumain ng spaghetti!" Sigaw nito na diring-diri.
- - - - - - - - - - -
PETER'S POV
Nasa locker area kami nang bigla nalang lumapit sa akin si Red.
"Pete Brand new Lubid!" Malakas nitong sigaw sabay hagis nito sa mukha ko.
Pakshet bumili nga siya ng brand new lubid -_-
- - - - -- -
Ako ang nakatokang magmasid kay Mackenzie kayat wala akong choice kundi panoorin ang baseball practice niya.
Nandito din si Travis tapos ang sama ng tingin sa akin. Pag ako hindi nakapagpigil tatamaan na talaga to sa akin
Pasimple akong umalis sa kinauupuan ko at pinuntahan siya sa locker area.
Pagdating ko dun ay naabutan ko siyang parang may hinahanap.
"Hoy Mack!" sigaw ko na ikinagulat niya.
"Gago bakit?!" sigaw niya at isa-isang nilapitan ang mga locker.
"Hinahanap ka na ng coach mo" palusot ko.
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya.
Humarap siya sa akin na parang nandidiri. "Naaamoy mo yun?" Sabi niya at huminga ng malalim.
Inamoy ko din ang paligid. Oo nga no? May masangsang na amoy.
"Mack baka Natapon ang perfume mo" pang-aasar ko sa kanya
Napamewang lamang siya at tiningnan ako ng masama.
"Gago" mahinang bulong niya at naglakad nalang palayo.
END OF CHAPTER 13
Maraming Salamat sa pagbabasa :)
Vote and Comment :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro