A Tale of Two Putas
KESSLER'S POV
Pagdating ko sa kuta namin ay naabutan ko na kasalukuyan palang nasa mini-stage si King at nagle-lecture sa mga baguhang myembro ng grupo. Mga myebro na mga mamatay taong kagaya ni King at ng iba na sumasaya sa tuwing pumapatay.
Nakakailang kayat tumayo muna ako sa sulok ng kwarto. Kahit na maraming beses ko nang nakikita to ay hindi parin ako mapalagay.
"First part is over, now lets proceed to the actual demonsration." anunsyo ni King sa mga nanonood sa kanya. Agad niyang hinawi ang kurtina sa kanyang likod at agad na tumambad sa amin ang dalawang babaeng nakaupo sa sahig habang nakatali ang mga kamay at paa. "Palakpakan naman natin ang dalawang putang gagamitin natin ngayon!" sigaw ni King na may pilyong ngiti sa kanyang mukha. Agad namang nagpalakpakan ang mga nanonood sa kanya. Halatang excited sila sa gagawing demo ni King.
"BALIW KA! PAKAWALAN MO KAMI DITO!" Sigaw nung isang babae na galit na galit ngunit nakikita ko parin sa mga mata na takot na takot na siya.
"TULUNGAN NIYO KAMI DITO! ANO BA!" Sigaw din nung isa pang babae na nakatingin sa mga manonood.
Saglit akong napapikit. Kahit papaanoy nakakaramdam ako ng awa para sa kanila. Alam kong may rason si King sa pagpili sa kanila pero naaawa parin ako.
Patuloy ang dalawang babae sa pagpupumiglas at pagsisigaw sa galit kayat natatawa ang iba. Hindi alam ng mga babaeng to na mas pinapasaya lang sina King kapag nakikitang nanlalaban sila. Si King naman ay napangiti na lamang at agad na kinuha ang kutsilyo niya.
"Kasama ko dito ngayon ang dalawang puta. Nakikita niyo naman na nasa sahig lang sila at nakagapos. Itong putang nakapula tatawagin ko siyang si PUTA1 samantalang itong nakaitim ay tatawagin kong PUTA2" sabi ni king habang sinisigawan siya ng dalawang babaeng nasa sahig.
Biglang may isang baguhan na nagtaas ng kanyang kamay kayat agad siyang tinawag ni King.
"King ...t..tanong ko lang po, Bakit di niyo po binusalan ang bibig nila? Ang ingay po kasi eh at baka matunton tayo ng police." mautal-utal na sabi nung isang baguhan at halos hindi makatingin ng deretso kay King
tumango lamang si King at ngumiti.
"Wag kang mag-alala walang makakarinig dahil soundproof ang lugar nato" sabi ni King sa knight at bahagya siyang napatingin sa mga babae na para bang tinatakot niya ito kayat muli silang nagsigawan. Natawa nalamang sina King at ang mga bagong knight.
"WALA KAMING PERA! MGA BALIW KAYO! PAKAWALAN NIYO KAMI!" Sigaw ni Puta1 at agad na dinuraan si King. Mabuti nalang at sa sapatos lang tinamaan si King. Kadiri kung sa mukha tangina. Pati si Puta2 sigaw din ng sigaw. Ang sakit lang sa tenga.
Ngumiti si King at muling humarap sa manonood niya. "Alam ko ang tanong niyo, Paano ko sila mapapaamo? Simple lang!" Dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Puta2 at agad na ipinulupot ang kanyang braso sa leeg nito.
"Hoy puta tatahimik ka kung ayaw mong magaya sa kanya" walang emosyong sabi ni King kay Puta1 at bigla na lamang ginilitan ang leeg ni Puta2. Agad napasigaw si Puta1 dahil tumalsik sa mukha niya ang napakaraming dugo. Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga baguhan nang lumupaypay sa sahig ang nangingisay pang katawan ni Puta2 at para bang gripong may tagas dahil panay ang pag-sirit ng dugo mula sa leeg niya.
Nanginginig sa takot si Puta1 habang umiiyak. Takot na takot na nga talaga ito. "Parang awa mo na wag mo akong sasaktan." pagmamakaawa ni Puta1 habang humahagulgol.
"See what I did? I killed her friend. That way na prove ko sa kanya na seryoso ang sitwasyong to, na ako ang may hawak sa buhay niya. Power is pleasure. Better than sex and drugs!" taas noong sabi ni King kayat namangha ang mga nanonood sa kanya. "Takot na takot si Puta1kayat ngayon ay susundin na niya ang lahat ng gusto ko. See there's pleasure in power and control at lalong lalo na, sa pagpatay" dagdag pa nito
Walang ano-anoy bigla na lamang pinagsasaksak ni king ang mukha ni Puta1. Kitang-kita ko ang pag-lagaslas ng napakaraming dugo nang mahati ang ilong at bibig niya ng napakatalim na kutsilyo kayat napangiwi nalang ako sa pandidiri. Sa lakas ng pagsaksak ni King, siguradong wasak ang bungo ng putang yun.
Nandidiri ako samantalang yung iba ay nagpalakpakan at naghiyawan. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari kayat lumabas na lamang ako.
- - - - - - - -
Naglakad-lakad ako sa buong abandonadong building nang bigla na lamang akong makarinig ng impit na sigaw at iyak. Hinanap ko ito hanggang sa umabot ako sa isang kwarto. Sinubukan ko itong buksan ngunit naka-lock ito.
"May tao ba diyan?" tanong ko.
"Meron ako!" Nagulat na lamang ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko habang tumawa kayat agad akong napalundag sa gulat. Napabuntong hininga na lamang ako nang makita kong si King pala to.
"King naman eh! manggulat ba?!" Reklamo ko ngunit tinawanan lang niya ako.
"Langya kessler wag mo nga akong tawaging king. Si Paxton parin naman ako" reklamo din niya habang nakangiti. Yung ngiting walang bahid ng kahit na anong kasamaan. Yung ngiting kalmado lang. Yan yung ngiti ng dating si Paxton.
agad na nakunot ang noo ko. "Mahirap ka nang tawaging paxton dahil andami ng nag-iba!" hindi ko na napigilan ang galit ko at napasigaw na ako. "King akala ko ba hindi sasaktan si Faith? Galit na galit si Travis nang malaman niya ang nangyari sa kanya" dagdag ko pa.
Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni King at agad siyang tumango-tango. "It was just a misunderstanding and im fixing it now" mahinang bulong niya.
"Faith was hospitalized and her dog was killed! Siguradong lubos siyang nasasaktan pero yan lang ang magiging reaksyon mo?! Hindi ganyan ang Paxton na kilala ko!" sigaw ko ulit.
biglang ngumiti si King. Pero ngayon nahahalata ko na ang lungkot sa mukha niya kayat bahagyang humupa ang galit ko. Saglit kaming nabalot ng hindi komportableng katahimikan.
maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita.
"Kessler gusto mo na bang tumiwalag sa grupo?" tanong niya gamit ang napaka-seryosong boses. Gulat na gulat ako. Ito ang unang beses na tinanong niya ako ng ganyan.
saglit din akong natahimik. "b..bakit mo naman nasabi?" tanong ko
Ngumiti lamang siya at agad na tinapik ang balikat ko. "Ive known you for ten years. We went through the same hell. Kilalang-kilala na kita Kessler. Alam kong hindi mo na nagugustuhan ang mga nangyayari. Pwede ka namang tumiwalag kung gusto mo, magiging magkaibigan parin naman tayong lahat"
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Silang mga kaibigan ko lang naman ang naging dahilan kung bakit hindi ako tumitiwalag sa grupong to eh.
"Ikaw sana yung magiging bishop nang mamatay si Doc Joey kaso alam ko namang hindi mo gusto yun kaya agad na akong naghanap ng replacement. buti nalang talagat may nahanap ako! hahaha. Nga pala mauna na muna ako, may aasikasuhin muna ako. Kessler wag na wag mong bubuksan ang pintuang yan ha?" paalala niya saakin kayat agad na nakunot ang noo ko.
"Huh? sinong nandito?! Ano na namang ginawa mo?" tanong ko sabay turo sa pintuan
Ngumiti na lamang siya at agad na naglakad palayo.
"Sabihin nalang nating, Ginawa ko yan dahil ako si Paxton"
END OF SPECIAL CHAPTER
- - - - -- --
Short update lang muna :)
THANKS FOR READING ♥
VOTE AND COMMENT ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro