September 2022 (i) Panayam kay owielooves
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
'Owieloves' ang tawag sa akin ng college friends ko. I don't know why. Maybe, it sounded good to them? But when I created a new Wattpad account a few years ago, 'yung nickname na 'yon 'agad ang unang pumasok sa isip ko. I said, "I could use it as my pen name 'coz I love writing." That's where it all started; I just kept it simple and easy to remember.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
I think Good vs Evil would be great. I've always wanted to write a fantasy novel, which means I have to be more creative as possible. Madali lang naman kasi mag-isip ng plot, pero may times na nahihirapan ako pagdating sa pag-e-execute. It is indeed challenging for me, so I'm honing my writing skills to write one someday.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
For me, it's always the introduction. I can fix the grammar and typos, or edit the story once it's done; but with the introduction, there's no way back. No matter how good the flow of the story is, the readers wouldn't be able to read it anyway 'coz the intro isn't captivating enough to make them flip to the next page.
4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Five years from now, napa-self published ko na 'yung Chasing Dreams Series. Plano ko nang gawin 'yon at nais kong isakatuparan sa tamang panahon.
5. Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsulat ng iyong kwento na " Always Coming Back"?
'Always Coming Back' has, and will always have, a special place in my heart. Ito kasi 'yung naging stepping stone para mas makilala ng nakararami ang mga akda ko. But what inspired me to write it was very simple; the title itself is my comfort song by my favorite Japanese rock band, ONE OK ROCK. Aside from that, I can also relate with the female lead who loves to sing but is too shy to perform in front of people.
6. Sa Buwan ng Setyembre ipinagdiriwang ang International Day of Peace. Para sa iyo, anong character or lugar sa iyong mga kwento ang nagbibigay sa iyo ng peace of mind? Bakit?
Dalawang character ang nagbibigay sa akin ng peace of mind. The first one is Olga; I find her so cool and different from the other female characters that I've written before. And there's Marcus, my ideal man. Sila ang mga bida sa Gunned Down. Maraming mabibigat na scenes doon, but when they're together—I don't know they just gave me that feeling of how good it is to be in love and be loved in return. Sa lugar naman, ilang beses kong nabanggit sa Always Coming Back 'yung fictional place na Tagay Pub (sounds like Tagaytay). It's the perfect spot to chill out and at the same time, makinig sa live acoustic session.
7. Para sa iyo, ano ang iyong kryptonite kapag ikaw ay nagsisimula sa bago mong kwento?
Siguro, maituturing kong weakness ang pagiging pantser writer ko. I don't really have a schedule to follow; ako 'yung tipong magsusulat lang kapag gusto ko. At madalas kong nagiging problema 'yon sa pagsisimula o pagpapatuloy ng istorya ko kasi may instances na inaabot ng isang taon bago ko matapos 'yon. It's something that I've been wanting to fix. 'Buti na lang matiyaga sa paghihintay ng updates ang readers ko.
8. May plano ka bang magsulat ng kuwento sa genre na hindi mo pa nasusulat? Kung pagbibigyan ka ng pagkakataon, anong genre ito at bakit?
Sa totoo lang, bilib na bilib ako sa co-writers ko na forte ang pagsusulat ng fantasy at horror stories. The fact that they could come up with such ideas, plus there are a lot of elements going on in every story, really amaze me. Noon pa man plano ko na talagang magsulat ng gano'n kasi gusto kong i-challenge ang sarili ko, but I'm not quite there yet.
9. Ano ang inyong motto pagdating sa pagsusulat? Bakit mo ito naging motto?
Simple lang naman ang motto ko: "It's now or never". Kapag kasi nakakaranas ako ng writer's block, I tend to rest for a few days that I'd be lazy to continue writing even when I have time to do so. So, nag-iiwan na lang ako ng ilang words sa draft para naman masasabi kong may progress 'yung chapter na isinusulat ko. In that way, mas madaling bubuhos ang ideas kasi may nasimulan na ako kahit paano.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Ang payo ko sa mga bagong manunulat ay 'wag kayong makikinig sa mga taong pilit kayong hinihila pababa. Nagsisimula pa lang kayo kaya ang sarili n'yo lang ang makakatulong sa inyo. Walang readers? Let it be. Darating din naman ang time na dadami ang inyong mga mambabasa at mabibigyan kayo ng malaking opportunity 'gaya ng nangyari sa akin sa tulong ng Wattpad. Never doubt yourselves. Trust the process and wait for your turn. Also, do some research and don't just write.
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
To my dearest readers, I'm forever grateful to all of you. Thank you for motivating me and for always supporting my works. Mahal ko ang pagsusulat at minahal ninyo ang mga isinulat ni owielooves. Kasama ninyo ang mga akda ko sa tuwing nagpapahinga pagkatapos ma-stress sa acads. O 'di kaya, pampatulog ninyo sa gabi matapos ang mahaba at nakakapagod na araw. At bilang kapalit, mas lalo ko pang paghuhusayan ang pagsusulat. Salamat sa inyong pagtitiwala! Mahal ko kayong lahat.
1. Malinaw o malabo?
Malinaw
2. Direct Message sa Twitter o Private Message sa Messenger?
PM sa Messenger since I don't have a Twitter account lol
3. Toilet Paper o Wet Wipes?
Both 'coz I use them every day
4. Libreng meryenda o Libreng Pananghalian?
Libreng meryenda
5. Makabagong teknolohiya o Lumang Paraan?
Makabagong teknolohiya
6. Orihinal o Adaptasyon?
Orihinal
7. Stripes o Checkered?
Checkered
8. Bulaklak o Love letters?
Love letters
9. Bida o Kontrabida?
Bida
10. Love life o Career?
I'm in a healthy relationship and I'm doing great as a writer, so both.
11. Maging Direktor sa isang Pelikula o Maging Editor sa isang Kuwento?
Maging direktor ng isang pelikula
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro