Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25: Familiar

Raze's Point of View

Pinagmasdan ko ang galaw ng goldfish na nasa aquarium dito sa opisina ko. I should be working on the papers but the hell I am addicted to this fish. Hindi ba sya nahihilo? Paikot-ikot lang syang lumalangoy.

Bakit hindi sya lumolobo? Hindi ba dapat ay marami na syang tubig na nainom? Teka, nauuhaw din ba ang mga isda? Eh natutulog? Bigla akong natawa nung naimagine ko na baka 'pag natulog ang isda ay matangay sya ng rumaragasang tubig.

"Meow."

Napatingin ako kay Dark na nakaupo sa sofa. Ang kulay berdeng mata nito ay masamang nakatingin sa akin.

"Are you jealous?" Tanong ko. Humiga ito sa sofa at pinikit ang mata. "Hays." Kumuha ako ng pagkain ng isda at binuhos sa aquarium.

"Baka mamatay ang isda sa ginagawa mo."

"Edi 'pag busog na sya huwag na syang kumai--- Baby?!" Napaayos ako ng upo nang makita si Allison na nasa tabi ni Dark at hinihimas ang balahibo nito.

Bigla akong may naalala sa kanya kaya mabilis kong ipinilig ang aking ulo at halos iumpog dahil pilit na bumabalik ang mga alalang 'yon.

"Lahat ng sobra ay nakakamatay."

"Eh paano ang pagmamahal ko sa'yo? Nakakamatay din ba?" Tanong ko.

Nag-iwas ito ng tingin at binalingan na lang si Dark na humiga sa kanyang lap. Baliw ba ako 'pag sinabi kong nagseselos ako? Sana ako na lang si Dark.

"H-Hindi mo na ata ako ginugulo." Bulong nito na ikinalawak ng ngisi ko.

"Just busy, baby. Don't be jealous."

Natawa ito. Napakurap pa ako nang ilang beses dahil tawa talaga 'yon. She's laughing at walang halong panunuya roon. Naniningkit ang mata nito.

Am I really in love with her? O nakikita ko lang sa kanya ang babaeng 'yon? No. Imposibleng mainlove ako agad sa kanya dahil alam kong siya pa rin ang laman ng puso ko. It's not easy to let go. She's my first.

"Hey, Dark. Missed me?"

Biglang tumalon si Dark papunta sa kanyang ulo na ikinatawa nito. For the nth time, nakikita ko sa kanya si Samantha. Damn! This is insane! Ugh! Wake up, Raze. Wala na sya... Kalimutan mo na sya...

"Bakit ka napa rito?" Tanong ko.

"W-Wala lang. G-Gusto ko lang sanang humingi ng despensa sa lahat ng nagawa ko sa'yo. Sa mga pananakit ko sa'yo. Sa pang-iiwan ko sa'yo. At sa paglilihim ko."

Natahimik ako matapos marinig ang mga 'yon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may ibig pa syang sabihin ron na itinatago nya sa bawat linya. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

"Wala 'yon. Ano ka ba!"

"Are you really in love with me?" Isang tanong mula sa kanya na nagpatahimik sa akin.

I don't know what to say. Wala akong mahanap na isasagot. Hindi ako sigurado. Inaamin kong inaasar ko lang sya pero ngayon ay nalalabuan na ako. Nabihag na naman ba ako? Nakipaglaro ba ako sa apoy? Natupok na naman ba ako? Am I stuck, again?

"You don't have to answer me." Tumawa ito ng mapakla. "Alam ko na ang sagot kaya please lang... Huwag mo na lang pansinin." Pakiusap nito.

Nanatili itong nakayuko at hinahaplos ang balahibo ni Dark na nakahiga na muli sa kanyang hita.

"It's funny... Akala ko wala na pero bumalik." Bulong nito. "Would you forgive me if ever?" Tanong nya.

"Forgive, what? Teka, ano bang sinasabi mo Allison?"

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mata nung binanggit ko ang kanyang pangalan. Bakit ba? Naguguluhan na naman ako.

"God! Minahal kita, Lux."

Napanganga ako. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko dahil parang nawawala ako sa aking sarili. Nagwawala ang buong katawan ko sa pangunguna ng aking puso.

"At patuloy na minamahal..."

"Nagbibiro ka lang, 'di ba?" Tanong ko dahil 'yon ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko ay pinaglalaruan nya lang ako. Pakiramdam ko ay binibiro nya lang ako o pinagtitripan kasi ganon naman sya lagi e.

"Sana nga... Pero hindi." Tumayo ito at pinunasan ang kanyang luha sa mga mata bago ngumiti ng mapait. "Mauuna na ako." Wika nito.

Lumapit ako sa kanya. Nanatili sya sa kanyang pwesto. Naaakit ako ng kanyang mga mata. Nawawala ako sa huwisyo.

"R-Raze..."

Ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang bewang at pinagdikit ang aming katawan. Isang malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa mga natutulog kong ugat. Pakiramdam ko ay nagising ang buong pagkatao ko na matagal na nahimbing.

"R-Raz---" Mabilis na sinunggaban ko ang kanyang labi. Humigpit ang kapit ng aking mga kamay sa kanyang bewang pataas sa kanyang likod.

Sa una ay alam kong nabigla sya sa akin ngunit hindi kalauna'y sumagot ito sa aking mga halik. Shit! Anong klaseng pakiramdam ito? Parang naramdaman ko na ito.

Lumalim ang aming halik hanggang sa bumagsak kami sa sofa. Pumaibabaw ako sa kanya at mas idiniin ang aking labi sa kanya.

Mahinang kinagat ko ang kanyang pang-ibabang labi.

Familiar...

Kusang gumalaw ang aking kamay papunta sa kanyang dibdib. Naramdaman kong nabigla ito sa ginawa ko ngunit hindi nya magawang pumalag.

Nawawala kami sa aming sarili at parang may sarili buhay ang aming katawan.

Damn! I couldn't stop anymore. All I need right now is her... with me. Is it love?

Habang mas nagiging mapusok kami ay may napapagtanto ako.

It's familiar. Her lips. Her touch. This feeling.

"Samantha..."

Isang sampal ang dumapo sa aking pisngi 'pagkasabi ko no'n. Parang natauhan naman ako para mabilis na umalis sa kanyang ibabaw. Nakita ko ang mga luhang umaagos sa kanyang mata.

Umayos ito ng upo at muling ibinutunes ang kanyang blouse. Parang hindi ako makahinga at ramdam ko pa rin ang kanyang labi sa akin. Pero, kakaiba.

Tumayo ito.

"Hanggang ngayon, siya pa rin." Bulong nito bago lumabas.

Naiwan akong tulala at hindi alintana ang ginaw dahil wala na akong saplot pang itaas.

What was that?

***

Allison's Point of View

Matapos ang ilang taong pagpapanggap. Naramdaman ko na naman. Nasasaktan na naman ako. Akala ko manhid na ako. Akala ko wala na ngunit akala ko lang pala kasi ang totoo ay hindi ko lang gustong aminin.

Kasi alam kong sya pa rin. Sya pa rin ang tinitibok ng puso ko. It's still him. Siya pa rin.

Pinunasan ko ang luha sa aking mata at pumunta sa parking lot. Nadala na naman ako sa aking emosyon. God! Hanggang kailan ba ako magpapakatanga? Paano nya ako mamahalin? O magagawa nya pa ba akong mahalin dahil sa nagawa ko? Kasusuklaman nya kaya ako?


Natigilan ako nang makita ang isang babaeng nakasandal sa aking kotse. Ang malalim na mata nya ay nakatingin sa akin. Parang binubusan ako ng malamig na tubig. Nawalan ako ng salitang bibigkasin.

"Miss me?" Ngumisi ito.

Gusto kong lumapit para yakapin ka. Gusto kong humingi ng paumanhin kahit na malabong mapatawad mo ako. Malabo na ang lahat.

"You are such a great pretender." Tumawa ito.

Natutop ako sa kinatatayuan ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa ganito pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Sa sobrang sakit ay parang nawawalan na ako ng pakiramdam.

"I'm sorry..."

"Sorry?" Tumawa ito at lumapit sa akin. Inayos nito ang aking buhok sa likod ng tainga ko. "Sa tingin mo, makukuha mo ako sa isang sorry lang?" Bulong nito.

Nanlambot ang tuhod ko. Hindi ko na sya makilala. Kahit na nasa harap ko na ang kapatid ko, nangungulila pa rin ako kasi parang hindi na sya ang kapatid ko.

Nasan na ba si Zein?

"Patay na si Zein." Bulong nito. "Pinatay nyo sya." Dugtong pa nito.

Hindi na ako nakapagsalita ng tuluyan. Kinakapos ako ng hininga. Pakiramdam ko ay sinasakal ako ng mga salita nya. Masakit? Hindi sapat ang salitang 'yon sa nararamdaman ko. It's more than painful.

Pero, ano bang magagawa ko? Kasalanan ko. Ako ang gumawa nito sa kanya. Kung alam mo lang sana...

"Paano 'pag nalaman ni Raze?" Kumirot ang puso ko sa tinuran nya. "Pagkatapos mo akong paikutin, si Raze naman ngayon. Ganon ka ba talaga kadesperadang pagtakpan ang kademonyohan mo?" Isang sampal ang inabot nya sa akin ngunit hindi nya 'yon ininda bagkus ay ngumisi pa ito.

"Wala kang alam sa tunay na nangyari! At kung meron man..." Tumawa ako. "Hindi lahat." Dugtong ko.

May importanteng piraso akong itinatago kaya kahit na anong gawin nila... hindi nila ako maiintindihan.

"Ano ba ang dapat kong maintindihan? Na traydor ka? Na mamamatay tao ka? Taksil? Walang kwentang kapatid?"

"Tama na!"

Humalakhak ito. Hindi ko inakalang magiging ganito sya kagrabe. Kinakain sya ng poot. Nawawala sya sa liwanag. At oo, kasalanan ko.

Anong nagawa ko? Shit!

"Tama na? Sana inisip mo 'yan noon." Natatawa nyang sabi. "Hindi ngayon na huli na. Handa ka na bang pagbayaran lahat?" Tanong nya.

Matapang na sinabayan ko ang kanyang titig. Ang malamig na mata nito ay tumatagos sa akin. Natawa ako.

"Hindi lang ako ang nagpapanggap sa larong ito, Zein." Hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Bakit kailangan mong magpanggap na demonyo gayong hindi mo kaya?" Tanong ko.

Nakikita ko pa rin sa kanyang mata ang kapatid ko ngunit mas pinipili nya lang na maging ganito.

"Magpapanggap ako hanggang sa maghirap ka... Ate Allison."

Hindi na ako nakapagsalita sa mga sandaling 'yon. Nanalalabo na rin ng husto ang aking mata dahil sa luha.

"Zein, let's go. May gagawin pa tayo."

Napatingin ako sa lalaking nasa likod ni Zein. Napangiti na lang ako nang makita ang nanlilisik nyang mata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro