Chapter 16
"GIRL!! YUNG PANCAKE, BAKA MASUNOG... BALIKTARIN MO NAAAA~!!!"
"CRYSTALLLL!!!!" Sigaw ko pabalik habang dali dali akong pupunta papunta sa kusina at agad binaliktad yung pancake. "Loka ka ba?? Bakit ka naka upo lang jan eh may niluluto ka?!" Pagatapos ko kasing baliktarin agad akong hinanap si crystal.. Ayun nanunuod pala ng "Teen wolf.." Humarap sya saakin at sabay nag peace sign.. Aigoo~ makakalbo ko tong babaeng to eh.
~Kinabukasan~
"Beh!!! Gising na uii, baka malate pa tayo! Tingnan mo kung anong oras na ohh.. 6:43 na! 25 mins pa naman yung byahe natin papunta doon." Pagkasabi nya non agad akong napatayo sa higaan at dumiretso sa banyo para maligo.. Agad akong kinalibutan once na nag tama yung malamig na tubig sa balat ko parang nagising diwa ko.. Pero syamre may pagka lutang parin.
Mga 10 mins lang na take ko.. Pero grabe haa!! World record ko na yon! Pagkalabas ko nakita ko si crystal doon nakatayo parin habang nakapang tulog at parang nag pipigil ng tawa..
Wait.. Nakapang tulog??
Tiningnan ko yung wall clock ko.. 5:05 am palang..
Tiningnan ko sya.. Nag wave lang sya saakin na parang nagpapaalam na lalabas na sya..
"CRYSTAAAAALL!!!!!!"
Agad syang kumaripas ng takbo palabas ng tumatawa at sinarado yung pinto ng kwarto ko..
Nasa dining table na kami nakahawak ako sa may ulo ko kasi masakit dahil siguro nabigla nung nagising ako sa mahimbing kong tulog at agad naligo.. Super lamig pa naman ng tubig, parang nag ice bucket challenge na ako nun.. Without ice ngalang..
"Musta gising?? Hehe" tanong nya sabay subo..
"Aishh, tal don't ever do that again.. Sigurado akong buong araw sasakit tong ulo ko.. Pero sana hindi malala.." Napahinto sya sa pag nguya at sabay lunok.
"Mianhe jessy.. I didn't mean it naman ehh.. Namiss ko lang kasi na makipag kulitan sayo.. Paano na yan edi mawawalan ka na ng time saakin na Bestfriend mo since birth.."
"Its fine.. Pero bakit naman ako mawawalan ng time??" Taka kong tanong.. Bakit nga ba? Wala naman akong maisip na reason..
"Ehh may baby loves ka na.. Si boyfie mo.. Sure akong demanding sa time mo yon.." Innosente nyang sabi..
WHATTT????
"Huh? Crystal.. How many times do i have to tell you.. And make you convinced na hindi sya.. Or sino man sya.. Na boyfriend ko.. Hindi pa ako nakapasok sa isang relasyon even MU kaya impossible yang boyfie boyfie na yan.
Argh.. Lalo atang sumakit yung ulo ko nung narinig ko galing sa kanya.. Napahawak nalang ako sa ulo ko.. Masakit pero bearable naman.. Kaso parang lumulutang yung utak ko sa loob ng bungo ko..
Alam nyo yung feeling na yon?
"Uii beh ayos ka lang ba?? Mag stay ka nalang kaya dito ngayon sa house baka mapaano ka pa sa school eh, tingnan mo maputla putla ka ng unti oh" Nagaalala na yung tono ng boses nya. Umayos na ako ng upo.. Nawala na kasi ng unti yung sakit.. Nginitian ko sya..
"Okay lang ako tal.. Siguro sa lamig nung niligo ko kanina kaya maputla ako.. Siguro kailangan ko lang mag paaraw.. Oh ano tapos ka na bang kumain?" Nag nod nalang sya.. Uminom sya ng tubig at pinunasan nya yung bibig nya gamit ng table napkin.
"Soo ano? gagamitin ba natin kotse ko or nagpahatid nalang tayo kay manong eli?"
"Kay manong eli nalang.. Para makapag relax ka pa ng unti habang nasa byahe." Napaisip sya doon at tumango nalang as a sign of agreement.
Nag park na si kuya eli kaya bumaba na kami.. Ouch yung araw agad tumama sa mata ko, nahirapan mg adjust yung mata ko dahil tinted yung window.. pag bukas sobrang sikat ng araw..
Nahilo ako.. Yung feeling na biglaan yung tayo mo tapos biglang may nag flash na dilim ng ilang seconds.. Blackout pero saglit lang.
Napahawak balang ako sa pintuan ng car and tried to feel myself kung okay lang ba ako.. "Jessy.. Just go home nalang kaya.. baka lumala yang sakit ng ulo mo.. Di pa naman tayo magka grade level, hindi agad kita matutulungan.."
Alam kong nag aalala na si crystal pero i just gave her an assuring smile pero parang hindi sya na convince. "Tsk okay lang talaga ako.. Oh lika na baka malate pa tayo." Sabay hila sa kanya.
Kakapasok ko palang ng classroom agad akong umupo sa upuan ko at pinatong ang ulo ko sa mesa.. Pumikit ako, nag babakasakaling mabawasan yung hilo ko.. After ilang minutes.. Pakiramdam kong nag simmer down na yung sakit pero hindi parin ako masyadong gumagalaw.
"Guyys!! Labas daw tayo mag fa-Flag Ceremony." Sabi ng bantay namin sa pintuan.. Bantay dahil sya mag sasabi kung paparating na yung teacher namin.. Agad namang mag sisiayusan mga classmates ko. Paro dahil flag ceremony agad silang labas, at pumila sa labas. Kaya ako, tumayo narin at lumabas.
Crystal's Pov.
I don't think okay lang si jessy girl.. Argh sana pala di ko nalang ginawa yun.. Tsk stupid me.. I should have thought about the consequences..
I'm in front of the registration office para masabi ko na starting ngayon dito na ako mag aaral.. Its not hard naman makapasok.. Especially if you have connection, pero syempre dahil mabait ako.. pinilit ko sina mommy na mag entrance exam ako dahil unfair naman yun.. late na nga ako nag enroll eh..
And naka pasa ako!! Yehay for mee!
Pagkalabas ko sa office pinuntahan ko na yung naka sulat sa papel na classroom number. Nalito pa ako ng unti pero alam kong mahahanap ko yun..
May nakita akong lalaking naka pamulsa habang nag lalakad pero agad na pahinto at napasilip sa maliit na window sa pintuan, there it formed a smile.. A genuine one..
Wait.. Diba siya yung..
Buffering..
Sino nga ba sya??
Well na stress na nga ako kakahanap sa classroom ko, iis-stress ko paba sarili ko sa pag aalala ng pangalan nun? Nuh uhh.
"Hi, Uhm i'm kinda lost.. nasaan yung room na to?" Pakita ko sakanya ng papel.. Natulala sya ng saglit.. At sabay tumingin sa papel na hawak ko.
"Uhmm nasa kabilang building po.."
Pag tingin ko sa papel kung nasaan yung room ko..
O_O nasa kabilang building nga!!!! So nasa high school building ako?
"Salamat ha." Pinat ko yung shoulders nya.. "Ang ganda nyo po." Sabi nya.. Nginitian ko nalang sya.. At nag lakad na paalis.
Kept walking~
At last!' nasa harap na ako ng classroom ko! Layo haa!!
Ito na kaya yung classroom ko? 1st year college? Tingin sa no. na naka sulat sa papel..
Ito na nga..
Inhale exhale.. check ng uniform baka nalukot habang nag lalakad, hindi naman. Flips hair then enter..
Biglang tahimik..
Nag smile nalang ako.. At biglang umingay..
"Walajanyo!!! GANDA NYA BRO!!!" Boy 1
"Putik!! Dyosa ba yung nakita ko??" Boy 2
"Eww.. Yan dyosa? Nako tingnan lang natin behind sa make up nya." Babaeng insecure.
Make up? Eh wala naman akong naalala na nag lagay ako nun, pulbo is enough for me, yung pinkish lips ko, mahahaba at makakapal kong pilikmata, my light skin tone and my curly locks.. Natural na yan girl..
Nag smile nalang ako doon sa babae at nag hanap ng empty slot. Nakatabi ko naman yung lalaking naka upo maypagka malapit sa window.. But naka patong yung ulo nya sa lamesa at naka earphones. Tahimik siguro to.. Okay na rin yun sakit sa tenga ng kapatid ko eh.
Musta na kaya si Jessy girl?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro