Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

Our semestral break already ended. Nasa apartment lang ako, minsan sumasama kay Ice sa SanLo para manood ng practice nila.

We're here now sa SanLo to enroll for second sem. Kadarating ko lang, ako na nga lang ang hinihintay ng tatlo kong kaibigan.

"Update ka later if done na kayo. Mabilis lang enrollment sa amin."

Tango ako nang tango sa mga sinasabi niya habang nakatingin ako sa mga mata niya. Para talaga siyang parent na laging pinagsasabihan 'yong anak.

Mahina niyang pinitik ang noo ko. "Makinig ka sa akin."

Natawa ako, bago tumango ulit. Paalis na sana siya nang muli siyang bumalik.

Pumunta siya sa likod ko at inayos ang buhok ko gamit ang hair clamp.

"Hindi pa naman ako naiinitan," sambit ko.

"I know, baby. Para lang alam nila na may boyfriend ka na."

Suot ko kasi iyong jersey shirt niya. Naka imprint sa likod ang I. Rivera. At dahil nakaayos na ang buhok ko, siguradong mababasa ng nasa likuran ko ang last name niya sa t-shirt.

Mahina kong pinalo ang kamay niya.

"Jusko! Mga walang respeto sa mga single sa tabi nila," ani Gabby pagkaalis ni Ice. "Kapag ako nagkaroon ng jowa, magpapagawa ako ng t-shirt na mukha niya ang nakalagay. Pero sa ngayon, mga Koreano kong asawa muna."

Nagtungo na kami sa gym, dahil doon kami naka-assign for enrollment. Kahapon pa sana kami, pero may inasikaso ako rito about sa scholarship ko.

"Buti 'di na masyadong mahaba ang pila."

Nasa bandang ulo gitna kami ng pila dahil marami na rin ang nagsidatingan. Kadarating lang din ng admission officer.

"Ilan na naman kaya minor subject na feeling major." Nilingon ako ni Pau. "Kumusta grades mo? I mean, I know na matataas. Approved pa rin ba for full sholarship."

"Yep!" I smiled. "I got six, flat uno. And dalawang 1.25."

Problem ko lang talaga ngayong second sem, we need to buy books na raw. Nahihiya ako kay Tita Gelly.

Sa aming apat, walang nakakuha ng Dos na grade.

"Hi, excuse me?"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko at agad naming nilingon iyon.

Its Zephanie.

All eyes on her.

"Classmate kayo ni Zarm? Can I join the pila here? Umalis kasi sila bumili muna ng food."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan.

"No. Kita mo 'yang pila? Oo, 'di ba? Oh sya, pumila ka sa dulo," sambit ni Angelica.

"Ah, actually, pinasingit nila ako sa pila. Wala akong ibang kakilala here, kaya rito sana ako."

Hays. Pretty privileges nga naman.

"Bakit kilala mo ba kami?" mataray na tanong ni Gabby.

Agad na tumimgin sa akin si Zephanie. "No. Pero si Amari, I know her. Girlfriend siya ng childhood bestfriend ko and ex-boyfriend ko."

"Sino?"

"Si Amari."

"Sino nagtanong?" Tumaas ang kilay ni Gabby. Hindi nagpapatalo kung gaano kataray tumingin si Zephanie.

"I'll stay here." Pumila siya sa likod ko.

Ang uncomfortable tuloy bigla nang pakiramdam ko. Ayaw kong lumipat, baka isipin niya affected ako sa kaniya.

"Oh! Suot mo pala shirt ni Miguel. Favorite niya ito."

Hindi ko siya pinapansin.

"Kahit noon, mahilig siyang magbigay ng t-shirt na may name niya. May nakatago pa akong remembrance from him." Natahimik siya at biglang pumunta sa harapan ko. "Here." Inilahad niya ang isang handkerchief na may ZM na naka imprint doon.

"Zephanie and Miguel. One of his gifts before ako umalis ng Philippines."

Tumango-tango na lang ako. Wala pa naman ako sa mundo nila ng mga panahong iyon, kaya wala akong makitang reason para pagselosan iyon.

"Amari, tinatawagan ka raw ni Kuya Ice, hindi ka raw ma-contact. Si ate mukhag naka dnd na naman."

Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang sinabi ni Gabby kaya agad kong kinuha ang phone ko.

Sinadya ko pang iharap nang kaunti ang phone ko kay Zephanie para makita niya ang lockscreen at homescreen ko.

Ilang minuto lang nakatanggap na ako ng tawag.

"Hello, baby. Nakalimutan mo na naman i turn off dnd mo."

"Nanenermon ka na naman?"

"Hehe. Joke lang baby. I'm done na. I'll go there. Dadaan muna akong food lane. Wait for me there."

Ilang minuto lang, nag-message siyang andito na siya kaya pinuntahan ko siya.

"Henlo!"

Andami na naman niyang bitbit na pagkain. Mukha talaga siyang fresh palagi, parang 'di siya nai-stress.

"I know naman na pogi boyfriend mo." Pang-aasar niya pagkalapit sa akin, and he gave me forehead kiss. "Kumain ka na muna rito bago ka bumalik sa pila. Or sama ako sa pila?"

"She's there." I answered.

Tumaas ang kilay niya. "So? Hindi naman siya ang pupuntahan ko roon. Uncomfortable ba ikaw if andoon din ako?"

Hindi agad ako nakasagot.

"Okay, I'll stay here. Para 'di rin ako makagulo sa pila."

Naupo ako sa tabi niya. Si Gabby todo update kung pang ilan na kami sa pila, at may sampo pa bago kami.

"Ang bilis mo naman natapos?"

"Marami na raw nag-enroll kahapon. They thought, ubusan ng slot. Maganda sched ko, baby. Daig!" Pagyayabang niya sa akin. "Monday to Wednesday lang pasok ko, tapos puro morning."

"Yabang! Akala mo naman 'di siya palaging pupunta ng SanLo dahil sa training." Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay.

"Ay, doon lang talaga ako natalo, boss."

Sana gano'n lang din schedule ko.

Nakapag-enroll na ako. And Tuesday to Thursday naman ang pasok ko. Puro pang morning lang din.

"You done? Wala na ikaw ipapapirma about scholarship mo?" he asked pagkakuha ng bag ko.

"Done na. Next week na ang balik dito."

Palabas na sana kami nang gym nang tawagin si Ice.

Hindi siya umiimik.

"Mommy wants to see you later sana. May family dinner sa bahay."

"Okay," sagot ni Ice kaya agad akong tumingin sa kanya. "Thank you for inviting me, but hindi ako pupunta. I'll message Tita Zen na lang later. Una na kami."

Naglakad na ulit kami, nang muling humarang si Zephanie at Zarm.

"Promise mo 'yon sa akin before na kapag nakauwi na ako here sa Philippines, you'll go sa bahay."

"That was before, Zephanie."

Bumaba ang tingin ni Zephanie sa akin. "You can bring Amari."

Hinawakan ni Ice ang kamay ko at mas inilapit ako sa kanya. "No. Ayaw kong maging uncomfortable si Amari. And may importante kaming lakad."

"Am I making her uncomfortable?"

"Yes."

Hindi na niya hinintay magsalita si Zephanie at Zarm.

"Anong importanteng pupuntahan?"

"I forgot. Pupunta tayo sa bahay nila Harold. Catch up daw." Nilingon ni Ice si Gabby. "Sama ka, ha? Andoon si Elijah."

"Bwisit ka talaga! Kapag ako pinagalitan na naman ng kuya ko! Kaya siguro 'di nagsasabi kasi andoon si Kuya Elijah."

"Punta ka! Para may kakwentuhan kami roon."

"Pupunta talaga 'yan, andoon si Elijah, e." Pang-aasar ni Ice.

"Eh! Kahiya, pero sige!"

Agad siyang binatukan ni Pau. Nagpaalam muna kami sa kanilang tatlo.

Natulog lang kami ni Ice sa apartment. Hindi naman kami nagtatabi. Sa salas siya palagi natutulog tuwing andito siya.

"Iinom ka?" tanong ko habang nagmamaneho siya.

Sinusubuan ko siya while he's driving. Parehas kaming late nagising. Actually, nagising na raw siya nong una pero nakita raw na mahimbing pa ang tulog ko kaya itinulog niya ulit.

"Hindi, baby. Ako magda-drive pauwi."

"Sa tingin mo pagagalitan tayo? Super late na tayo."

Feel ko pagsasabihan kami, lalo ni Kuya Lucas. Strict kasi sa time si Kuya Lucas.

Nagpipigil tawa rin siya. Panigurado alam niyang pagsasabihan siya ni Kuya Lucas.

"Itawa mo na 'yan. Parehas naman tayong pagsasabihan."

Pagkarating na pagkaratin namin doon, agad kaming sinalubong ng palakpakan.

"Sa wakas!" sigaw ni Kuya Elijah. "Tanginang 'yan, 'di uso update?" mapang-asar na tanong niya.

"Sorry, bebe time."

Mahina ko siyang siniko. Agad akong lumapit sa mga kaibigan ko. At tama ako, agad pinuntahan ni Kuya Lucas si Ice. Natatawa ako sa reaksyon niya and at the same time nakakakonsensya.

Nakita niyang nakatingin ako sa kaniya at nag thumbs up.

Nilapitan ko si Ate Daisy na nakatabi kay Kuya. Nahihiya siya, panigurado. Pangalawang beses pa lang ito na kasama namin siya.

"Hello, ate. Kanina pa kayo?"

"Kami nauna rito. Akala nga ng kuya mo, prank lang.  Bakit late kayo?"

"Pusta, nakatulog si bunso," sabat ni Kuya kaya agad akong tumawa. Kilalang-kilala ako ni Kuya.

Nagkakasiyahan na kami rito. Puro kwentuhan sila, palibhasa halos ngayon lang ulit nagkita dahil puro na busy.

Sayang at wala si Lorraine and Bianca, nasa province pa kasi sila. At sa last day pa ang enrollment ng Department nila.

"Sched mo?"

"Tuesday to Thursday lang," sagot ko kay Kuya.

"Pangit. Monday to Wednesday lang sa akin. Tatlong subject."

Busy ako mag online shopping. Feel ko lang bumili ng reward for myself dahil matataas grades ko.

Bags and dress lang naman binili ko. After ko icheck out, naghihintay ako ng notification dahil connected sa bank account ko iyon, ayaw ko kasi ng CoD.

Napakunot ang noo ko, at muling binalikan ang online shop. Nanlaki ang mg mata ko nang makitang sa bank account ni Ice naka-connect iyon. Umulit pa naman din ako mag check out dahil akala ko error lang.

Nilingon ko siya, at nakitang kinuha niya ang cellphone niya. Panigurado nag-notify na iyon sa kanya.

Akala ko magugulat siya, pero ngumiti lang siya at nilingon ako. Binigyan na naman niya ako ng thumbs up na para bang ang tagal niyang hinihintay na gawin ko iyon.

I messaged him agad-agad.

To: Lovey ♡
Sorry. Akala ko  sa bank account ko, 'di ko dinouble check. :(

From: Lovey ♡
Very good ka nga, e. Don't be sorry. Use my account everytime may gusto kang bilhin. Don't worry, baby.

Bago pa ako makapag-reply, andito na siya sa tabi ko.

"Reward for yourself?" he asked.

Tumango ako at nahihiyang tumingin sa kaniya. "Sorry. Akala ko talaga account ko. Medyo malaking amount din iyon."

"That's okay. As long as you're happy, baby. You can use my bank account. Don't worry about me. Nakahiwalay pa savings ko, so don't worry."

I pouted. "Nakakahiya."

"Anong nakakahiya roon? Girlfriend naman kita."

"Very sugar daddy ang atake!" ani Gabby pagkaupo sa tapat namin.

"Chat mo na si Elijah."

"Hoy! Ang kuya ko andyan, kapag ako napagalitan?! Kita mong napagalitan ka rin kanina."

"Oy, Gabby!"

Halos maibuga ni Gabby ang iniinom dahil biglang sumulpot si Kuya Elijah.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Napansin iyon ni Ice kaya isinuot niya sa akin ang jacket niya.

Natatawa akong nakikinig kay Gabby at Kuya Elijah. Hindi masiyadong makapagsalita si Gabby dahil andito na rin si Kuya Lucas.

"Huwag ka na umimik, kita mong napagalitan ka na nga talaga ni Kuya Lucas," bulong ko kay Ice dahil napansin kong mukhang may sasabihin siya.

Inilibot ko ang mata ko, busy ang dalawang kaibigan namin na si Pau and Angelica sa pagkanta, kasama si Ate Ariane, Kuya Benj and Kuya Harold.

Napatingin ako kay Ate Daisy. Para niya kaming ino-observe.

Nakikita kong kinakausap siya ni Kuya pero umiiling lang si ate. Napakamahiyain ni Ate, kaya hindi ko aakalain na halimaw siya sa loob ng volleyball court. She's good.

~

"Ansama ng pakiramdam ko," ani Pau pagkapasok. "Mukhang nabitin sa bakasyon."

Akala ko seryoso, nagbibiro lang pala siya.

First day ngayon for second sem halatang wala pa kaming gagawin dahil isang oras na wala pa ring pumapasok na prof.

Sa mga susunod na year namin, paniguradong mas mahihirapan na kami.

Lumabas muna ako para magpahangin. Nagpunta pa nga ako sa dulo malapit sa building nina Ice pero wala halos tao sa labas ng floor nila.

"Hello? E-Excuse me?"

"Yes po?"

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Hindi siya familiar sa akin, hindi ko siya nakikita sa kabilang block. Pero hindi ako sure kung mas ahead siya sa akin.

Inilabas niya ang registration form at ipinakita sa akin. "Transferee ako rito. May I ask saan itong room?"

"Oh, hi! Classmate tayo."

Mukha siyang nakahinga nang maluwag. "Kanina pa ako naglilibot dito. Hindi ko mahanap building. Nahihiya ako magtanong."

Ngumiti lang ako sa kanya at pinasunod siya sa akin. Panigurado matutuwa mga classmate naming lalaki because nadagdagan na naman sila.

Napatigil sila sa mga ginagawa nila nang makitang may kasama akong lalaki pagpasok.

"Uhm! New classmate natin siya. So, be good to him."

"Hello. I'm Michael Alegre, I'm from CVA. I hope maging friend ko kayo."

At dahil sa tabi ko na lang ang may vacant seat, doon na siya naupo.

"Hi Michael! Bakit ka umalis ng CVA?"

Nasabi talaga ni Gabby iyong gusto kong itanong.

"M-Masiyadong mahal, hindi na kaya ni Daddy. Halos kada semester may educational trip."

Tumango-tango ako. Buti pala hindi ko itinuloy mag CVA. Halata naman kasing 'di kaya ng budget namin.

"May I see your subjects? Bali may mga na-credit naman from your other previous university?" I asked. Makakahabol pa siya, dahil halos minor subject kami last sem.

"Actually, parehas tayo subjects noong first semester. Kaya nagulat iyong sa admission office kanina. Pero iba na subjects ng CVA ngayong second sem."

"Good to know. Welcome to SanLo, Michael!"

"Thank you?"

"Amari." I offered my hands.

"Nice meeting you, Amari."

Nagpakilala rin iyong tatlo kong kaibigan. Si Zarm naman nakatingin lang sa akin na para bang may ginawa akong masama.

New semester, pero walang pagbabago itong si Zarm.

"Can I join you, guys?"

"Yep. Sure, no problem. Mababait naman kami."

"Eww! May boyfriend na, nakikipaglandian pa sa iba."

"Your choice of words, Zarm." I warned.

"Ops, natamaan ka ba? Sabagay, totoo naman."

"Hindi ka ba titigil?!" sinigawan siya ni Gabby.

Badtrip pa naman 'to dahil nawawala iyong cellphone niya.

"Naging nice lang sa tao, nakikipaglandian na?" tanong ko.

"Not our problem na mukha kang problematic, Zarm, kaya walang gustong makipagkaibigan sa iyo. Very toxic."

"Feeling ex," sambit ko.

Napatingin iyong tatlo kong kaibigan bago sila tumawa.

Natapos ang buong araw ko na walang ibang prof. Nasa SanLo lang muna ako habang hinihintay si Ice. Andito lang ako pinapanood sila mag training.

Pinapunta na sila rito para makauwi rin sila.

Hindi ko pa rin talaga alam bakit number 29 ang jersey number niya. Noon daw 2.

"Ano kuya? Hindi ka makakalaro this season?" tanong ko kay Kuya Adrian.

Natawa siya. "Olats. Next season pa. Mahaba-habang pahinga."

Hawak ko ang phone ni Ice. Minsan iyong isang cellphone niya nasa akin.

May unknown number na kanina pa tawag nang tawag. Sinagot ko na rin, dahil mukhang emergency.

"Hello, Miguel? Can you go here again?"

Kumunot ang noo ko. Obvious naman na si Zephanie iyon. I know Zarm's voice.

"Hello, Miguel? Please? I need you."

I ended the call.

"Zephanie?" Kuya Adrian asked.

Tumango ako. "Block mo. Nakakailang blocked na si Isaac. Nangungulit. Ano sinabi?"

"Pinapabalik ni Ice roon."

"Tss. Huwag kang maniwala. Sinisira lang kayo."

I smiled. People around Ice knows how faithful and loyal he is.

"Bait ng tropa ko na 'yan. Natutulog nga lang sa klase tuwing 'di ka kausap. Totoo, natutulog 'yan, kaya nga kinukulit lang ni Margarette para gumising. Jusko! Huwag ka magpapaniwala sa mga maninira sa inyo."

"Celebrity yata boyfriend ko?" Sinubukan kong pagaain ang atmosphere kasi seryoso si Kuya Adrian.   "Hindi pa siya artista nyan, ha? Pero thank you, Kuya. Kilala ko rin naman si Ice. Hindi niya gagawin iyon."

Pagkatapos ng training nila, tumambay kami ni Ice sa food lane. Andaming tao, kaya medyo nahirapan kaming humanap ng pwesto.

"How are you?"

"Goods! May transferee kami. From CVA siya."

"Bakit daw lumipat?"

"Eh kasi mahal."

"Bakit mahal?" Mapang-asar siyang nakatingin sa akin.

At, na-gets ko agad.

Mabilis lang kaming kumain. Uwing-uwi ako dahil gustong-gusto ko nang makaligo.

"Wash up na. Ipagluluto kita."

Aangal pa ba ako? Syempre.

"Sure ka ba? Pagod ka na, e."

"Kasama ko 'yong pahinga ko. Kaya nakapag-recharge na ako."

Bolero.

Binilisan ko lang ang pagligo. For dinner iyong niluluto niya.

"Love, 'di ba pupunta ka resto-bar mo tonight?"

Kaya rin maaga siyang nagluto ngayon, may aasikasuhin kasi siya sa business niya. Grabe talaga ang time management niya.

"Yes, baby. May new employees kami. Kaya need ko pumunta roon for observation and ma-train din sila. May gusto ikaw ipaluto?"

Lumapit ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Ang sipag mo masyado. Don't forget to rest din, okay? Baka mamaya 'di ka na nakakapagpahinga."

"Thank you, baby. Don't worry, nakakapag-rest pa naman ako. Need lang talaga mag-work para sa future."

"I know, lovey, pero baka mamaya masyado ka nang drain. Nakakalimutan mo na alagaan sarili mo."

"Promise, baby, I'm okay. Kaya ko naman. May assistant ako sa bawat business, kaya halos sila rin ang gumagalaw roon. Don't worry, okay? I'm fine, baby."

I am genuinely worried about him talaga. Minsan nakikita ko siyang online tuwing madaling araw, nag-aasikaso ng forms ng employees and business niya. After school or training, he's here inaalagaan ako. Tapos bago umuwi minsan, need pa niya dumaan sa mga restaurant niya.

I hope nakakapag-rest talaga siya nang maayos.

"Drive safely, okay? Message me pagkarating mo roon. Tapos uwi ka agad, then take a rest, ha?"

"Yes, baby. Eat your dinner na rin later. Huwag nang lalabas, gabi na, wala kang kasama."

Yumakap ako nang mahigpit sa kaniya. I love this man, so much!

"I love you, lovey."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. "And, I love you more, baby."

Nahiga lang ako. Pagkaalis na pagkaalis niya, nakita ko kaagad ang facebook post niya. Wala pang limang minuto ang nakalipas.

Isaac Miguel Rivera tagged you in a post.

As long as I'm with you, I've got a smile on my face ~

Nakangiti ako habang tinitignan ang apat na pictures na iyon. Iyong dalawa ay selfie naming dalawa kanina sa food lane. And 'yong dalawa ay picture ko habang pisil pisil niya ang pisngi ko.

Amari Gracey Guanzon: I love you. U da best! ♡

Gabby Torres: palagi ko na lang nararamdaman ang pagiging single. :D

Isabela Cojuangco: My babies. I'm always here for you both. I love you mga anak ko.

Gelly Guanzon: Thank you for loving my bunso, Isaac. :)

Lorraine Esteves: Cutie talaga. Sana makasalubong ko na kayo sa campus.

Arvin Guanzon: Minsan na nga lang mag facebook, ganito pa.

Ang bilis dumami ng likes and shares. Andami ring comments, pero 'di ko na binasa iyong iba dahil hindi ko naman kakilala.

~

Weeks ang lumipas. To be honest, ang hirap pala talaga ngayong second sem. Minsan kahit maaga ang uwian, hindi kami nakakauwi agad to finish a lot of school works. At kung maaga man nakakauwi, itinutulog ko na lang.

Ilang weeks ding tumahimik ang buhay ko dahil 'di nang gugulo si Zarm.

Si Ice abala na sa training. Hindi ko na siya inaabala para ihatid ako after class, dahil after class niya pinapapunta sila agad ng gym. Hindi pwedeng ma-late sa calltime.

"You need to present a Filipino dish tomorrow. On the spot siyang lulutuin. Five members each group."

Matic na iyan. Kasama namin si Michael.

Dumiretso agad kaming supermarket para mamili. Mabuti at marunong mamili si Michael.

"Sa apartment na lang ilagay iyong mga napamili. Para isasabay ko na lang tomorrow kapag papasok kami ni Ice. And mas malapit lang kami."

Agad naman silang sumang-ayon.

Mabilis na tumakbo papuntang rooftop ang tatlo. Inaabangan ang sunset. Naiwan ako kasama si Michael.

"You're living alone?"

"Yes. Come here, pasok ka. Huwag kang mahiya, iyong tatlo madalas dito."

Nahihiya at alanganin man, pumasok na rin siya bitbit lahat nang ipinamili namin. Inilagay rin iyong iba sa ref para 'di agad masira.

"Andaming laman ng ref mo. Sure ka bang mag-isa ka rito?" natatawang aniya.

"Ah! Galing sa boyfriend ko. Minsan andito siya. Siya kasi taga-luto."

Tumango-tango lang siya sa akin.

"Tara sa rooftop," sambit ko.

Bago ko tuluyang buksan ang pintuan, bumukas na ito at nakita si Ice na nasa ilabas.

Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Michael.

"Una na muna ako sa taas, Amari."

"Saan cellphone mo? Kanina pa ako tumatawag." mahinahon na sabi niya pagkapasok.

Aligaga akong kinuha ang phone sa loob ng bag. "S-Sorry, love. Nag-grocery kasi kami.

"Only two of you?"

"Hindi po. Nasa itaas sina Gabby, nag-aabang ng sunset."

Nahiga na lang si Ice sa sofa. "Patulog muna bago ako umuwi."

I don't think he's mad, kapag galit siya, hindi siya magsasalita, hindi siya magtatanong.  He's jealous?

Nakaalis na rin sina Gabby. Hindi ko alam kung gigisingin ko na si Ice, dahil napasarap ang tulog niya, halatang pagod din.

I ordered food na rin, wala akong maisip kung anong pwedeng iluto.

"Love, wake up."

Ayaw pa rin talagang gumising. Naupo ako sa lapag habang tinitignan siyang natutulog. Nakatitig lang ako sa kanya. He looks so tired. Nagkakaroon na siya ng eyebags.

"Can I open my eyes na ba, baby?"

Napatayo ako sa gulat. "Kanina ka pa gising?"

"Naramdaman ko lang na may batang nakatingin sa akin. Sus, akala mo bati tayo?" Parang bata niyang wika, humalukipkip pa.

"Sorry na. Tumakbo kasi agad sina Gabby pa-rooftop kanina. No choice na rin si Michael kanina. Sorry na. Hindi mo ba ako miss?"

"Okay. Say the magic word."

"I love you."

"I love you more." He replied and smiled genuinely. "I'm just worried kanina. Hindi ka sumasagot sa tawag. I tried to call Gabby also, pero 'di rin sumasagot. Andito na ako kanina, pero sabi hindi ka pa nakakauwi. Kaya nag-aalala ako."

"Sorry, hindi na mauulit. You okay na ba? Look, may eyebags ka na. Mukhang hindi ka talaga nakakatulog nang maayos."

"Napuyat lang kagabi, baby. May inasikaso lang ako. Anong iluluto niyo bukas? Makakatikim ba ako?"

"Hmmm, yes! Secret, bukas mo malalaman. A-Ako magluluto ng isang dish."

"You nervous? You can do it, baby. For sure, sa iyo ang pinakamasarap. Saan gaganapin? Pwedeng manood? Noon may joint activity Culinary and BSBA Students. I-ma-market ng BSBA students 'yong gawa ng Culinary."

"Kasali ka roon? Parang masaya 'yong activity."

"No, baby. More on from Marketing Managements major mga kinuha nila. That's so fun. On the spot kasi iyon. Anyway, ako na magdadala sa inyo bukas, para 'di na kayo mapagod, give mo na lang sa akin iyong list."

"Nag-order ako food, gamit bank account mo."

"Go lang baby. Use my bank account lang. Iyong isang card ko, gusto mo?"

"Alin doon?"

Alin doon, dahil may tatlo pa siyang card sa wallet niya. Sa iba't-ibang bank kasi siya nag-o-open ng account.

"Ay, 'wag na, love! Nahihiya na nga akong gastusin iyong isa. May sasabihin pala ako, pero kapag nag legal age na ako."

"Iisipin ko 'yan for almost four months, baby?"

"Yes. Don't worry, hindi naman about sa atin. About sa akin lang. But promise, hindi siya big deal, and not that serious naman. Wala siyang bad effects."

Movie marathon, and pinanood ko lang siyang matulog bago siya umuwi. Hindi nga siya ang nag-drive dahil baka antukin na naman siya.

~

"I'm sorry."

I keep on crying outside our lab. And kanina pa ako kino-comfort ng groupmates ko.

I don't know kung papaano nangyari iyon. Overcooked iyong chicken, dinouble check pa iyon ni Michael kanina.

"Babawi tayo next week," ani Michael. "Sure ako kaninang chineck ko iyon, tama lang 'yong heat level, e. Wala ka bang napansin nq lumapit sa iyo?"

Umiling ako. "I'm s-sorry. H-Hindi ko ginusto iyon." I keep on sobbing.

"Walang may gusto nang nangyari, sis. That's okay." Pau said bago ako yakapin.

I gave them a weak smile.

"That's not okay. H-Hindi lang ako iyong mahihila, I feel bad sa mga Marketing students, h-how they will market those overcooked chicken."

Nakakahiya. Mukhang wala akong mukhang maihaharap. Wala akong ibang sisisihin kundi sarili ko. Naging pabaya ako.

"Babawi tayo next week. Babawi tayo sa test exams. We can do it, Amari. It's just the beginning. Marami pa tayong pagdaraanan sa mga susunod. Kapag nakabenta ang Marketing students, hindi tayo babagsak. I know, magagawan din nila iyon nang paraan."

"H-Hey! Baby? Amari? What happen?" he asked softly.

Walang umimik sa mga kaibigan ko. Nahihiya rin ako. Dahan-dahan niya akong itinayo at niyakap.

"You can cry if that's the only way para gumaan pakiramdam mo."

Narinig kong nagpaalam mga kaibigan ko para bumaba, at pumunta sa area ng mga 1st year Marketing students.

"Ang bobo ko. Nakakainis. Hindi ako nag-iingat."

"Baby, don't say that. You did your best. Lahat tayo nagkakamali, and I know you will take that as a lesson."

Nakayuko lang ako hanggang makarating kami kung nasaan ang mga Marketing students.

"Oh my gosh, Amari! S-Sold out iyong sa atin!"

"H-Huh?!" Biglang natigil ako sa pag-iyak at nilapitan ang booth namin.

Paano nangyari iyon? Ang bilis naubos, samantalang sa iba, halos hindi pa nakakalahati.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Sold out meaning, may 75% percent pa rin kami ng grade namin, hindi kami makakakuha ng zero for this activity.

Lumapit ako at nagbasa ng ilang feedbacks.

I love you friend rice. Sana next time ingat lang ma overcooked. But nabusog na agad kami sa fried rice! Good job!

"See? I told you, baby. You did well." He gently brushed away the tears from my puffy eyes. "You should rest na."

Kahit maganda result ng pag-Market I know sa sarili ko na may pagkukulang pa rin ako. Hindi ko binantayan nang maayos iyong ginagawa ko.

"Pwede naman tayong hindi pumunta sa bahay tonight, baby. Mas gusto ko pang mag-rest ka na muna."

"Kakainin mo pa rin ba iyong luto ko kahit sunog?"

"Of course, baby. Kumain nga ako kanina," diretsang sagot niya. "Babawi next time, okay? You did well, baby."

Naka-coordinates na lang ako. Hinayaan ko na lang ding nakalugay ang buhok ko.

"Are you sure kaya mong pumunta sa bahay?"

"Love, nakakahiya kung 'di ako pupunta. I'm okay, promise."

Pagkarating namin sa bahay nila, napakunot ang noo niya dahil may limang sasakyan dito, at sigurado akong hindi sa kanila iyon.

"What are they doing here?"

"Who?"

"Zephanie. Lola."

I hold his hand. "I'm fine. Andito na tayo, oh. Aatras pa ba tayo?"

"I'm sorry, hindi ko alam."

Agad siyang bumaba para mapagbuksan ako ng pinto. We're holding hands while going inside their house.

"Finally, you arrived!"

"Evening."

"Good evening po. Thank you for waiting," sambit ko.

"What's with your eyes, anak ko? Pinaiyak ka ba ni Isac?" nag-aalalang tanong ni Tita Isabela sa akin.

"No po, Tita."

"Mommy, I will never hurt my Amari."

"Sus! In game na naman si Isaac, oh!" Pang-aasar ni Ivy. Agad siyang kumaway sa akin. "Amari! Hi!"

"Hello!" I smiled and waved back.

Naupo kami sa tapat nila. I left a heavy sighed nang makita kong nakatingin si Zephanie sa akin.

"Heavy dinner or nope?" Ice whisperd.

"Light lang, love. Thank you."

Tahimik lang kami ni Ice sa gilid na para kaming may sariling mundo.

"How are you my Zephanie? You're so pretty. How's life abroad?"

"Aww. Thank you so much, La. Mahirap, but kinaya naman po."

"Good to know. That's why I love you. Everyone, almost lahat nang nakahain na food, luto ni Zephanie."

Nabitawan ni Ice ang hawak na kubyertos. Mukhang nabadtrip siya dahil blanko na lang ang mukha niya.

"Oh, Amari. I heard, naibagsak mo iyong basic dish na need mong lutuin."

"Stop," both Ate Ishy and Ice said in unison, their voices sharp with warning.

"Basic dish, pero hindi pa nagawa nang tama? Really? Haynako! Don't settle for less, apo. Zephanie's here. She's good at everything."

"Nakakahiya naman po, La."

"True, Zeph. Nakakahiya talaga. So, embarrassing. Imagine, kahit not college student can cook that dish, then this girl, overcooked? So, funny."

"La, you talked as if you're not making mistakes. You're not that perfect. Let Amari learn from her lesson," si Ate Ishy ulit. "She's working hard, she's trying her best. And that's already enough for her to keep going."

"Why are you belittling her? Why, Lola? Noong ipinamana sa iyo ang company, alam mo na ba lahat? No, right? You made tons of mistakes before you achieved what you wanted. So why are you talking to Amari like you're perfect?"

"Because nakakahiya naman talaga, apo. Ano? Pag-aawayan natin ulit 'yang girlfriend mo na 'yan."

"You know kung anong nakakahiya? Iyang ginagawa mong pang mamaliit sa isang taong nagsisimula pa lang. And you did that to my girlfriend? Shame on you, Lola." Ramdam ko ang galit sa boses niya. His voice low and dangerous.

I know he's freaking mad.

"I just want her to learn, Isaac Miguel! How dare you?!"

"She needs supports, she needs advice. Not those stupid criticism na lalong nakakapagpababa ng tingin niya sa sarili niya."

Hinawakan ko ang kamay ni Ice. Ramdam ko pa rin ang galit niya. Diretso pa rin ang tingin niya sa pwesto ng kaniyang Lola.

"You're disrespecting me now?!"

"No! You're the one who keeps on disrespecting my girlfriend."

"Because she's not good for you!"

"And sinong good for me, Lola? Si Zephanie? You're so funny. You're really funny. Matanda ka na, pero ganyan ka pa rin mag-isip."

"Bastos!"

"Again, thanks."

"Walang respeto!"

Ice shrugged his shoulders at itinayo ako. Mahigpit ang naging paghawak niya sa kamay ko.

"You think your money buys you the right to belittle everyone? Buy yourself some manners instead."

"Bastos kang bata ka!"

"Disrespect my girl, and you will never see me again. I don't need your money, tho. I really think you need that more. Marami kang pera? You really need that to buy some manners."

~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro