Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

"That's a wrap, everyone! Good job!" sigaw ng EIC namin.

Most of them cheered in joy even though they were tired. Isa-isa nang hinakot ng iba pang mga staff ang equipment namin. May isa namang lumapit kay Ivo para bigyan siya ng towel habang ang iba ay tumulong sa pagliligpit.

"Primitivo!" sinalubong ng EIC namin si Ivo nang makaahon na siya sa dagat at binigyan ng malawak na ngiti. "I couldn't thank you enough for joining us. We're going to have a simple dinner. Care to join us?"

Ivo's eyes flicked over to me while he's wiping his face with the towel. I gave him a discreet nod. Kaagad akong nag-iwas ng tingin dahil baka mahalata pa kami ng iba.

"Sure, sounds nice."

"Great! May inihanda na akong damit para sa iyo. Si Darling na ang bahala..."

"Tara po, Sir..." kinikilig na tumawa ang isa sa mga makeup artists namin. If she didn't speak earlier, I wouldn't know that she's a trans. Siya ata ang pinakamaganda sa amin!

Ivo gave me a worried look. Tinawanan ko lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Darling is sweet and harmless. Ituturo lang naman siguro kung nasaan ang mga damit niya.

Pagkatapos kong tumulong sa paghahakot ng gamit sa van, sumama na din ako sa kanila sa dining hall. They were noisy and excited about the photoshoot. Already our EIC is swiping through the photos for a potential cover. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ivo nang lumabas na siya galing sa isa sa mga kwarto, suot ang isang hawaii'an hibiscus button-down at itim na shorts.

Sa pagkakataong ito, kaagad na tumabi sa akin si Ivo. Our EIC grinned upon seeing us but said nothing. He glanced at me. Napailing nalang ako. Parang bata talaga.

"Uuwi ka pa?" bulong ko sa kaniya habang may ibang pinag-uusapan sa lamesa namin.

He shook his head. "Hindi na kaya. Half-day nalang siguro ako bukas."

Tumango din ako. "Dito ka magpapalipas ng gabi?"

"Uh... sa bahay sana."

"Namin?" tinaasan ko siya ng kilay. Wala nga akong balak matulog dun ngayong gabi tapos gusto niya, dun siya!

Nginisihan lang ako ni Ivo. "Nasa akin pa rin naman ang susi, eh. Dun nalang, para tipid."

I grunted under my breath. I was planning to book a nice hotel near the beach so I could enjoy the rest of the night. Pero may ibang plano ata si Ivo. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya sa bahay eh andami naman nilang resort dito na pwede niyang tuluyan.

"Bye, Ma'am!" masiglang kinawayan ako ni Kaye. I already told them that I'm going to stay in the city. Hindi na ako sasabay sa kanila pabalik sa Pangasinan.

Kinawayan ko din siya at naghintay na maubos ang staff bago ako naglakad patungo sa sasakyan ni Ivo. He was patiently waiting inside the car. Nginitian niya ako at pinaandar ang kotse patungo sa bahay namin.

Madilim ang buong paligid pagkarating namin. Ginamit kong flashlight ang cellphone ko habang binubuksan ni Ivo ang gate. Pinauna niya ako sa loob at ini-lock pa ang gate bago sumunod sa akin. I opened the front door using my own set of keys. Mabilis kong in-on ang ilaw dahil baka matumba pa kami dito sa sobrang dilim.

Mukhang kakagaling lang ata ni Tita Belinda dito dahil malinis naman tingnan ang bahay. Pagod kong binaba ang bag sa lamesa at nagtungo sa kwarto. Halos wala ng gamit dito bukod sa iilang damit na iniwan ko talaga para may susuotin ako sakaling magpunta ako rito.

Nilingon ko si Ivo. He's already making himself feel at home while removing his shoes one by one. Itinabi niya ito at binalingan ako. He gave me a small smile.

"Gustong-gusto mo 'tong bahay, ah? Bakit hindi nalang ikaw ang bumili? Hindi pa ako nakakahanap ng buyer..." biro ko sa kaniya habang namimili ng susuotin ko.

"Talaga? Pwede kong bilhin?"

Nagulat ako nang marinig ang boses niya sa likuran ko. Paglingon ko, naroon na nga talaga siya. He had a hopeful look on his face like a puppy. I rolled my eyes.

"Hindi pwede, Ivo."

"Bakit?" hinarang niya ang isang kamay sa pintuan at seryoso akong tinitigan.

"Anong gagawin mo dito sa bahay?"

"Gagawin kong rest house." He grinned.

"Huwag na. Ibebenta ko talaga 'to." I said in a firm voice.

Ivo's smile wilted when he saw the determination in my eyes. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa pintuan.

"Ganun ba talaga kasakit?"

Nag-iwas ako ng tingin dahil biglang nag-iba ang tono ng boses niya. Humigpit ang hawak ko sa mga damit at dahan-dahang tumango.

"Naiintindihan ko." He said silently.

Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti at nilagpasan saka nagtungo sa CR. Nag-half bath lang ako dahil pagod naman ang katawan. I changed into my pajamas and stepped out. Wala si Ivo sa sala kaya dumiretso ako sa kwarto ko. Nakita ko siyang prenteng nakahiga sa kama at may binubuklat na kung ano.

"Ivo!" napatili ako nang makitang photo album pala ang binubuklat niya! Iyon yung album na puro childhood photos ko ang laman. Mukhang nakalimutan ko atang dalhin pabalik sa apartment ko sa Pangasinan.

Mabilis na itinaas ni Ivo ang album at nginisihan ako.

"Bakit?"

"Akin na yan!" I bared my teeth at him, frustrated.

"Nakita na kita nung bata ka! Anong pinagkaiba nito?"

"Nakakahiya! Ang pangit ko!" Singhal ko sa kaniya.

Ivo stared at me, confused. "Kailan ka ba naging pangit? Ewan ko sa 'yo, Raya." Umiling-iling pa siya.

"Isa, Primitivo." Nameywang ako at sinamaan siya ng tingin. Kaagad naman niyang binalik sa akin ang album.

"Damot-damot..." narinig kong bulong pa niya.

Pinigilan kong hampasin siya sa braso dahil asal-bata na talaga kami kung ganun. Hindi ko alam kung bakit nahihiya pa ako sa mga pictures ko na yun. Kung ibang tao ang nakakita, katulad ni Lulu o Celeste, o kahit si Karlo pa, hindi siguro ako mahihiya.

Pero iba si Ivo...

Kalalapag ko lang ng album sa lamesa nang maramdaman ko ang marahang paghila ni Ivo sa akin patungo sa kama. Gulat akong napalingon sa kaniya.

"Hindi ka pangit..." bulong niya. "Ang ganda-ganda mo, Raya."

My cheeks burned in embarrassment. I thought I should be able to compose myself now that I'm nearing thirty, but here I am with my heart exploding in my chest! Para na akong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko.

Ivo's hand went to the arc of my back and my entire body shivered. Napatingin ako sa kaniya. His eyes mirrored the desire in mine. I strained against him and heard a grunt escape from his throat.

"Ivo..." my own voice surprised me as it came out as a seductive whisper.

I heard him groan again. "Raya, please..."

Matagal ko siyang tinitigan. He was fighting against himself. His fist curled in my shirtfront as his breaths came raspy and short. Marahan niyang isinandal ang ulo sa balikat ko.

"I can't do this to you... you're too pure." He said painfully and looked up. My body shivered once more with the desire. Marahang hinalikan ni Ivo ang mga labi ko. It was a soft, gentle kiss. A reminder of his unspoken vow. "Not until we're married, okay?" the last words came as a whisper.

I nodded slowly. It took me some time to compose and remove myself on top of him. Kaagad akong niyakap ni Ivo patabi sa kaniya. I closed my eyes, trying to steady my breath. Saka pa ako dinatnan ng hiya. Ipinikit ko ang mga mata at sinipa-sipa siya.

"Ikaw kasi eh!"

His chest vibrated with a chuckle. "Kasalanan ko pa? Ako nga yung lugi dito, eh."

My eyes widened when I saw what he was referring to. Sasabog na ata ang mukha ko sa sobrang hiya. Hinampas-hampas ko ang dibdib ni Ivo. Why does it look so... terrifying?

"Agh! Primitivo!"

He was just laughing while shielding himself from the pillow I'm throwing at him. Nahuli niya ang isa kong kamay at hinila ako palapit sa kaniya. He pressed a kiss on my lips to shut me up. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Matulog na tayo. Huwag kang tukso, Raya. Hindi pa ako ready sa mga mature roles."

Kinurot ko ang tagiliran niya at nahiga sa tabi niya. Ivo chuckled once more before turning off the lights. Mahigpit siyang nakayakap sa akin kaya rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Kinakabahan ka?"

"Hindi. Natural reaction lang yan kapag katabi mo ang babaeng mahal mo sa kama." Kaswal niyang sagot sa akin.

I bit my lower lip. Perhaps I would never find another man who can express their feelings as simply as Ivo. Most men hide behind a heart of steel. Some will build a wall so high and expect women to break through it with their frail hands. Ivo was none of them.

"Salamat..." bulong ko. "Dahil ako ang babaeng napili mong mahalin."

Ivo let out a weak chuckle. "You're stuck with me, Sereia. I have no plans of letting you go..."

Mas isiniksik ko ang sarili sa kaniya. I can't believe I survived all those years without feeling his warmth. It feels like home.

Nakatulog kaming dalawa sa ganung posisyon kaya pagkagising ko kinabukasan, sobrang sakit ng leeg ko. Ivo must've had it worse because I used his arm as a pillow the entire night. Wala naman akong narinig na reklamo sa kaniya kaya itinikom ko nalang ang bibig ko habang pinapakiramdaman ang leeg ko.

He's half-awake, I think. His hands are unconsciously looking for mine and I chuckled. Tuluyan na niyang binuksan ang mga mata at hinila ako pabalik sa kama.

"Ayokong bumangon..." bulong niya sa akin.

Natawa ako habang nakaipit ang mukha ko sa dibdib niya. "May trabaho ka pa."

He grunted, pulling me even closer.

"Ayoko na, ipapasara ko nalang ang kompanya. Dito nalang ako."

Natawa ako lalo sa mga pinagsasabi niya. Dahan-dahan kong inalis ang sarili sa kaniya at nginitian siya.

"Get some more sleep. I'll cook breakfast."

He nodded while I slipped away from the bed. Nagsisi kaagad ako kung ba't pa ako nag-volunteer gayong wala naman palang maluluto dito sa bahay. Nag-ayos nalang ako ng sarili at lumabas para bumili ng pandesal at nescafe stick. Sinamahan ko na din ng itlog para ipalaman namin sa tinapay saka naglakad pauwi.

"Raya? Ikaw ba yan?"

Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Aling Susan at tuluyang lumapit sa akin. Matagal na namin siyang kapitbahay at kaibigan din ni Mama noon.

"Ang tagal mong nawala!" I could hear the pain and joy in her voice as she took in my appearance. "Nakabalik na ba kayo? Ang mama mo?"

I gave her a sad smile. "Hindi po. Nasa Amerika si Mama at mga kapatid ko. Babalik din po ako kasi ibebenta na ang bahay."

Her shoulders fell. Napatingin siya sa bahay namin.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Fidel."

I chewed my bottom lip, getting sad all over again at the mere mention of my father.

"Hindi naman sa nanghihimasok ako, Raya, pero may mga pagkakataon kasi na humihingi ng tulong sa akin si Fidel. Inaabutan ko naman siya kahit papaano. Hindi niyo ba siya kinokontak habang nasa Amerika kayo?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Po? Buwan-buwan po kaming nagpapadala kay Papa."

"Oo nga, huminto na siya sa pagta-taxi, diba? Nagtataka din ako, eh. Wala namang bisyo ang tatay mo, at impossibleng nagsusugal yun."

"Magkano po ba ang utang ni Papa? Babayaran ko po."

"Raya, wala yun!" she sighed loudly. "Mabait na tao si Fidel at kaibigan ko siya. Tulong ko yun sa kaniya."

Gulong-gulo ako dahil hindi naman kami nagkulang sa pagpapadala ng pera kay Papa noon. Dumoble pa nga yun para sa maintenance niya. Pero simula nung isinugod siya sa ospital at humina ang katawan niya, si Tita Belinda na ang tumatanggap ng pera at bumibili ng gamot. Nagpapakita naman siya ng resibo sa amin kahit na hindi namin sabihin kaya kampante kami...

"Lahat kami dito nalungkot nung malaman namin ang nangyari sa tatay mo." Binitawan na niya ang braso ko at nginitian ako. "Nakakalungkot din na ibebenta na pala ang bahay niyo."

I couldn't answer her. Nagpaalam na siya sa akin nang makitang tuluyang nagbago ang mood ko. Tulala akong bumalik sa bahay habang dala-dala pa rin ang binili kong pandesal. Naabutan ko pa si Ivo na naghihintay sa akin sa balcon.

"Susunduin na sana kita, baka binili mo na ang buong bakery, eh." Biro pa niya pero kaagad na nawala ang ngiti sa mukha niya nang makita ako. "Raya, ayos ka lang?"

I nodded silently. Inilapag ko ang binili sa lamesa at nanghihinang naupo sa balcon. I couldn't imagine my father, all alone, asking for a neighbor's help for his food and daily needs. Parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko.

"Diba pinupuntahan mo si Papa dito noon?" tanong ko kay Ivo.

Seryoso siyang nakatingin sa akin at tumango. "Oo, tuwing day-off ko, kung wala ako sa dagat, narito ako sa bahay niyo."

"May sinabi ba siya?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tungkol sa pera? Sa mga gamot niya?"

Ivo scratched his jaw, thinking. "Wala naman. Umiinom naman ata ng gamot ang Papa mo, nakikita ko kasi yung mga bote. Minsan ako pa ang naghahanda ng mga gamot niya."

My shoulders dropped. I can't believe those thoughts invaded my mind!

"Hindi ko alam kung gusto mo 'tong marinig, pero ilang buwan bago siya atakihin, napansin kong huminto na rin siya sa pag-inom ng gamot. Halos pilitin ko na nga siyang kumain eh, dahil palaging walang gana."

Napasapo ako sa ulo. Hindi ko maintindihan!

"I hope you're not blaming yourself for what happened to him, Raya. He fought to the very end. He wanted to see his children and grandson again. Ayokong isipin mo na sinukuan kayo ng Tatay mo dahil ni minsan, hindi niya ginawa yun. Kayo lang ang palaging bukambibig niya sa tuwing nagpupunta ako dito. Wala siyang ibang hinahanap kundi kayo lang ng mga kapatid mo..."

My lips trembled. Hindi ko napigilan ang sariling maiyak sa sinabi ni Ivo. Niyakap niya naman ako at inalo.

"Gusto mo ba siyang bisitahin? Alam kong miss na miss ka na niya..."

Nodding, I let my tears stream down my face. Bakit ang sakit-sakit pa rin? Hindi na ba ako makakaahon sa sakit na 'to? Kahit ilang beses pa akong umiyak, hindi pa rin nababawasan ang bigat ng loob kong sampung taon ko nang dinadala.

Si Ivo na ang nag-asikaso ng agahan namin. Pinilit kong lagyan ng laman ang tiyan ko kahit konti lang. Naligo na din ako at nagbihis. Ivo waited for me outside and drove me to the cemetery. Huminto siya sa labas at itinuro ang nagtitinda ng mga bulaklak at mga kandila.

"Para kay Tito..."

I nodded and stepped outside. The old woman manning the flowers squinted her eyes at the sun but then she smiled when she saw the man walking behind me.

"Primitivo!" tuwang-tuwa niyang bati.

"Lola Terry," bati din ni Ivo at nagmano sa matanda. Itinuro niya ako. "Anak po ni Tito Fidel. Girlfriend ko."

Napatingin sa akin ang matandang babae. She smiled at me. "Buti naman nakapunta ka na rin sa wakas." Kinuha niya yung pinakamalaking pot ng bulaklak at ibinigay sa akin. "Presko pa ang mga yan, kakaayos ko lang. Matutuwa ang tatay mo n'yan."

"Uh..." I struggled to get my wallet in my bag but she stopped me.

"Libre ko na yan sa 'yo..."

Napatingin ako kay Ivo. He gave me an encouraging nod. Binalingan ko ulit ang matanda at tumango.

"Salamat po..."

Bumalik ulit si Ivo sa sasakyan niya para i-park ito nang maayos. Sabay na kaming naglakad papasok sa sementeryo. We were both silent while we walked past the tombs until we reached my father.

Mukhang kakalinis lang din dahil sobrang ikli pa ng mga damo at wala ring kung anong dumi sa lapida. I placed the flowers gently and stared at the cursive letters of his name.

Fidel Sinas Montanez Sr.

My fingers traced the curves of his name as gently as I could, trying desperately to dig even a lingering warmth from him.

"Tito, nandito na naman ako..." narinig ko si Ivo sa likuran ko. "Alam kong sawa ka na sa mukha ko, kaya dinala ko ang anak mo..."

Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin at siniko.

"Hello po, Papa... long time no see." I stared at his tomb.

"Diba sabi ko sa inyo noon, majo-jowa ko rin ang anak niyo? Ayaw niyong maniwala sa akin, eh." sabat naman ni Ivo sa tabi ko. "Mission accomplished po, Tito."

Nilingon ko si Ivo at sinamaan ulit ng tingin. Umuurong ang luha ko, eh! He grinned at me and cupped my cheeks.

"Gusto ko lang pagaanin ang loob mo..." he said in a whisper. Tumango ako habang dahan-dahang tumatayo si Ivo. "Mag-usap kayo nang mabuti, ah? Bibisitahin ko lang ang mga tropa ko dito..."

I let out a strangled chuckle while Ivo walked away, hands in his pocket. Humigit ako ng malalim na buntong-hininga. Ang bigat-bigat ng loob ko kanina sa kotse at pakiramdam ko, hindi na talaga ako makakaharap kay Papa. Ivo must've been joking but he really helped easing my nerves. Mas kalmado na ako ngayong humarap sa kaniya.

"Papa... nandito na ako." I whispered on his grave.

The wind blew. I nearly cried again because I thought it was my father hugging me.

"Sorry, natagalan ako. Traffic po sa Amerika, eh." I said between sobs. "Kumusta po kayo? Ang laki na po ng apo niyo, ang tangkad pa! Papa, may magandang trabaho na po ako. Nairaos ko naman ang NYU kahit papaano. Tapos..." I glanced around to look for Ivo. Hindi ko na siya makita. Mukhang binalikan niya ata ang matandang nagtitinda ng bulaklak sa labas.

"Kami na po ni Ivo..."

Hinawakan ko ang puntod ni Papa. The stone felt cold and rough under my skin. Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Ang swerte ko po sa kaniya, Papa. Noong bata pa ako, gusto ko talagang makahanap ng lalaking katulad mo... tapos higit pa ang dumating sa akin."

Slowly, the chains surrounding my heart started to fall. Hindi ko na matandaan ang dahilan sa maraming taong pag-iwas ko sa himlayan ni Papa. Dahil sa sakit? Sa guilt? Sa galit? It didn't matter now that I'm here, talking to him about my life.

"Alam kong gusto mo ring malaman kung kumusta na si Mama ngayon... masaya naman po siya. Mabait po si Rick, at itinuturing niya kaming mga anak niya. Si Sonny naman, gumaganda na rin ang career niya sa basketball. Si Selena, flight attendant na. Alam niyo naman po yun dahil taon-taon kang binibisita ng dalawa..."

I stayed there for a while, talking to my father as if he were really there, listening to me. Perhaps he was there. I could feel his soothing presence while I talked softly under my breath and finally, I rested next to his grave.

Sana niyakap ko siya nang mahigpit noong huling Paskong magkasama kami. Siguro kahit yun lang... then I would have no regrets. Isa 'to sa mga bagay na pinagsisisihan ko.

"Raya..."

I fluttered my eyes open. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa damo. Mabilis akong tumayo at kinamot ang tagiliran ko. Natawa si Ivo at tinulungan pa akong kuhanin ang mga damong dumikit sa buhok ko.

"Sarap ng tulog mo, ah? Kulang nalang mag-banig ka dito..."

Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang si Ivo at hinalikan ako sa pisngi pagkatapos linisin ang buhok ko. He held my hand and glanced at the tomb.

"Tito, una na po kami... bibisita po kami ulit."

I glanced longingly at his tomb, and I felt peace in my heart.

"Balik po ako, Pa..." ani ko at sumunod kay Ivo palabas ng sementeryo.

Saka pa ako nakaramdam ng gutom habang bumabiyahe kami ni Ivo. Naghanap kami ng karenderya sa daan para mananghalian. I already called the office and told them I'll be working from home today again. Wala namang ibang gagawin kundi i-check ang layout. Bukas, magm-meeting kami para sa cover ng magazine. In a few weeks, it will be sent to the printing house and publication will begin. My heart thumped in excitement.

"Ate, pwedeng pahinging sili?" tawag ni Ivo sa isa sa mga nagbabantay sa kainan. Tumango naman ito at umalis. Si Ivo naman, pinipiga ang kalamansi sa toyo niya.

"Akin na..." he gestured to my saucer. Ibinigay ko sa kaniya at pinanuod siyang hiwain at pigain ang kalamansi para sa akin. 

Pagkatapos naming kumain, nag-drive ulit si Ivo at huminto sa Pangasinan. Nilingon ko siya.

"Salamat sa paghatid. Iu-update kita kapag may copy na kami ng magazine, ipapadala ko sa iyo."

"Kukunin ko nalang dito,"

"Huh?" kumunot ang noo ko habang tinatanggal ang seatbelt. "Bakit pa? May LBC naman."

"Para may rason akong makita ka..."

I chuckled at his response. Nang tuluyan ko nang matanggal ang seatbelt, nilingon ko siya. He looks like a puppy right now. I am tempted to just drag him inside my apartment and never let him go. Bakit ang layo kasi ng pinagtatrabahuan niya?

"Pwede mo naman akong makita anytime... girlfriend mo ako."

Ivo planted a kiss on my forehead. "Okay, boss. Copy."

"Sira!" kinurot ko siya sa tagiliran bago ako lumabas ng kotse. I waved goodbye to him and went upstairs. Pagkapasok ko pa lang sa unit ko saka umalis si Ivo.

Exhausted, I plopped into my bed and a soft smile touched my lips while I recalled the last two days.

"Birthday ng kambal bukas! Makakapunta ka ba?" tanong sa akin ni Celeste habang magka-videocall kami.

"Oo naman. Sa Elyu ba?" kumunot ang noo ko nang makitang may ginagawa pala si Celeste. When she moved, I saw her patient lying in the dentist chair. Nakabukas pa ang bunganga nito at may liwanag na nakatapat. "Nag-v-VC ka ba sa trabaho, Cel?"

"Wala pa naman ang dentist!" aniya at tumawa. Tinapik-tapik pa niya ang pasyente. "Ayos lang diba?"

Dahil hindi ito makapagsalita, nag-thumbs up lang ito sa akin kaya mas lalo akong natawa. Celeste turned to me.

"Makikilala mo na rin sa wakas ang asawa ni Yari."

Napanguso ako. Right. I have yet to meet her husband. Nakikita ko lang kasi siya sa mga pictures nila noon. Ang alam ko lang, Chinese din ito kagaya nila. Sinasama pala minsan ni Yari ang asawa niya sa galaan.

Pagkatapos naming mag-usap, naghanda na ako para sa opisina. We have a meeting this morning for the issue's cover. Pagkarating ko sa conference room, may slideshow presentation na ng mga pictures ni Ivo dun sa dagat.

I occupied the chair next to the EIC when she motioned me to come. Nagtitilian ang staff habang nagn-next sila ng mga pictures ni Ivo. I suddenly want to shut it down and keep the pictures all to myself. Nakasimangot na tuloy ako lalo na nang i-zoom nila sa abs niya sa isang picture.

"Okay, that's enough." Our EIC said in her serious voice. "We're looking for a good cover photo, not his abs."

"Oo nga." hindi ko mapigilan ang sariling sumabat. "Why don't we just short-list the pictures and vote for it?"

"That's a good idea. Kaye, you led."

Akala ko mabilis na matatapos ang meeting pero hindi naman ganun ang nangyari. All of the pictures were good, and they all wanted it to be the cover. Nahirapan pa sila kung alin sa mga picture ni Ivo ang gagawing cover sa magazine.

"Ma'am, pwede po bang manghingi ng softcopy ng pictures?" tanong ng lifestyle editor namin pagkatapos ng meeting.

Kumunot ang noo ko. "Anong gagawin mo dun?"

She giggled like a teenager. "Gagawin ko lang wallpaper. Pampa-inspire."

I rolled my eyes. "Forget it. We're not going to invade his privacy like that."

"Hindi naman niya malalaman, Ma'am, eh! Tsaka, kung totoong may girlfriend man siya, hindi niya rin malalaman..."

I shot her an icy look. "Oh? Paano mo nasabi? Eh kausap mo ang girlfriend niya ngayon?"

-

#HanmariamDWTWChap39

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro