Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Encounter 1

R E N

For a thousand times, I wiped
my tears streaming down my cheeks, sobing and silently hurting. Ang hirap pala talagang pilitin ang paghikbi para lang hindi makita at marinig ng iba. Ang hirap mag-panggap na okay lang ang lahat kahit alam ko sa sarili kong hindi naman talaga ako maayos.

Ang hirap magpanggap.

Sobrang sakit ng nakikita ko, Arturo's having an affair with Laila's bestfriend.
I thought they're strong but then Arturo chose to cheat with her loving girlfriend. Gusto kong magalit, gusto kong sampalin ng paulit ulit si Arturo para marealize nyang mali sya , para magising sya sa katotohanan.

I got back to my senses when Mendy handed me her floral style handkerchief.

"Punasan mo nga yang luha mo Ren Berroya, ang pangit mo pa naman kapag umiiyak" Bulong nito sa'kin sapat na marinig ko. Lihim akong umirap, kailangan ba talagang bigkasin ang buong pangalan ko?

Aba! Hoy exotic na kaya ang beauty ko!

"Wow ah, nagsalita ang beauty queen" sarkastiko kong saad sakanya at dahan dahang pinunas sa luha kong tuloy padin sa pagagos, hindi ako nakuntento at siningahan ko pa, hindi narin kasi ako makahinga dahil sa sipon eh.

"What the heck!" Biglang sigaw ni Medz na nagpatawa lan sa'kin.

"Shhhhhhhh!" Napatahimik nalang kaming dalawa dahil nakalimutan naming nasa sinehan parin pala kami at hindi pa tapos sa pinapanood.

Nagpeace sign nalang ako sakanila at binelatan si Mendy na inirapan ako at nagpatuloy na sa panood.

Mendy is one of my trusted friends, she's my college bestfriend at hanggang ngayon magkasama parin kami ng loka-loka.

 
In my twenty four years of existence, hindi parin natatapos ang luha ko sa tuwing nanonood ako ng drama.

In my twenty four years of my existence may mga tao paring hindi alam na nag-e-exist ako.

And I must say that in my twenty years of my existence,  I'm happily in a in love with my childhood and boyfriend Angelo.

Actually, malapit na ang second anniversary naming dalawa at hindi ako makapaghintay. I don't know but after all the years we've been through, I'm still inlove with him, and I know he feels the same too.

We're currently watching our favorite movie here at mall, showing na kasi at talagang inaabangan namin, kaya gora na talaga kami ng loka loka nang malaman palang namin.

"Bakit kaya hindi ko sya ma-contact?" Muli kong ni-dial ang number ni Angelo pero mukhang nakapatay ang phone nya.

"Oh, uminom ka muna, kanina ka pa d'yan dutdot-ng-dutdot sa phone mo". Rinig kong sabi ni Mendy, pagkalabas palang kasi namin sa sinehan ay tinatawagan ko na si Angelo, but his phone can't be reach.

But I'm not worried, I know he's not doing something that he might regret later or worse he can lose me. I trust him that much.

Ganun naman talaga diba? Kapag mahal mo ang isang tao dapat pinagkakatiwalaan natin.

Because love is not just love, we should respect and trust our partner. And that's why we've been dating for almost two years, we just don't love and respect each other, but we trust each other.

I surrendered and just put down my phone and started sipping my coffee.

Kahit ang kaibigan naming si Elise ay hindi rin sumasagot sa mga tawag namin.

Elise, Medz and I are bestfriends since college, they're like sisters to me.
And I really trust them just like how much I trust my boyfriend.

"Hmm. Ang sarap talaga pag libre" I giggled at Mendy.

"Oo nga eh no? Dapat next time ikaw naman ang manlibre" Saad nito sa'kin habang pinipicturan yung coffee nya.

"Tss. Alam mo namang mahirap makahanap ng magandang trabaho dito sa Pinas, lalo na kapag nurse" I said and sip my coffee, she just rolled her eyes as she sipped her coffee.

Matagal na kong sumusubok na maghanap ng trabaho, pero mukhang trabaho talaga ang lumalayo sa'kin.

alam ko naman sa sarili kong magaling ako pero ewan ko ba, hindi ako makahanap ng magandang trabaho.

"Duh. Edi mag-abroad ka! Ang daming gustong kumuha sayo sa ibang bansa. Ang sabihin mo ayaw mo lang talga!" Well. That's true, maraming hospital sa ibang bansa ang gusto akong kunin, pero sadyang ako lang talaga ang hindi interesado.

"Hind naman sa ayaw ko Medz, kaya lang syempre ayoko namang magkalayo kami ni Angelo, ayoko ng LDR. Alam mo namang ayaw din ni Angelo na magkahiwalay kami eh". Napairap na lamang si Mendy dahil sa sinabi ko at napabuga nalang ng hangin

"Edi lumabas din ang totoo, sya na naman ang reason mo! Alam mo kaya ayaw ko d'yan sa boyfriend mo simula noon pa!" Hindi na lang ako sumagot kay Medz, hindi ko alam pero talagang mainit ang ulo n'ya kay Angelo.

Kesyo babaero daw yung itsura palang ni Angelo, tsaka lolokohin lang daw ako. Tapos sinasabi nung iba na mas magka-close pa daw si Elise at si Angelo at parang merong daw 'sila'.

But I don't believe them, I love Angelo and I trust him. Alam kong hindi sya gagawa ng bagay na ikakasira naming dalawa.

"Ewan ko ba sayo, anong nagustuhan mo sa sira ulong 'yun, eh parang wala ngang pangarap sa buhay nya, tapos mahilig pa sa barkada. Tapos pati sa career mo, hadlang parin sya?" Saad pa n'ya. tila ba'y puputok na parang bulkan sa galit.

"Medz naman, kahit ganun yun mahal ko yun" Pagtatanggol ko. I heard her sighed as a sign of defeat.

"Bahala ka, basta ako hindi ako nagkulang ng paalala sayo" Napabungisngis ako dahil sa sinabi n'ya, kahit kailan talaga hindi n'ya ako pinabayaan.

When I remembered how Angelo and I ended up together, my cheeks turning into red. That's the most wonderful day of my life.

Well, as long as you remember we are a childhood bestfriend, but his family moved in Bulacan when we're still kids and I thought we're never going to see each other. I was hurt that time, that was the time when I'm going to tell Angelo that I have a crush on him and then suddenly they're leaving for good.

But fate played with us, when I was on college I met him again at the canteen, that's very unexpected, he still the same Angelo I met. Aside from the fact that he's more handsome and hotter now. 

And even we're not classmates, he still wait for me when his class ended. And until one day he admit his feelings for me so I agreed for him to court me, why not? I'm attracted at him and I know him well. And you know the rest is history.

"Ano? Okay ka lang?" Napa-ouch nalang ako dahil sa pagpitik ni Medz sa noo ko. Takte ang sakit nun ah!
"Lalim ng iniisip mo ah".

Kung saan saan pa kami nagpunta ni Medz pero sadyang hindi ako makapag-concentrate dahil hanggang ngayon si Angelo parin ang iniisip ko.

Baka busy lang talaga sya.

Pero may iba akong pakiramdam,

Mabilis ang tibok ng puso ko, hidi ko maintindihan kung bakit para bang hindi maganda ang kutob ko.

parang may mangyayaring hindi maganda.

"Teka nakapag-usap na ba kayo ni tito? Nasabi nya sa'kin na tumawag daw sakan'ya si Alex, marami daw magagandang trabahong nag-aantay sayos sa south korea ah?" Pag-iiba nito ng topic.  Umiling iling lang akong sakanya, alam naman nya ang dahilan kung bakit ayaw kong tanggapin eh. Sila lang talaga ang nagpipilit.

"Hindi pa eh. Pero tatawagan ko naman kaagad si ate Alexa kapag nagbago ang isip ko" Yun na lang ang sinabi ko para matigil na ang usapan na iyon.

Dali dali kong kinuha ang phone ng marinig kong mag-ring ito.

Si Jen. Katrabaho ko dati pero kahit umalis na ako sa company nila ay patuloy parin ang komunikasyon naming dalawa "hello?" Agad ko itong sinagot, maingay na paligid ang narinig ko.

"Oh my goodness Ren, you should be here!" Napakunot naman ako ng noo dahil sa biglaang sinabi ni Jen sa kabilang linya.

"Pumunta ka ngayon dito sa bar malapit sa company namin. You need to see something" Madiin ang pagkakasabi n'ya. Magtatanong pa sana ako sakan'ya pero agad na n'yang binaba ang tawag.

Kung kanina ay kinakabahan lang ako, ngayon ay hindi na talaga ako mapakali at parang kailangan kong malaman yung sinasabi ni Jen.

"Sino yun? May nangyari ba?" Napatingin ako kay Medz na ngayon ay patuloy parin sa pag-higop ng kan'yang milk tea.

"Let's go, may kailangan tayong puntahan" Walang buhay kong sabi dito at hinila na s'ya palabas ng mall.

Ngayon ko lang napansing madilim na pala sa labas at parang uulan pa dahil sa sobrang kulimlim ng kalangitan.

"Huy saan ba tayo pupunta?". Pangungulit ni Medz sa akin, nag-para muna ako ng taxi at sinabi yung address ng bar na sinabi sa akin ni Jen.

"Wait, why are we going to a Bar?" Ramdam ko ang inis sa tanong sa akin ni Medz. "Sige,wag mo talaga akong kausapin pagkatapos mo kong tangayin" Dagdag n'ya pa.

"Pinapapunta ako doon ni Jen, hindi ko alam kung bakit. ang sinabi lang n'ya may kailangan daw akong makita" Napatingin ito sa akin at alam ko katulad ko ay nagtataka din ito.

Hindi naman ugaling tumawag ni Jen para lang sa mga ganung bagay eh, maliban nalang kung talagang importante.

"Ano naman kaya iyo?" I sighed.

"Hindi ko din alam Medz, hindi ko alam" Kinuha ko ang phone ko at tinext si angelo at ininform s'yang pinapapunta ako ni jen sa bar.

Ayokong naglilihim kay angelo, as much as possible, I keep him always updated about me, what I am doing, where I am and who I was with.

Iyon din naman kasi ang gusto n'ya, gusto n'yang lahat ng kilos ko ay alam n'ya. And I understand him dahil boyfriend ko naman s'ya at walang masama.

I tried to call his number again but he's still out of coverage area.

Halos buong araw s'yang walang paramdam sa'kin.

Hindi ko mapigilang malungkot nang makita ko ang wallpaper ko na picture naming dalawa sa Boracay.

Naka-trunks lang s'ya dito kaya't kitang kita ang magandang hubog ng katawan n'ya. Naka-akbay s'ya at nakatingin sa akin.

Naka shorts lang ako nun at t-shirt, hindi ko kasi ugaling magpakita ng katawan ko sa harap ng mga tao, lalo na kay angelo.

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Manong Driver at sinabing nakarating na kami sa destinasyon namin.

Agad kaming bumaba ni Medz sa tapat ng bar, and out of nowhere, I felt a sudden cold inside my body. I exhaled then held Medz's hand before entering the bar.

Nginitian ko ang guard na tila ba'y nagulat nang makita ako at tumingin pa sa loob bago tuluyang tumingin ulit sa akin.

Alanganin itong ngumiti sa akin bago kami tuluyang pinapasok sa loob.

Hindi na mahirap na makapasok ako dito dahil kilala na rin ako dito dahil kay Jen, halos palagi n'ya akong sinasama dito kapag may blind date ang bruha, pero ayos lang naman dahil kasama noon si Angelo, kaya wala namang problema.

But don't get me wrong, kahit kelan ay hindi ako nagpa-halik sa labi kay Angelo, sinabi kong gusto kong ireserba iyon sa unang gabi ng kasal namin.

At nirespeto naman n'ya iyon, mas lalo ko s'yang minahal dahil naiintindihan at nirerespeto n'ya ako.

Pero ang pinagtataka ko lang ay para bang takot na takot kanina yung guard sa akin.

Pilit ko iyong iwinaglit sa aking isipan at nag-umpisang hanapin si Jen.

Maingay at magulo ang sumalubong sa amin pagkapasok pa lang namin sa bar.
Maraming nagsasayawan sa gitna,yung iba ay naghahalikan pa at halos maghubad na sa gitna. Duh. Get a room dudes!

Yung iba naman ay masayang nagkukwentuhan sa kani-kanilang upuan.

"Naiintriga ako sa kung anong sasabihin ni Jen, parang masyadong importante naman iyon" Ani Medz habang tinitignan ang lugar.

"Ako din Medz, sa tono ng boses n'ya kanina sobrang seryoso n'ya". Sabi ko dito. Nang makita ko si jen ay agad ko itong tinuro kay Medz at tumakbo papunta sakan'ya.

"Oh my goodness Ren!" Napatigil ako nang bigla n'ya akong salubungin ng isang mahigpit na yakap.

Akala ko'y matutuwa ito na makita ako pero tinignan ako nito na para bang... Naaawa s'ya sa'kin.

I don't know pero parang may alam s'yang hindi ko alam.

And that makes me more curious and nervous at the same time.

"I'm sorry Ren, pero pero nakita ko kasi yung gusto kong mahuli mo sila". Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito, hindi ko maintindihan.

Napatakip ito ng bibig at biglang yumakap ulit sa akin.

"What happened, ano ba yung gusto mong sabihin kay Ren?" Ngayon naman ay si Medz na ang nagtanong sakan'ya pero patuloy lang ito sa pag-iyak sa aking balikat.

Hindi na namin alintana ang tinginan ng ibang tao, wala na akong pake kung anong iniisip nila ang gusto ko lang malaman kung ano ba yung gustong sabihin ni Jen at kung bakit s'ya ngayon umiiyak.

Pilit ko itong iniharap sa akon at tinignan ko s'ya ng matiim. "Jen could you please tell us what's happening here? What's wrong!" She exhaled and wipe her tears away.

"I- I saw him, m-may kasama s'yang babae Ren!" Napakunot ang noo ko, sino ba ang tinutukoy n'ya.

"T-teka niloko ka ba ng boyfriend mo!" Sigaw ni Medz at umiling iling naman si Jen. Tumingin ito sa aking mga mata at para bang nangungusap.

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib at parang ayokong malaman yung sasabihin n'ya.

"Ren, nakita ko yung boyfriend mong may kasamang ibang babae" Para bang nanlambot ang aking mga paa dahil sa sinabi nito at napabitaw ako sa pagkakahawak ko kay Jen.

Umiling iling ako. Hindi, hindi yun totoo. Hindi totoo ang sinasabi n'ya.

Hindi pwede!

"Ren please believe me! Hindi ko naman magagawang magsinungaling sayo" I shook my head and look at her full of disbelief.

Alam kong hindi sa akin magagawa iyon ni Angelo, mahal ako ng boyfriend ko at nangako s'ya sa akin na hindi s'ya gagawa ng ikasisira naming dalawa.

"Then where is your proof?" Sandaling napatigil si Jen dahil sa tanong ko. Sabi ko na eh, mali lang ang sinasabi n'ya.

"Kung ganoon nasaan sila? Huh!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw dahil sa galit na nararamdam ko. Mas lalong naiyak si Jen dahil sa pag-sigaw ko sakan'ya.

"Ren huminahon ka nga!" Sumigaw na din si Medz.

"Ren please maniwala ka sa akin, nakita ko s'ya kaninang pumasok dito may akbay akbay na babae. Kahit itanong mo pa sa guard alam kong nakita n'ya rin iyon." Napatigil ako sa sinabi n'ya.

Kaya ba parang gulat na gulat yung Guard nung makita ako?

Kaya ba parang takot na takot ang itsura n'ya?

Pilit ko iyong winaglit sa isip ko, baka nagkataon lang na nagulat yung guard na makita ako.

"Hindi ako maniniwala sayo Jen"

"Ren na-" hindi ko na s'ya pinatapos sa pag sasalita.

Naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid ng aking mata, hindi ko alam na dahil lang kay angelo ay mag-aaway kami ng ganto.

"Alam kong gusto n'yo lang kaming sirain, dahil ayaw n'yo sakan'ya, kung sa tingin n'yo ay masisira n'yo kami, p'wes nagkakamali kayo" Pinahid ko ang luha kong tuluyan nang umagos sa aking mukha, umalis ako sa harap nila at napag desiyunang pumunta sa cr para ayusin ang sarili ko.

Pilit kong pinapahid ang mga luha ko habang naglalakad dahil nag-bi-blurred na ang aking paningin.

Hindi ko akalaing magagawa iyon ni Jen.

Ayokong maniwala sakan'ya hangga't wala s'yang napapakitang pruweba sa akin.

Napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto ng cr, na palatandaan na walang tao.

Maliit na cr lang naman ito at isang tao lang ang pwede, medyo lumaki lang ito dahil sa salamin at mahabang lababo nito.

Kinuha ko muna sa aking bag yung tissue ko bago pumasok pero napasama pala sa paghila ko ng tissue ang phone ko dahilan para malaglag ito.

Napatingin ako sa wallpaper ko, kung saan kaming dalawa ni Angelo ang nasa litrato.

Inilagay ko na ito sa aking bag at dahan dahang pumasok sa loob ng cr.

Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ay narinig ko na ang pag-ungol ng isang babaeng kilalang kilala ko ang boses.

But I can't believe what I heard next.

"Angelo"

Dahan dahan akong lumingon sa taong nasa loob pala ng cr. my heart broke into pieces.

Hindi ko alam na pagsisisihan ko pala ang ginawa ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro