Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 37

"JUDE?"

Iginala ni Balti ang tingin sa buong sala. Dim lang ang ilaw sa buong ground floor. Madilim pa rin 'yon sa paningin niya. Kailan ba nag-adjust mga mata niya? Tsk! Anak talaga 'tong ng kadiliman si Hudas. Dumiretso na siya sa hagdan at umakyat papuntang second floor.

"Hudas kung nandiyan ka pakibuksan ang buong ilaw ng bahay mo."

Wala pa ring sumasagot. Na saan na ba 'yong lalaking 'yon? Bukas naman halos lahat ng mga pinto ng mga kwarto sa second floor. Rinig na rinig mula sa loob ang hampas ng alon at paggalaw ng mga dahon sa mga puno mula sa labas. Dahil nga open masyado ang bahay e ramdam hanggang sa loob ang hangin. It was already past 6 pm. Medyo madilim na sa labas.

"Yuhoo, Hudas..." Sumilip siya sa mga kwarto. "Alam ko na magaling ako magtago ng feelings pero walangya magpakita ka na at baka iba na makita ko rito sa bahay mo – isdang chaaa!" sigaw niya sa huli nang may mahulog sa kung saan. Gumulong pa 'yong bagay sa sahig pero 'di niya makita kung saan. "Savio, 'di ka na nakakatuwaaaa!"

Kinikilabutan na siya. Ang lakas pa man din ng hangin sa labas. Hindi talaga magandang idea na makipag-usap kay Jude sa gabi. Galing na siya sa kwarto ng kambal. Sa music room nito. Sa master's bedroom pero wala siyang nakitang Hudas! Pero bukas ang gate at main door. Ang jeep wrangler din ni Juan na binili na ni Jude ay nasa garahe. So, malamang sa malamang nandito si Jude. Pinagti-trip-an lang siya.

"Hudas kapag 'di ka pa lumabas. Hindi ka na uuwian ni Marison –"

"Ser, ang ingay mo."

Napalingon siya sa kwarto ng kambal. Kakalabas lang doon ni Jude at mukhang kakagising lang. Jude yawned habang kinukusot ang mga mata. Teka lang, paanong?

"Nasa kwarto ka lang ng kambal?" he snapped.

Pero wala talaga siyang nakitang Jude sa kwarto ng kambal kanina. Dim lang din ang ilaw roon at hindi na rin niya binuksan kasi nakikita pa rin naman niya nang kaunti.

"Nakatulog ako," humikab ulit ito, "sa gilid ng pader," and chuckled, "hindi mo napansin?"

Natawa siya. "Malabo mata ko." Lumapit siya kay Jude. "O may invisible cloak ka lang talaga? Matagal ko nang iniisip talaga paanong hindi napansin nakapasok ka sa mansion ng mga Morales. Sa laki mong tao at sa dami ng CCTV ni wala man lang nakuhang proof sa panloloob mo."

Jude chuckled, "Should I tell you the truth or not?"

"Malaki utang na loob mo sa'kin –"

Lalo itong natawa. "Ser, naniningil ka na ba?"

"Hindi pa naman."

"Well, I'm well aware of what Simon can do." Lumabas sila sa veranda ng second floor. "At hindi pa rin naman ako official member ng secret group ni Iesus – unlike the rest of you."

"Hindi pa rin naman kami nadadagdagan. Math, aware lang siya pero 'di siya nangingialam. Wala raw siyang gift na ganyan. Ang alam lang daw niya e magbudbod ng magic sarap at magtimpla ng juice." Natawa silang pareho ni Jude. He continued, "Jam, laging travel mode. Thad, wala rin lagi. Pumalit na yata 'yon kay Iesus. Si Sus naman lagi nasa Faro. And Andrew –"

"Should we still expect something from Drew? Parang lagi na lang 'yong mainit ang ulo."

"You know, that guy has a very special gift," aniya, na may ngiti.

"Spoil mo nga ako, Ser."

"Where's the fun if I tell you now? Hintayin natin lumipat 'yon sa Faro para masubukan natin," tawa pa niya. "Inaamag na bahay nun katabi ni Sep. Ako lang ba o ang gugulo talaga ng relasyon ng mga magkakapatid dito sa Faro? Sep and Andrew. Jam and Juan."

"Aurea and James, though, 'di naman sila lagi nag-aaway pero laging nagbabantaan ang dalawang 'yon. And of course, you and Maha. Grabe, kulang na lang magpatayan kayo sa pang-aasar sa isa't isa."

Natawa siya. "Sukatan yata ng matibay na relasyon ang demonyohin ang kapatid mo."

"I couldn't agree more," Jude chuckled, "Thad and I, we don't have siblings, but we treated ourselves as brothers. We fight like real brothers. Mas kuya lang 'yon sa'kin kahit pareho lang naman kami ng edad. Buwan lang naman pagitan namin. And we have Simon."

"He had an older brother, right?

Jude nodded, "But Jace died in a road accident while trying to save Simon."

He knew that. "He rarely talks about it." Of course, noong malasing si Simon. He doesn't share sad things when he's not sober. Alak lang nagpapaamin sa isang 'yon.

"He lost his mother a few months after Jace's death. His father had an affair with another woman in Japan. Tita Susan committed suicide after knowing it. 'Yong resthouse sa Sumilon. 'Yon lang yata ang natira sa kanya. He kept it because Tita Susan treasures it."

"Sa tingin mo nagkita sila ng tatay niya sa Japan?"

"I doubt, kung dumalaw man siya, siguro 'yong mga batang kapatid lang niya dinalaw niya roon. Sa tatay lang naman siya galit. Though, hindi naman sila rin close ng nanay ng mga kapatid niya. Kahit ganyan 'yan si Simon. Mahal nun sila Haru at Hana. Ang dalawang 'yon lang pinupuntahan ni Simon sa Japan."

"I've heard, his dad didn't cut ties with him."

"Yes, may educational plan at monthly allowance 'yan si Simon sa tatay niya. Si Lola Simona lang ang naghahawak. But when Lola Mona died. We didn't hear anything from Si patungkol sa tatay niya. Buraot din kasi 'yan. Madami na 'yang ipon. Hindi naman niyan inuubos allowance niya sa tatay niya. Malamang, malaki na pera ng 'sang 'yan sa banko. Malaki rin discount nun sa CIT noong time namin. Tinutulugan lang klase pero consistent Dean's Lister 'yan. May mga freelance work pa 'yan noon. Mga foreigners ang clients."

Natawa siya. "Kaya siguro ngayong tumanda na e buhay early retirement na ang gago."

"Sinabi mo pa! Stress na stress na si Thad sa 'sang 'yan."

"Mukhang 'di pa naman papalubog ang IBUILD CONSTRUCTION. Natawa talaga ako sa tagline ng walangya. Hindi mo alam kung seryoso o hindi e."

Tawang-tawa si Jude. "The road to the future is under construction. Gago! Parang bahay niya ilang taon nang inaamag under construction pa rin."

"Pero at least ngayon may nakikita tayo."

"Pero natigil na naman."

"Sa tingin ko e, babae lang talaga kulang kay Si. Bigyan na nating mapapangasawa para matapos na bahay niyan."

"Pero mukhang broken-hearted 'yon ngayon."

"Sus, makaka move on din 'yon. Daming babae sa mundo."

"Sabagay, ikaw nga e, ilang taong 'di nakalimot."

Tawang-tawa siya. "Yawa!" Ang lakas din ng tawa ni Jude. "Inugatan na nga kaka deny ng walangyang pagmamahal."

"Ang masama lang naman e kung 'di mo aaminin na mahal mo na ang 'sang tao. We all go through with that phase in life. Deny na deny pa ako kay Mari. Nabigyan ko tuloy ng kambal."

"Ang bilis n'yo ni Tomas."

"Kailangan mag-double-time, Ser. E, ikaw ba? Anong balak n'yo ni Niña?"

"Ihaharap ko na sa simbahan."

"Naks! So kailan ka magpo-propose?"

"Iniisip ko pa kung paano ako magpo-propose." Ngumiti siya. "Ang dami ko nang panahon na sinayang. Bakit ko pa papatagalin? Wala na rin naman akong ibang babaeng naiisip na ihaharap ko sa altar. Isa lang ang Niña Rosella Marzon sa mundong 'to."

Jude smiled and patted his shoulder. "Sana nga umuwi na si Mari. Inggit na inggit na ako sa inyong dalawa ni Tor." Saka natawa nang malakas. 

"Malapit na birthday mo, ah. Next week na 'di ba?" Jude nodded. "Magkasunod lang kayo ni Simon. Anong balak n'yo?"

"Mas tamang sabihin, anong balak ni Simon?"

"Nag-volunteer na siya?" Tumango ulit ito. "Bakit ba excited 'yon tumanda lagi?"

"Excited 'yon sa pagkain. Ang sabi niya sa'kin sa boardwalk na lang daw. Tayo-tayo lang naman. He already contacted Math for the food. Ang team na rin ni Math ang bahala sa lahat."

"Tumawag si Mari?"

Malungkot na umiling si Jude. "Noong July 31 pa lang last convo namin. Busy yata siya. Sana sa birthday ko tumawag siya. Gusto ko makita ang kambal."

Tinapik niya ang braso ni Jude. "She will call. Hindi ka naman matitiis nun."

Ngumiti na rin si Jude. "Sana nga." Bumuga ito ng hangin. "Anyway, Ser, kanina pa tayo nag-uusap. Ano bang sadya mo rito?"

"Ah, tama!" He snapped his fingers. "Ang daldal mo kasi." At natawa.

"Wow! Coming from you?"

"Manghihingi akong bond papers. Naubos na pala 'yong stocks ko. Bukas ako bibili. Inubos din ni Aurea ang stocks ni Tor. Naalala ko may nakita ako sa recording room mo ng mga box ng bond papers."

"Bond papers lang pinunta mo rito?!"

Tawang-tawa siya. "May ipi-print ako."

"Langya ka, Ser! Akala ko naman importante."

"Pero na curious na rin ako sa sinabi mo kanina."

"Alin doon?"

"Your power of darkness –"

"Gago!"

"We'll conduct a few trial tests."

"Saan naman?"

"Sa bahay ni Iesus."

"SI PAM ba 'yon?" Napasinghap naman siya nang may biglang humaklit sa braso niya at hinila siya sa direksyon ng canteen. Nakaankla na pala ang braso ni Maha sa braso niya. "Wait, nakita ko si Pam –"

"Nakita ko rin naman. Need bang i-welcome siya ng yakap?"

Natawa siya.

Ang taray na naman nito. "Pansin ko lang kasi lagi siyang sumasama kay Dylan sa pagsundo sa pupil mong si Bryle."

"Lagi siguro silang may family dinner."

"Sa tingin mo hindi naman si Balti ang sadya ni Pam?"

"Kahit naman oo ay 'di naman 'yon papansinin ni Kuya. Well, siguro, in respect, ay babatiin pa rin niya. Pero I don't think may pag-asa pang ipagpalit ka ni Kuya. Mamamatay yata ang 'sang 'yon na wala ka sa tabi niya."

Napangiti siya. "Pansin mo rin?"

"Kilig na kilig ka naman diyan!"

Natawa siya. "Bakit ba?"

"Landi nito!" ingos nito. Lalo lang siyang natawa. Binibiro lang din naman niya si Maha. Tinitignan niya ang reaksyon nito. "Saya bang naka score ka na kay Kuya?"

Kumunot ang noo niya.

"Anong score?" May alam ba ito? Halata ba sila masyado ni Balti sa bahay? Hindi naman e. "Linawin mo nga, Maharlika." Kinakabahan siya riyan. Naku, 'di pa siya handang magkwento kay Maha. Feel niya sasabunutan siya ng gaga. Hindi lang pala feel, sure na sure!

"Score, duh! Noon, 'di nga umabot ng zero ang pag-asa. Negative pa nga. Ngayon umabot nang 1 million ang score mo."

Nakahinga siyang maluwag. Akala naman niya kung ano. "Ahhh..." Pahid muna ng invisible pawis.

"Teka nga," marahas na baling nito sa kanya, "anong score ba ang iniisip mo kanina?"

Ngumiti siya rito. "Wala."

Inilapit nito lalo ang mukha sa kanya. Sinubukan niya talagang salubungin ang mga tingin nito dahil alam niyang kapag bumaling siya sa iba e iisipin nitong may itinatago siya. Niña, labanan mo 'yan! Saka ka na umamin kapag kasal ka na sa kuya niya para naman 'di ka masabunutan ng isang Maharlika.

"Sinasabi ko sa'yo, Niña, kapag talaga –"

"Wala nga!"

"Alam ko kapag nagsisinungaling ka sa'kin." Humigpit ang pagkakakapit nito sa braso niya. Napangiwi na siya sa isip. Kailangan niyang mag-change-topic! "Hindi mo ako maloloko –"

"Alam mo, naalala ko may pinabibili si Juan sa'kin. Gusto mo ikaw na bumili at magbigay sa kanya mamaya?"

"Sige –" Akala niya e nauto na niya pero kumunot ulit ang noo nito. "Inuuto mo ako Niña." Itinawa na lang niya. Sige, aamin siya kapag nag-insist pa si Maha pero hanggat kayang itago. Itatago muna niya. "Pero, sige, ano ba 'yan?" 'Yong mukha pa ni Maha e torn between magsusungit o ngingiti. "Bigay mo na rin number niya." Nasundan pa niya ang kilig na ngiti nito nang ibaling ang tingin sa harap. "Pero," marahas ulit itong bumaling sa kanya, "umuwis ka muna kina Dylan at Pam."

"Huh?"

"Basta."

Actually, wala rin naman siyang plano. Kaya tumango na lang siya kay Maha at ngumiti.

"Okay –"

"I'll explain everything kapag alam ko na tama ang pakiramdam ko kay Pam. If that makes you wonder, why? Pero sa ngayon, iwasan mo na lang muna sila. Just trust me, okay?"

"I trust you, Maha."

She really does.

Tipid itong ngumiti. "Thank you."



"TOR, anong nag-udyok sa'yo na mag-propose kay Aurea?" tanong niya, nakahanda pa ang notebook at ballpen niya para isulat ang mga sasabihin ni Tor.

"Ikaw, Bartolome, anong nag-udyok sa'yong itanong 'yan?"

Natawa siya. "Seryoso ako!"

"Kapag ikaw ang nagsabi hindi talaga kapanipaniwala." Iniangat ni Tor ang tasa ng kape nito sa bibig at uminom. Nasa opisina naman sila ng bahay nito. Hindi sila maririnig ni Aurea. Magkalat pa 'yon ng chismis. "Are you ready to settle down this time?"

"Para namang hindi mo hinihintay ang araw na 'to."

Tor chuckled, "Simula noong high school alam ko na dadating ang araw na 'to."

"Sino mas nauna sa inyo ni Aurea na manghula?"

"Hindi naman ako manhid. You look at Niña as if she was everything in your life. You may not be aware of it, but it shows in your actions. I dissected your reasons and choose to believe some parts of it, but I did not totally agree with it. Yes, she's too perfect for you. Yes, you don't want to lose her. But no, even if you feel undeserving of her. There will always be a part of you that longed for her every day. And I don't believe distancing yourself from her would give you peace of mind. Look how miserable you are for the last 10 years or should I start with my calculations since fourth-year high school?"

Napatanga siya. "Wow!"

"I am not a fool, Balti. I may, in my own decisions in life, but I will never be wrong with you. I have known you since we were little kids. Mas kilala pa kita kaysa sa mismong sarili ko. And you probably know me, more than I know myself."

Napasandal siya sa upuan. "Grabe, attorney!" At natawa.

"And I'm glad you have already put a little sense in your long list of disarrayed thoughts."

"Tor, bakit kaya 'di na lang ikaw ang minahal ko?"

"Yawa!"

Tawang-tawa silang pareho. "Seryoso, ang daming sumuko sa ugali ko. Pero ikaw, 'di ka man lang natibag."

"Sa tingin ko pa rin naman ay mas pangit ugali ko kaysa sa'yo. Madami ka lang talagang iniisip na sinasarili mo lang."

"You never asked me about that museum incident."

"Because you seem like you didn't want to talk about it. And you're always avoiding the topic, so I did no longer further insist to raise it with you."

"I actually remember it now."

Tor didn't seem shocked. "I've heard from Vier and Iesus." At mukhang napansin nito 'yon kaya binigyan siya agad ng sagot.

"Did they tell you everything?"

"No, because you didn't tell them what you saw."

Mapait siyang ngumiti. "I still have a lot of things to remember. Tini-take-note ko lang muna. I don't want Niña to worry. Masakit talaga sa ulo. Kapag pinilit ko ay feeling ko hindi na ako makakapasok sa eskwelahan."

"Just take things slowly. One memory at a time. Binabasa mo pa rin ba ang black book?"

"I've stopped, tinatapos ko lang muna 'yong nasimulan ko na item." Tumango-tango ito. "Naiintindihan naman din ni Iesus. Madami pa rin naman daw siyang time."

"I see."

"Tor, you saw glimpses of Jude and Mari's past lives. You've also tried it with you and Aurea. Sa tingin mo, kaya mo rin silipin ang nakaraang buhay ko? I know you're also thinking that in our past lives ay malaki ang involvement natin sa great-great-grandfather ni Iesus. Na malaki ang chance na 'yong mga missing items na hinahanap ni Iesus ay sa atin lang din galing. I don't think coincidence lang na ngayon lang ulit nagpapakita ang mga missing items. Maybe, nati-trigger ng orihinal na may-ari ng item na magpakita 'yon."

"And it also makes wonder why these items are slowly showing now?"

"Maybe because Iesus knew something he didn't want us to know. He always mentioned time. I remember, Sep said, it's time. I don't doubt Iesus. And I understand that he has secrets of his own. Halos naman tayo rito sa Faro e may sekretong tinatago. Sa ngayon, ang gusto ko lang mabigyang linaw ay ang nakaraan ko. If Jude and Mari met 3 centuries ago. Same with you and Au. Then maybe, ganoon din ang case namin ni Niña."

"But what if Niña didn't exist in your past?"

"And what if she did?"

Tor sighed. "I don't know. If it does, isn't it predictable? Lahat ba ng Faro Boys tragic ang buhay sa past life?" Sumandal sa swivel chair nito si Tor. "Well, it could be."

"Iesus mentioned that the de Dios ship became an escape ship to these people. Kapalit lang nun ay isang mahalagang bagay mula sa kanila. At saka, isipin mo rin, bakit tatakas ang 'sang tao kung wala siyang matinding dahilan? There should be one deep reason why they wanted to escape."

Napa-isip si Tor. "And what could be your reason?" he asked, pero hindi nakaangat ang tingin sa kanya. Naniningkit ang mga mata habang pinapaikot ang hawak na ballpen sa hinlalaki at hintuturo ng mga kamay nito.

"At ano 'yong binigay ko sa lolo ni Iesus?"

Tumigil ang mga kamay nito at naiangat ang tingin sa kanya. "I will try, but I cannot guarantee a good result. I've tried, without you knowing."

Kumunot ang noo niya rito. "Kailan?"

"I touch your forearm," he pointed his right forearm with his pen, "but I didn't see anything. Just a pitch-black of what seems to be a well. Your face reflected on the water but you seem to be different. Hanggang doon lang kaya kong silipin. It's good as nothing at all."

"What if, ako talaga 'yon?"

"Probably."

"You don't trust your visions?"

"I do when I see more."

Natawa siya. "Pati pala sa mga visions mo nadadala mo pagiging attorney mo. Kini-question mo rin kung walang enough memories na puwede mong ma-i-a-associate sa nakita mo."

Tor chuckled, "I don't like to assume things unless proven valid."

"Paano kung wala?"

"It will just linger on my mind rent-free."

"Ang laking kaibahan n'yo talaga ni Auring. 'Yong asawa mo, laging confident sa future na nakikita niya. Pero ikaw, past na nga, hinahanapan mo pa ring pruweba." Tawang-tawa siya. "Kumbaga, galawan mo, systematic. Si Au, gut feeling."

Ngumiti si Tor. "We all work in different pace. Professional 'yang si Aurea. Ako nagsisimula pa lang. Ayokong magbitaw ng mga impormasyong mali-mali pala."

"Pero paano mo naman malalaman kung mali o tama kung hindi ka gagawa ng paraan para alamin 'yon?"

Nag-isip ulit ito. "That's actually a valid point."

Lalo siyang natawa. "Isn't it right to conduct several tests to prove your hypothesis, Attorney? I know, you're also curious about its authenticity. Why won't we shed some light on your gnawing assumptions?"

A sudden peak of interest flashed in Tor's eyes.

"Want to try?" pandedemonyo pa niya.

Alam din naman niyang 'di makakahindi ang isang Kale Thomas Velez sa isang Bartholomew Jaurez. Package deal silang dalawa. Kung walang Balti, wala rin dapat Tor. At kung walang Tor, wala ring Balti.

"Let's keep this a secret for now," suko rin nito. Lalo siyang napangiti. "But we will tell Iesus everything once we discover something."

"On it. Pero, seryoso nga, paano mag-propose?"

"Biglain mo." Tor suppresses his smile. "Mahilig ka naman sa surprise."

Tawang-tawa siya. "Wala ka bang mas specific diyan?"

"You're Balti, kaya mo na 'yan."

MARAHAS siyang bumuntonghininga bago iniyupyop ang ulo sa gilid ng laptop sa itaas ng mesa niya. Ang sarap na umuwi pero naalala niyang madami siyang bayarin kaya kailangang tapusin ang araw. Pero ang sakit na ng likod niya. Pati mga binti niya kakatayo simula kanina. May one hour vacant naman siya ngayong hapon pero tamad na tamad talaga siya ngayon.

"Ay hindi, Niña," marahas siyang bumangon at hinarap muli ang laptop, "masaya ang love life natin kaya wala kang karapatang mapagod," bulong niya sa sarili, baka marinig pa siya ng mga seniors niya na nasa faculty ngayon. "Lalaban para sa mga loans na dapat bayaran ngayong taon." Kinapa niya ang notebook sa mesa nang mag-pop-up ang message mula sa email ni Balti sa gmail account niya.

Kumunot ang noo niya.

Ano na naman kaya 'to? May klase pa 'yon ah.

Anyway, binuksan pa rin niya kung ano 'yon. "Oh," napakurap siya nang makita ang attached file ng message. Isang file lang din naman in PDF file pa nga. "Ano naman kaya 'to?"

She downloaded the file at hinintay na mag-load ang file sa PDF reader.

Nailapit niya ang mukha at naayos ang salamin sa mata nang makita kung ano 'yon. Test format e. May space for name at kung sino gumawa ng questionnaire.

"Instruction," basa niya. "Multiple choice but read and understand carefully the following questions before encircling the right letter of your desired answer. Answer each question without scrolling down. Failure to follow the rule will invalidate all right answers and will automatically earn you zero points in this exam." Namilog ang mga mata niya. "Wow, naman! Bawal i-review."

Ano bang meron sa ibaba? Malalaman ba ni Balti nag-cheat siya? Three pages long lang din naman 'yong file. Madami pang spacing.

"Okay, first question."

1. How much do you love Bartholomew Juarez?

A. A lot
B. Super love
C. I love him very much
D. All of the above

Tawang-tawa siya. Gage, wala man lang antonyms sa mga choices. Lahat e biased choices. Pero sagutin mo na niya. Syempre, D, ang sagot, All of the above.

2. Do you accept all of Bartholomew Juarez's imperfections and promise to understand each other?

A. Yes
B. I do     
C. I will       
D. All of the above

Isa na namang walang No na choices sa sagot. Either way, hindi rin naman No ang sagot niya. D, ulit ang sagot.

3. Do you have regrets about loving Bartholomew Juarez?

A. No     
B. I don't       
C. I can't remember     
D. Either A or B

Pigil na niya ang tawa. Gusto na niyang mag-scroll-down. Anong last question nito? May nabago nga sa choices pero wala rin namang pinagkaiba sa idea. Okay, D, pa rin ang sagot.

3. Do you want Bartholomew Juarez to be the father of your future kids?

A. Yes       
B. I do     
C. I want     
D. All of the above

D, ulit!

4. Do you want to wake up in the morning in Bartholomew Juarez's arms?

A. Yes     
B. I do     
C. I want     
D. All of the above

S'yempre, D!

5. Do you want to plant seeds and grow trees on earth with Bartholomew Juarez?

A. Yes, every day   
B. I do, always     
C. I want it badly     
D. All of the above

Ano ba 'yan, Juarez! Double meaning na naman. Syempre, D, ulit. Kahit hula na niya e landslide D talaga ang sagot. Sinagutan niya pa ang iba. Hanggang sa dumating na siya sa last two questions. Total of 15 questions 'yon.

14. Do you believe that the almost 15 years of waiting for Bartholomew Juarez was worth it? 

A. Yes       
B. No       
C. Maybe     
D. It depends

15. And if your answer to question number 14 is A, then, Niña Rosella Marzon, will you spend the rest of your life with Bartholomew Juarez? Ninin, will you marry me?

Write your answer here: ________________

Napasinghap siya nang malakas!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro