Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fear 12 : Sympathy for Mr. Manipulator

JILLIANE'S POV

Hindi naman ako masamang tao, Ginawa ko lang yun upang tulungan ang sarili ko. Gusto ko lang namang mabuhay ng naayon sa gusto ko pero bakit ba parati niyang minamanipula ang buhay ko?



Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad habang sinisipa ang batong madaanan ko. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan ngayong gising na si Finn.

*FLASHBACK*

"Oh my God! Nabasa mo ba yung post ni Finn kagabi?" narinig kong tanong ng isang kaklase ko kay Hailey.

 

"Yeah! Like he's so kawawa! And its all because of that girl!" Alam kong ako ang itinuturo ni Hailey kayat napapikit nalang ako at inihiga ang ulo ko sa armchair ko. Pilit kong sinasanay ang sarili ko ngunit masakit parin.

 

"Teka ano ba yung post ni Finn?" Nina

 

"'Life sucks when the person you love the most doesnt even love you back'" pag-uulit ng kaklase ko sa mga katagang parating binibitawan ni Finn sa harapan ng maraming tao.

 

hindi ko na naiwasang mapaluha. Alam ko na ang susunod nilang sasabihin at wala silang pakialam kahit naririnig ko na sila.

 

 

"Akala mo naman sinong maganda!" Hailey

"Yeah kawawa naman si Finn bakit ba kasi ang manhid ni Jill" Nina

"Sinabi mo pa!"

"Feeler much?" Hailey.

 

 

Nagtatawanan lamang sila habang pinaparinggan ako. Hindi ko na kaya pa kayat tumayo na ako upang pumunta sa banyo. Mas mabuti pang mag-isa ako.

 

Agad akong nagkulong sa isang cubicle. 

Hindi ko maiwasang marinig ang mga usap-usapan ng mga babaeng estudyanteng pumapasok doon. Panay ang chismisan nila at parati akong nasasali sa usapan. Si Finn ang student council president. Isa siya sa mga pinakapopular at tinitingalang estudyante sa eskwelahan kayat halos lahat sumisimpatya sa kanya... lahat galit sa akin..Galit dahil hindi ko magawang mahalin ang lalaking yun.

 

 

*END OF FLASHBACK*

 

Napangiti nalang ako habang pilit na pinipigilan ang pag-agos ng luha ko. Tatlong taon ko ding tiniis yun. Darating ang araw makakaganti din ako sa kanilang lahat....

 

"JILL!" Agad akong napalingon nang may tumawag sa akin at Laking gulat ko nang makitang si Eroll pala...Nakatayo lang siya sa harapan ng bahay namin at mistulang kanina pa ako hinihintay.

 

- - -- - - - -  

Nasa mini park lang kami ng subdivision namin at nakatingin sa kawalan. Alam kong maging siya nahihirapang magsalita.

"Finn's awake" Mahinang bulong ni Eroll at bahagyang napangiti.

Mabuti pa siya masaya..

"I know" mahinang bulong ko.

"Anong balak mo ngayon?" tanong ni Eroll.

Agad na akong napasinghal. "Anong balak ko?" napangiti na lamang ako at napailing-iling "Di ba dapat itanong mo yan dun sa kaibigan mo? Tanungin mo siya kung anong klaseng pagpapaawa na naman ang gagawin niya upang manipulahin ang buhay ko!" napasigaw na lamang ako at unti-unti ng bumuhos ang luha ko.

"Finn's not in a good situation...He needs you" Sabi ni Eroll at bahagyang napayuko.

"He's not my responsibility! Eroll tatlong taon! Tatlong taon akong nagtiis sa mga masasamang salitang sinasabi ng lahat ng tao! Mapa estudyante at Teacher napakasama ng tingin sa akin. Kung ano-anong sinasabi nila tungkol sa akin! Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Being bullied for that long is torture! Parati niyong sinasabing masama ako?! Pwes makikita niyo kung gaano ako kasama!" Napasigaw na lamang ako at agad na napatayo. Aalis na sana ako nang biglang nagsalita na naman si Eroll.

"My Friend Loves you Jill...thats why he needs you right now" Eroll

Napasinghal ulit ako.

"Eroll ano ba ang alam mo sa salitang yan. Three years ago sinabi mo yan sa akin. Pinaniwalaan kita! Minahal kita! Pero bigla mo nalang akong ipinagtulakan sa kaibigan mo" ako

"I love you Jill... But my friend loves you more" Eroll.

Sarkastiko ulit akong ngumiti.

"GO TO HELL" at agad na umalis.

- - - - - - - - - - -

PEYTON'S POV



"Peyton Focus sa game" Mahinang bulong sa akin ni Coach Sidney kayat tumango na lamang ako.

Hindi ako maka-focus sa paglalaro ng Volleyball dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin. At isa pa inaalala ko rin sila Mackenzie. Sabi nila gising nadaw si Finn gusto kong pumunta kaso hindi pa kami natatapos dito.

Pagkatapos ng laro ay agad na akong umupo sa bleachers upang magpahinga.

"Peyton anong nangyari di ka naman ganyan dati ah?" tanong ni Coach habang nakapamewang. Sa kanya ko dapat itanong yan dahil di siya ganyan ka-strict noon.

Ngumiti nalang ako "Gutom lang po. hehe"

Tumango naman siya at agad na umalis kayat dali-dali akong pumunta sa locker area upang kunin ang cellphone ko.

Naglalakad ako papunta sa Locker area nang bigla akong makarinig na parang may nagbubulungan. Agad ko itong sinundan.

Laking gulat ko nang makita ko sina Caleb at Nina. 

Wag mong sabihing Nabiktima na si Nina ng kamandag ni Caleb? Naku po! Pero bakit parang napakaseryoso ng pinag-uusapan nila? Ayy ewan.



Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Mag-isa nalang ulit ako sa corridor pero pakiramdam ko may nakatingin sa akin.

Huminto ako sa paglalakad at agad na napatingin sa paligid. Walang tao.

Bigla kong naalala yung mga sinabi nila Jill at Hailey kayat bigla akong kinilabutan. Hindi kaya nagmumulto talaga si Julie?!

"KYAAAAA!" napasigaw ako nang dahil sa naisip ko at dali-dali akong tumakbo pabalik sa oval.

- - - -- - - - - -- - - - -

ROBBIE'S POV

*BOGSH*

Bigla na lamang may bumangga sa aking babae kayat agad ko siyang tinulungan. 

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at agad na inayos ang suot niyang varsity uniform. "Ah okay lang po sir" Sagot niya na parang nahihiya.

"Teka gabi na ah. Anong ginagawa mo dito? Ano nga ulit ang pangalan mo?" ako

"Peyton po sir. May volleyball practice padin po kasi kami." Sabi niya at agad na nagpaalam upang bumalik sa oval.

Naisipan kong pumunta nalang din sa Oval upang matayagan ang mga naroon. Nagsiuwian nadin kasi yung mga soccer players ko kayat free na ako.      

 - - - - - -- - - -- - -        

"Uy Sir manonood ka ng practice?" Bati sa akin ni Peyton na may napakalaking ngiti.      

Ngumiti nalang din ako. "Ah oo! Umuwi na kasi yung mga players ko at gusto ko ding makilala ang ibang taga crestview"ako        


"Ah..." tumango nalang din siya.      

Isa-isa kong tiningnan ang mukha nang mga naroon ngunit may kung anong nag-udyok sa akin na tingnan yung babaeng nakatalikod na kausap ng ibang estudyante.    

Bigla siyang humarap sa akin kayat kitang-kita ko ang mukha niya.

O_O

Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi ako makapagsalita.

Ang babaeng matagal ko ng hinahanap nandito lang pala sa skwelahang ito?! PAKSHET!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Totoo pala yung nasa pelikula na parang nags-slow motion ang lahat. Pakiramdam ko siya lang ang taong nandito dahil siya lamang ang nakikita ng mata ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas nahanap ko na siya.

*PAK*

Nagulat na lamang ako nang bigla akong hinampas ni Peyton sa likuran ko.

"UYYYYYY! Si Sir! Ang ganda ni Coach Sydney no?" Sabi ni Peyton na para bang kilig na kilig.

Nyeta kung hindi lang to estudyante dito sinapak ko na to! Nyeta!

"Uy Sir! Gusto mo ng number niya?" Dagdag nito na parang kilig na kilig.

Teka number daw! hohohoho

Magagamit ko rin pala tong isang to.

"Oo ba!" napasigaw agad ako.

Bigla akong binigyan ng isang makahulugang ngiti ni Peyton. Sa mukha nito alam kong may hinihingi siyang kapalit.

Napasinghal nalang ako. "Whats the catch?" tanong ko

"Hehehehe. Dagdag points lang naman sa exam. hehehehehe" Peyton

napakamot nalang ako sa ulo ko at maalinlangang tumango.

A bahala na!


"And since mabait ako hindi lang number ang ibibigay ko pati info!" Peyton

"O sige ba!" napasigaw ako na may malaking ngiti.

"Her name is Sydney. Alam mo ba yang si Coach last year lang siya nagsimulang mag-coach. Former star player kasi siya dito sa Crestview kayat ayaw siyang pakawalan ng school. First year college lang yata siya ngayon pero nagco-coach na. Galing no?" Peyton

Sydney pala ang pangalan niya.

Nice! hindi lang pala kami nagkakalayo ng edad! bwahahahha!

"Kung liligawan mo siya siguraduhin mong seryoso ka dahil nanggaling lang yan sa seryosong relasyon...It was a messy breakup" Biglang nagbago ang aura sa mukha ni Peyton.Parang naging malungkot.

"Niloko ba siya?" tanong ko

Umiling lang si Peyton. "Di ko alam. Di kami masyadong close pero halata naman na brokenhearted si Coach."

Oo nga no. Medyo malungkot yung mukha niya. Pero kahit ganun ang ganda parin.

"Peyton balik na sa game!" sigaw ni Sydney.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya ng magtama ang tingin namin.

Pero siya inirapan lang ako. T_T

Biglang tinapik ni Peyton ang balikat ko. "Good luck" mahinang bulong nito at biglang napasmirk.

BALIW -_-

 - - - -- - - ---

*Riiing Riiing*

dali-daling kinuha ng gurong si Ms. Lacey ang tumutunog niyang cellphone.

"Yup" sagot niya dito at agad na napadungaw sa bintana upang pagmasdan ang mga naroroon.

"Konting hintay nalang okay? magbabayad din sila" Sabi ulit ng guro sa kausap niya.

"Sila na ang bahala sa kanila. Chillax" Bulong ulit nito at agad na ibinaba ang telepono.

Kinuha niya ang picture frame ng buong section nila Mackenzie at agad itong itinapon sa basurahan.

END OF CHAPTER 12.

Natagpuan na ni Master ang Mystery girl niya. <///33333

Si IU ang mystery girl. bwahahahah XD

Kung naaalala niyo pa sa OSP. Na love at first sight si Master sa isang babaeng nakasalubong sa hagdan. bwhahaha XD 

Thanks for reading!

Vote and Comment :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro