Chapter 8. They Are Too Loud
Klairey
-
One thing that you should expect after a night out is a whole bunch of stories of what had happened at that very moment.
'Yong tipo na, naroon naman kayong lahat pero kailangan ay pag-usapan pa rin kung ano ang mga nangyari nang gabi ring iyon. For what? For the sake of topic?
Hindi ako halos nakikisali sa kanila dahil wala naman akong nais na i-share. Isa pa, gusto kong iwasan na sa akin mapunta ang topic. That crying moment is totally embarrassing!
Mabuti na lang at walang pasok kinabukasan kasi mukha pa ring maga ang mga mata ko noon. Na-realize ko lang din nang nakaalis na si Yulian. Dali-dali akong pumasok sa kwarto para i-check ang mukha ko at confirmed nga! Nakakahiya!
Habang nagtatawanan sila ay hindi ko maiwasan na mapangiti rin. Naalala ko kung paano sumayaw ng todo si Kuya Dong na akala mo ay si Jhong Hilario siya. Doon talaga ako sobrang natatawa, eh. Ang laswa kasi tingnan!
Nang mapadako ang tingin ko kay Renzo ay sa akin ito nakatingin habang nakangiti rin. Bigla ko namang tinanggal ang ngiti ko at tinaasan ko ito ng kilay. Iniwas nito ang tingin bago inayos ang salamin niya. I remember how he looked good without that stupid glasses he's wearing that night and it made cringe for a moment. What was I thinking?
Nang bandang lunch time na ay magkasama kaming pumunta ni Hazel sa school canteen. Mabuti na lamang at kaunti lang ang mga estudyante na naroon.
"Ate, dapat kasi bumaba ka no'n. Na-meet mo sana si Koya na nagpaiyak sa 'yo," Hazel said while picking up her food.
"No, thanks. Baka nasapak ko pa siya for making me cry. At pwede ba? 'Wag mo na ngang i-bring up 'yong topic!" Naupo kami sa bandang gilid na malayo sa ibang naroon.
"He's good looking, Ate. Though I doubt if he's single. A friend warned me before na 'wag akong magmahal ng nagbabanda. Madami raw kasing babae ang mga ganyan."
"Hey, little girl! 'Wag mo namang lahatin. Hindi naman ganyan 'yong ex ko dati," sabat ni Crish na kararating lang at may dalang tray. She took the sit beside Hazel as if we invited her to join us.
"Eh, bakit kayo nag-break?"
I looked at Crish, too, while waiting for her answer. Mukha pa itong nag-isip ng kaunti bago sumagot.
"He had a fling. Oo, tama ka. Dapat hindi ka magmahal ng nagbabanda. Oh, ikaw, Klairey. Alam mo na, ha?"
Eh? Ba't ako na naman? May split personality ba itong si Crish at napakabilis lang magbago ng iniisip?
"Kung makapag-judge kayo ng mga nagbabanda, ha? Baka naman nataon lang na playboy 'yong mga nakilala ninyo o ng mga kaibigan n'yo para magsabi ng ganoon. At isa pa, Crisha, wala pa akong plano sa mga ganyan," asik ko naman.
"Whoah! Hinay lang, besh. Ang defensive mo naman masyadow. Oo na, oo na. Si Jasper Yu ko nga, nagbabanda 'yon at dating playboy pero ngayon, stick to one na siya, eh," Crish said. Eh?
"Who's Jasper Yu, Ate Crish?"
"Haluh?! Hindi ninyo kilala si Jasper? Oh my gosh! Saang planeta kayo nanggaling?"
Ugh? Hindi ko rin siya kilala. OA nitong Crisha na ito!
"Ah!" She motioned her hands like she just finally found the answer. "Ikaw, busy ka masyado sa pag-aaral," sabi nito kay Hazel at napadako naman ang turo sa akin, "at ikaw naman, wala kang social life kaya hindi ninyo siya kilala. Anyways, I won't tell you. Baka ma-inlove pa kayo sa kanya at agawan n'yo pa ako."
Inirapan niya kami at kumain na lang. Nagkatinginan naman kami ni Haze at nagkibit-balikat. Crisha is pretty weird sometimes. She talks as if she's living in a different world. Marami itong kine-claim na "asawa" but she's not married to anyone.
"Haze, remember 'yong bokalista sa Starry Night?" Napatingin si Hazel sa akin bago awkward na sumagot kay Crish. Ugh! Again! Kasasabi ko lang na huwag na i-bring up, eh. Pero mukha namang may ibang gustong sabihin si Crisha dahil wala itong makabuluhang tingin sa akin.
"Oo, Ate."
"I heard, that's his last day at work that night. We're so lucky na that night din ay nakapunta tayo. I also heard na kaka-break niya lang sa jowa niya. Sayang talaga, dapat nagpakilala na ako kaagad."
Tss! This girl is really something. 'Yong totoo? Kapag type mo ba talaga ang isang lalaki at nalaman mong kaka-break lang nila ng girlfriend niya, ganito ka talaga kasaya? Habang ang iba, eh, nagdurusa? Crish seems to like the idea of that guy having a broken heart.
"You're a bad influence, Crisha. Go away!" I told her.
"Ikaw naman, Klai. Parang hindi mo naman ako kilala. Hahahaha! Syempre, masaya talaga ako at break na sila! Hahahalamporeberhahaha!" Her laughter filled the whole canteen and I felt like I wanted to shrink at the moment. Napalingon kasi sa amin ang ilang staff maging ang mga estudyante. Gusto ko na talagang lumipat ng mauupuan basta malayo lang ako kay Crisha.
"Ate Crish," Binigyan ito ng tingin ni Hazel na ang ibig sabihin ay "makuha ka sa tingin".
Napahawak naman ito sa bibig bago nag-umpisang kumain. Bubuntong-hininga sana ako kaso nasa harapan kami ng pagkain. Malas daw iyon.
We ate in silence for just a couple of minutes at dahil sa tingin ko ay lalagnatin si Crisha kapag hindi ito nagsalita, binasag nito ang katahimikan.
"So what do you think of Renzo? Napansin ko, close kayo nang gabing iyon, ah?" she asked randomly.
Paano nga ba kami naging close ni Renzo na as in literal na close kasi nga magkatabi kami? Hindi ba dahil parang nasa ibang mundo itong dalawang babaeng ito na nasa harapan ko dahil kilig na kilig sa banda sa ibaba? Nag-give way lang 'yong tao para naman mag-enjoy silang dalawa, 'di ba?!
Though I literally know what Crisha was talking about, I asked her: "What about him?"
"Oh, come on, mamon! Sabay kayong nakapasok dito decades ago pero ni hindi ko man lang kayo nakitang nag-uusap ng matagal maliban na lang noong Friday night." Crish's tone was telling me that she is so pissed on the idea.
"Nag-uusap naman kami, ah? Mayroon kaming direct reports na kailangan i-submit kay—"
"Hindi kasi 'yan! I mean, kaunting get to know until you know? Argh! For real, Klai? Do you even gets me?! Did you gets me? Ah, basta! Nakuha mo ba ang gusto kong sabihin?"
Natawa ako nang bahagya kay Crisha. Nakakatuwa na napipikon na siya agad kaka-explain sa akin ng bagay na alam ko naman ang ibig sabihin. I just want to piss her, too. She's annoying me by asking about Renzo.
Tinuloy ko lang ang pagkain ko na parang walang narinig. Nang hindi pa rin ako sumasagot ay binalingan nito ang katabi.
"Resbakan mo naman ako, Haze! Ang tahimik mo riyan. Ilakad natin 'yong manok kong si Renz kay Klai,"
Napalingon si Hazel kay Crish at hinawakan nito ang braso. "Ate, I'm so sorry. May iba kasi akong manok, eh."
Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Naalala ko na mabilis nga palang naiimpluwensyahan ang mga bata dahil sa gawa ng mga nakatatanda at si Crisha ay hindi magandang halimbawa.
"At sino naman, aber?"
"Si Kuya Yulian!"
"Hey, little girl! Akin lang si Yulian, okay?"
"Eh, Ate Crish. Hindi ka gusto ni Kuya Yulian. Promise!"
"Aba?! Ano'ng basehan mo?"
"Umm? Basta," she said while she smiles dreamily.
"So, ano 'to? Sabong? Ta's ano ako? Taya n'yo? Ako, tigil-tigilan ninyong dalawa, ha? Baka samain kayo sa akin."
"Sus! Pabebe mo, Klai! Eh, ganito nga kasi. What if! What if, ha? What if malaman mo na may gusto si Renzo sa iyo? Paano ka magre-react? In three, two, one!" She clapped her hands as if she's an assistant director of a series.
"Oo, nga! What if din kapag si Kuya Yulian, nagkagusto sa iyo, Ate Klai?"
Hindi ko man gusto ang ideya pero hindi ko naiwasang maisip nga kung ano ang magiging reaksyon ko. Eh, ano naman kung magkagusto si Renzo o Yulian sa akin? Eh, ano rin naman kung magkagusto nga talaga kung "what if" lang naman? I just maintained my poker face. Ano ang akala nila? Aarte ako na parang nagulat o nabigla? O nagalit? O natuwa? Asa siya!
"Grabe! Ayan na 'yon? Ang alam ko naman, marunong kang ngumiti, malungkot o magulat man lang. Baka naman pwedeng pumili ka na lang ng kahit isang reaksyon d'yan?"
"Alam n'yo? Kayong dalawa, kumain na lang kayo."
"Alam mo, Klai. Si Renzo, parang etong afritada lang iyan, eh." Hinalo nito ng kaunti ang ulam na nasa maliit na platito bago kumuha ng isang hiwa ng karne at kinain iyon. "Hindi sobrang sarap pero pwede na."
Halos maibuga ko sa kanilang dalawa ang iniinom kong iced tea. Ikumpara ba naman 'yong tao sa ulam? Tapos ano raw?! Napakababoy nitong Crisha na ito. Nakita kong napangiwi si Hazel. Kino-corrupt na talaga ni Crish ang utak niya maging ang utak ko.
"Ate Crisha!"
"Ano?" palipat-lipat ang tingin nito sa amin. "Kayo, ang dudumi ng utak ninyo, ha?" pagkukunwari nito, may halo pa na pilyang ngiti sa mga labi. "Hindi nga. Ang ibig ko lang sabihin, tikman mo nang malaman mo kung ano'ng lasa."
"Mas lumala lang, Crish. Sana hindi ka na nag-explain. Eh, kung ikaw na lang ang tumikim kagaya ng sina-suggest mo?"
"Weh? Papayag ka? Sa totoo lang, bet ko dati si Renzo," she paused. I am thinking, lahat naman ay bet niya. "But there's one thing na hindi ko ma-point out na ayaw ko sa kanya, so I'm setting him free. He's all yours, Klairey."
Kung makapagsalita talaga ito ng 'he's all yours', akala mo talaga, pagmamay-ari niya 'yong tao.
"No, thank you. I am not interested."
"Baka, not YET interested?"
"Ate, don't listen to Ate Crish. Si Kuya Yulian lang for you."
"Same answer—no thanks. I'm not interested."
Hindi ko alam kung ano ang pinakain ni Yulian kay Hazel at ito ang nirereto sa akin.
At bakit ba kasi nila ako pinangungunahan pati ang dalawang iyon na walang kamalay-malay?
Ilang beses ko rin bang gustong sabihin na hindi naman ako nagpapabebe?! Alam mo 'yon? Bakit pangungunahan mo ang nararamdaman ng ibang tao? Mahirap kayang mag-assume. Alam na alam ko ang feeling na iyon at iyon ang pakiramdam na nais ko talagang maiwasan hangga't maaari.
Normal lang din akong tao. Nagkaka-crush din naman ako. At may crush ako! Hindi lang halata kasi nga hindi ko naman gaanong ini-entertain 'yong feeling. At hindi ko rin alam kung paano ko mai-express nang hindi ako magmumukhang trying hard.
Ang naiisip ko lang kung paano ako magre-react sa harap ng taong iyon ay kung paano ako mag-react sa mga tao sa paligid ko. Normally cold. Just the normal Klairey. He wouldn't know anyway, would he?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro