Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DO NOT READ

HEY YOU, DONT READ THIS ^_____^

PAWANG KABALIWAN LANG TO :)

HINDI ITO ANG TOTOONG ENDING.

- - - - - - - - -- - - 

MACKENZIE’S POV

Takbo lang ako ng takbo.

Kasimbilis ng pagtakbo ko ang pagpintig ng puso ko dala ng kabang kanina ko pa nararamdaman. Tinitiis ko ang sakit at hapdi ng sugat ko sa ulo ko. Hilong-hilo parin ako pero hindi ako pwedeng maging mahina, Kailangan ako ng kapatid ko at ng daddy ko.

May mga nakakasalubong akong mga taong hindi ko kilala ngunit panay lang ang ngiti nila sa akin. May ibang binabati pa ako. Napaka-weird ng buong lugar.

Nakarating ako sa kwarto kung saan ko huling nakita sina kuya at ang daddy ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahan kong pinipihit ang siradura ng pintuan.

Pagpasok ko sa kwarto ay laking gulat ko nang makita ko sa sahig si Daddy at si Travis, May takip na masking tape ang bibig ni Daddy ngunit kay kuya ay wala. Nakatali ang kanilang mga kamay sa kanilang harapan at mistula silang nanghihina.  

Nanlaki ang mga mata ni Travis ng makita ako. "Faith umalis ka na dito! Tumakbo ka na!" Sigaw ni Kuya ngunit napailing-iling ako.

"Sa wakas nandito ka na." mahinang bulong ni kuya

Lubos ang natakot nang bigla siyang may inilabas na baril mula sa holster niya. Bigla niya itong itinutok kay Daddy.

"Kuya wag! please parang-awa mo na! wag!" Sigaw ko habang iniaangat ang kamay ko.

"Pagbibigyan kita Faith...Gusto mong matapos natong larong to diba? Ngayon papipiliin kita, sino sa dalawa ang gusto mong mabuhay?" King

Pakiramdam koy biglang nanlambot ang paa ko nang dahil sa narinig. 

Palipat-lipat na itinutok ni Kuya ang baril sa ulo ni Daddy at ni Kuya Travis. Wala akong ibang magawa kundi mapahagulgol na lamang at sumigaw. Hindi ako makakilos ng dahil sa takot.

"Kuya parang awa mo na. Wag mong gawin to! Anong klase kang kapatid!" Sigaw ko habang humahagulgol.

"Patawarin mo ako pero kailangan kong gawin to Faith...Hate the game not the player" Sabi ni Kuya na walang ekspesyon sa kanyang mukha. "Ngayon pumili ka sa kanila kung sino ang dapat mamatay! Malay mo nang dahil dito maramdaman ko kung ano ba ang perpektong krimen. You have five seconds to choose" utos ni Kuya na hindi makatingin ng deretso sa akin.

"Faith! Faith look at me! Choose me! Its okay! Im ready to die. Choose me!" Sigaw ni Travis kayat napatakip na lamang ako ng bibig ko at napaluhod.

Si Daddy naman ay impit na sumigaw sabay iling-iling bilang protesta sa sigaw ni Kuya.

"Five!" king

"Kuya ako nalang patayin mo please! parang awa mo na ako nalang patayin mo!" Sigaw ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"No!  Four!" king

"Kuya wag parang awa mo na!" sigaw ko ulit.

"Faith choose me! Hindi ako magagalit! Faith pakinggan mo ako!" Travis

"Three!" king

"Kuya please ako nalang patayin mo!" ako

"Okay since matigas ulo mo" Mahinang bulong ni Kuya Paxton at bigla na lamang itinutok ang baril sa ulo ni Daddy.

"Kuya Wag-------" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla na lamang umalingawngaw ang putok ng baril. Pakiramdam koy tinakasan ako ng katinuan nang bigla na lamang bumulagta sa sahig ang daddy ko.

Panay ang sigaw ko, ganun din si Travis.

Biglang naging malabo ang paligid at tanging kay Daddy lang ako nakatingin.

Pakiramdam ko nabibingi na ako sa lahat ng mga nangyayari.

Dali-dali akong napatakbo papalapit kay Daddy. Walang ibang nasa isip ko kundi ang daddy ko lamang.

"Daddy! Daddy gising!" Sigaw ako ng sigaw hanggang sa napapatili na ako hanggang sa napapatili na ako. Tili lang ako ng tili habang hinahagkan ko ang duguan niyang bangkay.

Tiningnan ko ang mukha ng daddy ko at nakita kong sa noo tinamaan ng bala ang daddy ko.

Iyak ako ng iyak.

Sigaw ako ng sigaw.

Isang kurap lang mula sa kanya ang hinihingi ko o kahit isang galaw ng kanyang mga mata ngunit wala.

"Daddy! Daddy! please wake up! please! Daddy!" Hindi na siya gumagalaw o humihinga man lang.

"Mackenzie takbo!" Bigla kong narinig na sumigaw si Kuya Travis kayat bahagya akong napalingon sa direksyon niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naglalaban na ang mga kapatid ko. Nakapulupot ang braso ni Kuya paxton kay Travis at mistulang nasasakal na niya ito.

Mistula akong nanigas sa kinauupuan ko nang dahil sa mga nangyari.

"Mack takbo!" Sigaw ng sigaw si kuya travis.

Mas lalong dinidiinan ni Kuya Paxton ang pagsakal nito kay Travis kayat mas lalong lumalakas ang sigaw ni Kuya.

Bahagya akong nahimasmasan at napatingin ako sa paligid.

Bigla akong nakakita ng kutsilyo sa sahig kayat dali-dali akong tumayo upang pulutin ito.

Napasinghap ako nang mahawakan ko ang kutsilyo...

Kaya ko bang gawin to?

Am I ready to become a monster like my brother just to beat him? Am in ready to kill my own flesh and blood?

Muli kong narinig narinig na sumisigaw si Travis. Pinapatakbo niya ako palayo, Pinapatakas niya ako. Napakagat na lamang ako ng labi ko. 

Tumakbo ako papalapit sa kanilang dalawa na patuloy parin ang pagpupumiglas sa isa't-isa. 

Papalapit na ako kay Kuya Paxton kayat itinutok ko sa dereksyon niya ang kutsilyo.

Naging napakabilis ng pangyayari.

Napapikit ako nang isinaksak ko ang kutsilyo sa likod ni Kuya Paxton ngunit kasabay nun ang pagputok ng baril.

Binitawan ko ang kutsilyo. Nakarinig ako ng kalabog hudyat na bumagsak sa sahig si Kuya Paxton.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.

Gulat na gulat ako sa nakita ko.

Pawang duguan at nakahiga sa sahig ang mga kapatid ko.

Si kuya paxton ay nakahiga sa sahig at duguan dahil sa pagsaksak ko sa kanya. May hawak siyang baril sa kanyang kamay.

Napahagulgol ako nang mapagtantong binaril ni Kuya Paxton si Travis.

Sinipa ko papalayo kay Kuya Paxton ang baril at dali-dali akong lumapit kay Travis. Labis ang pagdurugo ng sugat niya sa dibdib at napakaraming dugo ang lumalabas mula sa kanyang dibdib.

Sigaw ako ng sigaw.

"Travis wag mo akong iwan! Travis!" Sigaw ako ng sigaw sa pagitan ng mga hikbi ko.

Inihiga ko ang ulo at likuran niya sa braso ko at agad ko siyang hinagkan. "Please wag mo akong iiwan! Please parang-awa mo na!" Sigaw ako ng sigaw sabay halik ng maraming beses sa noo niya.

"K..kuya.. d...dapat ..dapat kuya tawag mo sa akin" Mahinang bulong niya habang hinahabol ang hininga niya. Tiningnan niya ako sa mga mata at dahan-dahang hinawakan ang pisngi ko. "W..wag mong kakalimutan ha?" mahinang bulong niya. "Kung sana...Kung sana alam kong mangyayari to, sana...sana hindi kita sinungitan ng isang taon....Mahal kita bunso.." dagdag pa nito.

Agad akong napailing-iling. "Hindi...hindi mo ako iiwan. Wag kang magsalita ng ganyan...hindi ka mamamatay. Wag mo akong iiwan parang awa ----" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla kong mapansing nakapikit na ang mga mata niya. "Kuya?...Kuya?" mahinang bulong ko habang tinatapik ang mukha niya. Hindi siya gumagalaw. Hindi na rin siya humingahinga. "Kuya gumising ka! Hindi mo ako iiwan diba?! kuya! kuya!" Sigaw ako ng sigaw habang tumitingala.

- - - - - - - - - - - -

PETER'S POV

Langya! Ano bang pumasok sa isip ni Mack at kinulong niya ako dito sa rooftop?!

"Shit putangina bumukas ka! gago kang pinto ka! bumukas ka! bukas bukas!" Sigaw ako ng sigaw habang sinisipa ang pintuan upang mabuksan ito ngunit baliwala.

Kanina ko pa to ginagawa kaso balewala talaga. 

Walang panama ang mga bakal sa paa ko sa lecheng pintuan bwisit.

Tangina babanggain ko nalang tong pintuang to.

Dahan-dahan akong napaatras.

Huminga ako ng malalim.

Tumakbo ako papalapit sa pintuan. Babanggain ko sana ito nang bigla na lamang itong bumukas. Agad akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Mack na nakangiti. Nakangiti siya ngunit panay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Napabuntong hininga ako sabay hawak sa dibdib ko at dali-dali siyang niyakap ng napakahigpit. "Langya bakit mo ako ikinulong dito?! Pinag-alala mo ako alam mo ba! Pasalamat ka mahal kita!" bulyaw ko sabay halik ng noo niya. Narinig kong umiiyak siya kayat napapikit na lamang ako. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. "Sige ka kung iiyak ka pa hahalikan na talaga kita!" Biro ko ngunit hindi siya tumawa.

Bahagya siyang kumawala sa yakap at tiningnan niya ako sa mga mata. Lumuluha parin ang mga mata niya kayat dahan-dahan ko itong pinunasan gamit ang kamay ko. "Hey dont cry...Im here..." mahinang bulong ko.

Kumurba ang isang maliit na ngiti sa labi niya.

[PLEASE PLAY THE SONG ON THE MULTIMEDIA BOX]

"Alam mo ba Peter....Tinatawag kang lahat na supermanyak pero alam mo ba" Saglit siyang tumigil sa pagsasalita nang rumagasa ang luha niya. "Para sa akin di ka si superman...Ikaw si Peter Pan...Ikaw si Peter pan dahil parati mo akong pinapasaya sa pamamagitan ng pang-aasar mo, Dahil sa sandaling panahon lang pinaramdam mo sa akin kung gaano kasaya ang magmahal. P...pinasaya mo ako sa maikling panahon. Mahal na mahal kita alam mo ba yun?" Dagdag pa niya.

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

Unti-unting binabalot ng kaba ang puso ko.

"Mahal kita peter pervert...Ma..mahal na mahal. " Mahinang bulong niya.

Biglang bumagsak ang katawan niya ngunit agad ko siyang nasalo sa bisig ko.

Nanlaki ang mga mata ko at tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko nang makita ang dugo sa damit niya.

"Mack?" mahinang bulong ko.

Bahagyang napapikit si Mack na mistulang namimilipit sa sakit habang hawak ang sikmura niya kayat pakiramdam koy unti-unti akong namamatay.

"Mack! mack! lumaban ka! Da..dadalhin kita sa ospital! Stay with me!" Aligaga kong sigaw habang patuloy ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko.

Napailing-iling si Mack ng dahan-dahan.  "H..hindi na ako aabot... we both know that" mahinang bulong niya.

|FLASHBACK , 3RD POV|

Walang humpay sa pagsigaw si Mack nang dahil sa pagdadalamhati.

"B..bunso....Bunso..." Mahinang bulong ni Paxton habang may dugong lumalabas sa bibig nito.

Napapikit si Mack at tuloy-tuloy na napahikbi sa pagitan ng kanyang paghagulgol. Sa kabila ng kasamaan ng nakatatandang kapatid ay hindi parin nawawala ang awa at pagmamahal ni Mack para dito.

Dahan-dahang gumapang si Mack upang malapitan ang nakakatandang kapatid.

Iniabot ni Paxton ang kamay nito kay Mack. Dahan-dahn naman itong hinawakan ng huli.

"Ma..mapapatawad mo ba ako?..." Tuluyang bumuhos ang luha mula sa mga mata ni Paxton na punong-puno ng pagsisisi. "Wala...wala akong ibang hinangad kundi mabigyan ng hustisya ang mga magulang natin...Mahal ko kayo ni Travis...Alam ng diyos yan. Mackenzie..Mackenzie Faith Lee... Im sorry" mahinang bulong ni Paxton.

Walang kamalay-malay si Mack na may kinuha palang isang kutsilyo si Paxton mula sa kanyang bulsa.

"Faith sorry pero kailangan kong gawin to" mahinang bulong ni Paxton at bigla na lamang sinaksak sa sikmura ang walang kamalay-malay na si Mackenzie.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng nalagutan ng hininga si Paxton.

|END OF FLASHBACK|

"You'll always be my peter pan... just pervert version" mahinang bulong ni Mack habang nakangiti at dahan-dahang hinahawakan ang mukha ko kahit na hirap na hirap na siya sa paghinga.

"Mackenzie wag mo akong iwan please." agad kong hinalikan ang noo niya.

"Im sorry, I love you...." Mahinang bulong niya kayat napayakap na lamang ako sa kanya ng napakahigpit. Napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unting kumawala ang kamay niya.

"Mack! Mack!" Sigaw ako ng sigaw habang tinatapik ang pisngi niya. Nakadilat siya pero nakatingin lamang ang kanyang mga mata sa kalangitan. Hindi na ito nakatingin sa akin. Tuluyan na siyang nalagutan ng hinga kayat sigaw na lamang ako ng sigaw habang humahagulgol.

- - - - - - -- - - - 

CALEB'S POV

Dahan-dahan akong napapikit habang pinagmamasdan ang nangyayari kay Mack at Peter mula sa CCTV camera.

Sorry peter...Hindi ko gustong masali ka dito pero tadhana nga yata ang may gusto na masali ka dito.

Unti-unti akong napangiti habang pinagmamasdan ang mga bangkay nila mula sa CCTV camera.

Naalala ko silang lahat. Mula sa king, rook, bishop, knights,pawns at ang queen.

"Thanks for the show Dad....Thanks for the gift" mahinang bulong ko sa sarili.

END OF FINAL CHAPTER!

 - - - - - - - - - -- 

ONCE AGAIN THANK YOU SO MUCH FOR READING.

may epilogue kaso di ko sure kelan :)

Wala na po talaga sila <//33

DI NA PO AKO NANGT-TROLL

THANKS SO MUCH FOR READING <3

GOD BLESS <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro