DO NOT READ
HEY YOU, DONT READ THIS ^_____^
PAWANG KABALIWAN LANG TO :)
HINDI ITO ANG TOTOONG EPILOGUE
-----------------------------
THIRD PERSON'S POV
Walang humpay sa pagsigaw at pagluha si Peter habang pilit na ginigising ang walang buhay na si Mackenzie. Hindi nito matanggap ang pagkawala nito.
Maluha-luhang pinagmasdan naman sila ni Chippy na ngayoy nakatayo hindi kalayuan sa kanila.
"Kenzie..." mahinang bulong ni Chippy habang humahagulgol.
Hindi ito makapaniwala na sa isang iglap, wala na ang mga kaibigan niya. Mistulang nanlambot ang mga paa nito at agad na paupong bumagsak sa sahig kasabay ng pagragasa ng luha niya.
Dahan-dahang tiningnan ni Chippy ang kanyang kamay at pinagmasdan ang baril na nakuha niya malapit sa bangkay ni King nang matagpuan niya ito kanina.
Nanginginig ang kanyang kamay habang dahan-dahang itinututok ito sa kanyang sentido. Dahan-dahan itong pumikit habang humahagulgol.
Isang putok ng baril ang umalingawngaw at agad na bumagsak sa sahig ang walang buhay na katawan ni Chippy.
- - - - - - - - - - - -
NATALIE'S POV
Napakabilis ng paglalakad ko sa pasilyong nababalot ng kulay puti. Nanlalamig ang mga kamay ko at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Wala akong ibang gusto kundi makita siya pero bakit dito nila ako pinapunta?
"Nate?...nate slow down...please" Sabi ni Lizzy na mistulang naiiyak at agad na hinawakan ang kamay ko.
"Liz how can i slow down?! Di mo sinasabi sa akin kung bakit tayo nandito. Siguro...siguro nandito si red ano? m..may sorpresa siguro ang gago tapos...tapos nangt-troll lang kayo..." mautal-utal kong saad at mas binilisan pa ang paglalakad ko. Nakakasalubong ako ng mga nurse at mga doktor panay ang tingin nila sa akin, gusto ko silang sapakin pero wala akong pakialam sa kanila. Ang importante ay makita ko siya ngayon.
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natatakot akong magtanong. Bigla kong napansin sa hindi kalayuan si Clyde. Nakatayo ito malapit sa pintuan habang nakayuko.
"Clyde!" tawag ko sa kanya at agad siyang lumingon sa akin.
Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang lungkot sa mukha niya. Hindi ko alam pero bigla na lamang tumulo ang luha sa mga mata kong kanina ko pa pinipigilan.
Mas lalo akong naluha nang makita ko kung saan patungo ang kwartong kinatatayuan ni Clyde.
Morgue...
"Nate...Nate i want you to be calm okay?" sabi ni lizzy at bahagya akong niyakap.
Tuluyan na akong napahagulgol sabay hawak ng bibig ko. Assuming lang ba ako na may nangyaring masama?
Huminga ako ng malalim at nilunok ang hikbi ko. "Siguro...siguro tinatakot niyo ako no? tapos biglang may lalabas na flash mob dito tapos...tapos... tapos magpopropose si Red diba?" tanong ko sa pagitan ng mga hikbi ko. "Please tell me youre just trolling me?" mahinang bulong ko.
Napatingin ako kay Lizzy.
Dahan-dahan siyang napailing-iling habang lumuluha.
Napalingon ako kay Clyde ngunit napayuko lang ulit siya.
Kumawala ako sa yakap ni Lizzy at agad kong nilapitan si Clyde. "Clyde kalokohan to diba? walang nangyaring masama kay red diba! niloloko niyo lang ako diba?!" sigaw ko ulit.
iniangat ni Clyde ang mukha niya at maluha-luha akong tiningnan sa mga mata.
dahn-dahan siyang napailing-iling.
- - - -- - - - -- - --
[PLAY THE SONG ON THE MULTIMEDIA BOX]
Nanginginig at napakabigat ng bawat hakbang ko papalapit sa kanya.
Hindi tumitigil ang pagbuhos ng luha ko.
"Just wait for me...I'll be back..I'll comeback for you i promise" Red
"asahan mong babalik ako. Mahal na mahal kita." Red
His words are echoing in my head.
Napahawak ako sa dibdib ko habang humahagulgol.
Natatakot akong lumapit sa kanya, Natatakot ako sa katotohanang wala na talaga siya.
"Red....." mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ang malamig niyang bangkay na nakahiga sa isang lamesa. "Red sabi mo babalik ka?" napahawak ako sa bibig ko at umiyak ng umiyak.
Hindi ako makapaniwalang wala na siya.
umasa akong babalik siya.
Dahan-dahan kong hinawakan ang may niyang ngayoy napakalamig na.
"Red...red mahal na mahal kita....." mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ang mukha ng taong pinakamamahal ko.
Tuluyan nang nanlambot ang mga paa ko kayat paupo akong bumagsak sa sahig. Napapikit ako. Pilit kong pinipigilan ang luha
Lumapit sa akin sina Lizzy at Clyde.
"Red wants you to have this...he said if something happens to him I should give this to you" Sabi ni Clyde at inabot sa akin ang isang recorder.
- - - - - - - - - - - - - --
Nagdadalawang-isip ang daliri kong pindutin ang recorder ngunit ginawa ko parin.
Bigla kong narinig ang boses ni Red mula dito.
"Ehem...ehem.. Natalie..H-hi natalie. Kung naririnig mo to ngayon, marahil....marahil wala na ako. Maaaring ngayon isa na akong malamig ngunit poging bangkay. Gusto ko lang humingi ng tawad" Biglang natigil sa pagsasalita si Red na mistula siyang naiiyak. "Natalie sorry...Sorry kung hindi ko natupad yung pangako kong babalik ako. Pero tandaan mo, mahal na mahal kita. Mawala man ako pero yung pagmamahal ko sayo, hinding-hindi magbabago yun. Nate naaalala mo ba yung...yung steps na tinuro mo sa akin upang makamove-on ako sa pagkawala ni Lexi? Nate gusto kong gawin mo yun....Gawin mo yun lahat hanggang sa tuluyan mo akong makalimutan... Gusto ko kahit wala na ako, gusto ko masaya ka parin kahit sa piling ng iba." Muli siyang natigil sa pagsasalita pero naririnig ko siyang mistulang umiiyak. "I love you okay? i will still love you even though my heart stops beating."
Naikuyom ko ang kamay kong nakahawak sa recorder. Inilapit ko ito sa dibdib ko. Iyak lang ako ng iyak. Alam ko mahirap pero susubukan ko...susubukan kong mabuhay nang wala siya... I'll try to live again....
- - - - - - -- - - - - - - --
CALEB'S POV
Pagpasok ko sa kwarto niya ay agad akong umupo sa sofa sabay angat ng paa ko. Hinanap ko ang remote at agad na pinaandar ng telebisyon.
"Nandito po tayo ngayon sa isang abandonadong building kung saan isang nakaka-gimbal na sikretong organisasyon ang nadiskubre ng mga pulis. Napakarami pong bangkay ang natagpuan dito. Kasalukuyan pa po itong ini-imbestigahan ang pulis." Reporter
Natigil sa pagsasalita ang reporter at ipinakita ang footage ng mga bangkay habang inilalabas ito mula sa building.
Nakita kong inilabas ang mga bangkay nila palabas ng abandonadong building. Unti-unti akong napangiti. Mga tanga nga naman.
"Jilliane! Jilliane! Pakawalan niyo ako mga putangina niyo! Pakawalan niyo ako!" Sigaw ng sigaw si Finn habang naka-strap sa isang stretcher. Gulong-gulo ang buhok niya at namumugto ang mga mata niya. Nabaliw na nga yata. Pero nice may isang knight na natira.
Huling inilabas ang bangkay ni Mack at nakita kong nakasunod lang si Peter dito na mistulang wala sa sarili. Napabuntong hininga na lamang ako.
So this is it.... All the pawns are dead...
One knight lived.... One crazy knight to be exact...
Tumayo ako at agad na pinatay ang telebisyon.
Saglit akong napahikab at nag-stretch ng braso ko.
Bigla akong nakarinig ng ungol kayat agad akong napalingon sa kinahihigaan.
Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napangiti. "Kakaiba ka talaga" mahinang bulong ko.
Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanya.
"Rise and shine angel of death" bati ko sa kanya.
Nakahiga lamang siya. Pilit niyang ikinikilos ang daliri niya kahit hirap na hirap siya. Nanginginig ang talukap ng kanyang mga mata, halatang pinipilit niya itong ibuka ng maayos.
May plastic mask siya sa bibig niya. Transparent ito kayat nahahalata kong may gusto siyang sabihin dahil sa bahagyang pagbuka ng bibig niya.
"C...caleb...." mahinang bulong niya na mistulang hinahabol ang kanyang hininga.
"Idol.." bati ko sa kanya pabalik sabay smirk.
"N..nasaan sila? S..sinong nanalo sa la..laro?" napakahina ang boses niya kayat binasa ko na lamang ang galaw ng kanyang bibig.
bahagya akong umupo sa paanan ng kanyang kama. "One knight lived...all pawns died...." deretso kong sagot sa kanya.
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata at nakita kong unti-unting tumulo ang luha mula dito.
Tumayo ako at lumapit ng bahagya sa makinang nagbibigay buhay sa kanya.
"Wag kang mag-alala idol...Kahit pagbali-baliktarin mo man ang mundo. Walang nanalo, walang natalo dahil ang totoo walang laro. Ni minsan walang laro!" tumawa ako at bahagyang napatingala. "Nakakatawa lang eh... Nagkandeleche-leche ang buhay ninyong lahat dahil sa isang laro, di niyo alam naging puppet lang kayo sa palabas ng tatay ko."
Dahan-dahan kong hinimas ang maliit na alikabok na nakita ko sa ibabaw ng makina.
"Alam mo ba idol... Isang payaso ang tatay ko" mahinang bulong ko.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Robbie. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha niya kayat mas lalo akong natuwa.
"He sucked as a clown and he sucked as a father. He's a loser, a complete idiot. Wala siyang kwenta kayat iniwan namin siya ng nanay ko. Huling hiling ko sa kanya bago namin siya iwan ay ang isang kakaibang birthday party para sa akin at siyempre isang regalo....Ilang araw bago ang birthday ko parati niya akong binibisita para sabihing may inihanda siyang isang perpektong regalo para sa akin...isang perpektong birthday party...sa mismong araw ng kaarawan ko, dadalhin na sana niya ako sa birthday party ko kaso di siya sumipot...Nang araw din yun namatay siya pero may iniwan siyang sulat" Saglit akong tumigil sa pagsasalita at napatingin kay Robbie.
"C..caleb... putangina" mahinang bulong ni idol kayat tumawa na lamang ako. Naintindihan na niya siguro ang sinasabi ko. Alam na niya ang maaring kahihinatnan nito.
"Nakalagay sa sulat na yun ang tungkol sa regalo niya... Nakakainis lang dahil naghintay pa ako ng ilang taon para lang sa regalong yun.. pero alam mo yung regalong yun? It was worth the wait... Nakakatuwang tingnan, Nagpapatayan kayong lahat dahil sa isang laro, dahil sa kagustuhan ng tatay ko pero ang totoo, isinasakatuparan niyo lang ang pangako niya sa aking regalo.... Ang perpektong regalo at perpektong birthday party.." mahinang bulong ko.
"Papatayin kita.." mahinang bulong ni Robbie.
Napangiti ako.
"Uunahan na kita" Sagot ko at agad na pinindot ang makina.
Narinig kong napaungol at napasinghap si Robbie. Nahihirapan na siyang huminga. Wala na ang oxygen na sumusuporta sa kanya. Napangiti ako.
Pumula ang mukha ni Robbie, Kitang-kita ang pangangailangan niya ng hangin. Para siyang isdang iniahon sa tubig kayat tawa ako ng tawa.
Bahagyang tumulo ang luha sa mga mata niya...Hindi na siya makahinga.
*Tooooooot.... Tooooooot*
Mas lalo akong napangiti nang makitang tuluyan ng nagflatline ang screen na nasa gilid niya...
Muli akong napatingin sa kanya at mas lalo akong natuwa nang makitang dilat ang kanyang mga mata at hindi na siya humihinga.
"Angel of death" mahinang bulong ko sabay sundot ng pisngi niya. Hindi siya gumagalaw.
"Rest in peace" mahinang bulong ko sabay alis sa kwarto.
Hayyyy daddy... Atleast naibigay mo na sa akin ang perpektong regalo... Ang saya ko... Maraming salamat...Maraming salamat sa regalo mo.
Napatingin ako sa calendaryo na nakalagay sa gilid ng kisame... Nice.. Tumayming pa talaga ang araw nato...Happy birthday to me..
I guess im the new Angel of death...
Nasa akin na ang bakal na krus...
THE END.....
All rights reserved 2013
(c) Serialchoding
- - - - - -- - - - - - ----
Author's note : THANK YOU SO MUCH FOR READING!
Goal ko talaga dito sa ftp, wag itong maging cliche. hahaha. Pasensya na kung di niyo man nagustuhan ang ending. :) Mas gusto ko gnito eh. hehehe.
Sorry nga pala kung di ko napost to kahapon, medyo nagka-family problem lang.
Im not trolling you, This is the ending that I want. :)
Sorry if may nadisappoint. :)
Sa ending nato, Patay po talaga si Robbie.
Si Peter at Caleb lang ang buhay.
Caleb treats Peter as his bestfriend kahit psycho siya. So yeah, hanging. MIANHE :)
AGAIN THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT!
GOD BLESS ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro