Wakas
Bucket List #1 MARRY HIM, AGAIN
Pagkagising ni Baekhyun ay wala siyang maaninag na kahit ano. Pakiramdam niya nawalan siya ng paningin dahil puro itim lamang ang nakikita niya. "C-Chanyeol?" Pagtawag niya sa asawa pero walang sumagot sa kanya kaya nagsimula na siyang kabahan.
"M-may tao b-ba dito?" Malapit na siyang mag-histerikal dahil pinakaayaw niya sa lahat ay iyong madilim at wala siyang naaaninag. Pero bago pa man din siya makatalon mula sa kinalalagyan niya ngayon ay nakaramdam siya ng malalambot na kamay na gumagabay sa kanya paalis ng higaan. Alam niyang hindi mga kamay iyon ni Chanyeol dahil maliit ito kung ikukumpara sa malaki niyang mga palad.
"S-sino ka? S-saan tayo pupunta?" Pero mukhang wala namang balak na sagutin si Baekhyun ng taong gumagabay sa kanya dahil patuloy lang sila sa pagkilos. Mas lalong nakaramdam ng kaba si Baekhyun nang marinig niya ang pagbukas ng elevator. Magpupumiglas pa sana siya kaso bigla na lang siyang marahas na tinulak at tumama ang pwetan niya sa malambot na bagay.
"S-saan mo ako dadalhin?! Kidnapping ito!" At mukhang nainis na lang iyong kidnapper kaya pinasinghot niya si Baekhyun ng pampatulog.
Sa kabilang dako nama'y kulang na lang ay himatayin si Chanyeol kakahintay sa pagdating ni Baekhyun at Sehun. Kakalabas lang kasi ni Chanyeol ng ospital kahapon at napagpasiyahan niyang palihim na gawin ang unang parte ng bucket list niyaㅡiyon ay ang muling pagpapakasal kay Baekhyun. Hindi gano'n kagarbo iyong kasal nila kumpara sa naunang kasal kasi biglaan lang naman iyon. Ni wala nga ang mga magulang nila dahil hindi nila pwedeng ipagpaliban lahat ng mga appointments nila ngayong araw ng basta-basta. Pawang mga malalapit na kaibigan lamang nila Baekhyun ang nandito para maging saksi kasama na rin si Krystalㅡna ngayon ay girlfriend na ni Suho.
"Maupo ka nga muna. Namumutla ka na oh," at inalalayan ni Suho na makaupo si Chanyeol sa inihanda nilang upuan malapit sa altar. Mas lalong bumilis ang pagkaramdam ni Chanyeol ng pagod ngayon kaya kaylangan talaga na hindi siya tatagal sa pagtayo o kung ano pa man na pwedeng makapagbigay ng pagod sa kanya.
"Hyung, nasaan na raw ba si Sehun?" Tanong ni Chanyeol kay Luhan habang tinitignan ang orasan. Kanina pa kasi sila naghihintay doon at naiinip na rin iyong pari na magkakasal sa kanila.
"Malapit na raw. Paano ba naman kasi si Baekhyun, tulog mantika kaya nahirapan daw si Sehun na gisingin," napailing na lang silang lahat sa sinabi ni Luhan. Si Baekhyun pala ang mismong sumasabotahe ng plano nila eh. "At saka nga pala pinasinghot daw ni Sehun ng pampatulog si Baekhyun dahil naghu-huramentado raw," dagdag pa ni Luhan na nagpabigla sa mga magkakaibigan.
"ANO?!" Napabalik mula sa pagkakaupo si Chanyeol dahil biglang sumakit ang ulo niya. Bawal din na sumisigaw siya kasi maaring magbigay iyon ng matinding pagsakit ng ulo sa kanya, tulad na lang ngayon. "Argh! Shit!" Agad namang tinakpan ni Minseok ang bibig ni Chanyeol dahil nag-echo sa loob ng simbahan ang pagmumura nito.
"Baka hindi magising si Baekhyun dahil sa pampatulog, Luhan hyung," nag-aalalang sambit ni Yixing na sinang-ayunan naman nilang lahat.
"Bugbugin na lang natin si Baekhyun hyung kapag hindi nagising. Masyado na niyang sinasabotahe iyong kasal nila ni Chanyeol hyung," at sabay-sabay namang tumingin ng masama ang magkakaibigan kay Tao na ngayon ay nagtatago sa likod ni Kris habang naka-peace sign.
"Oh! Ayan na pala sila eh!" Mabilis na lumingon ang lahat sa entrance dahil sa sinabi ni Kris. At oo nga, nandoon sa dulo ng aisle si Baekhyun, nakaupo sa isang wheel chair habang may piring ang mga mata miski na rin ang bibig niya. Gustong-gusto ni Chanyeol na takbuhin si Baekhyun sa kinalalagyan niya ngayon dahil naawa siya sa itsura ng asawa niya. Araw ng kasal nila pero napaka-hopeless niyang tignan sa suot nitong isang hospital gown. Hindi pa rin kasi nakakalabas ng ospital si Baekhyun dahil nilagnat siya kahapon.
Mabilis namang bumalik sa pwesto nila ang magkakaibigan kasama na si Sehun at nagsimula nang tumugtog ang mga choir ng simbahan, kasabay nito ay ang unti-unting pagtanggal ni Baekhyun ng piring sa mata at sumunod naman ay sa bibig. Napatakip na lang ng bibig si Baekhyun dahil sa nakikita niya ngayon. Ikakasal silang muli ni Chanyeol at isang hospital gown lamang ang suot niya habang naka-formal lahat ng mga tao sa simbahan. Nagmistulang takas tuloy siya sa mental dahil sa itsura niya. Pero agad din namang tumayo si Baekhyun sa wheel chair at nagsimulang maglakad nang inabutan siya ng isang batang babae ng bouquet ng bulaklak. Nagsimula na ring tumulo ang luha mula sa mga mata ni Baekhyun nang masilayan niya ang sinserong ngiti ni Chanyeol na naghihintay sa dulo ng altar katabi ang mga kaibigan nila bilang mga best man.
Napangiti si Chanyeol sa nakikita niya ngayon. Kahit na simpleng hospital gown lang ang suot ni Baekhyun ay nadala niya pa rin iyon at nagmukha pa rin siyang anghel na naglalakad sa aisle. Nang makarating si Baekhyun sa tapat ng asawa at mga kaibigan niya ay isa-isa nila itong binigyan ng mahigpit na yakap at maiikling mensahe.
"Congrats. Alam kong hindi naging madali para sa inyo ni Chanyeol ang lahat pero sana mas maging matatag pa kayo sa mga pagsubok na paparating pa," nginitian na lang ni Baekhyun si Minseok at sunod na hinagkan si Suho na ngayon ay namumula na ang mga mata sa kakaiyak.
"Salamat, Baekhyun. Salamat sa pagbibigay kulay sa buhay ni Chanyeol. Alam kong malalagpasan niyo rin kung ano man ang pinagdadaanan niyo ngayon. Maniwala lang kayo sa Kanya," tumango si Baekhyun at sabay nilang tinignan ni Suho ang rebulto ng Diyos sa harapan nila.
"Baekhyun hyung," napabalik ng tingin si Baekhyun nang bigla niyang maramdaman na mahigpit siyang niyakap ni Sehun. "Pathenthiya na kung kinidnap kita kanina, utoth lang naman ni Chanyeol hyung eh," ginulo na lang ni Baekhyun ang buhok ng kanyang best friend at pinasalamatan ito. "Ako dapat ang magpathalamat thayo, hyung. Thalamat tha pagtanggap mo tha akin. Thalamat tha pagiging mabuting kuya at kaibigan. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para thayo."
"Baekkie!" Sabay-sabay naman nilang pinalo si Chen ng mahina dahil sa pagsigaw nito. "Sadista niyo! Anyways," napangiti na lang si Baekhyun dahil sa napakaaliwalas na ngiti ni Chen. "Kung malungkot ka punta ka lang sa akin, ha? Hindi ako magsasawang pasayahin ka lagi!" Nasanay na rin siguro si Baekhyun sa ugali ni Chen kaya natatagalan na niyang kasama ito.
Napatingin naman si Baekhyun sa kamay niya nang biglang may nilagay si Kyungsoo na malambot na bagay doonㅡisang stress ball. "Kahit anong higpit ng hawak mo dyan, hindi iyan aaray kaya kapag may problema ka, hawakan mo lang at hayaan mong ma-release ang stress mo sa katawan sa pamamagitan ng pagpisil nito. Congrats, Baekhyun," hindi gano'n ka-close si Baekhyun kay Kyungsoo kaya nagulat siya sa binigay nito at pinasalamatan ang nakababatang kaibigan bago tumuloy kay Jongin.
"Baekhyun hyung," ginulo ni Baekhyun ang buhok ni Jongin dahil mukhang inaantok pa ito. "Sana hindi matagal iyong wedding ceremony, inaantok pa talaga ako," mukhang nasindak naman si Jongin sa matalim na tingin ni Kyungsoo kaya binati na lang niya si Baekhyun.
Sabay-sabay namang naglakad papunta sa gawi ni Baekhyun sina Luhan, Kris, Tao, at Yixing. Inabutan nila si Baekhyun ng tig-iisang stuffed toys na ani nila ay kapag nakita ni Baekhyun ay magpapaalala sa kanila. Mula kay Luhan ay isang cute na batang usa, kay Kris naman ay isang batang aso na kamukha ng stuffed toy niyang si Ace. Samantalang kay Tao naman ay isang Panda at kay Yixing ay isang angel na stuffed toy. Pagtapos na kausapin ni Yixing si Baekhyun ay agad na hinila ni Chanyeol ang asawa papunta sa upuan nila sa harap ng altar.
"Grabe, bakit feeling ko nagbigay sila ng vows sayo dahil sa mga sinabi nila?" Nginitian na lang ni Baekhyun ang asawa at nagsimula na ang kasal. Hindi naman gano'n kahaba ang itinagal ng seremonyas dahil ang gusto lang naman ni Chanyeol na mangyari ay makapagbigay ng matinong wedding vow para kay Baekhyun sa harap ng Diyos, ng mga kaibigan nila, at sa mga saksi.
"Baekhyun," pagtawag niya sa atensyon ng asawa habang unti-unting nilalagay ang singsing sa palasinsingan nito. "Nandito ako sa harapan mo ngayon para magbigay ng isang pangako na habangbuhay kong paninidigan. Hindi ako mangangako sayo na mananatili ako sa tabi mo," at parang awtomatiko namang pumitik ang damdamin ng bawat isa dahil karamihan ng mga nakakasaksi sa kasal nila ay umiiyak na. "Pero ipapangako kong babantayan kita mula sa itaas. Ako ang magsisilbi mong guardian angel."
"Gusto ko rin malaman ng lahat ng mga nakakarinig nito," proud na sabi ni Chanyeol dahil alam niyang hindi lang sa loob ng simbahan naririnig ang mga sinasabi niya kundi sa buong bayan ng Tian Jin. "Ang swerte ko sa asawa ko. Ang swerte ko kay Byun Baekhyun dahil nanatili pa rin siya sa tabi ko sa kabila ng lahat ng mga naging problema namin."
"Baekhyun, ayaw ko ng gumawa ng iba pang mga pangako sayo dahil hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako dito," mahigpit na hinawakan ni Chanyeol ang dalawang kamay ni Baekhyun at tuluyan ng nilagay ang singsing sa daliri ng asawa niya. "Pero isang bagay lang ang gusto kong tandaan mo. Minahal kita noon, patuloy na minamahal ngayon, at hinding-hindi ako titigil sa pagmamahal sayo kahit nasa kabilang buhay na ako."
"Pero may isa akong hiling sayo," niyakap ni Chanyeol ng mahigpit si Baekhyun dahil ayaw niyang makita ang magiging reaksyon nito. "Sana muli mong buksan ang puso mo kapag nawala na ako. Maiintindihan ko naman eh. Pero gusto ko may lugar pa rin ako dyan. Ipagpatuloy mo lang ang buhay, 'wag mong sasayangin iyon dahil lang sa nawala ako. Lagi mong tatandaan na kahit saan ka magpunta, lagi lang akong nakabantay sayo. Hinding-hindi kita papabayaan."
Bucket List #2 SUNRISE WITH HIM
Nagising si Baekhyun sa mahinang pag-ungol ni Chanyeol sa tabi niya at halos mapabalikwas siya nang makita niyang namimilipit sa sakit ng ulo ang asawa niya. "Chanyeol! Chanyeol!" Pagyugyog niya dahil nakapikit lang si Chanyeol habang mahigpit na sinasabunutan ang sarili niya. "Chanyeol, nandito lang ako," at niyakap niya ang asawa dahilan para mabawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ni Chanyeol. Naramdaman ni Baekhyun na medyo kumalma na si Chanyeol kaya natigil na sa pagtibok ng mabilis ang puso niya. "Chanyeol, okay na ba?"
"O-oo. Salamat," mabilis na tumayo si Baekhyun mula sa pagkakahiga at kumuha ng gamot ni Chanyeol na pinayo ng doktor na ipainom sa kanya kapag sumakit ang ulo nito bigla-bigla. "Salamat," akmang tutulungan ni Baekhyun na bumalik sa pagkakahiga ang asawa nang bigla itong umiling at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya. "Baek, dalhin mo ako sa labas. Gusto ko makita ang sunrise," tumango na lang si Baekhyun at inalalayan si Chanyeol paupo sa wheel chair niya.
Pinili ni Baekhyun na bilhan ng wheel chair si Chanyeol para maiwasan ang pagkapagod nito at para na rin hindi ito magdulot ng matinding pagsakit ng ulo niya. Parang binibiyak paulit-ulit ang puso ni Baekhyun kapag nakikita niyang namimilipit sa sakit ng ulo ang asawa niya.
"Chanyeol. . ." Pagtawag ni Baekhyun sa atensyon ng asawa na ngayo'y nakapikit ang mga mata habang dinaramdam ang malakas na simoy ng hangin.
"Hmm?" Hindi na napigilan ni Baekhyun na maiyak. Sa mga araw na lumilipas ay hindi niya maiwaksi ang takot sa isipan niya na baka isang araw pag-gising niya ay hindi na humihinga ang asawa sa tabi kaya hangga't maari ay palagi siyang nauunang magising kaysa kay Chanyeol. "Umiiyak ka na naman," kumikirot ang puso ni Chanyeol sa tuwing nakikita niyang nahihirapan at nasasaktan ang asawa sa sitwasyon niya. Parang gusto na lang niyang mawala ng mas maaga para maibsan agad ang sakit na nararamdaman ni Baekhyun.
"S-sorry. Hindi ko mapigilan eh," pilit na pinupunasan ni Baekhyun ang pisngi niya na ngayo'y basang-basa na ng mga luha pero patuloy lang itong nababasa ulit dahil tinatraydor siya ng mga luha niya.
"Hindi ko naman sinabing bawal umiyak, baby," napapikit na lang si Baekhyun dahil sobrang mami-miss niya ang pagtawag ni Chanyeol sa kanya ng baby. "Halika nga dito," ayaw man ni Baekhyun ay sinunod niya ang utos ni Chanyeol na maupo sa mga hita niya at naramdaman niya ang malalim na paghinga ng asawa sa batok niya. Nanatili lang sila sa gano'ng pwesto nang biglang lumitaw ang araw na kanina pa nila hinihintay na sumibol.
"Ang ganda," napatakip ng bibig si Baekhyun dahil sa ganda ng nakikita niya ngayon habang mas lalong humigpit ang yakap ni Chanyeol sa likuran niya. "Y-Yeol? Nabibigatan ka na ba? Tatayoㅡ"
"Hindi. Dito ka lang, Baek," at tumahimik silang dalawa matapos na tuluyang sumibol ang araw. Tahimik lang nilang pinapanood iyon, walang nagsasalita, pawang paghinga lang nila ang maririnig. Masaya si Chanyeol dahil ang dating pangarap niya na makita ang sunrise kasama si Baekhyun ay natupad na niya. Pero hindi niya maiwasang malungkot dahil pinangarap niya iyon dati na pawang kasiyahan lamang, pero ngayon, alam niyang nasasaktan si Baekhyun dahil unti-unti ng bumibigay ang katawan ni Chanyeol.
"Chanyeol," tawag ni Baekhyun at nagpapa-salamat siya na hindi makikita ni Chanyeol ang malungkot na ekspresyon sa mata niya ngayon. "'Wag muna ha, Yeol? Hindi ko pa kaya," mahigpit niyang hinawakan iyong dalawang kamay ni Chanyeol.
Alam ni Chanyeol kung ano ang tinutukoy ng asawa at hindi niya napigilan ang sarili na makapaglabas ng isang patak ng luha galing sa kaliwang mata niya. Araw-araw pinapaalala sa kanya ni Baekhyun na hindi niya pa kayang maiwan. Araw-araw niyang hinihiling kay Chanyeol na 'wag muna siyang lisanin dahil hindi niya pa kaya, at tingin ni Baekhyun ay hinding-hindi siya magiging handa kaylanman.
"Susubukan ko," iyan lang palagi ang sagot ni Chanyeol at hindi iyon nakakatulong sa pagpapagaan ng loob ni Baekhyun dahil alam niyang nahihirapan lang si Chanyeol sa pakiusap niya. "Hindi ba't aalis kayo ni Sehun mamaya?"
Umiling si Baekhyun. "Hindi na ako sasama. Dito lang ako sa tabi mo, Yeol. Hindi kita iiwan," napangiti na lang si Chanyeol dahil pinanindigan talaga ng asawa niya ang hiling niyang 'wag na 'wag siyang iiwan. Dahil ayaw niyang pagbalik ni Baekhyun ay madatnan niyang malamig na bangkay na lang si Chanyeol. Hangga't maari, gusto ni Chanyeol na malagutan ng hininga kasama si Baekhyun.
Bucket List #3 DECORATE A CHRISTMAS TREE WITH HIM
"Ano ba, Baek. 'Wag ka ngang OA!" Singhal ni Chanyeol sa asawa at inagaw muli ang push cart mula sa mga kamay nito. Nasa mall kasi silang dalawa ngayon para mamili ng mga dekorasyon at pang-regalo dahil ilang araw na lang ay Pasko na. Hindi man alam ng dalawa kung nagce-celebrate ba talaga ng Pasko ang mga Chinese pero naisipan pa rin nilang maghanda para rito. Nag-aagawan silang dalawa kung sino ang magtutulak ng push cart dahil pilit na kinukuha iyon ni Baekhyun mula sa mga kamay ni Chanyeol. Hindi alam ni Chanyeol kung maiinis ba siya o matatawa na lang sa inaakto ng asawa niya.
"O-okay. Tara dun sa Christmas balls sections, iyon na muna ang unahin natin," tumango si Chanyeol at nagsimula nang itulak iyong cart habang si Baekhyun naman ay pasimpleng nakikitulak din.
"Ay ang kulit naman eh," sita ni Chanyeol nang maramdaman niyang halos si Baekhyun na ang kumo-kontrol ng pagtulak sa cart nilang wala pang kalaman-laman.
"Eh kasi naman. Baka mapagod ka," nakatungong sabi ni Baekhyun. Pinaka-ayaw niya sa lahat ay iyong pag-aawayan nila ni Chanyeol iyong pagiging maingat niya pagdating sa pagkapagod ng asawa.
"Tsk, halika nga dito," mabilis namang pumasok sa mga bisig ni Chanyeol si Baekhyun at niyakap ng mahigpit ang asawa niya. Pansin na rin ni Baekhyun ang unti-unting pagpayat ni Chanyeol ngayon, nawala na nga rin iyong maumbok nitong tiyan eh. Hindi niya na tuloy maasar ng Tiyan-Yeol ang asawa. "Umiiyak ka na naman. Nasa mall tayo," sambit ni Chanyeol habang marahang hinahagod ang likod ng asawa. Wala siyang pakiealam kung pinagtitinginan na sila ng tao dahil nasa gitna sila ng daan tapos nagyayakapan pa sila.
"I-ikaw kasi, eh!" Pasimple namang pinalo ni Baekhyun si Chanyeol sa dibdib. Kahit na lumalala na ang sakit nito, hindi pa rin mapagkakaila ang pagiging magandang lalaki ni Chanyeol, ang kaibahan lang ngayon ay medyo maputla na siya kumpara sa masiglang pangangatawan niya dati.
"Oh, sorry na po, baby ko," pinunansan ni Chanyeol ng panyo ang nabasang pisngi ng asawa at nginitian ito ng sobrang tamis. "Tara na?"
"W-wait lang," naramdaman ni Chanyeol na pilit na isinisiksik ni Baekhyun ang mukha nito sa kili-kili niya kaya mahina siyang napatawa dahil malakas ang kiliti niya roon. "P-pwede bang favor?"
"Anything for you," napangiti na lang si Chanyeol dahil sa hinihinging pabor ng asawa niya, simple lang naman, gusto lang ni Baekhyun na tawagin siya ni Chanyeol sa buo niyang pangalan. "Park Baekhyun," hindi alam ni Baekhyun kung anong meron pero sobrang nakakapagpagaan ng loob niya kapag binabanggit ni Chanyeol ang buong pangalan niya. "Baekhyun Park."
Nagpatuloy sila sa paglalakad nang bigla nilang nakasalubong ang isang babae na naging parte ng nakaraan nilang dalawa. "Chaelin!" Masayang bati ni Baekhyun habang mahigpit na niyakap si Chaelin na ngayon ay gulat na gulat sa inakto niya.
Mabagal na tinulak ni Chanyeol ang cart papunta sa gawi ng dalawa at nginitian na lang si Chaelin. Hindi naman kasi masama ang loob niya sa kanya dahil sa lahat ng mga nangyari sa nakaraan, ni isa roon ay walang pinagsisisihan si Chanyeol, lahat iyon ay nagbigay ng aral sa kanya.
"Hala, sino?" Tanong ni Baekhyun habang nakaturo sa nakaumbok na tiyan ni Chaelin. "At saka ilang months na?"
"Ah, kung sino iyong tatay ni Kach. 3 months pa lang naman," nakangiting sagot ni Chaelin habang hinihimas ang tiyan, napansin din niyang medyo may pagbabago kay Chanyeol kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa at tinanong kung may sakit ba ito.
"B-brain cancer. S-stage 3," humingi na lang ng paumanhin si Chaelin kay Baekhyun habang lumapit naman si Chanyeol sa asawa at mabilis na niyakap ito. Umalis na rin agad si Chaelin dahil naliligaw daw si Kach kaya nagiikot-ikot siya sa mall.
"Halika na," ganito naman silang dalawa palagi. Kapag nalulungkot si Baekhyun dahil sa sakit ni Chanyeol, pipilitin na lang ng asawa niya na pasayahin siya ulit kahit na alam niyang pilit lang iyong mga tawa ni Baekhyun. Alam niya naman kasing hinding-hindi na babalik sa dating siya si Baekhyun.
Hindi naman sila nagtagal sa department store kaya mabilis silang umuwi para i-decorate na ang Christmas tree nila. Si Baekhyun ang naka-assign sa mga mabibigat na bagay habang si Chanyeol naman ang sa mga magagaan. Nakatayo sa hagdanan si Baekhyun nang bigla siyang nawalan ng balanse dahilan para mapabagsak siya sa ibabaw ni Chanyeol na busy sa pagsasama-sama ng mga magkakakulay na Christmas balls.
"A-aray," pabirong sambit ni Chanyeol kahit na hindi naman talaga gano'n kabigat si Baekhyun kaya mabilis na gumapang patayo ang asawa niya at tinulungan siyang tumayo. "Grabe, ang bigat mo."
"S-sorry. Saan ang masakit?" Tanong ni Baekhyun habang iniisa-isang tignan ang mga parte ng katawan ng asawa kung may nalamog ba roon.
"Dito oh," turo ni Chanyeol sa labi niya kaya tinawanan na lang siya ni Baekhyun at hinalikan. "At saka dito pa," hinalikan naman ni Baekhyun ang ilong ni Chanyeol. "Ito pa oh," pero hindi na niya pinagbigyan pang muli ang asawa at nagbalik sa ginagawa niya.
"Yeol?" Napatingin si Chanyeol sa asawa na abala sa paglalagay ng huling pulang Christmas ball sa medyo tuktok ng Christmas tree. "Ilan ba nakalista sa bucket list mo?"
"Anim lang, bakit?" Bigla namang nanlambot ang tuhod ni Baekhyun kaya inalalayan siya ni Chanyeol. "Ayos ka lang? Pagod ka na ba?"
"H-hindi. Abot mo na nga iyong star," hindi na lang sinabi ni Baekhyun kay Chanyeol iyong totoo na pausbong ng pausbong iyong takot sa dibdib niya ngayon.
"Kasi birthday mo iyong six kaya iyon iyong pinili ko. At saka makasama lang kita araw-araw, natupad na ang lahat ng mga bagay na sinulat ko bucket list ko."
Bucket List 4 GO BACK TO THE PHILIPPINES AND SPEND CHRISTMAS WITH OUR FRIENDS
Christmas Eve na at nandito silang lahat ngayon sa bahay ni Suho dahil napagpasyahan nila na pagbigyan ang kahilingan ni Chanyeolㅡiyon ay ang mag-celebrate ng Christmas kasama sila. Kahit na gustong umuwi nila Tao, Kris, Luhan, at Yixing sa China, pinilit nilang mag-stay sa Pilipinas para kay Chanyeol.
"Okay, since lahat naman tayo may nakahandang regalo, bakit hindi na lang natin pagbunutan kung sino ang makatanggap ng mga sari-sarili nating regalo?" Isa-isa silang tumango at mabilis na sinulat ni Chanyeol ang mga pangalan nila sa papel katulong si Kyungsoo sa pagtitiklop nito.
"Okay, bunutan na!" At mabilis pa sa alas kwatro na naubos iyong mga folded papers sa lamesa noong biglang binasag ni Chanyeol ang katahimikan.
"Magsimula tayo sayo, Park Baekhyun," hindi naman nakaligtas sa pang-aasar ng mga kaibigan si Baekhyun kasi namula ng todo ang mukha niya dahil sa sinabi ng asawa niya. "Yah! 'Wag niyo nga asarin ang asawa ko!"
"Si Sehun ang nabunot ko," napailing na lang si Sehun nang marinig ang sinabi ng hyung niya kaya inabot niya iyong paper bag na naglalaman ng regalo niya. "Ang bigat naman nito, bato ba laman nito, ha?!" Mabilis namang nagtawanan ang mga magkakaibigan nang makita nila ang nilalaman ng regalo ni Sehun.
Dalawang bubble tea.
"Yah! Bakit dalawa?! Hindi ba ang usapan dapat ang regalo ay para sa ating labingdalawa?! Sabi ko LABINGDALAWA hindi DALAWA!" Agad namang nagsabatan iyong iba dahil sa sinabi ni Suho na hindi raw nila alam na may rule pala kaya inirapan na lang sila ng tumatayong lider ng grupo.
"Gusto ko kasi sabay naming iinumin ng makakamonito at monita ko iyong bubble tea na iyan," hindi rin nila hinayaang hindi ma-bully si Sehun dahil sa sobrang kacute-an ng maknae nila! Minsan talaga nasosobrahan sa pagiging thoughtful si Sehun at minsan lang niyang ipakita iyong side na iyon. "Si Jongdae hyung ang nabunot ko," pakita niya sa papel at mabilis na inabot ni Jongdae iyong box na naglalaman ng regalo niya. "Waaah!! Thank you, hyung!" Sabay-sabay silang nainggit nang mapagtanto nilang movie ticket ng Civil War iyong regalo ni Jongdae. Si Luhan ang pinakaapektado dahil sobra ang pagkaadik niya kay Iron Man.
"Ako si Baekkie ang nabunot ko!" Hinablot ni Jongdae iyong box na nakalagay sa hita ni Baekhyun at halos mapamura siya nang makakita siya ng isa pang box sa loob. "'Wag mo sabihing puro box ang regalo mo sa akin?!"
"Hindi, ah! Iyan ang pinakamahal na regalo na matatanggap mo!" Saglit na nagningning ang mga mata ni Jongdae pero mabilis din itong nanlumo dahil sa nakita niya. "Picture ko! Sayo na ako!" At nag-pacute pa sa harap si Baekhyun.
Napaaray naman si Kris dahil sa biglang pag-hampas ni Chanyeol ng braso niya. "Ang cute ng baby ko, hyung!" Bulong niya habang kinikilig sa nakikita niya ngayon.
"Tsk, inlababo. Definitely not my style."
Hindi naman mabilis na nakamove-on ang mga magkakaibigan sa pang-aasar kay Jongdae pero na-appreciate naman niya iyong picture dahil ang cute ni Baekhyun doon.
Sunod namang nakatanggap ng regalo ay si Kris at mula iyon kay Yixing, isang lunch box iyon na naglalaman ng paborito nilang pagkain. "Naalala niyo pa ba na ito iyong pagkain na nagpatibay sa pagkakaibigan natin? Lagi natin itong kinakain kapag magkakasama tayo. Parang ito na nga iyong naging saksi ng pagkakaibigan natin sa loob ng tatlong taon eh."
Ang kanina na masayang paligid ay napalitan ng kalungkutan. Hindi man makasunod si Baekhyun at Sehun sa sinasabi ni Yixing, apektado pa rin sila dahil alam nilang may ibang ibig sabihin si Yixing sa sinabi niyaㅡna malungkot siya dahil in no time, maari silang iwan ng isa nilang kaibigan.
Ang nabunot naman ni Yixing ay si Jongin, at katulad niya, pagkain din ang regalo nito. Si Kris naman ang nabunot ni Jongin at halos lahat sila ay nagbunyi dahil mamahalin na karne ang regalo ni Kris.
Sunod namang nakatanggap ng regalo si Chanyeol mula kay Tao, at isa iyong maliit na stationary. "Ito lang?" Pabirong tanong niya pero agad namang binawi iyon at sinabing kakaylanganin niya raw ang stationary kapag magpapadala siya ng letter para sa mga magulang niya.
"Luhan hyung, akin na regalo mo!" Inagaw naman ni Tao iyon at akmang sosolohin nang biglang inagaw pabalik ni Luhan at mahigpit na niyakap ang paper bag.
"Para sa ating lahat iyan kaya kung hindi ka mamimigay hindi ko ibibigay sayo ang regalo ko," pumayag na si Tao at halos maiyak ito nang mapagtantong tinapay ang regalo ni Luhan. "It's the thought that counts. At least tag-iisa tayo diba?"
Si Minseok naman ang nabunot ni Luhan at halos tumakbo ito papalapit sa kaibigan nang makitang isang pares ng medyas ang regalo nito. "Salamat! Kaylangan ko ito!"
"Chanyeol," pakita ni Minseok sa papel na hawak niya at unti-unting sinira ang paper bag na naglalaman ng regalo ni Chanyeol. "The Little Prince? Paborito ko ito! Salamat!"
"Walang anuman, Minseok hyung. Masaya ako na ikaw ang nakakuha niyan dahil isa ka sa mga naging mahalagang tauhan sa kwento ng buhay ko," at mahigpit na niyakap ni Chanyeol sa Minseok.
"Pero story ko iyan!" Hindi na lang nila pinansin ang protesta ni Luhan at nagpalit na ang dalawang natitira na may hawak pa ng mga sarili nilang regalo.
"Para mas masaya, sabay niyo na lang buksan iyong regalo ng isa't-isa," suggestion ni Chanyeol na sinang-ayunan naman nilang lahat.
"Hala?! Anong libro iyan, Kyungsoo hyung?!" Tanong ni Jongin habang inuusisa iyong librong regalo ni Suho.
"Vitamins?" Hindi makapaniwalang tanong ni Minseok nang makita ang laman ng box na hawak ni Suho galing kay Kyungsoo.
"Tips on How to be a Successful Person? Anong klaseng regalo naman ito, Suho?" Walang pag-galang na tanong ni Tao kaya nabatukan siya ni Sehun. "Ay, Suho hyung pala."
"Hyung, bakit ito iyong binili mo? Sa tingin mo ba may isang tao sa atin na kaylangan ito kung lahat naman tayo tagapagmana?" Nanliit naman si Baekhyun sa tanong ni Jongin pero hinayaan niya na lang kasi ayaw niyang sirain iyong masayang atmosphere.
"Si Sehun talaga kasi dapat ang reregaluhan ko niyan," mabilis namang umangal ang pinakabata sa grupo at tinanong kung bakit siya. "Hindi naman sa minamaliit kita, Sehun. Pero ramdam mo naman siguro na ikaw ang paborito ko sa lahat, diba? Kaya gusto ko masiguradong magiging matagumpay ka sa hinaharap."
"Ayieee! HunHo! HunHo!" Binalewala na lang nila ang pang-aasar ni Jongdae at si Kyungsoo naman ang inintriga nila kung bakit vitamins ang niregalo niya.
"Katulad ni Suho pero ang kaibahan ay para sa ating lahat iyan. Lalo na sayo Chanyeol," napangiti si Kyungsoo ng mapakla. Hindi talaga nila maiiwasan na kalimutan panandalian ang karamdaman ni Chanyeol. "Alam ko hindi ako naging mabait na kaibigan sa inyo dahil sa aura ko pero maniwala kayo at sa hindi, mahal ko kayo at ayaw kong may isa sa inyong mapapahamak kaya hindi ako magsasawang magsupply ng vitamins sa inyo," at isa-isa nilang kinuyog si Kyungsoo ng yakap dahil once in a blue moon lang ito maging sweet sa kanila.
"Merry Christmas!" Bati nila sa isa't-isa at masayang pinagsaluhan lahat ng mga putahe na pinahanda ni Suho para sa kanilang lahat.
Bucket List 5 CUDDLE ALL-NIGHT LONG
"Ano?! Ito na iyong fifth na nilista mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Baekhyun sa asawa habang nakatayo sa gilid ng kama nila.
"Bakit? Anong masama?" Nakakunot naman na tanong ni Chanyeol pabalik habang hinihila si Baekhyun pahiga sa tabi niya.
"Wala lang. Lagi naman natin ginagawa ito bago matulog diba?" Nagtatakang tanong ni Baekhyun at niyakap pabalik ang asawa pero nagtaka siya nang biglang bumaba ng kaunti si Chanyeol para maging kalevel ang dibdib niya.
"Ang lakas ng tibok ng puso mo, Baek," mahinang sambit ni Chanyeol dahilan para mapayakap si Baekhyun nang mahigpit sa kanya. "May gusto ka bang gawin? Parang ayaw mo naman kasi nito."
"H-hindi naman! Kahit naman kasi hindi mo ito hilingin ay gagawin at gagawin natin. Wala ka ng maisip, ano?" Napangisi na lang si Chanyeol at tumango.
Noong araw kasi na naglilista si Chanyeol ng bucket list niya ay medyo magulo ang isip niya at tinamad na siyang ayusin pa ulit iyon dahil wala naman siyang libreng oras para pagtuunan pa iyon ng pansin. Para sa isang taong may taning na ang buhay, oras ang isa sa mga bagay na wala na siya ngayon.
"Gusto mo mag star gazing tayo? Kaso malamig sa labas, eh! Kaya cuddle na lang tayo!" Napapikit si Chanyeol nang maramdaman niyang hinalikan ni Baekhyn yung buhok niya. "Yuck! Ang baho! Nag-shampoo ka ba?!"
Hindi na lang pinansin ni Chanyeol ang huling sinabi ni Baekhyun dahil alam niya sa sarili niya na mabango ang buhok niya kasi shampoo ng asawa ang ginagamit niya. Nang-iinis lang siguro si Baekhyun.
"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Baekhyun nang biglang nagpunta si Chanyeol sa walk-in closet nila at kumuha ng dalawang mahahaba nitong coats.
"Isuot mo, tara," aya ni Chanyeol at naupo na sa kanyang wheel chair habang si Baekhyun naman ay ginaya ang ginawa ng asawa at tinulak papalabas ng kwarto ang wheel chair.
"Brr! Ang lamig! Minsan lang lumamig sa Pilipinas kaya lulubusin ko na!" Napailing na lang si Chanyeol sa ginagawa ni Baekhyun ngayon. Umaangal siya na nilalamig siya pero nakabukas ang mga bisig niya at hinahayaan niyang humampas sa buong katawan niya ang malamig na hangin.
"Park Baekhyun," napapikit si Baekhyun dahil ayan na naman iyong pakiramdam niya. Kakaiba talaga ang sensasyong binibigay nito sa sistema niya.
"Chanyeol," malungkot na lumuhod sa harap ng asawa si Baekhyun. "H-hindi pa naman diba?" Pero imbis na sumagot ay tumayo si Chanyeol at naglatag ng sapin sa lapag at doon naupo.
"Halika dito, yakapin mo ako," nanlalambot ang tuhod na umupo sa tabi ng asawa si Baekhyun at agad namang yumakap ng sobrang higpit si Chanyeol sa kanya.
"A-ang ganda ng mga bitwin," hindi na napigilan ni Baekhyun ang pagkasira ng boses niya dahil nagsimula na siyang umiyak pero this time, hindi na siya pinuna ni Chanyeol.
"Baek, alam mo bang natupad mo na lahat ng nakasulat sa bucket list ko?" Nakangiti at nakapikit na tanong ni Chanyeol kay Baekhyun. Masaya siya dahil kahit papaano, natupad ni Baekhyun lahat iyon bago pa man din sila maubusan ng oras.
"A-ano? Nagkamali b-ba ako ng bilang? Pang-lima p-pa lang natin ito d-diba?" Paputol-putol na sagot niya habang pinipigilan ang sarili sa paghikbi.
"Hindi ko na kasi tinuloy yung huli. Binura ko na sa bucket list ko eh."
"B-bakit naman?"
"Isa kasing napakaselfish na hiling iyon kaya hinayaan ko na lang," isang mahabang katahimikan ang pumalibot sa mag-asawa. Hindi nila alam na mula sa malayo ay nakatanaw ang mga kaibigan nila at pinapanood sila. Hindi nila maiwaksi ang sobrang kalungkutan habang nakikinig sa usapan ng mag-asawa kaya ang iba sa kanila ay umiiyak na rin. Napapikit na lang si Baekhyun at walang humpay na bumuhos ang mga luha mula sa mga mata niya nang maramdaman niya ang pagbigat ng ulo ni Chanyeol sa balikat niya at ang unti-unting pagkalas ng yakap nito sa bewang niya.
"C-Chanyeol!" At iyon na ang nagmistulang senyales para tumakbo ang magkakaibigan sa lugar kung saan nakaupo si Baekhyun at mahimbing na nakapikit si Chanyeol sa balikat niya. "Chanyeol! Ang daya mo naman, eh!" Mahinang pinapalo ni Baekhyun ang pisngi ng asawa sa pagnanasang nagbibiro lang ito pero bagsak ang balikat niya nang umiling si Yixing sa kanya.
"Baekhyun, iniwan na tayo ni Chanyeol," wala ni isa sa kanila ang hindi umiiyak ngayon. Tahimik lang na umiiyak sa tabi ni Baekhyun ang mga kaibigan niya habang nakikiramay sa pagdadalamhati.
"Chanyeol! Hindi pwede! Hindi pa tayo tapos sa bucket list mo diba!" Kahit na alam ni Baekhyun na wala na talaga, pinipilit niyang takasan ang katotohanan dahil hindi pa siya handa. Hindi man lang niya nasabi kay Chanyeol kung gaano niya kamahal ang asawa niya bago nito tuluyang ipikit ang mga mata niya.
"A-ang d-daya m-mo, C-Chanyeol hyung," wasak ang boses ni Sehun habang niyayakap si Baekhyun ng sobrang higpit. "H-hindi pa nga t-tayo ganun kaclose, e-eh."
"Baekhyun, tara na. Pumasok na tayo sa loob. Malamig dito," pero hindi nakinig si Baekhyun at nanatiling mahigpit na nakayakap sa walang buhay na katawan ng asawa niya.
"H-hindi, Suho hyung! N-natutulog lang si C-Chanyeol! G-gigising din s-siya maya-maya," umiling na lang si Yixing kay Suho dahil hindi na humihinga si Chanyeol. Wala na talaga. Pero pinili nilang samahan na lang doon si Baekhyun dahil alam nilang nahihirapan ito ngayon kasi hindi naman talaga magiging handa si Baekhyun sa pag-alis ni Chanyeol, hinding-hindi.
"C-Chanyeol, gising na, dali n-na," napahikbi na lang ng sobrang lakas si Tao kaya nilayo na siya ni Kris kay Baekhyun. Mas lalo lang kasing lumalakas iyong pag-iyak ni Baekhyun dahil sa kanya.
"Sehun, halika na. Iwan na muna natin sila dito," at dinala ni Luhan sa loob ng bahay si Sehun, gano'n din ang ginawa ni Kyungsoo kay Jongin at sumunod naman ang iba. Nagpa-iwan lang si Minseok at Suho na tahimik na pinapanood ang kaibigan kung paano mawasak ang mundo nito.
"H-hyung, b-bakit a-ayaw d-dumilat n-ni C-Chanyeol?" Parang batang tanong ni Baekhyun sa mga nakakatanda pero mas lumakas pa ang pag-iyak niya nang umiling ito ng sabay sa kanya.
"Baekhyun, alam naming mahirap, pero gusto naming kayanin mo. Hindi ka namin iiwan hanggang sa maghilom ang mga sugat mo," pero hindi nakatulong iyon para mapagaan ang loob ni Baekhyun. Alam niya sa sarili niya na walang sinoman ang makakapagpagaan ng loob niya ngayon.
Dumating ang kinabukasan at mabilis ding inayos ng pamilya Park ang paglilibing kay Chanyeol. Ayaw na nilang patagalin pa ang paghihirap nila kaya napagpasyahan na lang nila na saglit na iburol ang mga labi ni Chanyeol sa mansyon at nilibing din nila kinahapunan.
Nakahiga lang si Baekhyun ngayon sa higaan nilang mag-asawa habang yakap-yakap ang litrato ni Chanyeol at tahimik na umiiyak. Wala pa siyang tulog simula kagabi at hindi niya alam kung ano na bang itsura niya ngayon dahil sa walang humpay na pag-iyak.
"Chanyeol," malungkot na sambit nito at hinalikan ang litrato ng asawa.
Noong mga panahon na sinabihan siya ni Chanyeol na magpakatatag siya ay parang ang bilis lang gawin pero ngayong nasa sitwasyon ka na pala ay sobrang hirap panindigan. Ang hirap magpakatatag kung wala ka ng rason para mabuhay pang muli.
Umihip ng malakas ang hangin at may nilipad na papel sa tabi ni Baekhyun, pagtingin niya, napangiti siya ng mapakla dahil doon nakasulat iyong bucket list na ginawa ng asawa niya. May mga kadugtong na sulat iyon:
1. Marry him, again.
Grabe ang epic ng nangyari ngayong araw na ito. Ako iyong may plano ng pa-suspense effect na pagdating ni Baekhyun sa simbahan pero halos lagutan ako ng hininga noong sinabi ni Luhan hyung na pinasinghot ni Sehun ang asawa ko ng pampatulog. Loko talaga iyong si Maknae. Tsk.
2. Sunrise with him.
Dapat talaga pati sunset kaso noong nagising ako gabi na. Binatukan pa nga ako ni Baekhyun pagkagising ko dahil akala niya raw patay na ako kasi ang tagal ko ng tulog at hindi niya rin ako magising.
3. Decorate a Christmas tree with him.
Masaya ako kasi first time ko lang mag-decorate nito. Noong bata kasi kami ni Yoora noona hindi naman kami pinapayagan nila Mommy at Daddy na gawin iyon dahil masyado raw delikado. Kaya kahit na nako-konsensya ako dahil si Baekhyun iyong gumagawa ng mga mabibigat na bagay, masaya pa rin kasi siya yung kasama ko sa pag-gawa ng Christmas tree. Hohoho.
4. Go back to the Philippines and spend Christmas with our friends.
5. Cuddle all-night long.
Hagulgol si Baekhyun dahil walang entry si Chanyeol sa pang-apat at panglima nitong lista kasi madaling araw ng Pasko ito namatay.
December 25. Isang araw na masaya sana para sa kanila pero Araw ng Pasko ngayon at nagda-dalamhati sila. Mas lalo namang napahagulgol si Baekhyun nang ma-realize niyang ito ang unang Pasko niya kasama si Chanyeol at hindi niya alam na magiging huling Pasko na rin. Napakunot ang noo ni Baekhyun nang makita niyang hindi nabura ng maayos ni Chanyeol iyong pang-anim na lista niya at hindi naman nagdalawang-isip si Baekhyun nang mapagtanto niya kung ano iyon at dali-daling nag-empake ng mga gamit niya kasi may alam siyang lugar na makakatulong sa kanya para tuparin ang huling kahilingan ng asawa.
"Gagawin ko, Yeol."
Bucket List 6 THIS SOUNDS SO SELFISH BUT I WANT HIM TO BE WITH ME IN THE AFTER LIFE ASAP
"Mama, Papa, Baekbom hyung, sorry po," paghingi ng tawad ni Baekhyun sa mga magulang at sa kuya niya habang nakaratay siya sa isang puting kama. Hagulgol ang Mama ni Baekhyun habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng anak niya na ngayon ay handa ng wakasan ang buhay.
"Baekhyun, sigurado ka na ba sa gusto mo?" Tanong ng Papa niya na nakaupo lamang sa tabi ni Baekbom na ngayon ay tahimik lamang na nakayuko.
"Opo, Papa. Pasensya na po talaga. Hindi ko na po kasi talaga kayang magpatuloy. Napaka-selfish ko po para baliwalain ang presensya at tulong niyo para makabalik ako sa dati pero hindi ko na po talaga kaya, Papa," pumikit si Baekhyun at nakita na naman niya sa isipan ang itsura ng asawa niya na nalagutan ng hininga sa mga bisig niya noong isang araw.
Nasaan ba sila ngayon? Noong nabasa ni Baekhyun ang huling hiling ng asawa ay hindi na siya nag-atubili pa at mabilis na nagpa-book ng flight papuntang Switzerland. Sinubukan siyang pigilan ng mga kaibigan at kapamilya niya pero buo na talaga ang loob ni Baekhyun. Muntik pa siyang hindi tanggapin sa pasilidad na ito dahil hindi sapat ang rason niya para kusang magpakamatay sa pinakamainam na paraan pero pinakiusapan na lang ng mga magulang niya ang mga nakakataas dito. Labag man sa kalooban ay sinamahan pa rin ng mga kapamilya niya si Baekhyun sa pagpunta Dignitas—isang organisasyon sa Zürich, Switzerland na tumutulong sa mga taong gusto ng mamatay sa pinakamabilis na paraan pero kaylangan nilang magkaroon ng sapat na rason kung bakit nila gustong lisanin na ang mundo.
Nakatakda na ipainom kay Baekhyun ang isang antiemetic drug at powdered pentobarbital substance na tutunawin sa tubig o kahit anomang uri ng fruit juice. Ang nasabing substansya ay nakakapagpa-depress ng Nervous System ng isang tao dahilan para makaramdam ito ng matinding pagkahilo at pagkaantok sa loob ng limang minuto pagtapos inumin ito at paglipas ng tatlumpung-minuto na pag-inom nito ay tuluyan ng mamatay ang isang tao dahil sa respiratory arrest.
"Good evening, sir. It's already time," isang mahigpit na yakap ang ipinaubaya ni Baekhyun sa mga magulang at sa kuya niya.
6:27 PM. Iyan ang napiling oras ni Baekhyun dahil yan ang pinagsamang araw ng birthday nila ni Chanyeol. Malungkot man sa gagawing paglisan, masaya pa rin si Baekhyun dahil hindi na tatagal pa ang paghihirap niya at makakasama niya na sa kabilang buhay ang asawa niya.
Unti-unti ng tinatanggap ng sistema ni Baekhyun ang likidong pinapainom sa kanya at nararamdaman niya na rin ang pagbigat ng talukap ng mga mata niya. Pero bago pa man ito sumara ay nasilayan niya ang malungkot na mukha ng mga magulang at kuya niya.
"P-paalam."
"Baekhyun!" Huling sigaw ng Mama ni Baekhyun at tuluyan nang sumara ang mga mata nito.
Makalipas ang tatlumpung minuto na mahimbing na pagtulog ni Baekhyun at walang humpay na pag-iyak ng mga magulang niya at ni Baekbom, binanggit na ng doktor ang mga salita na tuluyang nagpaguho ng mundo ng buong pamilya Byun.
"Park Baekhyun. Time of death 6:27 PM. December 27."
W A K A S.
For Chanyeol and Baekhyun, always.
UNTOUCHABLE B
A/N: First of all, Dignitas is true, you can search on Google if I made you curious about it.
Second, Secretly Dating Byun Baekhyun is already posted! Check my account and you'll find it there, sana suportahan niyo iyon katulad ng gaano kainit ang pagsuporta niyo dito sa Untouchable B. I promise, hindi na angst ang story na iyon pero kahit papaano ay may mix pa ring ng kaunting angst.
Third, thank you! Thank you sa mga sumubaybay sa story na ito hanggang dulo. Utang ko sa inyo ang lahat and sorry kung may mga napaiyak man ako na readers. Believe me, umiiyak din ako simula noong Tuesday hanggang ngayong umaga habang tina-type ito. Attached na ako sa story na ito kaya masakit sa akin na pinatay ko ang dalawang lead characters ko pero oh well, babawi talaga ako sa SDBB.
Fourth, wala na pong special chapters. Ito na ang last part ng Untouchable B. Maraming salamat talaga sa pagsama sa journey ni Baekhyun at ni Chanyeol sa istoryang ito. Love you guys! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro