Kabanata 4
UMUPO siya sa higaan nito. Lumapit naman si Esme sa harapan ng salamin at inayos ang buhok nito. Pinapaypayan din nito ang mukha. Pabagsak siyang humiga sa higaan. Pinatitigan niya ang kisame.
"Nakita niyo ba si Maddy?" tanong niya rito.
Naramdaman niya na lumingon ito sa kaniya. Nilingon niya rin ito at binalik lang ni Esme ang tingin sa salamin. "Sinabi ko kay kuya na pangalan niya rito ay Josefina." Lumapit ito sa kaniya at tumabi.
"Kins, anong nangyayari?" naiiyak na saad nito sa kaniya. Umiling siya. Hindi niya rin kasi alam kung bakit sila napapunta sa taong 1880. Hindi gumagana ang kaniyang isipan.
She was still shocked. "Sino si Lorenzo rito?" tanong niya nang maalala ang sinabi nito kanina.
"Si Lupin. Can you imagine that? Sa taon na ito ay nakatadhana na ikasal sina Esme at Lorenzo. I guess, we're really meant to be each other, ha?"
Umikot ang mata niya sa sinabi nito. Hanggang dito ba naman?
"Congrats, I guess?" sarkastik niyang saad. Napalo tuloy siya nito sa kamay. "Kinsley naman, eh."
"Si Axel? Nahanap niyo na ba kung nasaan siya? How about Gianna and Skylar? And duh, your twin Eliac, nasaan siya?"
Bumitaw ito sa pagkakahawak sa kaniya pagkatapos ay tumayo ito at humarap sa malaking bintana nasa silid. Tumayo rin siya at tinanaw ang lupain ng pamilya Escalante. May ilang mang-gagawa ang nasa hindi kalayuan.
"We still haven't seen Eliac. We don't know where he is. Hindi ko alam kung nakasama ba siya rito dahil no'ng huling magkakasama tayo ay hindi pa natin siya nahahanap."
Bumuntong hininga siya. "Axel?" tanong niya. Lumingon ito sa kaniya saglit. "Don't worry about him. Paniguradong kasama na 'yon nila kuya ngayon." Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat.
Napahawak siya sa kamay nito pero agad niya rin ito binitawan. "Naguguluhan ako sa 'yo. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang gusto mo sa kanilang dalawa."
Natahimik siya. Hindi niya gusto sagutin ang katanungan nito. Axel was her ex and Cloud was her close friend. "Close friend nga ba talaga?"
Nilingon niya si Esme. Napalakas pala ang huli niyang sinabi. Pilit siyang ngumiti rito. She was right. They're not only close friend but hindi iyon ang importante ngayon.
"Sina Skylar at Gianna?" pagbabago niya sa usapan.
"Kuya found Arabella. I mean, si Skylar but we still haven't found Gia. I hope she's okay." Tanging tango na lang ang nasagot niya rito sa mga oras na iyon.
SA silid aklatan kung nasaan ang mga lalaki ay seryoso rin naguusap patungkol sa nangyari sa kanilang magkakaibigan. Nilingon ulit ni Alberto si Emmanuel sa pangatlong pagkakataon nang tahimik itong pumasok sa loob.
"Cloud, umayos ka. Kababata siya ni Esther," ani Esteban ang kakambal ni Esme. Ang kambal na sina Bylac at Lilac sa kasalukuyan.
Kumunot ang noo ni Alberto. Hindi makilala kung sino si Esther. "Si Kinsley," singit ni Lorenzo sa usapan.
Pabagsak na umupo si Alberto sa mahabang upuan. Sina Esteban at Lorenzo ay kahapon pa nag hahanap nang kasagutan kung bakit sila napunta sa taong 1880.
"At alam mong hindi siya ang kababata mo?" tanong pa ni Alberto. Hindi pa rin ito tapos mag imbestiga sa binata. Nakahalukipkip din ito.
"No'ng una ako'y hindi naniwala sa kaniyang mga pahayag. Ngunit, nang kinagabihan ako'y nakapagisip nang maayos. Ang mga kilos at salita niya ay hindi tumutugma sa kababata 'kong si Esther."
"Parang sinasabi mo naman na hindi dalagang pilipina si Kinsley," ani Lorenzo. Sumama naman ang tingin ni Alberto rito pagkatapos ay binalik ulit ang tingin kay Emmanuel.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, ginoong Lorenzo."
Ginulo ni Lorenzo ang buhok. "Please, can we stop saying that word if it's only us?" Kumunot ang noo ni Emmanuel. Marahan naman na sinagi ni Esteban ang balikat ni Lorenzo. Binalik ni Lorenzo ang tingin kay Emmanuel. "Ang ibig 'kong sabihin ay..."
"Kung maaari huwag mo siyang tawaging ginoo kapag tayo lang ang magkakasama," paliwanag ni Esteban. Tumango si Emmanuel. Desidido na hindi taga roon ang mga ito sa kanilang panahon.
"Napagtanto niyo na ba kung bakit kayo naparito sa panahon namin?" tanong ni Emmanuel. Nanahimik ang tatlo. Saglit na oras pa lang ang mga ito namamalagi sa nakaraan. Wala pang kongkretong paliwanag kung bakit sila naroon.
"Ako'y tutulong. Gusto ko malaman kung nasaan ang tunay na Esther."
"Tunay na Esther?" Sabay-sabay ang apat na binata lumingon sa bagong dating na binata.
"Axel?"
"It's Sullivan for you," mapang-asar na saad ni Axel kay Cloud o Alberto sa panahon na iyon. "Gago." Umikot pa ang mata ni Alberto.
Dumako naman ang paningin ni Sullivan kay Emmanuel.
"Si Emmanuel, kababata ni Esther," pag papaliwang ulit ni Esteban. Hinubad ni Sullivan ang suot na sombrero pagkatapos ay umupo sa tabi ni Alberto.
"Sino si Esther?"
"Si Kinsley," singit ulit ni Lorenzo. Mahahalata rito ang kapaguran sa paulit-ulit na paliwanag. "Bukas nga, magkaroon tayo ng pag pupulong upang kilalanin ang isa't isa. Pagod na ako mag paliwanag," suhestsyon ni Lorenzo.
Sumang-ayon ang mga ito pero binalik ulit ni Sullivan ang tingin kay Emmanuel. "Alam mong hindi si Kinsley ang tunay na Esther?" nakakunot na tanong ni Sullivan. Bumuntong hininga naman si Alberto.
"Oo, alam niya. Tama na ang tungkol kay Emmanuel. Bumalik tayo sa ating pakay kung bakit tayong naririto." Nilingon ni Alberto si Esteban na may malalim na pag-iisip.
"Galing mo mag tagalog," asar pa ni Sullivan kay Alberto. Nabatukan tuloy ito ni Alberto at sabay na bumaling kay Esteban nang mag salita ito.
"Kaninang umaga ay lumabas ako para subukan ulit hanapin si Eliac o si Gianna man lang ngunit wala akong nasagap maliban sa isang bagay." Huminto si Esteban sa pagsasalita. Nag hintay ang apat sa susunod na sasabihin nito.
"Kung tama ang aking pagkakaintindi. Sa taon na ito ay magkakaibigan din tayo. Iba man ang pangalan pero magkakaibigan tayo." Bumaling si Esteban kay Emmanuel. "Tama ang turan ni Esteban. Kayo'y mag kakaibigan. Matalik na magkakaibigan."
"Nasaan si Eliac at Gianna kung gano'n?" tanong ni Alberto kay Emmanuel. "Hindi ko mawari kung sino ang iyong tinutukoy, paumanhin."
"Kung gano'n, nasaan ang isa ko pang kapatid?" si Esteban naman ang nag tanong. Umaasa na may makukuhang kasagutan. "Paumanhin ngunit kayong dalawa lamang ni binibining Esme ang alam kong magkapatid. Wala nang iba pa."
INAYOS niya ang alampay na color light yellow sa kaniyang balikat. May magandang panali nakapusod din sa kaniyang mahabang buhok. Kinagabihan ay nag anunsyo si Señora Carmen na magkakaroon ng salu-salo kasama ang pamilya nina Emmanuel.
Nabalitaan niya rin na uuwi ang kuya Nimuel niya at ang kaniyang ama na si Señor Gajardo. May importante raw na anunsyong sasabihin ang kaniyang ama.
"Binibini?" Sumilip si Flor galing sa likod ng pinto. "Ako'y tapos na," aniya. Sumilip siya sa huling pagkakataon sa salamin bago nag tungo sa labas ng silid. Nag aabang si Flor sa gilid. Nginitian siya nito.
Nauna siya nagtungo sa salas. Nilingon niya si Flor na pumuwesto sa gilid kasama ang kanilang ilang kasambahay. Nawala lang ang atensyon niya rito nang tawagin siya ng kaniyang ina.
Do'n niya lang napansin ang kanilang bisita sa gabing iyon. May katabing dalawang dalaga si Emmanuel habang sa kabilang mahabang upuan naman ay may nakaupo na sa tingin niya ay mag asawa.
"Anak, si Señora at Señor Makandili," pakilala ng kaniyang ina. Nag bigay galang naman siya sa mga ito pagkatapos ay nag tungo siya sa tabi ni Emmanuel. Ngunit agad din siya napatayo nang makarinig ng isang malalim na boses.
"Esther," tawag nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa makisig na binata na may katabing isa pang lalaki na may katandaan.
"Anak," malumanay na saad ni Señora Carmen.
Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. Nimuel? Lumapit ang Señora sa tinawag nitong anak. Yumakap ito pagkatapos ay bumaling ang kaniyang ina sa katabi nito. Baka ito si Señor Gajardo?
"Esther," mahinang tawag ni Emmanuel sa gilid niya. Tinuturo nito ang kaniyang kapatid at ama. Umayos naman siya nang tayo at lumapit sa mga ito. Lalo't na tumayo na rin si Dolores para lumapit.
Ngumiti siya kay Nimuel at Senor Gajardo na ama ni Esther. "Anak," bati sa kaniya ng Señor. Hinagkan siya nito pagkatapos ay kay Nimuel naman siya bumaling.
"Kumusta ang inyong biyahe pauwi, kuya Nimuel?"
Hinagkan siya nito pagkatapos ay si Dolores bago siya nito sinagot. "Maayos naman ang aming biyahe pauwi ni ama. Walang naging sagabal. Aking nabili rin ang iyong nais na sinulid."
Pilit na ngumiti siya rito. Sinulid? Hindi nga siya marunong mag tahi.
"Salamat, kuya. Mamaya ko na lamang titingnan ang iyong binili."
"Oh, siya na nga tayo'y magtungo sa hapagkainan," saad ni Señora Carmen. Pinauna niya mag lakad ang mga ito habang hinintay niya si Emmanuel para makasabay ito. Nginitian niya ito nang lumingon ito sa kaniya.
NASA hapagkainan sila. Katabi niya sa magkabilaan niya ang dalawa niyang kapatid na sina Dolores at Nimuel. Pinatitigan niya ang mga pagkain sa kaniyang harapan. Maraming mga Pilipino foods ang nakahain sa lamesa.
May ilan pa na ngayon niya lang nakita. Napansin niya rin na maraming gulay na sangkap. Tahimik siyang kumakain nang mag salita si Señor Gajardo.
"Kilala ang pamilya natin na magkalaban sa korte. Ngunit, ngilid sa kanilang kaalaman ay isang matalik na kaibigan ko si Señor Makandili." Huminto sa pagsalita ang kaniyang ama pagkatapos ay isa-isa silang tinitigan nito. "Ang rason ng pagsasalo na ito ay dahil may isang anunsyo kaming gustong ipahayag sa ating pamilya."
Bigla siya kinabahan sa sinabi ito. Mas tumutok ang atensyon niya rito. Kahit si Emmanuel ay napansin niyang nag seryoso rin.
"Ang aking anak na si Marisol Makandili ay aking pinagkakasundo na ikasal kay Ginoong Nimuel Gajardo," ani Senor Makandili.
Agad siyang lumingon sa kaniyang kuya Nimuel. Ikakasal ito? Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Kinabahan siya do'n, ah.
"Parang ika'y nabunutan ng tinik, anak," puna ni Senora Carmen. Ngumiti naman siya rito. Kung alam lang nito kung gaano siya kumalma sa kaniyang narinig.
"Ako'y masaya lamang para kay kuya Nimuel at sa magiging asawa nitong si ate Marisol," paliwanag niya. Ngumiti at mahinhin na tumawa ang mga ito sa kaniyang sinabi. Kahit siya ay pilit na tumawa sa mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro