Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fear 11 : Killing The Queen

A/N : Im sorry guys pero kailangan lang talaga tong mangyari T_T I know some might be dissappointed, And again Im sorry. 

THIRD PERSON'S POV

[Play the song on the multimedia box]

"Hoy bruha sabi ko naman diba na susunod ako sa inyo sa hospital? Nasa bahay ka na ba? Kung wala pa tara sa bilyaran" Sabi ni Peyton na kausap ni Mack sa kanyang cellphone

Napangiti na lamang si Mackenzie "Di pa...Ewan ko ba gusto ko din kasing mapag-isa muna" Mack

Napabuntong hininga na lamang si Peyton. "Okay fine! Whatever! Pero kung may maitutulong ako, sabihin mo lang" Peyton

"Yeah.. Hey Peyton?" Mack

"Yup?" Peyton

"Thanks for being a good friend to me" Mack

"Shit ang korni mo! Wag ka ngang magsalita ng ganyan kinikilabutan ako sayo!" Pabirong sigaw ni Peyton

tumawa nalang si Mack "Yeah I know... Talk to you later sis" madaling pagputol nito sa tawag dahil gusto niyang mag-isip isip muna.

*AW AW AW*

ibinaling nalang muli ni Mack ang kanyang pansin sa pakikipaglaro kay Happy habang nasa parke sila at nakaupo sa isang mahabang bench. Gabi na kayat tanging ang poste lamang ang nagsisilbing liwanag sa kanila. Hindi alam ni Mack na may nagmamasid na pala sa bawat galaw niya.

Nakatayo lamang si Travis sa Likurang bahagi nila Mack. Nakatayo ito sa may mga puno kayat hindi siya nahahagip ng liwanag.

Napabuntong hininga na lamang ito at dahan-dahang kinasa ang kanyang baril. Labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niya itong gawin upang wala ng magpapatuloy sa sinimulan ng kanilang king.

Unti-unting namumuo ang luha sa mga mata niya habang dahan-dahang inaangat ang kanyang baril at itinututok ito sa direksyon ng walang kamalay-malay na si Mackenzie.

Nanginginig na ang mga kamay ni Travis habang dahan-dahan niyang inaabot ang trigger. Napapikit na lamang siya habang inuusig siya ng kanyang konsensya.

 "Kailangan kong gawin to upang sa pagbalik ni Faith, wala siyang dadatnang kaguluhan. Hindi niya dapat maabutan ang karahasang to." bulong nito sa kanyang isip.

Bigla siyang nakarinig ng tunog ng isang papalapit na motor kayat agad siyang napalingon. Napakunot na lamang ang kanyang noo nang mapansin niyang itoy si Kessler at napakaingay nito. Para itong sumisigaw ngunit hindi niya marinig ito ng mabuti.

Alam ni Travis na guguluhin lamang siya ni Kessler. at isa pa wala na siyang tiwala dito. Naniniwala siyang pino-protektahan ni Kessler ang Queen dahil pare-pareho silang mga mamamatay tao.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Travis at agad na niyang binaril si Mackenzie. 

"TRAVIS WAG MONG SAKTAN ANG KAPATID MO!!!!"

  

narinig ni Travis ang malakas na sigaw ni Kessler na nasa likuran na niya habang pinagmamasdan ang mabilis na paghandusay ng katawan ni Mack sa semento. Huli na siya

  

Otomatikong nanlaki ang mga mata ni Travis sa narinig at agad na tumulo ang luha sa mga mata niya. Mistula siyang hindi nakakilos nandahil sa pagkabigla.

"ANONG GINAWA MO?!!!" napasigaw na lamang si Kessler habang sinasabunutan ang kanyang sarili at naluluha nadin.

"W...what d..did you say?" mahinang bulong ni Travis na nakatingin parin sa duguang si Mack habang ang mukha nito ay may blankong ekspresyon.

"Oh god...you...." hindi na matapos pa ni Kessler ang sasabihin dahil hindi nito magawang magalit kay Travis."SHIT! MACKENZIE!" napasigaw na lamang si Kessler at dali-daling tumakbo upang tulungan ito.

"No.... no...." mahinang bulong ni Travis habang napapailing-iling at walang expression sa kanyang mukha. "NO!!!!!!!!!!!!!!!!" buong lakas na napasigaw si Travis habang hawak ang kanyang ulo at agad na napaluhod sa kalsada. Hindi ito makapaniwala na ang babaeng kanyang pinatay ay ang kanyang kapatid na napakatagal na niyang hinihintay.

"Mackenzie breathe okay?! Breathe!!" Nanginginig si Kessler habang sinusubukang pigilan ang pagdurugo ng tama ni Mack sa kanyang dibdib. Naghihingalo na ito at napakarami ng dugo ang lumalabas sa kanyang bibig.

"A....an...yare?" mahinang bulong ni Mack habang hinahabol ang kanyang hininga't namimilipit sa sakit.

"Help is on the way just hang in there!" napasigaw na lamang si Kessler.

"TULONG! TULONG!" buong lakas na sigaw ni Kessler

Agad itong lumingon sa kinaroroonan ni Travis.

"TRAVIS TUMAWAG KA NG AMBULANSYA! TRAVIS WALANG HIYA KA TULUNGAN MO ANG KAPATID MO!" sigaw ulit ni Kessler habang pilit na binubuhay si Mack. 

 "Faith...." mahinang bulong ni Travis habang patuloy paring umiiyak at hindi magawang makalapit sa kapatid na nag-aagaw buhay. Nanginginig na ito nang dahil sa nararamdaman "Hindi...." bulong ulit nito at agad na napasigaw sa galit.

 Mistulang nahimasmasan si Travis at agad na napatakbo upang lapitan si ang kapatid.

"Faith..andito na si Kuya... Faith patawarin mo ako" Sabi ni Travis habang nanginginig na hinagkan ang kapatid. "Faith sorry hindi ko alam" mahinang bulong ulit nito habang patuloy paring humahagulgol.

Biglang itinaas ni Mackenzie ang kanyang kamay at dahan-dahang hinawakan ang pisngi ni Travis.  Bigla itong napangiti kahit na hirap na hirap na ito. "Teka....n..natatandaan kita ah" mahinang bulong ni Mack. "I ..m..missed you kuya" bulong ulit nito at agad na nalagutan ng hininga.

"No! No! FAITH! WAKE UP! FAITH!" napasigaw ulit si Travis.

Napaiyak nalang si Kessler habang pinagmamasdan ang magkapatid. Ngayong wala na ang Queen... wala ng magiging kapalit ang King..

- - - -- ---

"AISSHHHHH!!"

Napasigaw na lamang si Kessler at agad na napailing-iling upang Wakasan ang malikot niyang imahinasyon.

Alam ni Kessler ang binabalak ni Travis. Alam nilang lahat na oras na ma-checkmate ang king ang queen papalit at magpapatuloy sa mga laro. Alam ni Kessler na maganda ang hangarin ni Travis ngunit maari niya itong pagsisihan habang buhay kapag itinuloy niya ito.

"Gago ka kessler! Masyado kang Negatib! HINDI MANGYAYARI YUN!" Muling sigaw ni Kessler sa kanyang sarili habang nagd-drive ng kanyang motor upang hanapin si Travis."Imposibleng mangyari yun! MAGTIWALA SA KAPANGYARIHAN NG LUKSO NG DUGO!!" Malakas nitong sigaw sabay Taas ng kanyang kanang kamay na para bang nagwe-welga.

"Hoy baliw tumahimik ka!" 

"Iho baka mabangga ka diyos ko!"

"Mga kabataan talaga ngayon!"

Panay na lamang ang sigawan ng mga motoristang kanyang nadaraanan. At ibang mga taong nakakita sa kanyang sumisigaw sa kanyang sarili. Ngunit Si Kessler ay walang pakialam at panay lamang ang pagngiti na parang isang bata.

- - - - - - --

TRAVIS' POV

Ikinasa ko ang baril at dahan-dahang itinaas ito upang itutok kay Mackenzie. Sa totoo lang, nahihirapan ako sa gagawin ko. May nararamdaman na ako para sa kanya pero pilit ko itong iniaalis. 

Kailangan kong gawin to upang sa pagbalik ni Faith, wala siyang dadatnang kaguluhan. Hindi niya dapat maabutan ang karahasang to.

Sana lang mapatawad ako ni Mackenzie sa gagawin ko sa kanya.

Unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko kayat napapikit nalang ako at huminga ng malalim. Para to kay Faith...

Napadilat ako at agad na inilagay ang daliri ko sa trigger.

Kakalabitin ko na sana yun nang bigla ko siyang marinig na sumigaw.

"HAPPY! WALANG HIYA KA! IBALIK MO ANG CHEESE CAKE KO!!!" malakas na sigaw ni Mackenzie at agad na hinabol ang asong tumakbo.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at agad kong nabitawan ang baril na hawak ko. 

*FLASHBACK*

kararating ko lang sa bahay galing sa eskwelahan nang bigla kong maabutan ang limang taong gulang kong kapatid na si Faith na umiiyak. Isang taon lamang ang tanda ko sa kanya kayat kami parati ang magkasama.

"Hoy pangit bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya at agad siyang pinatayo dahil nakaupo lang siya sa sahig.

Patuloy parin ito sa paghikbi habang kinukusot ang mga mata niya. "Hala! wag mong ganyanin ang mata mo mabubulag ka na!" sigaw ko

mas lalo siyang umiyak nang dahil sa sinabi ko kayat natawa nalang ako. Ang sarap talagang pagtripan ni Faith. "Stop crying. Ang sakit sa tenga" sabi ko ulit.

Iyak parin siya ng iyak habang pinipilit ang sariling magsalita. "Huhuhuhu! Kuya Troy! Kain ni Happy cheetscake ko!" Sigaw niya at agad na hinila ang uniform na suot ko at doon ipinahid ang luha at sipon niya. Napasigaw nalang ako sa pandidiri.

"Anong cheetscake? CHEESE CAKE yun!" sigaw ko at agad na hinanap ng Paningin ko si Happy. Ang aso naming medyo matanda na. At hayun nga! Nakapatong pa sa sofa namin habang kinakain ang cheesecake ni Faith.

"Asus hayaan mo na. Tara bili nalang tayo sa tindahan!" aya ko sa kanya sabay punas ng luha sa mata niya.

"Ayoko! I'll make ganti and kick Happy's egg muna!" Sigaw niya

Natawa nalang ako sa narinig. Lagot talaga si Happy "Faith dont kick happy! Masakit ma-kick sa egg bad yan" pangangaral ko sa kanya. 

"Okay..." mahinang bulong niya na parang nanghihinayang. 

*END OF FLASHBACK*

hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo mula sa mga mata ko.

"Faith" mahinang bulong ko habang nakatingin kay Mackenzie na nakikipaglaro kasama ang aso niya.

- - - - - - - - - - --- ---

THIRD PERSON'S POV

Ilang oras ng palibot-libot si Kessler upang hanapin si Travis.

Sa wakas ay nakita niya rin itong nakaupo sa isang swing habang nakatingin sa kawalan.

Hingal na hingal na ito at agad na tumayo sa harapan ni Travis. "Tangina Nandito ka lang pala!" Sigaw ni Kessler. "Anong ginawa mo kay Mackenzie?" tanong ni Kessler na kinakabahan na.

Laking gulat na lamang ni Kessler nang bigla siyang sinugod ni Travis at agad siya nitong hinigit sa kwelyo. Bakas ang galit sa mukha nito.

"SINO SI MACKENZIE!" malakas na sigaw ni Travis na nanggagalaiti na sa galit.

pinilit ni Kessler na ngumiti at magpatay-mali. "Ha? kaklase mo si Mack. Adik lang dre? hehehe" 

"You know what I mean you son of a bitch! Sino si Mackenzie?! BAKIT SIYA ANG PINILING MAGING QUEEN?!" Sigaw ulit nito

Napapikit nalang si Kessler na parang natatawa. "Dude say it dont spray it! Naliligo na ako sa laway mo! Pahingi ng sabon!" Sigaw nito sabay takip ng mukha niya.

"Kessler hindi ako nakikipaglokohan sayo! Nagbalik na ba si Faith?!!!" sigaw ulit nito.

Napakunot nalang si Kessler ng kanyang mukha. "Travis basang-basa na ang mukha ko!" sigaw niya ulit upang ibahin ang usapan.

Sa inis ni Travis binitawan nalang niya si Kessler at agad itong natumba sa lupa. "MACKENZIE FAITH LEE , THATS MACKENZIE'S FULL NAME! COINCIDENCE LANG BA NA MAGKAPANGALAN SILA NG KAPATID KO?!! COINCIDENCE LANG BA NA PAREHO SILA NG UGALI?! ANO?! MAGSALITA KA!" sigaw ni Travis at unti-unti nang naluluha.

Umupo nalang si Kessler sa sahig. Agad na nawala ang nakakalokong expresyon sa mukha niya. Naging seryoso na ito.

"Travis if you really love your sister you would stop asking these questions." seryosong saad ni Kessler habang nakatingin lang sa kawalan.

"What do you mean?" tanong ni Travis na naguguluhan

"Kung sasagutin ko ang tanong mo mapapahamak lang kayo. Please travis wag ka ng makialam" kessler

Nakunot na lamang ang noo ni Travis. "Ano? Anong mapapahamak ang sinasabi mo?! Hindi ipapahamak ni King si Faith! Alam nating lahat yan! Teka alam niyo na pala ang tungkol kay Faith ngunit hindi niyo sinabi sa akin?! ALAM NIYO YUNG PINAGDAANAN KO NANG MAWALA SILA!" sigaw ulit nito.

Biglang tumayo si Kessler. "face it travis! Wala na ang Paxton na dating kilala natin! Ibang tao na si King!" Sigaw nito

Napasinghal nalamang si Travis. "Si Faith Ipapahamak ni King?!" Bahagyang tumawa si Travis at agad na napailing-iling "O sige kung tama ka nga, Edi aalis kami ni Faith! Magpapakalayo kami at magiging pamilya ulit kami kahit kaming dalawa lang!" Travis

"Sa tingin mo ba magiging ganun kadali yun?! King will haunt you down. Believe it or not he will kill you if you go against him. Nagbago na siya!  at isa pa huli na. Nagsimula na ang laro noong nakaraang araw!" napasigaw na lamang si Kessler. "Believe it or not, King will kill both of you if you will intervene on the game! If you care about your sister hindi ka na mangingialam." Kessler

napabuntong hininga na lamang si Travis.

"Anong kailangan kong gawin para masiguradong hindi mapapahamak si Faith?" seryosong tanong ni Travis.

"You dont have to do anything. Wag ka lang mangialam. Just Trust me" Kessler

Napailing-iling na lamang si Travis. "Wala na akong tiwala sa inyong lahat" mahinang bulong nito at agad na umalis.

- - - - - --- - - - - - - 

MACKENZIE'S POV

Masaya ako ngayon dahil kahit papaanoy may magandang nangyari sa araw nato. Nagising na si Finn.

Naglakad nalang ako pauwi kasama si Happy nang bigla kong maramdamang may sumusunod sa akin. Nakakarinig ako ng mga kaluskos kanina pa kayat sigurado akong nagtatago sa halamanan ang impaktong sumusunod.



Teka sino kaya tong sumusunod? Si manyakis kaya?

"MANYAKIS LUMABAS KA KUNG AYAW MONG MADUMIHAN ANG KALSADANG TO NG DUGO MO!" malakas kong sigaw sa harap ng isang halamanan. 

Bigla kong narinig na may kumilos sa likuran nito. 

"Whoa! Nakilala mo talaga ako mackenzie? Obsess ka na talaga sa akin!" Sigaw ni Peter na habang tumatawa.

 Si manyakis nga...

"Gago ka rin no? Bakit mo ako sinusundan?!" sigaw ko sa kanya

bigla siyang napakamot sa ulo niya at tumawa na parang nahihiya.

"Ah...ah eh.... N..nakalimutan ko kasi kung saan pauwi. Bagong lipat lang kasi ako dun. hehehe" sabi nito na mistula ngang nahihiya.

Hindi ako ganun ka-tanga para maniwala sa walang kwenta niyang palusot. Pero hindi rin ako ganun katanga para makipag-away sa kanya ngayong madami pa akong iniisip.

"Whatever" mahinang bulong ko at agad na naglakad palayo habang hawak si Happy.

"Teka ganun lang?! Walang sapak, sampal, sabunot o mura?" Pagmamaktol ng manyak. "Ano bang problema mo?!" malakas niyang sigaw na parang inis na inis.

hindi ko alam pero natawa nalang ako sa inasal niya. Para siyang batang nagta-tantrums. Sadista ang gago. haha

lumingon nalang ako sa kanya. "May aso akong dala gusto mong magpakagat?!" Malakas kong sigaw sabay harap kay Happy sa kanya.

Biglang nanlaki ang mga mata niya at agad siyang napaatras. Parang takot na takot. Teka takot siya sa aso? "Mackenzie naman wag yan!" malakas niyang sigaw.  Hala takot nga..



Niyakap ko nalang ulit si Happy at muli akong naglakad. "Si Happy lang pala ang katapat mo. hahaha" 

"Happy ang pangalan ng aso mo?" Tanong ni Peter at sumabay na sa akin sa paglalakad. Okay narin siguro tong may kasabay ako sa paglalakad. Gabi narin kasi.

"Yup!" sagot ko.

"Bakit Happy?" tanong niya

Teka bakit nga ba happy ang pinangalan ko sa kanya?...Napabuntong hininga nalang ako. "its because of dejavu, I guess?....P..pakiramdam ko may aso akong Happy ang pangalan noong past life ko. Subukan mo akong pagtawanan kung gusto mong makagat ng aso!" Banta ko sa kanya.

Ngunit pagtingin ko kay Peter. Nakakunot lang ang noo niya na parang may iniisip. "I wont" tipid niyang sagot at agad na ngumiti.

"Hey Im sorry if I hit your face with a ball" Mahinang bulong ko

Bahagyang tumawa si Peter. "Mabuti naman! Ang sakit kaya nun! And Im sorry for accidentally groping your....You know what i mean" tumango nalang ako. 

Wow, First time yata tong matino kaming nag-uusap ni Peter nang hindi nagsisigawan ah.

Nagpatuloy lang kami sa pagke-kwentuhan at pagtatawanan. Masaya din naman pala tong kasama si Peter. Nagkamali yata ako sa paghusga sa kanyang manyakis.

Nang nasa tapat na kami ng bahay ko ay agad na akong nagpaalam sa kanya. Papasok na sana ako nang may bigla akong naalala.

"Hey Peter!" Tawag ko sa kanya

"Huh?" bigla naman siyang ngumiti.

Ngumiti din ako ng napakalapad.

*POK*

Agad ko siyang binatukan ng napakalakas..

"Aray! Bakit mo ako binatukan?!" sigaw niya.

"Para yan sa panggu-gulo mo sa akin kanina sa school. Langya tinapunan mo pa ako ng scratch paper. GOODNIGHT!" Sigaw ko at agad na pumasok sa bahay.

END OF CHAPTER 11.

IMAGINATION LANG PO NI KESSLER YUNG NANGYARI SA PINAKAFIRST PART. It Also serves as my celebration for april fools day. bwhahahaha XD Pasensya na hindi ko maiwasan ang tawag ng pagiging Troll. bwahahaha XD Masyadong advance yung april fools ko. bwahaha... Dont worry Huling beses na siguro tong mangt-troll ako. Next time totohanan na :)))))))))

Medyo light lang muna na chapter since holy week. ^_____^

THANKS FOR READING

VOTE AND COMMENT.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro